Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

511 Paano Pumasok sa Realidad ng mga Salita ng Diyos

Bilis

511 Paano Pumasok sa Realidad ng mga Salita ng Diyos

1 Yaong mga tunay na ginugugol ang kanilang mga sarili para sa Diyos ay naglalagay ng kanilang buong mga pagkatao sa harap Niya. Tunay nilang sinusunod ang lahat ng Kanyang mga pagbigkas, at nagagawa nilang isagawa ang Kanyang mga salita. Ginagawa nilang saligan ng kanilang pag-iral ang mga salita ng Diyos, at nagagawa nilang tunay na hangarin ang mga bahagi ng pagsasagawa sa salita ng Diyos. Ito ay isang tao na namumuhay sa harap ng Diyos. Kung ang iyong ginagawa ay kapaki-pakinabang para sa iyong buhay, at sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, matutugunan mo ang iyong mga panloob na pangangailangan at mga kakulangan para magbago ang iyong disposisyon sa buhay, kung gayon ito ay magpapalugod sa kalooban ng Diyos.

2 Kung ikaw ay kikilos alinsunod sa mga kinakailangan ng Diyos, kung hindi mo napapalugod ang laman ngunit napapalugod ang Kanyang kalooban, ito ay pagpasok sa realidad ng Kanyang mga salita. Kapag pinag-uusapan ang tungkol sa mas makatotohanang pagpasok sa realidad ng mga salita ng Diyos, nangangahulugan ito na kaya mong gampanan ang iyong tungkulin at napapalugod ang mga kinakailangan ng Diyos. Tanging ang ganitong mga uri ng mga pagkilos ang maaaring tawaging pagpasok sa realidad ng Kanyang mga salita. Kung ikaw ay makapapasok sa realidad na ito, kung gayon taglay mo ang katotohanan. Ito ang simula ng pagpasok sa realidad; kailangan mo munang ipatupad ang pagsasanay na ito at pagkatapos lang ng gayon saka ka makapapasok sa mas malalim na mga realidad.

Hango sa “Ang mga Tao na Maaaring Walang Pasubali na Masunurin Tungo sa Praktikalidad ng Diyos ay Yaong mga Tunay na Umiibig sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Ang Layuning Dapat Taglayin ng Tao sa Kanilang Pananalig sa Diyos

Sumunod:Ang Landas sa Paghahanap ng Katotohanan

Baka Gusto Mo Rin