84. Kaya Bang Magbukas ng Pinto ng Kaharian ng Langit ang Masigasig na Gawa?

Ni Sheila, Kenya

Ipinanganak ako sa isang Katolikong pamilya. Mula pagkabata, tinuruan na ako ng lola ko kung paano magdasal at kung paano magsagawa ng mga ritwal ng Katoliko. Noong kinse anyos na ako, nagsimula akong mag-aral ng doktrina ng Katoliko. Palaging sinasabi noon ng pari namin na dapat naming sundin ang mga utos ng Diyos, mahalin ang isa’t isa, dumalo sa Misa at gumawa ng mabubuting gawa. Sinabi niyang tanging ang mga taong gumawa ng ganitong mga bagay ang masusugid na mananampalataya, at kapag dumating ang Panginoon, dadalhin Niya sila sa kaharian ng langit. Madalas sinasabi ko sa sarili ko, “Kailangan kong gawin ang anumang sabihin ng Diyos, sumunod sa lahat ng panuntunan ng simbahan, at aktibong gumawa ng mabubuting gawa, para mahalin ako ng Panginoon at kapag nagbalik Siya, pagpapalain Niya ako at dadalhin sa kaharian ng langit.”

Noong nasa kolehiyo ako, tumigil ako sa pag-aaral para magkaroon ng mas marami pang oras upang magbigay ng serbisyo sa simbahan. Sa panahong ito, nalaman kong mukhang mga banal ang ibang mga nagsisimba kapag nasa loob ng simbahan, nagdarasal at dumadalo sa Misa, ngunit sa buhay nila, naninigarilyo, umiinom, at pumupunta sila sa mga magugulong party. Nasusuklam ako, iniisip ko, “Itinuturo ng Panginoon sa atin na mahalin Siya, na tulungan ang mga nangangailangan, at umiwas sa mga makamundong tukso. Mukhang mananampalataya ang mga taong ito sa Panginoon ngunit wala talaga silang ginagawang anuman para sa Kanya. Nagnanasa sila sa mga makamundong bagay at naghahangad ng mga makamundong kasiyahan. Hindi ba ito taliwas sa mga katuruan ng Panginoon? Hindi ako puwedeng maging katulad nila. Gagawa ako ng mas maraming mabubuting gawain para sa Panginoon upang makapasok sa kaharian ng langit pagdating ng panahon.” Ngunit sa paglipas ng panahon, napagtanto kong hindi ko rin kayang sundin sa pang-araw-araw na buhay ang mga kautusan ng Diyos. Sa tuwing makikita kong namumuhay nang masaya at malaya iyong mga mapaghanap ng kasiyahan na mga miyembro ng simbahan samantalang nahaharap ako sa mga paghihirap at kasawian, hindi ko mapigilang magreklamo tungkol sa Diyos. Itinuturo sa atin ng Panginoon na mahalin ang iba tulad ng pagmamahal natin sa ating mga sarili, ngunit lagi akong naiinggit at nangmamaliit ng mga tao. Pinagagalitan ako ng pamilya ko kapag nakagagawa ako ng pagkakamali, ngunit magdadahilan lang ako, makikipagtalo tungkol sa maliliit na bagay, at magagalit sa kanila. Tinuturo sa atin ng Panginoon na maging mapagpakumbaba at mapagpatawad tayo, ngunit hindi ko nasunod ito. Nakonsensiya talaga ako, parang mananampalataya ako sa pangalan lang. Nagsimula akong magnilay, “Bakit hindi ko kailanman mapagtagumpayan ang mga kasalanan ko? Kahit na nangungumpisal ako sa pari tuwing ako ay nagkakasala, at gumagawa ng mabubuting gawa para makabawi rito, sa huli ginagawa ko pa rin ang parehong kasalanan. Paano pagpapalain ng Diyos ang pananalig gaya ng sa akin?” Ngunit palaging sinasabi ng pari sa amin na, sa pamamagitan ng pangungumpisal sa kanya pagkatapos naming magkasala, mapapatawad kami, at hangga’t gumagawa kami para sa Panginoon at patuloy na gumagawa ng mabubuting gawa kaaawaan Niya kaming muli at pagpapalain Niya kami at papapasukin sa kaharian ng langit, dahil nakasulat sa Bibliya: “Nakipagbaka na ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, napanatili ko ang pananalig: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong ng katuwiran” (2 Timoteo 4:7–8). Napanatag ako nang maisip ko ang sinabi ng pari. Inisip ko na hangga’t mas dumadalo ako sa Misa, nangungumpisal, at patuloy na gumugugol para sa Panginoon, kung gayon may pag-asa akong makapasok sa kaharian ng langit. Kaya’t naging abala ako sa paggawa ng mabubuting gawa. Bumibisita ako sa mga maysakit at nakakulong, at nagboluntaryo ako sa bahay ampunan.

Isang araw noong 2017, katulad ng nakagawian, nagbukas ako ng Facebook para mag-scroll sa mga mensahe, nang bigla kong nakita ang isang siping nai-post ng isang sister na nagngangalang Betty: “Bagama’t maraming tao ang nananampalataya sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung paano sila mismo dapat kumilos upang maging naaayon sa mga layunin ng Diyos. … Ang ‘pananampalataya sa Diyos’ ay nangangahulugan ng paniniwala na mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng konsepto ng pananampalataya sa Diyos. Higit pa rito, ang paniniwala na mayroong Diyos ay hindi kapareho ng tunay na pananampalataya sa Diyos; sa halip, ito ay isang uri ng simpleng pananalig na may matitinding kahulugang panrelihiyon. Ang ibig sabihin ng tunay na pananampalataya sa Diyos ay ang mga sumusunod: Batay sa pananampalataya na ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay, dinaranas ng isang tao ang Kanyang mga salita at Kanyang gawain, at sa gayon ay iwinawaksi ang mga tiwaling disposisyon ng isang tao, tinutugunan ang mga layunin ng Diyos, at nakikilala ang Diyos. Ganitong uri lamang ng paglalakbay ang maaaring tawaging ‘pananampalataya sa Diyos.’ Subalit madalas ituring ng mga tao ang pananampalataya sa Diyos bilang isang labis na simple at walang-kabuluhang bagay. Kapag ang mga tao ay nananampalataya sa Diyos sa ganitong paraan, nawawalan ito ng kahulugan, at bagama’t maaari silang patuloy na maniwala hanggang sa kahuli-hulihan, hindi nila kailanman matatamo ang pagsang-ayon ng Diyos, dahil tumatahak sila sa maling landas. Ang mga nananampalataya sa Diyos hanggang ngayon sa gitna ng mga salita at mga hungkag na doktrina ay hindi pa rin nakakaalam na wala silang diwa ng pananampalataya sa Diyos, at na hindi nila matatanggap ang pagsang-ayon ng Diyos. Nagdarasal pa rin sila na pagpalain sila ng Diyos ng kapayapaan at sapat na biyaya. Patahimikin natin ang ating puso at mag-isip nang husto: Maaari kaya na ang pananampalataya sa Diyos ang pinakamadaling bagay sa lupa? Maaari kaya na ang paniniwala sa Diyos ay nangangahulugan lamang ng pagtanggap ng maraming biyaya mula sa Diyos? Talaga bang ang mga taong naniniwala sa Diyos nang hindi Siya nakikilala o naniniwala sa Diyos subalit kinakalaban Siya ay makatutugon sa mga layunin ng Diyos?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Ang mga salitang ito ay napakasariwa at bago sa pakiramdam. Agad akong nabighani. Lalong hindi ko kailanman naisip ang mga katanungang nakasulat sa huling bahagi nito. Inisip ko, “Kamangha-mangha ito! Kaninong mga salita ang mga ito? Napakaiksing sipi na lubusang nagbunyag sa kahulugan ng pananalig sa Diyos at ng kung ano ang hinahangad nating makamit mula sa ating pananalig.” Pinagbulay-bulayan ko ang mga salitang ito, pinatahimik ang puso ko at masigasig na pinag-isipan ang pananalig ko sa unang pagkakataon sa buhay ko. Ginunita ko ang mga taon ng pananalig ko. Sumali ako sa maraming aktibidad at mga seremonya ng simbahan, naging aktibo sa ministeryo ng simbahan at gumawa ng mabubuting gawa sa komunidad, at nagdusa ako nang kaunti at nagbayad ng kaunting halaga. Ngunit ginawa ko ang mga bagay na iyon, upang ako at ang aking pamilya ay mabiyayaan at maprotektahan ng Diyos, at higit sa lahat para makapasok ako sa kaharian ng langit. Inisip ko lagi noon na tama ako sa paghahangad sa mga bagay na iyon, na matatanggap ng Diyos ang pananalig ko, at matatanggap ko ang Kanyang mga pangako at pagpapala. Ngunit pagkabasa ko sa mga salitang iyon, bahagya kong napagtanto ang mas malalim na kahulugan ng pananalig. Ang aktibong paggawa ng mabubuting gawa at pagtatanggi sa sarili ko para lang makuha ang mga pagpapala mula sa kaharian ng langit bilang kapalit ay hindi tunay na pagmamahal sa Diyos. Paanong masasang-ayunan ng Diyos ang ganyang uri ng pananalig? Ngunit pagkatapos, naisip ko kung paano ako nanampalataya sa Panginoon sa loob ng mahigit sa dalawampung taon, palaging gumagawa ng ministeryong pang-simbahan. Maaari kaya na lahat ng mga paghihirap at sakripisyo ko ay mauuwi sa wala? Habang lalo kong pinagninilayan ang mga salitang ito, lalo ko pang gustong makita kung ano pa ang nakasulat sa Facebook timeline ni Sister Betty para maging malinaw sa aking ang lahat ng ito. At kaya, nakipag-ugnayan ako sa kanya at nagkaroon kami ng pagtitipon online.

Sinabi ko sa kanya kung anong naramdaman ko noong mabasa ko ang mga salitang iyon, “Kahanga-hanga ang nai-post mo online. Ipinakita nito sa akin na, nananampalataya ako sa Panginoon para lang makatanggap ng mga biyaya, na hindi iyon ang tunay na pagmamahal sa Panginoon. Ngunit may isang bagay na hindi ko maintindihan. Sinasabi ng Bibliya: ‘Nakipagbaka na ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, napanatili ko ang pananalig: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong ng katuwiran’ (2 Timoteo 4:7–8). Palaging sinasabi ng aking pari na hangga’t patuloy kaming gumagawa ng mabubuting gawain at mabubuting gawa, kung gayon bibiyayaan kami ng Panginoon, at makakapasok kami sa kaharian ng langit. Ginawa ko ito sa lahat ng taon ng pananalig ko. Talaga bang hindi maaalala ng Panginoon ang mga bagay na ginawa ko? Hindi ba ako makakapasok sa kaharian ng langit?” Ibinahagi ni Betty ang pagbabahaginang ito: “Ang palaging pagpapagal, pagsasakripisyo at paggawa ng mabubuting gawa para sa Panginoon ay kalugod-lugod sa Panginoon, at sa pagbabalik Niya, madadala tayo paitaas sa kaharian ng langit. Ito ang sinabi ni Pablo. Walang ganyang sinabi ang Panginoong Jesus, gayon din ang Banal na Espiritu. Mga sariling pananaw lang ni Pablo ang mga salitang ito, at hindi iyon ang ibig ipakahulugan ng Panginoon. Hindi katotohanan ang mga salita ng tao. Tanging ang mga salita ng Diyos ang katotohanan. Pagdating sa mahalagang bagay ng pagpasok sa kaharian ng langit, ang mga salita ng Diyos ang dapat na maging batayan natin. Kapag sumunod tayo sa mga salita ng tao, malamang na maligaw tayo palayo sa daan ng Panginoon. Kung gayon sino ba talaga ang makakapasok sa kaharian ng langit? Malinaw na sinasabi ng Panginoong Jesus: ‘Hindi ang bawat nagsasabi sa Akin, “Panginoon, Panginoon,” ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit, siya ay papasok sa kaharian ng langit(Mateo 7:21). Ipinapakita sa atin nito na, hindi tinitingnan ng Diyos kung gaano tayo nagsakripisyo pagdating sa pagtatakda kung makakapasok ba tayo sa kaharian ng langit. Sa halip tinitingnan Niya kung sinusunod ba natin o hindi ang kalooban Niya. Iyon ay, upang makapasok sa kaharian ng langit, kailangang iwaksi ng mga tao ang kanilang makasalanang kalikasan at maging malinis, at kailangan nilang sumunod sa mga salita ng Diyos, at magpasakop, magmahal, at sumamba sa Diyos. Kung nagpagal tayo at nagtrabaho nang husto at nagsakripisyo ng marami, ngunit hindi tayo nakasusunod sa mga salita ng Diyos, at madalas magkasala at lumaban sa Diyos, kung gayon ay hindi tayo makakapasok sa kaharian ng langit. Iyong mga Hudyong Pariseo na lumaban sa Panginoon ay nagsilbi sa Diyos taon-taon sa templo at ipinakalat ang ebanghelyo ng Diyos sa lahat ng dako. Nagdusa sila nang labis at nagbayad ng malaking halaga. Sa panlabas, tila tapat sila sa Diyos, ngunit para sa kanila ang pagdaos ng mga relihiyosong ritwal lang ang mahalaga. Iningatan at ipinangaral nila ang mga tradisyon at doktrina ng tao, at isinantabi ang mga batas at utos ng Diyos. Ang serbisyo nila ay lubos na taliwas sa layunin ng Diyos, at lumayo sila mula sa daan ng Diyos. Lalo na noong dumating ang Panginoong Jesus upang gumawa ng Kanyang gawain, marahas Siyang kinondena at siniraan ng mga Pariseo at ginawa nila ang kanilang makakaya para patigilin ang mga taong sumunod sa Kanya, para protektahan ang sarili nilang mga posisyon at kabuhayan. Sa huli, nakipagsabwatan sila sa pamahalaang Romano para mapako sa krus ang Panginoong Jesus, kaya natanggap nila ang kaparusahan ng Diyos. Nagpapatunay ito na ang mga tao ay maaaring magsikap at gumawa ng mga sakripisyo at gumugol ng kanilang mga sarili, pero hindi ito nangangahulugang sinusunod nila ang kalooban ng Diyos. Ito ay dahil hindi pa sila nalinis mula sa kasalanan, at magkakasala at lalaban pa rin ang mga tao sa Diyos kahit na nagsakripisyo at ginugol na nila ang kanilang sarili nang husto para sa Kanya. Tapos ayan tayo. Kahit na tayo ay mukhang masipag at mabait at mapagbigay, at tumutulong tayo sa ating mga kasamahan sa simbahan, ang hangad natin ay mabiyayaan at makapasok sa kaharian ng langit. Kapag binibiyayaan tayo ng Diyos, pinasasalamatan at pinapupurihan natin Siya. Kapag tayo ay nagkakasakit o kapag sumasapit sa atin ang sakuna, nagrereklamo tayo tungkol sa Kanya at nagkakamali tayo ng pagkaunawa sa Kanya, at maaari pa nga natin Siyang ipagkanulo. Ipinapakita nito sa atin na hindi natin ginagawa ang mga bagay na ito dahil sa pag-ibig natin sa Diyos o para mapalugod ang Diyos, kundi para makipagtawaran sa Diyos. Ginagamit lang natin ang Diyos para bigyang-kasiyahan ang sarili nating mga ambisyon at pagnanais. Paano tayo kung gayon magiging mga taong sumusunod sa kalooban ng Ama sa langit? Sinasabi sa Bibliya: ‘Kayo’y magpakabanal, sapagkat Ako’y banal(1 Pedro 1:16). Ang Diyos ay banal, kaya’t paanong aakayin ng Diyos kailanman papasok sa kaharian ng langit ang mga tulad nating marurumi? Tanging sa pagwawaksi sa ating makasalanang kalikasan, pagiging nalinis at hindi na pagkakasala at paglaban sa Diyos, tayo masasang-ayunan ng Diyos at magiging karapat-dapat na makapasok sa kaharian ng langit.” Habang nakikinig sa kanya naisip ko, “Dati iniisip kong makakapasok ako sa kaharian ng langit sa pamamagitan ng mabubuting paggawa, pero ngayon, parang isinasagawa ko pala ang pananalig ko nang taliwas sa layunin ng Diyos. Makakapasok lang ang mga tao sa kaharian ng langit kung sila ay magiging banal, ngunit hindi ko alam kung paanong magiging banal.” Ibinahagi ko ang mga iniisip ko kay Sister Betty.

Binasahan niya ako ng ilang nauugnay na sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang isang makasalanang tulad mo, na katutubos pa lang, at hindi pa sumailalim sa pagbabago o sa pagpeperpekto ng Diyos—makakaayon ka ba sa mga layunin ng Diyos? Para sa iyo, na katulad pa rin ng dati, totoong ikaw ay iniligtas ni Jesus, at hindi ka nabibilang sa kasalanan dahil sa pagliligtas ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay walang kasalanan o karumihan. Paano ka magagawang banal kung hindi ka sumailalim sa pagbabago? Sa loob, puno ka ng mga karumihan, at makasarili at mababang-uri ka, ngunit ninanais mo pa ring bumaba na kasama ni Jesus—hindi ka ganoon kasuwerte! Nalaktawan mo ang isang hakbang sa iyong pananampalataya sa Diyos; natubos ka pa lang, ngunit hindi pa sumailalim sa pagbabago. Para makaayon ka sa mga layunin ng Diyos, kailangang ang Diyos Mismo ang gumawa ng gawain para baguhin at linisin ka; kung hindi, natubos ka lamang at hindi ka maaaring magawang banal. Sa ganitong kaso, hindi ka kalipikado na tamasahin ang magagandang pagpapala kasama ang Diyos, dahil napag-iwanan ka ng isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na siyang pangunahing hakbang sa pagbabago at pagperpekto ng tao. Kaya ikaw, na isang makasalanang katutubos pa lang, ay walang kakayahang direktang tumanggap ng pamana ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa mga Katawagan at sa Pagkakakilanlan). “Bagama’t dumating si Jesus sa gitna ng mga tao at gumawa ng maraming gawain, kinumpleto lamang Niya ang gawain ng pagtubos sa buong sangkatauhan at nagsilbi bilang handog para sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis sa tao ang lahat ng tiwaling disposisyon nito. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensiya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan na si Jesus ay maging handog para sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas dakila pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang disposisyon nito na ginawang tiwali ni Satanas. Kaya, pagkatapos mapatawad ang tao sa mga kasalanan nito, nagbalik ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan Niya ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na antas. Lahat ng nagpapasakop sa ilalim ng Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at makakamit nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Pagkatapos ay sinabi ni Sister Betty, “Noong Kapanahunan ng Biyaya, ginawa lamang ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos. Matapos nating tanggapin ang Kanyang pagliligtas, kailangan lang nating mangumpisal at magsisi sa Kanya at patatawarin na ang ating mga kasalanan, at pagkatapos, matatamasa natin ang biyaya at mga pagpapalang ibinibigay Niya sa atin. Pinatawad ng Panginoong Jesus ang ating mga kasalanan, ngunit hindi Niya tinanggal ang ating makasalanang kalikasan at mga satanikong disposisyon. Matapos tayong gawing tiwali ni Satanas, napangingibabawan tayo ng ating mga tiwaling disposisyon, tulad ng kayabangan, kapalaluan, pagiging baliko, panlilinlang, kabuktutan, at kasakiman, kaya’t hindi natin maiwasang magkasala at labanan ang Diyos. Ang ating satanikong kalikasan ang ugat ng ating kasalanan at paglaban sa Diyos; kung hindi natin lulutasin ang ating makasalanang kalikasan, hindi tayo kailanman titigil sa pagkakasala at paglaban sa Diyos, at hindi tayo kailanman magiging karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit. Kaya’t sinabi ng Panginoon na babalik Siya sa mga huling araw, ipapahayag ang katotohanan upang gawin ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos, upang lubusang linisin at baguhin ang ating mga satanikong disposisyon. Pagkatapos noon, maaari tayong makalaya sa kasalanan at ganap nang maliligtas at makakamit ng Diyos. Kagaya sa propesiya ng Panginoon: ‘Siya na nagtatakwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga salita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:48). ‘Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo kakayanin. Gayon man ay kapag Siya, ang Espiritu ng katotohanan, ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagkat hindi Siya magsasalita ng mula sa Kanyang sarili; kundi ang anomang bagay na Kanyang marinig, ang mga ito ang Kanyang sasalitain: at Kanyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12–13). Tanging sa pagtanggap lang ng gawain ng paghatol sa mga huling araw ng nagbalik na Panginoon tayo magiging malinis sa ating katiwalian. Saka lang tayo magiging karapat-dapat tumanggap ng mga pangako ng Diyos at makapasok sa Kanyang kaharian.” Talagang nakita ko ang liwanag sa pakikipagbahaginan ni Sister Betty. Sa loob ng maraming taon, nagkasala ako at nangumpisal sa pari at masigasig na gumawa ng mabubuting gawa, pero, hindi ko pa rin napigil ang sarili kong magkasala. Ngayon alam ko nang gawain lang ng pagtubos ang ginawa ng Panginoong Jesus at sa pananampalataya sa Kanya, napatawad lang ang ating mga kasalanan, ngunit nanatili pa rin sa loob natin ang ating makasalanang kalikasan. Kaya’t nabubuhay pa rin ako sa isang masamang siklo ng pagkakasala at pangungumpisal. Ang tanging paraan para maging malinis sa ating katiwalian ay ang tanggapin ang gawain ng paghatol ng nagbalik na Panginoon sa mga huling araw. Saka lang natin magagawang tunay na magpasakop at matakot sa Diyos at magiging karapat-dapat na makapasok sa kaharian ng Diyos. Labis na nagpasaya sa akin ang kaisipang iyan. Ngayon may pag-asa na akong makapasok sa kaharian ng langit!

Nang sumunod na araw, ipinarinig ni Sister Betty ang isang pagbasa na pinamagatang “Nakabalik Na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang ‘Puting Ulap’.” Sobrang nakakaantig ito para sa akin at pakiramdam ko ay talagang may awtoridad ang mga salitang iyon. Tuwang-tuwa niyang sinabi sa akin, “Ang Panginoon na inaasam-asam natin ay nagbalik na, bilang ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos. Nagpapahayag ng maraming katotohanan ang Makapangyarihang Diyos, at ginagawa ang gawain ng paghatol simula sa sambahayan ng Diyos. Ang binasa natin kahapon, pati na ang pagbasa na pinakinggan natin ngayon, ay pawang binigkas ng Makapangyarihang Diyos. Dumating na Siya at binuksan ang pitong selyo at niladlad ang maliit na balumbon. Isiniwalat Niya ang lahat ng misteryo na hindi natin naintindihan kailanman, at ipinagkaloob ang lahat ng mga katotohanan na kailangan natin para ganap na maligtas at malinis. Tinutupad nito ang propesiya sa Pahayag: ‘Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia(Pahayag 3:6). Ang marinig ang tinig ng Diyos ngayon, ay dahil sa gabay ng Diyos, at tayo ay lubos na pinagpala!” Sobra akong nasiyahan at nasabik nang marinig ang balita, na ang Panginoon ay nagbalik na. Ang pagbasang napakinggan ko at ang mga salitang nabasa ko noong nakaraang araw ay mga salita ng Diyos lahat. Hindi kataka-taka na nagtataglay ito ng awtoridad! Sino pa ang maaaring makapagsiwalat ng misteryo tungkol sa kung paano babalik ang Panginoon? Walang sino man ang makagagawa nito maliban sa Diyos. Talagang nakumbinsi ako na ang mga salitang ito ay binigkas ng Diyos, at na talagang nagbalik na ang Panginoon! Sobra akong nanabik noon! Hindi ko kailanman inakala na makakasalubong ako sa pagbabalik ng Panginoon. Napakapalad ko! May isa nga lang akong tanong: “Paano ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol para malinis at ganap na maligtas ang tao?”

Binasa sa akin ni Sister Betty ang siping ito ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos bilang sagot sa tanong ko: “Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ilantad ang diwa ng tao, at himayin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat magpasakop ang tao sa Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang mga tiwaling disposisyon. Sa partikular, iyong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay lalong mas nakatuon sa kung paanong ang tao ay isang pagsasakatawan ni Satanas, at isang puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi ganap na ipinapaliwanag ng Diyos ang kalikasan ng tao sa iilang salita; naglalantad at pumupungos Siya nang pangmatagalan. Ang lahat ng iba’t ibang pamamaraan na ito ng paglalantad at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita; sa halip, ang katotohanang tiyak na hindi taglay ng tao ay ginagamit para isakatuparan ang gawaing ito ng paglalantad at pagpupungos. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makakamit ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling paghihimagsik. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-kakayahan sa tao na magkamit ng malawak na pagkaunawa sa mga layunin ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Binibigyang-kakayahan din nito ang tao na maunawaan at makilala ang kanyang tiwaling diwa at ang ugat ng kanyang katiwalian, gayundin na matuklasan ang kanyang pangit na mukha. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananalig sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan). Pagkatapos basahin ito, sinabi ni Sister Betty, “Sa mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos ay gumagawa para hatulan at linisin ang sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Hinahatulan Niya ang paghihimagsik at pagiging di-matuwid ng tao, ang satanikong kalikasan ng tao na lumalaban sa Diyos at mga tiwaling disposisyon, at inilalantad ang ating pagnanais para sa mga pagpapala at ang pananalig nating may dungis at nakalilinlang na mga pananaw, at iba’t ibang kuru-kuro tungkol sa Diyos. Ipinakikita rin Niya sa atin kung paano maging matapat, at kung paano maglingkod na ayon sa Kanyang mga layunin, paano tunay na magpasakop sa Kanya at magmahal sa Kanya, paano sumunod sa Kanyang kalooban, at iba pa. Sa pamamagitan ng pagdanas sa paghatol at pagkastigo ng mga salita Niya, nakikita natin kung paano tayo ginawang tiwali ni Satanas—pagiging mayabang, palalo, baliko, mapanlinlang, buktot at sakim—at kung paanong ang lahat ng isinasabuhay natin ay nagmumula sa ating mga satanikong disposisyon. Dito nakikita natin ang banal at matuwid na disposisyon ng Diyos na hindi nagpapalampas ng pagkakasala, at nagsisimula tayong mamuhi sa sarili natin, makaramdam ng pagsisisi, at magtuon sa pagsasagawa ng katotohanan. Pagkatapos ang mga disposisyon natin sa buhay ay nagsisimulang unti-unting magbago. Ang lahat ng ito ay natatamo sa pamamagitan ng pagdanas sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos.” Ibinahagi rin ni sister Betty ang kanyang mga sariling karanasan. Sa pananalig niya dati, inakala niyang minahal niya ang Panginoon dahil masigasig siyang gumugol ng kanyang sarili at nagsakripisyo, kaya’t madalas siyang manalangin para humingi ng biyaya at mga pagpapala sa Panginoon. Matatag ang kanyang paniniwala, na dahil nagdusa siya para sa Panginoon, tiyak na gagantimpalaan siya ng Panginoon ng pagpasok sa kaharian ng langit. Pagkatapos niyang tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at mahatulan at mailantad ng mga salita ng Diyos, nakita niyang mali at may dungis ang kanyang mga pananaw tungkol sa pananalig: Hindi siya naniwala dahil sa pagmamahal o pagpapasakop sa Diyos o para gampanan ang tungkulin ng isang nilikha, bagkus para matugunan ang sarili niyang pagnanais para sa mga biyaya, at para matanggap ang mga pagpapala ng kaharian ng langit bilang kapalit. Ito ay paggamit sa Diyos at pakikipagtawaran sa Kanya. Napagtanto niyang napakamakasarili niya, walang pagkatao o katwiran, at lubos niya itong pinagsisihan at kinamuhian ang sarili. Sinimulan niyang hangarin ang katotohanan gaya ng hinihingi ng Diyos, at ang mga mali niyang pananaw sa pananalig ay naitama. Nagsimula ring magbago ang kanyang satanikong disposisyon. Naranasan niya na ang tanging paraan para tunay na makilala ang kanyang sarili at maging malinis mula sa kanyang katiwalian ay ang tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos. Mula sa kanyang pagbabahagi, nakita ko kung gaano ka-praktikal sa Diyos na ipahayag ang katotohanan at gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw at kung gaano ito tunay na nakakapagpabago at nakakapaglinis ng mga tao. Nakita ko kung gaano natin kailangan ang Diyos na gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw, at na may daan na tayo ngayon para maiwaksi ang katiwalian at madalisay. Sobra akong natuwa.

Sa mga pagtitipon kalaunan, nakipagbahaginan sa akin si Sister Betty tungkol sa misteryo ng pagkakatawang-tao ng Diyos, kung paano tinitiwali ni Satanas ang tao, kung paano inililigtas ng Diyos ang tao nang paisa-isang hakbang, ang lihim na kuwento sa likod ng Bibliya, anong mga kalalabasan at hantungan ang naghihintay sa sangkatauhan at marami pa. Ang mga ito ay mga katotohanang hindi ko pa kailanman narinig sa mahigit dalawampung taon ko ng paniniwala sa Diyos. Habang mas binabasa ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, mas lalo kong nararamdamang tinig iyon ng Diyos. Tanging ang Diyos na nagkatawang-tao lang ang makapagpapahayag ng mga salita na may ganoong awtoridad at kapangyarihan. Maliban sa Diyos, sino ang puwedeng maglantad ng katotohanan tungkol sa paggawang tiwali ni Satanas sa sangkatauhan? Sino ang makapagpapakita sa atin ng mga paglihis sa ating pananalig, at makapagpapakita sa atin ng tamang daan sa ating pananampalataya? Sino ang makapagsisiwalat ng mga misteryo ng 6,000-taon na plano ng pamamahala Diyos, at makapagsasabi sa atin kung anong mga kalalabasan at hantungan ang naghihintay sa atin? Nakumbinsi ako, na ang Makapangyarihang Diyos ang Panginoong nagbalik—Siya ang Cristo na nagpapakita sa mga huling araw! Pagkatapos, masaya kong tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw.

Sinundan: 83. Bakit Hindi Ko Ibinabahagi ang Lahat Kapag Nagtuturo sa Iba?

Sumunod: 85. Ang Nakamit Ko sa Pagsusulat ng Aking Patotoong Batay sa Karanasan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito