609 Tanging mga Kapalagayang-loob ng Diyos ang Karapat-dapat sa Paglilingkod sa Kanya

Ang mga naglilingkod sa Diyos

ay dapat kapalagayang-loob N’ya,

mahal ng Diyos at tapat sa Kanya.

Sa harap man o sa likod ng iba ka kumikilos,

nakatatamo ka ng kagalakan ng Diyos

at ika’y maninindigang matatag sa harapan ng Diyos.

Anuman ang maging pagtrato sa’yo ng iba,

lalakaran mo ang iyong landas,

ibigay ang ‘yong mga alalahanin sa pasanin ng Diyos.

Ito ang pagiging isang kapalagayang-loob ng Diyos.

Ang mga kapalagayang-loob ng Diyos

ay ang Kanyang mga pinagkakatiwalaan.

Nakikibahagi sila sa mga alalahanin at mga naisin N’ya.

Bagaman nasasaktan at mahina, matitiis nila ang sakit,

natatalikdan ang ibig nila para masiyahan ang Diyos,

para masiyahan ang Diyos.


Ang mga kapalagayang-loob ng Diyos

ay makapaglilingkod sa Kanya

dahil binigyan sila ng atas at pasanin ng Diyos.

Natatanggap nila ang puso

ng Diyos na parang sarili nila,

hindi isinasaalang-alang kung

may mawawala o makukuha sila.

Kahit walang mga inaasahan,

maniniwala sila nang may pusong nagmamahal sa Diyos.

Ito ang pagiging ‘sang kapalagayang-loob ng Diyos.

Ang mga kapalagayang-loob ng Diyos

ay ang Kanyang mga pinagkakatiwalaan.

Nakikibahagi sila sa mga alalahanin at mga naisin N’ya.

Bagaman nasasaktan at mahina, matitiis nila ang sakit,

natatalikdan ang ibig nila para masiyahan ang Diyos,

para masiyahan ang Diyos.


Nagbibigay ang Diyos ng mas maraming pasanin

sa mga taong tulad nito.

Sa pamamagitan nila, ang gagawin

ng Diyos ay ipinahahayag.

Kaya naman ang mga taong tulad nito

ay minamahal ng Diyos.

Sila’y mga lingkod na ayon sa sariling puso Niya.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Maglingkod na Kaayon ng Kalooban ng Diyos

Sinundan: 608 Paano Maglingkod Nang Naaayon sa Kalooban ng Diyos

Sumunod: 610 Tularan ang Panginoong Jesus

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

610 Tularan ang Panginoong Jesus

ⅠTinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,ang pagtubos sa lahat ng taosa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N’ya,nang walang pansariling layunin...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito