93. Hindi Na Ako Nag-aalala Tungkol sa Sakit ng Aking Asawa

Ni Li Qiu, Tsina

Noong tagsibol ng 2005, pinalad kami ng asawa kong si Huijuan na tanggapin ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at kalaunan, pareho naming ginampanan ang aming mga tungkulin sa iglesia. Sa tuwing nakakaranas kami ng mga suliranin at hamon sa aming mga tungkulin, magkasama kaming nananalangin, naghahanap, at nagbabasa ng mga salita ng Diyos, at nagtutulungan at nakikipagbahaginan kami sa isa’t isa. Sa patnubay ng mga salita ng Diyos, nakaunawa kami ng ilang katotohanan. Hindi namin namalayan, mahigit sampung taon na ang lumipas, at pareho na kaming nasa sesenta. Humina ang aming kalusugan, lalo na ang sa asawa ko. Nagkaroon siya ng altapresyon at kailangang palaging uminom ng gamot. Kung minsan, kapag talagang malala ang kondisyon niya, nahihilo siya at hindi makagalaw. May problema rin siya sa puso at tiyan. Sa aming pang-araw-araw na buhay, inaalagaan, nakikipagbahaginan, at tinutulungan namin ang isa’t isa, at panatag ako at kontento.

Isang araw noong Setyembre 2023, nakatanggap ako ng liham mula sa mga nakatataas na lider, hinihiling na ako ang mamahala sa gawain ng ebanghelyo sa ibang lugar. Tuwang-tuwa ako nang makita ko ito, at alam kong ito ay biyaya at pagtataas sa akin ng Diyos. Bagama’t nauunawaan ko ang ilang prinsipyo at may kaunting karanasan ako sa pangangaral ng ebanghelyo, kulang pa rin ako sa pagbabahagi ng katotohanan. Kung pupunta ako sa ibang lugar para gawin ang tungkulin ko, magkakaroon ako ng mas maraming pagkakataong magsanay, madalas kong makakausap ang mga kapatid, at mabilis akong uunlad. Bukod dito, ang gawain ng ebanghelyo ay ang pangunahing gawain ng sambahayan ng Diyos, at ang pinakaagarang layunin ng Diyos ay na mas maraming tao ang lumapit sa Kanya at tanggapin ang Kanyang pagliligtas, kaya dapat kong isaalang-alang ang layunin ng Diyos at makipagtulungan sa gawain ng ebanghelyo. Nang maisip ko ito, lumingon ako para tingnan ang asawa ko, iniisip na, “Ano ang mangyayari sa kanya kung aalis ako? Maiiwan siyang mag-isa rito sa bahay. May altapresyon na nga siya, nasa mga 160 hanggang 180 mmHg ang systolic pressure niya at 120 hanggang 130 mmHg naman ang diastolic. Kapag inaatake siya, pakiramdam niya ay tumataob ang kama at gumuguho ang kuwarto, at nahihiga lang siya sa kama, takot na takot na gumalaw man lang. Kakayanin ba niya kung wala ako sa tabi niya para mag-alaga sa kanya?” Hindi ko maiwasang malugmok sa mga pagkabahalang ito. Nakita kong may luha sa mga mata ng asawa ko, at tinanong ko siya, “Ano ang problema?” Huminto siya sandali at pagkatapos ay sinabi, “Kung aalis ka, wala na akong mapagsasabihan ng niloloob ko. Tumatanda na ako, at may sakit pa ang katawan ko. Kapag nandiyan ka sa tabi ko, mayroon akong masasandalan at may mag-aalaga sa akin.” Sinabi ng asawa ko ang iniisip ko sa kalooban ko: “Malulungkot ba siya at sasama ba ang loob niya kung aalis ako? At kung lalala ang kalagayan niya at biglang tumaas ang presyon ng dugo niya, ano ang gagawin niya? Gumagawa ng tungkulin ang anak naming lalaki sa iglesia at hindi namin siya makasama, pero kaya ko pa ring alagaan ang asawa ko kung nasa tabi niya ako. Madalas sabihin ng mga tao, ‘sa kabataan ay magkasama, sa katandaan ay magkaramay,’ at habang tumatanda tayo, dapat tayong magkasama, inaalagaan ang isa’t isa.” Nang maisip ko ito, hindi ko malaman ang gagawin. Paulit-ulit kong pinag-isipan ang bagay na ito, pero hindi talaga ako makapagdesisyon. Bagama’t binibisita siya ng mga sister na nakatira sa malapit, nag-aalala pa rin ako, iniisip na, “Paano kung magkasakit siya at may mangyaring masama? Kakayanin ba niya kung wala ako? Sino ang mag-aalaga sa kanya? Siguro dapat padalhan ko ng liham ang mga lider, ipaliwanag ang aming tunay na mga paghihirap at hilingin sa kanila na humanap na lang ng iba.” Pero naisip ko naman, “Ang pangangasiwa sa gawain ng ebanghelyo ay isang mabigat na responsabilidad, at dahil dumating sa akin ang tungkuling ito, ito ang kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos. Kung hindi ako pupunta para gawin ito, pagsuway iyon, pero ano ang mangyayari sa asawa ko kung pupunta ako? Hindi ko rin naman siya puwedeng basta na lang pabayaan.” Kaya nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, gusto ko pong gawin ang tungkuling ito, pero ang sakit ng asawa ko ay isang tunay na suliranin. O Diyos, hindi ko po alam ang gagawin. Pakiusap, gabayan Mo po ako.” Noong sandaling iyon, naalala ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Pag-una sa mga interes ng sambahayan ng Diyos … kahit ano pa ang ginagawa mo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kumusta ang Kaugnayan Mo sa Diyos?). Naunawaan ko na isa akong nilikha, at kailangan kong magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos at unahin ang gawain ng iglesia. Ang pangangaral ng ebanghelyo at paggawa ng aking mga tungkulin ay isang responsabilidad na hindi matatakasan, at kailangan kong magpasakop.

Kinaumagahan, nakita ko ang asawa kong nakahiga sa kama. Tumaas na naman ang presyon ng dugo niya, hilong-hilo siya para bumangon, at hapis at namumutla ang mukha niya. Hindi na naman ako mapakali, at naisip ko, “Maaaring umatake ang sakit niya anumang oras—paano kung bumangon siya para kumuha ng tubig at himatayin siya, at magdulot pa iyon ng iba pang mga sakit o kaya ay paralisis? Sa kalagayan niyang ito, hindi ako mapapanatag na iwan siya! Lalo na habang tumatanda siya, mas tataas ang posibilidad na lumala ang pagsumpong ng mga kondisyon niya, at mas kakailanganin niya ang pag-aalaga ko. Puwede akong sumulat sa mga lider para itanong kung puwede bang sumama ang asawa ko para sabay kaming gumawa ng mga tungkulin, at puwede siyang gumawa ng tungkulin ng pagho-host. Sa ganitong paraan, hindi ko na kailangang mag-alala sa kanya.” Kalaunan, sumulat ako ng liham, pero habang tinitingnan ko ang liham na isinulat ko, hindi ako mapalagay. Tinanong ko ang sarili ko, “Bakit ako nagsusulat ng liham na ito? Hindi ba’t nagtatakda lang ako ng mga kondisyon? Isa akong mananampalataya, pero kapag nahaharap sa isang tungkuling hindi naaayon sa mga gusto ko, nagdadahilan ako para tumanggi. Sa paanong paraan ako nagpapasakop sa paggawa nito? Hindi ba’t hinihiling ko lang sa Diyos na gawin ang mga bagay ayon sa kalooban ko? May pagpapahalaga ba ako sa katwiran kahit kaunti?” Tiningnan kong muli kung gaanong nahihirapan ang asawa ko, at gulung-gulo ang isip ko. Sa isang banda, naroon ang tungkulin kong mangaral ng ebanghelyo, at sa kabila naman ay ang sakit ng aking asawa. Nag-alala ako para sa kanya, pero ayaw ko ring talikuran ang tungkulin ko. Noong sandaling iyon, medyo nabawasan ang pagkahilo ng asawa ko, at pareho kaming lumuhod para manalangin sa Diyos. Sabi ko, “O Diyos, handa akong tanggapin ang aking tungkulin, pero napakaliit po ng aking tayog para isantabi ang asawa ko. Pakiusap, gabayan Mo po ako.”

Sa aking mga debosyonal, nabasa ko ang mga salita ng Diyos at nakahanap ako ng ilang landas ng pagsasagawa. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Hindi kailanman nilayon ng Diyos na puwersahin, igapos, o manipulahin ang mga tao. Hindi kailanman nililimitahan o pinipilit ng Diyos ang mga tao, at lalong hindi Niya pinupuwersa ang mga tao. Ang ibinibigay ng Diyos sa mga tao ay sapat na kalayaan—tinutulutan Niya ang mga tao na piliin ang landas na dapat nilang tahakin. Kahit na nasa sambahayan ka ng Diyos, at kahit na pauna ka nang itinadhana at hinirang ng Diyos, malaya ka pa rin. Maaari mong piliing tanggihan ang iba’t ibang hinihingi at pagsasaayos ng Diyos, o maaari mong piliing tanggapin ang mga ito; binibigyan ka ng Diyos ng pagkakataon na pumili nang malaya. Pero anuman ang piliin mo, o paano ka man kumilos, o anuman ang pananaw mo sa pangangasiwa ng isang usapin na nakakaharap mo, o anuman ang mga metodo at pamamaraan na ginagamit mo sa huli para lutasin ito, dapat mong panagutan ang mga kilos mo. Ang iyong huling kalalabasan ay hindi nakabatay sa iyong mga personal na paghusga at depinisyon, at sa halip ay nag-iingat ng isang talaan ang Diyos tungkol sa iyo. Pagkatapos magpahayag ang Diyos ng napakaraming katotohanan, at pagkatapos marinig ng mga tao ang napakaraming katotohanang ito, mahigpit na susukatin ng Diyos ang mga tama at mali ng bawat tao at tutukuyin ang huling kalalabasan ng bawat tao batay sa Kanyang sinabi, sa kung ano ang Kanyang hinihingi, at sa mga prinsipyong binuo Niya para sa mga tao. Sa usaping ito, ang pagsisiyasat ng Diyos, at ang mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos ay hindi pagmamanipula ng Diyos sa mga tao, o paggapos Niya sa mga tao—ikaw ay malaya. Hindi mo kailangang maging mapagbantay laban sa Diyos, ni hindi mo kailangang matakot o mabagabag. Isa kang malayang tao mula simula hanggang dulo. Binibigyan ka ng Diyos ng isang malayang kapaligiran, ng kalooban na gumawa ng mga malayang pagpili, at ng espasyo na makapili nang malaya, tinutulutan ka na pumili para sa iyong sarili, at anuman ang kalalabasan mo sa huli ay ganap na tinutukoy ng landas na tinatahak mo. Patas ito, hindi ba? (Oo.) Kung, sa huli, maliligtas ka, at isa kang taong nagpapasakop sa Diyos at kaayon ng Diyos, at isa kang taong tinatanggap ng Diyos, iyon ang makukuha mo dahil sa iyong mga tamang pagpili; kung, sa huli, hindi ka maliligtas, at hindi mo magagawang maging kaayon ng Diyos, at hindi ka makakamit ng Diyos, at hindi ka isang taong tinatanggap ng Diyos, iyon ay dahil din sa iyong sariling mga pagpili. Samakatwid, sa Kanyang gawain, binibigyan ng Diyos ang mga tao ng maraming espasyo para pumili, at binibigyan Niya rin ang mga tao ng ganap na kalayaan(Ang Salita, Vol. VII. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Hangarin ang Katotohanan (2)). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, sa wakas ay nagkaroon ako ng pagkatanto: “Binigyan ako ng Diyos ng kalooban na malayang pumili, at kapag sumapit sa akin ang tungkulin, pinanonood ng Diyos ang pinipili ko at ang landas na tinatahak ko—kung pinipili ko bang magpasakop sa Diyos at gawin ang tungkulin ko bilang isang nilikha, o pinipili kong isantabi ang tungkulin ko at manatili sa bahay para alagaan ang asawa ko. Hiniling sa akin ng mga lider na ako ang mamahala sa gawain ng ebanghelyo. Bibigyan ako nito ng pagkakataong magsanay sa aking tungkulin, at nasa likod nito ang layunin ng Diyos. Palala nang palala ang mga sakuna ngayon, at marami pa ring tao ang hindi pa nakakarinig sa tinig ng Diyos, at nagdurusa pa rin sa ilalim ng pagpapahirap at pamiminsala ni Satanas. Ayaw ng Diyos na makita silang masadlak sa sakuna, at umaasa Siyang mas maraming tao ang mangangaral ng ebanghelyo at magpapatotoo sa Kanyang gawain sa mga huling araw.” Pero kahit na alam kong kailangang-kailangan ng gawain ng ebanghelyo ang pakikipagtulungan ng mga tao, nag-alala ako na baka magkasakit ang asawa ko, kaya gusto kong manatili sa bahay at alagaan siya; gusto kong tanggihan at iwasan ang tungkulin ko. Gusto ko pa nga siyang sumama sa akin para gumawa ng tungkulin ng pagho-host, kahit na alam kong hindi niya magagawa ang tungkuling ito dahil sa kanyang mga kondisyon. Ang pag-uugali ko ay talagang nagpakita ng ganap na kawalan ng pagpapasakop sa Diyos. Kung hindi ko magagawa ang tungkulin ko dahil gusto kong alagaan ang asawa ko, hindi ko lang mabibigong suklian ang dugo ng pusong ipinuhunan ng Diyos sa akin, kundi mawawala rin sa akin ang pagkakataong magsanay sa paggawa ng aking tungkulin at magkamit ng katotohanan, at mapipinsala ang aking buhay pagpasok. Kailangan kong unahin ang gawain ng iglesia at aktibong tanggapin ang aking tungkulin, dahil ito ang dapat gawin ng isang nilikha.

Kalaunan, naisip ko, “Bakit hindi ko mabitiwan sa puso ko ang asawa ko? Naisip ko pa ngang iwasan ang tungkulin ko para lang maalagaan siya.” Sa pagninilay-nilay, napagtanto ko na ito ay dahil namumuhay ako sa loob ng mga damdamin ng laman. Nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Hindi Ko binibigyan ng pagkakataon ang mga tao na magpahayag ng kanilang mga damdamin, sapagkat wala Akong mga damdamin ng laman, at kinamuhian Ko nang sukdulan ang mga damdamin ng mga tao. Dahil sa mga damdamin sa pagitan ng mga tao kaya Ako naitaboy sa isang tabi, at sa gayon ay naging ‘taong mapanghimasok’ Ako sa kanilang paningin; dahil sa mga damdamin sa pagitan ng mga tao kaya Ako nakalimutan; dahil sa mga damdamin ng tao kaya niya kinukuha ang pagkakataong damputin ang kanyang ‘konsensiya’; dahil sa mga damdamin ng tao kaya siya laging tumututol sa Aking pagkastigo; dahil sa mga damdamin ng tao kaya niya Ako palaging tinatawag na hindi patas at hindi makatarungan, at sinasabing hindi Ko iniintindi ang mga damdamin ng tao sa Aking pamamahala sa mga bagay-bagay. May kamag-anak din ba Ako sa ibabaw ng lupa? Sino, katulad Ko, ang nakapagtrabaho na araw at gabi, na hindi iniisip ang pagkain o pagtulog, para sa kapakanan ng buong plano ng Aking pamamahala? Paanong maikukumpara ang tao sa Diyos? Paanong magiging kaayon ng Diyos ang tao? Paano maaaring maging kauri ng tao, na nilikha, ang Diyos, na lumilikha? Paano Ako maaaring palaging manahan at kumilos na kasama ng tao sa lupa? Sino ang nagmamalasakit sa Aking puso?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos Para sa Buong Sansinukob, Kabanata 28). “Lubhang sentimental ang ilang tao. Araw-araw, sa lahat ng kanilang sinasabi, at sa kung paano sila umasal at mangasiwa ng mga bagay, namumuhay sila ayon sa kanilang mga damdamin. Nakararamdam sila ng mga bagay-bagay para sa taong ito at sa taong iyon, at ginugugol nila ang kanilang mga araw sa pag-aasikaso ng mga usapin ng mga ugnayan at damdamin. Sa lahat ng kanilang kinakaharap, nabubuhay sila sa mundo ng mga damdamin. … Masyado siyang sentimental. Masasabi na ang mga damdamin ang nakamamatay na kapintasan ng taong ito. Nililimitahan siya ng kanyang mga damdamin sa lahat ng bagay, wala siyang kakayahang magsagawa ng katotohanan o kumilos ayon sa prinsipyo, at madalas siyang naghihimagsik laban sa Diyos. Ang mga damdamin ang pinakamatindi nilang kahinaan, ang kanilang nakamamatay na kapintasan, at ganap na kaya silang sirain at ipahamak ng kanilang mga damdamin. Ang mga taong sobrang sentimental ay walang kakayahang isagawa ang katotohanan o magpasakop sa Diyos. Nang may ganoong kalakas na mga damdamin, ang tanging magagawa nila ay pagbigyan ang laman; sila ay hangal at magulo ang isip. Ang kalikasan ng gayong mga tao ay ang maging labis na sentimental. Namumuhay sila ayon sa kanilang mga damdamin(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko kung bakit kinasusuklaman ng Diyos ang mga damdaming umiiral sa pagitan ng mga tao. Ito ay dahil kapag namumuhay ang mga tao sa gitna ng mga damdamin, hindi nila isinasaalang-alang ang kanilang tungkulin kahit katiting at kaya pa nga nilang ipagkanulo ang Diyos. Ngayon, lumalaganap ang gawain ng ebanghelyo ng Diyos sa lahat ng bansa, at aktibong nangangaral ng ebanghelyo ang mga kapatid at nagpapatotoo sa Diyos. May kaunti akong pagkaunawa sa mga katotohanan at mga prinsipyong may kaugnayan sa pangangaral ng ebanghelyo, at nagkaroon ako ng ilang resulta sa gawain ko sa ebanghelyo, kaya dapat ay ginawa ko ang tungkulin ko. Pero hindi ko isinasaalang-alang ang layunin ng Diyos, at sa halip ay nag-aalala ako sa kalusugan ng aking asawa. Nag-alala ako na malulungkot siyang mag-isa sa bahay at walang mag-aalaga sa kanya kung magkakasakit siya. Kinokontrol ako ng aking mga damdamin at hindi ko man lang isinaalang-alang ang gawain ng ebanghelyo. Upang maalagaan ang asawa ko sa bahay, gusto kong sumulat sa mga lider para sabihin na hindi na ako lalabas para gawin ang aking tungkulin, o kaya ay tanungin kung puwede bang sumama sa akin ang asawa ko para gumawa ng tungkulin ng pagho-host nang sa gayon ay maalagaan ko siya. Kung iisipin, dahil napakahina ng kalusugan ng asawa ko, ang paggawa niya ng tungkulin ng pagho-host ay ganap na labag sa mga prinsipyo, pero dahil sa mga damdamin ko bilang asawa, hindi ko isinaalang-alang ang mga prinsipyo kung paano ginagamit ang mga tao sa sambahayan ng Diyos. Isinaalang-alang ko lang na kung magkakasama kami ng aking asawa, at kung maaalagaan ko siya, sapat na iyon. Napagtanto ko na masyadong matindi ang mga damdamin ko para sa aking asawa. Sa puso ko, mas matimbang ang mga damdamin ko para sa aking asawa kaysa sa mga interes ng sambahayan ng Diyos at sa aking tungkulin. Kung ganoon, sa paanong paraan pa nagkaroon ng puwang ang Diyos sa puso ko? Namuhay ako ayon sa aking mga damdamin, at nalimitahan ako ng mga ito sa lahat ng paraan. Hindi ko magawa ang aking mga tungkulin, lalo na ang isagawa ang katotohanan at magpasakop sa Diyos. Ang ganitong pag-uugali ay lubos na kasuklam-suklam para sa Diyos. Mabilis akong nanalangin sa Diyos, “O Diyos, dahil sa aking mga damdamin, hindi ako tunay na makapagpasakop sa Iyo, at ginusto ko pa ngang iwasan ang aking tungkulin. Wala akong konsensiya! O Diyos, nais kong magsisi, at hinihiling ko na gabayan Mo ako na makalaya sa mga paglilimita ng aking mga damdamin at tuparin ang aking mga tungkulin.”

Kalaunan, nagbasa ako ng higit pang mga salita ng Diyos, at mas nagliwanag ang puso ko. Sabi ng Diyos: “Inorden ng Diyos ang pag-aasawa para sa iyo at pinagkalooban ka Niya ng isang kabiyak. Pumapasok ka sa pag-aasawa ngunit hindi nagbabago ang iyong pagkakakilanlan at katayuan sa harap ng Diyos. Ikaw man ay isang lalaki o babae, may isang bagay na pareho sa inyo, at iyon ay, pareho kayong mga nilikha sa harap ng Lumikha. Sa loob ng balangkas ng buhay may-asawa, kayo ay nagpaparaya at nagpapahalaga at nagpoprotekta sa isa’t isa, nagtutulungan at sumusuporta sa isa’t isa, at ito ay pagtupad sa inyong mga responsabilidad. Ngunit sa harap ng Diyos, ang mga responsabilidad na dapat mong tuparin at ang misyon na dapat mong isakatuparan ay hindi maaaring mapalitan ng mga responsabilidad na tinutupad mo para sa iyong kabiyak. Kaya, kapag nagkakasabay ang iyong mga responsabilidad sa iyong kabiyak at sa tungkulin na dapat gawin ng isang nilikha sa harap ng Diyos, ang dapat mong piliin ay ang gawin ang tungkulin ng isang nilikha sa halip na tuparin ang iyong mga responsabilidad sa iyong kabiyak. Ito ang direksiyon at layunin na dapat mong piliin at, siyempre, ito rin ang misyon na dapat mong isakatuparan. Gayunpaman, may ilang tao na nagkakamali dahil ginagawa nilang misyon ng kanilang buhay ang paghahangad ng kaligayahan sa pag-aasawa, o ang pagtupad ng kanilang mga responsabilidad sa kanilang kabiyak, at ang pagmamalasakit, pag-aalaga, at pagpapahalaga at pagprotekta sa kanilang kabiyak, at itinuturing nila ang kanilang kabiyak bilang kanilang buong mundo, ang kanilang buhay—mali ito. … Kaya, kapag ang sinumang kabiyak sa loob ng balangkas ng buhay may-asawa ay ibinibigay ang lahat o gumagawa ng anumang sakripisyo sa paghahangad ng kaligayahan sa buhay may-asawa, hindi iyon tinatandaan ng Diyos. Gaano man kahusay o kaperpekto ang pagtupad mo sa iyong mga obligasyon at responsabilidad sa iyong kabiyak, o gaano mo man tinatrato nang tama ang iyong kabiyak—sa madaling salita, gaano mo man kahusay o kaperpekto na napapanatili ang iyong kaligayahan sa pag-aasawa, o gaano man ito kakahanga-hanga—hindi ito nangangahulugan na natupad mo na ang misyon ng isang nilikha, hindi rin ito nagpapatunay na ikaw ay isang nilikha na pasok sa pamantayan. Marahil, ikaw ay isang perpektong asawa, ngunit nasa loob pa rin ito ng balangkas ng pag-aasawa. Sinusukat ng Lumikha kung anong uri ka ng tao batay sa kung paano mo ginagawa ang tungkulin ng isang nilikha sa Kanyang harapan, kung anong uri ng landas ang iyong tinatahak, kung ano ang iyong pananaw sa buhay, kung ano ang iyong hinahangad sa buhay, at kung gaano kahusay mong isinasakatuparan ang misyon ng isang nilikha. Ang mga bagay na ito ang batayan ng Diyos sa pagsukat ng landas na sinusunod mo bilang isang nilikha at ng iyong hantungan sa hinaharap, hindi Niya pinagbabatayan kung gaano kahusay mong tinutupad ang iyong mga responsabilidad at obligasyon bilang asawa, o batay sa kung ang pag-ibig mo sa iyong kabiyak ay nakalulugod sa kanya(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Hangarin ang Katotohanan (11)). Malinaw na ibinabahagi ng mga salita ng Diyos ang mga responsabilidad na dapat tuparin ng mag-asawa sa isa’t isa. Kapag maiiwasan ang pagkaantala ng mga tungkulin, dapat isaalang-alang, alagaan, tulungan, at suportahan ng mag-asawa ang isa’t isa. Sa nakaraan, noong hindi ko inaantala ang aking mga tungkulin, noong mahina ang kalusugan ng asawa ko, sinamahan at inalagaan ko siya, at dito, tinutupad ko ang aking mga responsabilidad at obligasyon bilang isang asawa. Gayumpaman, hindi ito nangangahulugang ginagawa ko ang mga tungkulin at responsabilidad ng isang nilikha. Kapag hinihingi ng iglesia na isagawa ko ang gawain nito, obligado akong unahin ang gawain ng iglesia, at tuparin ang mga responsabilidad ng isang nilikha. Ibig sabihin, kapag nakakabangga ng aking mga tungkulin ang pag-aalaga ko sa aking asawa, dapat kong piliing gawin ang aking mga tungkulin. Ito ang tamang pagpili at ang tungkulin at responsabilidad na dapat kong tuparin. Sa ngayon, kailangang-kailangan ng gawain ng ebanghelyo ang pakikipagtulungan ng mga tao, at ang pangangaral ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos ay aking responsabilidad at misyon. Dapat akong magpasya nang walang pag-aalinlangan na gawin ang aking mga tungkulin. Pero nalugmok ako sa mga satanikong ideya ng “dapat magmahalan nang lubos ang mag-asawa” at “sa kabataan ay magkasama, sa katandaan ay magkatuwang,” at inilagay ko ang ugnayang emosyonal ng mag-asawa nang nakahihigit sa lahat, iniisip na habang mas tumatanda kami, dapat kaming manatiling magkasama, samahan ang isa’t isa, alagaan, tulungan, at suportahan ang isa’t isa, at magkasama dapat kami palagi. Lalo na ngayong mahina ang kalusugan ng asawa ko, inakala kong sa pag-aalaga sa kanya, tinutupad ko ang aking responsabilidad bilang isang asawa, at na kapag nasa tabi niya lang ako saka siya mapapanatag, at magiging maligaya kami sa aming katandaan. Puno ang isip ko ng tungkol sa sakit ng aking asawa at sa kanyang buhay sa hinaharap, at hindi ko man lang isinaalang-alang ang gawain ng ebanghelyo ng iglesia, ni hindi ko isinaalang-alang kung paano tatapusin ang misyon ng pangangaral ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos. Ginusto ko pa ngang tanggihan ang mga tungkulin ko. Itinuring kong pagsasagawa ng katotohanan ang pagtupad sa mga responsabilidad ng mag-asawa, at itinuring kong nag-iisang layunin ko sa buhay ang pag-aalaga at pagsama sa aking asawa. Kahit na binigyang-liwanag ako ng mga salita ng Diyos para maunawaan ang Kanyang layunin, pinili ko pa ring manatili sa bahay sa tabi ng aking asawa para alagaan siya. Sa puso ko, inilagay ko ang aking asawa na nakahihigit sa lahat, kahit sa Diyos. Tunay na mapaghimagsik ako! Tiningnan ko ang mga bagay ayon sa satanikong pananaw na “sa kabataan ay magkasama, sa katandaan ay magkatuwang.” Mas ginusto ko pa ngang iwasan ang aking mga tungkulin para manatili sa bahay at maalagaan ang asawa ko. Napakamakasarili ko! Gaano ko man alagaan nang mabuti ang aking asawa, ito ay pagtupad lang sa responsabilidad at obligasyon ng isang asawa, hindi pagsasagawa ng katotohanan. Gayumpaman, ang pagtupad sa aking mga tungkulin bilang isang nilikha, ang pagtupad sa aking mga responsabilidad sa gawain ng ebanghelyo at pagkompleto sa aking misyon ang siyang nagbibigay ng halaga at kahulugan sa aking buhay, at ito ang mga layong dapat kong hangarin. Binigyan ako ng Diyos ng pagkakataong manampalataya sa Kanya at maligtas, at ng pagkakataong magsanay sa aking mga tungkulin at magkamit ng katotohanan, pero hindi ko pa rin nagawa nang maayos ang aking mga tungkulin para suklian ang pagmamahal ng Diyos. Kumapit pa nga ako sa mga satanikong pananaw, at wala akong katapatan o pagpapasakop sa Diyos. Talagang wala akong konsensiya at pagkatao. Hindi lang ito magiging dahilan para kamuhian ako ng Diyos, kundi sa huli ay ihahatid ako nito sa kapahamakan.

Kalaunan, napagtanto ko na ang kawalan ko ng kakayahang bitiwan ang asawa ko, at ang pag-iisip ko na tanging sa pamamagitan lang ng pananatili ko sa tabi niya, doon ko siya maaalagaan nang mabuti, ay nagpakita ng kawalan ng pananalig sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Naalala ko ang mga salita ng Diyos: “Ang kapalaran ng tao ay nasa kontrol ng mga kamay ng Diyos. Ikaw ay walang kakayahang kontrolin ang iyong sarili: Kahit na parating nagkukumahog at nagpapakaabala ang tao para sa kanyang sarili, nananatili siyang walang kakayahan na kontrolin ang kanyang sarili. Kung kaya mong malaman ang iyong sariling kinabukasan, kung makokontrol mo ang iyong sariling kapalaran, matatawag ka pa rin bang isang nilikha?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan). “Sino ang tunay na ganap na makagugugol ng kanilang sarili para sa Akin at makapaghahandog ng lahat-lahat nila para sa Akin? Lahat kayo ay hindi buo ang loob; nagpapaikot-ikot ang inyong mga kaisipan, iniisip ang pamilya, ang mundo sa labas, ang pagkain at damit. Sa kabila ng katotohanang ikaw ay nasa harap Ko, gumagawa ng mga bagay-bagay para sa Akin, sa puso mo ay iniisip mo pa rin ang iyong asawa, mga anak, at mga magulang na nasa bahay. Sila ba ay pag-aari mo? Bakit hindi mo ipinagkakatiwala ang mga ito sa Aking mga kamay? Wala ka bang tiwala sa Akin? O ito ba ay dahil natatakot ka na gagawa Ako ng mga hindi angkop na pagsasaayos para sa iyo? Bakit palaging nasa isip mo ang pamilya ng iyong laman at ang iyong mga mahal sa buhay? Mayroon ba Akong partikular na puwang sa puso mo?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 59). Ipinatanto sa akin ng mga salita ng Diyos na ang aking kapalaran ay nasa mga kamay ng Diyos, na ang kapalaran ng aking asawa ay nasa mga kamay rin ng Diyos, at na hindi ko makokontrol ang kanyang kapalaran. Ang kanyang pisikal na kondisyon, kung magkakasakit man siya o hindi, o kung lalala man ang kanyang sakit ay pawang nasa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at hindi naman dahil nasa tabi niya ako at inaalagaan siya ay makakalaya siya sa karamdaman. Sa puntong ito, araw-araw akong nasa tabi niya para alagaan siya, pero hindi ba’t ang kaso ay may altapresyon pa rin siya at masyadong nahihilo na hindi siya makagalaw? Napagtanto kong hindi ko talaga nauunawaan ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, ni hindi rin ako tunay na naniniwala o nagpapasakop, at pagdating sa usapin ng sakit ng aking asawa, palagi kong gustong subukang kontrolin ito at makawala sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Talaga nga namang wala akong katwiran! Karaniwan, sumisigaw lang ako ng mga islogan, sinasabing ang Diyos ay may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay, pero walang puwang ang Diyos sa puso ko, at hindi ko tunay na nauunawaan ang kataas-taasang kapangyarihan o awtoridad ng Diyos, at nang aktuwal akong sinubok ng Diyos, hindi man lang ako nakapagpatotoo. Hindi ako naglakas-loob na ipagkatiwala ang asawa ko sa Diyos. Sa paanong paraan ako nagkaroon ng anumang tunay na pananalig sa Diyos? May kontrol at kataas-taasang kapangyarihan ang Diyos sa lahat ng bagay, at kung gaano karaming pagdurusa ang titiisin ng aking asawa, kung ano ang kanyang mararanasan, kung gaano karaming pagkabigo ang kanyang haharapin, kung lalala man ang kanyang sakit, o kung mapaparalisa man siya, lahat ay nasa mga kamay ng Diyos. Kung hindi paunang inorden ng Diyos na lalala ang kanyang sakit o na mapaparalisa siya, kahit na manatili ako sa tabi niya, wala akong magagawa. Kung paunang inorden na mapaparalisa siya, mapaparalisa siya. Kung hindi inorden ng Diyos na lalala ang kanyang sakit o magdudulot ng paralisis, kahit na wala ako roon para alagaan siya, hindi lalala ang kanyang kondisyon. Naisip ko ang isang direktor ng ospital na dati kong kilala. Maayos na maayos pa ang kanyang asawa isang araw, pero kinabukasan, sumama ang pakiramdam nito at ipinasok sa ospital, at pagkatapos ng pagsusuri, natuklasan na mayroon itong malalang kanser. Eksperto sa medisina ang direktor na ito, at kahit na nanatili siya sa tabi ng kanyang asawa, wala siyang nagawa, at sa huli ay namatay ito matapos mabigo ang paggamot. Mayroon ding isang brother na nakatrabaho ko. Siya ay 70 taong gulang. Namatay na ang kanyang asawa, at nagtatrabaho sa ibang lugar ang kanyang mga anak. Kung minsan kapag may sakit siya, walang sinuman sa kanyang tabi, ngunit umasa siya sa Diyos para matuto ng mga aral, ginawa niya nang normal ang kanyang mga tungkulin, at nanatiling mabuti ang kanyang kalusugan. Mula rito, nakita kong hindi kayang kontrolin ng mga tao ang sarili nilang mga kapalaran, lalong hindi nila kayang kontrolin ang mga kapalaran ng iba. Ang kapalaran ng lahat ay nasa mga kamay ng Diyos. Naisip ko uli kung paanong nananampalataya rin ang asawa ko sa Diyos, na nangangahulugang kapag masama ang kanyang kalagayan o kapag may sakit siya, maaari siyang manalangin sa Diyos at maghanap ng katotohanan, at sa pamamagitan lamang ng patnubay at kaliwanagan ng mga salita ng Diyos makasusumpong ng kapayapaan at kapanatagan ang kanyang puso, at gaano ko man siya alagaan nang mabuti, kapag may sakit siya, wala akong maitutulong. Kinailangan kong ipagkatiwala siya sa mga kamay ng Diyos. Sa patnubay ng mga salita ng Diyos, huminto na ako sa pag-aalala at pagkabahala tungkol sa sakit ng aking asawa, at gumaan at lumaya ang puso ko. Kaya sumulat ako sa mga lider, ipinapahayag ang aking kahandaang pumunta at gumawa ng aking tungkulin.

Kalaunan, medyo bumuti ang kalusugan ng aking asawa, at napagtanto niyang wala siyang puwang para sa Diyos sa kanyang puso at na hindi siya naniwala sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Ayaw niya akong umalis dahil sa akin lang siya panatag bilang sandalan niya. Nagnilay rin siya sa kanyang sarili, at naging handa siyang magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos. Saanman ako pumunta para gawin ang aking tungkulin, susuportahan niya ako, at sinabihan niya akong huwag mag-alala tungkol sa kanya. Sinabi niyang mananalangin siya sa Diyos, aasa sa Kanya para maranasan ang Kanyang mga salita, at pagtutuunan ang kanyang buhay pagpasok. Kalaunan, humayo na ako para mamahala sa gawain ng ebanghelyo, at hindi nagtagal, nabalitaan ko na bumuti nang husto ang kondisyon ng asawa ko, at ginagawa na niya ang kanyang tungkulin sa abot ng kanyang makakaya.

Sa pamamagitan ng karanasang ito, napagtanto ko na masyado kong pinahalagahan ang aking mga damdamin, at dahil sa mga damdamin ko, kaya ko pa ngang tumanggi sa tungkulin ko at ipagkanulo ang Diyos, na nagpakitang wala akong katapatan o pagpapasakop sa Diyos. Naunawaan ko na rin kung paano ko dapat tingnan ang sakit ng asawa ko, at naging handa na akong magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos at unahin ang tungkulin ko. Salamat sa Diyos para sa Kanyang pagmamahal at pagliligtas sa akin!

Sinundan: 92. Ang Kabaitan ba ng mga Magulang ay Isang Utang na Hindi Kailanman Mababayaran?

Sumunod: 94. Ang mga Kahihinatnan ng Pagpili sa Madadaling Gampanin at Pag-iwas sa Mahihirap na Gampanin sa Tungkulin

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

40. Gamot Para sa Inggit

Ni Xunqiu, TsinaSabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang laman ng tao ay kay Satanas, ito ay puno ng mga masuwaying disposisyon, nakakahiya ang...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito