219 Diyos Ko! Hindi Talaga Ako Nararapat sa Pag-ibig Mo

Marami akong nagawang ‘di ko maaatim na gunitain.

Nasayang ko ang napakaraming oras.

Nag-uumapaw ang malaking pagsisisi

at utang na loob sa puso ko.

Lagi ako noong humingi ng kapalit

kapag gumugol ako para sa Diyos.

Nang ‘di ko natanggap ang mga pagpapalang gusto kong matanggap,

inisip kong talikuran ang Diyos,

ngunit malinaw pa sa aking isipan ang Kanyang pag-ibig

at ‘di ko malimutan.

Inantig ng mga salita ng Diyos ang puso ko,

unti-unti akong inaakay palayo sa pagiging negatibo.

Nang magbanta ang kahirapan,

ako’y natakot, nangimi at nanghina.

Ako’y naging mahina at negatibo

at muli kong naisip na talikuran ang Diyos.

Hinati ang puso ko ng Kanyang mga salita

na parang espadang magkabila ang talim,

wala akong napagtaguan sa hiya.


Minsan ay nagmadali akong maging tanyag,

mayaman at mataas ang katayuan,

hindi ko nalabanan ang tukso ni Satanas.

Ilang beses akong nag-alala,

nag-atubili at nawalan ng direksyon sa buhay.

Nahirapan ako sa kasalanan, ‘di ko alam kung pa’no tumigil.

O Diyos ko! Ganito ako! Tiwali, ‘di nararapat sa pagliligtas Mo.

O Diyos ko! Ang ‘Yong salita

ang laging umaakay at gumagabay sa akin,

kung hindi ay matutukso ako’t ‘di makakatakas.

O Diyos ko! Hindi na ko magiging negatibo o babalik sa dati.

Wag Mo akong pabayaan, ‘di ko kayang mabuhay nang wala Ka.

Diyos ko! Dalangin kong kastiguhin, hatulan at pinuhin Mo ako,

para katiwalian ko’y malinis, at ako’y magpakatao.

Sinundan: 218 Isang Awit ng Pagbabalik ng Alibughang Anak

Sumunod: 220 Ayaw Kong Bumalik sa Dati Kong Mga Gawi at Magdulot ng Pasakit sa Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

418 Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito