68. Pag-aani ng Bunga Mula sa Pagiging Natabasan at Napakitunguhan

Ni Youxin, South Korea

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Hindi mababago ng mga tao ang sarili nilang disposisyon; kailangan silang dumaan sa paghatol at pagkastigo, at sa pagdurusa at pagpipino, ng mga salita ng Diyos, o sa pakikitungo, pagdidisiplina, at pagtatabas ng Kanyang mga salita. Pagkatapos noon, saka lamang sila magiging masunurin at matapat sa Diyos, at hindi na magpapadalus-dalos sa pakikitungo sa Kanya. Sa ilalim ng pagpipino ng mga salita ng Diyos nagbabago ang disposisyon ng mga tao. Sa pamamagitan lamang ng paglalantad, paghatol, pagdidisiplina, at pakikitungo ng Kanyang mga salita sila hindi na mangangahas na kumilos nang walang pakundangan kundi sa halip ay magiging matatag at mahinahon sila. Ang pinakamahalagang punto ay na nagagawa nilang magpasakop sa kasalukuyang mga salita ng Diyos, at sa Kanyang gawain, kahit hindi ito nakaayon sa mga kuru-kuro ng tao, nagagawa nilang isantabi ang mga kuru-kurong ito at maluwag sa loob na magpasakop(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Taong Nagbago Na ang Disposisyon ay Yaong mga Nakapasok Na sa Realidad ng mga Salita ng Diyos). Nang mabasa ko dati ang mga salitang ito ng Diyos, “Hindi mababago ng mga tao ang sarili nilang disposisyon; kailangan silang dumaan sa paghatol at pagkastigo, at sa pagdurusa at pagpipino, ng mga salita ng Diyos, o sa pakikitungo, pagdidisiplina, at pagtatabas ng Kanyang mga salita. Pagkatapos noon, saka lamang sila magiging masunurin at matapat sa Diyos, at hindi na magpapadalus-dalos sa pakikitungo sa Kanya,” Hindi ko lubos na maunawaan kung bakit hindi mabago ng mga tao ang sarili nilang mga disposisyon. Masigasig kong binasa ang mga salita ng Diyos araw-araw, palagi akong nasa oras sa pagdalo sa mga pagtitipon, at nagpasakop ako sa anumang tungkulin na itinalaga sa akin ng iglesia. Naisip kong basta hindi ako nagkasala, ginawa nang mabuti ang tungkulin ko, naging isang mananampalataya nang maraming taon, at maraming beses na binasa ang mga salita ng Diyos, kung gayon tiyak na mababago ang aking tiwaling disposisyon. Bakit kailangan pa rin akong hatulan at kastiguhin, at tabasan at iwasto ng Diyos? Hindi ko talaga naunawaan kailanman ang mga salitang ito ng Diyos na nabasa ko hanggang sa malupit akong tinabas at iwinasto nang ilang beses, at nagnilay sa aking sarili. Doon ko lang nakita kung gaano kalalim ang paggawang tiwali sa akin ni Satanas, na malalim na nag-ugat sa akin ang aking mayabang at palalong satanikong kalikasan, at kung hindi ako hinatulan at kinastigo, at tinabasan at iwinasto ng Diyos, hindi ko kailanman makikilala ang aking sarili, lalong hindi ako madadalisay o mababago.

Noong unang bahagi ng 2016 gumagawa ako ng tungkulin ng isang lider ng iglesia. Nang una akong nagsimula, naramdaman ko na talagang marami akong kakulangan, kaya palagi akong nanalangin sa Diyos at sumandal sa Kanya sa aking tungkulin. Hinahanap at nakikipagbahagian ako kasama ang mga katrabaho kapag nakaengkuwentro ako ng isang problemang hindi ko maunawaan, at nagawa kong tumanggap ng suhestiyon ng mga ibang tao. Mapagkumbaba ako. Matapos ang anim na buwan ng pagsasagawa, nagkaroon ako ng pagkaunawa sa ilang mga prinsipyo at kaya kong tumulong sa paglutas sa ilang paghihirap ng mga kapatid sa pamamagitan ng pagbabahagi ng katotohanan. Nagsimula akong dahan-dahang maging kampante, iniisip na, “Kahit hindi pa ako kailanman naging isang lider ng iglesia noon, may maganda akong kakayahan at mabilis akong umunawa ng mga salita ng Diyos. Matapos ang mas maraming pagsasagawa sigurado akong mas gagaling pa ako.” Nabigyan ako kalaunan ng responsibilidad para sa isang importanteng tungkulin at lalo akong naging mayabang. Ako ang pinakabata sa aking mga katrabaho at ako ang pinakabago sa pananampalataya, pero naramdaman ko na dahil nagagawa ko ang isang napakaimportanteng bagay, ibig sabihin may talento talaga ako! Sandali akong nagmalaki kahit habang naglalakad ako, pakiramdam ko ako ang may pinakamahalagang tungkulin sa lahat, na para bang walang makakapantay sa akin. Sa paglipas ng panahon, mas lalo akong naging mayabang. Sa mga talakayan tungkol sa gawain sa iglesia, kapag nagbibigay ng mga suhestiyon ang mga kasamahan, pinaninindigan ko ang sarili kong mga ideya, iniisip na, “Ito ba talaga ang paraan na gusto mong gamitin? Nakapangasiwa na ako dati ng mga bagay na gaya nito, kaya hindi ba may mas maayos na pag-unawa ako ng mga prinsipyo? Alam ko ang pinakamagandang paraan para harapin ang bagay na ito.” Minsan kapag masyadong sineseryoso ang isang bagay ng sister na katrabaho ko, mawawalan ako ng pasensya, iniisip na madali lang ayusin ang isang simpleng bagay na gaya niyon at hindi na kailangang magbahagian at maghanap nang paulit-ulit. Minsan sa mga pagpupulong ng mga katrabaho, nakita kong hindi ginamit ng ibang mga kapatid ang kanyang mga suhestiyon, at sinimulan ko siyang hamakin. Naisip ko, “Kahit na mas matagal ka nang naging isang lider kaysa sa akin, wala kang kalamang-lamang sa akin.” Minsan sinabi niya sa akin na mabagal ako sa tungkulin ko, na mabagal ang pagsulong ko. Hindi ko natiis iyon at sumagot ako ng, “Hindi ko matatanggap ang pagbabahagi na ito mula sa iyo. Hindi ba kasali ka rin sa gawaing ito? Hindi ba responsable ka rin dito? Paanong wala ka man lang kamalayan sa sarili at ipinapasa na lang ang lahat sa akin?” Pagkasabi niyon, tumayo na lang ako at naglakad palabas. Nalaman ng lider ang asal ko kalaunan at iwinasto ako, sinasabing masyado akong mayabang. Pasalita ko na lang iyon na inamin, sinasabing, “Masyado akong mayabang, at hindi ko tinatanggap ang katotohanan.” Hindi ako nagnilay o sinubukang unawain ang aking kalikasan at diwa, at ipinagpatuloy ko ang pagyayabang sa aking tungkulin, ginagawa ang mga bagay sa sarili kong paraan. Mayroon akong ilang katrabaho noong panahong iyon na pinalitan dahil kulang sila sa kakayahan at hindi sila makagawa ng praktikal na gawain. Pero hindi ako kailanman nag-alala tungkol sa pagpapalit. Naisip ko, “Isa akong tunay na talento ngayon sa iglesia at responsable ako sa marami-raming gawain. Kung wala ako, makakahanap ba sila ng ibang angkop na tao sa maiksing panahon lang?” Nang nagiging walang-isip at mayabang na ako, tinabas ako at mahigpit na iwinasto.

Minsan, nagbasa ako ng ilang artikulo ng karanasan at patotoo ng mga kapatid na pakiramdam ko ay medyo mababaw. Hindi ko iyon tinanggap nang hindi man lang tinatalakay ang bagay na iyon sa sinuman. Talagang nagalit ang lider nang malaman niya ang tungkol dito. Tinanong niya ako, “Bakit mo tinanggihan ang ganoon kagagandang artikulo? Tinalakay mo man lang ba iyon sa mga katrabaho?” Sabi ko, “Hindi, noong panahong iyon pakiramdam ko ay medyo mababaw ang mga iyon.” Pagkasabi ko nito, mahigpit akong iwinasto ng lider, sinasabing, “Bagaman medyo mababaw ang mga artikulong ito, tunay ang mga karanasan nila at nagpapakita sila ng praktikal na pagkaunawa. Nakapagpapatibay ang mga ito para sa mga tao. Iyon ang bumubuo sa isang magandang personal na karanasang patotoo. Hindi ka naghahanap ng katotohanan sa iyong tungkulin, at wala kang pakundangan at mayabang. Hindi mo nauunawaan ang katotohanan o nagtatalakay ng mga bagay sa iba. Nagtatapon ka lang basta ng magagandang artikulo, pinipigil ang mga patotoo sa pagdanas ng gawain ng Diyos, hindi ba kahangalan iyon? Hindi ba iyon isang bagay na gagawin ni Satanas? Nakakagambala ka lang!” Natabas at iwinasto na ako noon, pero hindi nang ganoon kalupit. Ang mga salitang “hangal,” “Satanas,” “nakakagambala,” “walang pakundangan at mayabang” ay paulit-ulit na umalingawngaw sa utak ko, at hindi ko napigil ang mga luha. Pakiramdam ko pa nga nahihirapan akong huminga. Pero pakiramdam ko pa rin, naagrabyado ako. Kahit hindi ko iyon tinalakay sa mga kasamahan ko noong panahong iyon, hindi ba sinabi ko sa kanila ang tungkol doon pagkatapos? Talagang nakikita ng Diyos ang kaibuturan ng ating puso. Habang nag-iisip ako ng mga dahilan, matigas na nagpatuloy ang lider, “Isa kang batas sa sarili mo sa mga kilos mo. Puwede kang magtanong kung may bagay kang hindi nauunawaan o talakayin iyon kasama ang iba, pero hindi mo naman ginagawa iyon. Napakayabang mo at lubos kang walang pusong may takot sa Diyos!” Dito, nag-aatubili akong sumuko. Kung talagang may kaunting puso ako na may takot sa Diyos, dapat naghanap ako nang kaunti bago kumilos, pero sa halip ginawa ko lang ang mga bagay sa paraang gusto ko nang hindi tinatanong ang mga opinyon ng iba. Talagang mayabang ako at mapagmagaling.

Nagsagawa ang lider ng pagtatanong tungkol sa akin at nalaman na napakayabang ko, na hindi ko nauunawaan ang katotohanan, at na hindi ako angkop para sa ganoong kaimportanteng tungkulin, kaya pinalitan ako. Talagang nasadlak ako sa kalagayan ng pagkanegatibo. Pakiramdam ko nakita ng lider ang tunay kong kalikasan pagdating sa isyung ito at inisip niya na hindi ako isang tao na naghahanap ng katotohanan, na napakayabang ko, at ni hindi ako karapat-dapat na linangin. Inisip kong wala na akong anumang pag-asa sa bahay ng Diyos. Mas lalo akong naging negatibo, at napuno ako ng mga maling pagkaunawa. Pakiramdam ko ay naging si Satanas ako. Papaano ako maliligtas? Inisip kong tiyak na iniisip ng mga kapatid na hindi ako ang tamang uri ng tao, kaya ano pang mabuti ang idudulot ng patuloy na paghahanap? Noong panahong iyon, kahit atubili akong nakikitang gumagawa ng ilang tungkulin, ayokong hanapin ang katotohanan. Nagbahagi sa akin nang maraming beses ang isang responsableng tao tungkol sa kalooban ng Diyos, pero hindi ako nagbago. Pagkatapos ay tinabas at iwinasto niya ako, sinasabing sinadya kong maging sutil sa aking tungkulin, palaging negatibo, na nilalabanan ko ang Diyos, at kung hindi ako magbabago, aalisin ako ng Diyos pagdating sa malao’t madali. Natakot ako nang marinig ko iyon, at napagtanto ko ang bigat ng sitwasyon. Nagmadali akong lumapit sa Diyos upang manalangin at maghanap, at upang magnilay sa sarili. Sa loob ng anim na buwang iyon, bakit hindi ko napangasiwaan nang mabuti ang pagtatabas at pagwawasto? Habang nagninilay, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Nagiging balintiyak ang ibang tao matapos tabasan at iwasto; ganap silang nawawalan ng lakas para gampanan ang kanilang mga tungkulin, at naglalaho rin ang kanilang katapatan. Bakit ganoon? Isang dahilan nito ang kawalan nila ng kamalayan sa diwa ng kanilang mga kilos, at humahantong ito sa kawalan nila ng kakayahang magpasakop sa pagtatabas at pagwawasto. Ito ay tinutukoy ng kanilang kalikasan na mayabang at na may labis na pagtingin sa sarili, at na walang pagmamahal sa katotohanan. Ang isa pang dahilan ay hindi nila nauunawaan kung ano ang kabuluhan ng pagiging natabas at naiwasto. Naniniwala ang lahat ng tao na nangangahulugan ang pagiging natabas at naiwasto na natukoy na ang kanilang kalalabasan. Dahil dito, mali nilang pinaniniwalaan na kung medyo tapat sila sa Diyos, hindi sila dapat iwasto at tabasan; kung iwinasto sila, kung gayon ay hindi ito pagpapahiwatig ng pag-ibig at pagiging matuwid ng Diyos. Ang ganoong maling pagkaunawa ay nagsasanhi na mangahas ang mga tao na hindi maging ‘tapat’ sa Diyos. Sa katunayan, kapag tapos na ang lahat, iyon ay dahil masyado silang mapanlinlang; ayaw nilang dumanas ng hirap. Gusto lang nilang magtamo ng mga pagpapala sa madaling paraan. Walang kamalayan ang mga tao sa katuwiran ng Diyos. Hindi naman dahil wala pa Siyang nagawang anumang matuwid o wala Siyang ginagawang anumang matuwid; sadyang hindi lang kailanman naniniwala ang mga tao na ang ginagawa ng Diyos ay matuwid. Sa mga mata ng tao, kung hindi umaayon ang gawain ng Diyos sa mga kagustuhan ng tao, o hindi iyon umaayon sa inaasahan nila, malamang ay hindi Siya matuwid. Subalit, hindi alam ng mga tao kailanman na ang kanilang mga kilos ay hindi angkop at hindi umaayon sa katotohanan, ni natatanto nila kailanman na nilalabanan ng mga kilos nila ang Diyos(“Ang Kahulugan ng Pagpapasya ng Diyos sa Kalalabasan ng Mga Tao Base sa Kanilang Paggawa” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Matapos basahin ang paghahayag na ito sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko sa wakas na ang dahilan kung bakit napakanegatibo ko ay dahil napakayabang ko at palalo at hindi ko nakilala ang kalikasan ng sarili kong pag-uugali. Akala ko ay nakagawa lang ako ng pagkakamali, na sobra-sobra ang pagwawasto sa akin nang ganoon. Kaya nanatili akong nakabaon sa pagkanegatibo, hindi nauunawaan ang Diyos at nagpapaka-depensibo. Habang nagbabasa ng mga salita ng Diyos, tinanong ko ang sarili ko kung talaga bang tinabas at iwinasto ako nang napakalupit para lang sa isang pagkakamali. May mga prinsipyo sa kung paano pinakikitunguhan ng bahay ng Diyos ang mga tao. Nakabatay ang lahat ng iyon sa kalikasan at diwa ng tao, at kanilang pangkalahatang pag-uugali. Hindi ako iwinasto ng lider dahil sa hindi mabuting dahilan. Kung gayon, ano ba talagang mga problema ang umiiral sa loob ko na nagresulta sa mahigpit na pagtatabas at pagwawasto sa akin?

Nabasa ko kalaunan ang mga salitang ito ng Diyos: “Kung talagang nasasaloob mo ang katotohanan, natural na magiging tama ang landas na iyong tinatahak. Kung wala ang katotohanan, madaling gumawa ng masama, at gagawin mo iyon kahit ayaw mo. Halimbawa, kung mayroon kang kayabangan at kahambugan, makikita mo na imposibleng hindi sumuway sa Diyos; mapipilitan kang sumuway sa Kanya. Hindi mo gagawin ito nang sadya; gagawin mo ito dahil nangingibabaw ang iyong likas na kayabangan at kahambugan. Dahil sa iyong kayabangan at kahambugan, hahamakin mo ang Diyos at hindi mo Siya bibigyan ng halaga; magiging dahilan ang mga ito para dakilain mo ang iyong sarili, lagi kang magpasikat, at, sa huli, papalit ka sa lugar ng Diyos at magpapatotoo para sa iyong sarili. Sa huli, gagawin mong mga katotohanan ang iyong sariling mga ideya, ang iyong sariling pag-iisip, at ang iyong sariling mga kuru-kuro para sambahin ka. Tingnan mo kung gaano kalaking kasamaan ang ginagawa ng mga tao dahil nangingibabaw ang kanilang likas na kayabangan at kahambugan! Upang malutas ang kanilang masasamang gawa, kailangan muna nilang lutasin ang problema ng kanilang likas na pagkatao. Kung walang pagbabago sa disposisyon, hindi posibleng maghatid ng pangunahing resolusyon sa problemang ito(“Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahabol sa Katotohanan Nakakamit ng Isang Tao ang Pagbabago sa Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). May mga sermon din na bumanggit na kapag ang ilang tao ay may ilang kaloob, o may ilang kakayahan, hinahamak nila ang iba. Ayaw nilang makinig sa sino pa man, iniisip na mas magaling sila kaysa sa lahat. Ang ganoong uri ng tao ay mayabang, palalo, at mapagmagaling. Inisip ko ang tungkol sa kung paanong simula nang naging isa akong mananampalataya, hindi ako nagtuon sa paghahanap ng katotohanan, kundi ginawa ko ang aking tungkulin sa pamamagitan ng pagtitiwala sa aking kakayahan at sa aking mayabang na disposisyon. Pakiramdam ko magaling akong magsalita at nagkaroon ako ng ilang maliliit na tagumpay sa aking tungkulin, kaya talagang pinahalagahan ako ng lider. Akala ko ay magaling ako at may kakayahan sa aking gawain, higit pa kaysa sa iba, kaya hindi ko gaanong inisip ang mga kapatid na nakasama ko sa gawain. Ipinilit kong gumawa ng mga bagay sa sarili kong paraan, at lumala nang lumala ang aking mayabang na disposisyon. Kalaunan, nakabuo ako ng isa talagang pabayang pag-uugali para sa gawain ng iglesia. Hindi ko kailanman hinanap ang mga prinsipyo ng katotohanan o naghanap o nagbahagi kasama ang iba. Sa halip, walang pakundangan akong gumawa ng mga bagay, sa paanong paraan ko gusto, at ginambala ko ang gawain ng iglesia sa huli. Pakiramdam ko palagi na maganda ang kakayahan ko at nauunawaan ko ang ilan sa katotohanan, ngunit nang ako ay malantad ay saka ko lang nakita sa wakas na ang nauunawaan ko ay kapiranggot lang na doktrina, na wala ako ni katiting na realidad ng katotohanan, at hindi ko kayang magbahagi ng katotohanan para lumutas ng mga praktikal na problema. Sa kabila nito, napakayabang ko pa rin at kumilos nang pangsarili sa lahat ng bagay. Mayabang ako hanggang sa punto na nawala sa akin ang lahat ng katwiran at nawala sa paningin ang Diyos. Nalantad lang ang problema ko nang dumating ang lider para suriin ang aking gawain. Naisip ko ang tungkol sa kung paanong ginagawa ko ang tungkulin ko sa ganoong paraan noon pa man. Hindi ko lang hindi tinulungan o pinakinabang ang aking mga kapatid, kundi naghayag din ako ng napakaraming tiwaling disposisyon na pumigil sa kanila. Hindi ko ginagawa ang aking tungkulin, gumagawa lang ako ng masama! Habang lalo ko itong iniisip, lalo akong naalarma. Alam ko na kapag kumikilos ang isang tao dahil sa kayabangan, imposible para sa kanila na iwasan ang paglaban sa Diyos at paggawa ng masama. Inisip ko ang tungkol sa ilang mga kapatid na parang mas mababa ang kakayahan kaysa sa akin, ngunit maingat sila at masigasig sa kanilang mga tungkulin. Alam nila kung paano humanap ng katotohanan at tumanggap ng mga pananaw ng iba, habang napakayabang ko na lubos akong nawalan ng kamalayan sa sarili. Talagang wala akong kamalayan kung paano maghahanap ng katotohanan. Habang lalo akong nagninilay, lalo kong naramdaman na ang landas ko ay hindi sa paghahanap ng katotohanan. Naging napakayabang ko at hindi ko inisip ang Diyos, kaya nang tinabas ako at iwinasto, at tinanggal sa aking tungkulin, iyon talaga ay ang Diyos na pumoprotekta at nagliligtas sa akin. Kung wala iyon, sino ang nakakaalam kung gaano pa karaming kasamaan ang maaaring nagawa ko. Maaaring umabot ako sa punto na wala nang balikan at maharap sa pagpapaalis. Pagkatapos ay huli na para sa mga pagsisisi. Matapos unawain ang mabubuting intensyon ng Diyos, napuno ako ng pagsisisi. Sa nakalipas na anim na buwan, hindi ko naunawaan at sinisisi ko ang Diyos, nagpapakanegatibo at tinatamad sa gawain. Hindi talaga ako mapakiusapan! Simula noon, ginusto ko lang na magawa nang mabuti ang tungkulin ko at makabawi sa mga naging pagkakasala ko.

Matapos ang anim na buwan, nahalal ako bilang isang team leader. Noong panahong iyon, talagang takot ako na madapa at mabigo muli dahil sa likas kong kayabangan. Nang lumitaw ang mga problema sa aking tungkulin, naging maingat ako, at madalas akong nagsagawa ng talakayan at nakipagbahagian sa mga kapatid na gumagawa kasama ko, naghahanap ng katotohanan para lutasin ang mga problema sa loob ng iglesia. Mas magaan ang pakiramdam ko kapag ginagawa ko ang aking tungkulin sa ganoong paraan at mas nakasundo ko na nang mabuti ang mga kapatid. Matapos ang ilang buwan nakita ko ang ilang tagumpay sa aking tungkulin at nagsimula na palihim na matuwa uli, iniisip na isa siguro talaga akong tunay na talento, at kahit ano pa mang tungkulin ang ginagawa ko, magagawa ko nang mabilis ang mga bagay. Sa paglipas ng panahon, nagsimula na namang magpakita ang mayabang kong disposisyon. Minsan kapag may mga problema ang mga kapatid na gusto nilang saliksikin kasama ang lider, nawawalan ako ng pasensya sa kanila. Iisipin ko, “Hindi ba sinaliksik na natin noon ang tungkol dito? Bakit kailangan niyo pang mas maghanap? Alam ko ang mga prinsipyo, kaya dapat ay sapat na ang pagbabahagi ko.” Kahit hindi pinag-isipan ang mga bagay-bagay, ibinahagi ko ang aking pag-unawa sa mga kapatid at ninais na tanggapin nila iyon, pero hindi sila mapalagay at pagkatapos ay naghanap tungkol sa bagay na iyon kasama ang lider. Kalaunan, nagbahagi sa amin ang lider tungkol sa mga prinsipyo ng pagsasagawa, na iba sa naunawaan ko noon. Nagulat ako, at naisip ko, “Salamat sa paghahanap niyo, kung hindi, maaapektuhan ang tungkulin natin.” Pero matapos ang katotohanan, hindi ako nagnilay o sinubukang kilalanin ang aking sarili. Nanatili akong mayabang at hindi makatuwiran. Kapag nakakita ako ng mga mali sa mga tungkulin ng mga kapatid, mapagmataas ko silang pinagagalitan, iniisip na, “Kung hindi niyo man lang maitama ang maliit na bagay na ito, ano ang kaya ninyong gawin? Sa tingin ko hindi ninyo inilalagay ang puso ninyo rito.” Sa paglipas ng panahon, nagsimula nang makaramdam ang iba ng pagpipigil mula sa akin at nagsimulang ilayo ang sarili nila. Labis kong pinigil ang isang sister na ayaw niya nang gawin ang tungkulin niya. Alam ko na mali ako, pero sa tuwing may mangyayari, hindi ko mapigil na ipakita ang mayabang kong disposisyon. Sa pag-iisip kung paano ako nadapa at nabigo noon, nakaramdam ako ng bahagyang takot, pero noong panahong iyon, hindi ko hinanap ang katotohanan para lutasin ang problema.

Gumawa ako kalaunan ng pangsariling desisyon na ipagawa sa isang sister ang isang mahalagang tungkulin. Binalaan ako ng isang brother na mapanlinlang siya, na hindi siya akma sa isang mahalagang tungkulin. Naisip ko, “Mayroon nga siyang kaunting problema, pero hindi iyon kasing-sama gaya ng sinasabi mo. Sino ba ang walang mga katiwalian at pagkukulang?” Hindi ko sineryoso ang suhestiyon ng brother na ito, kundi hinanap ko lang ang sister para bahagian at pinaalalahanan tungkol sa mga problema niya. Nagulat ako kalaunan nang malaman kong lubos na mapanlinlang at pabaya nga siya sa kanyang tungkulin. Nagdulot ito ng matinding pagkawala sa gawain ng bahay ng Diyos. Nang malaman ng lider ang tungkol dito, mahigpit niya akong iwinasto, sinasabing: “Sinunod mo lang ang sarili mong interes, pino-promote ang isang mapanlinlang na tao. Binalaan ka na ng isang brother, pero hindi ka nakinig sa kanya o siniyasat iyon sa sarili mo. At ngayon nagkaroon na iyon ng talagang mabibigat na kinahinatnan at gumawa ng isang napakalaking pagkagambala. Dahil ito sa kakulangan mo ng responsibilidad sa iyong tungkulin. Hindi mo nauunawaan ang katotohanan at mayabang ka. Dapat kang palitan!” Napakasakit para sa akin ang tabasin at iwasto nang ganoon katindi. Inalis ako sa aking tungkulin sa harap mismo ng napakaraming mga kapatid, at binigyang-diin ng lider kung anong pagkagambala ang idinulot ko at kailangan akong palitan. Pakiramdam ko ay iyon na ang katapusan ko, na tiyak nang matatanggal ako, at wala nang saysay ang paghahanap. Talagang naging negatibo ako matapos akong palitan. Gabi-gabi kong iniisip ang nangyari at nagsimulang umiyak. Hiyang-hiya akong makipagkita sa sinuman sa loob ng ilang panahon. Nakita kong masayang ginagawa ng lahat ng mga kapatid ang mga tungkulin nila at naramdaman kong hindi ako gaya nila dahil sa likas kong kayabangan. Kahit hindi ko iyon tinalakay kaninuman o nang hindi nakikinig ng payo, nag-promote ako ng isang mapanlinlang na tao, na malubhang gumambala sa gawain ng iglesia. Maililigtas pa ba ako ng Diyos? Hindi ko inakalang matatapos sa ganito kabatang edad ang landas ko ng pananampalataya. Nagsimula pa akong maghinala na nang sinabi ng Diyos na kaligtasan ang matabas at maiwasto, hindi pag-aalis, hindi iyon magagamit sa akin. Puno ang puso ko ng mga maling pagkaunawa. Minsan nang dumating ang lider para magbahagi sa amin tungkol sa gawain, nagtago ako sa pinakamalayong sulok. Talagang nabigla ako nang bigla niyang tinawag ang pangalan ko at tinanong ako kung anong progreso ang nagawa ko kamakailan lang. Tinanong niya kung naging negatibo ba ako matapos akong tabasin at iwasto, at pagkatapos ay taimtim siyang nagbahagi sa akin at pinayuhan ako, sinasabing “Bata ka pa. Dapat mong hanapin ang katotohanan at magtuon sa pagbabago ng disposisyon.” Sobrang nakakapanatag at nakakapagpatibay para sa akin na marinig ang taos-pusong mga salitang ito ng lider na hindi ko mapigil ang pag-iyak. Naging napakayabang at palalo ko, iresponsable at walang ingat sa aking tungkulin, at malubhang pininsala ang gawain ng iglesia. Tama ang lider na palitan ako at tabasin at iwasto ako, pero hindi ko kailanman inakala na palalakasin niya rin ang loob ko. Pinasalamatan ko ang Diyos sa puso ko dahil sa Kanyang awa. Noong gabing iyon, lumuluha akong nanalangin sa Diyos at nagpasya na totoo at tunay na magnilay sa aking sarili, at hanapin ang katotohanan para lutasin ang aking mayabang na disposisyon.

Nabasa ko kalaunan ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Pagmamataas ang ugat ng tiwaling disposisyon ng tao. Kapag mas mayabang ang mga tao, mas malamang na lumaban sila sa Diyos. Gaano kaseryoso ang problemang ito? Hindi lang isinasaalang-alang ng mga taong mayabang ang mga disposisyon ang lahat ng iba pa na mas mababa kaysa kanila, kundi, ang pinakamasama, hinahamak pa nila ang Diyos. Bagama’t, sa tingin, maaaring mukhang naniniwala sa Diyos ang ilang tao at sinusunod Siya, ni hindi nila Siya itinuturing na Diyos. Pakiramdam nila palagi ay taglay nila ang katotohanan at napakataas ng tingin nila sa kanilang sarili. Ito ang diwa at ugat ng mayabang na disposisyon, at nagmumula ito kay Satanas. Kaya, kailangang malutas ang problema ng kayabangan. Ang pakiramdam na mas magaling ka kaysa iba—walang kuwenta iyan. Ang kritikal na isyu ay na nakakapigil sa isang tao ang kanyang mayabang na disposisyon na magpasakop sa Diyos, sa Kanyang kapamahalaan, at sa Kanyang mga pagsasaayos; laging nadarama ng ganitong tao na makipagpaligsahan sa Diyos na magkaroon ng kapangyarihan sa iba. Ang ganitong klaseng tao ay walang pagpipitagan sa Diyos ni katiting, ni hindi niya mahal ang Diyos o nagpapasakop sa Kanya. Ang mga taong mayayabang at palalo, lalo na iyong mga nawalan na ng katinuan sa sobrang yabang, ay hindi kayang magpasakop sa Diyos sa kanilang paniniwala sa Kanya, at pinaparangalan pa nila at nagpapatotoo sa kanilang sarili. Ang gayong mga tao ang pinakalumalaban sa Diyos. Kung nais ng mga taong umabot sa kung saan nagpipitagan sila sa Diyos, kailangan muna nilang lutasin ang mayayabang nilang disposisyon. Habang mas ganap mong nilulutas ang mayabang mong disposisyon, mas magpipitagan ka sa Diyos, at saka ka lang makakapagpasakop sa Kanya at magagawang makamit ang katotohanan at kilalanin Siya(Pagbabahagi ng Diyos). Sa pamamagitan lang ng paghahayag ng mga salita ng Diyos ko nakita na ang pagkilos batay sa likas kong kayabangan ay hindi lang basta problema ng pagbubunyag ng kaunting katiwalian, kundi higit sa lahat, nagawa ako nitong lubos na balewalain ang iba at maging ang Diyos. Inakay ako nito na maghimagsik at lumaban sa Diyos, sa kabila ng sarili ko. Kapag iniisip ko kung paano ko ginawa ang aking tungkulin noon, ramdam ko palagi na isa akong matalinong tao at may magandang kakayahan, kaya umasa ako sa aking mga kaloob at aking kakayahan para gawin ang aking tungkulin. Napakalaki ng kompyansa ko sa aking sarili na halos hindi ako nagdasal sa Diyos o naghanap ng mga prinsipyo ng katotohanan. Walang lugar para sa Diyos sa aking puso. Nang hindi namunga ang aking tungkulin, mas maganda ang ugali ko, pero sa sandaling naunawaan ko nang kaunti ang mga prinsipyo at nagkaroon ng kaunting tagumpay, ginamit ko iyon bilang aking puhunan. Pakiramdam ko ay magiging maayos ang anumang ginawa ko, kaya kong gawin ang anuman, na kaya kong suriin ang mga tao at sitwasyon, kaya mas lalo akong naging mayabang, palalo at mapagmagaling, ginagawa ang nais ko sa lahat ng bagay, nagpapaka-diktador. Hinadlangan ko pa ang mga kapatid na naghahanap ng katotohanan kasama ang lider at iginiit sa kanila ang aking pag-iisip, na para bang iyon ang katotohanan, ipinapatanggap iyon sa kanila at pinapailalim sila roon. Ipinakita sa akin ng mga katunayan na kumikilos ako ayon sa likas kong kayabangan, na wala akong ginawa kundi pigilin at saktan ang mga kapatid, at lubhang gambalain ang gawain ng iglesia. Ginampanan ko pa nga ang papel ng tauhan ni Satanas. Ang pagwawasto sa akin ng lider, ang pagsita sa matinding pagkagambalang iyon, ay talagang tama. Ang pagkaalis ko sa aking tungkulin ay ganap na nagpakita ng katuwiran ng Diyos. Nakita ko sa wakas kung gaano nakakakilabot, gaano nakamamatay ang ganoong uri ng likas na kayabangan. Kapag hahayaan itong hindi nalulutas, maaari akong gumawa ng masama at lumaban sa Diyos sa anumang punto, at maaari kong magambala ang gawain ng bahay ng Diyos, malabag sa disposisyon ng Diyos, at maalis at maparusahan. Matapos akong palitan, nabunyag ang iba pang mga problema sa aking tungkulin. Dahil nahaharap sa paninisi ng mga kapatid, at mga problemang inilantad sa aking gawain, nakaramdam ako ng maraming panghihinayang at pagsisisi sa sarili. Talagang namuhi ako sa sarili ko. Bakit ba napakayabang ko? Akala ko noon pa na may talento ako, na ayos lang ang anumang gawin ko, pero gumawa ba ako ng kahit isang dakot ng bagay na nakalugod sa Diyos? Ang tungkulin na ginawa ko ay sira-sirang kaguluhan, at wala akong ginawa kundi ang manggambala. Kung nagkaroon ako ng kahit kaunting paggalang sa Diyos, kung mas nanalangin ako o mas naghanap, o kung nagbahagi ako at tumalakay ng mga bagay kasama ang iba, kung naging mas maingat ako nang kaunti, hindi sana ako umabot sa puntong gumagawa ako ng napakaraming pagsuway sa Diyos.

Sa aking pagsisikap na malutas ang likas kong kayabangan, binasa ko kalaunan ang ilan sa mga salita ng Diyos, “Hindi mababago ng mga tao ang sarili nilang disposisyon; kailangan silang dumaan sa paghatol at pagkastigo, at sa pagdurusa at pagpipino, ng mga salita ng Diyos, o sa pakikitungo, pagdidisiplina, at pagtatabas ng Kanyang mga salita. Pagkatapos noon, saka lamang sila magiging masunurin at matapat sa Diyos, at hindi na magpapadalus-dalos sa pakikitungo sa Kanya. Sa ilalim ng pagpipino ng mga salita ng Diyos nagbabago ang disposisyon ng mga tao. Sa pamamagitan lamang ng paglalantad, paghatol, pagdidisiplina, at pakikitungo ng Kanyang mga salita sila hindi na mangangahas na kumilos nang walang pakundangan kundi sa halip ay magiging matatag at mahinahon sila. Ang pinakamahalagang punto ay na nagagawa nilang magpasakop sa kasalukuyang mga salita ng Diyos, at sa Kanyang gawain, kahit hindi ito nakaayon sa mga kuru-kuro ng tao, nagagawa nilang isantabi ang mga kuru-kurong ito at maluwag sa loob na magpasakop(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Taong Nagbago Na ang Disposisyon ay Yaong mga Nakapasok Na sa Realidad ng mga Salita ng Diyos). Sa muling pagbabasa sa siping ito, talagang pinasasalamatan ko na ang tanging landas para malutas ang likas na kayabangan ng isang tao ay ang tanggapin ang paghatol, pagkastigo, pagtatabas, at pagwawasto ng Diyos. Napakalalim ng paggawang tiwali sa atin ni Satanas, kaya kung aasa lang tayo sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos at personal na pagninilay, magiging mababaw ang pag-unawa natin sa ating mga sarili at hindi magbabago ang mga tiwali nating disposisyon. Kung hindi ako inilantad ng Diyos, tinabas at iwinasto nang paulit-ulit, marahil ay labis pa rin ang kumpyansa ko sa sarili at iniisip na talagang napakaespesyal ko. Hindi ko makikilala ang sarili ko. Talagang hindi ko malalaman kung gaano ako kayabang o gaano kalala ang aking satanikong disposisyon. Ngayon, kapag inaalala ko ang lahat ng ginawa ko, talagang nahihiya ako at napupuno ng pagsisisi. Napapakunot ako sa pag-iisip noon at ni hindi ko maiangat ang ulo ko. Pero iyon ang tiyak na uri ng masakit na aral na nagpahintulot sa akin na magkamit ng kaunting pag-unawa sa aking likas na kayabangan, at malaman kung saan ako maaaring madapa o mabigo. Binigyan din ako nito ng kaunting paggalang sa Diyos. Nakita ko rin na ganap akong wala ng parehong realidad ng katotohanan at isang pusong naghahanap ng katotohanan sa aking tungkulin. Mapagmataas ako, di-makatwiran, at nakakagambala. Kumpara sa mga kapatid na may karaniwang kakayahan, pero matapat na gumagawa ng kanilang tungkulin, wala ako. Walang basehan ang kayabangan ko. Matapos mapagtanto ang lahat ng ito, mas mapagkumbaba na ako sa aking tungkulin at hindi na ako labis na kumpyansa. Sadya kong isinagawa na isantabi ang aking sarili at itanggi ang aking sarili, mas hinanap ko ang mga prinsipyo ng katotohanan at mas nakinig sa mga kapatid. Nagsimula akong magkaroon ng bukas na mga talakayan para lutasin ang anumang mga problema sa iglesia. Minsan, kapag naipakita kong muli ang kayabangan ko, o lumabag ako sa mga prinsipyo ng aking tungkulin, isasagawa ko ang pag-iisantabi sa aking sarili, at tanggapin ang pagtatabas at pagwawasto, pati na rin ang patnubay at tulong ng iba. Paglipas ng panahon, naramdaman ko na talagang kapaki-pakinabang ang pagsasagawa sa ganoong paraan. Dahil mababaw ang pag-unawa ko sa katotohanan at kulang ako ng kabatiran sa maraming bagay, sa pamamagitan ng paggawa kasama ang mga kapatid at paghahanay sa mga pananaw ng lahat, maaari akong magkamit ng mas maraming pag-unawa ng mga bagay. Sa paggawa ng tungkulin ko sa ganoong paraan, bago ko mamalayan, mayroon na akong proteksyon ng Diyos. Hindi na ako gumawa ng malalaking pagkakamali o nagkaroon ng malalaking problema, at sa ilalim ng pangangasiwa ng mga kapatid, nakontrol na nang kaunti ang likas kong kayabangan. Binigyan ako ng pakiramdam ng kapayapaan at katahimikan ng pagsasagawa nito, at unti-unti, pabawas na nang pabawas ang mayabang kong pagkilos. Minsan, sinabi ng sister na kasama kong gumawa, “Halos dalawang taon na kitang kilala, napakayabang mo dati at palaging pigil ang pakiramdam ng ibang tao dahil sa iyo, pero ngayon talagang nagbago ka na.” Pakiramdam ko maiiyak na ako noong puntong iyon. Naging napakayabang ko. Hindi naging madali ang pagbabago kahit ganito kakaunti. Kung aalalahanin ang nakalipas na ilang taon, ang dalawang hindi malilimutang panahong iyon ng pagtatabas at pagwawasto ang pinakanakatulong at kapaki-pakinabang para sa akin. Kung hindi ako dumaan sa ganoon, kahit ngayon tiyak akong hindi ako magtataglay ng normal na pagkatao, na hindi ko man lang iisipin ang Diyos. Malalagay ako sa mapanganib na bangin, nasa bingit ng paglaban sa Diyos anumang sandali. Alam ko na talaga ngayon na ang pagtatabas at pagwawasto ay proteksyon at pagliligtas ng Diyos para sa akin.

Sinundan: 67. Ang Pagsasabuhay ng Kaunting Kawangis ng Tao ay Tunay na Dakila

Sumunod: 69. Pagbabalik sa Tamang Daan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito