40. Gamot Para sa Inggit

Ni Xunqiu, Tsina

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang laman ng tao ay kay Satanas, ito ay puno ng mga masuwaying disposisyon, nakakahiya ang karumihan nito, at ito ay isang bagay na hindi malinis. Masyadong nag-iimbot ang mga tao sa kasiyahan ng laman at napakaraming pagpapakita ng laman; ito ang dahilan kaya medyo kinasusuklaman ng Diyos ang laman ng tao. Kapag itinakwil ng mga tao ang marumi at tiwaling mga bagay ni Satanas, nakakamit nila ang pagliligtas ng Diyos. Ngunit kung hindi pa rin nila inaalis sa kanilang sarili ang karumihan at katiwalian, nabubuhay pa rin sila sa ilalim ng sakop ni Satanas. Ang pakikipagsabwatan, panlilinlang, at kabuktutan ng mga tao ay pawang mga bagay ni Satanas. Ang pagliligtas sa iyo ng Diyos ay upang palayain ka mula sa mga bagay na ito ni Satanas. Ang gawain ng Diyos ay hindi maaaring magkamali; lahat ay ginagawa upang iligtas ang mga tao mula sa kadiliman. Kung medyo naniwala ka na at magagawa mong alisin sa iyong sarili ang katiwalian ng laman, at hindi na nababalot ng katiwaliang ito, hindi ba naligtas ka na? Kung nabubuhay ka sa ilalim ng sakop ni Satanas wala kang kakayahang maipahayag ang Diyos, ikaw ay marumi, at hindi mo matatanggap ang pamana ng Diyos. Kapag nalinis at nagawa ka nang perpekto, ikaw ay magiging banal, magiging isa kang normal na tao, at pagpapalain ka ng Diyos at magiging kalugud-lugod ka sa Kanya(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 2). Napagtanto ko sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos na may pakikibaka tayo sa inggit at mga alitan sa pagitan ng tao dahil tayo ay ginawang tiwali ni Satanas, at lahat tayo ay nabubuhay sa ating mapanlinlang at masasamang mala-demonyong disposisyon at lubhang makasarili. May panahon na ako ay namuhay sa isang naiinggit na katayuan, palaging nagbabalak laban sa ibang mga tao at nagsisikap para sa pangalan at pakinabang. Ito’y mahirap na paraan ng pamumuhay, pero sadyang hindi ko kayang mapalaya ang aking sarili. Lahat ito ay utang na loob ko sa paghatol at pagkastigo ng Diyos na ako ay maaaring bahagyang magbago at makatakas sa paghihirap na iyon.

Hunyo 2017 noon nang mabigyan ako ng tungkulin bilang pinuno ng grupo sa simbahan na responsable sa buhay-simbahan para sa ilang mga lugar ng pagtitipon. Talagang masaya akong magkaroon ng gayong tungkulin at naramdaman ko na itinataas ako ng Diyos, na kinailangan kong gawin ito nang maayos para masuklian ang pagmamahal ng Diyos. Matapos iyon, naging labis akong aktibo sa pagbabahagi sa mga pagtitipon, at kapag nakita ko na ang mga kapatid ay humaharap sa kahirapan, o nasa mahirap na kalagayan, maghahanap ako ng mga salita ng Diyos upang ibahagi at sagutin ang mga suliranin. Ganap akong tinanggap ng iba kalaunan at sinabi na kaya kong lutasin ang mga praktikal na isyu sa pamamagitan ng pagbabahagi sa mga pagtitipon, na ako ay naging responsable sa aking tungkulin at naging mapagmahal sa mga kapatid. Talagang nalugod ako sa aking sarili nang marinig ko ito.

Hindi nagtagal, narinig ko na magkakaroon ng eleksyon para sa isang lider ng simbahan at naisip ko, “Mataas ang tingin sa akin ng lahat, kaya maaring palarin ako rito. Kapag nahalal ako, ang mga kapatid ay talagang lalo pang hahanga sa akin.” Pareho kaming nominado ni Sister Yang matapos ang isang botohan. Medyo natakot ako nang makita ko na tumanggap siya ng bahagyang mas maraming boto kaysa sa akin. Naisip ko, “Responsable ako sa aking tungkulin at kaya kong gawin ang mga praktikal na gawain. Paano siya nagkaroon ng mas maraming boto kaysa sa akin?” Pero naisip ko, “Nominasyon lang ang mga ito at hindi pa ang huling botohan. May pag-asa pa ako. Kailangan kong magkaroon ng katotohanan sa aking sarili ngayon at mas tulungan ang iba na lutasin ang kanilang paghihirap sa pagpasok sa buhay para makita nilang lahat na hindi siya lamang sa akin, at siguradong mahahalal ako!” Naisip ko ang isang isyu na nabanggit ni Sister Wang noong huling pagtitipon na hindi pa nalulutas, kaya nagmadali akong maghanda ng ilang mga nauugnay na mga salita ng Diyos upang ibahagi sa kanya sa susunod. Nang dumating ang araw ng pagtitipon, pumunta ako sa lugar ng aming pulong, ngunit sa sandaling pumasok ako, nakita ko si Sister Yang na nagbabahagi kay Sister Wang. Talagang hindi ako natuwa. Naisip ko, “Pumunta ako ngayon para magbahagi sa kanya upang malutas ang kanyang isyu at nauna mo itong nasunggaban! Kung naayos mo na ito, paano ko maipapakita ang kaya kong gawin?” Gaya ng inaasahan, napangiti si Sister Wang matapos ang pagbabahagi ni Sister Yang, at lahat ng ibang mga kapatid ay tumango nang may pag-sang-ayon. Talagang hindi ako natuwa na makita ito. Nainggit ako kay Sister Yang, na iniisip na ninakaw niya sa akin ang aking katanyagan. Naisip ko, “Bago ka sumali sa pagtitipong ito, gusto ng lahat na marinig ang aking pagbabahagi. Pero ngayon, lahat ay hinahangaan ka at walang pakialam sa akin.” Lahat ay masayang nakisali sa pagbabahagi sa sandaling iyon, pero hindi ko matanggap ang anuman dito at hindi makapaghintay na makaalis.

Pag-uwi ko, malungkot akong naupo sa aking kama, mas nabubugnot habang mas dinidibdib ko ito. Naisip ko, “Kapag nagpatuloy ito, ang tsansa kong maging isang pinuno ay talagang magiging maliit. Hindi puwede, kailangan kong maging mas maagap sa pagbabahagi. Talagang hindi na ako maaaring magpatalo sa kanya.” Kalauna’y napansin kong nababalisa si Sister Xiang dahil sa malupit na pag-uusig ng CCP at mukhang napipigilan sa kanyang tungkulin, kaya agad akong naghanap ng mga salita ng Diyos para ibahagi sa kanya bago ang pagtitipon. Maaga akong dumating sa lugar ng pagtitipon kinabukasan, pero sa gulat ko, mas maagang nakarating doon si Sister Yang at nagbabahagi na kay Sister Xiang. Nadismaya ako at naisip ko, “Paano mo nagawa ulit ito? Kailangan kong makita kung anong uri ng liwanag mayroon ang pagbabahagi mo. Hindi ako basta naniniwala na masasaklawan nito ang lahat ng bagay.” Hindi kumbinsido, naupo ako sa tabi nila para marinig kung ano ang sasabihin niya. Habang nakikinig ako, natuklasan ko na nagbahagi si Sister Yang ng ilang mga landas ng pagsasagawa na naaayon sa mga salita ng Diyos, pero hindi niya nabanggit ang ugat ng kahinaan at pagiging negatibo ni Sister Xiang. Naisip ko, “Kailangan kong samantalahin ang pagkakataong ito upang ibahagi ang sarili kong pagkaunawa at maliitin ang kakayahan ni Sister Yang.” Sa sandaling ito, nagmadali akong magbahagi, na sinasabing “Sister, hindi sapat ang pagkakaroon ng landas ng pagsasagawa para malutas ang negatibong kalagayan. Kailangan din nating magkaroon ng pagkaunawa ng katotohanang ukol sa kung paanong ginagamit ng Diyos ang malaking pulang dragon bilang hambingan upang gawing perpekto ang mga taong hinirang Niya. Tanging sa pagkaunawa ng gawain, pagiging makapangyarihan, at karunungan ng Diyos tayo maaaring makawala mula sa negatibong kalagayan. Sama-sama nating basahin ang ilan sa mga salita ng Diyos.” Habang tumatango si Sister Xiang, palihim kong sinulyapan si Sister Yang at nakita kong nag-aalangan siyang umuupo sa gilid. Naramdaman ko na parang nanalo ako sa isang laban, at naisip ko, “Makikita ng lahat kung kaninong pagbabahagi ang talagang epektibo kapag naghahambing sila. Maaari na uli akong magmataas, at napatunayan nito na hindi naman ako ganoon kasama.” Matapos iyon ay naging mas aktibo ako sa aking tungkulin. Sa sandaling naririnig ko na may nasa masamang kalagayan o humaharap sa kahirapan, wala akong sinasayang na oras sa paghahanap ng mga salita ng Diyos, pagsusulat ng mga tala, at pagkatapos ay pagbabahagi sa kanila. Kapag nakita kong may tumatango, masaya ako, samantalang kapag walang anumang reaksyon, nagiging lubha akong balisa, kapag lalo akong balisa, mas kakaunti ang nauunawaan ko sa kalagayan ng iba o nalulutas na mga problema. Pakiramdam ko ri’y mas lalo akong napapagod, at naisip ko, “Kung ang mga bagay ay magpapatuloy nang ganito, tiyak na sasabihin ng mga kapatid na wala akong realidad ng katotohanan at hindi nila ako ihahalal bilang pinuno.” Lalo na noong nakita kong nagbibigay ng praktikal na pagbabahagi si Sister Yang sa katotohanan na sinang-ayunan ng mga kapatid, Mas lalo pa akong naging balisa. Ang aking inggit at kawalan ng kakayahan kong matanggap ito ang nanaig. Nagsimula akong maghinanakit sa kanya at ni ayaw ko siyang makausap. Namumuhay ako sa ganoong kalagayan ng pakikipaglaban para sa pangalan at pakinabang. Talagang masakit ito para sa akin. Wala akong nakukuhang anumang kaliwanagan mula sa mga salita ng Diyos, at sa panalangin ay iniraraos ko lang. Naramdaman ko na palayo ako nang palayo mula sa Diyos.

Kalaunan, nanalangin ako sa Diyos at hiningi ang Kanyang kaliwanagan, upang maunawaan ko ang aking tiwaling disposisyon at makaalis sa masamang kalagayang iyon. Tanging sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos ako nagkamit ng kaunting pagkaunawa sa aking tiwaling kalagayan. Ito ang sinasabi ng mga iyon: “Takot palagi ang ilang tao na maging mas sikat sa kanila ang iba at mahigitan sila, na nagtatamo ng pagkilala habang sila naman ay kinaliligtaan. Dahil dito, inaatake at ibinubukod nila ang iba. Hindi ba ito isang kaso ng pagkainggit sa mga taong mas may kakayahan kaysa sa kanila? Hindi ba makasarili at nakasusuklam ang ganitong pag-uugali? Anong klaseng disposisyon ito? Masama ito! Sarili lang ang iniisip, sariling mga hangarin lamang ang binibigyang-kasiyahan, walang konsiderasyon sa mga tungkulin ng iba, at iniisip lamang ang sariling mga interes at hindi ang mga interes ng bahay ng Diyos—ang ganitong klaseng mga tao ay may masamang disposisyon, at hindi sila mahal ng Diyos. Kung talagang kaya mong bigyan ng konsiderasyon ang kalooban ng Diyos, magagawa mong tratuhin nang patas ang ibang mga tao. Kung binibigyan mo ng rekomendasyon ang isang tao, at nagkaroon ng talento ang taong iyon, at sa gayo’y nagdadala ka ng isa pang taong may talento sa bahay ng Diyos, hindi ba nagawa mo nang maayos ang iyong gawain? Hindi ba naging tapat ka sa pagganap sa iyong tungkulin? Magandang gawa ito sa harap ng Diyos, at ganitong klaseng konsiyensya at katwiran ang dapat taglayin ng mga tao(“Ipagkaloob ang Iyong Tunay na Puso sa Diyos, at Makakamit Mo ang Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Nakaramdam ako ng hiya matapos basahin ang mga salita ng Diyos at naisip ko ang lahat ng bagay na may inggit, lahat ng pagsisikap para sa pangalan at pakinabang na ginawa ko. Labis ko itong ninasa simula nang marinig kong maghahalal ng pinuno ang iglesia, at noong nakita kong mas maraming nakuhang boto si Sister Yang kaysa sa akin sa nominasyon, nagsimula akong makita siya bilang kalaban ko, tahimik na nakikipaglaban at nakikipagpaligsahan sa kanya. Nang makita ko siyang lutasin ang mga problema ng mga kapatid sa pamamagitan ng pagbabahagi ng katotohanan, nainggit ako. Akala ko inagaw niya ang katanyagan ko, na nanganganib ang tsansa ko sa pagiging pinuno dahil sa kanya. Sikreto akong nakipagpalisahan sa kanya, hinahanapan ng mali at pinupuna ang kanyang pagbabahagi. Patago ko siyang minaliit habang inaangat ang sarili ko, at pinipigilan ko ang pagiging positibo niya sa kanyang tungkulin. Nang makita konghindi ako mananalo, naghinanakit ako sa kanya at ni ayaw ko siyang pansinin. Nagsikap ako para sa pangalan at pakinabang at may inggit ako sa aking tungkulin. Nagalit ako sa kanya at isinantabi siya. Wala akong ibang ibinunyag kundi ang satanikong disposisyon. Naging masyado akong makasarili, kasuklam-suklam at masama! Ibinabatay ko ang aking buhay sa mga satanikong disposisyon, hindi ko lang sinasaktan ang iba, kundi nabubuhay ako sa galit at hinanakit. Ipinaalala nito sa akin si Zhou Yu sa Ang Pagmamahalan ng Tatlong Kaharian. Makitid ang isip niya, laging naiinggit kay Zhuge Liang, at bago ang kanyang kamatayan sinabi niya, “Mula nang isinilang si Yu, ano pa’ng silbi ni Liang?” Namatay siya sa galit. Hindi ba’t iyon ang mga teribleng kahihinatnan ng inggit? Napagtanto ko na pareho kami, na nainggit ako sa pagsisikap ko na magkamit ng katayuan, na hindi lang nahahadlangan ang sarili kong pagpasok sa buhay, kundi nasasaktan ko pa ang iba. Talagang kulang ako sa pagkatao. Nakakamuhi at nakakapoot ito sa Diyos. Sa katunayan, isinaayos ng Diyos na makasama ko ang isang taong mas mataas ang kakayahan, umaasa na matuto ako sa kanyang mga kalakasan upang mapabuti ko ang mga kahinaan ko. Pero lumaban lang ako at nagkumpara. Wala akong napala sa huli at labis na nasaktan. Napakahangal ko. Isa pa, katotohanan ang naghahari sa bahay ng Diyos, at may mga prinsipyo para sa pagpili ng mga lider. Kahit paano, mga tao sila na may mabuting pagkatao na kayang tanggapin at isagawa ang katotohanan, pero lagi akong naiinggit, nakikipagpaligsahan para sa pangalan at pakinabang, at hindi nagsasakabuhayan ng anumang pagkatao. Ginagawa ako noong hindi karapat-dapat sa pamumuno. Alam ko na kailangan kong itigil ang pakikipaglaban, na tumuon sa pagsasagawa ng katotohanan at mabuhay ayon sa mga salita ng Diyos. Iyon ang tanging tamang landas. Talagang gumaan ang loob ko pagkatapos kong tanggapin ang lahat ng iyon.

Ipinanalangin ko ito sa araw ng halalan: “O, Diyos! Anuman ang maging resulta, nakahanda akong sundin Ka, at boboto ako nang patas.” Pero nagdalawang-isip pa rin ako nang dumating na ang oras ng pagboto. Naisip ko, “Kapag ibinoto ko si Sister Yang at siya ang napili sa huli, anong iisipin ng iba sa akin? Tiyak na sasabihin nila na hindi kami magkapantay.” Ang mga salitang ito ng Diyos ang naisip ko noon: “Kailangan mong matuto na hayaan at isantabi ang mga bagay na ito, na irekomenda ang iba, at tulutan silang mamukod-tangi. Huwag kang magpumilit o magmadaling manamantala sa sandaling magkaroon ka ng pagkakataong mamukod-tangi o mapuri. Kailangan mong matuto na pagbigyan ang iba, ngunit huwag mong ipagpaliban ang pagsasagawa ng iyong tungkulin. Maging isang taong nagtatrabaho nang patago, at hindi nagpapasikat sa iba habang matapat mong ginagampanan ang iyong tungkulin. Kapag lalo mong binitiwan ang iyong kasikatan at katayuan, lalo mong bibitiwan ang sarili mong mga interes, mas mapapayapa ka, at magkakaroon ng mas malaking puwang sa iyong puso at bubuti ang lagay mo(“Ipagkaloob ang Iyong Tunay na Puso sa Diyos, at Makakamit Mo ang Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Dahil doon, naisip ko, “Kailangan kong isagawa ang mga salita ng Diyos. Hindi ako puwedeng manatiling nabubuhay para sa aking katanyagan at katayuan.” Inisip ko ang tungkol sa pagkakaroon ni Sister Yang ng mahusay na kakayahan at sa kanyang praktikal na pagbabahagi, kaya makikinabang ang iglesia kung siya ang magiging pinuno pati ang pagpasok sa buhay ng mga kapatid. Kailangan kong isagawa ang katotohanan at itaguyod ang mga interes ng iglesia. Kung kaya’t siya ang ibinoto ko. Siya ang ibinoto na maging lider at naging napaka-kalmado at mapayapa ko rito. Naramdaman ko na sa wakas, naisagawa ko ang katotohanan. Salamat sa Diyos!

Kalaunan, noong Abril 2018, Napili ako para sa tungkulin ng pagiging lider ng simbahan, katrabaho ko ang ilang kapatid na responsable sa mga gawain ng iglesia. Sa umpisa, tinalakay namin ang lahat ng mga gawain ng iglesia at talagang maayos na nagtulungan. Pero sa kalaunan, napansin ko na si Sister Li, na nangangasiwa ng aming gawain ng pagsusulat ay mahusay ang kakayahan at mabilis matuto ng mga bagay. Nakaliliwanag at nagpapatibay ang kanyang pagbabahagi sa iba. Talagang hinangaan ko siya pero nakadama ako ng kaunting inggit. Sinimulan kong naising mapasama sa gawaing saklaw niya, nagnanais na matuto ng mas maraming kasanayan at prinsipyo upang hindi niya ako mapag-iwanan. Isang araw natanggap ko ang isang sulat mula sa aming lider sinasabing kailangan nila ng taong tatanggap ng gawain sa isang iglesia sa ibang lugar at tinatanong kung nababagay ba si Sister Li. Nagtanong siya kung puwede akong mangolekta ng ilang ebalwasyon ukol sa kanya. Biglang sumiklab ang inggit ko, at naisip ko, “Gusto nilang linangin si Sister Li. Mahusay ang kakayahan niya at mabilis siyang matuto, pero hindi pa siya matagal na mananampalataya at mababaw pa ang kanyang pagpasok sa buhay. Sa anong paraan hindi kami magkapantay? Bakit hindi ako ang ipadala? Kapag tinanggap ni Sister Li ang tungkuling iyon, ano ang iisipin ng iba sa akin? Tiyak na sasabihin nila na mas magaling siya sa akin.” Lalo akong hindi naging komportable sa mga kaisipang ito, at ni hindi ko siya pinansin noong makita ko siya pagkatapos noon. Ang makita ako sa ganoong asal ay pumipigil sa kanya at tumigil siyang talakayin sa akin ang mga bagay gaya nang dati. Pagkalipas ng ilang araw, nakuha ko ang mga ebalwasyon ng mga kapatid kay Sister Li, at talagang nainggit ako nang makita ko na positibo ang lahat ng ito, mag maganda kaysa sa mga ebalwasyon nila sa akin. Isa akong lider, pero ni hindi ako makapantay sa isang katrabaho. Kahiya-hiya ako! Lalo akong hindi naging komportable nang maisip ko ang tungkol dito. Tiniyak kong masabihan ang isang sister, “Ano itong ebalwasyon mo? Wala kang anumang pagkaunawa. Gumaling na si Sister Li, pero ang kanyang pagpasok sa buhay ay mababaw. Pinalabas mong napakagaling niya, pero kapag napunta siya sa ibang iglesia at naantala ang kanilang gawain dahil hindi niya kayang gawin ang praktikal na gawain, makakagawa ka ng masama!” Nang marinig ito mula sa akin, natakot nang bahagya ang sister. Sinabi niya na isinulat niya iyon batay sa mga tunay na pangyayari, pero hindi niya naisip ang lahat, at muli niya itong sinuri. Kahit nagawa ko ang gusto kong gawin, hindi ko kayang maging masaya. Lalo na nang makita ko si Sister Li, nakonsensya ako, at talagang naramdaman kong may kasalanan ako. Nakagawa ako ng masama, kahiya-hiya, at hindi ko siya tinangkang tingnan sa mata. Nang makitang mukha akong hindi maayos, lumapit siya at nag-aalalang sinabi, “May problema ba?” Mas lalo akong nakonsensya nang marinig kong sabihin niya iyon, kaya’t pautal kong sinabi, “O-oo,” at tumakbo ako sa kabilang kuwarto at lumuhod upang manalangin sa Diyos. Sinabi ko, “O, Diyos, labis akong hindi makatwiran. Nainggit ako kay Sister Li noong makita ko ang mga ebalwasyon ng lahat at siniraan ko pa siya sa kanyang likuran. O, Diyos ko, alam ko po na kinapopootan Mo ang ganitong uri ng bagay, pero nakatali ako sa aking tiwaling disposisyon. Hindi ko kayang pigilan ang sarili ko. O, Diyos ko, pakiusap liwanagan Mo ako upang tunay kong makilala ang aking sarili at itigil ang pamumuhay sa aking tiwaling disposisyon.” Mas kalmado na ako pagkatapos ng aking panalangin, binuksan ko ang aking computer at nagbasa ng ilang sipi ng mga salita ng Diyos.

Sabi ng Diyos, “Kung may nakikita ang ilang tao na sinumang mas magaling kaysa sa kanila, sinasawata nila ang mga ito, nagpapasimula sila ng tsismis tungkol sa mga ito, o gumagamit sila ng ilang nakakahiyang paraan para hindi hangaan ng ibang tao ang mga ito, at na walang taong mas mahusay kaysa iba, sa gayo’y ito ang tiwaling disposisyon ng kayabangan at pagmamagaling, gayundin ng kabuktutan, panloloko at katusuhan, at walang makakapigil sa mga taong ito na makamtan ang kanilang mga layon. Ganito ang buhay nila subalit iniisip pa rin nila na malalaking tao at mabubuting tao sila. Gayunman, may takot ba sila sa Diyos? Una sa lahat, para magsalita mula sa pananaw ng likas na mga katangian ng mga bagay na ito, hindi ba ginagawa lamang ng mga taong ganitong kumilos ang gusto nila? Isinasaalang-alang ba nila ang mga interes ng pamilya ng Diyos? Iniisip lamang nila ang sarili nilang damdamin at nais lamang nilang makamtan ang sarili nilang mga layon, anuman ang mawala sa gawain ng pamilya ng Diyos. Hindi lamang mayabang at mapagmagaling ang ganitong mga tao, makasarili rin sila at nakakamuhi; wala talaga silang pakialam sa intensyon ng Diyos, at ang ganitong mga tao, walang duda, ay walang takot sa Diyos. Kaya nga ginagawa nila ang anumang gusto nila at kumikilos sila nang walang-ingat, nang walang nadaramang anumang pagsisisi, walang anumang pangamba, walang anumang pagkabalisa o pag-aalala, at hindi iniisip ang mga ibubunga nito. Ito ang madalas nilang ginagawa, at kung paano sila palaging kumikilos. Ano ang mga kahihinatnan na hinaharap ng ganitong mga tao? Magkakaproblema sila, hindi ba? Sa mas magaang salita, ang mga gayong tao ay napakamainggitin at may napakalakas na paghahangad para sa pansariling kasikatan at katayuan; sila ay napakamapanlinlang at taksil. Sa mas masakit na pananalita, ang mahalagang problema ay ang mga puso ng gayong mga tao ay wala ni katiting na takot sa Diyos. Hindi sila takot sa Diyos, naniniwala sila na sila ang pinakamahalaga, at itinuturing nila na bawat aspeto ng kanilang sarili ay mas mataas kaysa sa Diyos at mas mataas kaysa sa katotohanan. Sa kanilang puso, ang Diyos ang pinaka-hindi nararapat banggitin at pinaka-walang halaga, at wala man lang anumang mataas na katayuan ang Diyos sa kanilang puso. Nakapasok na ba sa katotohanan yaong mga walang lugar sa puso nila para sa Diyos, at hindi nagpipitagan sa Diyos? (Hindi.) Kaya, kapag karaniwan ay masaya silang kumikilos at pinananatiling abala ang kanilang sarili at gumugugol ng matinding lakas, ano ang ginagawa nila? Sinasabi pa ng mga taong ito na tinalikuran na nila ang lahat upang gumugol para sa Diyos at nagdusa na sila nang malaki, ngunit ang totoo, ang motibo, prinsipyo, at layunin ng lahat ng kilos nila ay para makinabang sila mismo; sinusubukan lang nilang protektahan ang lahat ng sarili nilang interes. Masasabi ba ninyo o hindi na masama ang ganitong uri ng tao? Anong uri ng tao ang masasabi ninyong hindi nagpipitagan sa Diyos? Mayabang ba siya? Ang ganitong tao ba ay si Satanas? Anong uri ng mga bagay ang hindi nagpipitagan sa Diyos? Bukod sa mga hayop, kasama sa lahat ng hindi nagpipitagan sa Diyos ang mga demonyo, si Satanas, ang arkanghel, at yaong mga nakikipaglaban sa Diyos(“Ang Limang Kinakailangang Kalagayan Upang Mapunta sa Tamang Landas ng Pananampalataya ng Isang Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). “Nagmumula ang tiwaling disposisyon ng tao sa pagkalason at pagyurak sa kanya ni Satanas, mula sa napakalaking pinsalang idinulot ni Satanas sa kanyang pag-iisip, moralidad, kaunawaan, at katinuan. Sumasalungat ang tao sa Diyos at hindi nauunawaan ang katotohanan dahil mismo nagawa nang tiwali ni Satanas ang mga pangunahing bagay ng tao, at lubhang hindi na katulad ng orihinal na pagkakalikha ng Diyos sa kanila(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos).

Labis na sumama ang loob ko at nadismaya dahil sa mga salita ng Diyos. Hindi ba’t eksaktong ibinunyag Niya ang aking kalagayan? Nainggit ako at nagkaroon ng masamang palagay noong gustong linangin ng lider si Sister Li at siniraan at hinusgahan ko pa siya sa mga kasuklam-suklam na paraan. Inisip ko ang lahat para mahadlangan siyang makuha ang tungkuling iyon nang hindi man lang iniisip ang mga interes ng iglesia. Ginawa ko ang gusto ko upang makuha ang nais ko. Ako’y naging mayabang, di-makatuwiran, at walang paggalang sa Diyos. Umaasa ang Diyos na mas maraming tao ang magsasaalang-alang sa Kanyang kalooban at gagawin ang kanilang mga tungkulin. Alam na alam ko na may mahusay na kakayahan si Sister Li at nakatuon siya sa paghahanap ng katotohanan, kaya sa mas maraming pagkakataon ng pagsasanay, ang kanyang pagpasok sa buhay at mga kasanayan ay lalago, at iyon ay pakikinabangan ng gawain ng iglesia. Pero pinigilan ko siya, sinisikap na protektahan ang sarili kong katanyagan at katayuan, gumagamit pa nga ng mga pailalim na paraan upang hadlangan siyang mailipat sa tungkuling iyon. Hindi ko namamalayan, naging kampon na ako ni Satanas at ginagambala ang gawain ng iglesia. Talagang sinaway ko ang aking sarili. Alam ko na ang inggit ay salungat sa kalooban ng Diyos, pero hindi ko kailanman inisip na itutulak ako nito upang gumawa ng bagay na lubhang hindi makatao, na gagambalain ko ang gawain ng iglesia, gagawa ng kasamaan, at lalaban sa Diyos. Naalala ko ang mga salita ng Diyos: “Nagmumula ang tiwaling disposisyon ng tao sa pagkalason at pagyurak sa kanya ni Satanas.” Naisip ko kung paanong lagi akong naiinggit at hindi ko kayang makita ang sinumang mas magaling sa akin dahil ang pag-iisip at mga pananaw ko ay binaluktot ng mga lason ni Satanas, gaya ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba,” “Ako ang sarili kong panginoon sa buong langit at lupa,” at “Isa lang ang lalaking maaaring manguna.” Nabubuhay sa mga lasong ito, gusto kong makipagtagisan upang manguna sa anumang grupo, iniisip na dapat na mas mataas ako sa iba, at hindi ko kayang tratuhin nang patas ang sinuman kapag sa tingin ko’y mas magaling sila kaysa sa akin. Naiinggit ako at may kinikilingan, tinitingnan sila bilang tinik sa aking dibdib. Kinaiingitan ko, hindi isinasali, at nagagalit ako sa mga tao sa paligid ko na naghahanap ng katotohanan, sinisiraan pa sila nang palihim. Talagang kulang ako sa pagkatao! Palaging gusto ko na itaas ang sarili ko at ibaba ang iba, lumaban, manalo, at hindi ako papatalo kahit kanino. Gusto ko lang magpasikat. Hindi ba’t isa akong buhay na Satanas? Noon ko lang nakita na ang mga satanikong lason at mga patakaran para mabuhay ay naging likas ko na. Ibinatay ko ang aking buhay sa mga iyon, mas nagiging makasarili, mayabang, at masama. Kapag ipinagpatuloy ko ang pagtanggi na magsisi sa Diyos, alam ko na kapopootan at tatanggalin Niya ako. Talagang natakot ako nang mapagtanto ko ang lahat ng ito. Madali akong nanalangin sa Diyos, sinasabi sa Kanya na gusto kong magsisi, na susubukan kong isagawa ang katotohanan mula noon at ititigil ang pamumuhay sa mga satanikong lason na iyon.

Makalipas ang ilang araw, natanggap ko ang isang sulat mula sa lider na sinasabing sa pangkalahatan, mukhang angkop si Sister Li para sa gawain sa ibang iglesia. Naramdaman ko na may napukaw sa loob ko nang mabasa ko ito, pero agad kong napagtanto na iyon ang inggit na kinokontrol muli ako. Agad akong nanalangin sa Diyos at naging handa na talikdan ang aking sarili. Binasa ko ang dalawa pang sipi ng mga salita ng Diyos pagkatapos ng panalangin ko. Sabi ng Diyos, “Kapag ibinunyag mo ang iyong sarili na makasarili at di-marangal, at nagkaroon ng kabatiran nito, dapat mong hanapin ang katotohanan: Ano ang dapat kong gawin upang maging kaayon ng kalooban ng Diyos? Paano ako dapat kumilos upang mapakinabangan ito ng lahat? Ibig sabihin, kailangan mong simulang isantabi ang iyong sariling mga interes, dahan-dahang isuko ang mga ito ayon sa iyong tayog, nang paunti-unti. Matapos mong maranasan ito nang ilang beses, naisantabi mo na ito nang lubusan, at habang ginagawa mo ito, madarama mong mas lalo kang matatag. Kapag lalo mong isinasantabi ang iyong mga interes, lalo mong madarama na bilang isang tao, dapat kang magkaroon ng konsiyensya at katwiran. Madarama mo na kung wala kang mga makasariling motibo, ikaw ay prangka at matuwid na tao, at ginagawa mo ang mga bagay-bagay para lamang palugurin ang Diyos. Madarama mo na ang gayong pag-uugali ay ginagawa kang karapat-dapat na matawag na ‘tao,’ at na sa pamumuhay nang ganito sa lupa, ikaw ay bukas at tapat, ikaw ay isang tunay na tao, mayroon kang malinis na konsyensya, at karapat-dapat ka sa lahat ng bagay na ipinagkaloob sa iyo ng Diyos. Kapag lalo kang namumuhay nang ganito, lalo kang magiging matatag at mas masigla ang pakiramdam mo. Sa gayon, hindi ka ba nakatahak na sa tamang landasin?(“Ipagkaloob ang Iyong Tunay na Puso sa Diyos, at Makakamit Mo ang Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). “Kung talagang kaya mong bigyan ng konsiderasyon ang kalooban ng Diyos, magagawa mong tratuhin nang patas ang ibang mga tao. Kung binibigyan mo ng rekomendasyon ang isang tao, at nagkaroon ng talento ang taong iyon, at sa gayo’y nagdadala ka ng isa pang taong may talento sa bahay ng Diyos, hindi ba nagawa mo nang maayos ang iyong gawain? Hindi ba naging tapat ka sa pagganap sa iyong tungkulin? Magandang gawa ito sa harap ng Diyos, at ganitong klaseng konsiyensya at katwiran ang dapat taglayin ng mga tao(“Ipagkaloob ang Iyong Tunay na Puso sa Diyos, at Makakamit Mo ang Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Malinaw na binalangkas ng mga salita ng Diyos ang isang landas ng pagsasagawa. Dapat kong pabayaan ang sarili kong mga interes at isipin ang mga interes ng bahay ng Diyos. Dapat kong irekomenda ang sinumang mas malakas sa akin sa isang larangan upang magamit ng bawat may kakayahang tao ang kanilang mga kalakasan sa bahay ng Diyos at gampanan ang kanilang bahagi sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian. Tanging ang ganoong uri ng tao ang may pagkatao, at nagsasaalang-alang sa kalooban ng Diyos at kayang itaguyod ang mga interes ng bahay ng Diyos. Nakakamit nila ang pagsang-ayon ng Diyos at iyon ay isang mabuting gawa. Binisita ko si Sister Li nang gabing iyon at tinanong siya kung gusto niyang umalis upang tanggapin ang tungkuling iyon. Sinabi niya na handa siyang gawin ito, pero nag-alala siya na hindi niya magagawa nang maayos dahil bago lang siya sa pananampalataya at ang kanyang tayog ay maliit pa. Matapos marinig ang kanyang pangamba, nagbahagi ako sa kanya ukol sa kalooban ng Diyos, na hinihimok siya na sumandal at tumingin sa Diyos at magtuon sa paghahanap ng mga prinsipyo ng katotohanan sa kanyang tungkulin. Umalis siya para sa kanyang bagong tungkulin makalipas ang ilang araw. Talagang masaya ako, at naramdaman kong ang pagsasagawa ko ng katotohanan at hindi pamumuhay para sa katanyagan o katayuan ang tanging paraan upang mabuhay nang may integridad at dignidad. Lubos na naging payapa ang puso ko.

Kapag binabalikan ko noong nabubuhay ako sa aking tiwaling disposisyon, laging naiinggit, at nakikipaglaban para sa pangalan at katayuan, ginawang tiwali at pinaglaruan ni Satanas, nakikita ko na ito’y napakahirap na paraan ng pamumuhay. Isinaayos ng Diyos ang lahat ng uri ng mga tao, bagay, pangyayari, at kapaligiran upang ibunyag ako, at iligtas ako. Ginamit Niya rin ang Kanyang mga salita upang ibunyag at hatulan ako, at upang diligan at tustusan ako hanggang sa magkaroon ako ng kaunting kaalaman sa aking satanikong kalikasan, at makita ko ang likas at kahihinatnan ng pagkakaroon ng inggit at pakikipaglaban para sa pangalan at pakinabang. Noon ko lang maisasagawa ang bahagyang katotohanan at makakamit ang kaunting konsensya at katinuan. Salamat sa Diyos!

Sinundan: 39. Nagsasabuhay na ng Kawangis ng Tao sa Wakas

Sumunod: 41. Pagpapalit sa Pagkainggit ng Pagpaparaya

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

60. Ang Diyos ay Napakamatuwid

Ni Zhang Lin, JapanNoong Setyembre 2012, ako ang namamahala sa gawain sa iglesia nang makilala ko ang pinuno kong si Yan Zhuo. Nalaman kong...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito