95. Makakamit Ba ang Kaligayahan sa Paghahangad ng Perpektong Buhay May Asawa?

Ni Yiping, Tsina

Noong nag-aaral pa ako, mahilig akong makinig sa mga kanta at magbasa ng mga sinaunang tula. Karamihan sa mga akdang ito ay tungkol sa pag-ibig. Hinubog ako ng mga pananaw sa pag-ibig na tulad ng “Pag-ibig ang kataas-taasan” at “magkahawak kamay at tatanda nang magkasama.” Naakit ako sa ideya ng isang pag-aasawang may pangmatagalang romansa, at nanabik akong makatagpo ng isang taong mag-aalaga sa akin at makakasama kong tumanda. Matapos magsimulang magtrabaho, nakilala ko ang aking asawa. Pagkatapos naming ikasal, napakamaasikaso niya at inalagaan niya ako. Minsan, kahit simpleng sakit ng ulo o lagnat, pinipilit niya akong magpatingin sa ospital. Kapag naglalakad kami sa kalye, palagi niya akong pinaglalakad sa kanyang kanan dahil takot siyang mabangga ako ng sasakyan. Sa tuwing nagkakaroon kami ng kaunting hindi pagkakaunawaan sa aming buhay, pinagbibigyan niya ako at nagpapaubaya siya sa akin. Bukod pa riyan, napakaromantiko niya. Sa tuwing umuuwi siya mula sa isang business trip, at sa bawat holiday, gaano man kaliit, binibilhan niya ako ng mga regalo. Nang makita ko kung gaano ako tinrato ng asawa ko nang may pag-aalaga, pakiramdam ko ay ako na ang pinakamasuwerteng babae sa buong mundo. Ipinagkatiwala ko sa kanya ang lahat ng kaligayahan ko sa buhay na ito.

Noong Hulyo 2013, nagsimula akong manampalataya sa Diyos. Mula sa mga salita ng Diyos, nalaman ko na ang Makapangyarihang Diyos ang Siyang lumikha ng langit at lupa at lahat ng bagay at may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat. Siya ang Tagapagligtas ng sangkatauhan. Ako ay isang nilikha, at dapat na maayos na manampalataya sa Diyos, sumunod sa Diyos, at tuparin ang tungkulin ko. Noong panahong iyon, sa tuwing may libreng oras ako, nagbabasa ako ng mga salita ng Diyos at aktibong nangangaral ng ebanghelyo. Hindi tinutulan ng asawa ko ang aking pananampalataya sa Diyos. Pagsapit ng Hunyo 2014, narinig niya ang walang batayang mga tsismis ng CCP na naninira sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Natakot siyang madamay dahil sa aking pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos at sinimulan niyang hadlangan ang aking pananampalataya sa Diyos. Sinabi ko sa kanya ang katotohanan at hiniling na huwag siyang maniwala sa walang batayang mga tsismis na iyon. Nang makita niyang hindi ako nakinig sa kanya, mula noon ay palagi na siyang nakikipagtalo sa akin.

Noong Hunyo 2018, isang gabi, mga bandang alas-diyes, umuwing lasing ang asawa ko. Sinipa niya pabukas ang pinto ng kuwarto, sinabunutan niya ako at kinaladkad mula sa kama papunta sa sahig bago sinimulang paluin ang ulo ko. Napakalakas ng mga palo niya, at bawat sampal ay pinauugong ang ulo ko. Pagkatapos, sinimulan niya akong sampalin sa mukha, at pagkatapos niyang gawin iyon, pumunta siya sa kusina para kumuha ng kutsilyo. Nagmumura siyang nagsabi, “Kapag nanampalataya ka ulit sa Diyos, papatayin kita tapos magpapakamatay din ako.” Habang nagsasalita, idiniin niya ang likod ng kutsilyo sa leeg ko. Sa puso ko, patuloy akong tumatawag sa Diyos. Hindi ako nangahas na pumalag. Pagkaraan ng tila walang katapusang sandali, ibinaba niya ang kutsilyo. Nang makita ko kung paanong ang dati kong maalaga at mapagmahal na asawa ay naging napakarahas, nadurog ang puso ko. Kinabukasan, nagpaumanhin siya at humingi ng tawad sa akin. Naisip ko, “Maraming taon na kaming kasal at palagi siyang mabait sa akin. Sa pagkakataong ito, marahil ay dahil lang sa lasing siya at naging padalus-dalos.” Kaya pinatawad ko siya. Gayumpaman, mula noon, nagsimula akong makaramdam na nalilimitahan ako kapag nakikipagtipon at ginagawa ang tungkulin ko. Sa tuwing umuuwi ako galing sa isang pagtitipon at nakikitang wala ang asawa ko, nakahihinga ako nang maluwag. Kung nasa bahay siya na nakasimangot, ako ang unang kumakausap sa kanya, o tinatanong ko siya kung ano ang gusto niyang kainin at nagmamadali akong pumunta sa kusina para iluto iyon. Naging mas maalalahanin pa ako sa kanya kaysa dati.

Noong Hunyo 2019, nahalal ako bilang lider sa iglesia. Nang marinig ko ang balitang ito, natuwa ako nang husto, at naisip kong bilang isang lider, magkakaroon ako ng maraming pagkakataon na magsanay at magkaroon ng mabilis na pag-usad sa buhay. Gayumpaman, napuno rin ako ng mga pag-aalinlangan, “Dati, palagi akong tinitingnan nang masama ng asawa ko o nagrereklamo siya kapag pumupunta ako sa mga pagtitipon. Mas maraming gawain ang mga lider, at kakailanganin kong madalas na lumabas para sa mga pagtitipon. Mas lalo pa kaya niya akong hahadlangan? Kung mangyari iyon, hindi na kami muling magkakaroon ng buhay na may pagkakasundo.” Sa isang banda, ang tungkulin ko; sa kabila, ang aking buhay may asawa. Nagtatalo ang kalooban ko. Nanalangin ako sa Diyos sa paghahanap, at naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Kung mahalaga ang ginagampanan mong papel sa pagpapalaganap sa gawain ng ebanghelyo at iniiwanan mo ang iyong posisyon nang walang pahintulot ng Diyos, nagiging isang taong tumatakas sa tungkulin, wala nang mas matindi pang pagsalangsang kaysa rito. Hindi ba’t ito ay maituturing na pagkakanulo sa Diyos?(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pangangaral sa Ebanghelyo ay ang Tungkuling Hindi Mahihindian ng Lahat ng Mananampalataya). Kung tatanggihan ko ang tungkulin ko para lang mapanatili ang aming buhay may asawa, isa iyong malubhang pagsalangsang. Isa akong nilikha, at ang paggawa ng tungkulin ko ay aking responsabilidad at obligasyon. Hindi ko maaaring ihinto ang paggawa ng aking tungkulin para lang mamuhay ng tahimik. Kaya, tinanggap ko ang tungkulin bilang isang lider. Nagkataon na nakabakasyon ang asawa ko noong panahong iyon. Nakikita niya akong maagang umaalis at gabi nang umuuwi araw-araw, at nakikipag-away siya sa akin kada ilang araw. Maraming beses niya akong hinarangan sa pinto at hindi pinayagang pumunta sa mga pagtitipon. Sinabi pa niya na hindi ko na inaasikaso ang aming pamilya o siya, at na kung magpapatuloy ako sa pananampalataya sa Diyos, ididiborsiyo niya ako. Pagkatapos, nabuo sa bibig ko ang mga salitang, “Sige, idiborsiyo mo ako!” pero nanghihina ang pakiramdam ko sa loob. Naisip ko, “Paano kung talagang ididiborsiyo ako ng mister ko? Ano na ang mangyayari sa buhay ko pagkatapos niyon?” Sa sandaling naisip ko ang tungkol sa diborsiyo, pakiramdam ko ay mawawala na ang lahat ng kaligayahan ko. Sobrang sakit ng puso ko na parang sinasaksak ng kutsilyo. Ayaw ko nang lumabas araw-araw para gawin ang tungkulin ko. Gayumpaman, isa akong lider sa iglesia, at responsable ako para sa pangkalahatang gawain ng iglesia. Kung tatalikuran ko ang tungkulin ko, talagang wala akong konsensiya. Kinailangan ko na lang lakasan ang loob ko at magpatuloy. Sa mga pagtitipon, pabasta-basta lang ako, kinukumusta kung may sinuman na nasa maling kalagayan at inaalam nang kaunti ang tungkol sa gawain. Nakikipagbahaginan lang ako nang simple, pero hindi ako naghahanap ng mga resulta. Minsan, hindi pa tapos isakatuparan ang gawain, pero sa sandaling makita kong oras na para tapusin ang pagtitipon, nagmamadali na akong umuwi. Dahil dito, hindi nalutas sa tamang oras ang mga problema at suliranin ng mga kapatid ko, at may ilang gawain na hindi naisakatuparan nang napapanahon.

Minsan, sinundan ako ng ate ko sa bahay ng isang sister para pigilan akong manampalataya sa Diyos. Para sa kaligtasan ng sister na ito, hiniling sa akin ng mga nakatataas na lider na huwag makipag-ugnayan sa mga kapatid, at na dapat kong gawin ang tungkulin ko sa abot ng aking makakaya batay sa sitwasyon sa bahay. Sa mga unang araw, nakaramdam ako ng panlulumo at lungkot dahil hindi ko magawa ang aking mga tungkulin. Kalaunan, nang makita kong araw-araw akong ipinagluluto ng asawa ko at abala siya sa pagsisikap na pasayahin ako, hindi nagtagal ay bumalik ako sa mga emosyon ng buhay may asawa. Alam na alam ko na ang sister na katrabaho ko ay kahahalal pa lang bilang lider at hindi pa pamilyar sa gawain ng iglesia. Maraming aytem ng gawain ang kinakailangang agaran kaming magtulungang dalawa para maipatupad at masubaybayan. Bukod pa riyan, hindi naman ako binabantayan ng asawa ko sa bawat galaw ko. May mga pagkakataon akong lumabas at gawin ang tungkulin ko, pero natakot ako na baka magalit ang asawa ko kung malaman niya. Kakaayos lang ng relasyon namin, at ayaw kong sirain ang sitwasyong ito. Kaya hindi ako nagtanong tungkol sa gawain ng iglesia sa loob ng dalawang buwan, gamit ang “pag-iingat sa kapaligiran” bilang dahilan. Bilang resulta, nahadlangan sa iba’t ibang antas ang lahat ng aytem ng gawain. Nakita ng mga nakatataas na lider na lubos akong namumuhay sa makalamang buhay, at hindi ko ginagawa ang gawain ng iglesia, kaya tinanggal ako. Noong oras na iyon, umiyak ako. Nagkaroon ako ng mga pagkakataong gawin ang tungkulin ko sa loob ng dalawang buwang ito, pero hindi ko pinanghawakan ang aking tungkulin. Hindi ba’t isa akong takas? Nakaramdam ako ng paninisi sa sarili at pagkakonsensiya sa aking puso. Sa isang pagtitipon, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos, na tandang-tanda ko pa na parang kahapon lang. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kung maglalatag Ako ng kaunting pera sa harap ninyo ngayon mismo at bibigyan kayo ng kalayaang pumili—at hindi Ko kayo kokondenahin nang dahil sa pinili ninyo—pipiliin ng karamihan sa inyo ang pera at tatalikuran ang katotohanan. Ang mas mabubuti sa inyo ay bibitiw sa pera at atubiling pipiliin ang katotohanan, habang yaong mga nasa gitna ay susunggaban ang pera sa isang kamay at ang katotohanan sa kabilang kamay. Hindi ba kusang lalabas ang tunay ninyong kulay sa ganoon? Sa pagpili sa pagitan ng katotohanan at ng anumang bagay na tapat kayo, lahat kayo ay pipili sa ganitong paraan, at magiging pareho pa rin ang saloobin ninyo. Hindi ba’t ganoon? Marami sa inyo ang nag-alinlangan sa pagitan ng tama at mali, hindi ba? Sa lahat ng pakikibaka sa pagitan ng positibo at negatibo, ng itim at puti—sa pagitan ng pamilya at ng Diyos, ng mga anak at ng Diyos, ng pagkakasundo at pagkakawatak, ng kayamanan at kahirapan, ng katayuan at pagiging ordinaryo, ng masuportahan at ng maitakwil, at iba pa—tiyak na hindi kayo walang malay sa mga ginawa ninyong desisyon! Sa pagitan ng nagkakasundong pamilya at ng watak-watak na pamilya, pinili ninyo ang nauna, at ginawa ninyo iyon nang walang pag-aatubili; sa pagitan ng kayamanan at ng tungkulin, muli ninyong pinili ang nauna, at ayaw pa nga ninyong bumalik sa pampang; sa pagitan ng luho at ng kahirapan, pinili ninyo ang nauna; sa pagpili sa pagitan ng alinman sa inyong mga anak, misis, at mister o Ako, pinili ninyo ang nauna; at sa pagitan ng mga kuru-kuro at ng katotohanan, pinili pa rin ninyo ang nauna. Nahaharap sa lahat ng klase ng inyong masasamang gawa, talagang nawalan na Ako ng tiwala sa inyo, talagang namangha Ako. Hindi inaasahan na ang inyong puso ay walang kakayahan na maging malambot(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kanino Ka Mismo Tapat?). Nang mabasa ko ang mga salita ng paghatol ng Diyos, nakaramdam ako ng matinding paninisi sa sarili, at hindi ko mapigilang umiyak. Isa ako sa mga taong nasa gitna, na inilantad ng Diyos. Sa isang kamay, mahigpit kong hinawakan ang aking buhay may asawa at pamilya, ayaw kong bitiwan; sa kabila, kumapit ako sa pagliligtas ng Diyos, ayaw kong abandonahin. Noong lider ako, bagama’t lumalabas ako para gawin ang tungkulin ko araw-araw, ayaw kong magalit ang asawa ko dahil sa pananampalataya ko sa Diyos at maapektuhan ang aming relasyon. Kapag ginagawa ko ang tungkulin ko, nagpapabasta-basta lang ako. Hindi ako namuhunan ng anumang pagsisikap sa pakikipagbahaginan at paglutas sa mga suliranin ng mga kapatid ko at sa mga problemang kinakaharap nila sa kanilang gawain. Nang nakabukod ako sa bahay para sa pag-iingat sa kapaligiran, basta ko na lang sinamantala ang sitwasyon para isantabi ang tungkulin ko habang tinatamasa ang tinatawag na masayang buhay. Alam na alam ko na ang sister na katrabaho ko ay kaluluklok lang bilang lider at hindi niya kayang asikasuhin ang lahat ng gawaing iyon nang mag-isa. At saka, hindi naman ako binabantayan ng asawa ko araw-araw, kaya sana ay nakipagtulungan ako sa aking sister para gawin ang ilang gawain. Gayumpaman, para maprotektahan ang relasyon ko sa asawa ko, hindi ko man lang kinumusta ang gawain ng iglesia sa loob ng dalawang buwan. Sa pagkaipit sa pagitan ng tungkulin ko at ng isang maayos na pamilya, pinili kong panatilihin ang pamilya ko at napakadali kong binitiwan ang aking mga tungkulin. Wala akong kahit katiting na katapatan sa Diyos, at kahit na sa loob ng dalawang buwang iyon, hindi ako nakaramdam ng kahit katiting na paninisi sa sarili o pagkakautang. Napakarami ko nang nabasang salita ng Diyos, pero nang may nangyari talaga sa akin, nakakagulat na ganito ang naging asal ko. Tunay na wala akong kahit katiting na konsensiya o katwiran! Sabi ng Diyos: “Nahaharap sa lahat ng klase ng inyong masasamang gawa, talagang nawalan na Ako ng tiwala sa inyo, talagang namangha Ako. Hindi inaasahan na ang inyong puso ay walang kakayahan na maging malambot.” Bilang isang lider sa iglesia, mayroon akong mabigat na responsabilidad. Dapat sana ay inako ko ang responsabilidad para sa pangangalaga sa normal na pag-usad ng iba’t ibang aytem ng gawain sa iglesia, at dapat sana ay sinuportahan at tinulungan ko ang aking mga kapatid na maunawaan ang katotohanan at gawin nang maayos ang kanilang mga tungkulin. Pero sa halip, wala akong pakialam kung naapektuhan ang buhay pagpasok ng mga kapatid ko, o kung napinsala ang gawain ng iglesia. Ang inisip ko lang ay ang panatilihin ang sarili kong buhay may asawa at pamilya, at basta ko na lang tinalikuran ang tungkulin ko. Talagang napakamakasarili ko at ubod ng sama! Isa akong taong hindi mapagkakatiwalaan! Sarili ko lang ang dapat kong sisihin sa pagkatanggal sa akin. Labis akong nagsisi, at lihim na naging determinado na hindi ko na tatalikuran ang tungkulin ko para lang mapanatili ang aking buhay may asawa at pamilya. Kalaunan, nagsimula uli akong gumawa ng mga tungkulin sa iglesia. Ginamitan ako ng asawa ko ng parehong pambobola at pananakot para pilitin akong talikuran ang pananampalataya ko sa Diyos. Nang makita niyang hindi ako nakikinig, palagi na niyang binabanggit ang tungkol sa diborsiyo araw-araw para takutin ako. Nanalangin ako sa Diyos at nagmakaawa sa Kanya na bigyan ako ng pananalig at lakas. Sa ganitong paraan, palagi akong nagpupumilit na pumunta sa mga pagtitipon at gawin ang tungkulin ko. Dahan-dahan, hindi na naging ganoon kahigpit ang pagkontrol sa akin ng asawa ko, hinihiling na lang niya na umuwi ako araw-araw.

Noong Hulyo 2023, isinaayos ng mga lider na gumawa ako ng isang tungkulin. Dahil maraming bagay ang sangkot sa gawain, makakauwi lang ako minsan kada dalawang linggo o higit pa. Naramdaman kong medyo nalimitahan ako, “Kung minsan lang ako uuwi kada dalawang linggo o higit pa, papayag kaya ang asawa ko? Kung madalas akong wala sa bahay, at wala sa tabi niya para samahan at alagaan siya, dahan-dahan at tiyak na masisira ang aming pagsasama.” Gayumpaman, naalala ko ang dati kong karanasan sa pagkabigo. Sa pagkakataong ito, ayaw ko nang may pagsisihan pa, at tinanggap ko ang tungkuling ito. Makalipas ang ilang panahon, medyo nag-alala ako, “Kung patuloy akong hindi uuwi, lalo kaming magkakaroon ng agwat ng asawa ko. Kung mahuhulog ang loob niya sa iba, matatapos na ang pagsasama namin. Kung mawawala ang aking buhay may asawa, magiging masaya pa kaya ang buhay ko sa hinaharap?” Sa panlabas, abala ako sa gawain araw-araw, pero palaging nagugulo ang puso ko. Sa sandaling matapos ang gawain, nagbibilang na ako ng mga araw hanggang sa puwede na akong makauwi. Naisip ko pa ngang hilingin sa mga lider na baguhin ang tungkulin ko sa isa na puwede kong magawa sa bahay. Napagtanto kong nagiging mapili ako sa tungkulin ko. Hindi iyon makatwiran, kaya hindi ko ito sinabi. Dahil wala akong magawa, sinabi ko sa Diyos ang mga saloobin ko at nagmakaawa sa Kanya na bigyang-liwanag at gabayan ako.

Isang araw sa aking mga debosyonal, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na malaki ang naitulong sa akin. Sabi ng Diyos: “May ilang tao pa nga na, pagkatapos manampalataya sa Diyos, tinatanggap ang kanilang tungkulin at ang atas sa kanila ng sambahayan ng Diyos, subalit upang mapanatili ang kaligayahan at kasiyahan sa kanilang buhay may-asawa, labis nilang ikinokompromiso ang paggampan nila sa kanilang tungkulin. Dapat sana ay pumunta sila sa malayong lugar upang ipangaral ang ebanghelyo, umuuwi sa kanilang tahanan nang isang beses kada linggo o paminsan-minsan, o maaari nilang lisanin ang kanilang tahanan at gawin ang kanilang tungkulin nang full-time ayon sa kanilang mga kakayahan at kondisyon sa iba’t ibang aspekto. Gayumpaman, natatakot silang hindi matutuwa ang kanilang asawa sa kanila, na hindi magiging masaya ang kanilang buhay may-asawa, o na tuluyan nang matatapos ang kanilang buhay may-asawa, at para sa ikasasaya ng kanilang buhay may-asawa, isinusuko nila ang maraming oras na dapat sana ay iginugugol sa paggawa ng kanilang tungkulin. Lalo na kapag naririnig nila ang kanilang kabiyak na nagrereklamo o tila hindi masaya o umaangal, mas lalo silang nagiging maingat sa pagpapanatili ng kanilang buhay may-asawa. Ginagawa nila ang lahat para mapasaya ang kanilang kabiyak at nagsisikap sila nang husto para mapanatili ang kanilang kaligayahan sa buhay may-asawa at maiwasan ang pagkasira ng kanilang buhay may-asawa. Siyempre, ang mas malubha pa rito ay may ilang tumatanggi sa tawag ng sambahayan ng Diyos at tumatangging gawin ang kanilang tungkulin upang mapanatili ang kaligayahan sa kanilang buhay may-asawa. Kapag dapat sana ay nililisan nila ang kanilang tahanan upang gawin ang kanilang tungkulin, dahil hindi nila kayang mawalay sa kanilang asawa o dahil tutol ang mga magulang ng kanilang asawa sa kanilang pananampalataya sa Diyos at tutol ang mga ito na iwanan nila ang kanilang trabaho at lisanin nila ang tahanan para magawa ang kanilang tungkulin, nakikipagkompromiso sila at bumibitiw sa kanilang tungkulin, sa halip ay pinipili nilang panatilihin ang kaligayahan at integridad ng kanilang buhay may-asawa. Upang mapanatili ang kasiyahan at integridad ng kanilang buhay may-asawa, at upang maiwasan ang pagkasira at pagtatapos ng kanilang buhay may-asawa, pinipili na lang nilang tuparin ang kanilang mga responsabilidad at obligasyon sa buhay may-asawa at tinatalikdan nila ang misyon ng isang nilikha. Hindi mo alam na, anuman ang iyong papel sa pamilya o sa lipunan—ito man ay bilang asawa, anak, magulang, empleyado, o ano pa man—at mahalaga man o hindi ang iyong papel sa buhay may-asawa, iisa lamang ang iyong pagkakakilanlan sa harap ng Diyos at iyon ay bilang isang nilikha. Wala kang pangalawang pagkakakilanlan sa harap ng Diyos. Kaya, kapag tinatawag ka ng sambahayan ng Diyos, iyon ang oras na dapat mong gampanan ang iyong misyon. Ibig sabihin, bilang isang nilikha, hindi mo dapat tuparin lang ang iyong misyon kapag natupad na ang kondisyon ng pagpapanatili ng kaligayahan at integridad sa iyong buhay may-asawa, sa halip, hangga’t ikaw ay isang nilikha, ang misyon na ibinibigay sa iyo at ipinagkakatiwala sa iyo ng Diyos ay dapat na tuparin nang walang kondisyon; anuman ang sitwasyon, dapat mong kompletuhin ang misyon mo, tratuhin ito bilang obligasyon mo, at gawing unang priyoridad ang misyon na ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos, habang ginagawang ikalawang priyoridad ang misyon at responsabilidad na ibinigay sa iyo ng pag-aasawa(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Hangarin ang Katotohanan (10)). Pagkatapos kong basahin ang siping ito ng mga salita ng Diyos, parang isang sinag ng liwanag ang tumagos sa puso ko. Bigla akong nalinawan at nabigyang-liwanag. Gaya ng sinabi ng Diyos, binibigyan ko ng napakalaking halaga ang pagiging buo at kaligayahan ng aking buhay may asawa. Gusto ko lang gumawa ng tungkulin basta mapapanatili ko ang kaligayahan ng aking buhay may asawa. Sa sandaling maapektuhan nito ang aking buhay may asawa, hindi ko na magawa ang tungkulin ko nang may kapayapaan sa puso, at ginusto ko pa ngang bitiwan ang tungkulin ko para mapanatili ang aking buhay may asawa. Hindi ko inuna ang mga tungkulin ng isang nilikha. Naalala ko noong nag-aaral pa ako, malaki ang naging epekto sa akin ng mga pananaw sa pag-aasawa tulad ng “magkahawak kamay at tatanda nang magkasama,” at “Makamtan ko sana ang isang pusong tapat sa akin, at sana ay hindi kami maghiwalay hanggang sa dulo ng aming mga buhay.” Palagi kong gustong makilala ang aking kabiyak na magtatrato sa akin nang totoo, magpapakita sa akin ng pagsasaalang-alang, mag-aalaga sa akin, at sasamahan ako habambuhay. Pagkatapos ikasal, itinuring kong pinakamahalagang bagay ang aking buhay may asawa, at palagi akong nagsisikap na mapanatili ito. Matapos akong manampalataya sa Diyos, naniwala ang asawa ko sa mga walang batayang tsismis at sinubukan niya akong pigilan. Nag-alala akong magkakaroon ng lamat ang aming pagsasama kaya naghanap ako ng mga paraan para sumipsip sa kanya. Kapag ginagawa ko ang mga tungkulin ng isang lider, pabaya ako at iniraraos lang ang mga gawain. Sa bawat pagtitipon, pumapasok at umuuwi ako sa tamang oras, na para bang sumusunod ako sa oras ng pagpasok at paglabas sa trabaho. Ang pagpapatupad ng ilang gawain ay hindi natapos, pero kapag naiisip ko kung paanong natapos na siguro ang asawa ko sa trabaho, nagmamadaling tinatapos ko ang pagtitipon at umuuwi na ako. Habang pauwi, iniisip ko pa kung paano kukunin ang loob ng asawa ko at mapapanatili ang relasyon ko sa kanya. Sa loob ng dalawang buwan na nasa bahay ako para ingatan ang kapaligiran, maaari sana akong gumawa ng ilang tungkulin. Gayumpaman, para mapanatili ang relasyon ko sa asawa ko, lubos kong binalewala ang gawain ng iglesia. Hindi lamang nito naantala ang buhay pagpasok ng mga kapatid ko, kundi napinsala rin nito ang gawain ng iglesia. Bukod pa riyan, nang lumabas ako para gawin ang tungkulin ko sa pagkakataong ito, tinanggap ko lang ito sa panlabas; hindi ko ito ginawa nang buong puso. Sa sandaling magkaroon ako ng libreng oras, binibilang ko na kung kailan ako uuwi. Naisip ko pa ngang palitan ang tungkulin ko para makauwi ako araw-araw. Masyado kong pinahalagahan ang pagpapanatili sa kaligayahan ng aking buhay may asawa; para bang ang pagkawala ng aking buhay may asawa ay isang malubhang pangyayari tulad ng pagguho ng langit. Isa akong nilikha. Ang Diyos ang nagbigay sa akin ng buhay at nagkaloob sa akin ng lahat. Misyon kong gawin nang maayos ang tungkulin ng isang nilikha. Pero para mapanatili ang aking buhay may asawa, palagi kong ginagawa ang tungkulin ko nang pabasta-basta. Hiyang-hiya ako sa harap ng Diyos! Wala akong kahit katiting na konsensiya o katwiran. Nang maunawaan ko ito, nakaramdam ako ng paninisi sa sarili at kirot sa puso ko. Lihim akong nagpasya: Sa hinaharap, isasagawa ko ang katotohanan at susuklian ang pagmamahal ng Diyos, at gagamitin ang lahat ng aking oras at isipan sa aking tungkulin.

Isang araw noong Setyembre 2023, umuwi ako. Umuwing lasing ang asawa ko isang gabi at agresibo akong tinanong, “Madalas kang wala sa bahay. Saan ka tumutuloy? Ano ang ginagawa mo?” Sinabihan din niya akong tumigil na sa pananampalataya sa Diyos. Hindi ako pumayag, kaya sinimulan niya akong saktan. Sa sobrang galit, umalis ako ng bahay. Isang araw noong Nobyembre, pumunta ako sa bahay ng nanay ko. Sabi ng nanay ko, “Sabi ng asawa mo, hindi na raw niya kayang mamuhay nang ganito. Gusto niyang umuwi ka at ayusin na ang mga papeles para sa diborsiyo.” Nang marinig ko ito, nakahinga ako nang maluwag. Naisip ko, “Sa lahat ng taon na ito, inusig niya ako nang husto at sinubukan akong pigilang manampalataya sa Diyos. Kung magdidiborsiyo kami, malaya na akong makapapanampalataya sa Diyos at hindi na niya ako malilimitahan.” Gayumpaman, nang lumabas ako ng pinto at nakita ko ang mga mag-asawang namamasyal sa kalye, naisip ko kung paanong dalawampung taon na kaming kasal. Kung magdidiborsiyo kami, nangangahulugan iyon na mula noon, wala nang anumang relasyon sa pagitan naming dalawa. Kung magkakasakit ako, sino ang mag-aalaga sa akin? Kung hindi ko siya makakasama, magiging mapanglaw at malumbay ba ang natitirang bahagi ng buhay ko? Talaga bang tatapusin ko na lang nang ganito ang dalawampung taon ng buhay may-asawa? Nang maisip ko ito, kumirot ang puso ko sa lungkot, at bumuhos ang mga luha mula sa mga mata ko. Nanalangin ako sa Diyos, “Mahal kong Diyos, alam kong hindi na kailangang panatilihin pa ang pagsasama namin ng asawa ko. Handa akong makipagdiborsiyo sa kanya, pero sa sandaling naiisip ko na makipagdiborsiyo sa kanya, lubha pa rin itong masakit sa puso ko. Mahal kong Diyos, nawa’y bigyan Mo ako ng pananalig at lakas para makagawa ako ng tamang desisyon.”

Pagkatapos, nabasa ko ang mga salita ng Diyos, at nalaman ko kung paano ko dapat tratuhin ang buhay may-asawa. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Inorden ng Diyos ang pag-aasawa para sa iyo at pinagkalooban ka Niya ng isang kabiyak. Pumapasok ka sa pag-aasawa ngunit hindi nagbabago ang iyong pagkakakilanlan at katayuan sa harap ng Diyos. Ikaw man ay isang lalaki o babae, may isang bagay na pareho sa inyo, at iyon ay, pareho kayong mga nilikha sa harap ng Lumikha. Sa loob ng balangkas ng buhay may-asawa, kayo ay nagpaparaya at nagpapahalaga at nagpoprotekta sa isa’t isa, nagtutulungan at sumusuporta sa isa’t isa, at ito ay pagtupad sa inyong mga responsabilidad. Ngunit sa harap ng Diyos, ang mga responsabilidad na dapat mong tuparin at ang misyon na dapat mong isakatuparan ay hindi maaaring mapalitan ng mga responsabilidad na tinutupad mo para sa iyong kabiyak. Kaya, kapag nagkakasabay ang iyong mga responsabilidad sa iyong kabiyak at sa tungkulin na dapat gawin ng isang nilikha sa harap ng Diyos, ang dapat mong piliin ay ang gawin ang tungkulin ng isang nilikha sa halip na tuparin ang iyong mga responsabilidad sa iyong kabiyak. Ito ang direksiyon at layunin na dapat mong piliin at, siyempre, ito rin ang misyon na dapat mong isakatuparan. Gayunpaman, may ilang tao na nagkakamali dahil ginagawa nilang misyon ng kanilang buhay ang paghahangad ng kaligayahan sa pag-aasawa, o ang pagtupad ng kanilang mga responsabilidad sa kanilang kabiyak, at ang pagmamalasakit, pag-aalaga, at pagpapahalaga at pagprotekta sa kanilang kabiyak, at itinuturing nila ang kanilang kabiyak bilang kanilang buong mundo, ang kanilang buhay—mali ito. … Pagdating sa pag-aasawa, ang magagawa lamang ng mga tao ay tanggapin ito mula sa Diyos at sundin ang depinisyon ng pag-aasawa na inorden ng Diyos para sa tao, kung saan ang parehong mag-asawa ay tumutupad sa kanilang mga responsabilidad at obligasyon sa isa’t isa. Ang hindi nila magagawa ay ang itakda ang tadhana, nakaraang buhay, kasalukuyang buhay, o ang susunod na buhay ng kanilang kabiyak, lalo na ang buhay na walang-hanggan. Ang iyong hantungan, ang iyong tadhana, at ang landas na iyong susundin ay maaari lamang itakda ng Lumikha. Kaya, bilang isang nilikha, ang iyong papel man ay bilang isang misis o mister, ang kasiyahan na dapat mong hangarin sa buhay na ito ay nagmumula sa paggawa mo ng tungkulin ng isang nilikha at pagsasakatuparan sa misyon ng isang nilikha. Hindi ito nagmumula sa pag-aasawa mismo, lalong hindi sa pagtupad mo ng mga responsabilidad ng isang asawa sa loob ng balangkas ng pag-aasawa. Siyempre, ang landas na iyong pinipiling sundin at ang pananaw sa buhay na iyong ginagamit ay hindi dapat nakabatay sa kaligayahan sa pag-aasawa, lalong hindi ito dapat nakatakda batay sa sinuman sa mag-asawa—ito ay isang bagay na dapat mong maunawaan(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Hangarin ang Katotohanan (11)). “Tungkol naman sa pag-aasawa, hangga’t hindi ito sumasalungat o kumokontra sa iyong paghahangad sa katotohanan, hindi magbabago ang mga obligasyon na dapat mong tuparin, ang misyon na dapat mong isakatuparan, at ang papel na dapat mong gampanan sa loob ng balangkas ng buhay may-asawa. Samakatwid, ang paghiling na bitiwan mo ang paghahangad sa kaligayahan sa buhay may-asawa ay hindi nangangahulugang hinihiling sa iyo na talikuran ang buhay may-asawa o na makipagdiborsyo ka, kundi sa halip ay nangangahulugang hinihiling sa iyo na tratuhin nang tama ang buhay may-asawa, at pagkatapos, sa pundasyong ito, kompletuhin ang iyong misyon bilang isang nilikha at tuparin nang maayos ang tungkuling dapat mong gampanan. Siyempre, kung ang iyong paghahangad sa kaligayahan sa buhay may-asawa ay nakakaapekto o nakakahadlang sa iyong paggampan sa tungkulin ng isang nilikha, o nagiging sanhi pa nga na talikuran mo ang tungkuling ito na dapat mong gawin, kung gayon ay isa kang lubhang mapaghimagsik na tao. Kung hahanapin mo ang katotohanan sa usaping ito, dapat mong malinaw na makita kung ano ang dapat panghawakan ng mga tao at kung ano ang dapat nilang talikuran. Ang dapat mong talikuran ay hindi lamang ang iyong paghahangad sa kaligayahan sa buhay may-asawa; dapat mong talikuran ang iyong buong buhay may-asawa. Sa ganitong paraan, makakamit mo ang ganap na pag-ayon sa mga katotohanang prinsipyo. … Kung gusto mong maging isang taong naghahangad sa katotohanan, ang pinakadapat mong isipin ay kung paano bibitiwan ang ipinabibitiw sa iyo ng Diyos at kung paano isasakatuparan ang ipinapasakatuparan sa iyo ng Diyos. Kahit na hindi ka makapag-asawa at wala ang iyong kapareha sa iyong tabi sa hinaharap, mabubuhay ka pa rin hanggang sa iyong mga huling taon at mamumuhay nang maayos. Gayumpaman, kung tatalikuran mo ang pagkakataong ito na gawin ang iyong tungkulin, katumbas iyon ng pagtalikod mo sa tungkuling dapat mong gawin at sa misyon na ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos. Para sa Diyos, hindi ka magiging isang taong naghahangad sa katotohanan, isang taong tunay na nagnanais sa Diyos, o isang taong naghahangad ng kaligtasan. Kung aktibo mong tatalikuran ang iyong pagkakataon at karapatang makamit ang kaligtasan, tatalikuran ang iyong misyon, at sa halip ay pipiliin mo ang buhay may-asawa, pipiliing mamuhay kasama ang iyong asawa, pipiliing samahan at bigyang-kasiyahan siya, at pipiliing panatilihin ang integridad ng iyong buhay may-asawa, sa huli ay tiyak na may mawawala sa iyo habang may nakakamit ka. Nauunawaan mo naman kung ano ang mawawala sa iyo, hindi ba? Ang buhay may-asawa at ang kaligayahan sa buhay may-asawa ay hindi ang lahat-lahat para sa iyo—hindi ito ang magpapasya ng iyong kapalaran, hindi ito ang magpapasya ng iyong hinaharap, at mas lalong hindi ito ang magpapasya ng iyong hantungan(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Hangarin ang Katotohanan (10)). Pagkatapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, naramdaman kong napakaliwanag at napakalinaw ng puso ko. Inorden ng Diyos na para sa mga tao, ang kahulugan ng pag-aasawa ay para lang hayaan ang mga tao na samahan at alagaan ang isa’t isa. Ngunit hindi maaaring palitan ng mga responsabilidad ng buhay may asawa ang misyon ng isang nilikha. Kapag dumating ang tungkulin, dapat kong unahin ang paggawa nang maayos sa tungkulin ng isang nilikha. Kung tatalikuran ko ang tungkulin ko para hangarin ang isang masayang buhay may asawa, mawawalan ako ng pagkakataon na makamit ang katotohanan at matanggap ang pagliligtas ng Diyos. Sa huli, mahuhulog ako sa malalaking kalamidad at malilipol. Noong nakaraan, ang paghahangad lang ng masayang pag-aasawa ang iniisip ko. Ginugol ko ang maraming oras at pagsisikap sa pagpapanatili ng relasyon ko sa aking asawa. Gusto kong kumapit sa kaligayahan ng pagsasama namin sa isang kamay, at sa katotohanan naman sa kabilang kamay. Sinubukan kong asikasuhin ang dalawang bagay, pero pagod na pagod ang puso ko, at wala talaga akong masasabing kaligayahan. Ngayon, maraming taon na akong nananampalataya sa Diyos pero hindi ko pa rin nauunawaan ang katotohanan. Nagsayang ako ng maraming panahon. Naging napakahangal ako! Napagtanto ko rin na ang pananampalataya sa Diyos ay ganap na likas at may katwiran. Hindi nananampalataya sa Diyos ang asawa ko at sinubukan din niya akong pigilan sa pananampalataya. Sa tuwing may babanggitin ako na may kinalaman sa pananampalataya sa Diyos, nagagalit siya sa akin, pinagsasabihan ako, binubugbog, at minumura. Madalas niya akong pagbantaan na hihiwalayan para pilitin akong talikuran ang aking pananampalataya sa Diyos. Malinaw na ang diwa niya ay sa isang demonyong namumuhi sa katotohanan at namumuhi sa Diyos. Gaya ng sinabi ng Diyos: “Likas na hindi magkaayon ang mga mananampalataya at ang mga walang pananampalataya; bagkus ay magkasalungat sila sa isa’t isa(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). Kami ay dalawang uri lang ng mga tao na hindi magkaayon, at tinatahak namin ang dalawang lubhang magkaibang landas. Talagang walang paraan para magkasama kaming tumanda. Pero hangal ko pa ring pinanatili ang buhay may asawa na ito nang napakaingat. Hindi ba’t ito ay bulag na pagsunod sa isang demonyo? Masyado akong hangal at magulo mag-isip! Ang pagpapanatili ng aking relasyon sa asawa ko ay hahantong lang sa pag-iwas ko sa Diyos, pagkakanulo sa Diyos, at pagputol sa sarili kong pagkakataong maligtas. Namumuhay sa isang maling pananaw sa pag-ibig, itinuring kong misyon ko ang paghahangad ng isang masayang buhay may asawa. Ayaw kong kilatisin ang diwa ng asawa ko. Kung wala ang pagbubunyag ng mga katunayan, at kung wala ang kaliwanagan at gabay ng mga salita ng Diyos, hindi ko pa rin sana ito makikilatis. Talagang bulag at mangmang ako! Hindi ko na kayang patuloy na mamuhay sa mga maling kaisipan at pananaw na ito. Kahit na gusto ng asawa kong makipagdiborsiyo sa akin, kailangan ko pa ring gawin ang tungkulin ng isang nilikha. Ito talaga ang misyon ko!

Sa aking mga debosyonal, narinig ko ang isang himno ng mga salita ng Diyos.

Hayaan ang Diyos na Pumasok sa Puso Mo

1  Kapag binuksan mo ang iyong puso sa Diyos, saka lang Siya makakapasok dito. Tanging kapag nakapasok na ang Diyos sa iyong puso mo makikita ang mga tinataglay ng Diyos at ang Kanyang pagiging Diyos, at makikita ang Kanyang mga layunin para sa iyo. Sa sandaling iyon, matutuklasan mo na napakahalaga ng lahat ng tungkol sa Diyos, na talagang karapat-dapat pakaingatan ang mga tinataglay ng Diyos at ang Kanyang pagiging Diyos. Kumpara doon, ang mga tao, pangyayari, at bagay sa paligid mo, at maging ang iyong mga mahal sa buhay, ang iyong kapareha, at ang mga bagay na iyong minamahal, ay labis na hindi karapat-dapat na mabanggit, sobrang hindi kapansin-pansin, at napakababa sa iyo. Madarama mo na walang materyal na bagay ang muling makahahatak sa iyo, o muling magpapabayad sa iyo ng anumang halaga para dito. Sa pagpapakumbaba ng Diyos ay makikita mo ang Kanyang kadakilaan at ang Kanyang pangingibabaw.

2  Higit pa rito, makikita mo ang walang hanggang karunungan ng Diyos at ang Kanyang pagpaparaya sa ilang gawa Niya na pinaniwalaan mo noon na masyadong maliit, pati na ang pagtitiyaga, pagtitimpi, at pag-unawa na ipinapakita Niya sa iyo. Magdudulot ito sa iyo ng pagsamba para sa Kanya. Sa araw na iyon, mararamdaman mo na nabubuhay ang sangkatauhan sa isang napakaruming mundo, at na, ito man ay ang mga taong nasa tabi mo o ang mga bagay na nangyayari sa iyong paligid, o maging yaong iyong iniibig, ang kanilang pag-ibig para sa iyo, at ang kanilang tinatawag na pag-iingat o ang kanilang malasakit para sa iyo, wala sa mga ito ang karapat-dapat na banggitin—ang Diyos lang ang iyong pinakaminamahal, at ang pinakamahalaga mong yaman. Napakadakila ng pagmamahal ng Diyos, at napakabanal ng Kanyang diwa. Sa Diyos, walang panlilinlang, walang kasamaan, walang inggit, at walang alitan, kundi tanging pagiging matuwid at pagiging tunay. Ang lahat ng tinataglay ng Diyos at ang Kanyang pagiging Diyos ay dapat kasabikan ng mga tao, at dapat din itong hangarin at asamin ng mga tao.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III

Talagang naantig ako nang marinig ko ang himnong ito. Ang pagmamahalan sa pagitan ng mga tao ay itinatag sa pundasyon ng transaksyon. Kapag sinasamahan ko ang asawa ko at inaalagaan siya at ang mga anak namin, mabuti ang pakikitungo niya sa akin; nang hindi ko siya maalagaan nang full-time, nagsimula siyang magalit at gusto na niyang makipagdiborsiyo dahil wala siyang nakukuhang anumang pakinabang mula sa akin. Sa mga taong iyon, minsan ko nang isinantabi ang tungkulin ko at ipinagkanulo ang Diyos para mapanatili ang kaligayahan ng aking buhay may asawa. Gayumpaman, hindi ako tinrato ng Diyos ayon sa mga ikinilos ko. Nagpakita pa rin sa akin ng awa at biyaya ang Diyos, at ginamit Niya ang Kanyang mga salita para bigyang-liwanag ako upang makita ko ang mga pakana ni Satanas. Inilabas Niya ako sa aking mga maling pananaw sa pag-aasawa para hindi na ako muling mapinsala ni Satanas. Napagtanto kong ang Diyos lamang ang pinakamasidhing nagmamahal sa mga tao, at ang pag-ibig lamang ng Diyos ang tunay at banal.

Kalaunan, nang pumayag na akong makipagdiborsiyo sa asawa ko, ayaw na niya. Sinabi pa niya na basta’t umuwi ako, tatratuhin niya ako nang mabuti tulad ng dati, at hindi na niya ako susubukang pigilan sa pananampalataya sa Diyos. Naisip ko kung paanong gumamit ang asawa ko ng mga pananakot, karahasan, at pagmumura para pilitin akong talikuran ang aking pananampalataya sa Diyos. Nang makita niyang hindi gumana ang mga taktikang iyon, gumamit siya ng matatamis na salita para lokohin ako. Kahit paano niya baguhin ang kanyang mga taktika, ang kanyang diwa ay sa isang diyablo pa rin. Ang kanyang diwa ng pagiging kaaway ng Diyos ay hindi kailanman magbabago. Sampung taon na niya akong sinusubukang pigilan sa pananampalataya sa Diyos. Kung kaya niyang magbago, matagal na sana siyang nagbago. Kung maniniwala ulit ako sa sinabi niya, mahuhulog lang ako sa patibong at maloloko, at mawawala sa akin ang pagkakataon kong maligtas ng Diyos. Kaya binalewala ko ang sinabi niya. Naisip ko, “Kahit hindi kami magdiborsiyo, hindi ko hahayaang hadlangan niya ang paggampan sa aking mga tungkulin.” Pagkatapos, palagi kong ginagawa ang aking mga tungkulin sa iglesia, at napanatag ang puso ko. Huminto na ako sa pag-iisip kung paano pananatilihin ang buhay may asawa at pamilya ko, at sa wakas ay nakalaya na ako sa mga paglilimita ng aking asawa at sa mga gapos ng buhay may-asawa. Ngayon ay malaya na akong manampalataya sa Diyos at gawin ang tungkulin ko. Salamat sa Diyos sa Kanyang pagliligtas!

Sinundan: 94. Ang mga Kahihinatnan ng Pagpili sa Madadaling Gampanin at Pag-iwas sa Mahihirap na Gampanin sa Tungkulin

Sumunod: 96. Paglaya mula sa Kumunoy ng Pera, Kasikatan, at Pakinabang

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

44. Nakauwi na Ako

Ni Chu Keen Pong, Malaysia Mahigit isang dekada akong nanalig sa Panginoon at naglingkod sa iglesia nang dalawang taon, at pagkatapos ay...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito