74. Pagkatutong Magpasakop sa Pamamagitan ng Paghihirap

Ni Li Yang, Tsina

Noong simula ng 2008, may napansin akong bukol na tumutubo sa likod ng tainga ng anak kong lalaki. Dinala ko siya sa ospital para sa checkup at sinabi ng doktor na tumor ito, isang partikular na uri ng tumor na sumisira ng mga buto. Hindi ito nakakamatay noong panahong iyon, pero walang anumang epektibong lunas dito, at sinabi niya na napakasakit nito dahil sa tuwing mamamaga ito, kailangan ng anak kong lalaki na magpa-opera para tanggalin ang naimpeksyong buto. Kung hindi, manganganib ang kanyang buhay. Pagkarinig ko sa sinabi ng doktor, talagang ganap akong nagulat. Labis akong nalungkot. Bagong mananampalataya ako noon at naisip ko na dahil naniwala ako sa Diyos, Siya ang dapat na bato ko. Pinilit ko ang sarili ko na manatiling matatag sa aking pananampalataya. Naniwala ako na hangga’t nakasandal ako sa Diyos, ang anak ko ay tiyak na gagaling. Ang operasyon ng anak ko ay naging ganap na matagumpay at napakabilis ng paggaling niya. Tatlong araw pagkatapos ng operasyon niya, tumatakbo na siya sa paligid ng gusali, at nakalabas siya pagkatapos ng isang linggo. Pagkatapos niyon, nakaramdam ako ng malaking motibasyon sa pananampalataya ko. Malugod kong tinanggap ang anumang gawain na ibinigay ng simbahan sa akin at lagi kong ginawa ang tungkulin ko, umulan man o umaraw. Hindi ito naunawaan ng pamilya ko at ang mga taong malapit sa akin ay laging may sinasabi pagtalikod ko, pero hindi ko pinansin ito. Naramdaman ko na hangga’t patuloy akong nagtatrabaho nang mabuti at inilalaan ang sarili ko, tiyak na pagpapalain ako ng Diyos.

Isang araw, pumunta sa akin ang anak ko, hawak ang kanyang beywang, sinasabi na masakit ito. Ang gayong hitsura ng sakit sa kanyang mukha ay nagbigay sa akin ng masamang pakiramdam. Itinaas ko agad ang kamiseta niya at nakita ko ang bukol na tumutubo kung saan niya sinabi na masakit. Umiyak siya sa sakit nang bahagya kong hinipo ito at alam ko na bumalik ang kanyang kondisyon. Madali ko siyang dinala sa ospital. Kinumpirma ng isang test na ang kanyang sakit ay bumalik. Hindi ko mapigilang isipin noong nakita ko siya pagkatapos ng una niyang operasyon na may napakaraming tubo. Mukha siyang nanghihina at labis akong nahirapan. Hindi ko kayang isipin kung gaano ang pagtitiisan niya ngayon. Kapag naiisip ko kung gaano siya magdurusa, sa ganito kamurang edad, labis akong nababalisa na hindi na ako makakain o makatulog. Buong puso kong hinihiling na dalhin ang sakit niya o magdusa sa halip na siya. At hindi ko maintindihan kung bakit hindi iningatan o prinotektahan ng Diyos ang pamilya ko kahit na sobrang gumagawa ako para sa Kanya simula ng maging mananampalataya ako. Iyon din ang mismong araw nang ang isang sister sa bayan namin ang pumunta sa akin, at sa pamamagitan ng kanyang pagbabahagi ay naunawaan ko na ang pagkakasakit ng aking anak ay isang bagay na hinahayaan ng Diyos na mangyari. Kailangan kong magdasal at sumandig sa Diyos, tumayo bilang saksi para sa Diyos habang umaasa sa aking pananampalataya, at manatiling malakas sa pagtupad ng aking tungkulin. Patuloy akong dumalo sa mga pagtitipon at mas ibinigay ang sarili ko sa mga tungkulin ko. Sa mga pagtitipon, ibinahagi ko ang aking karanasang ito sa mga kapatid. Humahanga sila sa akin dahil sa aking pagiging matapat. Nang marinig ko silang pinupuri ako nang ganito, mas nakatiyak ako na tumatayo ako bilang saksi ng Diyos at na siguradong pagpapalain Niya ang aking anak.

Ang sakit ng anak ko ay lumabas sa ikalimang pagkakataon, at sinabi ng doktor na masyadong maraming tumutubo sa kanya, halos isa bawat anim na buwan, at magiging banta sa buhay ito kapag nagpatuloy ang gayon. Iminungkahi niya ang chemotherapy at radiation para makita kung makakatulong iyon. Noong narinig ko iyon, ganap akong nasiraan ng loob. Labis akong nasaktan na nagsimula akong mangatwiran sa Diyos: “Labis akong gumagawa, bawat araw, umulan man o umaraw, at anumang uri ng paghatol o mga pag-atakeng hinaharap ko mula sa iba, hindi Kita kailanman itinanggi. Patuloy kong ginagawa ang tungkulin ko. Bakit hindi Mo pinoprotektahan ang anak ko?” Nag-uumapaw rin ako sa mga hinaing. Patuloy akong dumadalo sa mga pagtitipon at ginagawa ang mga tungkulin ko, pero mas napapalayo ang puso ko sa Diyos. Madalas kong natatagpuan ang sarili ko na nakahawak sa aklat ng mga salita ng Diyos, nakatulala lang. Talagang nagdusa ako. Ibinuhos ko ang puso ko sa Diyos: “O Diyos, labis akong nasasaktan ngayon. Alam ko na hindi Kita dapat sisihin sa mga problema sa kalusugan ng anak kong lalaki, ngunit hindi ko maintindihan ang kalooban Mo o kung paano ko dapat malampasan ito. O Diyos, pakiusap, patnubayan Mo ako na maunawaan ang Iyong kalooban.” Naisip ko ang mga salitang ito ng Diyos pagkatapos ng panalangin ko: “Ipagpalagay nang inalis ng Diyos si Job matapos siyang magpatotoo para sa Kanya: magiging matuwid din ang Diyos noon.” Pagkatapos ay nahanap ko agad ang himnong ito ng mga salita ng Diyos: “Ang katuwiran ay walang kinalaman sa pagiging makatarungan o makatwiran; hindi ito egalitaryanismo, o pagbibigay sa iyo ng nararapat sa iyo alinsunod sa gawaing natapos mo, o binabayaran ka para sa anumang gawaing natapos mo, o ibinibigay sa iyo ang nararapat sa iyo ayon sa kung gaano ka nagsisikap. Hindi ito katuwiran. Ipagpalagay nang inalis ng Diyos si Job matapos siyang magpatotoo para sa Kanya: magiging matuwid din ang Diyos noon. Bakit ito tinatawag na katuwiran? Mula sa pananaw ng isang tao, kung nakaayon sa mga kuru-kuro ng mga tao ang isang bagay, napakadali para sa kanila ang sabihin na matuwid ang Diyos; gayunman, kung hindi nila nakikita na nakaayon ang bagay na iyon sa kanilang mga kuru-kuro—kung ito ay isang bagay na hindi nila kayang unawain—mahihirapan silang sabihin na matuwid ang Diyos. Ang pinakadiwa ng Diyos ay katuwiran. Bagama’t hindi madaling unawain ang Kanyang ginagawa, matuwid ang lahat ng Kanyang ginagawa; hindi lamang talaga ito nauunawaan ng mga tao. Nang ibigay ng Diyos si Pedro kay Satanas, paano tumugon si Pedro? ‘Hindi maarok ng sangkatauhan ang Iyong ginagawa, ngunit lahat ng Iyong ginagawa ay kinapapalooban ng Iyong mabuting kalooban; mayroong katuwiran sa lahat ng iyon. Paanong hindi ko pupurihin ang Iyong matatalinong gawa?’ Lahat ng ginagawa ng Diyos ay matuwid. Bagama’t maaaring hindi mo ito maarok, hindi ka dapat manghusga nang basta-basta. Kung may ginagawa Siya na mukhang hindi makatwiran para sa iyo, o kung mayroon kang anumang mga kuru-kuro tungkol doon, at hinihikayat ka nitong sabihin na hindi Siya matuwid, masyado kang hindi makatwiran. Nakakita si Pedro ng ilang bagay na hindi maunawaan, ngunit sigurado siya na naroon ang karunungan ng Diyos at na nasa mga bagay na iyon ang Kanyang kabutihang-loob. Hindi maaarok ng mga tao ang lahat ng bagay; napakaraming bagay silang hindi nauunawaan. Hindi madaling malaman ang disposisyon ng Diyos(“Ang Lahat ng Ginagawa ng Diyos ay Matuwid” sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Habang paulit-ulit kong iniisip ang mga salita ng Diyos, nagliwanag ang puso ko. Ang pagiging matuwid ng Diyos ay hindi gaya ng inisip kong patas at makatuwiran o pantay, at hindi ito tungkol sa pagtanggap ng kabayaran sa iyong gawain, na nakukuha ang iyong ibinigay. Hindi matarok ng mga tao ang mga gawa ng Diyos, pero anuman ang Kanyang gawin o paano man Niya pakitunguhan ang isang tao, lahat ng ito ay matuwid. Nakapaloob dito ang karunungan ng Diyos. Iyon ay dahil ang Kanyang pinakadiwa ay matuwid. Nakita ko na hindi ko naintindihan ang matuwid na disposisyon ng Diyos. May kuru-kuro ako na dahil naniwala ako sa Diyos, dapat na bantayan Niya ako; dahil ginugol ko ang sarili ko sa Diyos, dapat Niya itong gawin sa akin sa lahat ng paraan at gawing maayos ang landas ko. Naisip ko na dahil naniwala ako sa Diyos, dapat na pagpalain ang buong pamilya ko. Hindi ba ako nakikipagkasunduan sa Diyos?

Habang naiisip ito, binuksan ko ang aklat ng mga salita ng Diyos at binasa ko ang siping ito: “Ang iyong hinahabol ay ang matamo ang kapayapaan pagkatapos na maniwala sa Diyos, upang ang iyong mga anak ay mailayo sa sakit, upang ang iyong asawang lalaki ay magkaroon ng magandang trabaho, upang ang iyong anak na lalaki ay magkaroon ng mabuting asawang babae, upang ang iyong anak na babae ay makatagpo ng disenteng asawang lalaki, upang ang iyong mga baka at mga kabayo ay makapag-araro nang mahusay, upang magkaroon ng isang taon ng magandang panahon para sa iyong mga tanim. Ito ang iyong hinahanap. Ang iyong hinahabol ay para mabuhay lamang nang maginhawa, upang walang mga aksidenteng dumating sa iyong pamilya, upang ang hangin ay lampasan ka lamang, upang ang iyong mukha ay hindi mabahiran ng dumi, upang ang mga tanim ng iyong pamilya ay hindi bahain, upang ikaw ay hindi maapektuhan ng anumang sakuna, upang mabuhay sa pag-iingat ng Diyos, upang mabuhay sa isang maginhawang tirahan. Ang duwag na kagaya mo, na palaging naghahabol sa laman—mayroon ka bang puso, mayroon ka bang espiritu? Hindi ka ba isang hayop? Ibinibigay Ko sa iyo ang tamang daan nang hindi humihingi ng anumang kapalit, gayunman ay hindi ka nagsisikap. Isa ka ba sa mga naniniwala sa Diyos? Ipinagkakaloob Ko ang tunay na buhay ng tao sa iyo, gayunman ay hindi ka nagsisikap. Wala ka bang pagkakaiba sa isang baboy o isang aso? Ang mga baboy ay hindi naghahangad ng buhay ng tao, hindi nila hinahangad na maging malinis, at hindi nila nauunawaan kung ano ang buhay. Bawat araw, pagkatapos nilang kumain nang busog, natutulog na sila. Naibigay Ko na sa iyo ang tamang daan, gayunman ay hindi mo ito nakamtan: Wala kang pag-aari. Payag ka bang magpatuloy sa ganitong buhay, ang buhay ng isang baboy? Ano nga ba ang kahalagahan ng mga gayong tao na nabubuhay? Ang iyong buhay ay kasumpa-sumpa at walang-dangal, nabubuhay ka sa gitna ng karumihan at kahalayan, at hindi ka naghahabol ng anumang layunin; hindi ba’t ang iyong buhay ang pinakahamak sa lahat? Mayroon ka bang lakas ng loob na tumingin sa Diyos? Kung magpapatuloy ka na dumanas nang ganito, hindi ba’t wala kang matatamo?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol). Ibinunyag ng mga salita ng Diyos ang lahat ng motibo at labis na pag-asang mayroon ako sa aking pananampalataya. Iniwan akong walang mapagtaguan ng bawat isang tanong ng Diyos. Naalala ko na mula sa simula ang aking pananampalataya ay para lamang magkamit ng mga pagpapala. Inakala ko na sa pamamagitan ng paggugol sa sarili ko sa Diyos sa paniniwala ko, pagpapalain ako ng Diyos ng isang mapayapang buhay-tahanan at kalusugan para sa anak kong lalaki. Kaya patuloy kong ginagawa ang tungkulin ko kahit na siniraan ako ng mga kaibigan at pamilya ko. Noong muling sumumpong ang sakit ng anak kong lalaki, akala ko ay sinusubok ako ng Diyos para makita kung may tunay na pananampalataya ako sa Kanya. Inisip ko na hangga’t nakakaya ko ang mga pagdurusa at nagpapatotoo sa Diyos, tiyak na pagpapalain Niya ako at ang anak ko ay gagaling. Kaya noong nagkasakit uli siya at nalagay pa sa panganib ang buhay niya, ang pag-asa ko sa mga pagpapala at biyaya ay nasira sa isang iglap. Nagsimula akong magreklamo at mangatwiran sa Diyos, at sinisi ko ang Diyos dahil sa pagiging hindi patas. Nawala rin ang gana ko na gawin ang tungkulin ko. Ang mga paghatol at pagpapahayag sa mga salita ng Diyos ang nagpakita sa akin na ang lahat ng labis kong paggawa ay upang makamtan lang bilang kapalit ang mga pagpapala mula sa Diyos. Ganap na pakikipagkasunduan iyon sa Diyos, upang dayain ang Diyos. Ganap akong nakumbinsi sa harapan ng realidad at nakita ko na ang Diyos ay tunay na banal at matuwid. Kaya Niyang makita ang ating mga puso’t isipan. Kung hindi dahil sa magkakasunod na mga sitwasyong ito na nagpakita na ang pananampalataya ko ay madumi at may mali akong pananaw sa paghahanap, maililigaw pa rin ako ng sarili kong panlabas na mabuting asal. Maiisip ko pa rin na ako ay may malakas na debosyon at nagpapatotoo sa Diyos. Nakita ko na hindi ko pala kilala ang sarili ko.

Kalaunan ay binasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Nahaharap sa kalagayan ng tao at saloobin ng tao sa Diyos, gumawa ang Diyos ng bagong gawain, na pinahihintulutan ang tao na taglayin pareho ang kaalaman ukol sa Kanya at pagkamasunurin sa Kanya, at kapwa pag-ibig at patotoo. Kaya, kailangang maranasan ng tao ang pagpipino ng Diyos sa kanya, gayundin ang Kanyang paghatol, pakikitungo at pagtatabas sa kanya, kung wala ito hindi kailanman makikilala ng tao ang Diyos, at hindi kailanman makakaya na tunay na umibig at magpatotoo sa Kanya. Ang pagpipino ng Diyos sa tao ay hindi lamang para sa kapakanan ng isang may-kinikilingang epekto, nguni’t para sa kapakanan ng isang maraming-mukhang epekto. Sa ganitong paraan lamang ginagawa ng Diyos ang gawain ng pagpipino sa kanila na nakahandang hanapin ang katotohanan, upang ang kapasiyahan at pag-ibig nila ay magawang perpekto ng Diyos. Sa kanilang mga nakahandang hanapin ang katotohanan at nananabik para sa Diyos, walang anuman ang mas makahulugan, o lubhang makatutulong, kaysa sa pagpipino na kagaya nito. Ang disposisyon ng Diyos ay hindi kaagad nakikilala o nauunawaan ng tao, sapagka’t ang Diyos, sa bandang huli, ay Diyos. Sa huli, imposible para sa Diyos na magkaroon ng kaparehong disposisyon kagaya ng sa tao, at kaya hindi madali para sa tao na malaman ang Kanyang disposisyon. Ang katotohanan ay hindi likas na taglay ng tao, at hindi madaling nauunawaan ng mga ginawang tiwali ni Satanas; ang tao ay walang katotohanan, at walang kapasiyahan na isagawa ang katotohanan, at kung hindi siya nagdurusa at hindi pinipino o hinahatulan, ang kanyang kapasiyahan ay hindi magagawang perpekto kailanman. Para sa lahat ng mga tao, ang pagpipino ay napakasakit, at napakahirap tanggapin—ngunit sa panahon ng pagpipino ginagawang payak ng Diyos ang Kanyang matuwid na disposisyon sa tao, at isinasapubliko ang Kanyang mga hinihingi para sa tao, at nagbibigay ng mas maraming kaliwanagan, at mas maraming pagtatabas at pakikitungo; sa pamamagitan ng paghahambing sa mga katunayan at sa katotohanan, binibigyan Niya ang tao ng higit na kaalaman sa sarili niya at sa katotohanan, at binibigyan ang tao ng higit na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa gayon ay pinahihintulutan ang tao na magkaroon ng mas tunay at mas dalisay na pag-ibig sa Diyos. Iyon ang mga layunin ng Diyos sa pagsasakatuparan ng pagpipino(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Pagpipino Maaaring Magtaglay ang Tao ng Tunay na Pag-ibig). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na sinusubok at pinipino tayo ng Diyos, at nagsasaayos para sa atin ng mahihirap na sitwasyon upang ibunyag at linisin tayo, upang makita natin ang katotohanan ng ginawa tayong tiwali ni Satanas at magkaroon ng pagkaunawa sa ating mga tiwaling disposisyon at sa karumihan ng ating pananampalataya. Pagkatapos, tayo ay maaaring maghangad ng katotohanan, malinis at mabago, at magkamit ng tunay na pananampalataya at pagpapasakop sa Diyos. Sa huli, maaari tayong maligtas ng Diyos. Ang paulit-ulit na pagkakasakit ng anak kong lalaki ay ganap na naghayag ng motibasyong magkaroon ng mga pagpapala na itinatago ko. Nagninilay sa sarili ko, nakita ko na iniisip ko ang lahat ng posible kong gawin upang magkaroon ng mga pagpapala mula sa Diyos. Mukhang masigasig talaga ako at nakatuon sa paghahanap, pero ang mga kasuklam-suklam kong motibo ay nasa likod ng mga iyon. Kinontrol ako ng lason ni Satanas na “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba.” Inisip ko muna ang sarili kong mga interes sa lahat ng ginawa ko at nang mawasak ang mga inaasahan ko, nilabanan ko ang Diyos at ninais kong magkipagkasunduan sa Kanya. Ipinakita ko ang lahat ng uri ng kapangitan. Talagang labis akong makasarili at kasuklam-suklam! Paano iyon matatawag na pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos? Nilalabanan ko lang Siya at sinusubukang dayain Siya. Nang maunawaan ko ito, nagpatirapa ako sa harapan ng Diyos sa panalangin, sinasabing, “O Diyos, sa lahat ng mga lumipas na taon ay dinaya Kita, pinanghahawakan ang mga motibo ko upang magkaroon ng mga pagpapala. Sinusubukan kong makipagkasunduan sa Iyo palagi at ganap na wala akong katapatan. Napakamakasarili ko at kasuklam-suklam, at kulang ako sa pagiging makatao! Handa ako na isuko ang aking mga motibo upang makamit ang mga pagpapala, na iwan ang aking anak na lalaki sa Iyong mga kamay, at magpasakop sa Iyong mga pagsasaayos. Talagang hindi na ako magrereklamo!” Talagang nakaramdam ako ng kalayaan at kapayapaan pagkatapos ng panalanging ito.

Kalaunan, noong nasa ibang bayan ako para sa tungkulin ko, tinawagan ako ng asawa ko at sinabi na ang sakit ng anak naming lalaki ay kumalat. May mga tumor siya sa kanyang ulo, likod, at leeg. Wala nang pag-asang makontrol pa ito. Hindi talaga ako nakapagsalita nang matagal pagkatapos kong marinig ang sinabi niyang iyon. Hindi ko kayang maisip ang kondisyon ng anak kong lalaki at talagang hindi ko kayang harapin kung paano nangyayari ang mga bagay. Paulit-ulit akong tumawag sa Diyos, “O Diyos, labis akong nanghihina ngayon. Pakiusap, liwanagan Mo ako at tulungan akong maunawaan ang Iyong kalooban.” Pagkatapos manalangin, nabasa ko ang siping ito mula sa mga salita ng Diyos: “Sa tao, marami ang ginagawa ng Diyos na hindi kayang unawain at ni hindi kapani-paniwala. Kapag nais ng Diyos na pangasiwaan ang isang tao, ang pangangasiwang ito ay madalas na salungat sa mga kuru-kuro ng tao, at hindi niya kayang unawain, gayon pa man ito mismong di-pagkakatugma at kawalan ng kakayahang maunawaan ay mga pagsubok at hamon ng Diyos sa tao. Samantala, si Abraham ay nagpakita ng pagsunod sa Diyos sa sarili niya mismo, na pinaka-pangunahing kondisyon ng kanyang kakayahang tugunan ang hinihingi ng Diyos. … Kahit na, sa iba’t ibang konteksto, ginagamit ng Diyos ang iba’t ibang paraan ng pagsubok sa bawat tao, nakita ng Diyos kay Abraham ang nais Niya, nakita Niyang totoo ang puso ni Abraham at walang kondisyon ang kanyang pagsunod. Ito mismong ‘kawalan ng kondisyon’ na ito ang ninais ng Diyos. Madalas sabihin ng mga tao na, ‘Inialay ko na ito, tinalikuran ko na iyan—bakit hindi pa rin nasisiyahan ang Diyos sa akin? Bakit Niya ako laging isinasailalim sa mga pagsubok? Bakit Niya ako parating sinusubukan?’ Ito ay nagpapakita ng isang katotohanan: Hindi nakita ng Diyos ang iyong puso, at hindi Niya nakamit ang iyong puso. Ang ipinahihiwatig nito ay hindi Niya nakita ang katapatan na gaya ng ipinamalas ni Abraham nang nagawa niyang itaas ang sundang upang patayin ang kanyang anak sa pamamagitan ng sarili niyang mga kamay at ialay siya sa Diyos. Hindi Niya nakita ang iyong walang kondisyong pagsunod, at hindi pa Siya nakaramdam ng kalinga sa iyo. Samakatuwid, natural lamang na patuloy kang sinusubok ng Diyos(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II). Paulit-ulit kong pinag-isipan ang mga salitang ito. Noong inialay ni Abraham ang tanging anak niya sa Diyos, hindi siya humingi ng anuman para sa kanya o nakipagtalo man. Alam niya nang walang pag-aalinlangan na ang kanyang anak ay ibinigay ng Diyos at tama at angkop na ibigay siyang muli, gaya ng nais ng Diyos. Iyon ang uri ng konsensya at katinuan na dapat mayroon ang isang nilalang. Kahit na napakasakit nito para sa kanya, nagawa pa rin niyang magpasakop sa mga hinihingi ng Diyos. Sa huli, talagang kinuha niya ang patalim upang patayin ang kanyang anak, na nagpapakita na ang kanyang pananampalataya at pagsunod sa Diyos ay tapat at kayang mapagtiisan ang isang tunay na pagsubok. Pero narito ako. Sinabi ko na handa ako na magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos at ibigay ang anak kong lalaki sa Diyos, pero hinawakan ko ang mga sarili kong hinihingi sa puso ko. Lalo na noong narinig ko na ang kondisyon niya ay lumala at hindi na kayang gamutin, hinaharap ang posibilidad na mawala siya sa akin, nalaman ko na may mga hinihingi ako sa loob ko. Hindi ko sinabi ang mga ito, pero sa puso ko gusto kong hilingin sa Diyos na pagalingin siya. Nakita ko na talagang hindi ako makatwiran at kulang ako sa pagsunod sa Diyos. Ang totoo, ang anak kong lalaki ay hindi ko personal na pagmamay-ari. Hiningahan siya ng buhay ng Diyos. Ang katawan ko ay kasangkapan lang upang maisilang siya. Ang buong buhay niya ay itinalaga at ganap na inayos ng Diyos matagal na panahon na ang nakakalipas. Nagpasya na ang Diyos kung gaano siya magdurusa, kung gaanong paghihirap ang haharapin niya sa buong buhay niya. Kailangan kong magpasakop sa pagsasaayos ng Diyos. Habang iniisip ito, nanalangin ako sa Diyos, “O, Diyos, hindi sa akin ang anak kong lalaki. Kukunin Mo man siya o hindi, alam ko na nakapaloob dito ang Iyong mabuting kalooban. Handa po akong magpasakop at ilagay ang buhay ng anak kong lalaki sa Iyong mga kamay. Hindi na po ako magrereklamo, anuman ang Iyong gawin.” Nawala ang sakit na naramdaman ko pagkatapos kong manalangin. Mabilis na lumipas ang isang buwan. Isang araw, pagkauwi ko galing sa isang pagtitipon, tinawagan ako ng asawa ko at nasasabik na sinabi sa akin na lahat ng mga tumor ng anak naming lalaki ay nawala na. Nakumpirma ito ng ginawang CT scan sa ospital. Noong narinig ko ang balita, sobrang tuwa ko na napaiyak ako. Paulit-ulit na sumisigaw ako sa puso ko, “Salamat sa Diyos!” Ang partikular na karanasang ito ay talagang ipinakita sa akin ang dakilang kapangyarihan ng Diyos at ipinadanas sa akin ang mga salitang ito mula sa Kanya: “Anuman at lahat ng bagay, buhay man o patay, ay lilipat, magbabago, mapapanibago, at maglalaho alinsunod sa mga iniisip ng Diyos. Ganito pinamumunuan ng Diyos ang lahat ng bagay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao). Talagang ipinakita sa akin nito ang pagkamakapangyarihan sa lahat at soberanya ng Diyos, na kaya Niyang gawin ang isang bagay mula sa wala, at gawing ang isang bagay na umiiral na mawala. Lahat ay isinaayos ng kamay ng Diyos. Buong puso akong nagpasalamat sa Diyos!

Isang taon ang lumipas at nakatanggap ako ng hindi inaasahang mensahe mula sa asawa ko na ang sakit ng anak naming lalaki ay bumalik at nasa ospital siya upang magpa-chemo. Nasaktan ako nang marinig iyon pero naalala ko ang dati kong karanasan. Nakahanda akong magpasakop sa mga orkestrasyon at pagsasaayos ng Diyos. Sa gulat ko, nakalabas ang anak ko pagkatapos lang ng dalawang linggo at nanatili siyang malusog hanggang sa araw na ito. Kahit na sinisi ko ang Diyos at nagkamali ako ng pagkaunawa sa Kanya tungkol sa karamdaman ng aking anak, hindi Siya nagtuon sa kamangmangan ko, kundi niliwanagan at ginabayan ako ng Kanyang mga salita upang maunawaan ko ang pagkamakapangyarihan sa lahat at soberanya ng Diyos at mabago ang maling pananaw ng pagkakaroon ng pananampalataya upang magkaroon lang ng mga pagpapala. Ito ay tunay na biyaya at mga pagpapala ng Diyos para sa akin! Salamat sa Makapangyarihang Diyos!

Sinundan: 73. Pagliligtas ng Diyos

Sumunod: 75. Ang Matinding Pagsubok ng Karamdaman

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

70. Hindi Na Isang Pasikat

Ni Mo Wen, SpainNaalala ko noong taong 2018, nasa tungkuling ebanghelyo ako sa iglesia, at pagkatapos ay ginawang tagapamahala ng gawaing...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito