1. Sinasabi sa Biblia: “Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man” (1 Tesalonica 4:17). Naniniwala kami na pagdating ng Panginoon, dadalhin tayo nang diretso sa mga ulap sa kalangitan upang salubungin Siya. Pinatototohanan mo na nagbalik na ang Panginoon, kung gayon, bakit hindi pa kami nadadala?

Sagot:

Ang pagsalubong natin sa muling pagparito ng Panginoon ay nakabatay dapat sa mga propesiya ng Panginoong Jesus—iyon ang pinakatama. Kaninong salita ang sanggunian mo? Ang mga salita ng Panginoon, o mga salita ng tao? “Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin” ay sinalita ni Pablo; hindi kailanman sinalita ng Panginoong Jesus ni ng Banal na Espiritu ang gayong mga salita. Nagsasalita ba si Pablo para sa Panginoong Jesus? Maaari bang katawanin ng kanyang mga salita ang mga salita ng Diyos? Tanging ang Diyos lamang ang nakakaalam ng hiwaga kung paano itataas ng Panginoon ang mga mananampalataya sa makalangit na kaharian sa mga huling araw. Kung tayong mga tiwaling tao ay may kapusukan na pikit-matang bigyang pakahulugan at gawan ng konklusyon ang gayong mga bagay, kung magkagayon ay may malubhang problema. Si Pablo ay hindi si Cristo, sa halip ay isa siyang tiwaling tao. Ang sinabi niya ay walang pinagbabatayan sa mga salita ng Diyos, kaya’t walang pag-aalinlangan na puno ito ng mga dungis at imahinasyon ng tao. Samakatuwid, ang mga salita ni Pablo ay hindi ang katotohanan, at hindi maaaring magsilbi ang mga ito bilang anumang uri ng batayan; ang tamang paraan lamang upang salubungin ang pagdating ng Panginoon ay ang kumilos nang ayon sa mga salita ng Diyos na nasa Biblia.

Tingnan natin kung ano ang sinabi ng Panginoong Jesus: “Ama namin na nasa langit, Sambahin nawa ang pangalan Mo. Dumating nawa ang kaharian Mo. Gawin nawa ang Iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa(Mateo 6:9–10). Malinaw na sinasabi sa atin ng Panginoong Jesus na ang kaharian ng Diyos ay nasa lupa, wala sa himpapawid, at isasakatuparan ang kalooban ng Diyos sa lupa, gaya rin naman sa langit. Tingnan naman natin ang nasa Pahayag 21:2–3: “At ako si Juan, nakita ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Diyos, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa. At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao, at Siya’y mananahan sa kanila, at sila’y magiging mga bayan Niya, at ang Diyos din ay sasakanila, at magiging Diyos nila.” At sinasabi sa Pahayag 11:15 ay ganito: “Ang kaharian ng sanlibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa Kaniyang Cristo: at Siya’y maghahari magpakailan-kailanman.” Ang pagbanggit sa “ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao,” “bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Diyos,” at “Ang kaharian ng sanlibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa Kaniyang Cristo” sa mga propesiyang ito ay sapat na nagpapatunay na ang kaharian ng Diyos ay ginawa sa lupa. Mananahan Siyang kasama ng mga tao sa lupa, at ang mga kaharian ng sanglibutan ay magiging kaharian ni Cristo, magpakailanman at sa walang hanggan. Ayon sa ating mga kuru-kuro at imahinasyon, ang kaharian ng Diyos ay nasa langit, at kapag naparito ang Panginoon, itataas Niya tayo sa langit. Kung ganoon nga, paano matutupad ang mga salita ng Diyos? Sa realidad, ang kahuli-hulihang makakamit ng plano ng pamamahala ng Diyos para sa pagliligtas sa sangkatauhan ay ang paglikha sa kaharian ng Diyos sa lupa. Ginagawa ni Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos, ang gawain ng paghatol at paglilinis sa mga tao upang makabuo ng grupo ng mga mananagumpay sa lupa; ang mga mananagumpay na ito, na iniligtas at kinumpleto ng Diyos, ay ang mga nagsasagawa ng mga salita ng Diyos at sumusunod sa daan ng Diyos sa lupa—sila ang mga tao ng kaharian ng Diyos. Kapag ginawang kumpleto ang mga mananagumpay na ito, isasakatuparan ang kalooban ng Diyos sa lupa, pagkatapos nito, maitatatag ang kaharian ni Cristo sa lupa, at lubos na luluwalhatiin ang Diyos. Ang mga propesiya sa Aklat ng Pahayag ay kung ano ang pinakaninanais na makamit ng Diyos—hindi mo ba talaga makita ang katotohanang ito?

Maaaring may ilan na nagtatanong, kung ang kaharian ay nasa lupa, bakit sinabi ng Panginoong Jesus na, “Ako’y paroroon upang ipaghanda Ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung Ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto Ako, at kayo’y tatanggapin Ko sa Aking sarili; upang kung saan Ako naroroon, kayo naman ay dumoon(Juan 14:2–3)? Umakyat sa langit ang Panginoong Jesus matapos ang pagkabuhay na mag-uli upang ipaghanda tayo ng lugar, kaya idinidikta ng katwiran na ang lugar na ito ay nasa langit din—paano nga ba dapat maunawaan ang mga salitang ito? Makatwirang sabihin na walang makakaarok sa mga propesiya ng Panginoon. Nauunawaan lamang natin kung ano talaga ang tinutukoy ng mga salita ng Panginoong Jesus pagkatapos na matanggap ang gawain sa mga huling araw ng Makapangyarihang Diyos at makita ang mga katunayan ng katuparan ng Kanyang gawain. Ang paghahanda ng Panginoon ng lugar para sa atin ay tumutukoy sa pagkakatawang-tao ng Diyos upang magsalita at gumawa sa lupa sa mga huling araw. Kaya nauna na Niyang itinakda na isisilang tayo sa mga huling araw, at kapag nagpakita Siya at isinagawa ang Kanyang gawain ay iaakyat tayo sa harapan ng luklukan ng Diyos upang tanggapin ang paghatol at paglilinis ng mga salita ng Diyos, at gagawing mga mananagumpay bago ang pagdating ng mga sakuna. Ang proseso ng pagparito ng Panginoon upang tanggapin tayo ay ang proseso ng paglilinis at pagpeperpekto sa atin. Kumakain, umiinom, at nagtatamasa tayo ng mga salita ng Diyos, nararanasan natin ang gawain ng Diyos, at dinadaluhan natin ang piging kasama ang Diyos—hindi ba ito ang ating pakikipagtagpo sa Panginoon? Kapag dumating ang araw na tapos na ang gawain ng Diyos, at nalinis at naperpekto na tayo, dadalhin tayo sa kaharian ng Diyos. Sa panahong iyon, ang mga kaharian sa sanglibutan ay magiging kaharian ni Cristo, maghahari si Cristo sa kaharian, at tayo ay magiging mga tao ng Diyos na sumasamba sa Kanya sa Kanyang kaharian. Hindi ba nito natutupad ang mga salita ng Panginoon na, “kung saan Ako naroroon, kayo naman ay dumoon”? Itinatag ang kaharian ng Diyos sa lupa, iniatas ng Diyos na mamumuhay tayo sa lupa. Hindi ba sinasalungat ng ating paggiit na aakyat tayo sa langit ang gawain at kalooban ng Diyos?

Ano nga ba ang ibig sabihin ng pagiging naagaw? Hindi ito naging malinaw sa karamihan ng mga tao. Tanging nang naparito lamang ang Makapangyarihang Diyos nabunyag sa atin ang hiwaga ng pagiging naaagaw, sinasabing: “Ang ‘matipon’ ay hindi nangangahulugan na madadala mula sa isang mababang lugar patungo sa isang mataas na lugar, gaya ng maaaring iniisip ng mga tao; isang malaking pagkakamali iyan. Ang ‘matipon’ ay tumutukoy sa Aking pagtatalaga at pagkatapos ay pagpili. Nakaukol ito sa lahat ng Aking itinalaga at pinili. Lahat ng tinipon ay ang mga taong nagkamit ng katayuan ng pagiging mga panganay na anak, o bayan ng Diyos. Lubha itong hindi tugma sa mga kuru-kuro ng mga tao. Sila na magkakaroon ng bahagi sa Aking bahay sa hinaharap ay ang lahat ng natipon sa Aking harapan. Ito ay walang pasubaling totoo, hindi nagbabago kailanman, at hindi maaaring pabulaanan. Ito ang Aking ganting-atake laban kay Satanas. Sinumang Aking itinalaga ay matitipon sa harap Ko(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 104). Malinaw na sinasabi ng Makapangyarihang Diyos na ang ibig sabihin ng “pagiging naagaw” ay hindi kagaya ng iniisip natin—hindi ito nangangahulugan na itataas tayo mula sa lupa at iaangat sa mga alapaap upang salabungin ang Panginoon, lalong hindi ito nangangahulugang iaakyat tayo sa langit. Sa halip, tumutukoy ito sa pagdinig natin sa tinig ng Diyos at pagsunod sa Diyos, sa pagtanggap at pagsunod sa Kanyang gawain sa mga huling araw, at pagsunod sa mga yapak ng Cordero nang nagkatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw upang magsalita, magpakita, at gumawa. Ito ang tunay na kahulugan ng iakyat sa harapan ng luklukan ng Diyos. Lahat ng nakakakilala sa tinig ng Diyos, at kayang tuklasin at tanggapin ang katotohanan at bumaling sa Makapangyarihang Diyos, sa karamihan ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, ay matatalinong dalaga, lahat sila ay “mga ginto, pilak at mamahaling bato” na “inagaw” ng Panginoon at isinauli sa sambahayan ng Diyos. Ang lahat ng taong ito ay nakakaunawa at tumatanggap sa katotohanan, at nakauunawa sa tinig ng Diyos, at sila ang mga tunay na itinaas sa harapan ng Diyos. Mula noong pasimulan ng Makapangyarihang Diyos ang gawain sa mga huling araw, ang parami nang paraming bilang ng mga taong tunay na nananabik sa pagpapakita ng Diyos ay nakakilala ng tinig ng Diyos sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Ang bawat isa ay tumanggap sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, harap-harapang dinala sila sa Diyos sa harapan ng Kanyang luklukan, tumanggap ng pagdidilig at pagpapakain ng mga salita ng Diyos, nagtataglay ng tunay na kaalaman tungkol sa Diyos, nalinis mula sa kanilang tiwaling disposisyon, at isinasabuhay ang realidad ng mga salita ng Diyos. Ginawa nang mananagumpay ang mga taong ito bago ang mga sakuna, sila ang naging mga unang bunga na natamo ng Diyos. Ang mga kumakapit sa kanilang mga sariling kuru-kuro at imahinasyon, na hangal na naghihintay sa pagparito ng Panginoon upang iakyat sila sa langit, at tumatangging tanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos ng mga huling araw—sila ang mga hangal na dalaga, tatalikuran sila ng Diyos, at nakatakda na silang ihagis sa sakuna, na tumatangis nang matindi at nagngangalit ang mga ngipin. Ito ang katotohanan.

Sinundan: 2. Palagi nating pinaniniwalaan na ang mapatawad sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng ating paniniwala sa Panginoong Jesus ay ang matamo ang biyaya ng kaligtasan, ngunit sinasabi mo na ang “pagiging ligtas” ay hindi nangangahulugan ng totoong kaligtasan. Kaya ano nga ba ang ibig sabihin ng pagiging ligtas, at ano ang ibig sabihin ng ganap na ligtas? Ano ang mahalagang pagkakaiba sa pagitan ng pagiging ligtas at pagiging ganap na ligtas?

Sumunod: 2. Noon, madalas na ipinangangaral ng mga pastor na pagdating ng Panginoon, tayo ay madadala sa langit bago ang mga sakuna, ngunit ngayon ay nakikita natin ang bawat uri ng malalaking sakuna na dumarating sa mundo at hindi pa tayo nadadala. Sinasabi ng mga pastor na ang ating hindi pagkakadala ay nangangahulugang ang Panginoon ay hindi pa bumabalik, na ang Panginoon ay magpapakita sa atin sa gitna ng mga sakuna, at tayo ay madadala sa langit sa panahon ng mga sakuna. Hindi ko maintindihan: Madadala ba tayo bago ang mga sakuna, o habang nangyayari ang mga ito?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 14: Sa paniniwala n’yo sa Kanya, lahat kayo ay may mga sariling ideya at opinyon. Sa tingin ko ang mga ideya nyo at teyorya, ay pawang mga pakiramdam ng pansariling kamalayan, at puro ilusyon lamang ninyo sa mga bagay-bagay. Naniniwala kaming mga Komunista na ang materyalismo at teorya ng ebolusyon ang katotohanan, dahil naayon ang lahat ng yon sa syensya. Malinaw na nagbibigay ang ating bansa ng materyalista at ebolusyonistang edukasyon mula paaralang elementarya hanggang sa unibersidad. Sa tingin n’yo bakit? Yun ay para ipalaganap ang ateista at ebolusyonistang pag-iisip sa lahat ng kabataan sa murang edad, para lumayo sila sa relihiyon at ganun na rin sa pamahiin, at ng sa ganun siyentipiko at maayos nilang maipaliwanag ang lahat ng katanungan. Isang halimbawa ang, tanong tungkol sa pinagmulan ng buhay. Ignorante at makaluma ang mga tao sa nakaraan, at naniwala sa mga kwentong gaya ng paghihiwalay ni Pangu sa langit at lupa, at paglikha ni Nüwa sa mga tao. Ang mga taga-kanluran naman, ay naniwalang ang Diyos ang lumikha sa sangkatauhan. Ang totoo, mitolohiya lang at alamat ang lahat ng ito, at hindi naaayon sa syensya. Mula nang lumitaw ang teorya ng ebolusyon na nagpaliwanag sa pinagmulan ng sangkatauhan, kung paano nagmula ang tao sa mga unggoy, pinabulaanan ng teorya ng ebolusyon ang alamat ng paglikha ng Diyos sa tao. Nalikha ang lahat ng bagay sa natural na pamamaraan. Yun lamang ang katotohanan. Kaya nga Kailangan nating maniwala sa syensya, at sa teorya ng ebolusyon. Kayong lahat ay mga edukado at maraming nalalaman. Kaya bakit kayo naniniwala sa Diyos? Kaya n’yo bang sabihin sa’min ang inyong pananaw?

Sagot: Naniniwala kayong mga Komunista na ang materyalismo at teorya ng ebolusyon ang katotohanan, at kinikilala n’yo sina Marx at Darwin....

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito