Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

494 Sundin ang Gawain ng Banal na Espiritu at Makakatahak Ka sa Landas Tungo sa Pagiging Perpekto

1 Ang Banal na Espiritu ay hindi lamang gumagawa sa ilang mga tao na ginagamit ng Diyos, kundi lalong higit pa sa iglesia. Maaari Siyang gumawa sa kahit kanino. Maaari Siyang gumawa sa iyo para sa kasalukuyan, at kapag naranasan mo na ito, maaari Siyang susunod na gumawa sa iba pa. Magmadali ka na sumunod; habang sinusundan mo nang mas maigi ang kasalukuyang liwanag, mas lalago ang iyong buhay. Anumang uri siya ng tao, hangga’t ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa kanya, tiyakin sumunod. Kunin mo ang kanyang mga karanasan sa iyong sarili, at tatanggap ka ng mas mataas pang mga bagay. Sa paggawa ng ganoon ay uunlad ka nang mas mabilis. Ito ang landas ng pagperpekto para sa tao at isang paraan kung saan ang buhay ay lumalago.

2 Ang landas patungo sa pagkaperpekto ay naaabot sa pamamagitan ng iyong pagsunod sa gawain ng Banal na Espiritu. Hindi mo alam kung sa pamamagitan ng anong uri ng tao gagawa ang Diyos upang gawin kang perpekto, ni sa pamamagitan ng anong tao, pangyayari, o bagay na bibigyan ka Niya ng kakayahan na pumasok tungo sa pag-aangkin at pagtatamo ng kaunting kabatiran. Kung nakakaya mong lumakad tungo sa tamang landas na ito, nagpapakita ito na mayroong malaking pag-asa na ikaw ay magawang perpekto ng Diyos. Kung hindi mo kaya, nagpapakita ito na ang iyong kinabukasan ay malungkot at walang liwanag. Sa sandaling mapunta ka sa tamang landas, makakatamo ka ng pahayag sa lahat ng bagay. Anuman ang maaaring ibunyag ng Banal na Espiritu sa iba, kung ikaw ay sumusulong batay sa kanilang kaalaman para danasin ang mga bagay-bagay sa iyong sarili, kung gayon ang karanasang ito ay magiging bahagi ng iyong buhay, at makakaya mong tustusan ang iba mula sa karanasang ito.

3 Anuman ang maaaring ibunyag ng Banal na Espiritu sa iba, kung ikaw ay sumusulong batay sa kanilang kaalaman para danasin ang mga bagay-bagay sa iyong sarili, kung gayon ang karanasang ito ay magiging bahagi ng iyong buhay, at makakaya mong tustusan ang iba mula sa karanasang ito. Yaong mga nagtutustos sa iba sa pamamagitan ng pag-uulit ng mga salita ay mga taong hindi nagkaroon ng anumang mga karanasan; dapat kang matutong humanap, sa pamamagitan ng kaliwanagan at pagpapalinaw ng iba, ng daan ng pagsasagawa bago ka makakapagsimulang magsalita tungkol sa iyong sariling tunay na karanasan at kaalaman. Ito ay magiging mas malaking pakinabang para sa iyong sariling buhay. Dapat kang dumanas sa ganitong paraan, sumusunod sa lahat ng nanggagaling sa Diyos. Dapat mong hanapin ang kalooban ng Diyos sa lahat ng bagay at pag-aralan ang mga aralin sa lahat ng bagay, nang ang iyong buhay ay lumago. Ang ganitong pagsasagawa ay nagdudulot ng pinakamabilis na pag-unlad.

Hango sa “Yaong mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Sumunod sa mga Salita ng Diyos para Magkaroon ng Wastong Kaugnayan sa Iba

Sumunod:Lahat ay Kumakapit sa Diyos sa Kaibuturan ng Kanilang Espiritu

Baka Gusto Mo Rin