20. Pagtuklas sa mga Kasinungalingan ng CCP Upang Bumaling sa Diyos

Ni Kemu, South Korea

Noong 2017 pumunta sa South Korea ang mag-ina ko para samahan ako. Masayang-masaya ako, pero hindi nasanay ang asawa ko sa kapaligiran dito dahil sa naiibang pamumuhay at lengguwahe. Lalo’t iniwan niya ang kanyang matatandang magulang at trabaho na gustong-gusto niya para pumunta sa ibang lugar na wala siyang sinumang kaibigan. Lahat ay di-pamilyar para sa kanya. Lagi siyang malungkot at madalas na walang imik. Nakikita kong nahihirapan siya, pero hindi ko alam kung pa’no siya aliwin. Isang araw no’ng Marso sinabi niyang naniniwala na siya sa Diyos. Akala ko maganda ‘yon. Ang lola ko ay dati ring mananampalataya. Kaya hindi ako tumutol. Hindi rin nagtagal napansin ko na lagi siyang masaya at talagang ibang-iba ang mga kilos niya kaysa dati. Napakasaya ko. Hindi nagtagal nagkainteres ako sa iglesia niya at inisip kung paano nito nagagawang mabago nang gano’n katindi ang isang tao.

Isang araw tinanong ko siya kung anong iglesia ang dinadaluhan niya. Sabi niya Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Dahil doon agad kong naisip ang 2014 Zhaoyuan incident sa Shandong at talagang nagalit ako. Seryoso kong sinabi sa kanya, “Ayokong magkaroon ka ng kaugnayan sa mga mananampalatayang iyon. Babasagin ko ang telepono mo kapag nakipag-ugnayan ka ulit sa kanila!” Nagtaka siya at tinanong kung bakit hinahadlangan ko siya. Pagalit kong sinabi, “Bakit? Para iyan sa kapakanan mo at sa pamilya natin. Hindi mo ba alam na seryosong tinutunton at sinusupil ng CCP Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? Hindi mo ba alam ang May 28 Zhaoyuan Case noong 2014? Sabi sa internet, si Zhang Lidong, na pangunahing maysala sa kaso, ay miyembro nito. Kung nakikisalamuha ka sa kanila hindi ba’t pinapain mo ang sarili mo?” Walang kagatul-gatol siyang sumagot, “Hindi kabilang si Zhang Lidong at ang iba pa sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos—huwag kang maniwala sa sinasabi nila sa internet. Higit dalawang buwan na akong nakikipag-ugnayan sa mga kapatid sa Iglesia at lahat sila ay matitinong tao na mababait at tapat sa isa’t isa. Nagtutulungan sila sa kapag may problema ang sinuman sa kanila. Hindi sila tulad ng sinasabi sa internet.” Pero nang narinig kong sinabi niya ang lahat ng iyan, binuweltahan ko lang siya ng, “Basahin mo mismo sa internet, at malalaman mo kung tama ako o hindi.”

Niyaya ako ng asawa ko na maupo at sinabi niya, “Ikaw ang klase ng tao na pinag-iisipang mabuti ang mga bagay-bagay. Dapat tingnan mo nang makatwiran ito at magsalita ka ayon sa mga katibayan—hindi puwedeng sa isang panig ka lang makikinig! Natatandaan mo ba ang mga protesta sa Tiananmen Square noong 1989? Makabayang nagpoprotesta ang mga estudyante laban sa katiwalian at humihingi ng demokratikong kalayaan, pero kumuha ang CCP ng mga di-kilalang tao na nagpanggap na mga estudyante at inutusan silang manira, magnakaw, at manunog, at itaob ang mga sasakyan ng militar. Malaking gulo iyon, at ibinintang ng CCP sa mga estudyante ang mga krimeng iyon. Pagkatapos niyan gumamit ang CCP ng media tulad ng CCTV at radyo upang punuin ang himpapawid ng kanilang mga ulat, pinararatangan ang mga estudyante na kontra sa rebolusyon, at pagkatapos ay pinulbos nang buhay ang libu-libong estudyante gamit ang kanilang mga tangke. Batid ng sinumang nakakaalam ng kasaysayan ng CCP na ito ay isang diktador na kilalang di-makatarungan. Sa tuwing may isang tao na iba ang mga ideya o pananaw sa pulitika palagi nilang sinasaktan at kinokondena ang mga grupo o mga taong iyon, sinusupil o nililipol pa sila. Sa tuwing marahas na sinusupil ng CCP ang mga relihiyon, pagkilos para sa mga demokratikong karapatan, o mga protesta ng etnikong minoridad, nag-iimbento sila ng pekeng kaso, at kukunin nila ang simpatiya ng publiko para maudyukan ang mga tao, kasunod nito ang marahas na panunupil. Totoong totoo ‘yan. Ang May 28 Zhaoyuan Case ay pagpe-frame up lang ng CCP sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos—maingat na naman silang nakapag-imbento ng kaso.” Pero ayoko talaga siyang pakinggan. Pagalit kong sinabi, “Wala akong pakialam. Hindi ka na pwedeng maniwala sa Makapangyarihang Diyos. Kaligtasan ng pamilya natin ang iniisip ko at gusto kong protektahan ka at ang anak natin sa panganib. Wala nang ibang mahalaga sa akin. Huling beses ko nang sasabihin sa iyo ito: Hindi ka na puwedeng makipag-ugnayan sa kanila. Manatili ka na lang sa bahay at maging mabuting asawa at ina, kundi huwag mo akong sisihin kung hindi na kita palabasin.” Pagkatapos ay ibinalibag ko ang pinto at mabilis na lumabas ng bahay.

Ang sama ng loob ko habang naglalakad. Sa mahigit 10 taon naming pagsasama hindi ako kailanman nagalit sa kanya nang gano’n. Mula sa pagkakakilala namin, pag-iibigan, paglalakad sa altar, at pagpapakasal, marami na kaming pinagdaanan: pagtutol ng mga magulang, pagkakaiba sa kultura, agwat ng edad, at long-distance na relasyon. Nalampasan namin ang lahat ng ‘yon. at marami na siyang isinakripisyo para sa pamilya namin sa loob ng maraming taon. Masakit talaga sa akin na mangyari ang bagay na ito, na nagalit ako sa kanya dahil lang sa naniniwala siya sa Diyos. Alam kong hindi ko iyon dapat ginawa pero inisip ko na para sa kabutihan iyon ng pamilya namin. Bakit hindi niya ako maintindihan? Tiningnan ko ang telepono ko at nakita ang masayang larawan naming tatlo kasama ang anak naming nakangiti ng matamis. Sabi ko sa sarili ko, “Ako ang tagapag-alaga ng pamilyang ito, at poprotektahan ko sila. Walang makakapanakit sa kanila.”

Nang sumunod na mga araw, Natakot akong maapektuhan ang damdamin sa akin ng asawa ko, kaya sabi ko, huwag akong kausapin tungkol sa anumang may kinalaman sa Diyos. Kahit mukhang maayos ang relasyon namin kung titingnan, unti-unti nang nagkakaroon ng puwang sa pagitan namin.

Isang araw nang papasok pa lang ako sa’min galing sa trabaho, napakinggan ko ang masayang awiting nagmumula sa silid, at malakas na tawanan ng aking mag-ina. Naisip kong “Matagal na akong hindi nakakapakinig ng gayong kasayang himig sa bahay namin. Anong klaseng awit ito na sobrang nagpapasaya sa kanila ngayon?” Tahimik at dahan-dahan kong binuksan ang pinto nakita ko ang video ng sayaw at awit na pinrodyus ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa computer. Ang Tunay na Pag-ibig ng Diyos. Anim na dalaga na masayang nagsasayawan at nag-aawitan nang may emosyon, at puno ng masisiglang ngiti ang kanilang mga mukha ang kaagad na nakapukaw sa ‘kin. Labis-labis ang kuryosidad ko, iniisip na, “Anong klaseng iglesia ito, at anong uri ng mga tao sila? Bakit nakakaengganyo ang awit at sayaw na ito at nakakapanatag? Kung masasamang tao talaga sila bakit ganoon kasigla at katotoo ang mga ngiti nila?” Nakita ng anak ko na pumasok ako at hiniling sa asawa ko na ipalabas ang isa pang video para sa akin, na may pamagat na Dinala ng Diyos ang Kanyang Kaluwalhatian sa Silangan. Hindi ko siya napigilan—bihira nang madama sa tahanan namin ang gayong kapaligiran. Hawak ang anak ko, umupo ako sa tabi ng aking asawa at nanood. Naengganyo ako sa napanood ko sa video na may sayaw na katulad ng tap dancing, at mga mananayaw na parang mga lumilipad na agila. Maringal at malakas ang dating nito.

Nang nakita ng asawa ko na tutok ako sa panonood, sinabi niya, “Lahat ng ito’y gawa ng mga kapatid sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Wala ni isa sa kanila na propesyonal.” Sa gulat, nagtanong ako “Paano naging posible iyon? Paanong ganyan kahusay magtanghal ang mga walang propesyonal na training sa pagsasayaw? At napakapositibo ng ipinaparamdam ng mga video na ito. Nakapagbibigay-inspirasyon, nakaaantig, at nakasisigla. Paano magkakaroon ng ganoong positibong enerhiya ang masasamang tao? Bakit ibang-iba ito sa nakita kong impomasyon sa internet? Ano talaga ang nangyayari?” Nakangiting sinabi ng asawa ko, “Kamangha-mangha ito! Kung wala ang sariling gawain ng Diyos at gabay, magagawa ba ng mga hindi propesyonal na makasayaw nang ganyan? Mas magugulat ka kapag napanood mo ang mga pelikulang ginawa nila. May gawain ng Banal na Espiritu ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos—may basbas ito ng Diyos. Kaya mahuhusay ang kanilang mga sayaw at galaw, at ang mga katotohanang ibinabahagi nila sa mga pelikula nila ay may pakinabang sa mga tao. Ang mga negatibong propaganda sa internet ay mga kasinungalingang ikinakalat ng CCP tungkol sa Iglesia. Hindi ‘yon totoo. Sinisiraan ng CCP ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos upang linlangin ang mga tao, para tanggihan nila ito at ituring nila na ito ang kaaway. Para hindi na nila sisiyasatin ang gawain ng Diyos at mawawalan ng pagliligtas ng Diyos.”

Nang marinig ko ang sinabi niya lalo akong nagkainteres. Inisip ko kung anong klase ng iglesia ito at kung totoo ba o hindi ang sinabi sa internet. Hindi ko alam kung hahayaan ko siya sa pananampalataya niya. Nagpupumiglas na naman sa puso ko ang pagkalito. Matapos ang pagkalitong ito, Nagpasiya ako na alamin ito mismo. Magmamatyag ako. Kapag nakita kong hindi tama ang ikinikilos ng mga tao sa Iglesia o nakita kong gumagawa sila ng ‘di nararapat. Aalisin ko siya agad doon at hindi na siya muling pababalikin. Kung hindi ito tulad ng sinasabi sa internet, hindi ko na siya hahadlangan. Nang weekend na iyon, sinabi ko sa asawa ko na gusto kong bumisita sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos—nagulat siya at natuwa rin.

Nang makarating na kami roon masaya kaming tinanggap ng mga kapatid, at nadama ko sa pakikipag-ugnayan nila na mababait at matatapat sila. Unti-unting nawala ang kaba ko at hininto ang pagmamatyag ko. Tapos isang sister ang nagpalabas ng musical ang pamagat: Kuwento ni Xiaozhen. Pinanood ko ito nang may interes. Nang nakita ko ang pinagdaanang saya at lungkot ni Xiaozhen, naapektuhan ako at naisip ko ang sarili kong buhay. Kung saan-saan ako napunta noong maliit ako dahil sa mga nangyari sa pamilya ko, tinitiis ang lahat ng klase ng pang-aapi at panlalait ng iba para lang makaraos. At ngayon nagsisikap akong kumita ng pera at dumanas ng kung anu-ano, ng saya at lungkot nang maraming taon, at nakadama ako ng pagod at lungkot, pero sa harap ng asawa, at mga kaibigan ko kunwari malakas ako. Sino ba talaga ang makaaalam ng hinagpis sa puso ko? Sa katapusan ng musical kinanta ang awiting ito: “Ang Makapangyarihan ay may habag sa mga taong ito na nagdurusa nang labis; kasabay nito, nanghihinawa na Siya sa mga taong ito na walang kamalayan, dahil kinailangan Niyang maghintay ng sagot sa napakatagal na panahon mula sa mga tao. Hangad Niyang maghanap, hanapin ang iyong puso at ang iyong espiritu, bigyan ka ng tubig at pagkain upang gisingin ka, upang hindi ka na mauhaw at magutom. Kapag pagod ka na at nararamdaman ang labis na kapanglawan ng mundong ito, huwag magulumihanan, huwag manangis. Tatanggapin ng Makapangyarihang Diyos, ang Tagapagbantay, ang iyong pagdating anumang oras(Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Bawat nota ay parang isang ina na nakaunat ang kamay sa kanyang anak na matagal nang nawawala. Ang aking nadama ay tawag ng pagmamahal—Labis akong naantig Matapos ang palabas, nasabi ko talaga na, “Napakaganda namang musical n’yan!” Tumingin sa’kin ang asawa ko at sinabi, “Ang pagkaantig mo sa Kuwento ni Xiaozhen ay pag-aantig sa iyo ng Diyos! Alam kong masyado kang naapektuhan ng May 28 Zhaoyuan Case at ‘di mo nauunawaan ang tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Alam ko ring nag-aalala ka sa seguridad namin, kaya ngayon malalaman at makikita natin ang talagang nangyari sa kasong iyan.”

Kaya ipinapanood sa akin ng mga kapatid ang video na, Nalantad ang Katotohanan sa Likod ng Kaso Nung Mayo 28 sa Zhaoyuan. Inihayag dito ang ilang nakapaghihinalang aspeto ng kaso at hinimay-himay ang mga ito. Ibinunyag nito ang mga kasinungalingan ng CCP at inihayag ang mga katotohanan. Nakita ko na malinaw na sinabi nina Zhang Lidong at Zhang Fan, sa korte na, “Hindi ako kailanman nagkaroon ng kaugnayan sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ang Makapangyarihang Diyos ng Zhao Weishan ang iginugupo ng estado, hindi ang Makapangyarihang Diyos na pinapaniwalaan natin.” Sila mismo ang nagsabi na hindi sila mga miyembro ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at wala silang kaugnayan sa Iglesia. Pero binalewala ng CCP ang mga testimonya ng mga suspek at sinalungat ang mga katibayan, at ang katotohanan, iginigiit na mga tauhan ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang may gawa ng krimen. Hindi ba’t walang pakundangan na paninirang-puri iyan sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

Pagkatapos ay ‘binahagi sa akin ng isang sister ito. “Kilala ang CCP na mapanlinlang nang napakaraming taon at napakasama ng reputasyon nito rito at sa ibang mga bansa. Sa buong mundo, mas nakikita na ng mga tao kung ano ito at wala na halos naniniwala rito. Alam natin na pinamumunuan ang China ng diktador na Communist Party. Walang kapangyarihan ang hukuman o kalayaan ang mga mamamahayag. Ang Chinese media at mga korte ay ganap na kontrolado ng pamahalaan ng CCP at mga tagapagsalita at kasangkapan lang ng pagiging diktador nito. Maraming nakakaalam niyan. Tatlong araw matapos ang insidente sa Zhaoyuan, nang wala man lang pagdinig o paghatol ng korte, ginamit ng CCP ang TV at online media outlet para mag-isyu ng pagkondena sa publiko. Noong kalagitnaan ng Hunyo, inilunsad nila ang kanilang ‘One-Hundred-Day Battle,’ pinakilos ang mga armadong pulis para supilin at sugpuin ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nagsagawa sila sa buong bansa ng malawakang pagsisiyasat na pinupuntirya ang Iglesia at inaaresto ang mga Kristiyano. Malinaw na ang May 28 Zhaoyuan Case sa Shandong ay gawa-gawang kaso na inimbento ng CCP para supilin ang paniniwala ng relihiyon at lipulin ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.”

Nang marinig ko ito, naisip ko: “Kamuhi-muhi ang CCP. Binabaligtad nito ang katotohanan, binabaluktot ang realidad, at pinasasama ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang sa ganon ang mga taong ‘di alam ang katotohanan, ay maniwala sa mga kasinungalingan nito at magkamali ng palagay sa Iglesia. Napaniwala rin ako ng mga kasinungalingan ng CCP. Pero ang ‘di ko pa rin maunaawan ay kung bakit walang habas na inuusig ng CCP ang Iglesia at nagpapakahirap na iplanta ang kasong iyon ng pagpatay sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at arestuhin ang mga miyembro nito. Ano ang talagang nangyayari?” Nasasaisip ito, sinabi ko na naguguluhan ako.

Sumagot ang isang sister, “Walang habas na sinusupil ng CCP ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at pinlantahan ito ng hindi totoo, at gawa-gawang kaso ng pagpatay dahil ang CCP ay isang ateistang partido. Ang Tagapagtatag nitong si Karl Marx, ay isang Satanista at gusto ng CCP na lipulin ang lahat ng mga relihiyon para mapaniwala at magpasakop ang mga tao rito, upang ituring ito na kanilang tagapagligtas Si Karl Marx ay isang totoong demonyo na lumaban sa Diyos. Mula nang mamuno ang CCP hayagan nitong itinatwa, kinondena, at nilapastangan ang Diyos at tinawag na kulto ang Kristiyanismo. Kinumpiska at sinira nito ang mga Biblia, tinatawag na literatura ito ng kulto at tinatawag ang mga relihiyon na kulto para masupil ang mga ito. Ngayon sa mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos ay nagpakita at gumagawa sa China nagpapahayag ng maraming katotohanan sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-Tao. Niyanig ng aklat na ito ang lahat ng relihiyon at denominasyon. Maraming mananampalataya na nagmamahal sa katotohanan ang nabasa na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nakita na ang mga ito ang katotohanan at tinig ng Diyos, at na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Isa-isa nilang tinanggap ang Makapangyarihang Diyos at lumapit sa trono ng Diyos. Sa loob lang ng 20 taon milyun-milyong tao sa mainland China ang tumanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Ang makita na dumarami ang nananampalataya sa Makapangyarihang Diyos habang walang sumusunod o naniniwala rito ang nagpagalit sa CCP. Kinokondena nito ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nagsisinungaling upang siraan ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Naglabas ito ng mga lihim na dokumento at pinakilos ang mga armadong pulis. Desidido itong arestuhin at supilin ang mga Kristiyano sa Iglesia sa buong China sa buktot na hangaring pigilan ang ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw. Pinipilit nitong wasakin ang gawain ng Diyos at ang Ang glesia ng Makapangyarihang Diyos. Malinaw ang likas na kaimbian, kademonyohan ng CCP sa pagkamuhi sa katotohanan at sa Diyos. Tulad ng sinasabi sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, ‘Mula itaas hanggang ibaba at mula simula hanggang wakas, ginagambala na ni Satanas ang gawain ng Diyos at kumikilos laban sa Kanya. … Nais nitong palisin, sa isang iglap, ang lahat ng tungkol sa Diyos, at muli Siyang pasamain at paslangin; hangad nitong ibagsak at guluhin ang Kanyang gawain. Paano nito matutulutan ang Diyos na makapantay sa katayuan? Paano nito matitiis na “humadlang” ang Diyos sa gawain nito sa mga tao sa lupa? Paano nito matutulutan ang Diyos na ilantad ang kasuklam-suklam nitong mukha? Paano nito matutulutan ang Diyos na gambalain ang gawain nito? Paano mapapayagan ng diyablong ito, na nagpupuyos ang galit, na makontrol ng Diyos ang maharlikang hukuman nito sa lupa? Paano nito matatanggap nang maluwag ang nakahihigit na kapangyarihan Niya? Nabunyag na ang kasuklam-suklam nitong mukha kung ano talaga ito, kaya hindi alam ng tao kung tatawa siya o iiyak, at talagang mahirap itong banggitin. Hindi ba ito ang diwa nito?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 7).”

Pagkatapos ipinapanood sa akin ng sister ang pelikulang The Lies of Communism. May sipi ng mga salita ng Diyos na talagang umantig sa akin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Nagtitiwala kami na walang bansa o kapangyarihan ang maaaring pumigil sa kung ano ang nais ng Diyos na makamit. Ang mga humahadlang sa gawain ng Diyos, lumalaban sa salita ng Diyos at nanggugulo at sumisira sa plano ng Diyos ay parurusahan ng Diyos sa huli. Siya na lumalabag sa gawain ng Diyos ay ipadadala sa impiyerno; anumang bayan na sumusuway sa gawain ng Diyos ay wawasakin; anumang bansa na tumututol sa gawain ng Diyos ay mabubura sa daigdig na ito, at titigil sa pag-iral(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan). Nadama ko ang awtoridad at kamahalan ng Diyos mula sa mga salita Niyang ito. Walang makakahadlang sa gawain ng Diyos. Kahit ginagawa ng CCP na siraan at kondenahin ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, walang habas na inaaresto at inuusig ang mga Kristiyano mula sa Iglesia, patuloy pa ring sinusunod ng mga ito ang Diyos at ipinalalaganap ang Kanyang ebanghelyo Mas marami pa silang ginagawang pelikula tungkol sa ebanghelyo, pagtatanghal ng koro, at mga video ng sayaw, at dumarami ang naniniwala sa Makapangyarihang Diyos. Anumang mula sa tao ay hindi lalago nang napakabilis sa ilalim ng gayong katinding pag-uusig. Alam kong nagmula ito sa Diyos at siyang tunay na daan, at sulit na siyasatin. Ang pag-unawa ko sa lahat ng ito ay lumutas sa mga pagdududa at maling pagkaunawa ko tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at ramdam kong malaking pasanin ang pinawi sa puso ko.

Bumaling ako sa asawa ko at sinabi, “Tama ka sa paniniwala mo sa Makapangyarihang Diyos. Hindi ko man lang ito naramdaman o nahiwatigan at basta na lang ako naniwala sa mga kasinungalingan ng CCP at hinadlangan ka. Nagkamali ako.” Namuo ang mga luha sa kanyang mga mata at madamdaming sinabi, “Salamat sa Diyos nakita mo ang kasinungalingan ng CCP at napawi na ang pagkalito mo. Patnubay at pamumuno ito ng Diyos!”

Mula noon, nanood na ako ng mga video na gawa ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos kasama ang asawa ko, at pinakikinggan ko na siya. Kalaunan, nagkasakit ako nang malubha at dumating ang mga kapatid para kumustahin kami at tulungan nang lubos. Sa gayong walang malasakit na lipunan, ang tapat na pagtulong ng mga kapatid ay nagpadama sa amin na para kaming masayang pamilya. Di nagtagal nang mas nakilala ko pa sila, nakita ko na talagang mababait na tao sila na umaasa sa mga salita ng Diyos sa kanilang pakikipag-ugnayan, matatapat, matuwid at may dignidad sa pananalita at kilos nila. Talagang ibang-iba sila sa mga taong nakatrabaho ko—kakaunti na lang ang mga katulad nila sa mundong ito. Nadama kong ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay nagpapabago sa mga tao at ginagabayan tayo sa tamang landas. Gayundin, ang Simbahang ito ay puno ng pagmamahal, pinapasaya nito ang mga tao. May galak na tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Naalala ko ang panahon na nabulag ako ng mga kasinungalingan ng CCP at humadlang sa pananampalataya ng asawa ko, pero hindi sumuko ang Diyos sa pagliligtas sa akin. Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos na ibinahagi sa akin ng mga kapatid, itinulot ng Diyos na makita ko ang kasinungalingan ng CCP at makita ang katotohanan sa likod nila. Inakay Niya ako sa harapan Niya. Salamat at niligtas ako ng Diyos!

Sinundan: 19. Naghahatid ng Napakahalagang Balita ang Isang “Mensaherong Kalapati”

Sumunod: 21. Paglaya Mula sa Bitag ng Usap-usapan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

40. Pag-uwi

Ni Muyi, South Korea “Ang masaganang pag-ibig ng Diyos ay malayang ipinagkaloob sa tao at bumabalot sa tao; ang tao ay inosente at...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito