2. Noon, madalas na ipinangangaral ng mga pastor na pagdating ng Panginoon, tayo ay madadala sa langit bago ang mga sakuna, ngunit ngayon ay nakikita natin ang bawat uri ng malalaking sakuna na dumarating sa mundo at hindi pa tayo nadadala. Sinasabi ng mga pastor na ang ating hindi pagkakadala ay nangangahulugang ang Panginoon ay hindi pa bumabalik, na ang Panginoon ay magpapakita sa atin sa gitna ng mga sakuna, at tayo ay madadala sa langit sa panahon ng mga sakuna. Hindi ko maintindihan: Madadala ba tayo bago ang mga sakuna, o habang nangyayari ang mga ito?

Sagot:

Sa usapin ng pagiging natipon ng mga mananampalataya sa pagparito ng Panginoon, maraming pastor at tagapagpaliwanag ng Biblia ang nagpasya na paparito ang Panginoon at titipunin ang mga mananampalataya bago dumating ang mga sakuna. Ngunit ngayon, dumating na ang malalaking sakuna at ang mga tao ng relihiyosong mundo ay hindi pa natipon; nalito nito ang maraming tao, at sa usaping ito ay sinasabi ng mga relihiyosong pastor, “Ang katotohanan na hindi pa tayo natipon bago ang mga sakuna ay nagpapakitang ang Panginoon ay hindi pumarito bago ang mga sakuna. Iginigiit namin na tiyak na magpapakita sa atin ang Panginoon sa panahon ng mga sakuna, kaya hihintayin nating matipon tayo sa panahon ng mga sakuna.” Ito ang pinakakaraniwang argumento sa relihiyon. Tama ba ang gayong mga pananaw? May batayan ba ang mga ito sa mga salita ng Diyos? Maaari kayang, dahil ang mga tao ng relihiyosong mundo ay hindi natipon bago ang mga sakuna, at hindi nakita ang Panginoong bumababa sa isang puting ulap, pinatutunayan na nito na hindi pumarito ang Panginoon? Nang magpakita ang Panginoong Jesus at isinagawa ang Kanyang gawain, hindi Siya nakilala ng mga punong saserdote, eskriba, at Fariseo ng Judaismo, at ikinaila nila ang Kanyang pagpapakita at gawain; hindi nila tinanggap ang Mesiyas, kaya sinabi nila na hindi pa Siya pumarito. Hindi ba ginagawa ng mga relihiyosong pastor na ito ang kaparehong pagkakamali ng mga Fariseo maraming taon ang nakararaan? Hindi ba sila namamali sa pagbibigay-kahulugan sa Biblia nang basta lang nila tinutukoy kung kailan paparito ang Panginoon batay sa isa o dalawang bersikulo ng Kasulatan? Ngayon, dahil dumating na ang mga sakuna, ang Panginoon ay talagang hindi hayagang pumarito na nakasakay sa isang puting ulap—ito ay katotohanan. Gayunpaman, nakita natin na sa Silangan, may mga nagpapatotoo sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, na nagpapatotoo at nagpapalaganap sa lahat ng katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, at tulad ng isang matinding liwanag, mabilis silang kumalat mula sa Silangan hanggang sa buong Kanluran, pinupukaw ang masidhing pagsupil at pag-usig ng rehimeng CCP, at naghahatid ng malawakang pagkabigla sa buong mundo. Wala ba talagang sinuman sa relihiyosong mundo ang nakakakita sa katotohanang ito? Tinutupad nito mismo ang propesiya ng Panginoong Jesus: “Gaya ng kidlat na kumikislap sa silanganan, at nagliliwanag hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao(Mateo 24:27).

Walang pag-aalinlangan na nagpapakita ang Panginoon at isinasagawa ang Kanyang gawain bago ang mga sakuna. Sa Aklat ng Pahayag, sinasabing, “At sa anghel ng iglesia sa Filadelfia ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng banal, niyaong totoo, niyaong may susi ni David, niyaong nagbubukas at di mailalapat ng sinoman, at naglalapat at di maibubukas ng sinoman: Nalalaman ko ang iyong mga gawa (narito, inilagay ko sa harapan mo ang isang pintuang bukas, na di mailalapat ng sinoman), na ikaw ay may kaunting kapangyarihan, at tinupad mo ang aking salita, at hindi mo ikinaila ang aking pangalan. Narito, ibinibigay ko sa sinagoga ni Satanas, ang mga nagsasabing sila’y mga Judio, at sila’y hindi, kundi nangagbubulaan; narito, sila’y aking papapariyanin at pasasambahin sa harap ng iyong mga paa, at nang maalamang ikaw ay aking inibig. Sapagkat tinupad mo ang salita ng Aking pagtitiis, ikaw naman ay Aking iingatan sa panahon ng pagsubok, na darating sa buong sanlibutan, upang subukin ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa. Ako’y dumarating na madali: panghawakan mong matibay ang nasaiyo, upang huwag kunin ng sinuman ang iyong putong. Ang magtagumpay, ay gagawin Kong haligi sa templo ng Aking Diyos, at hindi na siya lalabas pa roon: at isusulat Ko sa kanya ang pangalan ng Aking Diyos, at ang pangalan ng bayan ng Aking Diyos, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa Aking Diyos, at ang Aking sariling bagong pangalan(Pahayag 3:7–12). Natupad na ang lahat ng mga salitang ito. Sa panahon ng mga huling araw, ang iglesia sa Filadelfia ang iglesiang nadala bago ang mga sakuna, at ang lahat ng natipon ay iyong mga bumalik sa harapan ng Diyos dahil nabasa nila ang maraming pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos at narinig ang tinig ng Diyos. Tinutupad nito ang mga salitang ito ng Diyos: “At pagkahating gabi ay may sumigaw, ‘Narito, ang kasintahang lalaki! Magsilabas kayo upang salubungin Siya’(Mateo 25:6). “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin(Juan 10:27). “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig sa Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko(Pahayag 3:20). Ang mga taong ito na tumatanggap sa Makapangyarihang Diyos ay kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos araw-araw, at umuupo sa piging ng kasal ng Cordero. Ang lahat ng mga nagmamahal at naghahangad sa katotohanan ay nakaranas na ng paghatol, pagkastigo, mga pagsubok, at pagpipino ng Diyos, at nagawa na silang mga mananagumpay—sila ang matatalinong dalaga na sumalubong sa Panginoon. Samantala, ang mga tumatangging tanggapin ang Makapangyarihang Diyos ay mga hangal na dalaga; hindi nila nakikilala ang tinig ng Diyos, sinayang nila ang kanilang pagkakataong salubungin ang pagparito ng Panginoon, at kaya pinabayaan at nalublob sila sa mga sakuna. Ngunit matapos magsimulang bumuhos ang malalaking sakuna, naririnig ng ilang tao ang tinig ng Diyos sa gitna ng mga sakuna, nakikita nila ang patotoo sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, at tinatanggap nila ang Makapangyarihang Diyos. Ngayon, maraming relihiyosong tao ang nagsisiyasat sa gawain ng Makapangyarihang Diyos, kinikilala nila na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang tinig ng Diyos, at parami nang paraming tao ang tumatanggap sa Makapangyarihang Diyos. Ang mga taong ito ang mga natipon sa panahon ng mga sakuna.

Sinundan: 1. Sinasabi sa Biblia: “Pagkatapos, tayong mga buhay at mga natira ay dadalhin kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid: at sa gayon ay makasasama na natin ang Panginoon magpakailanman” (1 Tesalonica 4:17). Naniniwala kami na pagdating ng Panginoon, dadalhin tayo nang diretso sa mga ulap sa kalangitan upang salubungin Siya. Pinatototohanan mo na nagbalik na ang Panginoon, kung gayon, bakit hindi pa kami nadadala?

Sumunod: 1. Sinasabi mo na dapat nating tanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, dahil doon lamang malilinis at mababago ang ating mga tiwaling satanikong disposisyon, at saka lamang tayo makakapasok sa kaharian ng Diyos. Kaya, tulad ng hinihingi ng Panginoon, tayo ay nagpapakumbaba at nagpaparaya, minamahal natin ang ating mga kaaway, pinapasan natin ang ating krus, dinidisiplina natin ang ating katawan, tinatalikuran natin ang mga makamundong bagay, gumagawa tayo at nangangaral para sa Panginoon, at iba pa. Hindi ba’t ang lahat ng ito ay mga pagbabagong naganap sa atin? Sinasabi mo bang hindi pa ito sapat upang makapasok tayo sa kaharian sa langit? Naniniwala ako na hangga’t nagpapatuloy tayo sa pagsusumikap sa ganitong paraan, tayo ay magiging banal at makakapasok sa makalangit na kaharian.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 17: Pinatotohanan n’yo na ang Makapangyarihang Diyos ang Diyos ng mga huling araw na nagpapakita at gumagawa, at sinabi n’yo ring naghahanap ng katotohanan ang paniniwala n’yo sa Kanya, at tinatahak n’yo ang tamang daan ng buhay. Pero sa pagkakaalam ko, marami sa mga naniniwala sa Kanya sa Makapangyarihang Diyos ay katulad ng mga misyonaryo ni Jesus, na sa layunin ng pagpapakalat ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos, ay hindi nag-alinlangang iwan ang pamilya at propesyon, at ibinigay ang katawan at kaluluwa sa Diyos. Sa kanilang lahat marami sa mga kabataan ang hindi nagpapakasal, ginagawa nila ang tungkulin nila sa pagsunod kay Cristo ng mga huling araw. Hindi n’yo yata alam na, dahil iniiwan n’yo ang pamilya n’yo at kumikilos para ikalat ang ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos, lalong dumarami ang mga taong naniniwala sa Diyos. Kapag ang lahat ng tao ay napalapit na sa Diyos, sino pang maniniwala sa Partido Komunista, at susunod sa kanila? Malinaw na dahil dito, pinipigilan kayo at inaaresto ng gobyerno. May nakikita ba kayong mali rito? Dahil naniniwala kayo sa Diyos sa ganitong paraan kaya maraming tao ang inaresto at sinintesyahang makulong, at marami ang umalis ng bahay at lumikas. Maraming mag-asawa ang nagdiborsyo, at maraming bata ang walang mga magulang na, magmamahal sa kanila. Maraming matatanda ang walang karamay para mag-alaga sa kanila. Sa paniniwala sa Diyos sa ganitong paraan, dinanas ng mga pamilya ninyo ang matinding paghihirap. Ano ba talagang gusto ninyong makamit? Hindi kaya ito ang tamang daan para sa buhay ng tao na sinasabi n’yo? Ang tradisyunal na kultura ng Tsina ay nagbibigay ng higit na pagpapahalaga sa kabanalan ng pamilya. Ayon sa kasabihan: “Sa lahat ng kabutihan, ang paggalang ng anak sa magulang ang pinakamahalaga.” Sabi ni Confucius: “Habang buhay pa ang mga magulang n’yo, huwag kayong maglalakbay nang malayo.” Ang pagrespeto sa mga magulang ang pundasyon ng pag-uugali ng tao. Sa paniniwala at pagsunod sa Diyos sa paraang ginagawa n’yo, hindi nyo magawang alagaan kahit na ang mga magulang n’yong nagbigay-buhay at nag-aruga sa inyo, pa’no ito naituring na tamang daan para sa buhay ng tao? Madalas kong marinig sa mga tao na, mabubuti ang lahat ng sumasampalataya. Hindi mali yon. Pero naniniwala kayong lahat sa Diyos, sumasamba at nagtatanghal sa Kanya bilang dakila. Ito ang dahilan para magpuyos sa galit ang Partido Komunista, at mapuno ng pagkamuhi. Ginagawa n’yo ang tungkulin n’yo para maikalat ang ebanghelyo, pero ni hindi n’yo maalagaan ang mga sarili n’yong pamilya. Paano ito maituturing na kagandahang asal? Anong masasabi n’yo? Posible kaya na kahit hindi nakikita ay nagkamali kayo ng tinahak na daan sa paniniwala sa Diyos? Sa pagpapakalat ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos sa ganitong paraan, hindi ba’t sinisira n’yo ang pagkakaisa at katatagan ng lipunan? Nakikiusap ako sa inyo na itigil n’yo na ang paggawa ng mali. Bumalik na kayo sa lipunan sa lalong madaling panahon, samahan n’yo na ang pamilya n’yo, magkaro’n ng normal na buhay, at alagaang mabuti ang inyong pamilya. Dapat n’yong gawin ang tungkulin n’yo bilang mga anak at magulang. Ito lang ang pundasyon sa pag-uugali ng tao, at ito lang ang pinakapraktikal.

Sagot: Paulit-ulit mong sinasabi na maling daan ang tinahak namin sa paglisan sa mga pamilya at propisyon namin para maniwala sa Diyos at...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito