1 Awit ng Kaharian
(I) Bumababa ang Kaharian sa Mundo

Kaharian ng Diyos dumating sa lupa;

persona ng Diyos puno’t mayaman.

Sinong titigil at ‘di magsasaya?

Sinong tatayo at ‘di sasayaw?

O Zion, itaas ang bandila ng tagumpay

upang magdiwang para sa Diyos.

Awitin ang iyong awit ng tagumpay

upang ipalaganap ang Kanyang ngalang

banal sa buong mundo.

Di mabilang na tao pumupuri sa Diyos

at tinataas ngalan N’ya.

Tinitingnan nila mga gawa N’ya.

Ngayon kaharian N’ya’y dumating sa lupa.


Lahat ng bagay sa mundo,

gawing malinis ang mga sarili ninyo;

halina’t mag-alay sa Diyos.

Mga tala, bumalik kayo sa pugad ninyo sa langit,

ipakita ang lakas ng Diyos sa kalangitan.

Sa lupa mga boses umaawit,

bumubuhos walang hanggang pag-ibig

at walang hangganang paggalang sa Diyos.

Mainam na nakikinig Siya sa kanila.

Di mabilang na tao pumupuri sa Diyos

at tinataas ngalan N’ya.

Tinitingnan nila mga gawa N’ya.

Ngayon kaharian N’ya’y dumating sa lupa.


Sa araw na yaon lahat mabubuhay ulit,

ang persona ng Diyos mismo ang bababa sa mundo.

Mga bulaklak mamumukadkad sa tuwa,

mga ibo’y umaawit at lahat nagbubunyi.

Tingnan ang kaharian ni Satanas niyapakan,

di na babangon, nalunod sa awit ng papuri.

Di mabilang na tao pumupuri sa Diyos

at tinataas ngalan N’ya.

Tinitingnan nila mga gawa N’ya.

Ngayon kaharian N’ya’y dumating sa lupa.


Sino sa mundo ang papalag?

Kapag tumatayo ang Diyos sa gitna ng mga tao,

dala’y galit at kapahamakan sa lupa.

Mundo’y naging kaharian ng Diyos.

Mga ulap gumugulong sa langit,

mga lawa’t batis umaawit ng masayang himig.

Mga hayop aalis sa kweba nila,

at tao ay pinupukaw ng Diyos

mula sa kanilang mga panaginip.

Ngayon, ang inaasam na araw dumating na,

lahat umaawit ng papuri sa Diyos,

pinakamagandang awitin sa lahat.

Di mabilang na tao pumupuri sa Diyos

at tinataas ngalan N’ya.

Tinitingnan nila mga gawa N’ya.

Ngayon kaharian N’ya’y dumating sa lupa.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Awit ng Kaharian

Sumunod: 2 Awit ng Kaharian
(II) Dumating na ang Diyos at Naghahari

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Kaugnay na Nilalaman

147 Awit ng Taos-pusong Pagkapit

ⅠNarito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.Dunong N’ya at pagkamat’wid ay aking mahal.Nakita’t...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messenger