85. Ang Nakamit Ko sa Pagsusulat ng Aking Patotoong Batay sa Karanasan

Ni Joanne, Timog Korea

Kamakailan ay napansin kong maraming kapatid ang nagsusulat ng mga artikulong batay sa karanasan para magpatotoo sa Diyos at gusto ko ring magsanay na magsulat. Ilang taon na akong mananampalataya, natamasa ko ang panustos ng mga salita ng Diyos at nagkaroon ako ng ilang karanasan. Gusto kong gamitin ang ilang oras sa aking debosyonal para magsulat ng isang artikulo, pero sa tuwing nagsusulat ako ng panimula, hindi ko na alam ang susunod kong isusulat. Naisip kong dumaan na ako sa ilang pagkakatanggal, pagkabigo, at pagkabagsak, at maraming beses nang napungusan. Kahit papaano, may mga karanasan na ako. Bakit ba nabablangko ang isip ko kapag magsusulat na ako? Lumipas ang isa o dalawang buwan sa ganitong paraan, at sa huli wala talaga akong naisulat na artikulo. Pakiramdam ko ay parang napakahirap nito kaya nagkompromiso na lang ako. Alam ng lider na kulang ako sa kakayahan at mga ideya. Hindi ko dapat masyadong pinahihirapan ang sarili ko. Maraming bagay ang kailangan kong harapin araw-araw, at hindi ko mapakalma ang aking sarili para pagbulayan ang mga salita ng Diyos. At saka, nakakapagsulat naman ang ilang kapatid na may mahusay na kakayahan at may mga karanasan. Ayos lang na sila ang magsulat ng mga artikulo—hindi ko na kailangang magsulat. Kaya tuluyan na akong sumuko sa ideyang magsulat ng artikulo. Minsan ipinapaalala sa akin ng mga kapatid na puwede akong magsulat ng isang artikulo sa libreng oras ko, pero naiinis ako at ni ayokong tumugon sa mga mensahe nila. Paglipas ng ilang panahon, hindi ko regular na nagagawa ang mga debosyonal ko. Binasa ko ang mga salita ng Diyos pero wala akong kaliwanagan ng Banal na Espiritu, at hindi ko maramdaman ang Diyos. Maraming problema sa gawain na hindi ko maintindihan o malutas, at sunod-sunod na lumilitaw ang mga ito. Nakaramdam ako ng matinding kagipitan, at talagang nasa pasakit ako. Nanalangin ako sa Diyos, humihiling sa Kanya na bigyang-liwanag at gabayan ako, na tulutan akong maunawaan ang aking mga isyu.

Isang araw sa aking mga debosyonal, nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Boluntaryo ang paghahangad sa katotohanan. Kung minamahal mo ang katotohanan, gagawa sa iyo ang Banal na Espiritu. Kung minamahal mo ang katotohanan sa puso mo, magagawa mong manalangin at umasa sa Diyos anuman ang pag-uusig o kapighatiang dumarating sa iyo, at pagnilayan ang iyong sarili at subukang kilalanin ang iyong sarili anuman ang tiwaling disposisyong ibunyag mo, at aktibong hanapin ang katotohanan para lutasin ang mga problemang natutuklasan mo at magawang gampanan ang iyong tungkulin sa paraang pasok sa pamantayan. Sa ganitong paraan, magagawa mong manindigan sa iyong patotoo. Ang mga pagpapamalas na ito ay pawang mga resultang maaaring makamit ng mga nagmamahal sa katotohanan. Hindi ito mga bagay na pilit ipinapagawa sa mga tao; lahat ng ito ay nakakamit sa pamamagitan ng paghahanap ng mga tao sa katotohanan nang boluntaryo, malugod, at kusa, nang walang anumang karagdagang kondisyong kalakip. Kung makasusunod sa Diyos ang mga tao sa ganitong paraan, makakamit nila sa huli ang katotohanan at ang buhay, makapapasok sila sa katotohanang realidad, at ipamumuhay nila ang wangis ng tao. … Anuman ang iyong mga dahilan sa pananampalataya sa Diyos, sa huli ay pagpapasyahan ng Diyos ang iyong kalalabasan batay sa kung nakamit mo ba ang katotohanan. Kung hindi mo nakamit ang katotohanan pero hinihiling mo pa rin sa Diyos na bigyan ka Niya ng magandang kalalabasan, balido ba iyon? Hindi iyon balido, gaano man karaming katwiran o dahilan ang ibigay mo. Kapag itinatakda ng Diyos ang mga kalalabasan ng mga tao, hindi Siya kumokonsulta sa kanila. Gaano ka man mangatwiran o magtanggol sa iyong sarili, wala itong magiging saysay—hindi ka papansinin ng Diyos. Kahit na pumunta ka pa sa ikatlong langit para umapela, wala itong magiging saysay. Ang kabiguan mong hangarin ang katotohanan ay sarili mong problema—ang Diyos ay matuwid sa lahat. Kaya, kapag ikaw ay nailantad at natiwalag, huwag kang magkamali ng pagkaunawa o magreklamo sa Diyos. Anuman ang katwiran o dahilang mahanap mo para sa hindi paghahangad sa katotohanan, wala itong magiging saysay. Napakaraming salita na ang sinabi ng Diyos, subalit wala kang pinakikinggan ni isa sa mga ito. Hinihingi ng Diyos sa mga tao na hanapin ang katotohanan sa lahat ng sitwasyon at sa bawat bagay na nangyayari sa kanila, pero sadyang hindi mo ito pinapakinggan o isinasagawa. Sa huli, ang kabiguan mong makamit ang katotohanan at matamo ang kaligtasan ay sarili mong kagagawan. Anuman ang mga sitwasyon na inihanda ng Diyos para sa iyo, sinumang tao at anumang pangyayari ang nakakaharap mo, at anumang kapaligirang kinalalagyan mo, dapat kang magdasal sa Diyos at hanapin ang katotohanan para makaya mong harapin ang mga ito. Ang mga ito mismo ang mga aral na dapat mong matutunan sa paghahangad ng katotohanan. Kung lagi kang naghahanap ng mga ikakatwiran para makatakas, makaiwas, makatanggi, o makalaban sa mga sirkumstansiyang ito, pababayaan ka ng Diyos. Walang saysay ang makipagtalo, o ang maging di-makatwiran o mapanghadlang—kung hindi mo tatanggapin ang katotohanan, mawawala ang pagkakataon mong maligtas. Kung hahanapin mo ang katotohanan, walang problemang hindi malulutas. Ang Diyos ay matuwid; mayroon Siyang mga angkop na pagsasaayos para sa lahat at solusyon para sa bawat problema. Hindi pakikinggan ng Diyos ang mga katwirang ginagamit mo para ipagtanggol ang sarili mo, kahit na tila makatwiran ang mga ito o hindi. Tatanungin ka lang Niya, ‘Ang mga salita ba ng Diyos ay ang katotohanan? Tinatanggap mo ba ang mga ito o hindi? Dahil mayroon kang mga tiwaling disposisyon, hindi ba’t dapat mong tanggapin ang paghatol? Kung gusto mong matamo ang kaligtasan, hindi ba’t dapat mong hangarin ang katotohanan?’ Titingnan lang ng Diyos ang iyong saloobin. Kung ikaw ay isang taong taos-pusong nananampalataya sa Diyos, kailangan mo lang maging malinaw sa isang katunayan: Ang Diyos ang katotohanan, at ikaw ay isang tiwaling tao, kaya dapat mong aktibong hanapin ang katotohanan para malutas ang iyong mga tiwaling disposisyon, saka mo lamang makakamit ang kaligtasan; hindi balido ang anuman sa iyong mga problema o paghihirap, ang anuman sa iyong mga katwiran o dahilan—kung hindi mo tatanggapin ang katotohanan, mamamatay ka(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (1)). Agad pumukaw sa akin ang mga salita ng Diyos. Ang paghahangad sa katotohanan ay isang bagay na personal at boluntaryo. Hindi ako dapat maghanap ng bawat katwiran, bawat dahilan para hindi magsulat ng artikulo o maghangad sa katotohanan. Walang pakialam ang Diyos kung gaano katama ang mga katwiran. Gusto ng Diyos na makinig tayo sa Kanyang mga salita at magpasakop sa Kanyang mga hinihingi sa bawat sitwasyon, para sa lahat ng nangyayari. Iyon ang dapat kong gawin. Sinasabi rin ng Diyos: “Ang tungkulin ng iyong pananalig sa Akin ay ang magpatotoo sa Akin, maging tapat sa Akin lamang, at maging mapagpasakop hanggang sa huli(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Alam Mo sa Pananalig?). Ang pagpapatotoo sa Diyos ay ang hinihingi Niya, at tungkulin natin ito. Gaano man kalalim o kababaw ang pagkaunawa ko sa katotohanan, dapat kong isulat kung ano ang nakamit ko mula sa aking pananalig para magpatotoo sa Diyos. Pero hindi ko sinubukang hanapin ang katotohanan o nagsikap na pagbulayan ang mga salita ng Diyos. Nakahanap ako ng lahat ng uri ng mga dahilan para tanggihan at labanan ang pagsusulat ng isang artikulo. Patuloy kong sinasabing wala akong kakayahan, at na wala akong oras dahil masyado akong abala sa gawain. Naisip ko na normal ang hindi pagsusulat ng artikulo. Minsan kapag sinasabi sa akin ng iba na magsulat ako ng isa, naiinis ako at nagdadahilan. Ni ayaw kong sumagot sa mga mensahe nila. Pero ngayon na tahimik ko itong pinag-iisipan, bagama’t kailangan kong sumabay sa bawat aspekto ng gawain ko bilang lider, hindi naman lahat ng isyu ay kailangang tugunan agad—puwede akong maglaan ng oras para sa maraming bagay. At saka, ang ilan sa mga karaniwang gampanin ay hindi kailangan ng ganoon karaming oras para matapos. Hindi naman ako masyadong abala na wala na akong anumang oras para magsulat ng artikulo. Nahanap ko lang ang mga dahilang iyon. Pakiramdam ko, mabilis at madaling gawin ang mga karaniwang gampaning iyon, at hindi nangangailangan ng napakabigat na pag-iisip, pero hindi ko talento ang pagsusulat, kaya gusto ko itong iwasan. Ginamit ko pa ngang katwiran na alam ng lider na wala akong kakayahan at mga ideya. Nagawa ko talagang baluktutin ang mga bagay-bagay at mag-imbento ng mga kamalian. Sa katunayan, ang pagsusulat ng artikulo ng patotoo ay puwedeng mag-udyok sa atin na magsikap sa paghahangad sa katotohanan. Sa pamamagitan ng pagninilay sa mga salita ng Diyos at paghahanap sa katotohanan, malulutas natin ang ating katiwalian, magagawa ang mga bagay nang may mga prinsipyo, at magagampanan ang ating tungkulin nang mas mahusay. Tungkulin natin ang pagsusulat ng mga artikulong nagpapatotoo sa Diyos, at walang mga dahilan para hindi ito gawin. Sabi ng Diyos: “Ang Diyos ang katotohanan, at ikaw ay isang tiwaling tao, kaya dapat mong aktibong hanapin ang katotohanan para malutas ang iyong mga tiwaling disposisyon, saka mo lamang makakamit ang kaligtasan; hindi balido ang anuman sa iyong mga problema o paghihirap, ang anuman sa iyong mga katwiran o dahilan—kung hindi mo tatanggapin ang katotohanan, mamamatay ka(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (1)). Pagkatapos ay napagtanto ko na ang pagkakaipit ko sa mga dahilan ko, nang hindi hinahanap o tinatanggap ang katotohanan ay lubos na sisira sa akin, at ang kalalabasan ko sa huli ay pagkawasak. Sobrang nakatatakot na kalagayan! Kaya nagmadali akong magdasal: “O Diyos! Ngayon ko lang napagtanto na hindi ako isang taong tumatanggap ng katotohanan. Nabasa ko ang napakaraming salita Mo, nakinig sa napakaraming sermon, pero wala akong katotohanang realidad at hindi ako handang magsanay sa pagsusulat ng artikulo ng patotoo. Kahiya-hiya talaga ito. Ngayon ay nakikita ko na ang mga pagkukulang ko, ang mga kapintasan ko. Gusto kong baguhin ang maling kalagayang ito at magsikap na gawin ang hinihiling Mo.”

Kalaunan, nanalangin ako sa Diyos, na naghahanap: Ano ba ang tunay na dahilan kung bakit hindi ko hinahangad ang katotohanan at ayokong isulat ang aking patotoo? Sa aking pagninilay-nilay, may nabasa ako sa mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sa kanilang pananampalataya sa Diyos, maraming tao ang nakatuon lamang sa paggawa para sa Diyos, at kontento na sa pagdurusa at pagbabayad ng halaga, ngunit hindi man lang nila hinahangad ang katotohanan. Bilang resulta, wala silang tunay na pagkakilala sa gawain ng Diyos matapos manalig sa Kanya sa loob ng sampung taon, dalawampung taon, o tatlumpung taon, at hindi sila makapagsabi ng anumang kaalamang batay sa karanasan tungkol sa katotohanan o sa mga salita ng Diyos. Sa mga pagtitipon, kapag gusto nilang magbahagi ng kaunting patotoong batay sa karanasan, wala silang masabi, at hindi rin nila masabi nang tiyak kung maililigtas ba sila o hindi. Ano ang problema rito? Ganito ang mga taong hindi hinahangad ang katotohanan. Ilang taon man silang naging mananampalataya, hindi nila kayang unawain ang katotohanan, lalong hindi nila ito maisagawa. Paano makapapasok sa katotohanang realidad ang isang taong hindi man lang tumatanggap dito? May mga tao na hindi nauunawaan ang problemang ito. Naniniwala sila na kung isinasagawa ng mga nag-uulit lang ng mga salita at doktrina ang katotohanan, makapapasok din sila sa katotohanang realidad. Tama ba ito? Ang mga taong nag-uulit lang ng mga salita at doktrina ay likas na hindi nakakaunawa sa katotohanan—kaya paano nila maisasagawa ito? Ang kanilang isinasagawa ay mukhang hindi lumalabag sa katotohanan, at mabubuting bagay at mabubuting pag-uugali, ngunit paano matatawag na katotohanang realidad ang gayong mabubuting bagay at mabubuting pag-uugali? Ang mga taong hindi nakauunawa sa katotohanan ay hindi nauunawaan kung ano ang katotohanang realidad; itinuturing nila ang mabubuting bagay at mabubuting pag-uugali ng mga tao na pagsasagawa ng katotohanan. Kakatwa ito, hindi ba? May pagkakaiba pa ba ito sa mga kaisipan at pananaw ng mga taong relihiyoso? At paano malulutas ang gayong mga problema ng baluktot na pagkaunawa? Dapat munang maunawaan ng mga tao ang mga layunin ng Diyos mula sa Kanyang mga salita, dapat nilang malaman kung ano ang pag-unawa sa katotohanan, at kung ano ang pagsasagawa sa katotohanan, para magawang tingnan ang mga tao at makilatis ang tunay nilang pagkatao, at matukoy kung taglay ba nila o hindi ang katotohanang realidad. Ang gawain ng Diyos at pagliligtas sa tao ay may layuning ipaunawa at ipasagawa sa mga tao ang katotohanan; saka lamang maiwawaksi ng mga tao ang kanilang mga tiwaling disposisyon, at magagawang kumilos ayon sa mga prinsipyo, at pumasok sa katotohanang realidad. Kung hindi mo hinahangad ang katotohanan, at kontento ka na sa paggugol, pagdurusa, at pagbabayad ng halaga para sa Diyos ayon sa sarili mong mga kuru-kuro at imahinasyon, kakatawan ba ang lahat ng ginagawa mo sa pagsasagawa mo ng katotohanan at pagpapasakop sa Diyos? Mapapatunayan ba nito na nabago mo na ang iyong buhay disposisyon? Ipapakita ba nito na taglay mo na ang tunay na pagkilala tungkol sa Diyos? Hindi. Kung gayon ano ang kakatawanin ng lahat ng ginagawa mo? Maaari lang nitong katawanin ang iyong sariling personal na mga kagustuhan, pag-unawa, at pangangarap nang gising. Puro lang ito mga bagay na gusto mong gawin at handa kang gawin; lahat ng ginagawa mo ay tinutugunan lamang ang iyong sariling mga pagnanais, kapasyahan, at adhikain. Malinaw na hindi iyan paghahangad sa katotohanan. Wala sa mga kinikilos o inaasal mo ang anumang may kaugnayan sa katotohanan, o sa mga hinihingi ng Diyos. Lahat ng kilos at asal mo ay para sa iyong sarili; nagtatrabaho ka lang, nakikibaka, at nagpaparoo’t parito para sa kapakanan ng sarili mong mga adhikain, reputasyon, at katayuan—dahil dito ay wala kang ipinagkaiba kay Pablo, na nagpakapagod at nagtrabaho buong buhay niya para lang magantimpalaan, makoronahan, at makapasok sa kaharian ng langit—ipinapakita nito na malinaw na tinatahak mo ang landas ni Pablo(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (2)). Ang mga salita ng paghatol at paglalantad ng Diyos ay iniwan akong walang mapagtataguan. Mananampalataya na ako sa lahat ng taong iyon, nakabasa na ng napakaraming salita ng Diyos, nagkaroon ng ilang pagkabigo at pagkadapa, at napungusan, pero hindi pa ako nakapagsulat ng anumang artikulo ng patotoo. Hindi ko rin maipahayag ang aking pagkaunawang batay sa karanasan sa katotohanan at sa mga salita ng Diyos dahil hindi ko hinangad ang katotohanan. Kontento na lang akong magmukhang kaya kong magdusa at magbayad ng halaga, para gawin ang gawaing responsabilidad ko nang walang anumang mga paglihis o pagkalingat. Ang totoo, hindi naman apurahan ang ilang karaniwang gawain, pero natatakot akong sasabihin ng iba na hindi ako gumagawa ng aktuwal na gawain o lumulutas ng mga totoong isyu. Pagkatapos, paano kung malaman ng lider at tanggalin ako? Sa isiping iyon, sumuko ako sa pagsusulat ng isang artikulo at sa pagbubulay-bulay sa mga salita ng Diyos, at kahit kapag minsan ay babangon ako at gusto kong gumawa ng pang-umagang debosyonal, pero kapag binuksan ko na ang computer ko at nakita ang lahat ng uri ng mga mensahe na nangangailangan ng sagot, isinusuko ko ang mga debosyonal at nagsisimulang sumagot, inaasikaso ang lahat ng isyu. Pero sa totoo lang, hindi lahat ng bagay ay kailangang asikasuhin agad. Kung sasagot ako kapag nagkaoras ako, walang maaantala. Pero dahil abala ako sa bagay na iyon, isinuko ko ang oras ko na kumain at uminom at pagbulayan ang mga salita ng Diyos. Naisip ko pa ngang nagpapakaresponsable ako sa tungkulin ko, nagdadala ng pasanin, at kaya kong gumawa ng tunay na gawain, pero sa totoo lang, gusto kong gamitin ang paimbabaw kong paghihirap at mga pagsisikap para makakuha ng paghanga. Paano iyon naging paggawa ng tungkulin? Gusto kong gamitin ang tungkulin ko para protektahan ang karangalan at katayuan ko, para tuparin ang mga personal kong ambisyon. Nasa isang landas ako na laban sa Diyos. Alam kong ang proseso ng pagsusulat ng isang artikulo ay ang proseso ng paghahanap ng katotohanan, pero hindi ko hinahangad ang katotohanan at hindi ko ginustong magsulat ng isang artikulo para magpatotoo sa Diyos. Abala ako sa mga bagay-bagay araw-araw, at kahit na magkaroon ako ng oras, nakahahanap ako ng lahat ng uri ng dahilan para hindi magsulat. Hindi ba’t nagtatrabaho lang ako sa pamamagitan ng paggawa sa tungkulin ko sa ganitong paraan nang hindi hinahangad ang katotohanan? Naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Wala sa mga kinikilos o inaasal mo ang anumang may kaugnayan sa katotohanan, o sa mga hinihingi ng Diyos. Lahat ng kilos at asal mo ay para sa iyong sarili; nagtatrabaho ka lang, nakikibaka, at nagpaparoo’t parito para sa kapakanan ng sarili mong mga adhikain, reputasyon, at katayuan—dahil dito ay wala kang ipinagkaiba kay Pablo.” Napagnilayan kong tinatahak ko ang landas ni Pablo. Palagi kong inaalala ang paggawa ng mga bagay-bagay, paggawa ng gusto ko, kung ano ang madali sa akin, pero kapag tungkol sa mahalagang gawain ng iglesia na hinihingi ng Diyos, bukod sa hindi ko hinahanap ang katotohanan, tutol pa ako rito at iniwasan ko ito. Dahil dito, kahit maraming taon na akong nananampalataya sa Diyos, hindi ko pa rin naunawaan ang katotohanan at may ilang mahalagang aspekto ng gawain na ganap akong hindi kalipikado na lumahok, kaya pinapangasiwaan ko lang ang mga pangkalahatang usapin na gawain. Gumagawa lang ako para matugunan ang pagnanais ko sa katayuan. Nasa landas ako ng pagiging kaaway ng Diyos. Kung magpapatuloy iyon, kahit gaano pa karaming gawain ang gawin ko, ititiwalag ako ng Diyos sa huli. Natakot ako nang mapagtanto ko ito, at gusto kong baguhin agad ang sitwasyong ito.

Isang araw ay nabasa ko ang ilan sa mga salita ng Diyos sa aking mga debosyonal: “Ang pinakanakikitang kalagayan ng mga taong tutol sa katotohanan ay na hindi sila interesado sa katotohanan at sa mga positibong bagay, at nasusuklam at namumuhi pa nga sila sa mga ito. Gustong-gusto nilang sumunod sa mga kalakaran at hindi nila tinatanggap sa kanilang puso ang mga bagay na minamahal ng Diyos at ang mga hinihingi ng Diyos na gawin ng mga tao. Sa halip, wala silang pakialam at wala silang interes sa mga ito, at madalas pa ngang hinahamak ng ilang tao ang mga pamantayan at prinsipyong hinihingi ng Diyos sa mga tao. Nasusuklam sila sa mga positibong bagay, at palagi silang nakadarama sa puso nila ng paglaban, pagtutol, at paghamak sa mga ito. Ito ang pangunahing pagpapamalas ng pagiging tutol sa katotohanan. Sa buhay iglesia, ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos, pagdarasal, pagbabahaginan sa katotohanan, paggawa sa mga tungkulin, at paglutas ng mga problema gamit ang katotohanan ay pawang mga positibong bagay at kasiya-siya ang mga ito para sa Diyos. Pero ang ilang tao ay nasusuklam sa mga positibong bagay na ito, walang pakialam sa mga ito kahit kaunti, at nangmamaliit sa mga ito. … Hindi ba’t ito ang disposisyon ng pagiging tutol sa katotohanan? Hindi ba’t pagbubunyag ito ng isang tiwaling disposisyon? Maraming tao na, sa kanilang pananampalataya sa Diyos, sadyang gustong gumawa ng gawain para sa Kanya at masiglang magpakaabala para sa Kanya, gumamit ng kanilang mga kaloob at kalakasan, at sumunod sa kanilang mga kagustuhan at magpakitang-gilas. Pagdating sa pangangasiwa ng mga panlabas na usapin, palaging hindi nauubos ang kanilang enerhiya, pero kung hihilingin mo sa kanila na isagawa ang katotohanan at kumilos nang ayon sa mga katotohanang prinsipyo, nawawalan sila ng enerhiya, at nawawalan sila ng sigasig. Kapag hindi sila pinapayagang magpakitang-gilas, nawawalan sila ng gana at nasisiraan ng loob. Bakit sila may enerhiya para sa pagpapakitang-gilas? At bakit sila walang enerhiya para sa pagsasagawa ng katotohanan? Ano ang problema rito? Gusto ng lahat ng tao na mamukod-tangi; lahat sila ay puspos ng banidad. Ang lahat ay may hindi maubos-ubos na enerhiya pagdating sa pananampalataya sa Diyos alang-alang sa pagtatamo ng mga pagpapala at gantimpala, pero bakit wala silang sigla at bakit sila nasisiraan ng loob pagdating sa pagsasagawa ng katotohanan at paghihimagsik laban sa laman? Bakit ito nangyayari? Pinatutunayan nito na may karumihan ang puso ng mga tao. Nananampalataya sila sa Diyos para lang magtamo ng mga pagpapala—sa madaling salita, ginagawa nila ito para makapasok sa kaharian ng langit. Kapag walang hahangaring mga pagpapala o pakinabang, nawawalan ng gana at nasisiraan ng loob ang mga tao, at wala silang sigasig. Ang lahat ng ito ay bunga ng isang tiwaling disposisyon na tutol sa katotohanan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Ang mga salita ng Diyos ay nagbigay-liwanag sa akin. Iniiwasan kong magsulat ng isang artikulo at ayokong magsikap na hangarin ang katotohanan ganap na dahil sa aking satanikong disposisyon ng pagiging tutol sa katotohanan. Alam na alam kong hinihingi ng Diyos na magsulat tayo ng mga artikulong nagpapatotoo, at kung hindi man isang bagay na malalim, puwede naman akong magsulat ng mas simple. Basta’t praktikal ito, may pagkaunawa na batay sa karanasan, at nakapagpapakita ng magandang halimbawa, ayos lang iyon. Pinahahalagahan ng Diyos ang mga patotoo ng mga tao, at ang isang magandang patotoo ay higit na umaaliw sa puso Niya. Kaya, umaasa ang Diyos na isusulat natin ang ating mga karanasan at mga nakamit bilang mga artikulo na magpapatotoo sa Kanya. Pero sa halip na magsikap sa kung ano ang hinihingi ng Diyos, naghanap ako ng mga dahilan para iwasan iyon, para tumanggi. Ipinapakita ko ang isang satanikong disposisyon ng pagiging tutol sa katotohanan. Kung gayon, ano ang tingin ng Diyos sa disposisyong pagiging tutol sa katotohanan? Nabasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos sa aking mga debosyonal: “Sa tingin ninyo, anong uri ng mga tao ang mga tumututol sa katotohanan? Hindi ba’t sila iyong mga lumalaban at sumasalungat sa Diyos? Maaaring hindi sila hayagang lumalaban sa Diyos, subalit ang kanilang kalikasang diwa ay ang itatwa at labanan ang Diyos, na katumbas ng hayagang pagsasabi sa Diyos na, ‘Ayaw kong naririnig ang mga sinasabi mo, hindi ko ito tinatanggap, at dahil hindi ko tinatanggap na katotohanan ang iyong mga salita, hindi ako naniniwala sa iyo. Naniniwala ako sa sinumang nagsisilbi sa mga interes ko at kapaki-pakinabang sa akin.’ Hindi ba’t ito ang saloobin ng mga walang pananampalataya? Kung ganito ang saloobin mo patungkol sa katotohanan, hindi ka ba hayagang mapanlaban sa Diyos? At kung hayagan kang mapanlaban sa Diyos, ililigtas ka ba ng Diyos? Hindi ka Niya ililigtas. Iyan ang dahilan ng poot ng Diyos sa mga nagtatatwa at lumalaban sa Diyos. … Kapag ang isang tao ay tumututol sa katotohanan, walang duda na ito ay tiyak na nakakamatay sa pagkakamit niya ng kaligtasan. Hindi ito isang usapin kung mapapatawad ba ito ng Diyos o hindi—ang pagiging tutol sa katotohanan ay hindi isang uri ng pag-uugali o isang panandaliang pagbubunyag, kundi ang kalikasang diwa ng isang tao. Pinakatutol ang Diyos sa gayong mga tao. Kung paminsan-minsan kang nagbubunyag ng katiwalian ng pagtutol sa katotohanan, dapat mong suriin, batay sa mga salita ng Diyos, kung ang mga pagbubunyag na ito ay sanhi ng pagkasuklam mo sa katotohanan o ng kawalan ng pang-unawa sa katotohanan. Nangangailangan ito ng paghahanap, at nangangailangan ito ng kaliwanagan at tulong ng Diyos. Kung mayroon kang kalikasang diwa ng pagtutol sa katotohanan, at hindi mo kailanman tinatanggap ang katotohanan, at ikaw ay partikular na nasusuklam at mapanlaban dito, kung gayon ay nasa panganib ka. Ikaw ay tiyak na isang masamang tao, at hindi ka ililigtas ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Upang Matupad Nang Maayos ang Tungkulin ng Isang Tao, Pag-unawa sa Katotohanan ang Pinakamahalaga). Tumagos sa puso ko ang mga salita ng Diyos. Ang pagiging tutol sa katotohanan ay lantarang paglaban sa Diyos, hayagang pagiging kaaway Niya. Sinasabi ko na nananampalataya ako sa Makapangyarihang Diyos, nagdarasal ako sa pangalan Niya, kumakain at umiinom ng mga katotohanang ipinahayag Niya, sa bawat pagtitipon ay nagbabahagi tungkol sa mga salita ng Diyos, at ipinangangaral ang mga ito sa mga kapatid. Pero ang paraan ng pag-asal ko, ang paraan ng pamumuhay ko ay hindi naaayon sa mga salita ng Diyos, at hindi ko sinusunod ang mga hinihingi ng Diyos. Sa halip ay nakararamdam ako ng pagtutol sa katotohanan. Paano ko matatanggap at maisasagawa ang katotohanan nang ganoon? Ang tanging paraan para mailigtas bilang isang mananampalataya ay ang tanggapin ang katotohanan. Pero hindi ko minahal ang mga katotohanang ipinahayag ng Diyos. Sa kaibuturan ng aking puso, lumalaban ako sa Diyos. Kahit ang satanikong disposisyong iyon lang ng pagiging tutol sa katotohanan ay puwede nang sumira sa akin. Sa puntong iyon nakita kong talagang nakatatakot ang isang disposisyon ng pagiging tutol sa katotohanan, isa itong nakapagpapabagsak na kahinaan para sa kaligtasan. Pagkatapos ay lumapit ako sa Diyos para magsisi: “O Diyos! Tutol ako sa katotohanan, hindi ako nakatutok sa pagsusulat ng artikulo o sa pagsisikap na hangarin ang katotohanan, at ngayon nakikita ko na ang disposisyon ng pagiging tutol sa katotohanan ay kinasusuklaman Mo. Gusto kong magsisi at hangarin nang maayos ang katotohanan—pakiusap, gabayan Mo po ako.”

Nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos pagkatapos niyon: “Kung talagang mahal mo ang katotohanan sa puso mo, at sadyang medyo mahina lang ang kakayahan mo at wala kang kabatiran, medyo hangal, at madalas kang nagkakamali, ngunit hindi ka sadyang gumagawa ng masama, at nakagawa ka lamang ng ilang kahangalan; kung handa kang makinig sa pagbabahagi ng Diyos sa katotohanan, at nauuhaw ka sa puso mo para sa katotohanan; kung ang iyong saloobin sa katotohanan at sa mga salita ng Diyos ay saloobin ng sinseridad at pagkauhaw, at kaya mong pahalagahan at itangi ang mga salita ng Diyos—sapat na ito. Gusto ng Diyos ang gayong mga tao. Kahit na gumagawa ka ng mga hangal na bagay kung minsan, gusto ka pa rin ng Diyos. Mahal ng Diyos ang puso mo na nananabik sa katotohanan, at mahal Niya ang iyong sinserong saloobin sa katotohanan. Wala Siyang pakialam sa mahina mong kakayahan o sa kahangalan mo, ni sa mga pagsalangsang mo. Dahil mismo ang saloobin mo sa katotohanan ay saloobin ng sinseridad at pagkauhaw, at dahil tunay ang puso mo—batay lang sa pagiging tunay ng puso mo at sa saloobin mong ito—palagi Siyang magiging mahabagin sa iyo at magpapakita sa iyo ng biyaya, at gagawa sa iyo ang Banal na Espiritu, at magkakaroon ka ng pag-asa sa kaligtasan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Upang Matupad Nang Maayos ang Tungkulin ng Isang Tao, Pag-unawa sa Katotohanan ang Pinakamahalaga). Iminulat ako ng mga salita ng Diyos at binigyan ako ng landas ng pagsasagawa. Lumiwanag ang puso ko at nakaramdam ako ng paglaya. Hindi tinitingnan ng Diyos ang mahinang kakayahan o ang kamangmangan ng mga tao. Hangga’t nauuhaw sila sa katotohanan at tinatrato ang katotohanan nang may saloobin ng sinseridad, kaaawaan sila ng Diyos. Napansin kong may ibang mga kapatid na katamtaman ang kakayahan na nauuhaw sa mga salita ng Diyos, at masinsinang nagbubulay-bulay, at naghahanap sa katotohanan para lutasin ang mga isyu kapag nangyayari ang mga bagay-bagay. Sa huli ay nagawa nilang magsulat ng mga artikulong batay sa karanasan para magpatotoo sa Diyos. At ang ilang sumapi sa pananalig kailan lang ay hindi tumakas kahit ano pang hirap ang kinaharap nila sa kanilang tungkulin, at nagpasakop sila sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, at sumandal sa Diyos para hanapin ang katotohanan at malampasan ang paghihirap. Sa huli ay nagkapagbigay sila ng mga nakakaantig na patotoo. At ang ilang bagong mananampalataya ay nakatuon sa paghahanap sa katotohanan kapag nagbubunyag sila ng katiwalian. Binasa nila ang mga salita ng Diyos at nagnilay-nilay sa sarili. Ang pagkaunawang ibinahagi nila ay talagang tunay at praktikal. Walang pakialam ang Diyos kung gaano katagal nang may pananalig ang isang tao, kung siya ay mangmang o may mahinang kakayahan, bagkus kung hinahanap niya ang katotohanan, minamahal ang katotohanan, nauuhaw sa katotohanan, at kung itinuturing niya o hindi ang mga salita ng Diyos nang may sinserong puso. Ang mahinang kakayahan ay hindi nakamamatay. Ang susi ay kung mayroon tayong pusong nagmamahal sa katotohanan, kung kaya nating tanggapin at isagawa ang katotohanan. Ang Diyos ay tapat at matuwid, at wala Siyang pakialam kung ang kakayahan ng isang tao ay mahusay o mahina. Hangga’t tayo ay nauuhaw at nagsusumikap para sa katotohanan, at ipinapatupad natin ang ating nalalaman, makakamit natin ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu, at ang ating pagkaunawa at kabatiran ay bubuti. Hindi ako dapat mapigilan ng pagkakaroon ng mahinang kakayahan o maghanap ng mga dahilan para maiwasan ang pagsusulat ng artikulo. Gusto kong tunay na kumain, uminom, at maranasan ang mga salita ng Diyos, na mailagay ang aking mga karanasan sa isang artikulo para magpatotoo sa Diyos.

Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nagbigay-linaw sa akin sa layunin ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang pagtanggap sa katotohanan at paghahangad sa katotohanan ang pinakamakatotohanan at pinakapraktikal na landas para matamo ang kaligtasan. Kung hindi mo makamit ang katotohanan, walang kabuluhan ang pananampalataya mo sa Diyos. Iyong mga nagsasalita ng mga hungkag na salita at doktrina, na palaging sumisigaw ng mga islogan, nagbubulalas ng mga ideyang grandiyosong pakinggan, at palaging sumusunod sa mga regulasyon, nang hindi tumutuon sa pagsasagawa sa katotohanan, ay walang nakakamit na anuman, kahit ilang taon pa silang manampalataya. Sino ang mga taong may nakakamit? Iyong mga sinserong ginagampanan ang kanilang tungkulin at handang isagawa ang katotohanan, iyong mga tinatrato bilang kanilang misyon ang ipinagkatiwala sa kanila ng Diyos, iyong mga kusang ginugugol ang buo nilang buhay sa paggugol ng kanilang sarili para sa Diyos at hindi nagpapakana para sa kanilang sariling kapakanan, at iyong mga umaasal nang praktikal at sumusunod sa mga pamamatnugot ng Diyos. Sa paggampan ng kanilang tungkulin, naaarok ng gayong mga tao ang mga katotohanang prinsipyo, maingat na ginagawa nang maayos ang bawat gampanin, at nakakamit ang resulta ng pagpapatotoo sa Diyos, at natutugunan ang mga layunin ng Diyos. Kapag nakakatagpo sila ng mga paghihirap habang ginagampanan nila ang kanilang tungkulin, kaya nilang magdasal sa Diyos at subukang maarok ang mga layunin ng Diyos, kaya nilang sumunod sa mga pamamatnugot at mga pagsasaayos ng Diyos, at kaya nilang hanapin ang katotohanan at isagawa ang katotohanan kapag gumagawa sila ng mga bagay-bagay. Hindi sila sumisigaw ng mga islogan o nagbubulalas ng mga ideyang grandiyosong pakinggan, kundi tumutuon lang sila sa paggawa ng mga bagay-bagay sa praktikal na paraan, at sa metikulosong pangangasiwa sa mga usapin ayon sa mga prinsipyo. Isinasapuso nila ang lahat ng kanilang ginagawa, at dinaranas ang lahat ng bagay nang buong puso. Sa karamihan ng mga usapin, kaya nilang isagawa ang katotohanan, magtamo ng kaalaman at pagkaunawa sa pamamagitan ng karanasan, at matuto ng mga aral at magkaroon ng mga tunay na nakamit. At kapag mayroon silang mga maling kaisipan o mga maling kalagayan, kaya nilang magdasal sa Diyos at hanapin ang katotohanan para lutasin ang mga iyon. Anumang mga katotohanan ang kanilang nauunawaan, mayroon silang karanasan sa mga ito at kabatiran sa mga ito, at kaya nilang ibahagi ang kanilang patotoong batay sa karanasan. Sa huli ay kayang makamit ng gayong mga tao ang katotohanan. Iyong mga hindi nag-iisip ay hindi kailanman pinagbubulayan sa kanilang puso ang mga usapin ng pagsasagawa sa katotohanan. Tumutuon lang sila sa paglalaan ng pagsisikap at pagkilos, at sa pagpapakita ng kanilang sarili at pagpapasikat, habang hindi kailanman hinahanap kung paano isagawa ang katotohanan. Dahil dito ay nagiging mahirap para sa kanila na makamit ang katotohanan. Pag-isipan ninyo ito—anong uri ba talaga ng mga tao ang maaaring makapasok sa katotohanang realidad? (Iyong mga isinasapuso ang mga bagay-bagay, iyong mga pragmatiko, at iyong gumagawa ng kanilang mga tungkulin sa praktikal na paraan.) Tama iyan. Tanging iyong mga gumagawa ng kanilang mga tungkulin nang praktikal at masigasig na naghahanap ng katotohanan ang kayang makaunawa sa katotohanan at makapasok sa realidad. Dagdag pa rito, ang gayong mga tao ay tumutuon sa kung ano ang praktikal sa lahat ng bagay; medyo pragmatiko sila, minamahal nila ang mga positibong bagay, kaya nilang tanggapin ang katotohanan at isagawa ang katotohanan, at sa huli ay nakakamit nila ang katotohanan at nakakamit nila ang pagpapasakop sa Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pananampalataya sa Diyos, ang Pinakamahalaga ay Isagawa at Danasin ang Kanyang mga Salita). Natutunan ko mula sa mga salita ng Diyos na ang mga naghahangad sa katotohanan ay nakatuon sa mga salita ng Diyos, madalas magbulay-bulay sa mga salita ng Diyos at isinasagawa ang mga ito. Kaya nilang hanapin ang katotohanan at matuto ng mga aral mula sa mga tao, bagay, at pangyayari sa paligid nila, at umani ng mga gantimpala mula sa kanilang mga karanasan. Ang pagsusulat ng artikulo ay isa sa magagandang paraan para hikayatin tayong lumapit sa Diyos, pagbulayan ang Kanyang mga salita, at hanapin ang katotohanan. Nang maunawaan ko na ang layunin ng Diyos, nakaramdam ako ng pasanin, at nakaramdam ako ng motibasyon na magsulat ng isang artikulo. Pakiramdam ko, dapat kong tuparin ang tungkuling iyon para aliwin ang puso ng Diyos at napagtanto ko na makahahanap ako ng mas maraming katotohanan at makauusad ako sa buhay sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga artikulo.

Pagkatapos niyon ay sinimulan kong planuhin ang araw-araw na gawain, at tukuyin kung anong oras ang gagamitin ko para sa kung aling isyu, ayon sa pinakadapat unahin. Sa tuwing may oras ako, kakain at iinom ako ng mga salita ng Diyos at magsusulat ng isang artikulo. Noong una akong nagsimulang magsulat, ang isinulat ko tungkol sa pagkaunawa ko sa mga salita ng Diyos ay medyo mababaw. Gusto kong sumuko at tumigil na sa pagsusulat sa puntong iyon, at ayoko nang pagbulayan pa ang mga salita ng Diyos. Kaya’t nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos! Ayokong sumuko. Gusto kong pag-isipang mabuti ang mga salita Mo, na maisulat ang kung ano ang aking nalalaman sa ngayon, at pagkatapos ay magpatuloy na magsulat habang lumalago ang karanasan ko. Ayoko nang mamuhay ayon sa aking tiwaling disposisyon. Gusto kong isulat ang tungkol sa Iyong pagbibigay-liwanag at pagtatanglaw para magpatotoo sa Iyo.” Mas kumalma ang pakiramdam ko pagkatapos ng panalanging iyon. Nang kumalma ako at mapag-isipan ang sarili kong kalagayan at ang mga salita ng Diyos, itinala ko ang anumang kaliwanagang mayroon ako. Kaya, pinagninilayan ko ang mga salita ng Diyos at isinusulat ang nauunawaan ko kapag may oras ako. Kapag tapos na ako, at nakita kong may ilang parte na hindi masyadong malinaw, ginagawa ko ang makakaya ko para i-edit ang mga ito. Habang mas nagsusulat ako, mas nalilinawan ako, at mas nakikita ko nang mabuti ang sarili kong kalagayan. Nagkaroon din ako ng higit pang totoong pagkaunawa sa katotohanan. Pakiramdam ko, ang ganitong uri ng pagsasagawa ay talagang nakalulugod.

Sinundan: 84. Kaya Bang Magbukas ng Pinto ng Kaharian ng Langit ang Masigasig na Gawa?

Sumunod: 86. Sino Ba Talaga ang Sumira sa Pamilya Ko?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito