220 Ayaw Kong Bumalik sa Dati Kong Mga Gawi at Magdulot ng Pasakit sa Diyos

Bawat araw ay palapit nang palapit ang araw ng Diyos. Sa pagsailalim ko sa paghatol ng Kanyang mga salita, nagbago ba ang aking disposisyon sa buhay? Dapat kong masigasig na pagnilayan ang sarili ko, kung hindi ay muli akong babalik sa dati kong mga gawi at magdudulot ng pasakit sa Diyos. Binigkas ang mga salita ng Diyos nang may perpektong kalinawan. Paano ko mamahalin nang tunay ang Diyos kung puno ako ng satanikong disposisyon? Kung hindi nahahatulan, paano ko makakamit ang pagbabago sa disposisyon? Palaging nagkikimkim ng mga kuro-kuro tungkol sa Diyos—napakabulag at mangmang ko. Sa pamamagitan ng paghatol at mga pagsubok, nararanasan ko ang malalim na pag-ibig ng Diyos. Hindi ko maaaring biguin muli ang mabubuting layunin ng Diyos. Dumanas na ang Diyos ng matitinding pasakit upang ipahayag ang lahat ng Kanyang salita para sa sangkatauhan. Lubos na nabunyag ang kalooban ng Diyos sa Kanyang mga salita. Ang hindi nagbabasa ng mga salita ng Diyos ay isa lamang hayop na walang konsiyensiya, hindi sila karapat-dapat na kumain at uminom ng mga salita ng Diyos o mamuhay sa Kanyang harapan. Tinatamasa ko ang labis na pagmamahal ng Diyos, kaya bakit hindi ko Siya magawang mahalin? Alam kong matuwid ang Diyos, kaya bakit may maling pag-unawa ako sa Kanya? Nakikita ko kung gaano ako kasalat sa konsiyensiya at katwiran. Nagpatirapa ako sa harap ng Diyos, puno ng pagsisisi ang aking puso. Nagpapatotoo sa Diyos ang mga tunay na nagmamahal sa Kanya. Dapat kong hanapin ang katotohanan at huwag nang pasibong maghintay. Bawat araw ay palapit nang palapit ang araw ng Diyos. Sa maraming taon kong pananampalataya sa Diyos, may naisakatuparan ba talaga akong anuman? Dapat kong masigasig na pagnilayan ang sarili ko, kung hindi ay muli akong babalik sa dati kong mga gawi at magdudulot ng pasakit sa Diyos.

Sinundan: 219 Diyos Ko! Hindi Talaga Ako Nararapat sa Pag-ibig Mo

Sumunod: 221 Isang Bagong Simula Bilang Isang Tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

966 Ang Diyos ay Matuwid Sa Lahat

IKung ang tanongay paano hanapin o tratuhin ang Diyos.Ang saloobin mo ang pinakamahalaga.Ang Diyos ay ‘di mapapabayaano maiiwan sa likod ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito