94. Ang mga Kahihinatnan ng Pagpili sa Madadaling Gampanin at Pag-iwas sa Mahihirap na Gampanin sa Tungkulin

Ni Xiaole, Tsina

Noong Oktubre 2023, isinaayos ng mga lider na gumawa ako ng mga special effect. Noong una, natutunan ko lang ang ilang pangunahing operasyon, at hindi ito nangangailangan ng gaanong teknikal na kasanayan. Pagkatapos mag-aral, mabilis akong nakagawa ng ilang effect. Para makagawa ng mas maganda at mas makatotohanang mga special effect, kailangan kong matuto ng mas marami pang teknik. Pero may mga alalahanin ako, “Medyo mahirap ang mga teknik na ito, at hindi ako sigurado kung matututunan ko ang mga ito.” Kalaunan, habang pinag-aaralan ko ang mga tutorial, may ilang operasyon na natatandaan ko noong una pero nakalimutan ko rin kalaunan. Minsan, hindi ko maintindihan ang mga punto sa tutorial, kaya hirap akong matutunan ang mga iyon. Pagkatapos mag-aral sa loob ng isang panahon, naramdaman kong masyado itong nakapapagod sa isip, kaya gusto ko nang umatras. Noong panahong iyon, nakita ko ang isang brother sa pangkat na nag-aaral ng graphic design, at naisip ko, “Bakit hindi isinaayos ng superbisor na ako ang gumawa ng graphic design? Napag-aralan ko na ito dati, kaya mas madali para sa akin na magsimula kung ako ang gagawa nito, at sa ganitong paraan, mas gagaan ang trabaho ko.” Kalaunan, sinabi ko sa brother ang mga iniisip ko, pero sabi niya ay kulang ang mga taong gumagawa ng mga tungkulin sa special effects, kaya iminungkahi niya na ipagpatuloy ko ang pag-aaral ng special effects. Naisip kong makatwiran naman iyon, kaya nagpasya akong ipagpatuloy ang pag-aaral. Pagkalipas ng dalawa o tatlong buwan, nakapag-aral ako ng ilang tutorial at nagsimulang gumawa ng mas mahihirap na special effect. Kapag nakatatagpo ako ng problema, hindi na ako nag-aabalang magsaliksik, at dumederetso na lang ako sa brother na nakikipagtulungan sa akin. Matiyaga akong pinapaliwanagan ng kapatid, at mabilis na nalulutas ang problema. Naisip ko, “Sa susunod, kapag nagkaproblema ako, hihingi na lang ako ng tulong sa katuwang ko. Mas madali ang mga bagay-bagay sa ganitong paraan, at hindi ko na kailangang mag-alala o mag-isip nang masyado.” Kalaunan, tumigil na akong tumutok sa pag-aaral at pagsasaliksik sa mga teknikal na kasanayan, at karaniwan ay gumagawa na lang ako ng ilang simpleng special effect, kaya napakabagal ng pag-unlad ng mga kasanayan ko. Sa pagtatapos ng Marso 2024, kinailangan naming gumawa ng isang mas komplikadong special effect, at naisip ko, “Medyo mahihirapan bago ito magawa. Kakailanganin kong maglaan ng malaking pagsisikap para pag-aralan ang mga tutorial, at kakailanganin kong maghanap ng impormasyon mula sa iba’t ibang source, at mapapagod ako nang husto. Mas mabuti pang ipagawa ko na lang ito sa katuwang ko.” Kalaunan, nakita kong napahusay ng katuwang ko ang kanyang mga teknikal na kasanayan sa paggawa ng special effect na ito, habang ako naman, walang anumang pag-usad kaya medyo nakonsensiya ako at nakaramdam ng kaunting pagsisisi. Hindi gayon kagaling ang mga kasanayan ko sa simula pa lang, at kung nakipagtulungan lang sana ako nang maigi sa katuwang ko para pag-aralan ang ilang komplikadong special effect, napahusay ko rin sana ang ilan sa mga kasanayan ko.

Pagkatapos niyon, nagsimula akong mag-isip-isip, “Bakit ayaw na ayaw kong magsumikap na mag-aral, magsaliksik, at malampasan ang mga paghihirap sa tungkulin ko?” Nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na eksaktong tumutukoy sa kalagayan ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Isa ring malubhang isyu ang pag-iimbot sa mga kaginhawahan ng laman. Ano sa palagay ninyo ang ilang pagpapamalas ng pag-iimbot sa mga kaginhawahan ng laman? Anong mga halimbawa ang maibibigay ninyo mula sa mga nakita ninyo sa sarili ninyong mga karanasan? Kasama ba rito ang pagtatamasa sa mga pakinabang ng katayuan? (Oo.) May iba pa ba? (Ang pagpili sa madadaling gampanin kaysa sa mahihirap na gampanin kapag ginagawa ang mga tungkulin ng isang tao, at palaging pagnanais na piliin ang magaan na gawain.) Kapag gumagawa ng isang tungkulin, palaging pinipili ng mga tao ang magaan na gawain, ang gawaing hindi nakakapagod, at na hindi nila kailangang suungin ang panahon sa labas. Pagpili ito sa madadaling trabaho at pag-iwas sa mahihirap ang tawag dito, at pagpapamalas ito ng pag-iimbot sa mga kaginhawahan ng laman. Ano pa? (Palaging pagrereklamo kapag ang kanilang tungkulin ay medyo mahirap, medyo nakakapagod, kapag may kaakibat itong pagbabayad ng halaga.) (Pagkahumaling sa pagkain at pananamit, at sa mga kasiyahan ng laman.) Mga pagpapamalas lahat ito ng pag-iimbot sa mga kaginhawahan ng laman. Kapag nakikita ng gayong tao na masyadong matrabaho o delikado ang isang gampanin, ipinapasa niya ito sa iba; magaan na gawain lang ang mismong ginagawa niya, at nagdadahilan siya, sinasabing mahina ang kakayahan niya at na wala siyang kapabilidad sa gawain, at hindi niya kayang pasanin ang gampaning ito—pero ang totoo, ito ay dahil nag-iimbot siya ng mga kaginhawahan ng laman. Ayaw niyang magdusa, anumang gawain ang ginagawa niya o anumang tungkulin ang ginagampanan niya. … Dagdag pa, kapag gumagawa siya ng tungkulin, palagi siyang nagrereklamo tungkol sa mga paghihirap at ayaw niyang gumugol ng anumang pagsisikap, at sa sandaling magkaroon siya ng kaunting libreng oras ay nagpapahinga siya, nakikipagdaldalan, o nakikisali sa paglilibang at pagsasaya. At kapag dumarami na ang gawain at nasisira nito ang takbo at nakagawian niya sa kanyang buhay, hindi siya nasisiyahan at nakokontento rito. Nagmamaktol at nagrereklamo siya, at nagiging pabasta-basta siya sa paggawa ng kanyang mga tungkulin. Pag-iimbot ito sa mga kaginhawahan ng laman, hindi ba? … Angkop bang gumawa ng tungkulin ang mga taong nagpapakasasa sa mga kaginhawahan ng laman? Sa sandaling banggitin ng isang tao ang paksa ng paggawa sa kanilang tungkulin, o talakayin ang tungkol sa pagbabayad ng halaga at pagdanas ng paghihirap, iling nang iling ang ulo nila. Masyadong marami ang kanilang paghihirap, napakarami nilang mga reklamo, at puno sila ng pagkanegatibo. Walang silbi ang gayong mga tao, hindi sila kalipikadong gumawa ng kanilang mga tungkulin, at dapat silang itiwalag(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (2)). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang palaging pagrereklamo tungkol sa mga paghihirap, pag-atras kapag nahaharap sa mga problema sa aking mga tungkulin, at ang pag-iisip lamang na gawin ang madali at magaang mga gampanin ay pagpili sa madaling gawain at pagpapasasa sa kaginhawahan ng laman. Ang mga taong ayaw magtiis ng anumang hirap o magbayad ng anumang halaga ay hindi makagagawa ng anumang tunay na gawain. Ang mga taong ganito ay walang silbi at maaari lamang itiwalag. Ako mismo ang uri ng tamad na taong inilantad ng Diyos. Alam na alam ko na kulang sa tao ang tungkulin sa special effect, pero naisip kong masyadong nangangailangan ng pagsisikap ang pag-aaral sa kasanayang ito at masyadong nakapapagod sa isip, at sa tuwing may mga paghihirap ako, gusto kong umatras, ayaw kong magdusa at magbayad ng halaga para matuto. Nang makita ko ang isang brother sa pangkat na nag-aaral ng graphic design, naisip ko na dahil may karanasan ako sa larangang ito at hindi masyadong mahirap ang graphic design, gusto kong gumawa ng graphic design at makaalis sa mga tungkulin sa special effects. Kalaunan, sa paggawa ng mas komplikadong special effects, sa tuwing makatatagpo ako ng mahihirap na teknikal na isyu, ipinapalutas ko na lang ang mga ito sa katuwang ko, at hindi ako nagkukusang mag-aral o magsaliksik nang malalim, kaya napakabagal ng pag-unlad ng mga kasanayan ko. Pinili kong gawin ang mga tungkuling mas madaling gawin, gusto ko lang gawin ang mga simple at madaling gampanin na hindi nangangailangan ng gaanong pagsisikap sa isipan o sa pisikal, at sa tuwing nakatatagpo ako ng mga paghihirap, gusto kong isuko ang aking mga tungkulin, nang walang anumang intensyon na malampasan ang mga hamon at mapalugod ang Diyos. Sa ganitong saloobin, hindi ako matututo ng anumang kasanayan, lalo na ang matupad ang aking mga tungkulin, at mawawalan lang ako ng silbi at ititiwalag ng Diyos. Ayaw ko nang magpatuloy nang ganito. Kalaunan, nagkusa akong mag-aral ng mas komplikadong mga kasanayan sa special effects, at natuklasan kong hindi naman pala ito kasinghirap ng inaakala ko. Pagkalipas ng ilang panahon, lubos na humusay ang aking mga teknikal na kasanayan. Ang mga konseptong hindi ko maintindihan noong una ay naging mas malinaw, at kaya ko nang lutasin ang karamihan sa mga problema. Masayang-masaya ako.

Pero pagkalipas ng ilang panahon, nakontento na naman ako sa kalagayan ko. Minsan, kapag nakikita kong nagsasaliksik ang katuwang ko ng mga komplikadong teknik, naiisip ko, “Medyo mahirap makabisado ang mga teknik na iyon, at lahat ng hindi pamilyar na code na iyon ay nagpapasakit lang ng ulo ko. Ang pag-aaral sa mga iyon ay hihingi ng malaking kabayaran at pag-iisip nang husto. Sobrang nakapapagod! Sapat na itong narating ko. Hindi ko na kailangang pahirapan pa ang sarili ko. Hahayaan ko na lang ang katuwang ko na magsaliksik ng mahihirap na kasanayang ito, at gagawin ko na lang kung ano ang kaya ko.” Tinanong ako ng katuwang ko kung gusto kong matuto ng mas mahihirap na kasanayan, at sa salita, sumang-ayon ako, sinasabing pag-aaralan ko ang mga iyon kung may oras ako, pero sa totoo lang, hindi ko kailanman pinag-aralan ang mga bagay na iyon. Isang beses, napansin niya na pinag-aaralan ko pa rin ang parehong set ng mga tutorial noong dati pa, at sinabi niya, “Walo o siyam na buwan mo nang ginagawa ang tungkuling ito ngayon; kaya bakit hindi mo pa rin natatapos ang set na ito?” Masakit ang sinabi niya, pero tama siya. Ang totoo, kung pinag-aralan ko lang nang maayos ang set ng tutorial na ito, natapos ko na sana ito sa loob ng 3 o 4 na buwan, pero tumigil na akong tumutok sa seryosong pag-aaral nito noong nakabisado ko na ang ilang teknik, kaya hindi ko pa rin ito natatapos pag-aralan. Paano ako uunlad sa ganitong paraan? Ang makita ang palagiang saloobing ito sa aking tungkulin ay nagparamdam sa akin ng labis na pagkabagabag, kaya nanalangin ako, hinihiling sa Diyos na gabayan ako na makilala ang aking sarili at matutunan ang aking mga aral. Nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Ang mga taong tamad ay walang anumang nagagawa. Para ibuod ito sa dalawang salita, sila ay walang silbi; para silang may kapansanan. Gaano man kahusay ang kakayahan ng mga taong tamad, paimbabaw lamang iyon; kahit na may mahusay silang kakayahan, wala itong silbi. Masyado silang tamad—alam nila ang dapat nilang gawin, ngunit hindi nila ito ginagawa, at kahit alam nila na may problema, hindi nila hinahanap ang katotohanan para lutasin ito, at bagama’t alam nila kung anong mga paghihirap ang dapat nilang danasin para maging epektibo ang gawain, ayaw nilang tiisin ang mga makabuluhang paghihirap na ito—kaya, hindi sila makapagkamit ng anumang katotohanan, at hindi sila makagawa ng anumang tunay na gawain. Hindi nila nais na magtiis ng mga paghihirap na dapat tiisin ng mga tao; ang alam lamang nila ay magpakasasa sa kaginhawahan, magtamasa ng mga panahon ng kagalakan at paglilibang, at magtamasa ng malaya at maluwag na buhay. Hindi ba’t wala silang silbi? Ang mga taong hindi kayang tiisin ang paghihirap ay hindi karapat-dapat na mabuhay. Iyong mga palaging nagnanais na mamuhay ng buhay ng isang parasito ay mga taong walang konsensiya o katwiran; sila ay mga hayop, at ang gayong mga tao ay hindi angkop kahit na gumampan ng trabaho. Dahil hindi nila kayang tiisin ang paghihirap, kahit na kapag gumagampan nga sila ng trabaho, hindi nila ito magawa nang maayos, at kung nais nilang makamit ang katotohanan, mas lalong wala silang pag-asang makamit iyon. Ang isang taong hindi kayang magdusa at hindi nagmamahal sa katotohanan ay isang walang silbing tao; ni hindi siya kalipikadong gumampan ng trabaho. Isa siyang hayop, na wala ni katiting na pagkatao. Dapat itiwalag ang gayong mga tao; ito lang ang naaayon sa mga layunin ng Diyos(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (8)). Inilalantad ng Diyos na ang mga tamad na tao ay walang silbi, palamunin, at walang pagkatao, at talagang kinasusuklaman ng Diyos ang gayong mga tao. Habang pinagbubulayan ang mga salita ng Diyos, nagnilay-nilay ako sa aking pag-uugali sa aking tungkulin: Itinuring kong malaking abala ang mga problema, umaatras ako kapag nakahaharap ng mga paghihirap, at ayaw kong magdusa kahit kaunti. Nang makita ko ang aking katuwang na nag-aaral at nagsasaliksik ng mga bagong teknik, naramdaman kong masyadong mahirap at malaking abala ang mga teknik na iyon, kaya ayaw kong pag-aralan ang mga ito. Naisip ko na sapat nang naabot ko ang antas ng kasanayan na mayroon ako, kaya hindi na dapat ganoon kataas ang hinihingi sa akin ng mga tao. Talagang wala na akong pag-asa. Bagama’t ginagawa ko ang aking tungkulin, hindi ako nagsikap na pagbutihin ang aking mga kasanayan, at hindi ako nagsaliksik ng mga bagong teknik, na nangangahulugang hindi ako makagawa ng mga komplikadong effect. Ang isang set ng tutorial na maaaring tapusin sa loob ng tatlo hanggang apat na buwan ay inabot ng siyam na buwan sa akin. Kinakain ko ang pagkaing bigay ng sambahayan ng Diyos at tinatamasa ang biyaya ng Diyos, pero panatag pa rin ako sa paggawa lang ng kaunting gawaing ito, nang hindi iniisip kung paano pagbubutihin ang aking mga propesyonal na kasanayan at kahusayan sa gawain. Namumuhay ako na parang palamunin. Talagang wala akong pagkatao, at ako mismo ang uri ng hayop na walang konsensiya o katwiran na inilantad ng Diyos. Kung nagsikap lang sana akong mag-aral, tiyak na mas humusay pa ang aking mga kasanayan kaysa dati. Pero nagpasasa lang ako sa pisikal na kaginhawahan, at ayaw kong magdusa at magbayad ng halaga. Palagi akong nananatili sa comfort zone ko, ayaw kong magsumikap, at pinakikinabangan ko lang ang bunga ng paghihirap ng iba. Bagama’t hindi napagod ang laman ko, napakaliit ng naging pag-unlad sa aking mga kasanayan, at hindi ako nakaganap ng mahalagang papel sa aking mga tungkulin. Ito ay tulad mismo ng sinabi ng Diyos: “Ang mga taong tamad ay walang anumang nagagawa.” Ang paraan ng paggawa ko sa aking tungkulin ay hindi matalino, kundi hangal!

Kalaunan, nabasa ko ang mga salita ng Diyos at napagtanto ko na ang pagiging pabasta-basta at pagpili sa madaling gawain sa aking tungkulin ay lubhang mapanganib. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “May ilang tao na tila may pagpapasakop sa paggawa ng kanilang tungkulin, ginagawa nila kung ano man ang isinasaayos ng ang Itaas. Pero kapag tinanong sila, ‘Pabasta-basta mo bang ginagawa ang tungkulin mo? Ginagawa mo ba ito ayon sa mga prinsipyo?’ wala silang maibigay na tiyak na sagot, sasabihin lang nila, ‘Ginagawa ko ang mga itinatagubilin ng ang Itaas at hindi ako nangangahas na magwala sa paggawa ng masasamang gawa.’ Kapag tinanong kung natupad ba nila ang kanilang responsabilidad, sinasabi nila, ‘Buweno, ginagawa ko naman ang dapat kong gawin.’ Kita mo? Palagi silang may ganitong uri ng saloobin kapag ginagampanan nila ang kanilang tungkulin—sila ay hindi nagmamadali, mabagal kumilos, at hindi buo ang loob. Hindi ka talaga makakahanap ng maipupuna sa kanila, ngunit kung susukatin mo ang paggampan nila ng tungkulin kumpara sa mga katotohanang prinsipyo, ito ay hindi episyente at hindi pasok sa pamantayan. Gayumpaman, wala silang pakialam, nagpapatuloy sila sa pagkilos gaya ng dati, at hindi pa rin nila ginagawa ang mga bagay na dapat nilang kusang gawin—hindi sila nagbabago kahit kaunti. Hindi ba’t sila ay walang-kahihiyang matigas ang ulo? Palagi nilang pinapanatili ang saloobing ito: ‘Maaaring mayroon kang sanlibong mahuhusay na plano, ngunit mayroon akong sariling mga panuntunan. Ganito lang talaga ako. Tingnan natin kung ano ang magagawa mo sa akin. Ito ang saloobin ko!’ Wala silang nagawang napakalaking panlilinlang o kasamaan, ngunit kakaunti rin ang mabubuting gawa na nagawa nila. Anong landas ang masasabi mong tinatahak nila? Mabuti ba ang ganitong uri ng saloobin sa pananampalataya sa Diyos at sa tungkulin ng isang tao? (Hindi.) Sa Bibliya, sinasabi ito ng Diyos: ‘Kaya naman sapagkat ikaw ay maligamgam, at hindi mainit ni malamig, isusuka kita mula sa Aking bibig’ (Pahayag 3:16). Ang pagiging maligamgam, hindi malamig ni mainit—mabuti ba ang ganitong saloobin? (Hindi.) Iniisip ng ilang tao, ‘Kung gagawa ako ng masama at magdudulot ng mga pagkagambala, agad akong makokondena. Pero kung positibo at maagap kong gagawin ang mga bagay, mapapagod ako, at kung magkakamali ako sa paggawa ng isang bagay, maaaring mapungusan ako, o baka matanggal pa nga ako, masyadong nakakahiya iyon! Kaya, nananatili akong maligamgam, hindi malamig ni mainit. Anuman ang ipagawa mo sa akin, gagawin ko ito. Pero kung hindi mo sasabihin sa akin na gawin ang isang bagay, hindi ako makikialam. Sa ganitong paraan, hindi ako mapapagod, at dagdag pa roon, walang mahahanap na kamalian sa akin ang mga tao. Mahusay ang pamamaraang ito!’ Mabuti ba ang ganitong paraan ng pag-asal? (Hindi.) Alam mong hindi ito mabuti, kaya paano dapat magbago ang iyong pagsasagawa? Kung hindi mo kailanman hahangaring lumakad sa landas ng paghahangad sa katotohanan at magpupursigi ka pa ring mamuhay ayon sa mga pilosopiya ni Satanas, kung gayon, tiyak na wala kang pag-asang matamo ang kaligtasan(Ang Salita, Vol. VII. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Hangarin ang Katotohanan (11)). Inilalantad ng Diyos na gumagawa lamang ng paimbabaw na gawain ang mga tao sa kanilang tungkulin, at hindi nila aktibo at kusang ginagampanan ang kanilang mga responsabilidad. Ito ay paggawa ng kanilang mga tungkulin sa isang mababaw at maligamgam na paraan, at ang mga taong ito ay ititiwalag ng Diyos sa huli. Naramdaman kong napakadelikado ng kalagayan ko. Wala akong aktibo at kusang-loob na saloobin sa aking tungkulin. Palagi akong awtomatiko lang kung kumilos, hindi mainit ni malamig, at kontento na ako hangga’t nakararaos ako nang hindi nagdudulot ng anumang paggambala o panggugulo. Napakaliit ng nagiging progreso ko sa aking tungkulin, gumagawa lang ng mga simpleng gampanin at iniraraos lang ang mga ito. Sa paggawa ng aking tungkulin nang maligamgam, ako ay walang kahihiyang nagmamatigas tulad ng inilalantad ng Diyos, ayaw magdusa nang pisikal, at gusto lang na basta na lang magsumikap nang kaunti para makamit ang isang resulta kung saan hindi ako mamamatay. Maloloko ko ang sarili ko, pero hindi ang Diyos, at kung hindi ako magsisisi, ititiwalag ako sa huli.

Pagkatapos, nagnilay ako, “Bakit napakatamad ko, at bakit ako nagpapasasa sa kaginhawahan? Ano ang ugat ng isyung ito?” Kalaunan, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Sa loob ng maraming taon, ang mga kaisipang sinasandigan ng mga tao para sa pananatili ng kanilang buhay ay unti-unting sumisira sa kanilang puso hanggang sa punto na sila ay maging tuso, duwag, at kasuklam-suklam. Hindi lamang sila hindi nagtataglay ng pagtitiyaga o determinasyon, ngunit naging sakim, mayabang, at matigas din ang ulo nila. Walang-wala sila ng anumang determinasyon na lampasan ang kanilang sarili, at higit pa riyan, wala sila ni katiting na lakas ng loob na iwaksi ang mga paglilimita ng madidilim na impluwensiyang ito. Ang buhay at mga kaisipan ng mga tao ay napakabulok na ang kanilang mga perspektiba sa likod ng pananampalataya sa Diyos ay napakapangit pa rin, at lubos na kasuklam-suklam pakinggan. Ang lahat ng tao ay duwag, walang kapangyarihan, kasuklam-suklam, at marupok. Hindi sila nasusuklam sa mga puwersa ng kadiliman, at wala silang nadaramang pagmamahal para sa liwanag at katotohanan; sa halip, ginagawa nila ang kanilang makakaya upang mapatalsik ang mga ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Bakit Ayaw Mong Maging Panghambing?). Matapos gawing tiwali ni Satanas, namumuhay ang mga tao ayon sa mga satanikong lason tulad ng “Ang buhay ay tungkol lamang sa pagkain nang maayos at pananamit nang maganda,” “Maigsi ang buhay, kaya magpakasaya habang kaya,” at “Tratuhin mong mabuti ang sarili mo.” Ginagawa nilang layon ang paghahangad ng kasiyahan ng laman; iniisip nila na ang pamumuhay ng isang madali at walang-alalahaning buhay ay kaligayahan at iyon ang kahulugan ng pagtatamasa ng buhay, kaya sa lahat ng kanilang ginagawa, ayaw nilang magdusa o magbayad ng halaga. Sa pagbabalik-tanaw, noong nagtatrabaho ako sa isang maliit na lungsod na mas mabagal ang takbo ng buhay, medyo madali ang trabaho, at nasiyahan ako sa ganoong uri ng mabagal at magaan na buhay. Bagama’t medyo mababa ang sahod, wala akong pakialam. Naisip ko na hangga’t nagtitipid ako, ayos lang. Matapos kong matagpuan ang Diyos, ganoon pa rin ako. Ginawa ko ang aking tungkulin nang hindi nagsisikap na umunlad, at palagi akong maligamgam at kontento na sa kalagayan ko. Nang makita ko na ang aking tungkulin sa special effects ay nangangailangan ng pag-aaral ng mahihirap na teknik, nalugmok ako sa paghihirap nang hindi nagsisikap na umunlad, at ayaw kong matutunan ang mga teknik kahit na kaya ko naman itong makabisado sa pamamagitan ng pagbabayad ng halaga. Kontento na lang akong hindi umusad at panatilihin ang kalagayan ko, at wala akong pagnanais na bigyang-kasiyahan o isaalang-alang ang Diyos. Biniyayaan ako ng Diyos ng pagkakataong gumawa ng mga tungkulin, na may layuning sa paggawa ng aking mga tungkulin, hahangarin ko ang katotohanan, iwawaksi ang aking tiwaling disposisyon, at tutuparin ang aking mga tungkulin. Pero palagi akong nagpapasasa sa kaginhawahan ng laman at ayaw kong magdusa o magbayad ng halaga para tuparin ang aking mga tungkulin. Matapos ang napakaraming taon ng paggawa ng aking mga tungkulin, wala pa rin akong nakabisadong anumang propesyonal na kasanayan, at wala akong natutunang anumang teknik. Hindi ko kayang asikasuhin ang mga bagay-bagay nang mag-isa, at talaga namang wala akong silbi. Nakita ko na namumuhay ako ayon sa mga kaisipan at pananaw ni Satanas, nang walang dignidad o integridad, at hindi ko lang nabigong tuparin ang aking mga tungkulin, kundi higit sa lahat, hindi ko makakamit ang katotohanan, at hindi ako maliligtas ng Diyos. Ang mga satanikong lason ay mga negatibong bagay at inililigaw ng mga ito ang mga tao, na nagiging sanhi ng kanilang pagkahulog sa kasamaan. Ayaw ko nang mamuhay pa sa ganitong paraan. Nanalangin ako sa Diyos, handang baguhin ang aking saloobin sa aking mga tungkulin, maghimagsik laban sa aking laman, at gawin ang aking tungkulin nang buong puso.

Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos tungkol sa kung paano tinrato ni Noe ang atas ng Diyos, at nakahanap ako ng ilang landas ng pagsasagawa. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Nahaharap sa lahat ng uri ng problema, mahihirap na sitwasyon, at mga hamon, hindi umurong si Noe. Kahit na noong madalas na nabigo ang ilan sa kanyang mas mahihirap na gawaing pang-inhinyero at nasira ang mga gamit, kahit nahihirapan ang kalooban ni Noe at nababalisa siya sa kanyang puso, nang maisip niya ang tungkol sa mga salita ng Diyos, nang maisip niya ang bawat salitang iniutos sa kanya ng Diyos, at ang pagtataas sa kanya ng Diyos, madalas siyang nakararamdam ng matinding pagganyak: ‘Hindi ako puwedeng sumuko, hindi ko maaaring iwaksi ang iniutos at ipinagkatiwala ng Diyos na gawin ko; atas ito ng Diyos, at dahil tinanggap ko ito, dahil narinig ko ang mga salitang sinambit ng Diyos at ang tinig ng Diyos, at dahil tinanggap ko ito mula sa Diyos, dapat akong ganap na magpasakop, na siyang dapat makamit ng isang tao.’ Kaya, anumang uri ng mga hirap ang nakaharap niya, anumang uri ng pangungutya o paninira ang naranasan niya, gaano man kapagod ang kanyang katawan, gaano man kapagal, hindi niya tinalikuran ang ipinagkatiwala sa kanya ng Diyos, at patuloy niyang isinaisip ang bawat isang salita na sinabi at iniutos ng Diyos. Paano man nagbago ang kanyang mga kapaligiran, gaano man kalaking hirap ang kanyang nakaharap, nagtiwala siya na walang alinman dito ang magpapatuloy panghabambuhay, na ang mga salita lamang ng Diyos ang hinding-hindi lilipas, at iyon lamang iniutos ng Diyos na gawin ang siguradong maisasakatuparan. May tunay na pananalig si Noe sa Diyos, at pagpapasakop na nararapat niyang taglayin, at patuloy niyang binuo ang arka na hiningi ng Diyos na buuin niya. Araw-araw, taun-taon, tumanda si Noe, ngunit hindi nabawasan ang kanyang pananalig, at hindi nagbago ang kanyang saloobin at determinasyon na kumpletuhin ang atas ng Diyos. Bagama’t may mga pagkakataon na pagod at pagal na ang kanyang katawan, at nagkasakit siya, at sa kanyang puso ay mahina siya, hindi nabawasan ang kanyang determinasyon at tiyaga na tapusin ang atas ng Diyos at magpasakop sa mga salita ng Diyos. Sa mga taon na binuo ni Noe ang arka, isinagawa ni Noe ang pakikinig at pagpapasakop sa mga salitang sinabi ng Diyos, at isinagawa rin niya ang mahalagang katotohanan na dapat kompletuhin ng isang nilikha at ordinaryong tao ang atas ng Diyos(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikatlong Ekskorsus). Sa pag-iisip nito, gaano man kalaki ang mga paghihirap na hinarap ni Noe sa pagtatayo ng arka, hindi siya kailanman nagreklamo, lalo nang hindi siya umatras. Hindi niya kailanman kinalimutan ang atas ng Diyos, nagtiyaga siya sa loob ng 120 taon, at sa wakas ay natapos ang arka, tinutupad ang atas ng Diyos. Ang determinasyon at pagtitiyaga ni Noe na isakatuparan ang atas ng Diyos at magpasakop sa mga salita ng Diyos ay nagkamit ng pagsang-ayon ng Diyos. Pagkatapos ay tiningnan kong muli ang aking sarili. Kapag nahaharap sa bahagyang mga paghihirap sa aking mga tungkulin, gusto kong umatras, at wala akong determinasyon na magdusa at magbayad ng halaga, at wala akong kagustuhang gawin nang maayos ang aking mga tungkulin para bigyang-kasiyahan ang Diyos. Sa katunayan, mayroon na akong mga nakahandang tutorial para matutunan ang mga teknik at maaari din akong kumonsulta sa aking katuwang, kaya hindi naman sa wala akong kakayahang matutunan ang mga bagay na ito, pero dahil kailangan kong magdusa at magbayad ng halaga, ayaw kong mag-aral. Nakita ko na wala akong anumang katapatan sa aking mga tungkulin, at kung kasali ako sa pagtatayo ng arka, matagal na sana akong tumakas, at hindi sana matatapos ang arka kahit kailan. Detalyadong-detalyado ang pakikipagbahaginan ng Diyos sa halimbawa ni Noe, sa pag-asang matutularan natin ang saloobin ni Noe sa atas ng Diyos. Kapag nahaharap sa mga paghihirap sa aking mga tungkulin sa hinaharap, hindi na ako dapat tumakas o umatras uli, kailangan kong itigil ang pagnanais na gawin lang ang mas madaling gawain at magpakasasa sa kaginhawahan ng laman, at kailangan kong tuparin ang mga responsabilidad na dapat kong isakatuparan. Isa pa, kailangan kong magbayad ng mas malaking halaga para matutunan ang mga propesyonal na kasanayan at tuparin ang aking mga tungkulin.

Pagkatapos niyon, nag-iskedyul ako ng oras para matuto ng mga bagong kasanayan. Noong unang bahagi ng Oktubre ng 2024, kinailangan naming gumawa ng isang bagong special effect. Ang ganitong uri ng effect ay palaging ginagawa ng aking katuwang, kaya naisip ko na kung ako ang gagawa nito, sakaling makatagpo ako ng mga paghihirap, kakailanganin kong maglaan ng maraming oras at pagsisikap mag-isip para pagnilayan ang mga ito, at magiging masyado itong malaking abala. Napagtanto kong isinasaalang-alang ko na naman ang aking laman, kaya naramdaman ko na sa pagkakataong ito, hindi ako maaaring umatras dahil lang sa mukhang malaking abala ito. Pagkatapos ay sinabi ko, “Ako ang gagawa ng special effect na ito.” Naalala ko ang mga salita ng Diyos: “Kung kaya mong magdasal sa Diyos, hanapin ang katotohanan, at ibigay ang buong puso at isip dito, kung kaya mong makipagtulungan sa ganitong paraan, kung gayon, ihahanda ng Diyos ang lahat ng bagay para sa iyo nang maaga, nang sa gayon ay maaayos ang lahat at magbubunga ng magagandang resulta kapag pinangangasiwaan mo ang mga usapin. Hindi mo kakailanganing gumugol ng napakaraming lakas; kapag ginawa mo ang lahat ng makakaya mo upang makipagtulungan, isasaayos ng Diyos ang lahat para sa iyo(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Tinitingnan ng Diyos ang saloobin ng mga tao sa mga tungkuling dumarating sa kanila. Kung may pusong nakikipagtulungan ang mga tao, gagawa ang Diyos ng daan para sa kanila, kaya bagama’t hindi ko pa kailanman nagagawa ang ganitong uri ng special effect dati, kailangan kong umasa sa Diyos para makipagtulungan. Pagkatapos, nanalangin ako sa Diyos at humingi ng Kanyang gabay, at habang gumagawa, naghanap ako ng impormasyon at mabilis na nagkaroon ng ilang ideya. Bagama’t nakatagpo ako ng ilang paghihirap kalaunan sa proseso ng paggawa ng mga special effect, sa pamamagitan ng pag-aaral at paggalugad, nalutas din ang mga problema sa huli, at labis akong napanatag. Isa pa, pagdating sa aking mga kasanayan, humusay ako nang kaunti.

Noong Disyembre, gusto kong magsaliksik ng isang bagong paraan para gumawa ng mga special effect. Kapag gumana ito, mapapataas pa nito ang kahusayan. Naging maayos naman ang mga bagay-bagay noong una, ngunit habang ginagawa ito, nakatagpo ako ng isang teknikal na hamon. Sinubukan ko ang lahat ng uri ng paraan, pero hindi ko talaga ito malutas. Lumapit din ang katuwang ko para tulungan akong tingnan ito, pero hindi kami makaisip ng magandang solusyon. Naisip ko, “Hindi malulutas ang problemang ito gamit ang kasalukuyan kong mga teknik, kaya dapat siguro ay balikan ko na lang ito kapag humusay na ang mga kasanayan ko.” Pero pagkatapos ay naisip ko kung paano na noong ginagawa ko ang aking mga tungkulin, palagi akong umaatras sa unang senyales pa lang ng paghihirap, kaya ngayon ay ayaw ko nang sumuko nang basta-basta, at nanalangin ako sa Diyos para sa gabay. Kinabukasan, ipinagpatuloy ko ang aking pagsasaliksik, at pagkatapos ng paulit-ulit na pagsubok, sa hindi inaasahan, nalutas ang problema. Masayang-masaya ako, at nagpasalamat ako sa Diyos sa Kanyang gabay. Napagtanto ko na kung ilalagay natin ang ating mga puso sa ating mga tungkulin at magbabayad ng halaga, magagawa natin nang maayos ang ating mga tungkulin, at hangga’t handa tayong makipagtulungan sa Diyos, gagabayan tayo ng Diyos. Ngayon, marami pa rin akong kakulangan sa aking mga teknikal na kasanayan, at nagsimula na akong matuto ng mas mahihirap na teknik. Sa pag-aaral ng mga bagong teknik, hindi na ako nalulugmok sa paghihirap, sa halip ay nananalangin ako at umaasa sa Diyos para matupad ang aking tungkulin. Pakiramdam ko, ang paggawa ng aking tungkulin sa ganoong paraan na may gabay ng Diyos ay talagang napakabuti! Salamat sa Diyos!

Sinundan: 93. Hindi Na Ako Nag-aalala Tungkol sa Sakit ng Aking Asawa

Sumunod: 95. Makakamit Ba ang Kaligayahan sa Paghahangad ng Perpektong Buhay May Asawa?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

44. Nakauwi na Ako

Ni Chu Keen Pong, Malaysia Mahigit isang dekada akong nanalig sa Panginoon at naglingkod sa iglesia nang dalawang taon, at pagkatapos ay...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito