2. Palagi nating pinaniniwalaan na ang mapatawad sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng ating paniniwala sa Panginoong Jesus ay ang matamo ang biyaya ng kaligtasan, ngunit sinasabi mo na ang “pagiging ligtas” ay hindi nangangahulugan ng totoong kaligtasan. Kaya ano nga ba ang ibig sabihin ng pagiging ligtas, at ano ang ibig sabihin ng ganap na ligtas? Ano ang mahalagang pagkakaiba sa pagitan ng pagiging ligtas at pagiging ganap na ligtas?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwat ang hindi sumasampalataya ay parurusahan” (Marcos 16:16).

“Sapagka’t ito ang Aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan” (Mateo 26:28).

“Hindi ang bawat nagsasabi sa Akin, ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang sumusunod sa kalooban ng Aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21).

“Ang mga ito’y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagkat sila’y mga malilinis. At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Kordero saan man Siya pumaroon. Ang mga ito’y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Diyos at sa Kordero. At sa kani-kanyang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan: sila’y mga walang dungis” (Pahayag 14:4–5).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Sa panahong iyon, ang gawain ni Jesus ay ang gawain ng pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng lahat ng nanampalataya sa Kanya ay pinatawad; basta’t ikaw ay nanampalataya sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay nanampalataya sa Kanya, hindi ka na sa kasalanan, inalis sa iyo ang iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng matubos, at mapawalang-sala ng pananalig. Ngunit sa mga nanampalataya, mayroon pa ring nanatiling mga bagay na mapaghimagsik at kontra sa Diyos, at kailangan pa ring dahan-dahang alisin. Ang pagtubos ay hindi nangahulugan na ang tao ay lubusan nang nakamit ni Jesus, kundi na ang tao ay wala na sa kasalanan, na siya ay pinatawad na sa kanyang mga kasalanan. Basta’t nanampalataya ka sa Kanya, hindi ka na nasa kasalanan pa.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (2)

Sa sandaling makompleto ang pangalawang yugto ng gawain ng Diyos—pagkaraan ng pagpapako sa krus—naisakatuparan ang gawain ng Diyos na bawiin ang tao mula sa kasalanan (ibig sabihin, bawiin ang tao mula sa mga kamay ni Satanas). Kaya nga, mula sa sandaling iyon, kinailangan lamang tanggapin ng sangkatauhan ang Panginoong Jesus bilang Tagapagligtas, at mapapatawad na ang kanyang mga kasalanan. Sa turing, ang mga kasalanan ng tao ay hindi na isang hadlang sa pagtatamo niya ng kaligtasan at pagharap sa Diyos, at hindi na batayan ng pag-akusa ni Satanas sa tao. Iyon ay dahil ang Diyos Mismo ay nagsagawa na ng praktikal na gawain, naging wangis at patikim ng makasalanang laman, at ang Diyos Mismo ang naging handog para sa kasalanan. Sa ganitong paraan, ang tao ay bumaba mula sa krus, at tinubos at iniligtas sa pamamagitan ng katawang-tao ng Diyos—ang wangis nitong makasalanang laman.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 3: Maaari Lamang Maligtas ang Tao sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos

Ang gawain sa mga huling araw ay ang bumigkas ng mga salita. May malalaking pagbabago na maidudulot sa tao sa pamamagitan ng mga salita. Ang mga pagbabagong nangyayari ngayon sa mga taong ito mula sa pagtanggap nila ng mga salitang ito ay lubhang mas malaki kaysa roon sa mga tao mula sa kanilang pagtanggap ng mga tanda at mga himala sa Kapanahunan ng Biyaya. Sapagkat, sa Kapanahunan ng Biyaya, ang mga demonyo ay pinalayas mula sa tao sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay at panalangin, ngunit ang mga tiwaling disposisyon sa loob ng tao ay nanatili pa rin. Ang tao ay pinagaling sa kanyang sakit at pinatawad sa kanyang mga kasalanan, ngunit tungkol sa kung paano maiwawaksi ng tao ang mga satanikong tiwaling disposisyon sa loob niya, ang gawaing ito ay hindi pa nagagawa sa kanya. Ang tao ay natubos at napatawad lamang sa kanyang mga kasalanan dahil sa kanyang pananalig, ngunit ang makasalanang kalikasan ng tao ay hindi naalis at nanatili pa rin sa loob niya. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao ng Diyos, ngunit hindi ito nangangahulugan na ang tao ay wala nang kasalanan sa loob niya. Ang mga kasalanan ng tao ay maaaring mapatawad sa pamamagitan ng handog para sa kasalanan, ngunit walang paraan ang tao para lutasin ang suliranin kung paano siya hindi na muling magkakasala, kung paano ganap na maiwawaksi ang kanyang mga tiwaling disposisyon at makasalanang kalikasan, at kung paano mababago sa isang antas ang kanyang buhay disposisyon. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad na dahil sa gawain ng pagpapapako sa krus ng Diyos, ngunit ang tao ay patuloy na namumuhay sa dati niyang mga satanikong tiwaling disposisyon. Dahil dito, ang tao ay dapat na ganap na mailigtas mula sa kanyang mga satanikong tiwaling disposisyon, ang kanyang makasalanang kalikasan ay dapat na ganap na maiwaksi, hindi na kailanman muling mabubuo, at ang kanyang disposisyon ay dapat na sumailalim sa pagbabago. Kinakailangan nito na maunawaan ng tao ang landas ng paglago sa buhay, na maunawaan ang daan ng buhay, at maunawaan ang daan upang baguhin ang kanyang disposisyon. Dagdag pa, kinakailangan din nito na magsagawa ang tao nang alinsunod sa landas na ito, nang sa gayon ang disposisyon niya ay unti-unting mababago at makakapamuhay siya sa ilalim ng sikat ng liwanag, upang ang lahat ng ginagawa niya ay maging alinsunod sa mga layunin ng Diyos, upang maiwaksi niya ang kanyang mga satanikong tiwaling disposisyon, at upang makalaya siya mula sa impluwensiya ng kadiliman ni Satanas, at sa gayon ay ganap na makaahon mula sa kasalanan. Saka lamang makakatanggap ang tao ng ganap na biyayang nagliligtas. Nang ginagawa ni Jesus ang Kanyang gawain, ang pagkakakilala ng tao sa Kanya ay malabo pa rin at hindi maliwanag. Ang tao ay laging naniwala na Siya ay ang anak ni David, at nagsabi na Siya ay isang dakilang propeta, ang maawaing Panginoon na tumubos sa mga kasalanan ng tao. Ang ilan, dahil sa lakas ng kanilang pananalig, ay gumaling sa pamamagitan lamang ng paghipo sa laylayan ng Kanyang damit; ang bulag ay nakakita at maging ang patay ay nabuhay muli. Gayunman, hindi nagawang matuklasan ng tao ang mga satanikong tiwaling disposisyon na malalim na nakaugat sa loob niya, hindi rin alam ng tao kung paano iwaksi ang mga ito. Ang tao ay nakatanggap ng masaganang biyaya, tulad ng kapayapaan at kaligayahan ng laman, ang pagpapala ng buong pamilya dahil sa pananampalataya ng isa, at ang pagpapagaling ng mga sakit, at iba pa. Ang natitira ay ang mga mabuting gawa ng tao at ang kanyang maka-Diyos na pagpapamalas; kung ang isang tao ay kayang mamuhay batay sa mga ito, siya ay itinuturing na isang mananampalatayang pasok sa pamantayan. Ang mga mananampalatayang tulad lamang nito ang maaaring pumasok sa langit pagkamatay, na nangangahulugan na sila ay nailigtas. Ngunit, sa kanilang buong buhay, hindi nila naunawaan kahit kaunti ang daan ng buhay. Ang ginawa lamang nila ay gumawa ng mga kasalanan at pagkatapos ay ikumpisal ang kanilang mga kasalanan nang paulit-ulit nang walang anumang landas sa pagbabago ng kanilang disposisyon: Ganyan ang kalagayan ng tao sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang tao ba ay nakatanggap ng ganap na kaligtasan? Hindi! Samakatwid, matapos na makompleto ang yugtong iyon ng gawain, naroon pa rin ang gawain ng paghatol at pagkastigo. Ang yugtong ito ay para dalisayin ang tao sa pamamagitan ng salita at sa gayon ay bigyan siya ng isang landas na susundan. Ang yugtong ito ay hindi magiging mabunga o makahulugan kung nagpatuloy ito sa pagpapalayas ng mga demonyo, sapagkat ang makasalanang kalikasan ng tao ay hindi maiwawaksi at ang tao ay hihinto lamang sa kapatawaran ng kanyang mga kasalanan. Sa pamamagitan ng handog para sa kasalanan, ang tao ay napatawad sa kanyang mga kasalanan, sapagkat ang gawain ng pagpapapako sa krus ay dumating na sa katapusan at ang Diyos ay nanaig laban kay Satanas. Ngunit ang mga tiwaling disposisyon ng tao ay nananatili pa rin sa loob niya at ang tao ay maaari pa ring magkasala at labanan ang Diyos, at hindi pa nakamit ng Diyos ang sangkatauhan. Kung kaya sa yugtong ito ng gawain ay ginagamit ng Diyos ang salita upang isiwalat ang mga tiwaling disposisyon ng tao, at upang makapagsagawa ang tao alinsunod sa angkop na daan. Ang gawain ng yugtong ito ay mas makabuluhan kaysa sa nauna at mas mabunga rin, dahil sa ngayon ang salita ang direktang nagtutustos para sa buhay ng tao at nagbibigay-daan upang ang disposisyon ng tao ay ganap na mapanibago; ito ay isang yugto ng gawain na mas higit na lubusan. Samakatwid, ang pagkakatawang-tao sa mga huling araw ay nakompleto ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos at ganap na natapos ang plano ng pamamahala ng Diyos para sa kaligtasan ng tao.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)

Ang laman ng tao ay kay Satanas, ito ay puno ng mga mapaghimagsik na disposisyon, sukdulan ang karumihan nito, at ito ay isang bagay na hindi malinis. Masyadong nag-iimbot ang mga tao sa kasiyahan ng laman at masyadong nagpapamalas ng laman; ito ang dahilan kaya kinamumuhian ng Diyos ang laman ng tao sa ganoon kalaking antas. Kapag iwinaksi ng mga tao ang marumi at tiwaling mga bagay ni Satanas, nakakamit nila ang pagliligtas ng Diyos. Ngunit kung hindi pa rin nila iwinawaksi ang karumihan at katiwalian, nabubuhay pa rin sila sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas. Ang pagpapakana at pakikipaglaban, panlilinlang, at pagiging baliko ng mga tao ay pawang mga bagay ni Satanas. Ang pagliligtas sa iyo ng Diyos ay upang palayain ka mula sa mga bagay na ito ni Satanas. Ang gawain ng Diyos ay hindi maaaring magkamali; lahat ng ito ay ginagawa upang iligtas ang mga tao mula sa kadiliman. Kapag umabot ka na sa punto sa iyong pananampalataya sa Diyos kung saan magagawa mong alisin sa iyong sarili ang katiwalian ng laman, at hindi na nalilimitahan ng katiwaliang ito, hindi ba naligtas ka na? Kung nabubuhay ka sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, wala kang kakayahang maipamalas ang Diyos, ikaw ay isang bagay na marumi, at hindi mo matatanggap ang pamana ng Diyos. Kapag nalinis at nagawa ka nang perpekto, ikaw ay magiging banal, magiging isa kang normal na tao, at pagpapalain ka ng Diyos at magiging kalugod-lugod ka sa Kanya.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa (2)

Ano ang kahalagahan ng pananalig ng mga tao? Sa madaling salita, ito ay upang maligtas. Ano ba mismo ang kaligtasan? At ano ang kahalagahan ng kaligtasan? Gusto Kong pag-isipan ninyong lahat ito. (Ibig sabihin nito ay na makalalaya kami mula sa madilim na impluwensiya ni Satanas, makakapanumbalik nang lubusan sa Diyos, at sa huli, ay makapananatiling buhay.) (Ang mga tao ay namumuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas at dahil doon ay nararapat sa kamatayan, ngunit sa pamamagitan ng pagdanas sa gawain ng Diyos, maaari silang maligtas, at sa gayon ay makaiwas sa kamatayan.) Nauunawaan ninyong lahat ito at maipaliliwanag ito sa antas ng doktrina, ngunit sadyang hindi ninyo alam kung ano talaga ang ibig sabihin ng maligtas. Ang pagiging naligtas ba ay pagwawaksi ng inyong mga tiwaling disposisyon? Ang pagiging naligtas ba ay nangangahulugang hindi pagsisinungaling, pagiging isang matapat na tao at paghinto sa paghihimagsik laban sa Diyos? Ano ba ang kondisyon ng mga tao pagkatapos nilang maligtas? Sa madaling salita, ang pagiging naligtas ay nangangahulugan na magagawa mong magpatuloy na mabuhay, na ikaw ay pinanumbalik sa buhay. Namumuhay ka dati sa kasalanan, at nakatakda para sa kamatayan—gaya ng nakikita ng Diyos, ikaw ay patay. Ano ang batayan sa pagsasabi nito? Sa ilalim ng kaninong kapangyarihan namumuhay ang mga tao bago sila nagtamo ng kaligtasan? (Sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas.) At ayon sa ano namumuhay ang mga tao sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas? Namumuhay sila ayon sa kalikasan ni Satanas at sa mga tiwaling disposisyon nito. Kung gayon, ang buong katauhan ba nila—ang kanilang laman, at lahat ng iba pang aspekto katulad ng kanilang espiritu at mga kaisipan—ay buhay o patay? Mula sa pananaw ng Diyos, sila ay patay, sila ay mga naglalakad na bangkay. Sa panlabas, mukhang buhay ka at nag-iisip, ngunit ang lahat ng palagi mong iniisip ay masama, pagtutol sa Diyos at pagrerebelde laban sa Diyos, ang lahat ng iyong iniisip ay mga bagay na kinapopootan, kinamumuhian, at kinokondena ng Diyos. Sa mga mata ng Diyos, ang lahat ng bagay na ito ay hindi lamang sa laman, kundi ang mga ito ay lubusang kay Satanas at sa mga diyablo. Kaya, sa mga mata ng Diyos, tao pa nga ba ang tiwaling sangkatauhan? Hindi, sila ay mga hayop at diyablo; sila ay mga buhay na Satanas! Ang lahat ng tao ay namumuhay ayon sa kalikasan at disposisyon ni Satanas, at ayon sa nakikita ng Diyos, sila ay mga buhay na Satanas at nakadamit sa laman ng tao, mga diyablo na nasa balat ng tao. Inilalarawan ng Diyos ang gayong mga tao bilang mga naglalakad na bangkay, bilang ang mga patay. Ang gawain ng pagliligtas na ginagawa ng Diyos ngayon ay ang kunin ang mga naglalakad na bangkay na namumuhay ayon sa mga tiwaling disposisyon ni Satanas at sa tiwaling diwa nito—ang mga patay—at gawin silang mga taong buhay. Iyan ang kahalagahan ng pagiging naligtas. Nananampalataya sa Diyos ang isang tao upang maligtas—ano ang ibig sabihin ng maligtas? Ang pagtamo sa pagliligtas ng Diyos ay nangangahulugan na ang patay na tao ay nagiging isang buhay na tao. Samantalang dati siyang kay Satanas, na nakatakdang mamatay, ngayon ay nabuhay na siya bilang isang taong nasa panig ng Diyos. Kung kaya ng mga taong magpasakop sa Diyos, makilala Siya, at yumukod sa Kanya sa pagsamba kapag nananampalataya at sumusunod sila sa Diyos, kung wala na silang paglaban at paghihimagsik laban sa Diyos sa kanilang puso, at Siya ay hindi na nila tututulan o tutuligsain, at kaya na nilang tunay na magpasakop sa Diyos, kung gayon, sa paningin ng Diyos, sila ay tunay na mga taong buhay. Ang isang tao ba na kumikilala lang sa Diyos sa salita ay isang taong buhay? (Hindi.) Anong uri ng tao ang isang taong buhay, kung gayon? Ano-ano ang mga totoong pagpapamalas ng mga taong buhay? Ano ang dapat na taglay ng mga taong buhay? Sabihin ninyo sa Akin ang inyong mga opinyon. (Ang mga kayang tumanggap ng katotohanan ay mga taong buhay. Kapag ang mga kaisipan at mga pananaw at mga perspektiba ng mga tao ukol sa mga bagay-bagay ay nagbago at umayon sa salita ng Diyos, sila ay mga taong buhay.) (Ang mga taong buhay ay ang mga nakauunawa sa katotohanan at kayang isagawa ang katotohanan.) (Ang isang taong may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan gaya ni Job ay isang taong buhay.) (Ang mga taong nakakikilala sa Diyos, kayang mamuhay alinsunod sa mga salita ng Diyos, at kayang isabuhay ang katotohanang realidad—sila ang mga taong buhay.) Ang bawat isa sa inyo ay nagsabi ng isang uri ng pagpapamalas. Para sa huli ay maligtas at maging isang taong buhay ang isang tao, dapat na kahit paano ay magagawa niyang pakinggan ang mga salita ng Diyos, at magawang magsabi ng mga salita ng konsensiya at katwiran, at dapat nag-iisip siya at kumikilatis, kayang maunawaan ang katotohanan at isagawa ito, kayang magpasakop sa Diyos at sumamba sa Kanya. Ganyan ang isang tunay na taong buhay. Ano ang madalas na iniisip at ginagawa ng mga taong buhay? Kaya nilang gawin ang ilang bagay na dapat na ginagawa ng mga normal na tao. Pangunahin, ginagawa nila nang maayos ang mga tungkulin nila, at natatakot sila sa Diyos at umiiwas sa kasamaan sa kanilang iniisip at sa ibinubunyag sa kanilang isipan, at sa karaniwang sinasabi at ginagawa nila. Iyan ang kalikasan ng madalas nilang iniisip at ginagawa. Para mas tiyak, ang sinasabi nila at ginagawa sa kabuuan ay naaayon sa katotohanan, kahit paano. Hindi ito kinokondena ng Diyos o itinataboy Niya, bagkus ay kinikilala at sinasang-ayunan Niya. Ito ang ginagawa ng mga taong buhay, at ito ang dapat nilang gawin.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Totoong Pagpapasakop Lamang Maaaring Magkaroon ng Tunay na Pagtitiwala ang Isang Tao

Kung nais ng mga tao na maging buhay na mga nilalang at magpatotoo sa Diyos, at makita ng Diyos na karapat-dapat, dapat nilang tanggapin ang pagliligtas ng Diyos; dapat silang malugod na magpasakop sa Kanyang paghatol at pagkastigo, at dapat nilang malugod na tanggapin ang pagpupungos ng Diyos. Saka lamang nila maisasagawa ang lahat ng katotohanang hinihingi ng Diyos, at saka lamang nila makakamit ang pagliligtas ng Diyos at magiging tunay na buhay na mga nilalang. Ang mga buhay ay yaong mga nailigtas na ng Diyos; nahatulan at nakastigo na sila ng Diyos, handa silang ilaan ang kanilang sarili at masayang ibigay ang kanilang buhay para sa Diyos, at malugod nilang igugugol ang kanilang buong buhay sa Diyos. Tanging kapag nagpapatotoo sa Diyos ang mga buhay mapapahiya si Satanas; tanging ang mga buhay ang maaaring magpalaganap ng gawain ng ebanghelyo ng Diyos, tanging ang mga buhay ang naaayon sa mga layunin ng Diyos, at tanging ang mga buhay ang tunay na mga tao. Sa simula, ang taong nilikha ng Diyos ay buhay, ngunit dahil sa katiwalian ni Satanas, namumuhay ang tao sa gitna ng kamatayan, at namumuhay sa ilalim ng impluwensiya ni Satanas, kaya nga, sa ganitong paraan, naging patay na walang espiritu ang mga tao, naging mga kaaway sila na sumasalungat sa Diyos, naging mga kasangkapan sila ni Satanas, at naging mga bihag sila ni Satanas. Naging mga patay ang mga buhay na taong nilikha ng Diyos, kaya nawala sa Diyos ang Kanyang patotoo, at nawala sa Kanya ang sangkatauhan, na Kanyang nilikha na tanging nagtataglay ng Kanyang hininga. Kung babawiin ng Diyos ang Kanyang patotoo at babawiin yaong mga nilikha ng Kanyang sariling kamay subalit nabihag na ni Satanas, kailangan Niyang buhayin silang muli upang maging buhay na mga nilalang sila, at kailangan Niyang bawiin lahat sila upang mamuhay sila sa Kanyang liwanag. Ang mga patay ay yaong mga walang espiritu, yaong mga sukdulang manhid, yaong mga kumokontra sa Diyos, at higit pa rito, yaong mga hindi nakakikilala sa Diyos. Wala ni katiting na intensiyon ang mga taong ito na magpasakop sa Diyos; naghihimagsik lamang sila laban sa Kanya at sinasalungat Siya, at wala kahit na katiting na katapatan. Ang mga buhay ay yaong mga ibinalik sa buhay ang kanilang espiritu, na alam magpasakop sa Diyos, mga tapat sa Diyos, at may taglay na katotohanan at patotoo—ang mga taong ito lamang ang nakalulugod sa Diyos sa Kanyang sambahayan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ikaw Ba ay Isang Taong Nabuhay Na?

Sinundan: 1. Sinasabi mo na ang mga tao ay malilinis lamang at ganap na maliligtas kung tatanggapin nila ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Hindi kami naniniwala. Sabi ng Biblia: “Sapagkat ang tao’y naniniwala sa katuwiran gamit ang puso; at gamit ang bibig sa pangungumpisal para sa ikaliligtas” (Roma 10:10). “Ngayon nga’y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus” (Roma 8:1). Napatawad na tayo sa ating mga kasalanan at nabigyang-katwiran ng ating pananampalataya sa pamamagitan ng paniniwala sa Panginoong Jesus. Pinalaya tayo minsan at magpakailanman, at sa pagbabalik ng Panginoon, direkta tayong madadala sa langit. Kung gayon, bakit mo nasasabi na dapat nating tanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw upang ganap na maligtas?

Sumunod: 1. Sinasabi sa Biblia: “Pagkatapos, tayong mga buhay at mga natira ay dadalhin kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid: at sa gayon ay makasasama na natin ang Panginoon magpakailanman” (1 Tesalonica 4:17). Naniniwala kami na pagdating ng Panginoon, dadalhin tayo nang diretso sa mga ulap sa kalangitan upang salubungin Siya. Pinatototohanan mo na nagbalik na ang Panginoon, kung gayon, bakit hindi pa kami nadadala?

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito