Tanong 7: Pinatototohanan n’yo na dumating na ang Panginoong Jesus at Siya ang Makapangyarihang Diyos. At na nagpahayag Siya ng maraming katotohanan at nagsasagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw. Palagay ko imposible ’yan. Lagi nating pinaninindigan na ang mga salita at gawain ng Diyos ay nakatala sa Biblia, at ang mga salita at gawain ng Diyos ay hindi maaaring umiral sa labas ng Biblia! Nananalig kami na nasa Biblia na ang kaganapan ng pagliligtas ng Diyos, ang Biblia ay kumakatawan sa Diyos. Basta’t sumunod ang isang tao sa Biblia, papasok siya sa kaharian ng langit. Ang ating paniniwala sa Panginoon ay nakabatay sa Biblia, ang paglihis mula sa Biblia ay bumubuo ng pagtanggi at pagtataksil sa Panginoon! May mali ba sa pagkaunawang ito?

Sagot: Kasasabi n’yo na lahat ng salita at gawain ng Diyos ay nasa Biblia, na nasa Biblia ang buong pagliligtas ng Diyos, at na ang mga salita at gawain ng Diyos ay hindi makikita sa labas ng Biblia. Naniniwala rin dito ang lahat ng relihiyon. Tila wala talagang maaaring tumiyak na totoo ang pananaw na ito. Noong araw, tinrato natin ang lahat ng isyu ayon sa Biblia. Ngayo’y itatanong ko: Ang pananaw bang ito ng mga relihiyon ay alinsunod sa Biblia? Ayon ba ito sa salita ng Diyos? Walang sinabing ganito ang Panginoong Jesus sa Biblia kahit kailan. Wala ring sinabing ganito ang Banal na Espirtu kahit kailan. Kaya, saan nanggaling ang ideyang ito? Ang totoo, hindi masyadong mahirap ipaliwanag ang isyung ito. Masasabi nang may katiyakan, ang paniwalang ito ng mga relihiyon ay ganap na nagmula sa pagkaintindi at imahinasyon ng tao. Bakit ko nasabi ’yan? Alam nating lahat, ang Bagong Tipan at Lumang Tipan ng Biblia ay isang talaan lamang ng dalawang yugto ng gawain ng Diyos. Patungkol sa mga salita at gawain ng Diyos noong Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya, may mangangahas ba ritong sabihin na ang Biblia ay isang kumpletong talaan? May nangangahas ba ritong sabihin lahat ng salita ng Diyos na inihatid sa pamamagitan ng mga propeta noong Kapanahunan ng Kautusan at lahat ng salita ng Panginoong Jesus noong Kapanahunan ng Biyaya ay nakatala sa Biblia? Ang totoo, alam n’yong lahat na marami sa mga aklat ng mga propeta sa Kapanahunan ng Kautusan ang hindi rin kasama sa Biblia. Kinikilala ito ng halos lahat! Marami sa mga salita ng Panginoong Jesus ang hindi nakatala sa Biblia. Ang mga salita ng Panginoong Jesus na nakatala sa Biblia ay napakaliit na bahagi lamang ng kabuuan! Tulad ng sa Ebangelyo ni Juan: “At mayroon ding iba’t ibang bagay na ginawa si Jesus, na kung susulating isa-isa, ay sa palagay ko kahit sa sanlibutan ay hindi magkakasya ang mga aklat na susulatin” (Juan 21:25). Ang talatang ito mula sa Biblia ay malinaw na nagsasaad na ang Biblia ay hindi isang talaan ng lahat ng salita at gawain ng Panginoong Jesus. Ang Biblia ay isang napakalimitadong salaysay lamang. Kaya, paano natin masasabi na ang Biblia ay naglalaman ng lahat ng salita at gawain ng Diyos? Hindi ba malinaw na taliwas ’yan sa katotohanan? Sa puntong ito, hindi ba mga sinungaling kayo? Ipinropesiya ng Panginoong Jesus nang maraming beses na paparito Siyang muli. Paano pa mauunang itala sa Biblia ang mga salita ng nagbalik na Panginoong Jesus? Imposible! Dapat nating linawing mabuti ’yan. Ang Biblia ay isang talaan ng gawain ng Diyos noong araw. Kaya maraming taon matapos isulat ang Lumang Tipan, naparito ang Panginoong Jesus at isinagawa ang gawain ng pagtubos noong Kapanahunan ng Biyaya. Sabihin n’yo sa akin, awtomatiko bang masusulat ang mga salita ng Panginoong Jesus sa Biblia? Imposible ’yan. Ang mga salita at gawain ng Diyos ay kinailangang tipunin bago maging teksto ang mga ito sa Biblia. Sa mga huling araw, pumarito ang Makapangyarihang Diyos para isagawa ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos, at ipinahayag ang lahat ng katotohanan para dalisayin at iligtas ang sangkatauhan. Maaari kayang awtomatikong lumitaw ang mga katotohanang ito sa Biblia? Imposible! Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang nagtipon sa lahat ng katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos sa Biblia ng Kapanahunan ng Kaharian, ibig sabihin, Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Ang Biblia ng Kapanahunan ng Kaharian ay naglalaman lamang ng pagpapahayag ng Diyos, walang anumang salita ng tao sa loob nito. Masasabi n’yo na Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao ang buhay na walang hanggan na ipinagkaloob ng Diyos sa tao sa mga huling araw. Kaya ang pananaw na ang mga salita at gawain ng Diyos ay nakatalang lahat sa Biblia at na ang mga salita at gawain ng Diyos ay hindi makikita sa ibang lugar maliban sa Biblia ay mali, katawa-tawa at bunga lamang ng mga paniwala at imahinasyon ng tao.

Malilinaw pa natin ang isyung ito sa pagbabasa ng ilang talata ng salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang mga naitala sa Biblia ay limitado; hindi nito kayang kumatawan sa kabuuan ng gawain ng Diyos. Ang Apat na Ebanghelyo sa kabuuan ay wala pang isang daang kabanata, kung saan nakasulat ang takdang bilang ng mga pangyayari, tulad ng pagsumpa ni Jesus sa puno ng igos, tatlong pagtatwa ni Pedro sa Panginoon, pagpapakita ni Jesus sa mga alagad kasunod ng Kanyang pagkapako sa krus at muling pagkabuhay, pagtuturo tungkol sa pag-aayuno, pagtuturo tungkol sa panalangin, pagtuturo tungkol sa diborsiyo, ang kapanganakan at talaangkanan ni Jesus, ang paghirang ni Jesus sa mga alagad, at iba pa. Subalit, pinahahalagahan ang mga ito ng tao bilang mga kayamanan, at ikinukumpara pa sa mga ito ang gawain sa ngayon. Naniniwala pa nga sila na gumawa lamang nang gayon karami si Jesus sa Kanyang buhay, na para bang gayon lamang karami ang kayang gawin ng Diyos at wala nang iba pa. Hindi ba ito katawa-tawa?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 1).

Sa panahong iyon, nagbigay lamang ng sunud-sunod na sermon si Jesus sa Kanyang mga disipulo sa Kapanahunan ng Biyaya tungkol sa mga paksa kung paano magsagawa, paano magtipun-tipon, paano magmakaawa sa panalangin, paano tratuhin ang iba, at iba pa. Ang gawaing Kanyang isinagawa ay yaong sa Kapanahunan ng Biyaya, at ipinaliwanag lamang Niya kung paano nararapat magsagawa ang mga disipulo at yaong mga sumunod sa Kanya. Ginawa lamang Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, at wala Siyang ginawa sa gawain ng mga huling araw. … Ang gawain ng Diyos sa bawat isang kapanahunan ay may malilinaw na hangganan; ginagawa lamang Niya ang gawain ng kasalukuyang kapanahunan, at hindi Niya isinasakatuparan nang maaga ang sumunod na yugto ng gawain kailanman. Sa ganitong paraan lamang maisusulong ang Kanyang gawaing kumakatawan sa bawat kapanahunan. Nagsalita lamang si Jesus tungkol sa mga tanda ng huling mga araw, paano maging mapagpasensya at paano maligtas, paano magsisi at mangumpisal, at kung paano magpasan ng krus at magtiis ng hirap; hindi Niya kailanman binanggit kung paano dapat pumasok ang tao sa huling mga araw, ni kung paano niya dapat hangaring palugurin ang kalooban ng Diyos. Sa gayon, hindi ba katawa-tawang saliksikin ang Biblia para sa gawain ng Diyos sa mga huling araw? Ano ang makikita mo sa paghawak lamang nang mahigpit sa Biblia? Isa mang tagapaglahad ng Biblia o isang mangangaral, sino ang makakakita nang maaga sa gawain ngayon?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Maaaring Tumanggap ng mga Paghahayag ng Diyos ang Taong Nililimitahan ang Diyos sa Kanyang mga Kuru-kuro?).

Kung nais mong makita ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, at makita kung paano sumunod ang mga Israelita sa landas ni Jehova, dapat mong basahin ang Lumang Tipan; kung nais mong maunawaan ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, dapat mong basahin ang Bagong Tipan. Ngunit paano mo makikita ang mga gawain sa mga huling araw? Kailangan mong tanggapin ang pamumuno ng Diyos ng kasalukuyan, at pumasok sa gawain sa kasalukuyan, dahil ito ang bagong gawain, at wala pang nakapagtatala nito sa Biblia. … Ang gawain sa kasalukuyan ay isang daan na hindi pa kailanman nalakaran ng tao, at daan na wala pang sinuman ang nakakita. Ito ay gawain na hindi pa kailanman nagawa—ito ang pinakabagong gawain ng Diyos sa mundo. … Sino sana ang maaaring makapagtala ng bawat isang bahagi ng gawain ngayon, nang walang makakaligtaan, nang hindi pa nangyayari? Sino sana ang maaaring makapagtala nitong mas makapangyarihan, mas may karunungang gawain na sumasalungat sa kinaugalian na nasa lumang inaamag na libro? Ang gawain sa kasalukuyan ay hindi kasaysayan, at dahil dito, kung nais mong lumakad sa bagong landas ngayon, kailangan mong lisanin ang Biblia, dapat mong lagpasan ang mga aklat ng propesiya o kasaysayan na nasa Biblia. Saka ka lamang maaaring makalakad sa bagong landas nang maayos, at saka ka lamang makakapasok sa bagong kaharian at sa bagong gawain(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 1).

Sabi mo sa pagsunod lang sa Biblia tayo maaaring makapasok sa kaharian ng langit. Ngayon, tatanungin kita: May ebidensiya ba sa Biblia tungkol sa pananaw na ito? May sinabi bang ganito ang Panginoong Jesus? Sinabi ba ito ng Banal na Espiritu kahit kailan? Kaya saan nanggaling ang ideyang ito? May malaking problema sa ideyang ito! Ang Biblia ay tinipon ng tao, hindi ng Diyos. Kung tinipon nga ito ng tao, natural lang na may ilang bagay na hindi naisama at may mga pagkakamaling nagawa dahil hindi natanggap ng tao ang pagliligtas at pagiging sakdal ng Diyos, at wala sa kanya ang katotohanan. Hindi kayang tukuyin ng tao kung ano ang nagmula sa Diyos at ano ang nagmula sa tao. Lalong hindi nila kayang tukuyin ang mga paglihis sa mga karanasan at patotoo ng mga tao. Dagdag pa rito, dahil kulang sa katotohanan at paghiwatig, kadalasan ay pinili ng tao ang gusto niya ayon sa kanyang sariling imahinasyon at paniwala, at binura at inalis yaong nagmula sa Diyos ngunit hindi nakaayon sa kanyang iniisip. Kaya mas malamang na makagawa siya mga pagkakamali. Kaya, hindi naiwasan ng tao na makagawa ng mga pagkakamali habang tinitipon ang Biblia. Kung ang ating paniniwala sa Diyos ay batay lamang sa Biblia, paano tayo nakakasiguro na tayo ay maliligtas at papasok sa kaharian ng langit? Hindi sinabi ng Panginoong Jesus kailanman na sa pagsunod lang sa Biblia maaaring makapasok ang tao sa kaharian ng langit. Patungkol sa pagpasok sa kaharian ng langit, malinaw na sinabi ng Panginoong Jesus: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit(Mateo 7:21). Napakalinaw ng sinabi ng Panginoong Jesus: Yaon lamang mga susunod sa kalooban ng Ama sa langit ang makakapasok sa kaharian ng langit. Para sa mga iginigiit pa rin na ang mga sumusunod lang sa Biblia ang makakapasok sa kaharian ng langit, itatanong ko: Katumbas ba ng pagsunod sa kalooban ng Ama sa langit ang paniniwala sa Biblia? Maaari bang humalili ang Biblia sa gawain ng Banal na Espiritu? Kung wala ang gawain ng Banal na Espiritu, makakamtan ba ng tao ang kaligtasan sa pagsunod lang sa Biblia? Sa pamamagitan lamang ng pagbabasa ng Biblia, maaari bang malinis ang tiwaling disposisyon ng tao? Maaari bang mabago ang disposisyon niya sa buhay? Sa pag-unawa lamang sa Biblia, makikilala ba ng tao ang Diyos? Tulad ng alam ng lahat, nagkaroon ng napakagandang pag-unawa ang mga Fariseo sa Biblia. Ngunit bakit nila ipinako sa krus ang Panginoong Jesus? Noong pumarito ang Panginoong Jesus, bakit Niya isinumpa ang mga Fariseo, na napakagagaling magpaliwanag ng Biblia? Ang ibig bang sabihin ng pagsunod sa Biblia ay makikilala n’yo ang tinig ng Diyos? Ibig bang sabihin kayo ay dinala sa harap ng luklukan ng Diyos? Ibig sabihin ba nito nakadalo kayo sa piging sa kasalan ng Cordero? May sagot ba kayo sa mga katanungang ito? Sinabi ng Panginoong Jesus, “Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa Akin. At ayaw ninyong magsilapit sa Akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay(Juan 5:39–40). Ipinagpapalit n’yo ang Biblia sa Panginoon at ang mga salita at gawain ng ikalawang pagparito ng Panginoon. Hindi ba ito pagkakanulo sa Panginoon? Ang Panginoon ba ang pinaglilingkuran n’yo o ang Biblia? Ang Panginoon ba ang pinaglilingkuran n’yo o ang Biblia? Kung hindi n’yo man lang maunawaan ang kaugnayan ng Biblia sa Panginoon, paano n’yo maaasahang makikilala Siya? Napakalinaw ng sinabi ng Panginoong Jesus. Sumasamba at pikit-mata kayong sumasampalataya sa Biblia. Naniniwala kayo na ang buhay na walang hanggan ay matatagpuan sa pamamagitan ng Biblia, subalit bigo silang sundin at sambahin ang Panginoon. Hindi ba ito mismo ang landas na tinahak ng mga Fariseo? Hindi ba sinamba ng mga Fariseo ang Biblia sa halip na ang Panginoon? Hindi ba ipinako nila sa krus ang Panginoong Jesus, kaya sila isinumpa ng Panginoon? Totoo ’yan, hindi ’yan maikakaila! Subalit narito at sinasabi n’yo na sa pagsunod sa Biblia ay makakapasok kayo sa kaharian ng langit, hindi ba katawa-tawa ito? Nanalig na kayo sa Panginoon sa loob ng maraming taon, naglingkod na kayo bilang elder at pastor ngunit katawa-tawa pa rin ang mga pananaw n’yo. Paano kayo naiiba sa mapagkunwaring mga Fariseong iyon? Nanalig na kayo sa Panginoon nang maraming taon at hindi pa rin n’yo napagtanto ang tunay na ugat ng isyung ito? Pagkaraan ng maraming taon ng pagsampalataya, dapat nang maunawaan natin ang kalooban ng Panginoon. Naparito nang muli ang Panginoon para dalhin ang lahat ng banal sa kaharian ng langit sa mga huling araw. Tungkol sa kung kailan Niya dadalhin ang mga banal sa kaharian ng langit, wala sinuman sa atin nakakaalam. Ngunit sinabi na ng Panginoong Jesus na ang matatalinong dalaga na nakikinig sa tinig ng nobyo ay sasama sa Panginoon sa piging. Pinatutunayan nito na kapag pumaritong muli ang Panginoon sa mga huling araw, yaong mga nakarinig sa Kanyang tinig at nakisalo sa Kanya sa piging ay dadalhin sa kaharian ng langit. Yaong mga nakikinig sa tinig ng Panginoon ay lubos na pinagpala. Ngayon’y isipin natin sandali, ang ibig bang sabihin ng taos-pusong pagbabasa ng Biblia ay ang kakayahan natin na makilala ang tinig ng Panginoon? Napakalalim ng kaalaman ng mga Fariseo sa Biblia at madalas nilang ipaliwanag ang mga talata sa Biblia para sa iba, subalit ipinako pa rin nila sa krus ang Panginoong Jesus. Ano ang nangyaring mali? Sa gayo’y malinaw na, ang mga nagmamahal lamang sa katotohanan at nakakarinig sa tinig ng Diyos ang sasalubong sa Panginoon, at tatanggap ng buhay mula sa Kanya. Sila lamang ang madadala sa kaharian ng langit.

mula sa iskrip ng pelikulang Sino ang Aking Panginoon

Sinundan: Tanong 6: Ang Biblia ay ang Biblia, ang Diyos ay Diyos. Nauunawaan ko na ang Biblia ay hindi talaga maaaring kumatawan sa Diyos. Ngunit ano nga ba talaga ang relasyon sa pagitan ng Biblia at ng Diyos? Hindi ko pa rin maintindihan. Mangyaring makipag-ugnayan sa amin nang higit pa!

Sumunod: Tanong 8: Sa loob ng 2,000 taon, pinagtibay ng mga relihiyon ang pininiwala na ang Biblia ay ibinigay sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos, na lahat ng iyon ay salita ng Diyos, kaya kinakatawan ng Biblia ang Panginoon. Yaong mga nagkakaila na ang Biblia ay ibinigay sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos at ang Kanyang salita ay talagang huhusgahan at tatawaging erehe (heretic) ng mga relihiyon. Ang pagkaunawa ko ba rito ay mali?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 17: Pinatotohanan n’yo na ang Makapangyarihang Diyos ang Diyos ng mga huling araw na nagpapakita at gumagawa, at sinabi n’yo ring naghahanap ng katotohanan ang paniniwala n’yo sa Kanya, at tinatahak n’yo ang tamang daan ng buhay. Pero sa pagkakaalam ko, marami sa mga naniniwala sa Kanya sa Makapangyarihang Diyos ay katulad ng mga misyonaryo ni Jesus, na sa layunin ng pagpapakalat ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos, ay hindi nag-alinlangang iwan ang pamilya at propesyon, at ibinigay ang katawan at kaluluwa sa Diyos. Sa kanilang lahat marami sa mga kabataan ang hindi nagpapakasal, ginagawa nila ang tungkulin nila sa pagsunod kay Cristo ng mga huling araw. Hindi n’yo yata alam na, dahil iniiwan n’yo ang pamilya n’yo at kumikilos para ikalat ang ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos, lalong dumarami ang mga taong naniniwala sa Diyos. Kapag ang lahat ng tao ay napalapit na sa Diyos, sino pang maniniwala sa Partido Komunista, at susunod sa kanila? Malinaw na dahil dito, pinipigilan kayo at inaaresto ng gobyerno. May nakikita ba kayong mali rito? Dahil naniniwala kayo sa Diyos sa ganitong paraan kaya maraming tao ang inaresto at sinintesyahang makulong, at marami ang umalis ng bahay at lumikas. Maraming mag-asawa ang nagdiborsyo, at maraming bata ang walang mga magulang na, magmamahal sa kanila. Maraming matatanda ang walang karamay para mag-alaga sa kanila. Sa paniniwala sa Diyos sa ganitong paraan, dinanas ng mga pamilya ninyo ang matinding paghihirap. Ano ba talagang gusto ninyong makamit? Hindi kaya ito ang tamang daan para sa buhay ng tao na sinasabi n’yo? Ang tradisyunal na kultura ng Tsina ay nagbibigay ng higit na pagpapahalaga sa kabanalan ng pamilya. Ayon sa kasabihan: “Sa lahat ng kabutihan, ang paggalang ng anak sa magulang ang pinakamahalaga.” Sabi ni Confucius: “Habang buhay pa ang mga magulang n’yo, huwag kayong maglalakbay nang malayo.” Ang pagrespeto sa mga magulang ang pundasyon ng pag-uugali ng tao. Sa paniniwala at pagsunod sa Diyos sa paraang ginagawa n’yo, hindi nyo magawang alagaan kahit na ang mga magulang n’yong nagbigay-buhay at nag-aruga sa inyo, pa’no ito naituring na tamang daan para sa buhay ng tao? Madalas kong marinig sa mga tao na, mabubuti ang lahat ng sumasampalataya. Hindi mali yon. Pero naniniwala kayong lahat sa Diyos, sumasamba at nagtatanghal sa Kanya bilang dakila. Ito ang dahilan para magpuyos sa galit ang Partido Komunista, at mapuno ng pagkamuhi. Ginagawa n’yo ang tungkulin n’yo para maikalat ang ebanghelyo, pero ni hindi n’yo maalagaan ang mga sarili n’yong pamilya. Paano ito maituturing na kagandahang asal? Anong masasabi n’yo? Posible kaya na kahit hindi nakikita ay nagkamali kayo ng tinahak na daan sa paniniwala sa Diyos? Sa pagpapakalat ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos sa ganitong paraan, hindi ba’t sinisira n’yo ang pagkakaisa at katatagan ng lipunan? Nakikiusap ako sa inyo na itigil n’yo na ang paggawa ng mali. Bumalik na kayo sa lipunan sa lalong madaling panahon, samahan n’yo na ang pamilya n’yo, magkaro’n ng normal na buhay, at alagaang mabuti ang inyong pamilya. Dapat n’yong gawin ang tungkulin n’yo bilang mga anak at magulang. Ito lang ang pundasyon sa pag-uugali ng tao, at ito lang ang pinakapraktikal.

Sagot: Paulit-ulit mong sinasabi na maling daan ang tinahak namin sa paglisan sa mga pamilya at propisyon namin para maniwala sa Diyos at...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito