2. Pananampalataya: Ang Pinagmumulan ng Lakas

Ni Randy, Myanmar

Noong nakaraang tag-init, siniyasat ko online ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Nagbahagi ng maraming katotohanan sa akin ang mga kapatid tungkol sa kung paano magbabalik ang Panginoon, kung paano pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang Panginoon, kung paano makikilala ang tunay na Cristo mula sa mga huwad, ang mga misteryo ng 6,000 taong plano pamamahala ng Diyos, at iba pang aspeto ng katotohanan ng pangitain. Nagbasa rin ako ng maraming salita ng Makapangyarihang Diyos. Pagkaraan ng dalawang buwan ng pag-aaral, nakita ko na ang salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan, na ang mga salitang ito ang nagpapaliwanag ng mga misteryo sa Bibliya, at nasiguro ko na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Masaya kong tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Hindi ako makapaghintay na sabihin sa aking pamilya ang mabuting balita tungkol sa pagbabalik ng Panginoon upang dalhin sila sa harap ng Diyos. Pero bago pa ako nagkaroon ng pagkakataong ibahagi sa kanila ang ebanghelyo, ipinaalam sa akin na kailangan kong bumalik sa pagsusundalo.

Hindi naglaon, ibinahagi ko sa asawa at nanay ko ang ebanghelyo sa pamamagitan ng telepono. Isang araw, nag-uusap kami ng asawa ko kung paano sasalubungin ang Panginoon, at tinanong niya ako, “‘Kidlat ng Silanganan’ ba ang pinaniniwalaan mo? Sinasabi ng pastor na inaabandona ng mga taong iyon ang mga pamilya nila. Dapat mo nang talikuran ang pananampalatayang ito.” Nakaramdam ako ng sama ng loob at galit nang marinig ko ang sinabi niya. Sinabi ko sa kanya, “Huwag kang maging hangal. Paanong pikit-mata mo na lang na paniniwalaan ang sinasabi ng pastor? May makatotohanang basehan ba siya para sabihin iyon? Mahigit apat na buwan na akong sumasampalataya sa Makapangyarihang Diyos. Inabandona ba kita? Hindi ko ba pinangangalagaan ang pamilya? Basta ang alam ko, parang hibang na hinuhuli at inuusig ng CCP ang mga mananampalataya, kaya nahihirapan ang marami sa mga kapatid na makauwi, at pinaghihiwa-hiwalay nito ang maraming pamilya ng mga mananampalataya. Paano nababaligtad ng pastor ang mga katotohanan para sabihing ayaw ng mga kapatid ang mga pamilya nila? Pawang kasinungalingan ang mga iyon. Hindi ka dapat pikit-matang nakikinig sa mga tsismis at kasinungalingan nila.” Nagpatuloy ako, nagsasabing, “Ang makatwirang tao ay dapat nagsisiyasat tungkol sa pagparito ng Panginoon at inaalam kung ang mga salitang inihayag ng Makapangyarihang Diyos ay ang tinig ng Diyos. Sinabi rin ng Panginoong Jesus na: ‘Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin(Juan 10:27). Naririnig ng mga tupa ng Diyos ang Kanyang tinig, kaya dapat suriin natin ang anumang bagay tungkol sa pagparito ng Panginoon at pakinggan ang Kanyang tinig upang masalubong natin Siya. Ang mga salita ng Diyos ang katotohanan—makapangyarihan at may awtoridad ang mga ito. Hindi maaaring manggaling sa sinumang tao ang mga ito. Nalaman kong ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus dahil nakita kong ang lahat ng Kanyang salita ay ang katotohanan, na ang mga ito ay ang tinig ng Diyos.” Pero talagang hindi siya nakinig. Ang nagawa ko na lang ay ibaba ang telepono. Makalipas ang dalawang linggo ay tinawagan ko uli siya, pero pinatay niya lang ang telepono niya at ayaw akong sagutin. Tapos noong oras na para sa pagtitipon sa gabi, paulit-ulit niya akong tinawagan. Hindi ako makapagtuon sa pagtitipon o makakuha ng anumang kaliwanagan mula sa mga salita ng Diyos dahil inaabala ako. Hindi ko alam ang gagawin ko, kaya nagdasal ako sa Diyos upang hilingin na gabayan Niya ako sa sitwasyong ito. Matapos magdasal, naisip ko na kahit hindi ko pa nauunawaan ang kalooban ng Diyos sa mga bagay na ito, kailangan kong sumampalataya. Hindi ito dapat maging hadlang sa akin, at kailangan kong pagtuunan ang pagtitipon. Naging mas kalmado ako pagkatapos nito. Isang araw, laking gulat ko nang biglang tumawag ang asawa ko at sinabing, “Bumili ka ng cellphone para makinig sa pangangaral ng Kidlat ng Silanganan, pero may sakit ang anak natin ngayon at wala na tayong natitirang pera para sa pagpapagamot niya. Dapat mong isipin ang anak natin.” Alam na alam kong sinasabi niya lang iyon dahil ayaw niya akong manalig sa Makapangyarihang Diyos. Sa totoo lang, pwede kaming manghiram ng pera kung kinakailangan, at normal lang sa mga bata ang magkasakit. Magkakasakit at magkakasakit siya mananampalataya man ako o hindi. Gusto ko rin naman kung ano ang pinakamakabubuti sa kanya. Paanong hindi ako maunawaan ng asawa ko sa ganoong paraan? Sobrang nakakadismaya ang makitang ginagamit niyang dahilan ang sakit ng anak namin para pigilan ako sa pananampalataya ko. Bago ako makapagsalita ng anuman, nagpatuloy siya, “Kung ipipilit mong manalig dito, baka hindi na buo ang pamilya natin sa hinaharap.” Nakakadurog ng puso itong marinig sa asawa ko. Gusto ba talaga niyang makipag-diborsiyo kahit na napakabata pa ng anak namin? Sumama ang loob ko at binaba ko na lang ang telepono nang wala nang sinasabi pa. Pero patuloy na bumagabag sa akin ang sinabi niya at hindi ko mapigilang magsimulang magreklamo: Bakit hindi pinrotektahan ng Diyos ang kalusugan ng aming anak at ang magandang samahan ng pamilya namin?

Matagal-tagal ding hindi ko mapakalma ang sarili ko sa harap ng Diyos sa mga pagtitipon at wala akong anumang kaliwanagan sa pagbabahaginan tungkol sa salita ng Diyos. Kaya nagdasal ako sa Diyos: “Diyos ko, hindi po mataas ang tayog ko. Naging negatibo po ako at matamlay mula nang sabihin sa akin ng asawa ko ang mga bagay na iyon. Manatili Ka po sa aking tabi at gabayan Mo po ako para maunawaan ang kalooban Mo.” Noong gabing iyon, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Habang sumasailalim sa mga pagsubok, normal sa mga tao ang manghina, o maging negatibo ang kalooban, o hindi malinawan ang kalooban ng Diyos o ang landas ng kanilang pagsasagawa. Ngunit ano’t anuman, kailangan mong magkaroon ng pananampalataya sa gawain ng Diyos, at huwag itanggi ang Diyos, gaya ni Job. Bagama’t mahina si Job at isinumpa ang araw ng kanyang sariling pagsilang, hindi niya itinanggi na lahat ng bagay sa buhay ng tao ay ipinagkaloob ni Jehova, at na si Jehova rin ang Siyang babawi sa lahat ng ito. Paano man siya sinubok, pinanatili niya ang pananampalatayang ito. Sa iyong karanasan, anumang pagpipino ang pinagdaraanan mo sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, ang hinihingi ng Diyos sa sangkatauhan, sa madaling salita, ay ang kanilang pananampalataya at mapagmahal-sa-Diyos na puso. Ang Kanyang ginagawang perpekto sa pamamagitan ng paggawa sa ganitong paraan ay ang pananampalataya, pagmamahal, at mga hangarin ng mga tao. Ginagawa ng Diyos ang gawain ng pagpeperpekto sa mga tao, at hindi nila ito nakikita, hindi ito nadarama; sa gayong mga sitwasyon, kinakailangan ang iyong pananampalataya. Kinakailangan ang pananampalataya ng mga tao kapag may isang bagay na hindi nakikita ng mata lamang, at kinakailangan ang iyong pananampalataya kapag hindi mo mapakawalan ang iyong sariling mga kuru-kuro. Kapag hindi malinaw sa iyo ang gawain ng Diyos, ang kinakailangan mong gawin ay manampalataya at manindigan at tumayong saksi. Nang umabot si Job sa puntong ito, nagpakita sa kanya ang Diyos at nangusap sa kanya. Ibig sabihin, sa pananampalataya mo lamang makikita ang Diyos, at kapag mayroon kang pananampalataya gagawin kang perpekto ng Diyos. Kung walang pananampalataya, hindi Niya ito magagawa(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos na ang landas ng pananampalataya at pagpasok sa Kanyang kaharian ay hindi madali. Maraming iba’t ibang uri ng paghihirap at pagsubok, at maraming bagay na hindi natin gusto ang mangyayari. Pero kailangan nating pagdaanan ang lahat ng ito para maihayag kung tunay ang pananampalataya natin sa Diyos, at kung kaya nating magbigay ng mataginting na patotoo sa Kanya. Noong tinututulan ng asawa ko sa unang pagkakataon ang pananampalataya ko sa Makapangyarihang Diyos, mayroon akong pananampalataya para patuloy na magpatotoo sa kanya. Pero nang mag-umpisa na siyang magbanta ng diborsiyo at nang magkasakit ang anak namin, hindi ko napigilan na magsimulang magreklamo. Pakiramdam ko ay hindi pinrotektahan ng Diyos ang magandang samahan ng pamilya ko, o inilayo sa sakit ang anak ko. Nakita kong wala akong tunay na pananampalataya sa Diyos. May dalawang bagay na ang kinahinatnan ay hindi ang gusto ko at sinimulan ko nang sisihin ang Diyos—paano ito naging patotoo? Pagkatapos nagsimula akong mapaisip: Bakit ako nawawalan ng pananampalataya sa Diyos sa sandaling may mangyari sa aking pamilya? Bakit hindi ko mapigilang sisihin Siya?

Kalaunan, nagbasa ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos na nagbigay sa akin ng kaunting pagkaunawa sa mga pananaw ko tungkol sa pananampalataya. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ngayon, hindi mo pinaniniwalaan ang mga salitang Aking sinasabi, at hindi mo binibigyang-pansin ang mga iyon; kapag dumating na ang araw para ang gawaing ito ay lumaganap, at nakita mo ang kabuuan nito, magsisisi ka, at sa sandaling yaon ikaw ay matitigilan. Mayroong mga pagpapala, gayunman ay hindi mo alam kung paano magtamasa sa mga yaon, at naroon ang katotohanan, gayunman ay hindi mo ito hinahabol. Hindi ka ba nagdadala ng sumpa sa iyong sarili? Ngayon, bagaman magsisimula pa lamang ang susunod na hakbang sa gawain ng Diyos, walang anumang katangi-tangi tungkol sa mga hinihingi sa iyo at sa kung ano ang ipinasasabuhay sa iyo. Napakalaki ang gawain, at napakarami ang katotohanan; ang mga yaon ba ay hindi karapat-dapat na malaman mo? Hindi ba kayang gisingin ng pagkastigo at paghatol ng Diyos ang iyong espiritu? Hindi ba kaya ng pagkastigo at paghatol ng Diyos na tulutan kang kamuhian ang iyong sarili? Sapat na ba sa iyo na mamuhay sa ilalim ng impluwensya ni Satanas, may kapayapaan at kagalakan, at kaunting makalamang kaginhawahan? Hindi ba’t ikaw ang pinakamababa sa lahat ng tao? Wala nang mas hahangal pa kaysa sa mga yaong nakakita sa kaligtasan ngunit hindi hinangad na makamit ito; sila ay mga taong nagpapakabusog sa laman at nasisiyahan kay Satanas. Umaasa ka na ang iyong pananampalataya sa Diyos ay hindi magsasanhi ng anumang mga hamon o mga kapighatian, o ng kahit katiting na paghihirap. Lagi mong hinahabol ang mga bagay na walang-halaga, at hindi mo pinahahalagahan ang buhay, sa halip ay inuuna mo ang iyong sariling matataas na kaisipan bago ang katotohanan. Ikaw nga ay walang-halaga! … Ang iyong hinahabol ay ang matamo ang kapayapaan pagkatapos na maniwala sa Diyos, upang ang iyong mga anak ay mailayo sa sakit, upang ang iyong asawang lalaki ay magkaroon ng magandang trabaho, upang ang iyong anak na lalaki ay magkaroon ng mabuting asawang babae, upang ang iyong anak na babae ay makatagpo ng disenteng asawang lalaki, upang ang iyong mga baka at mga kabayo ay makapag-araro nang mahusay, upang magkaroon ng isang taon ng magandang panahon para sa iyong mga tanim. Ito ang iyong hinahanap. Ang iyong hinahabol ay para mabuhay lamang nang maginhawa, upang walang mga aksidenteng dumating sa iyong pamilya, upang ang hangin ay lampasan ka lamang, upang ang iyong mukha ay hindi mabahiran ng dumi, upang ang mga tanim ng iyong pamilya ay hindi bahain, upang ikaw ay hindi maapektuhan ng anumang sakuna, upang mabuhay sa pag-iingat ng Diyos, upang mabuhay sa isang maginhawang tirahan. Ang duwag na kagaya mo, na palaging naghahabol sa laman—mayroon ka bang puso, mayroon ka bang espiritu? Hindi ka ba isang hayop? Ibinibigay Ko sa iyo ang tamang daan nang hindi humihingi ng anumang kapalit, gayunman ay hindi ka nagsisikap. Isa ka ba sa mga naniniwala sa Diyos? Ipinagkakaloob Ko ang tunay na buhay ng tao sa iyo, gayunman ay hindi ka nagsisikap. Wala ka bang pagkakaiba sa isang baboy o isang aso? Ang mga baboy ay hindi naghahangad ng buhay ng tao, hindi nila hinahangad na maging malinis, at hindi nila nauunawaan kung ano ang buhay. Bawat araw, pagkatapos nilang kumain nang busog, natutulog na sila. Naibigay Ko na sa iyo ang tamang daan, gayunman ay hindi mo ito nakamtan: Wala kang pag-aari. Payag ka bang magpatuloy sa ganitong buhay, ang buhay ng isang baboy? Ano nga ba ang kahalagahan ng mga gayong tao na nabubuhay? Ang iyong buhay ay kasumpa-sumpa at walang-dangal, nabubuhay ka sa gitna ng karumihan at kahalayan, at hindi ka naghahabol ng anumang layunin; hindi ba’t ang iyong buhay ang pinakahamak sa lahat? Mayroon ka bang lakas ng loob na tumingin sa Diyos? Kung magpapatuloy ka na dumanas nang ganito, hindi ba’t wala kang matatamo? Ang tamang daan ay naibigay na sa iyo, ngunit kung makakamit mo ito sa kasukdulan o hindi ay nakasalalay sa iyong pansariling paghahabol(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol). Nakita ko sa mga salita ng Diyos na mali ang mithiin at mga pananaw ko, na hindi ito upang makamit ang katotohanan, bagkus, ang mga ito ay para maging maayos at ligtas ang aking pamilya, at maging madali ang buhay namin. Gusto ko lang mabuhay sa yakap ng Diyos at matamasa ang Kanyang biyaya. Noong matanggap ko ang Kanyang biyaya, may pananampalataya akong sumunod sa Kanya, pero nang magkaroon ng mga problema sa bahay, at nang magkasakit ang anak ko, sinisi ko ang Diyos dahil hindi Siya nagbigay ng proteksyon. Nawalan ako ng pananampalataya, at pakiramdam ko pa ay ginawan ako ng mali sa nangyari sa akin, parang dapat ay pagpalain ako ng Diyos dahil sa pananampalataya ko, at ilayo ako sa pagdanas ng ganitong mga bagay. Pagkatapos ay napagtanto ko na ang pananampalataya ko ay ganap na nakabatay lang sa pagtanggap ng mga pagpapala at hindi nito kaya ang pagsubok. Ang pagkakaroon ng pananampalataya at pagsamba sa Diyos ay tama at natural. Ito ay gaya ng pagiging mapagmahal ng mga anak sa mga magulang nila—hindi tayo dapat makipagkasunduan sa Diyos. Pero palagi kong sinusubukang makakuha mula sa Diyos at makakuha ng biyaya Niya. Wala akong konsensya o katwiran. Hindi ba ako mismo ang tipo ng tao na tinutukoy ng Diyos—walang puso o espiritu? Paano makaaayon sa Kanyang kalooban ang ganoong uri ng pananampalataya? Sa puntong iyon, nakita kong nangyari ang mga hindi kanais-nais na bagay na ito nang may pahintulot ng Diyos. Ang pagdanas sa lahat ng ito ay naglantad sa mga maling pananaw ko sa pananampalataya, para makapagnilay-nilay ako at makilala ang sarili ko sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, baguhin ang mga maling kaisipan ko, at makamtan ang tunay na pananampalataya sa Diyos. Iyon ang pagpapadalisay at pagliligtas ng Diyos sa akin. Nagkaroon ako ng pananampalataya nang maunawaan ko ang kalooban ng Diyos. Ayaw kong patuloy na pagsumikapang matamo ang katiwasayan, biyaya, at mga pagpapalang pampamilya. Kailangan kong patuloy na dumalo ng mga pagtitipon. Nagpasya ako na kahit anong mangyari sa hinaharap, patuloy kong pagsusumikapan palagi na hanapin ang katotohanan.

Matapos niyon, nagbasa ako ng isa pang sipi ng mga salita ng Diyos sa aking mga debosyonal: “Ano ang tinutukoy ng salitang ‘pananampalataya’? Ang pananampalataya ay ang tunay na paniniwala at tapat na pusong dapat taglayin ng mga tao kapag hindi nila nakikita o nahahawakan ang isang bagay, kapag ang gawain ng Diyos ay hindi naaayon sa mga kuru-kuro ng tao, kapag hindi ito kayang abutin ng tao. Ito ang pananampalatayang binabanggit Ko. Kailangang manampalataya ang mga tao sa mga panahon ng paghihirap at pagpipino, at ang pananampalataya ay isang bagay na sinusundan ng pagpipino; hindi mapaghihiwalay ang pagpipino at pananampalataya. Paano man gumawa ang Diyos, at anuman ang iyong sitwasyon, nagagawa mong hangarin ang buhay at hanapin ang katotohanan, at hangaring malaman ang tungkol sa gawain ng Diyos, at magkaroon ng pag-unawa sa Kanyang mga kilos, at nagagawa mong kumilos alinsunod sa katotohanan. Ang paggawa nito ang kahulugan ng pagkakaroon ng tunay na pananampalataya, at ang paggawa nito ay nagpapakita na hindi ka nawalan ng pananampalataya sa Diyos. Magkakaroon ka lamang ng tunay na pananampalataya sa Diyos kung nagagawa mong piliting hangarin ang katotohanan sa panahon ng pagpipino, kung nagagawa mong tunay na mahalin ang Diyos at hindi ka nagkakaroon ng mga pagdududa tungkol sa Kanya, kung isinasagawa mo pa rin ang katotohanan anuman ang gawin Niya upang mapalugod Siya, at kung nagagawa mong hangarin nang taos-puso ang Kanyang kalooban at isaalang-alang ang Kanyang kalooban(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino). Natutunan ko mula sa mga salita ng Diyos na kanais-nais man o hindi ang nangyayari, hindi natin dapat pagdudahan o sisihin ang Diyos. Dapat nating hangarin ang kalooban ng Diyos, tumayo sa tabi Niya, at magsagawa nang naaayon sa mga salita Niya. Kailangan nating sundin ang Diyos at isagawa ang katotohanan para mapalugod Siya, gaano man tayo magdusa. Ito lang ang tunay na pananampalataya. Ang pagkaunawang ito ay nagbigay sa akin ng landas ng pagsasagawa at ng pananampalataya para sumunod sa Diyos.

Isang araw, tinawagan ko ang nanay ko at kinumusta ang kalagayan ng asawa ko. Sabi niya, “Naglalagi siya sa bahay ng mga magulang niya imbes na asikasuhin ang mga bagay-bagay sa bahay. Tila ay ibang-iba na siya.” Sinabi pa ng nanay ko, “Sinabi ng pastor na nasa maling landas ka, na ang pananampalataya mo sa Makapangyarihang Diyos ay isang pagtataksil sa Panginoong Jesus. Sinabi niya sa akin na pabalikin ka sa simbahan, at talikuran ang Kidlat ng Silanganan.” Galit na galit ako nang marinig ko iyon at naisip ko: “Bakit magpapahayag ng ganoong mga salita ang mga pastor? Dahil sa kanilang mga mapanlinlang na tsismis kung kaya’t tutol ang asawa ko sa pananampalataya ko sa Diyos. Hindi ko sila mahahayaang pigilan ako. Hindi ako makikinig sa kanila kahit ano pa ang sabihin nila.” Matapos ko itong pag-isipan, hinimok ko ang nanay ko, “Huwag po kayong makinig sa mga sinasabi ng mga pastor. Napakaraming katotohanan na ang sinabi ng Makapangyarihang Diyos, at ang tinig Niya ay ang tinig ng Diyos Mismo. Ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Siya at ang Panginoong Jesus ay iisang Diyos, kaya hindi pagtataksil sa Panginoong Diyos ang pananampalataya ko sa Makapangyarihang Diyos. Ito ay pagsunod sa mga yapak ng Kordero at pagsalubong sa pagdating ng Panginoon.” Hindi siya sumagot ng kahit ano sa pagkakataong ito.

Pagkatapos ay tinawagan ko ang asawa ko isang gabi. Galit niyang sinabi, “Bakit mo ako tinatawagan? Akala ko ba ay ayaw mo nang magpamilya. Mamili ka. Ang Kidlat ng Silanganan o ang pamilya natin? Ayos lang kung hindi mo ako iniisip, pero dapat mong isipin ang anak natin. Walong buwan pa lang siya.” Nakakadismaya talaga nang marinig kong sinabi ito ng asawa ko. Naisip ko: “Nakikipagtipon lang naman ako at nagbabasa ng mga salita ng Diyos. Nasa tamang landas ako. Hindi ko naman sinabi kailanman na ayaw ko sa pamilya namin o na wala akong pakialam sa kanya at sa anak namin. Bakit niya ako pinipilit na gumawa ng ganitong klase ng desisyon?” Tapos ay naisip ko, “Hindi niya alam kung ano ang pananampalataya sa Diyos, at ayaw niyang makinig anuman ang sabihin ko. Pero hindi talaga pwedeng isuko ko na lang ang aking pananampalataya. Sigurado na ako na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, kaya alam kong patuloy akong susunod sa Makapangyarihang Diyos kahit ano pa ang sabihin niya.” Nang mapansin niyang hindi ako sumasagot, binaba niya na lang ang telepono. Kahit na nakagambala sa akin ang mga sinabi ng asawa ko noong panahong iyon, alam kong hindi ako pwedeng patuloy na magreklamo o manisi sa Diyos tulad ng dati. Kailangan kong magkaroon ng pananampalataya at umasa sa Diyos para malampasan ito. Pagkatapos ay narinig ko ang isang himno ng mga salita ng Diyos na pinamagatang “Dapat Mong Iwan ang Lahat para sa Katotohanan”:

1 Dapat kang magdusa ng paghihirap alang-alang sa katotohanan, dapat mong ibigay ang iyong sarili sa katotohanan, dapat kang magtiis ng kahihiyan para sa katotohanan, at upang higit pang makamit ang katotohanan, dapat kang sumailalim sa higit pang pagdurusa. Ito ang dapat mong gawin. Hindi mo dapat itapon ang katotohanan alang-alang sa isang mapayapang buhay-pamilya, at hindi mo dapat iwala ang dangal at integridad ng iyong buhay para sa pansamantalang kasiyahan.

2 Dapat mong hangarin ang lahat ng mainam at mabuti, at dapat mong hangarin ang isang landas sa buhay na higit na makahulugan. Kung namumuhay ka ng gayong mahalay na buhay, at walang hinahangad na anumang mga layunin, hindi ba’t sinasayang mo ang iyong buhay? Ano ba ang iyong makakamtan mula sa ganitong pamumuhay? Dapat mong talikuran ang lahat ng kasiyahan ng laman alang-alang sa nag-iisang katotohanan, at hindi mo dapat isuko ang lahat ng katotohanan alang-alang sa isang munting kasiyahan. Ang mga ganitong tao ay walang integridad o dangal; walang kabuluhan ang kanilang pag-iral!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol

Pinalakas ng mga salita ng Diyos ang pananampalataya ko. Alam ko na bilang mananampalataya, ang paghahanap ng katotohanan ay ang tanging makahulugang paraan para mabuhay at hindi ako pwedeng mawalan ng pananampalataya dahil lang sa mga suliranin sa bahay o mga paghihirap ng laman. Ang kawalan ng pananampalataya at hindi pagsamba sa Diyos ay isang buhay na walang kahulugan o halaga. Hindi dapat ako mapigilan ng pamilya ko. Nasa mga kamay ng Diyos ang pamilya ko at ang kalusugan ng anak ko, kaya dapat kong ipagkatiwala ang mga ito sa Diyos, at magpasakop sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos. Dapat kong pagsumikapang hanapin ang katotohanan at tuparin ang aking tungkulin sa abot ng aking makakaya.

Pagkaraan ng ilang panahon, kinailangan kong umuwi ng bahay para ipa-renew ang ID card ko dahil mag-e-expire na ito. Sabik na sabik ako dahil pakiramdam ko ay isa itong magandang pagkakataon para ibahagi ang ebanghelyo sa pamilya ko. Pero nag-alala rin ako, dahil tutol pareho ang asawa at nanay ko sa pananampalataya ko sa Makapangyarihang Diyos, at alam ng lahat sa bayan namin na sumasampalataya ako sa Makapangyarihang Diyos. Kung malalaman ng mga lokal na pastor na umuwi ako, siguradong hahadlangan nila ako. Hindi ko alam kung ano ang maaaring mangyari kapag nakauwi na ako. Kaya nagdasal ako sa Diyos, sinabing, “O, Diyos! Gusto ko pong ibahagi ang ebanghelyo sa pamilya ko sa biyahe kong ito pauwi, pero nanggugulo ang mga pastor at tutol sa akin ang pamilya ko. Natatakot po akong hindi nila pakikinggan ang pagbabahagi ko. Diyos ko, pakiusap, samahan Mo po ako at buksan ang isang daan para sa akin.” Pagkatapos ay narinig ko ang isang himno ng mga salita ng Diyos “Sundin ang mga Salita ng Diyos at Hindi Ka Maliligaw”:

…………

2 Sa bawat tao, usapin at bagay na nakakaharap mo, ang salita ng Diyos ay magpapakita sa iyo anumang oras, na ginagabayan ka na kumilos alinsunod sa Kanyang kalooban. Gawin mo ang lahat ng bagay ayon sa salita ng Diyos, at aakayin ka ng Diyos nang pasulong sa bawat kilos mo; hindi ka kailanman maliligaw, at magagawa mong mamuhay sa bagong liwanag, na may higit at mas bagong mga kaliwanagan. Hindi mo maaaring gamitin ang mga kuru-kuro ng tao para pag-isipang mabuti ang dapat mong gawin; dapat kang pasakop sa paggabay ng salita ng Diyos, magkaroon ng malinis na puso, maging tahimik sa harapan ng Diyos, at lalo pang magbulay-bulay. Huwag kang mabalisa na makahanap ng mga solusyon sa mga bagay na hindi mo nauunawaan; dalhin ang gayong mga bagay sa harapan ng Diyos nang mas madalas, at mag-alay sa Kanya ng tapat na puso.

3 Maniwala na ang Diyos ang iyong makapangyarihan sa lahat. Dapat kang magkaroon ng napakalaking paghahangad para sa Diyos, na sabik na sabik na naghahanap habang tumatanggi sa mga pagdadahilan, intensyon, at panloloko ni Satanas. Huwag mawalan ng pag-asa. Huwag manghina. Maghanap nang buong puso; maghintay nang buong puso. Aktibong makipagtulungan sa Diyos, at alisin sa iyong sarili ang lahat ng humahadlang sa kalooban mo.

—Pagbabahagi ng Diyos

Sa pakikinig sa himnong ito, naunawaan kong kalooban ng Diyos na magbiyahe ako pauwi. Nangyari lang na hindi malalim ang aking pananampalataya sa Diyos at hindi ko nauunawaan ang kalooban Niya. Pero kailangan kong umasa sa Diyos para malampasan ito. Ang bahagi ng mga salita ng Diyos na “Maniwala na ang Diyos ang iyong makapangyarihan sa lahat” ay talagang tumatak sa akin. Pinalakas ang pananampalataya ko ng mga salita ng Diyos. Ang anumang hinaharap ko araw-araw ay may pahintulot ng Diyos. Basta’t tunay akong umaasa at bumabaling sa Diyos, naniniwala akong gagabayan Niya ako sa pamamagitan ng Kanyang mga salita para maharap ko ang lahat ng ito.

Nang una akong umuwi sa bahay, hindi talaga ako pinansin ng asawa ko. Alam kong dahil lang iyon sa nakaliligaw na impluwensya ng pastor sa kanya. Kailangan kong humanap ng pagkakataon para patotohanan sa kanya ang tungkol sa gawain ng Diyos sa mga huling araw para malaman niya ang katotohanan at hindi na siya malinlang ng pastor. Nagdasal ako sa Diyos at humiling ng paggabay. Pagkatapos ay matiyaga akong nagbahagi sa kanya ng ilang taos-pusong salita. Sinabi ko, “Dapat talagang suriin niyo ng nanay ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at makinig sa mga salita Niya. Sa gayon ay makikita niyo na ito ang tinig ng Diyos, na ito ang mga salita ng Diyos sa sangkatauhan. Kung hindi mo ito sisiyasatin at kung hindi ka makikinig sa tinig mismo ng Diyos, at sa halip ay makikinig sa mga tsismis at kasinungalingan ng mga pastor, paano mo sasalubungin ang Panginoon? Sinabi minsan ng Panginoong Jesus: ‘Magsihingi kayo, at kayo’y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y pagbubuksan(Mateo 7:7). Ang Panginoon ay mapagkakatiwalaan. Hangga’t tunay tayong naghahanap, maririnig natin ang tinig ng Panginoon at masasalubong natin ang Kanyang pagbabalik.” Walang tugon ang asawa ko rito. Nakita ko na kalmado lang siyang nakinig at parang hindi siya lumaban o nakipagtalo tulad ng dati. Taos-puso ang pasasalamat ko sa Diyos, ito ay paggabay Niya, at binigyan ako nito ng lakas ng loob na patuloy na sabihin sa kanya ang tungkol sa gawain ng Diyos.

Nang sumunod na araw, nagpatotoo ako sa asawa ko at sa nanay ko tungkol sa pagpapakita at gawain ng Diyos. Sinabi ko, “Alam niyo ba kung bakit ko tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw? Dahil nabasa ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nakitang lahat ng ito ay ang katotohanan, na ito ang tinig ng Diyos, at nasiguro ko na Siya ang nagbalik na Panginoong Jesus. Sa mga huling araw, nangusap ang Makapangyarihang Diyos ng milyon-milyong salita, inihahayag sa atin ang lahat ng misteryo ng Kanyang 6,000 taong plano ng pamamahala at ng Bibliya, at kung paano lumago ang sangkatauhan hanggang sa kasalukuyang panahon, kung paano tayo ginawang tiwali ni Satanas, kung paano hakbang-hakbang na kumikilos ang Diyos para iligtas ang sangkatauhan, kung paano Niya natutukoy ang mga kahihinatnan at huling hantungan natin, kung anong uri ng tao ang ganap na maliligtas at makapapasok sa kaharian, at sino ang parurusahan. Sinabi sa atin ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng misteryong ito at katotohanan at iba pa. Sinabi rin sa atin ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan kung paano ginawang tiwali ni Satanas ang tao at ang ugat ng paglaban natin sa Diyos. Dagdag pa rito, ipinakita Niya rin sa atin ang daan para ganap na malinis ang ating mga kasalanan. Bawat salita ay ang katotohanan, at lahat ng ito’y napakamakapangyarihan at may awtoridad. Ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng ito para dalisayin at baguhin tayo, para iligtas tayo nang lubos mula sa impluwensiya ni Satanas. Sino sa tingin ninyo ang makapagpapahayag ng mga katotohanan at magbubunyag ng mga misteryo? Sino ang makapagpapadalisay at makapagliligtas sa mga tao? Tanging ang Diyos lang! Hindi taglay ng mga tao ang katotohanan. Tanging si Cristo ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Dapat niyo talagang basahin nang maigi ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, saka ninyo makikita na sinasabi ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan, na ito ang tinig ng Diyos, at na Siya ang nagbalik na Panginoong Jesus! Kung may maririnig kayong magpapatotoo na ang Panginoon ay nagbalik na at hindi niyo ito susuriin, kundi ay basta niyo na lang ito kaswal na huhusgahan at kokondenahin dahil sa sinasabi ng pastor, sasayangin ninyo ang pagkakataon ninyong salubungin ang Panginoon, at mawawala sa inyo ang walang hanggang kaligtasan ng Diyos. Lubhang nakapanghihinayang iyon!” Nang marinig iyon, sinabi ng nanay ko, “Oo, tama ka. Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan, kaya dapat na makinig tayo sa sinasabi ng Diyos, hindi ng ibang tao.” Tuwang-tuwa ako na marinig ito mula sa kanya, at nagpasalamat ako sa Diyos. Pagkatapos ay sinabi pa niya sa akin na, “Minsan hiniling ko sa pastor na ipagdasal ang isang bagay sa pamilya natin, pero sabi niya, ‘Hindi nakikinig ang anak mo sa amin. Hindi niya kinuha ang permiso namin bago sumunod sa Makapangyarihang Diyos. Lubos ang pagbabalewala niyo sa amin, kaya huwag na kayong hihingi ng anumang tulong sa amin tungkol sa mga nangyayari sa pamilya ninyo, kayo na mismo ang lumutas ng mga bagay na ito.’” Nang marinig ko ito, galit kong sinabi na, “Bilang mga pastor, dapat ay inaakay nila ang mga kapatid na siyasatin ang anumang balita tungkol sa pagbabalik ng Panginoon. Hindi lang sila tumatangging gawin iyon, bagkus ay tinatakot pa nila tayo, at hinahadlangan tayong marinig ang tinig ng Diyos at salubungin ang Panginoon. Ano ang tunay nilang mga motibo? Hindi ba’t sinusubukan lang nilang panatilihin ang mahigpit na pagkakahawak nila sa lahat ng tao? Sinumpa ng Panginoong Jesus ang mga Pariseo: ‘Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagkat sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagkat kayo ay hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok(Mateo 23:13). Nang magpakita at gumawa ang Panginoong Jesus, hibang na gumawa ang mga Pariseo ng mga sabi-sabi, tumutol sila at kinondena Siya nang sa gayon ay mapanatili nila ang kanilang katayuan at mga kabuhayan. Iniligaw nila ang mga nananalig at hinadlangan sila sa pagsunod sa Panginoon, at kalaunan ay nauwi ito sa pagpapapako nila sa Panginoong Jesus sa krus, pagkatapos ay isinumpa at pinarusahan sila ng Diyos. Tulad ng mga Pariseo ang mga pastor ngayon. Natatakot silang maniniwala ang mga nananalig sa Makapangyarihang Diyos at mawawala ang kanilang katayuan at mga kabuhayan, kaya ginagawa nila ang lahat para mahadlangan ang mga nananalig na marinig ang salita ng Panginoon at salubungin Siya. Kumikilos sila bilang mga kalaban ng Diyos! Sa huli ay isusumpa at parurusahan din sila.”

Pagkatapos ay nagbahagi ako sa kanila kung paanong kailangan nating makinig sa tinig ng Diyos para masalubong ang Panginoon, at na iyon lang ang tanging paraan para maging isang matalinong birhen at batiin ang Panginoon. Pagkatapos ay hinikayat ko sila, “Talagang umaasa ako na masinsinan ninyong sinusuri at pinakikinggan ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, para malaman kung talaga ngang ang mga iyon ang tinig ng Diyos. Ayaw kong makitang inililigaw at kinokontrol kayo ng mga pastor. Kailangan ninyong magkaroon ng kakayahang makakilala.” Pagkatapos ay sinabi ng nanay ko, “Tama ka. Noon lagi lang akong nakikinig sa ating mga pastor, takot na maling daan ang tinatahak mo. Kaya nga sinubukan kong hadlangan ka na manalig sa Makapangyarihang Diyos. Pero nakikita kong ang pagbabahagi mo ay naaayon sa Bibliya, at ang mga bagay-bagay ay hindi naman talaga gaya ng pinapalabas ng mga pastor. Susuriin ko ito.” Nakikinig nang husto ang asawa ko sa lahat ng ito. Matapos niyon, binasahan ko sila ng maraming salita ng Makapangyarihang Diyos, at pagkatapos ay nagbahagi ako tungkol sa pagkakaiba ng pagsunod sa Diyos at pagsunod sa tao, kung bakit ginagawa ngayon ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol ng mga huling araw nang nasa katawang-tao, at ang kabuluhan ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Matapos ang ilang sesyon ng pagbabahaginan, pareho nilang tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Nagpasalamat ako sa Diyos nang makita kong pumunta silang dalawa sa harapan Niya.

Minsan, naglabas ng saloobin ang asawa ko sa akin. Sinabi niya, “Naging mapang-api ako sa iyo noon, at itinulak pa kitang makipag-diborsiyo, lahat ng ito ay dahil nakinig ako sa pastor. Sa tuwing pupunta ako sa simbahan, sinasabi niya sa akin na nasa maling landas ka at sinasabihan akong hikayatin kang talikuran ito. Akala ko ay totoo ang sinasabi niya, kaya parati akong nakikipagtalo sa iyo at talagang hindi ako nakinig sa iyo. Pero sa buong panahon ng pagbabasa ko ng mga salita ng Diyos at pakikinig sa pagbabahagi mo, nakita kong ibang-iba ito sa sinabi ng pastor sa akin. Kapag ginugunita ko ang naging saloobin ko sa bagong gawain ng Diyos, talagang natatakot ako. Nakikipagtunggali ako noon sa Diyos, at muntik na akong mawalan ng pagkakataong salubungin ang pagparito ng Panginoon. Hindi ako dapat naniwala sa sinabi ng pastor sa akin at hindi kita dapat inusig. Sori talaga.” Nang marinig ko ang asawa ko na sinabi iyon, labis akong naantig. Muntik na akong maiyak at nagpasalamat ako sa Makapangyarihang Diyos mula sa kaibuturan ng puso ko!

Sa pamamagitan ng pagdanas ng lahat ng ito, naranasan ko ang taos-pusong pagsisikap ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan. Hinayaan Niyang mangyari sa akin ang mahihirap na bagay para malantad ang katiwalian at mga pagkukulang ko, at para gawing perpekto ang pananampalataya ko sa Kanya. Kahit na kung minsan ay nagdurusa at nanghihina ako, at ramdam ko ang sobrang paghihirap, hindi ako iniwan ng Diyos kahit kailan, at palagi Niya akong ginabayan sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Nakatulong ito para maunawaan ko ang mga maling pananaw ko tungkol sa pananampalataya, maaninagan ang ilang pakana at paggambala ni Satanas, at matuto ng ilang katotohanan. Pinalakas nito ang pananampalataya ko sa Diyos. Lahat ng ito ay paggabay ng Diyos! Salamat sa Diyos!

Sinundan: 1. Paano Ko Nalunasan ang Aking Pagsisinungaling

Sumunod: 3. Inalis ng mga Salita ng Diyos ang Aking mga Maling Pag-unawa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito