83. Bakit Hindi Ko Ibinabahagi ang Lahat Kapag Nagtuturo sa Iba?

Ni Aiden, Italya

Noong Hulyo 2021, gumagawa ako ng video production sa iglesia. Alam kong napakahalagang tungkulin talaga nito, kaya gumugol ako ng maraming oras araw-araw sa panonood ng mga tutoryal at pagsasaliksik ng mga impormasyon. Nakikinig akong mabuti sa tuwing nagtatalakay ang iba ng isang teknikal na kasanayan, at pagkatapos ay inaanalisa at sinasaliksik ko ito nang detalyado, at pagkatapos ay talagang ginagamit ito. Nagdarasal rin ako at humihingi ng tulong sa Diyos kapag nahihirapan ako. Pagkatapos mangapa nang ilang panahon, medyo humusay na ang aking mga teknikal na kasanayan. Nakakaisip ako ng ilang makabagong estilo ng produksyon at mas episyente na gumagawa. Talagang tinitingala ako ng lahat at nilalapitan ako para magtanong tungkol sa mga teknikal na isyu. Naramdaman kong tunay na may napagtagumpayan ako. Pakiramdam ko ay hindi nawalan ng saysay ang lahat ng pagsusumikap ko, na sa wakas ay nakikita ko na ang bunga nito.

Nang makita kung gaano ako kahusay sa paggawa ng video, hiniling sa akin ng superbisor na ibahagi sa mga kapatid ang aking mga teknikal na kasanayan at karanasan sa produksyon. Maging ang ilang kapatid ay sadya pang hiniling na makinig sa akin na magsalita. Sobrang saya ko na magpakita sa publiko. Pero nag-alala ako nang maisip ko ang pagbabahagi sa mga naging susi ng tagumpay ko. Naisip ko, “Kung ihahayag ko ang diwa ng mga kasanayang ito at natutunan ng lahat ang mga ito, unti-unti silang magiging mas epektibo sa gawain nila. May hihingi pa ba sa akin ng tulong kung magkagayon? Titingalain pa ba nila ako? Hindi ko dapat sabihin sa kanila ang lahat.” Kaya, ipinaliwanag ko ang ilang bagay, pero sinarili ko ang ilan. Alam kong hindi iyon ang tamang gawin, pero hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko, para sa sarili kong mga interes. Kalaunan, sinabi sa akin ng isang sister, “Mas magaganda kaysa dati ang mga video na ginawa batay sa mga turo mo, pero hindi pa rin kami episyente. May hindi ka pa ba naituturo sa amin?” Nang hindi nababahala, sumagot ako, “Ganyan ang ginagawa ko. Baka kailangan niyong mas magsanay pa para maging mas episyente?” Wala na siyang sinabi pa. Noong oras na iyon, medyo nakonsensiya ako at napagtanto ko na nagiging mapanlinlang ako, pero kapag naiisip ko kung paanong mas nagiging episyente ako sa gawain ko kaysa sa iba, sinusugpo ko ang katiting na konsensiyang iyon.

Matapos ang ilang panahon, nakagawa ako ng pinakamaraming video, at iyon ang may pinakamagagandang kalidad. Labis akong nasisiyahan sa sarili ko na makita ang mga numerong iyon, at natutuwa ako na hindi ko itinuro sa iba ang buong lawak ng mga kasanayan ko. Kung nagkagayon, hindi sana ako magkakaroon ng pinakamahuhusay na numero. Kung kailan labis akong nasisiyahan sa sarili, saka nalaman ng superbisor na hindi ko naibahagi sa iba ang lahat ng kasanayan ko, at pinungusan ako nito: “Napakamakasarili mo! Hindi mo iniisip ang gawain ng iglesia, kundi ang pagiging produktibo mo lang. Gusto mo lang magpakitang-gilas. Gaano karami ang matatapos mo kung ikaw lang mag-isa? Kung alam lang ng lahat ang mga kasanayang ito, mapapabuti natin ang pangkalahatang pag-usad ng gawain natin.” Alam kong makakabuti ito sa gawain ng iglesia, pero kapag naiisip ko na magiging mas mahusay ang iba at hindi na nila ako hahangaan, nagtatalo talaga ang kalooban ko. Nagdasal ako, “O Diyos! Kamakailan ay hindi ko mapigilang kumilos nang mapanlinlang para sa mga pansariling interes. Ayaw ko nang mabuhay sa katiwaliang ito. Pakiusap, gabayan Mo po ako na maunawaan ang problema ko at iwaksi ang tiwaling disposisyong ito.”

Pagkatapos, sa aking mga debosyonal, nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Ang mga walang pananampalataya ay may isang uri ng tiwaling disposisyon. Kapag nagtuturo sila sa ibang tao ng isang partikular na propesyonal na kaalaman o kasanayan, iniisip nila, ‘Kapag itinuro ng maestro sa isang estudyante ang lahat ng kanyang nalalaman, mawawalan ng kabuhayan ang guro. Kung ituturo ko ang lahat ng nalalaman ko sa iba, wala nang titingala o magpapasakop sa akin, at mawawala ang katayuan ko bilang isang guro. Hindi maaari ito. Hindi ko maaaring ituro sa kanila ang lahat ng nalalaman ko, dapat kong ilihim ang ilang pinakamahalagang bagay, sa ganoong paraan ay igagalang at pahahalagahan ako ng mga tao, at maaari kong ipakita na superyor ako sa iba.’ Anong uri ng disposisyon ito? Panlilinlang ito. Kapag nagtuturo kayo sa iba o nagbabahagi sa kanila ng isang bagay na pinag-aralan ninyo, anong saloobin ang dapat taglayin ninyo? (Dapat naming gawin ang lahat, at huwag maglihim.) … Kung gagamitin mo ang lahat ng iyong mga kaloob at kalakasan sa iyong tungkulin at tutuparin mo nang maayos ang iyong tungkulin upang makinabang ang lahat mula rito, kapaki-pakinabang ito para sa gawain ng iglesia, at sasang-ayunan ito ng Diyos. Kung pipigilan mo ang iyong mga kaloob at kalakasan, ginagamit lang ang kaunti sa mga ito at iniisip na medyo mahusay ang ginagawa mo, hindi iyon uubra; ang paggawa sa iyong tungkulin sa ganoong paraan ay hindi magbubunga ng magagandang resulta. Dapat kang makipagbahaginan gaano man karami ang iyong nauunawaan at natatalos, saka lang makikinabang ang lahat at makakamit ang mas magagandang resulta. Ipagpalagay na nagsasalita ka lang sa pangkalahatan at hindi mo ipinapaliwanag ang mga detalye, itinatago ang mahahalagang bagay sa iyong puso, gayumpaman ay iniisip mo pa rin, ‘Anuman ang mangyari, sinabi ko na sa iyo. Kung hindi mo ito naarok, iyon ay dahil mahina ang iyong kakayahan, hindi ko iyon kasalanan.’ Ang gayong intensyon ay may kasamang panlilinlang, hindi ba? Hindi ba iyon makasarili at kasuklam-suklam? Bakit hindi mo maituro sa iba ang lahat ng nasa puso mo at lahat ng nauunawaan mo sa halip na huwag ibigay ang ilang bagay? Problema ito sa iyong mga intensyon at iyong disposisyon. … Masyadong nakakapagod kung hindi mo hahangarin ang katotohanan at mamumuhay ka ayon sa mga satanikong disposisyon gaya ng mga walang pananampalataya. Sa mundong walang pananampalataya, partikular na matindi ang kompetisyon sa bawat industriya. Sa sandaling matuto ang mga tao ng ilang teknikal o propesyonal na kasanayan o maging dalubhasa sila sa ilang abilidad, labis silang nagiging mapagbantay tungkol dito at hindi nila ito ituturo sa sinuman, nangangamba na sa sandaling gawin nila ito, mawawalan sila ng kanilang kabuhayan. Upang protektahan ang kanilang kabuhayan, dapat din silang palaging maging mapagbantay laban sa mga taong nagnanakaw ng kanilang mga kasanayan. Kahit pa magturo sila sa isang baguhan, kailangan nilang may itago; hindi nila ipinapasa ang pinakamahahalagang pamamaraan sa mga tagalabas, kundi sa sarili lang nilang mga anak at inapo. Itinuturing ng mga tao ang lahat ng uri ng teknik at abilidad bilang kanilang kabuhayan, bilang kanilang puhunan, bilang mismong ugat ng kanilang ikabubuhay, na hindi kailanman dapat sabihin sa iba. Ngunit nananampalataya ka sa Diyos—kung ganito ka pa rin mag-isip at kumilos sa sambahayan ng Diyos, hindi ka naiiba sa isang walang pananampalataya(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Sa pagbabasa ng siping ito, para akong direktang hinuhusgahan at inilalantad ng Diyos. Nakita ko na pagkatapos ng maraming taon ng pananalig, hindi man lang nagbago ang disposisyon ko sa buhay. Katulad lang ako ng isang walang pananampalataya, namumuhay ayon sa mga satanikong panuntunan para makaligtas, tulad ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba” at “Kapag itinuro ng maestro sa isang estudyante ang lahat ng kanyang nalalaman, mawawalan ng kabuhayan ang guro.” Kapag mayroon akong ilang kasanayan o espesyal na mga pamamaraan, gusto kong sarilinin ang mga ito. Hindi ako pumapayag na ituro ang lahat sa ibang tao nang ganoon kadali at ipagsapalaran na mawala ang posisyon ko at kabuhayan. Noong panahong iyon, kapag mas marami akong teknikal na kasanayan kaysa sa iba at mas produktibo sa aking tungkulin, labis akong kontento sa sarili ko at natutuwa na tinitingala ako. Hiniling sa akin ng superbisor na ibahagi ang mga kasanayan ko, pero hindi ko sinabi sa kanila ang lahat para mapanatili ko ang posisyon ko. Natatakot ako na mahihigitan ako ng iba kapag natutunan nila ang lahat, tapos wala nang hahanga sa akin. Kahit na paisa-isa akong nilalapitan at tinatanong ng sister, itinatago ko ang totoo, hindi ko sinasabi sa kanya ang lahat. Isinasagawa ko ang satanikong pilosopiya ng “Kapag itinuro ng maestro sa isang estudyante ang lahat ng kanyang nalalaman, mawawalan ng kabuhayan ang guro.” Para sa reputasyon at katayuan, naging mapanlinlang ako at nanlansi, natatakot na kung ganap na matututunan ng iba ang mga pangunahing kasanayan ko, hindi na ako magkakaroon ng pagkakataong makapagpakitang-gilas. Hindi ko man lang isinaalang-alang ang gawain ng iglesia, at pati na rin ang mga layunin ng Diyos. Itinuring ko ang mga kasanayang ito na parang sarili kong mga personal na kasangkapan para mapanatili ang reputasyon at katayuan ko. Napakamakasarili ko, ubod ng sama, at walang pagkatao! Nagdasal ako sa Diyos, handang isagawa ang katotohanan at maghimagsik laban sa laman. Naisip ko ang isang bagay na sinasabi ng Diyos: “Kapag ipinaaalam sa karamihan ng mga tao sa unang pagkakataon ang ilang partikular na aspekto ng propesyonal na kaalaman, kaya lamang nilang maunawaan ang literal na kahulugan nito; mangangailangan ng panahon ng pagsasagawa bago magawang maarok ang mahahalagang punto at diwa. Kung naging dalubhasa ka na sa mga bagay na ito, dapat direkta mong sabihin sa kanila; huwag silang hayaan na magpaikot-ikot at magsayang ng oras sa pangangapa. Responsabilidad mo ito; ito ang dapat mong gawin. Tanging kung sasabihin mo sa kanila ang pinaniniwalaan mo na mahahalagang punto at diwa, saka ka hindi naglilihim ng anumang bagay at nagkikimkim ng mga makasariling motibo(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Binigyan ako ng mga salita ng Diyos ng landas ng pagsasagawa: Dapat kong ibahagi sa mga kapatid ang lahat ng pangunahing teknik at kaalaman ko na nauugnay sa gawain namin, para wala nang kailangang mag-aksaya ng mas maraming oras sa mga pasikot-sikot na pamamaraan. Pagkatapos, makakakuha sila ng maraming inspirasyon batay sa pundasyong iyon at patuloy na huhusay sa kanilang tungkulin. Kapaki-pakinabang iyon sa gawain ng iglesia. At saka, mayroon akong ilang propesyonal na kasanayan at mabisa naman sa aking tungkulin hindi dahil sa mas matalino ako o mas masigasig kaysa sa iba, kundi dahil sa biyaya ng Diyos na ipinagkakaloob sa akin ang kaunting inspirasyong ito at tinutulutan akong umusad nang kaunti. Hindi ko puwedeng isipin lang ang sarili kong mga interes, kundi kailangan kong tuparin ang mga responsabilidad ko, at ibahagi ang lahat ng kaalaman ko sa iba. Tapos ay mapapabuti ang gawain namin sa kabuuan. Kaya naman, itinuro ko na ang lahat ng propesyonal na kasanayan na alam ko sa mga kapatid, at kusang-loob na sinasabi sa kanila kapag natutuklasan ko ang isa pang magandang pamamaraan. Pagtagal-tagal, mabilis na lumakas ang pagiging produktibo ng pangkat namin, at ang ilan sa amin ay nakaisip ng mga bagong kaparaanan batay sa mga kasanayang itinuro ko sa kanila.

Makalipas ang isang buwan, dahil sa pagbabago sa pagkakatalaga ng mga tauhan, inatasan ng superbisor ang lider ng grupo na si Colin na mangasiwa sa isang bagong grupo at pinaako sa akin ang tungkulin niya. Talagang nagpapasalamat ako sa Diyos at gusto kong gawin nang maayos ang trabaho. Dahil walang kasanayan at bago lahat sa pag-eedit ng video ang mga kapatid sa grupo ni Colin, ang ilan sa kanila na may mahusay na kakayahan ay pumunta para matuto mula sa amin. Lahat sila ay mabilis matuto, at hindi nagtagal ay naunawaan na nilang mabuti ang mga kasanayan at nagiging mas mahusay na sa kanilang tungkulin. Medyo hindi ako natuwa, iniisip na, “Naibahagi namin sa inyo ang lahat. Kung magpapatuloy ito at patuloy na bubuti ang pagiging epektibo ng pangkat nila, hindi ba’t malalamangan ng pangkat nila ang pangkat namin?” Kaya, inalis ko ang mga dumating para matuto mula sa aming grupo. Sinimulan ko ring pag-aralan ang mga produktibong pamamaraan at kasanayan ng ibang mga iglesia. Ang iniisip ko ay na natutunan na nila ang lahat ng kasanayan na alam namin noon, kaya kung may matututunan kaming mga bago at hindi sasabihin sa kanila, hindi nila kami malalamangan. Pero sa gulat ko, matapos ko silang alisin sa grupo, bukod sa hindi tumaas ang pagiging produktibo ng grupo namin, talagang bumagsak pa ito. Parami nang parami ang mga isyung lumilitaw sa pangkat, at ako mismo ay naguguluhan. Wala akong ideya sa paggawa ng mga video at hindi ko malutas ang mga problema ng grupo. Napagtanto ko na kung hindi ko babaguhin ang kalagayan ko, siguradong makakaapekto iyon sa paggampan ng pangkat. Nagdasal ako sa Diyos, “O Diyos, kamakailan sa tungkulin ko, kahit anong pilit kong gawin, wala talaga akong direksyon. Pakiusap, bigyang-liwanag at gabayan Mo po ako na makilala ang sarili ko at makaalis sa problemang ito.”

Isang araw sa aking mga debosyonal, nabasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Kapag namumuhay ang mga tao sa isang maling kalagayan, at hindi nagdarasal sa Diyos o naghahanap sa katotohanan, aabandonahin sila ng Banal na Espiritu at mawawalan sila ng presensiya ng Diyos. Gumagawa ang Banal na Espiritu sa mga nag-aasam sa katotohanan at maagap na naghahanap dito—paanong magkakaroon ng gawain ng Banal na Espiritu ang mga hindi naghahanap sa katotohanan? Kapag nasusuklam ang Diyos sa isang tao, itinatago Niya ang Kanyang mukha mula sa kanya, at hindi gumagawa sa kanya ang Banal na Espiritu. Sa sandaling isantabi ka ng Diyos, hindi ba’t tapos ka na? Ano ang maisasakatuparan mo nang mag-isa? Wala kang maisasakatuparan. Bakit nahihirapan nang husto ang mga walang pananampalataya sa paggawa ng mga bagay-bagay? Hindi ba’t dahil kumikilos sila nang palihim para protektahan ang kanilang mga interes? Sa lahat ng ginagawa nila, mayroon silang sariling makasariling mga intensyon at palaging inuuna ang sarili nilang mga interes. Nagseselos at nakikipag-away sila sa isa’t isa, at nagpapakana nang palihim laban sa isa’t isa, ganap na walang kakayahang magkaisa ang puso at isipan o tulungan ang isa’t isa. Iyon ang dahilan kung bakit walang maisasakatuparan nang magkakasama ang mga walang pananampalataya; kahit ang pinakasimpleng mga gampanin ay nangangailangan ng napakalaking pagsisikap. Ganito ang mamuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas. Kung ginagawa ninyo ang mga bagay nang gaya ng mga walang pananampalataya, paano kayo naiiba sa kanila? Walang anumang kaibahan. Kung ang mga hindi nagtataglay ng katotohanan ay may hawak na kapangyarihan sa iglesia, ibig sabihin, kung ang mga taong puno ng mga satanikong disposisyon ay humahawak ng kapangyarihan, hindi ba’t si Satanas talaga ang may hawak ng kapangyarihan? Kung ang mga pagkilos ng mga tao na may kapangyarihan sa iglesia ay lahat salungat sa katotohanan, ang Banal na Espiritu ay humihinto sa paggawa sa kanila, at ipinapasa sila ng Diyos kay Satanas. Kapag napasakamay na sila ni Satanas, lahat ng uri ng kapangitan—halimbawa, mga pagseselos at alitan—ay susulpot sa pagitan ng mga tao. Ano ang inilalarawan ng mga sitwasyon na ito? Na ang gawain ng Banal na Espiritu ay huminto na, na lumisan na Siya at ang Diyos ay hindi na gumagawa. Kung wala ang gawain ng Diyos, ano pa ang silbi ng mga salita at doktrina lang na naiintindihan ng tao? Walang silbi ang mga ito. Kapag ang Banal na Espiritu ay hindi na gumagawa sa isang tao, nakadarama siya ng kahungkahan sa kanyang kalooban, wala na siyang anumang mararamdaman, magiging para na siyang patay, at sa puntong ito, tulala na siya. Lahat ng inspirasyon, karunungan, katalinuhan, kaunawaan at kaliwanagan na nasa mga tao ay galing sa Diyos; gawa lahat ito ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Naramdaman ko ang matuwid na disposisyon ng Diyos mula sa Kanyang mga salita. May iba’t ibang saloobin ang Diyos sa mga tao depende sa kanilang pag-uugali. Kung ang isang tao ay may tamang motibo sa kanyang tungkulin, naghahanap sa katotohanan, at nakikipagkaisa sa iba para itaguyod ang gawain ng iglesia, nakakamit niya ang gawain ng Banal na Espiritu. Pero kung hindi niya isinasagawa ang katotohanan at namumuhay sa kanyang mga satanikong disposisyon, tatalikuran siya ng Diyos dahil sa pagkasuklam. Naisip ko ang mga kapatid na mula sa kabilang grupo na nagsisikap na matuto mula sa amin. Nang makita kong mabilis silang matuto, natakot akong mapag-iwanan nila kami, kaya inalis ko sila sa grupo, hindi sila hinayaang patuloy na lumahok sa mga pagsasanay namin. Kumikilos ako na parang isang walang pananampalataya, nanlalansi at nag-iiwan ng paraan para makalusot—lahat ito ay para sa sarili kong mga interes. Palagi akong natatakot na malalampasan ako ng iba, at na makakaapekto iyon sa reputasyon at katayuan ko. Napakamakasarili ko at kasuklam-suklam. Nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Kung wala ang gawain ng Diyos, ano pa ang silbi ng mga salita at doktrina lang na naiintindihan ng tao? Walang silbi ang mga ito. Kapag ang Banal na Espiritu ay hindi na gumagawa sa isang tao, nakadarama siya ng kahungkahan sa kanyang kalooban, wala na siyang anumang mararamdaman, magiging para na siyang patay, at sa puntong ito, tulala na siya.” Noong sinimulan ko ang trabahong iyon, gusto kong matutunan ang mga kasanayan at gawin nang maayos ang tungkulin ko. Nagdasal ako at humingi ng tulong mula sa Diyos kapag nagkakaproblema ako, mabilis akong natututo, at hindi ako kailanman napapagod. Pero mula nang maging mapagkompitensiya ako, hindi naghahanap sa katotohanan, at kumikilos batay sa katiwalian sa bawat pagkakataon, kinasuklaman at tinalikuran na ako ng Diyos. Wala akong direksyon at layunin sa tungkulin ko at naramdamang wala akong kakayahan sa lahat ng bagay. Nakita ko na kapag hindi gumagawa sa akin ang Diyos, nagiging walang silbi ang kung anong maliit na propesyonal na kaalaman na mayroon ako. Ito ang bunga ng hindi pagkakaroon ng tamang mga motibo sa aking tungkulin, palaging pinoprotektahan ang sarili kong mga interes, at hindi isinasagawa ang katotohanan.

Pagkatapos ay naisip ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos, kung saan inilalantad ng Diyos kung paanong ang mga anticristo ay nagsasaalang-alang lamang ng kanilang sariling mga interes, hindi iniisip ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Sabi ng mga salita ng Diyos: “Kahit ano pa ang gawaing pananagutan nila, hindi kailanman iniisip ng mga anticristo ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Ang isinasaalang-alang lamang nila ay kung naaapektuhan ba ang kanilang sariling mga interes at ang iniisip lamang nila ay ang maliit na bahagi ng gawaing nasa harapan nila na napapakinabangan nila. Para sa kanila, ang pangunahing gawain ng iglesia ay isang bagay lamang na ginagawa nila sa libre nilang oras. Hinding-hindi talaga nila ito sineseryoso. Gumagalaw lang sila kapag pinapakilos sila, ginagawa lamang ang gusto nilang gawin, at ginagawa lamang ang gawain na alang-alang sa pagpapanatili ng sarili nilang kapangyarihan at katayuan. Sa paningin nila, ang anumang gawaing isinaayos ng sambahayan ng Diyos, ang gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo, at ang buhay pagpasok ng mga taong hinirang ng Diyos ay hindi mahalaga. Anuman ang mga paghihirap ng ibang mga tao sa kanilang gawain, anuman ang mga isyung matuklasan at maiulat sa kanila, gaano man kasinsero ang kanilang mga salita, walang pakialam ang mga anticristo, hindi nila isinasangkot ang kanilang sarili, na para bang wala itong kinalaman sa kanila. Gaano man kalaki ang mga problemang lumilitaw sa gawain ng iglesia, lubos silang walang pakialam. Kahit pa nga nakalatag na sa harapan nila mismo ang isang problema, hinaharap lang nila ito nang pabasta-basta. Kapag direkta silang pinupungusan ng ang Itaas at inuutusan silang ayusin ang isang problema ay saka lang sila atubiling gagawa ng kaunting tunay na gawain at magpapakitang-tao para sa ang Itaas. Pagkatapos, magpapatuloy sila sa pagpapakaabala sa sarili nilang mga usapin. Pagdating sa gawain ng iglesia, sa mahahalagang usapin na may kinalaman sa kabuuang sitwasyon, hindi nila binibigyang-pansin ang alinman sa mga bagay na ito at binabalewala ang mga ito, at hindi pa nga nila pinangangasiwaan ang mga problema kapag natutuklasan nila ang mga ito. Anumang mga isyu ang banggitin ng iba, sumasagot sila nang pabasta-basta at nagpapaligoy-ligoy, tinutugunan lamang ang mga isyu nang may labis na pag-aatubili. Hindi ba’t isa itong pagpapamalas ng pagiging makasarili at ubod ng sama? Higit pa rito, anuman ang tungkuling ginagawa ng mga anticristo, lagi nilang isinasaalang-alang kung makakapagpasikat ba sila; hangga’t nakapagpapaganda ng kanilang reputasyon ang isang tungkulin, pipigain nila ang kanilang utak at susubukan nilang umisip ng lahat ng posibleng paraan upang matutunan kung paano ito gawin at isakatuparan. Hangga’t kaya nilang humigit sa iba, nasisiyahan sila. Anuman ang ginagawa o iniisip nila, ang iniisip lang nila ay ang sarili nilang kasikatan, pakinabang, at katayuan sa bawat pagkakataon. Anuman ang tungkuling ginagawa nila, nakikipagkompetensiya lang sila upang makita kung sino ang nakatataas, kung sino ang nananalo, at kung sino ang may mas malaking katanyagan. Ang pinapahalagahan lang nila ay kung ilang tao ang umiidolo at tumitingala sa kanila, kung ilang tao ang nakikinig sa kanila at sumusunod sa kanila. Hindi sila kailanman nakikipagbahaginan tungkol sa katotohanan o lumulutas ng mga tunay na problema. Hindi nila kailanman isinasaalang-alang kung paano gagawin ang kanilang tungkulin sa paraang mapangangasiwaan nila ang mga bagay-bagay ayon sa mga prinsipyo, ni hindi nila pinagninilayan kung mayroon silang debosyon, kung natupad ba nila ang kanilang mga responsabilidad, kung mayroon bang anumang mga paglihis, nakaligtaan, o problema sa kanilang gawain, lalong hindi nila isinasaalang-alang kung ano ang mga hinihingi ng Diyos, at kung ano ang mga layunin ng Diyos. Hindi nila binibigyang-pansin ang lahat ng bagay na ito kahit kaunti. Nagpapakasubsob lang sila sa kanilang gawain alang-alang sa kasikatan, pakinabang, at katayuan, at upang bigyang-kasiyahan ang sarili nilang mga ambisyon at pagnanais. Hindi ba’t isa itong pagpapamalas ng pagiging makasarili at ubod ng sama? Ganap nitong inilalantad ang katunayan na ang kanilang puso ay puno ng mga ambisyon, pagnanais, at mga hindi makatwirang hinihingi, at na ang bawat kilos nila ay pinamamahalaan ng kanilang mga ambisyon at pagnanais. Anuman ang gawin nila, ang motibasyon at pinagmulan ng kanilang mga kilos ay nagmumula sa sarili nilang mga ambisyon, pagnanais, at mga hindi makatwirang hinihingi. Isa itong tipikal na pagpapamalas ng pagiging makasarili at ubod ng sama(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikaapat na Ekskorsus). Inilantad ng mga salita ng Diyos na ginagawa lang ng mga anticristo ang mga bagay-bagay para sa sarili nilang reputasyon at katayuan nang hindi iniisip ang gawain ng iglesia. Hindi mahalaga sa kanila ang mga pagsasaayos ng iglesia at ang mga problema na mayroon ang iba sa kanilang tungkulin. Nagbubulag-bulagan sila sa anumang mga paghihirap na kinakaharap ng mga kapatid, talagang makasarili sila at ubod ng sama, at wala silang pagkatao. Sinuri ko ang pag-uugali ng mga anticristo at nagnilay-nilay kung paanong mukha akong nagdurusa at nagbabayad ng halaga at ginagawa ang aking makakaya para matuto ng mga kasanayan sa tungkulin ko, pero hindi ko isinasaalang-alang ang mga layunin ng Diyos. Itinuring ko ang tungkulin ko na parang isang kasangkapan na magagamit ko para magkamit ng katayuan at magandang reputasyon. Ang tanging isinasaalang-alang ko ay kung may katayuan ako sa mga tao, at kung hahangaan at pahahalagahan ba ako ng iba. Hindi ko kailanman inisip kung ano ang hinihingi ng Diyos o kung paano ko Siya dapat palugurin. Nang magkaroon ako ng ilang resulta sa aking tungkulin at nilalapitan ako ng lahat kapag may mga katanungan, lubos na natugunan ang pag-aasam ko para sa reputasyon at katayuan. Kapag nagbabahagi ng aking propesyonal na kaalaman sa iba, nanlinlinlang ako, nanglalansi, at nililihim ang ilang pangunahing kasanayan ko. Hindi ko ibinabahagi ang buong lawak ng mga kasanayan ko at inaalis ko ang mga taong lumalapit para matuto sa grupo namin upang wala silang matutunan mula sa amin, dahil natatakot ako na magiging mas mahusay sila at masasapawan ako. Alam kong gumawa kami ng mga video upang ipakalat ang mga salita ng Diyos, na dapat ay nakipagtulungan ako sa iba nang may isang puso at isip para magawa nang maayos ang mga tungkulin namin, para mas marami sa mga nananabik sa pagpapakita ng Diyos ang makakaharap sa Kanya nang mas maaga, mahahangad ang katotohanan, at maliligtas, pero alang-alang sa pagpapanatili ng sarili kong reputasyon at katayuan, ayaw kong ibahagi ang mga kasanayan ko kaninuman. Itinuring ko ang aking mga propesyonal na kasanayan at mga rekurso sa pag-aaral na parang pansarili kong ari-arian para mag-isa kong tamasahin. Gusto ko lang magpakitang-gilas at tugunan ang aking ambisyon at pagnanais na hangaan ng iba. Ni hindi ko isinaalang-alang ang gawain ng iglesia o ang mga layunin ng Diyos. Paanong naiiba ang pag-uugali ko sa isang anticristo? Tila isa talaga itong mapanganib na kalagayan, kaya’t nagdasal ako sa puso ko, “O Diyos! Ayaw kong patuloy na balewalain ang konsensiya ko at isipin lang ang aking mga interes. Handa na po akong magsisi, na ituro sa lahat ang mga kasanayan ko, at gawin nang maayos ang tungkulin ko.”

Pagkatapos ay nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Kung hindi nauunawaan ng mga tao ang katotohanan, wala nang iba pang mas mahirap talikuran para sa kanila kaysa sa sarili nilang mga interes. Iyon ay dahil ang mga pilosopiya nila sa buhay ay ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba’ at ‘Ang tao ay namamatay para sa kayamanan, gaya ng mga ibon para sa pagkain.’ Malinaw na nabubuhay lamang sila para sa kanilang sariling mga interes. Iniisip ng mga tao na kung wala silang sariling mga interes o kung mawawala ang mga ito, hindi sila mananatiling buhay, na para bang ang kanilang pananatiling buhay ay nakasalalay sa kanilang sariling mga interes. Kaya karamihan sa mga tao ay bulag sa lahat maliban sa kanilang sariling mga interes. Nakikita nila ang kanilang mga interes bilang nakahihigit sa lahat ng iba pa, at nabubuhay sila para lamang sa kanilang sariling mga interes. Hindi sila kikilos maliban sa kung may mapapala sila sa isang bagay, at ang paghiling sa kanila na isuko ang kanilang sariling mga interes ay parang paghiling sa kanila na isuko ang sarili nilang buhay. Kaya, paano nga ba magagawang bitiwan ng mga tao ang kanilang mga interes? Dapat nilang tanggapin ang katotohanan. Tanging kapag nauunawaan nila ang katotohanan nila makikilatis ang diwa ng pansariling interes at malinaw na makikilala na ang paghahangad sa sariling interes ay salungat sa paghahangad sa katotohanan, at hindi kailanman magbibigay-daan sa isang tao na magkamit ng katotohanan at buhay o magtamo ng kaligtasan; saka lamang sila matututong tumalikod at maghimagsik laban sa pansariling interes, at magagawang isuko ang kanilang minamahal. At kapag isinuko mo nga ang iyong minamahal at tinalikuran ang iyong sariling mga interes, makakaramdam ka ng higit na kapanatagan at kapayapaan sa iyong puso, at sa paggawa nito ay napagtagumpayan mo ang laman. Ipagpalagay na kumakapit ka sa iyong mga interes at tumatanggi kang isuko ang mga ito, hindi mo tinatanggap ang katotohanan kahit kaunti, at sa loob-loob mo ay sinasabi mong, ‘Gusto kong makinabang at hindi kailanman malugi—ano ang mali roon? Hindi naman ako pinarusahan ng Diyos, at ano ba ang magagawa ng mga tao sa akin?’ Walang sinumang makagagawa ng anumang bagay sa iyo, pero sa ganitong pananalig sa Diyos, mabibigo ka sa huli na matamo ang katotohanan at ang buhay. Magiging isang napakalaking kawalan ito para sa iyo—hindi ka makapagtatamo ng kaligtasan. May mas matindi pa bang panghihinayang? Ito ang kasasapitan sa huli ng paghahangad mo para sa sarili mong mga interes. Kung kasikatan, pakinabang, katayuan, at sariling mga interes lamang ang hinahangad ng mga tao, hindi nila kailanman matatamo ang katotohanan at ang buhay, at sila ang magdurusa ng kawalan sa huli. Inililigtas ng Diyos ang mga naghahangad sa katotohanan. Kung hindi mo tatanggapin ang katotohanan, at kung wala kang kakayahang pagnilay-nilayan at kilalanin ang sarili mong mga tiwaling disposisyon, hindi ka tunay na magsisisi, at hindi ka magkakaroon ng buhay pagpasok. Ang pagtanggap sa katotohanan at pagkilala sa iyong sarili ang landas tungo sa pag-unlad sa buhay at pagtatamo ng kaligtasan; ito ang pagkakataon para sa iyo na lumapit sa harapan ng Diyos at matanggap ang Kanyang masusing pagsisiyasat, paghatol, at pagkastigo, at matamo ang katotohanan at ang buhay. Kung susukuan mo ang paghahangad sa katotohanan alang-alang sa paghahangad ng reputasyon, katayuan, at sarili mong mga interes, katumbas lang ito ng pagsuko sa oportunidad na matanggap ang paghatol at pagkastigo ng Diyos at na matamo ang kaligtasan. Pinipili mo ang katanyagan, pakinabang, at katayuan at ang sarili mong mga interes, pero ang isinusuko mo naman ay ang katotohanan, at ang nawawala sa iyo ay ang buhay, at ang pagkakataong maligtas. Ano ang mas mahalaga? Kung pipiliin mo ang sarili mong mga interes at isusuko mo ang katotohanan, hindi ba’t kahangalan ito? Sa payak na pananalita, isa itong malaking kawalan para sa isang maliit na pakinabang. Ang kasikatan, pakinabang, katayuan, pera, at pansariling interes ay pawang pansamantala lamang, nawawala ang mga ito tulad ng usok, samantalang ang katotohanan at ang buhay ay walang hanggan at hindi nagbabago. Kung lulutasin ng mga tao ang kanilang mga tiwaling disposisyon na nagsasanhi na hangarin nila ang katanyagan, pakinabang, at katayuan, may pag-asa silang magtamo ng kaligtasan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pag-unawa sa Disposisyon ng Isang Tao ang Pundasyon ng Pagbabago Nito). Nakita ko mula sa mga salita ng Diyos na kung lagi akong kakapit sa sarili kong mga interes at lubusang magpapabaya sa pagsasagawa ng katotohanan, ako ang magdurusa ng kawalan, hindi ang ibang tao. Mawawalan ako ng pagkakataong makamit ang katotohanan, kaya magiging napakahangal ko. Noon, namuhay ako ayon sa mga satanikong pilosopiya. Naniwala ako na “Kapag itinuro ng maestro sa isang estudyante ang lahat ng kanyang nalalaman, mawawalan ng kabuhayan ang guro,” iniisip na sa pamamagitan ng pagtuturo sa iba ng nalalaman ko, madedehado ako. Kung mabilis silang matuto, at sa huli ay mas maraming matamo kaysa sa akin, hindi ako magkakaroon ng anumang espesyal na katayuan sa mga tao. Noon ko lang nakita na isa iyong satanikong maling paniniwala at mapanlinlang na pagharap sa mga bagay-bagay. Ang pamumuhay nang ganoon ay ginagawa lang akong higit na makasarili, mapanlinlang, at walang pagkatao. Sa huli ay ibubunyag at ititiwalag ako ng Diyos. Kailangan kong isantabi ang sarili kong mga interes at ituro sa iba ang nalalaman ko. Iyon lang ang naaayon sa layunin ng Diyos at tutupad sa mga responsabilidad ko. Iyon ang paraan para maging mapayapa ang puso ko. At saka, kapag nakakabuo ng mga bagong ideya ang mga kapatid mula sa naituro ko sa kanila, maaaring mas huhusay ang mga kasanayan ko dahil dito. Hindi iyon kawalan. Ayaw kong patuloy na mamuhay nang napakamakasarili, at sa tuwing mayroon akong magandang pamamaraan o kasanayan, ikinagagalak kong sabihin ito sa lahat.

Isang araw, tinanong ako ng isang sister kung paano mapapabuti ang kahusayan sa gawain. Naisip ko na kung ibabahagi ko sa kanya ang mga pamamaraan ng aming grupo at mas gumaling ang grupo niya, magmumukha kaming mas mahina. Tapos, ano ang iisipin ng mga tao sa akin? Nang sandaling iyon, naalala ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Kung magagawa mong tuparin ang iyong mga responsabilidad; tuparin ang iyong mga obligasyon at tungkulin; isantabi ang iyong mga makasariling pagnanais, intensiyon, at motibo; magpakita ng pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos; at unahin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, ang gawain ng iglesia, at ang tungkuling dapat mong gampanan, kung gayon, pagkatapos dumanas nang ganito sa loob ng ilang panahon, mararamdaman mo na ang pag-asal sa ganitong paraan ay mabuti, na dapat mamuhay ang mga tao sa isang matapat at hayag na paraan, at na hindi sila dapat mamuhay nang walang paninindigan, marumi, at mababang-uri, kundi sa halip ay dapat silang maging marangal at makatarungan. Mararamdaman mo na ito ang wangis na dapat isabuhay ng isang tao. Unti-unti, mababawasan ang pagnanais mong bigyang-kasiyahan ang sarili mong mga interes(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling mga Tiwaling Disposisyon). Lumapit ang sister na iyon para magtanong kung paano pagbutihin ang kanyang kahusayan dahil iniisip niya ang gawain ng iglesia. Kailangan kong ihinto ang pag-iisip tungkol sa sarili kong reputasyon at katayuan, isaalang-alang ang mga interes ng iglesia, bitiwan ang aking mga makasariling hangarin at motibo, at tulungan ang iba. Kaya, sinabi ko sa sister ang lahat ng nalalaman ko. Napayapa ang pakiramdam ko nang gawin ko iyon. Sa gulat ko, binigyan din niya ako ng ilang magagandang materyal sa pag-aaral, na nakatulong sa akin na mapabuti ang aking mga kasanayan. Sobra akong naantig na hindi ko alam ang sasabihin ko. Paulit-ulit lang akong nagpapasalamat sa Diyos sa puso ko. Ang matutong bitiwan nang paunti-unti ang pansarili kong mga interes ay nagbigay-daan sa akin na matikman ang tamis ng pagsasagawa ng katotohanan. Pagkatapos niyon, ipinadala ko sa iba ang lahat ng materyal sa pag-aaral at mga kapaki-pakinabang na kasanayan at pamamaraan na nakolekta ko bilang sanggunian.

Ipinakita sa akin ng karanasang ito kung gaano ako kalubhang ginawang tiwali ni Satanas. Ang mga pansarili kong interes ang pinakamahalaga sa lahat, at hindi ko inisip ang gawain ng iglesia. Nagbunyag ako ng disposisyon na tulad sa isang anticristo, pero hindi ako pinakitunguhan ng Diyos ayon sa aking mga paglabag. Paulit-ulit Siyang nagsaayos ng mga sitwasyon para linisin at baguhin ako. Ito ang pagmamahal ng Diyos. Naranasan ko rin ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Noong nabubuhay ako ayon sa tiwaling disposisyon ko, nakikipagpaligsahan para sa kasikatan at pakinabang at hindi pinoprotektahan ang gawain ng iglesia, itinago ng Diyos ang Kanyang mukha sa akin, at hindi ako makausad sa lahat ng ginawa ko. Nang isagawa ko ang mga salita ng Diyos, itinuwid ang aking mga motibo, itinaguyod ang gawain ng iglesia, at ibinahagi sa lahat ang kaalamang taglay ko, nagsimulang makipagpalitan ng mga kasanayan at pamamaraan ang lahat, at napabuti ang gawain ng video ng grupo namin. Talagang naranasan ko ang kapayapaang iyon na nagmumula sa pagkilos ayon sa mga salita ng Diyos. Minsan naiisip ko pa rin ang mga sarili kong interes sa harap ng mga problema, pero alam ko nang manalig sa Diyos at maghimagsik laban sa aking sarili. Salamat sa Diyos sa Kanyang pagliligtas!

Sinundan: 82. Ang Pasakit ng Pagsisinungaling

Sumunod: 84. Kaya Bang Magbukas ng Pinto ng Kaharian ng Langit ang Masigasig na Gawa?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito