Tanong 3: Gano’n pa man, sumampalataya kami sa Panginoon nang maraming taon, laging gumagawa para sa Panginoon at naghihirap nang labis. Hinding-hindi namin itinanggi ang pangalan ng Panginoong Jesus o trinaydor Siya. Samakatuwid, ayon sa pangako ng Panginoon, hindi Niya kami pababayaan. Kung dumating na ang Panginoon, kami na dapat ang una Niyang iniakyat sa kaharian ng langit. Bakit una kayong tumanggap habang naiwan kami sa ibaba? Hindi kami kumbinsido! Kung hindi namin tatanggapin ang gawa ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, talaga bang hindi kami makakapasok sa kaharian ng langit? Yon ang pinakamahalaga sa akin. Pa’no niyo ’yon bibigyang-kahulugan?

Sagot: Talagang napakadali lang no’ng ipaliwanag. Ang mga naniwala sa Panginoon sa loob ng maraming taon ay maaaring nabasa na ang mga salitang ito: “Sapagka’t ang kaharian ng langit ay tulad sa isang tao na puno ng sangbahayan, na lumabas pagkaumagang-umaga, upang umupa ng manggagawa sa kaniyang ubasan. At nang makipagkasundo na siya sa mga manggagawa sa isang denario sa bawa’t araw, ay isinugo niya sila sa kaniyang ubasan. At siya’y lumabas nang malapit na ang ikatlong oras, at nakita ang mga iba sa pamilihan na nangakatayong walang ginagawa; At sinabi niya sa kanila, Magsiparoon din naman kayo sa ubasan, at bibigyan ko kayo ng nasa katuwiran. At nagsiyaon ng kanilang lakad sa ubasan. Lumabas siyang muli nang malapit na ang mga oras na ikaanim at ikasiyam, at gayon din ang ginawa. At lumabas siya nang malapit na ang ikalabingisang oras at nakasumpong siya ng mga iba na nangakatayo; at sinabi niya sa kanila, Bakit kayo’y nangakatayo rito sa buong maghapon na walang ginagawa? At sinabi nila sa kaniya, Sapagka’t sinoma’y walang umupa sa amin. Sinabi niya sa kanila, Magsiparito din naman kayo sa ubasan. At nang dumating ang hapon, sinabi ng panginoon ng ubasan sa kaniyang katiwala, Tawagin mo ang mga manggagawa, at bayaran mo sila ng kaupahan sa kanila, na mula sa mga huli hanggang sa mga una. At paglapit ng mga inupahan nang malapit na ang ikalabingisang oras ay tumanggap bawa’t tao ng isang denario. At nang magsilapit ang mga nauna, ang isip nila’y magsisitanggap sila ng higit; at sila’y nagsitanggap din bawa’t tao ng isang denario. At nang kanilang tanggapin ay nangagbulongbulong laban sa puno ng sangbahayan, Na nangagsasabi, Isa lamang oras ang ginugol nitong mga huli, sila’y ipinantay mo sa amin, na aming binata ang hirap sa maghapon at ang init na nakasusunog. Datapuwa’t siya’y sumagot at sinabi sa isa sa kanila, Kaibigan, hindi kita iniiring: hindi baga nakipagkayari ka sa akin sa isang denario? Kunin mo ang ganang iyo, at humayo ka sa iyong lakad; ibig kong bigyan itong huli, nang gaya rin sa iyo. Hindi baga matuwid sa aking gawin ang ibig ko sa aking pag-aari? o masama ang mata mo, sapagka’t ako’y mabuti? Kaya’t ang mga una’y mangahuhuli, at ang mga huli ay mangauuna: sapagka’t marami ang mga tinawag, datapuwa’t kakaunti ang mga nahirang(Mateo 20:1–16).

Binanggit din ni Jesus ang tungkol sa talinghaga ng matatalinong dalaga: “Kung magkagayon ay makakatulad ang kaharian ng langit ng sangpung dalaga, na kinuha ang kanilang mga ilawan, at nagsilabas upang salubungin ang kasintahang lalake. At ang lima sa kanila’y mga mangmang, at ang lima’y matatalino. Sapagka’t nang dalhin ng mga mangmang ang kanilang mga ilawan, ay hindi sila nangagdala ng langis: Datapuwa’t ang matatalino ay nangagdala ng langis sa kanilang sisidlan na kasama ng kanilang mga ilawan. Samantalang nagtatagal nga ang kasintahang lalake, ay nangagantok silang lahat at nangakatulog. Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalaki! Magsilabas kayo upang salubungin Siya. Nang magkagayo’y nagsipagbangong lahat ang mga dalagang yaon, at inayos ang kanilang mga ilawan. At sinabi ng mga mangmang sa matatalino, Bigyan ninyo kami ng inyong langis; sapagka’t nangamamatay ang aming mga ilawan. Datapuwa’t nagsisagot ang matatalino, na nangagsasabi, Baka sakaling hindi magkasya sa amin at sa inyo: magsiparoon muna kayo sa nangagbebenta, at magsibili kayo ng ganang inyo. At samantalang sila’y nagsisiparoon sa pagbili, ay dumating ang kasintahang lalaki; at ang mga naghanda ay nagsipasok na kasama Niya sa piging ng kasalan: at inilapat ang pintuan. Pagkatapos ay nagsirating naman ang mga ibang dalaga, na nagsisipagsabi, Panginoon, Panginoon, buksan mo kami. Datapuwa’t sumagot siya at sinabi, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi ko kayo nangakikilala. Mangagpuyat nga kayo, sapagka’t hindi ninyo nalalaman ang araw ni ang oras(Mateo 25:1–13). May malapit na kaugnayan sa pagitan ng dalawang propesiyang ito, na kapwa tungkol sa pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon. Ang ilang tao ay maraming taon na naniwala sa Panginoon, ngunit hindi muna sinalubong ang pagbabalik ng Panginoon. Ang ibang tao ay naniwala sa Panginoon sa napakaikling panahon lamang, ngunit sa katunayan ay nasalubong ang pagbabalik ng Panginoon. Ang ilang tao ay ni hindi naniwala sa Panginoon, kundi tinanggap ang Panginoon dahil maganda ang naging pakiramdam nila tungkol dito nang narinig nila ang ilang tao na sumaksi para sa Panginoon. Ito ang nagsakatuparan sa salita ng Panginoon: “Kaya’t ang mga una’y mangahuhuli.” Ang ilang tao ay naniwala sa Panginoon sa loob ng maraming taon. Yamang hindi nagbigay sa kanila ng pagbubunyag ang Panginoon, nang narinig nilang nasaksihan ng isang tao ang pagbabalik ng Panginoon, hindi sila tumanggap kundi sa halip ay humatol at nagkondena. Narinig ng ilang tao na may isang taong nakasaksi sa Panginoon. Matapos ang paghahanap at pagsusuri, pinatunayan nila na iyon ang tinig ng Panginoon at nakadama ng sama ng loob sa kanilang puso: “Paano akong napag-iwanan matapos maniwala sa Panginoon sa napakatagal na panahon? Naniwala sila sa Panginoon sa gayon kaikling panahon, paanong sila ang naunang tumanggap sa Panginoon?” Sila noon ay nagagalit at mainggitin. Ang pinakamahalaga, ang iilan na tumanggap sa pagbabalik ng Panginoon ay tumanggap ng gantimpala, ngunit yaong mga naniwala sa maraming taon ay walang natanggap na gantimpala. Tila hindi ito patas sa kanila, ngunit sinabi ng Panginoon sa gayong mga tao, “Masama ang mata mo, sapagka’t ako’y mabuti?” Ang pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw ay upang ibunyag ang lahat ng tao sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan. Ito ay ang pagkamakapangyarihan at karunungan ng Panginoon! Nakikita mo ba ito ngayon?

Alam ng ilang tao na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan at kaya no’ng linisin at iligtas ang mga tao, pero hindi pa rin nila ’yon tinatanggap. Patuloy silang kumakapit sa sarili nilang imahinasyon at pagkaintindi. Iniisip nilang kung pangangalagaan nila ang pangalan ng Panginoong Jesus, at magsisikap at magsasakripisyo para sa Panginoon, magagawa nilang makapasok sa kaharian ng langit. Ano’ng uri ng mga tao sila? Masasabi niyong hindi tinatanggap ng mga taong ’yon ang katotohanan. At mas lalo pa, hindi nila sinusunod ang Diyos. Hindi sila mga mananampalataya! Pinipili nating mga mananampalataya ang sarili nating landas. Hindi tayo pinipilit ng Diyos na pumili ng daan. Gano’n pa man, dapat nating maunawaan na sa tuwing nagsasagawa ang Diyos ng isang yugto ng bagong gawain, binibigay Niya sa mga tao ang katotohanan at ang paraan kung pa’no sila mamumuhay. Kailangan tayong tumanggap at sumunod. Walang pakialam ang Diyos kung gaanong gawain ang nagawa natin noon, gaano ang ating pinagdusahan at kung gaano ang halagang ibinayad natin. Basta hindi natin sinusunod ang kasalukuyang mga salita at gawain ng Diyos, hindi nakakamtan ang paglilinis sa pamamagitan ng pagdanas sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw upang makamit ang katotohanan at makalaya sa kasalanan, makakaharap natin ang kaparusahan ng Diyos. Ito ay pinagpasiyahan ng matuwid na disposisyon ng Diyos. Sabi nga ng Makapangyarihang Diyos, “Pinagpapasyahan Ko ang hantungan ng bawat tao hindi batay sa gulang, katandaan, tindi ng pagdurusa, at lalong hindi batay sa kung gaano siya kaawa-awa, kundi batay sa kung taglay niya ang katotohanan. Wala nang ibang pagpipilian kundi ito. Dapat ninyong matanto na parurusahan din ang lahat ng hindi sumusunod sa kalooban ng Diyos. Ito ay isang di-nababagong katotohanan. Samakatuwid, lahat ng pinarurusahan ay pinarurusahan nang gayon para sa katuwiran ng Diyos at bilang ganti sa kanilang maraming masasamang gawa(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan). Alam nating lahat, nang ginawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain, ang mga Fariseo na naniwala na ang kanilang masipag na paggawa ay karapat-dapat at napaka-kuwalipikado nila na natigil sa Kapanahunan ng Kautusan. Buong katigasan ng ulo silang umayon sa Lumang Tipan ng Biblia. Kinondena at kinalaban nila ang Panginoong Jesus. Tumanggi silang tanggapin ang pagliligtas ng Panginoong Jesus. Sa huli, sila ay pinarusahan ng Diyos. Ito ay isang katunayan na hindi maikakaila. Sa gayunding paraan, ang Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw ay dumating na at ipinapahayag Niya ang katotohanan at ipinagkakaloob ang landas ng buhay na walang hanggan sa sangkatauhan. Kung ang ginagawa lang natin ay umaayon sa pangalan ng Panginoong Jesus habang tinatanggihan at kinakalaban ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, kung gayon kahit gaano ang nagawa nating gawain noon at kahit gaano kalaki ang ating pagdurusa noon, tayo’y kasusuklaman ng Diyos. Tayo ang pupuntiryahin ng Kanyang pagpapabaya at sa huli, makakaharap natin ang kaparusahan at pagpuksa ng Diyos. Ito ay isang katunayan na hindi kailanman magbabago.

Basahin pa natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Naghahatid ng buhay si Cristo ng mga huling araw, at naghahatid ng walang maliw at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ang landas kung saan makakamit ng tao ang buhay, at ito lamang ang tanging landas kung saan makikilala ng tao ang Diyos at masasang-ayunan ng Diyos. Kung hindi mo hahanapin ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon hindi mo kailanman makakamit ang pagsang-ayon ni Jesus, at hindi kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagkat kapwa ka bulag na tagasunod at bilanggo ng kasaysayan. Yaong mga kontrolado ng mga tuntunin, ng mga titik, at iginapos ng kasaysayan ay hindi kailanman makakamit ang buhay ni makakamit ang walang-hanggang daan ng buhay. Ito ay sapagkat ang mayroon lamang sila ay malabong tubig na kinapitan ng libu-libong taon sa halip na tubig ng buhay na dumadaloy mula sa trono. Mananatili magpakailanman na mga bangkay, mga laruan ni Satanas, at mga anak ng impiyerno yaong mga hindi nabigyan ng tubig ng buhay. Kung gayon, paano nila mapagmamasdan ang Diyos?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan).

Pinakakatawa-tawang mga tao sa mundo yaong mga nagnanais na makamit ang buhay nang hindi umaasa sa katotohanang sinabi ni Cristo, at mga ligaw sa guni-guni yaong mga hindi tinatanggap ang daan ng buhay na dinala ni Cristo. Kaya naman sinasabi Ko na magpakailanmang kamumuhian ng Diyos yaong mga taong hindi tinatanggap si Cristo ng mga huling araw. Si Cristo ang pasukan ng tao patungo sa kaharian sa mga huling araw, at walang sinuman ang makalalampas sa Kanya. Walang sinuman ang maaaring gawing perpekto ng Diyos kundi sa pamamagitan ni Cristo lamang. Naniniwala ka sa Diyos, at sa gayon dapat mong tanggapin ang Kanyang mga salita at sundin ang Kanyang daan. Hindi mo maaaring isipin lamang ang magkamit ng mga pagpapala habang wala kang kakayahang tumanggap ng katotohanan at walang kakayahang tumanggap ng pagtustos ng buhay. Darating si Cristo sa mga huling araw upang mabigyan ng buhay lahat yaong mga tunay na naniniwala sa Kanya. Alang-alang sa pagtatapos ng lumang kapanahunan at ang pagpasok sa bago ang Kanyang gawain, at ito ang landas na dapat tahakin ng yaong lahat ng mga papasok sa bagong kapanahunan. Kung wala kang kakayahang kilalanin Siya, at sa halip kinokondena, nilalapastangan, o inuusig pa Siya, kung gayon nakatadhana kang masunog nang walang-hanggan at hindi kailanman makapapasok sa kaharian ng Diyos. Dahil ang Cristong ito ang Mismong pagpapahayag ng Banal na Espiritu, ang pagpapahayag ng Diyos, ang Siyang pinagkatiwalaan ng Diyos na gawin ang Kanyang gawain sa lupa. Kaya naman sinasabi Ko na kung hindi mo tatanggapin ang lahat ng ginagawa ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon nilalapastangan mo ang Banal na Espiritu. Maliwanag sa lahat ang ganting matatanggap ng yaong mga lumalapastangan sa Banal na Espiritu. Sinasabi Ko rin sa iyo na kapag nilalabanan mo si Cristo ng mga huling araw, kung tatanggihan mo nang may paghamak si Cristo ng mga huling araw, wala nang sinuman ang makapagpapasan sa mga kahihinatnan alang-alang sa iyo. Higit pa rito, simula sa araw na ito at sa mga susunod pa hindi ka magkakaroon ng isa pang pagkakataong makamit ang pagsang-ayon ng Diyos; kahit na subukin mo pang makabawi, hindi mo muling mapagmamasdan ang mukha ng Diyos. Sapagkat hindi isang tao ang nilalabanan mo, hindi isang mahinang nilalang ang tinatanggihan mo nang may paghamak, kundi si Cristo. Alam mo ba ang kahihinatnan nito? Hindi isang maliit na pagkakamali ang magagawa mo, kundi isang karumal-dumal na krimen. Kaya naman pinapayuhan Ko ang lahat na huwag ilabas ang mga pangil ninyo sa harap ng katotohanan, o gumawa ng bulagsak na mga pamumuna, dahil ang katotohanan lamang ang makapagdadala sa iyo ng buhay, at wala kundi ang katotohanan ang makapagpapahintulot na muli kang isilang at mapagmasdang muli ang mukha ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan).

Nasabi Ko na sa inyo ang lahat ng dapat Kong sabihin; kayo ang magpapasiya kung aling landas ang inyong pipiliin. Ang dapat ninyong maunawaan ay ito: Ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman naghihintay sa sinumang hindi nakakasabay sa Kanya, at ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi nagpapakita ng awa sa sinumang tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan).

Ngayon nauunawaan na nating lahat. Talagang nakita nating nagbalik na ang Panginoong Jesus. Ginagawa na ngayon ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos. Isa ’tong pahayag sa lahat ng nasa relihiyosong komunidad! Ngayon, nasa kapanahunan ng kapanglawan at malaking paglalahad ang relihiyosong komunidad. Ang lahat ay ibubukod sa kanilang wastong lugar. Nakikita niyo ba? Hindi ba’t makapangyarihan ang gawain ng Diyos na lihim na pagbaba? Sino’ng tao ang makakagawa ng isang bagay na kasing-dakila no’n? Ang gawain ng paghatol na ginawa ng Makapangyarihang Diyos sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan sa mga huling araw ang magbubunyag sa lahat. Ibubunyag ng Diyos kung sino’ng tao ang trigo at sino ang mga tara; sino ang matatalinong birhen at sino ang mga hangal na birhen. Ang mga tumatanggap sa gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ang matatalinong birhen. Iaakyat sila sa harap ng luklukan ng Diyos at tatanggap ng paghatol at paglilinis ng Kanyang salita. Unti-unti nilang mauunawaan at makakamit ang katotohanan. Lalago sila upang tunay na makilala ang Diyos. Palalayain nila ang mga sarili nila sa kanilang satanikong disposisyon at impluwensya ni Satanas. Sa huli, gagawin silang perpekto ng Diyos at magiging mga mananagumpay. Itong grupo ng mga mananagumpay na nilikha ng Diyos ay mamumuno kasama ang Diyos sa Kanyang kaharian sa hinaharap. Sila ang magiging mga haligi ng kaharian ng Diyos. Tutuparin nila ang propesiya: “Ang magtagumpay, ay gagawin Kong haligi sa templo ng Aking Diyos, at hindi na siya lalabas pa doon: at isusulat Ko sa kanya ang pangalan ng Aking Diyos, at ang pangalan ng bayan ng Aking Diyos, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa Aking Diyos, at ang Aking sariling bagong pangalan(Pahayag 3:12). Kapag nilikha ng Diyos ang mga mananagumpay na ito, ang Kanyang gawain ng paghatol na nagsisimula sa Kanyang tahanan sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao, ay magwawakas na. Pagkatapos ipapadala Niya ang malaking sakuna, parurusahan ang masama at gagantimpalaan ang mabuti. Lahat ng lumalaban at kumukondena sa Makapangyarihang Diyos ay mabubuwal sa minsan-sa-isang-milenyong sakuna at parurusahan. Lahat ng mga nilinis at ginawang perpekto ng Diyos ay poprotektahan Niya at makakaligtas sa malaking sakuna. Papasok sila sa kaharian ng Diyos at mamanahin ang Kanyang mga pangako at mga biyaya. Ito ang lubos na tutupad sa sumusunod na propesiya: “Ang kaharian ng sanlibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa Kanyang Cristo: at Siya’y maghahari magpakailan-kailanman(Pahayag 11:15). “Narito, ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao, at Siya’y mananahan sa kanila, at sila’y magiging mga bayan Niya, at ang Diyos din ay sasakanila, at magiging Diyos nila: At papahirin Niya ang bawa’t luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na(Pahayag 21:3–4). Basahin natin ang ilan sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos:

Kapag naipanumbalik na ang mga tao sa una nilang wangis, at kapag natutupad na nila ang kani-kanilang mga tungkulin, nananatili sa sarili nilang wastong kinalalagyan at nagpapasakop sa lahat ng pagsasaayos ng Diyos, natamo na ng Diyos ang isang pangkat ng mga tao na nasa lupa na sumasamba sa Kanya, at naitatag na rin Niya ang isang kaharian sa lupa na sumasamba sa Kanya. Magkakaroon Siya ng walang-hanggang tagumpay sa lupa, at ang lahat ng yaong mga sumasalungat sa Kanya ay mapapahamak sa lahat ng kawalang-hanggan. Ipanunumbalik nito ang una Niyang layunin sa paglikha sa sangkatauhan; ipanunumbalik nito ang layunin Niya sa paglikha ng lahat ng mga bagay, at ipanunumbalik din nito ang awtoridad Niya sa lupa, sa gitna ng lahat ng mga bagay, at sa gitna ng mga kaaway Niya. Ang mga ito ang magiging mga sagisag ng ganap Niyang tagumpay. Mula roon, papasok ang sangkatauhan sa pamamahinga at sisimulan ang buhay na nasa tamang landas. Papasok din sa walang-hanggang pamamahinga ang Diyos kasama ang sangkatauhan, at magsisimula ng isang walang-hanggang buhay na kapwa pagsasaluhan Niya at ng mga tao. Naglaho na ang dungis at pagsuway sa lupa, at humupa na ang lahat ng pagtangis, at tumigil na sa pag-iral ang lahat-lahat ng nasa daigdig na sumasalungat sa Diyos. Tanging ang Diyos at yaong mga taong dinalhan Niya ng kaligtasan ang mananatili; tanging ang nilikha Niya ang mananatili(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama).

Habang nagaganap ang Aking mga salita, unti-unting nabubuo ang kaharian sa mundo at unti-unting bumabalik sa normalidad ang tao, at sa gayon ay naitatatag sa lupa ang kahariang nasa Aking puso. Sa kaharian, nababawi ng lahat ng tao ng Diyos ang buhay ng normal na tao. Wala na ang nagyeyelong taglamig, napalitan ng isang mundo ng mga lungsod ng tagsibol, kung saan tumatagal nang buong taon ang tagsibol. Hindi na nahaharap ang mga tao sa malungkot at miserableng mundo ng tao, at hindi na nila tinitiis ang maginaw na mundo ng tao. Hindi nag-aaway-away ang mga tao, hindi nagdidigmaan ang mga bansa, wala nang patayan at dugong dumadaloy mula sa patayan; lahat ng lupain ay puspos ng kaligayahan, at lahat ng dako ay punung-puno ng init ng pagmamahal ng mga tao sa isa’t isa(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 20).

Ang gayong buhay ay ang buhay ng tao sa lupa sa hinaharap, ito ang pinakamagandang buhay sa lupa, ang uri ng buhay na kinasasabikan ng tao, ang uri na hindi pa kailanman nakamtan ng tao sa kasaysayan ng mundo. Ito ang huling kalalabasan ng 6,000 taon ng gawain ng pamamahala; ito ang lubhang kinasasabikan ng sangkatauhan, at ito rin ang pangako ng Diyos sa tao. Ngunit ang pangakong ito ay hindi kaagad mangyayari: Papasok lamang ang tao sa hantungan sa hinaharap sa sandaling natapos na ang gawain sa mga huling araw at siya ay ganap nang nalupig, iyon ay, sa sandaling ganap nang natalo si Satanas. Matapos mapino ang tao, mawawalan na siya ng makasalanang kalikasan pagkatapos, dahil nagapi na ng Diyos si Satanas, na nangangahulugan na hindi na makapanghihimasok ang mga puwersa ng kalaban, at wala nang mga puwersa ng kalaban na makakasalakay sa laman ng tao. At kaya magiging malaya at banal ang tao—siya ay nakapasok na sa kawalang-hanggan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan).

mula sa iskrip ng pelikulang Paggising mula sa Panaginip

Sinundan: Tanong 2: Pa’no ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw? Pa’no Niya hinahatulan ang tao, dinadalisay ang tao, at pineperpekto ang tao sa pamamagitan ng Kanyang mga salita? Isang bagay ’to na kailangang-kailangan nating malaman. Kung nauunawaan natin ang gawa ng Makapangyarihang Diyos, kung gano’n, talagang naririnig natin ang tinig ng Diyos at iaakyat tayo sa harap ng trono ng Diyos. Pakipaliwanag mo pa sa ’min nang mas detalyado!

Sumunod: Tanong 4: Lahat tayo ay naniwala sa Panginoon nang maraming taon, at lagi nating sinusunod ang halimbawa ni Pablo sa ating gawain para sa Panginoon. Naging tapat tayo sa pangalan at paraan ng Panginoon, at siguradong naghihintay sa atin ang korona ng pagkamatuwid. Ngayon, kailangan lang nating magtuon sa pagsusumikap para sa Panginoon, at pagmamasid sa Kanyang pagbabalik. Sa gayon lamang tayo maaaring dalhin sa kaharian ng langit. Iyon ay dahil sinabi sa Biblia na “at ang nangaghihintay sa akin ay hindi mangapapahiya(Isaias 49:23). Naniniwala kami sa pangako ng Panginoon: Dadalhin Niya tayo sa kaharian ng langit sa Kanyang pagbabalik. May mali ba talaga sa pagsampalataya sa ganitong paraan?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 14: Sa paniniwala n’yo sa Kanya, lahat kayo ay may mga sariling ideya at opinyon. Sa tingin ko ang mga ideya nyo at teyorya, ay pawang mga pakiramdam ng pansariling kamalayan, at puro ilusyon lamang ninyo sa mga bagay-bagay. Naniniwala kaming mga Komunista na ang materyalismo at teorya ng ebolusyon ang katotohanan, dahil naayon ang lahat ng yon sa syensya. Malinaw na nagbibigay ang ating bansa ng materyalista at ebolusyonistang edukasyon mula paaralang elementarya hanggang sa unibersidad. Sa tingin n’yo bakit? Yun ay para ipalaganap ang ateista at ebolusyonistang pag-iisip sa lahat ng kabataan sa murang edad, para lumayo sila sa relihiyon at ganun na rin sa pamahiin, at ng sa ganun siyentipiko at maayos nilang maipaliwanag ang lahat ng katanungan. Isang halimbawa ang, tanong tungkol sa pinagmulan ng buhay. Ignorante at makaluma ang mga tao sa nakaraan, at naniwala sa mga kwentong gaya ng paghihiwalay ni Pangu sa langit at lupa, at paglikha ni Nüwa sa mga tao. Ang mga taga-kanluran naman, ay naniwalang ang Diyos ang lumikha sa sangkatauhan. Ang totoo, mitolohiya lang at alamat ang lahat ng ito, at hindi naaayon sa syensya. Mula nang lumitaw ang teorya ng ebolusyon na nagpaliwanag sa pinagmulan ng sangkatauhan, kung paano nagmula ang tao sa mga unggoy, pinabulaanan ng teorya ng ebolusyon ang alamat ng paglikha ng Diyos sa tao. Nalikha ang lahat ng bagay sa natural na pamamaraan. Yun lamang ang katotohanan. Kaya nga Kailangan nating maniwala sa syensya, at sa teorya ng ebolusyon. Kayong lahat ay mga edukado at maraming nalalaman. Kaya bakit kayo naniniwala sa Diyos? Kaya n’yo bang sabihin sa’min ang inyong pananaw?

Sagot: Naniniwala kayong mga Komunista na ang materyalismo at teorya ng ebolusyon ang katotohanan, at kinikilala n’yo sina Marx at Darwin....

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito