Ano ang isang anticristo at paano sila makikilala

Abril 20, 2018

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ano ang pakahulugan ng Diyos sa isang anticristo? Isang lumalaban sa Diyos. Ito ay isang kaaway ng Diyos! Isang lumalaban sa Diyos, lumalaban sa katotohanan, namumuhi sa katotohanan, namumuhi sa Diyos, at lubos na namumuhi sa anumang bagay na positibo—hindi ito karaniwang tao na panandaliang nanghina, hangal, at nagkamali nang kaunti sa kanilang mga iniisip at pananaw, ni hindi isang may bahagyang kakatwang pagkaunawa na hindi naaayon sa katotohanan. Hindi sila ganitong klase ng tao. Ito ay isang anticristo, isang kaaway ng Diyos. Ginagampanan niya ang papel ng isang taong namumuhi sa anumang bagay na positibo, namumuhi sa lahat ng katotohanan, at namumuhi sa buong disposisyon at kakanyahan ng Diyos. Paano tinatrato ng Diyos ang isang taong gumaganap sa papel na ito? Hindi sila ililigtas ng Diyos! Likas na kinasusuklaman at kinamumuhian ng gayong mga tao ang katotohanan. Ang inilalantad dito ay kasamaan, kabangisan, at pagkamuhi sa katotohanan—ito ang pinakamasasamang pagpapakita at disposisyon sa lahat ng tiwaling disposisyon, at ito ang mga bagay na pinaka-karaniwan at mahalaga kay Satanas. Hindi ito maliit na paghahayag ng tiwaling disposisyon na nasa karaniwan at tiwaling mga tao, kundi isang puwersang lumalaban sa Diyos. Kaya nilang gambalain at kontrolin ang isang iglesia, at kaya nilang sirain at pahintuin ang gawain ng pamamahala ng Diyos. Magagawa ba ito ng karaniwan at tiwaling mga tao? Talagang hindi, at sa gayon ay hindi mo ito dapat maliitin. Maaaring mayroon ding may masamang disposisyon ang karaniwang mga tao; ang ilan sa kanila ay kumikilos nang makasarili at kasuklam-suklam, at ang ilan ay napakasama, na hindi tinutulutan ang iba na utus-utusan sila, at iniisip sa kanilang sarili, “Kung hindi ako sasaktan ng mga tao, hindi ko sila sasaktan.” Ngunit paano naiiba rito ang mga anticristo? Ang kanilang pangunahing disposisyon ay hindi kayabangan, kundi lubos na kasamaan. At paano karaniwang makikita ang kasamaang ito? Makikita ito sa kakatwang paraan ng paggawa nila sa mga bagay-bagay, na mahirap makita sa karaniwang mga tao na may kaunting karunungan, kaunting kaalaman at kaunting karanasan sa lipunan; umangat na ito sa pagiging kasamaan, at hindi ito panlilinlang. Maaari silang maglaro ng mga laro sa dilim at panloloko, at “mas magaling” silang maglaro nito kaysa sa karamihan ng mga tao; hindi kaya ng halos lahat ng ordinaryong tao na makipagkumpetensya sa kanila at hindi rin nila kayang makitungo sa kanila. Ito ay dahil sukdulan na ang kanilang kasamaan kaya nagtataglay sila ng malaking kapangyarihang linlangin ang mga tao. Bakit tayo nagbabahagi tungkol sa mga pagpapakita ng mga anticristo? Dahil kayang-kayang linlangin ng mga anticristo ang mga tao. Nililinlang nila ang napakaraming tao nang minsanan, na parang nakamamatay na salot, na maaaring puminsala, dahil nakakahawa, at makamatay sa marami sa minsanang pagsilakbo; lubhang nakakahawa ito at malayo ang naaabot, at ang bilis ng pagkahawa rito at pagkamatay sanhi nito ay mas malaki kaysa sa pangkaraniwang mga karamdaman. Hindi ba matindi ang mga kahihinatnang ito?

Hinango mula sa “Kumikilos Sila Nang Patago, Umaasal na para sa Sarili at sa Paraang Diktatoryal, Hindi Nagbabahagi sa mga Tao Kailanman, at Pinipilit ang mga Tao na Sumunod” sa Paglalantad sa mga Anticristo

Sa panahong hindi pa nagkatawang-tao ang Diyos, ang sukatan kung sumalungat ang tao sa Diyos ay batay sa kung ang tao ay sumamba at tumingala sa di-nakikitang Diyos na nasa langit. Ang paraan ng pagtukoy sa pagsalungat sa Diyos sa panahong iyon ay tunay ngang hindi praktikal, dahil hindi kayang makita ng tao ang Diyos, at hindi niya alam kung ano ang imahe ng Diyos, o kung paano Siya gumawa at nagsalita. Walang mga kuru-kuro ang tao sa Diyos, at ang paniniwala niya sa Diyos ay hindi malinaw, dahil hindi pa nagpakita ang Diyos sa tao. Samakatuwid, paano man naniwala sa Diyos ang tao sa kanyang imahinasyon, hindi hinatulan ng Diyos ang tao o kaya ay gumawa ng maraming kahilingan mula sa kanya, sapagkat hindi talaga kayang makita ng tao ang Diyos noon. Nang nagkatawang-tao ang Diyos at pumarito upang gumawa kasama ng mga tao, ang lahat ay napagmasdan Siya at napakinggan ang Kanyang mga salita, at nakita ng lahat ang mga gawa na ginagawa ng Diyos mula sa Kanyang katawang-tao. Sa sandaling iyon, ang lahat ng kuru-kuro ng tao ay naging mga bula. At para sa mga nakakita na sa pagkakatawang-tao ng Diyos, hindi sila hahatulan kung kusang-loob silang tatalima sa Kanya, samantalang ang mga sadyang naninindigan laban sa Kanya ay ituturing na kalaban ng Diyos. Ang mga taong ito ay mga anticristo, mga kaaway na sadyang naninindigan laban sa Diyos.

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Lahat ng Taong Hindi Nakakakilala sa Diyos ay mga Taong Sumasalungat sa Diyos

Ang sinumang hindi nakauunawa sa layunin ng gawain ng Diyos ay sumasalungat sa Kanya, at ang nakauunawa sa layunin ng gawain ng Diyos ngunit hindi pa rin naghahangad na mabigyang-kasiyahan ang Diyos ay lalo pang higit na ituturing na kalaban ng Diyos. Mayroong mga nagbabasa ng Biblia sa mga malalaking iglesya at nagsasalaysay nito nang buong araw, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakauunawa sa layunin ng gawain ng Diyos. Wala ni isa sa kanila ang nakakilala sa Diyos, lalong wala ni isa sa kanila ang nakaayon sa kalooban ng Diyos. Lahat sila ay walang halaga, masasamang tao, bawat isa ay nagpapakataas upang pangaralan ang Diyos. Sadya nilang sinasalungat ang Diyos kahit na dala-dala nila ang Kanyang bandila. Sinasabi nilang sila ay nananampalataya sa Diyos, subalit kumakain pa rin sila ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng ganitong tao ay mga diyablong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong demonyo na sadyang humahadlang sa mga sumusubok na tumapak sa tamang landas, at mga balakid na nakasasagabal sa mga naghahanap sa Diyos. Sila ay tila may “mahuhusay na konstitusyon,” ngunit paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay walang iba kundi mga anticristo na umaakay sa mga tao na manindigan laban sa Diyos? Paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay mga nabubuhay na diyablo na nakatuon sa paglamon ng mga kaluluwa ng tao?

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Lahat ng Taong Hindi Nakakakilala sa Diyos ay mga Taong Sumasalungat sa Diyos

Yamang naniniwala ka sa Diyos, dapat kang manampalataya sa lahat ng mga salita ng Diyos at sa lahat ng gawain Niya. Ibig sabihin, yamang naniniwala ka sa Diyos, dapat kang sumunod sa Kanya. Kung hindi mo kayang gawin ito, kung gayon ay hindi mahalaga kung naniniwala ka sa Diyos o hindi. Kung naniniwala ka sa Diyos sa loob ng maraming taon, subalit hindi mo Siya kailanman sinunod, at hindi mo tinatanggap ang kabuuan ng mga salita Niya, at sa halip ay hinihingi mo sa Diyos na magpasakop Siya sa iyo at kumilos Siya ayon sa mga kuru-kuro mo, kung gayon ay ikaw ang pinakamapanghimagsik sa lahat, isa kang hindi mananampalataya. Paano makasusunod ang ganitong mga tao sa gawain at mga salita ng Diyos na hindi umaayon sa mga kuru-kuro ng tao? Ang pinakamapanghimagsik sa lahat ay ang mga sadyang lumalabag at lumalaban sa Diyos. Sila ang mga kaaway ng Diyos, ang mga anticristo. Palaging may poot ang saloobin nila sa bagong gawain ng Diyos; hindi sila kailanman nagkaroon ng ni katiting na kagustuhang magpasakop, ni hindi sila kailanman nagalak na magpasakop o magpakumbaba ng sarili nila. Dinadakila nila ang mga sarili nila bago ang iba at hindi kailanman nagpapasakop sa sinuman. Sa harap ng Diyos, itinuturing nila ang mga sarili nilang pinakamahusay sa pangangaral ng salita, at ang pinakabihasa sa paggawa sa iba. Hindi nila kailanman itinatapon ang mga “kayamanang” nasa pag-aari nila, kundi itinuturing ang mga ito bilang mga pamana ng pamilya para sambahin, para ipangaral sa iba ang tungkol dito, at ginagamit nila ang mga ito para magsermon sa mga hangal na umiidolo sa kanila. Tunay ngang may ilang taong tulad nito sa loob ng iglesia. Masasabing sila ay mga “hindi palulupig na mga bayani,” na bawat salinlahi ay pansamantalang nananahan sa tahanan ng Diyos. Ipinapalagay nila ang pangangaral ng salita (doktrina) bilang pinakamataas nilang tungkulin. Bawat taon, bawat salinlahi, masigasig nilang ipinatutupad ang “sagrado at hindi malalabag” na tungkulin nila. Walang nangangahas na salingin sila; wala kahit isang tao ang nangangahas na lantarang sawayin sila. Nagiging “mga hari” sila sa tahanan ng Diyos, nagwawala habang sinisiil nila ang iba sa bawat kapanahunan. Naghahangad ang pangkat ng mga demonyong ito na makipagsanib at gibain ang gawain Ko; paano Ko mapahihintulutang umiral ang mga buhay na diyablong ito sa harap ng mga mata Ko? Kahit ang mga medyo masunurin lamang ay hindi makapagpapatuloy hanggang sa katapusan, lalong hindi itong mga maniniil na wala ni katiting na pagsunod sa mga puso nila! Hindi madaling makakamit ng tao ang gawain ng Diyos. Kahit na ginagamit ang lahat ng lakas na mayroon sila, kaunting bahagi lamang nito ang makakamit ng mga tao, na sa huli ay magpapahintulot sa kanila na maperpekto. Ano, kung gayon, ang para sa mga anak ng arkanghel, na naghahangad na wasakin ang gawain ng Diyos? Wala ba silang mas maliit na pag-asang makamit ng Diyos?

— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos

Masdan mo ang mga pinuno ng bawat denominasyon—lahat sila’y mapagmataas at nag-aakalang mas matuwid sila kaysa sa iba, at binibigyang-kahulugan nila ang Biblia nang wala sa konteksto at ginagabayan ng kanilang sariling imahinasyon. Lahat sila’y umaasa sa mga kaloob at pag-aaral sa paggawa ng kanilang gawain. Kung sila’y wala talagang kakayahang mangaral, susunod ba sa kanila ang mga tao? Sila, kung sa bagay, ay nagtataglay ng kaunting kaalaman at makakapangaral ng ilang doktrina, o alam nila kung paano makaakit ng iba at kung paano gumamit ng ilang pakana. Ginagamit nila ang mga ito para dalhin ang mga tao sa harapan nila at linlangin sila. Sa pangalan, ang mga taong iyon ay naniniwala sa Diyos, ngunit sa realidad, sinusunod nila ang kanilang mga pinuno. Kung nakakatagpo sila ng isang taong nangangaral ng tunay na daan, ang ilan sa kanila’y nagsasabing, “Kailangang konsultahin namin ang aming pinuno tungkol sa aming pananampalataya.” Isang tao ang daanan ng kanilang pananampalataya sa Diyos; hindi ba problema iyan? Nagiging ano na kung gayon ang mga pinunong iyan? Hindi ba sila nagiging mga Fariseo, huwad na mga pastol, mga anticristo, at mga katitisuran sa pagtanggap ng mga tao sa tunay na daan?

Hinango mula sa “Tanging ang Paghahabol sa Katotohanan ang Tunay na Paniniwala sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

May mga taong labis na mapagwalang-bahala sa kanilang pag-uugali pagdating sa gawain ng pagsasaayos mula sa Itaas. “Ang Itaas ang nagsasaayos ng mga gawain,” iniisip nila, “at tayong naririto sa ibaba ang gumaganap sa gawain. Maipatutupad nang may naaayong pag-angkop ang ilan sa mga nasabi at ilan sa mga gawain—maaari silang ibahin pagkababa sa atin. Nagsasalita lang naman ang Itaas, at tayo ang gumagawa ng praktikal na gawain. Nauunawaan natin ang kalagayan sa iglesia, hindi ng Itaas, kaya’t ang mga tao at ang gawain sa iglesia na ibinigay sa atin ay upang gawin batay sa ating kagustuhan. Makakaya nating gawin ang nais natin, at walang sinuman ang may karapatang manghimasok.” Sa gayong mga tao, ito ang prinsipyo ng paglilingkod sa Diyos: “Kung sa tingin ko ay tama ang isang bagay, tatandaan ko ito; kung sa tingin ko ay may bagay na hindi maaaring gawin, ipagwawalambahala ko ito. Makakaya kong tumutol sa iyo kung ibig ko, o lumaban sa iyo, at hindi ko kailangang ipatupad o gawin ang anumang ayaw ko. Kung may sinabi ka na sa palagay ko ay hindi angkop, iwawasto ko ito para sa iyo, at saka ko ipapasa sa iba pagkaraan ko itong salain. Walang malalathala na hindi ko sinang-ayunan.” Sa kung saan-saang dako, ipinalalaganap nila ang orihinal na anyo ng mga pagsasaayos galing sa Itaas, ngunit ipinadadala ng taong ito ang iwinasto nilang bersyon ng mga pagsasaayos ng gawain sa mga tao sa lugar na pinamumunuan nila. Laging ninanais ng gayong uri ng tao na isaisantabi ang Diyos, at lubhang ibig na sumunod at maniwala sa kanila ang lahat. Sa tingin nila, hindi nila kapantay ang Diyos sa ilang larangan–Diyos din sila dapat, at dapat maniwala sa kanila ang lahat. Iyan ang kalikasan ng kanilang ginagawa. Kung nauunawaan ninyo ito, iiyak pa rin ba kayo kapag matanggal at mapalitan ang gayong tao? Makararamdam pa rin ba kayo ng simpatya sa kanila? Iisipin ninyo pa rin bang “Hindi nararapat at hindi makatarungan ang ginagawa ng Itaas–paano maaatim ng Itaas na alisin ang isang taong labis na naghirap?” Para sa kaninong kapakanan kaya sila naghirap? Naghirap sila alang-alang sa kanilang sariling kalagayan. Naglilingkod ba sila sa Diyos? Ginagampanan ba nila ang kanilang tungkulin? Tapat at nagpapasakop ba sila sa Diyos? Sila ay walang iba kundi mga kampon ni Satanas, at napasasailalim sa kapamahalaan ng demonyo ang kanilang gawain; sinisira nito ang plano ng pamamahala ng Diyos at ginagambala ang Kanyang gawain. Anong klaseng pananampalataya iyan? Sila ay walang iba kundi isang demonyo, isang anticristo!

Hinango mula sa “Paano Masasaktan ang Diyos?” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw

Ang mga anticristo ay lantarang kumakalaban sa katotohanan at sa Diyos. Nakikipagkompetensya sila sa Diyos para sa mga hinirang na tao, nakikipagkompetensya sila sa Kanya para sa katayuan, at para sa puso ng mga tao, at umaabot pa sa puntong sinusubukan nila ang lahat ng klase ng bagay para mahikayat ang puso ng mga tao, linlangin sila, at gawin silang manhid. Sa madaling salita, lahat ng ginagawa nila—lantaran man o palihim—sa pinakadiwa nito ay kumakalaban sa Diyos. Bakit Ko sinasabing kumakalaban ito sa Diyos? Dahil kahit na malinaw nilang nalalaman na ito ang katotohanan, at malinaw na nalalaman na ito ang Diyos, lumalaban pa rin sila. Isang halimbawa: Sa ilang iglesia, kapag naakit na ng mga anticristo ang mga tao na lumipat sa kanilang panig, nahikayat na sila palayo, at naimpluwensyahan na silang gawin ang gusto nila, manghihingi ng lahat ng uri ng aklat at ibang babasahin mula sa bahay ng Diyos upang magtatag ng sarili nilang hiwalay na iglesia. Ang mga anticristo ay sinasamba at sinusundan ng mga taong ito, sila ay mahigpit na nasa ilalim ng kanilang kontrol. Sa pagkilos nang ganito, malinaw na nakikipagkompetensya sila sa Diyos para sa mga hinirang na tao. Ito ba ay isa sa mga katangian ng isang anticristo o hindi? Ang ituring sila na mga anticristo batay sa ganoon kalinaw na katangian, na malayo sa pagiging hindi makatarungan sa kanila, ay tumpak na tumpak! Pagkatapos ay mayroong ilang anticristo na bumubuo ng sarili nilang kaharian sa loob ng iglesia, pinalalawig ang sarili nilang kapangyarihan at impluwensya, pinalalayas ang sinumang hindi nagagawang umayon, pinananatili sa kanilang tabi ang mga sumusunod at nakikinig sa kanila, upang bumuo ng isang hiwalay na puwersa at impluwensyahan ang mga tao na sumunod sa kagustuhan nila. Anumang mga pagsasaayos ng gawain o mga kahilingan na mula sa Itaas, gumagawa ang mga anticristong ito ng hiwalay na hakbang, inaakay ang mga taong nasa ilalim nila na lantarang suwayin ang mga pagsasaayos ng gawain na mula sa Itaas. Halimbawa, kahilingan mula sa Itaas na ang mga lider at mga manggagawa na hindi karapat-dapat ay maaaring mapalitan anumang oras, ngunit mula sa pananaw ng mga anticristo, kahit na maaaring hindi karapat-dapat ang mga lider at mga manggawa na ito, yamang ang mga anticristo ang luminang sa kanila, anuman ang sitwasyon ay hindi sila maaaring palitan sa pamamagitan ng kautusan mula sa Itaas maliban kung unang maaalis ang mga anticristo mismo. Naagaw na ba nila ang kontrol sa iglesia na ito o hindi? Sa sandaling mapasakamay nila ang kontrol, hindi na magiging praktikal ang mga pagsasaayos ng gawain ng bahay ng Diyos, at hindi na maisasagawa. Matagal nang nailabas ang mga pagsasaayos ng gawain, at bawat iglesia ay nakapagpasa na ng ulat ng katayuan ng kanilang pagtupad—halimbawa, kung sino ang mga nalipat o natanggalan ng tungkulin dahil sa partikular na mga pangyayari—ngunit sa mga lugar kung saan ang mga anticristo ang nangangasiwa, walang gayong mga tao, walang nagkaroon ng mga pagbabago sa kanilang mga tungkulin. Maaari bang wala ni isang hindi marapat na tao sa lugar na iyon? Totoo talagang hindi karapat-dapat ang ilang tauhan, at direkta nang inutusan ng Itaas ang anticristo na palitan sila, subalit kahit mahabang panahon na ang lumipas ay walang tugon na dumarating. Mayroon bang problema rito o wala? Isa itong sitwasyon kung saan nahulog na ang iglesia sa mga kamay ng isang anticristo. Mula sa Itaas ang mga kautusan para sa pagsasagawa ng mga pagsasaayos ng gawain, pero sa sandaling makarating ang mga iyon sa mga anticristo, nahaharang ang mga iyon, at walang balitang nakakarating doon sa mga nasa ibaba, kaya nawawalan sila ng anumang kaugnayan sa Itaas, at ang lahat ay kinokontrol ng mga anticristo. Ano ang kanilang kalikasan kapag ginagawa nila ang gayong mga bagay? Ito ay isang kaso ng pagpapakita ng mga anticristo ng kanilang mga sarili.

Hinango mula sa “Sila ay Masasama, Mapanganib, at Mapanlinlang (I)” sa Paglalantad sa mga Anticristo

Anong uri ng tao ang nagtatayo ng sarili niyang kaharian? (Isang anticristo.) At bakit tinatawag na “anticristo” ang ganitong tao? Una sa lahat, nangangahulugan ang “anti” ng pagiging palaban at salungat, at sangkot dito ang pagiging palaban at salungat kay Cristo, sa Diyos, at sa katotohanan. Ano ang ibig sabihin ng pagiging “palaban at salungat?” (Ang tumayo sa kalagayang direktang kasalungat.) (Ang magkaroon ng galit.) Maaari bang tumanggap ng katotohanan ang mga taong namumuhi sa Diyos at direktang sumasalungat sa Kanya? Maaari ba nilang mahalin ang katotohanan? Tiyak na hindi. Ang pinakaunang paraan na kanilang ipinapahayag ang kanilang sarili ay ang hindi mahalin ang katotohanan. Kapag mayroong nagsasalita ng katotohanan, wala silang sinasabi sa harap ng taong iyon, ngunit sa kanilang puso hindi nila tinatanggap ang katotohanan, at sa kaibuturan ay nilalabanan nila ito. Habang lumalaban sa lahat ng bagay na positibo—ang lahat ng katotohanang ito gaya ng pagpapasakop sa Diyos, matapat na pagganap sa kanilang mga tungkulin, pagiging matapat na mga tao, paghahangad sa katotohanan sa lahat ng bagay, at iba pa—mayroon ba silang maski kaunting personal na pagnanasa o pag-ibig? Wala maski kaunti. Kung gayon, dahil sa kalikasang diwa na ito na kanilang taglay, sila’y tumatayo na direktang nakasalungat sa Diyos at sa katotohanan. Kaya walang salang sa kanilang kaibuturan, ang mga gayong tao ay hindi nagmamahal sa katotohanan o sa anumang positibong bagay. Halimbawa, ang mga tao na nasa posisyon ng pamumuno ay kailangang may kakayanang tanggapin ang iba’t ibang opinyon ng kanilang mga kapatid, dapat ay kaya nilang buksan ang kanilang sarili sa kanilang mga kapatid at tanggapin ang pagsaway ng mga kapatid, at hindi sila dapat na kukuha ng katayuan. Ano ang iisipin ng isang anticristo tungkol sa lahat ng tamang paraan ng pagganap na ito? Marahil ay sasabihin niya, “Kung pinakinggan ko ang mga opinyon ng mga kapatid, magiging pinuno pa rin ba ako? Magtataglay pa rin ba ako ng katayuan at karangalan? Magagawa ko pa rin bang matakot ang mga tao sa akin? Kung hindi ko magawang matakot sa akin ang mga tao, at kung wala akong karangalan, anong gawain ang maaari kong gawin?” Ito mismo ang disposisyong taglay ng isang anticristo; hindi niya tinatanggap ang katotohanan maski sa pinakamaliit na paraan, at habang mas maayos ang pamamaraan ng paggawa, lalo pa niya itong nilalabanan. Hindi niya inaamin na ang mga tamang pamamaraan ng pagganap na ito’y siyang mga daan ng pagsasagawa sa katotohanan. Ano ang katotohanan ayon sa paniniwala niya? Ito ay ang pangangailangan na palaging gumamit ng kamay na bakal, masasamang gawa, malulupit na paraan, at madidilim na mga panlilinlang kapag nakikitungo sa kaninuman; dapat ay hindi kailanman gumamit ang isang tao ng katotohanan, pag-ibig, at mga salita ng Diyos. Ang kanyang paraan ay masamang paraan. Ito ang kalikasang diwa nila na katulad ng anticristo, at ito rin ang paraan na ginagawa nila ang mga bagay-bagay at puwersa sa likod ng kanilang mga pagkilos, ang pinagmumulan ng kanilang mga kilos. Ito ang anyo ng kanilang motibasyon at mga layunin. Ang diwa ng kanilang motibasyon at mga layunin, na madalas nilang inilalahad, ay siya mismong diwa ng anticristo—pagtanggi at pagkamuhi sa katotohanan. Ito ang kanilang diwa. Ano, kung gayon, ang kahulugan ng manindigan nang kasalungat sa katotohanan at sa Diyos? Ito’y nangangahulugan ng pagkamuhi sa katotohanan at sa mga bagay na positibo. Halimbawa, bilang isang nilalang, kailangang tuparin ang tungkulin ng isang nilikha; anuman ang sabihin ng Diyos, dapat na magpasakop ang mga tao, sapagkat ang mga tao ay mga nilalang. Ngunit paano ba mag-isip ang isang anticristo? “Hindi mali na ako’y isang nilikha, ngunit pagdating sa pagpapasakop, depende iyon sa sitwasyon. Una sa lahat, dapat ay mayroon itong pakinabang para sa akin; hindi ako dapat malugi, at kailangang unahin ko ang aking sariling mga interes. Kung mayroong mga gantimpala at mga dakilang biyayang maaaring makamtan at nais Mong magpasakop ako, mabuti kung gayon, ngunit kung walang mga gantimpala at walang patutunguhan, kung gayon ay hindi ako maaaring magpasakop.” Ganito ang pananaw ng isang anticristo. Bilang isa pang halimbawa, nais ng Diyos na maging tapat ang mga tao, ngunit ano ba ang iniisip ng anticristo tungkol dito? “Tanging mga mangmang lamang ang tapat; hindi tapat ang matatalino.” Ang mga opinyon bang ito ang kumakatawan sa saloobin ng mga anticristo na hindi tumatanggap sa katotohanan? Ano ang diwa ng ganitong uri ng saloobin? Ang diwa nito ay pagkamuhi sa katotohanan. Ito mismo ang kakanyahan ng mga anticristo, at ang kanilang kakanyahan ang tumutukoy sa landas na kanilang nilalakaran, at ang landas na kanilang nilalakaran naman ang tumutukoy sa mga bagay na kanilang gagawin habang ginagampanan ang ganitong uri ng tungkulin.

Hinango mula sa “Sinisikap Nilang Kumbinsihin ang mga Tao” sa Paglalantad sa mga Anticristo

May mga pagpapamalas ng pagiging isang anticristo ang ilang tao at pagbubuhos ng mga disposisyon ng isang anticristo, ngunit tinatanggap at kinikilala rin nila ang katotohanan, at minamahal ang katotohanan. Sila’y maaaring makatanggap ng kaligtasan. May mga taong, anuman ang kanilang hitsura, ay lumalaban at kinasusuklaman ang katotohanan sa pamamagitan ng kanilang diwang kalikasan. Sa sandaling nagsalita ka tungkol sa katotohanan o mangaral sa kanila, naiinis sila at nagiging palaban: Nagsisimula silang maidlip, nakakatulog sila, naiinip sila, at hindi interesado kahit na nakakaunawa sila; o tila masikap sila sa panlabas, ngunit sinusukat ang katotohanan nang may ibang saloobin, o sa pamamagitan ng isang balangkas ng kaalaman at teorya. Kung ganito ang kalagayan, gaano man karami ang mga salita ng Diyos na kanilang mabasa o ilang sermon man ang kanilang mapakinggan, sa huli ay hindi pa rin magkakaroon ng pinakamaliit na pagbabago sa kanilang saloobin, na paghahangad para sa katayuan at makamundong bagay, pagkamuhi sa Diyos, at paglaban sa katotohanan. Pangkaraniwan ito sa mga anticristo. Kaya kapag sinasabi mo na ang kanilang mga pagkilos ay naglalayong papanigin sa kanila ang mga tao, at itinataas at pinatotohanan nila ang kanilang sarili upang makipagtunggali sa Diyos para sa katayuan, upang linlangin ang mga tao, at ang kanilang mga pagkilos ay kay Satanas at mga anticristo, tinatanggap ba nila ang gayong paghatol? Hindi nila ito tinatanggap. Iniisip nila: “Tama lang at wasto para sa akin na kumilos sa ganitong paraan. Ganito ko ginagawa ang mga bagay-bagay. Maaari mo akong ikondena at punahin hangga’t gusto mo—hindi ko isusuko ang paghahangad na ito, ang pagnanasang ito, o ang paraang ito ng paggawa sa mga bagay-bagay.” Tiyak ito: Sila’y mga anticristo. Wala kang masasabi na makapagpapabago sa kanilang pananaw, ni hindi nito mababago ang kanilang mga motibasyon at layunin, maging ang kanilang mga ambisyon at pagnanasa. Ganito ang diwang kalikasan ng isang pangkaraniwang anticristo. Gaano man magbago ang kanilang kalagayan, o gaano man magbago ang mga tao, usapin, at mga bagay sa kanilang paligid, o gaano man magbago ang mga kapanahunan, at anuman ang mga tanda at himala na isinasagawa ng Diyos, at kung gaano man karaming biyaya ang ibinibigay ng Diyos sa kanila—kahit pa pinaparusahan sila ng Diyos—hindi magbabago ang kanilang mga balak. Ang kanilang paraan ng pagiging tao at paraan ng paggawa sa mga bagay-bagay ay hindi mababago, maging ang kanilang saloobin ng paglaban sa katotohanan. Kapag tinutukoy ng iba na ang kanilang ginagawa ay pagmamataas at pagpapatotoo tungkol sa kanilang sarili at pagsisikap na linlangin ang mga tao, binabago nila ang paraan ng kanilang pagsasalita sa paraang hindi sila masisisi ng iba at hindi makikilala ninuman. Gumagamit pa sila ng mga higit na tusong pamamaraan upang ipagpatuloy ang kanilang pamamahala at makamit ang lihim nilang mga layunin. Ito ang ipinapakita sa isang anticristo, at ito’y inuudyukan ng kakanyahan ng isang anticristo. Kahit na sinabi ng Diyos sa kanila na sila’y paparusahan, na dumating na ang kanilang wakas, na sila’y isinumpa at patungo sa kapahamakan, mababago ba nito ang kanilang diwa? Mababago ba nito ang kanilang saloobin sa katotohanan? Mababago ba nito ang pagmamahal nila sa katayuan, kayamanan, at kasikatan? Hindi. Ang pagbabago sa mga tao na ginawang tiwali ni Satanas para maging mga taong may normal na pagkatao na sumasamba sa Diyos ay siyang gawain ng Diyos; maaari itong makamit. Ngunit maaari bang gawing normal na mga tao ang mga demonyo, mga taong nakadamit sa balat ng tao ngunit ang kanilang kakanyahan ay mala-satanas, na sumasamba kay Satanas sa kampo ni Satanas at lumalaban sa Diyos? Imposible iyon. Hindi isinasagawa ng Diyos ang ganitong uri ng gawain; hindi kasama ang ganitong uri ng mga tao sa mga inililigtas ng Diyos. Kung gayon, Ano ang turing ng Diyos sa ganitong mga tao? Sila ay kay Satanas. Hindi sila pipiliin o ililigtas ng Diyos; hindi nais ng Diyos ang mga ganitong uri ng tao. Gaano man katagal silang nasa tahanan ng Diyos, gaano man sila nagdusa o kung ano ang nakamit nila, hindi nagbabago ang kanilang mga layunin. Hindi nila isasantabi ang kanilang mga ambisyon o pagnanasa, lalo nang hindi nila bibitiwan ang kanilang motibasyon at pagnanasa na makipagtunggali sa Diyos para sa katayuan at mga tao. Mga nabubuhay na anticristo ang ganitong mga tao.

Hinango mula sa “Itinataas at Pinatototohanan Nila ang Kanilang Sarili” sa Paglalantad sa mga Anticristo

Lahat ng anticristo ay mas gugustuhin na mamatay kaysa magsisi. Sumusumpa silang di-papasakop sa Diyos hanggang sa kamatayan, at lalaban hanggang sa wakas. Kahit na sa kaibuturan nila kinikilala nila na may isang Diyos, na Siya ang lumikha sa tao, at Siya ang makapagliligtas sa sangkatauhan, subali’t dahil sa kanilang likas hindi nila kayang baguhin ang landas na kanilang pinili, at hindi kayang baguhin ang katunayan ng kanilang poot sa Diyos. Kung gayon, ang diwa ng pag-uugali ng mga anticristo ay ang patuloy na gumamit ng iba’t ibang mga pamamaraan upang makamit ang kanilang layunin na magkaroon ng katayuan, mang-akit ng mga tao at pasunurin ang mga ito at ipagpitagan sila. Posibleng sa kaibuturan ng kanilang mga puso ay hindi nila sinasadyang makipag-agawan sa Diyos para sa sangkatauhan, ngunit isang bagay ang tiyak: Kahit na hindi sila nakikipag-agawan sa Diyos para sa mga tao, nais pa rin nilang magkaroon ng katayuan at kapangyarihan sa gitna nila. Kahit na dumating ang araw na mapagtanto nila na nakikipagkumpitensya sila sa Diyos para sa katayuan, at magpigil man sila ng kanilang sarili, gumagamit pa rin sila ng iba pang mga pamamaraan upang makakuha ng katayuan sa mga tao at mapatunayan nila ang kanilang sarili. Sa madaling sabi, kahit na ang lahat ng ginagawa ng mga anticristo ay lilitaw na binubuo ng isang tapat na pagganap ng kanilang mga tungkulin, at tila mga totoong tagasunod sila ng Diyos, ang kanilang ambisyon na kontrolin ang mga tao—at makakuha ng katayuan at kapangyarihan sa gitna nila—ay hindi kailanman magbabago. Kahit ano pa ang sabihin o gawin ng Diyos, at kahit anong hinihingi Niya sa mga tao, hindi nila ginagawa ang dapat nilang gawin o ginagampanan ang kanilang mga tungkulin sa paraang angkop sa Kanyang mga salita at iniaatas, ni hindi rin nila isinusuko ang kanilang paghahangad ng kapangyarihan at katayuan bilang resulta ng pagkaunawa sa Kanyang mga sinalita at ng katotohanan; sa buong panahon, nilalamon sila ng kanilang ambisyon, kinokontrol at pinangungunahan nito ang kanilang pag-uugali at kaisipan, at siyang nagdidikta ng landas na kanilang tinatahak. Ito ang halimbawa ng isang anticristo. Ano ang binibigyang-diin dito? Ang ilang mga tao ay nagtatanong, “Hindi ba’t ang mga anticristo ang mga nakikipag-agawan sa Diyos upang makaakit ng mga tao, at hindi kumikilala sa Kanya?” Maaaring kinikilala nila ang Diyos, maaaring totohanan silang kumikilala at sumasampalataya sa Kanyang pag-iral, at maaaring handa silang sundin Siya at hanapin ang katotohanan, ngunit isang bagay ang hindi kailanman magbabago: Hindi nila kailanman bibitawan ang kanilang ambisyon para sa kapangyarihan at katayuan, ni isusuko nila ang kanilang paghahangad ng mga bagay na iyon dahil sa kanilang mga kapaligiran o sa pagtingin ng Diyos sa kanila. Ito ang mga katangian ng mga anticristo. Gaano man nagdusa ang isang tao, gaano man karami ang katotohanang naunawaan nila, gaano man karaming katotohanang realidad ang napasok nila, at gaano man karaming kaalaman tungkol sa Diyos ang taglay nila, lampas sa mga panlabas na kaganapan at kahayagang ito, hindi sila kailanman magpipigil o bibitaw sa kanilang ambisyon para sa, at paghahangad ng, katayuan at kapangyarihan, at ito mismo ang nagtatakda sa kanilang diwang kalikasan. Walang kahit na kaunting pagkakamali na tukuyin ng Diyos ang gayong mga tao bilang mga anticristo; natukoy na ito ng kanilang pinakadiwang kalikasan. Ang ilang mga tao, marahil, ay naniniwala dati na ang isang anticristo ay sinumang nagtangkang makipag-agawan sa Diyos para sa sangkatauhan. Gayunpaman, kung minsan hindi kinakailangang makipag-agawan ang mga anticristo sa Kanya; kailangan lamang nilang maging mga taong ang kaalaman, pagkaunawa, at pangangailangan para sa katayuan at kapangyarihan ay hindi katulad ng mga normal na tao. Ang mga normal na tao ay maaaring maging mapaghangad ng sariling kapurihan; maaari nilang subukang makuha ang papuri ng iba at gumawa ng magandang impresyon sa kanila, at maaari nilang subukang makipagkumpitensya para sa isang magandang katayuan. Ito ang ambisyon ng mga normal na tao. Kapag napalitan sila bilang mga pinuno, at nawala ang kanilang posisyon, nalalampasan nila ito; sa pamamagitan ng pagbabago sa kanilang kapaligiran, ilang pagtaas sa kanilang tayog, ilang nakamit na pagpasok sa katotohanan, o pagkakaroon ng mas malalim na pag-unawa sa katotohanan, unti-unting lumalamig ang kanilang ambisyon. Nagkakaroon ng pagbabago sa landas na kanilang tinatahak at sa direksyon na kanilang nilalakbay, at ang kanilang paghahangad ng katayuan at kapangyarihan ay nawawala. Nababawasan din unti-unti ang kanilang mga hangarin. Gayunman, iba ang mga anticristo: Hindi nila magagawang isuko ang kanilang paghahangad ng katayuan at kapangyarihan. Sa anumang panahon, sa anumang kapaligiran, at kahit sino pang mga tao ang nasa kanilang paligid at gaano man sila katanda, hindi kailanman magbabago ang kanilang ambisyon. Ano ang nagpapahiwatig na ang kanilang ambisyon ay hindi kailanman magbabago? Ipagpalagay na sila ay mga pinuno ng iglesia: Nais nilang kontrolin ang lahat ng tao sa iglesia. Maaari silang pumunta sa ibang iglesia, kung saan hindi sila ang mga pinuno, gayon pa man, hinahangad pa rin nila ang katayuang iyon. Saan man magpunta ang gayong mga tao, nais nilang magtaglay ng kapangyarihan. Hindi ba puno ng ambisyon ang kanilang mga puso? Ang ipinapamalas nila ay lampas sa larangan ng normal na pagkatao. Wala bang bagay na abnormal tungkol dito? Ano ang abnormal dito? Ang ipinapakita nila ay hindi kung ano ang dapat na maipakita ng normal na pagkatao. Ano ang ipinapakita nila? Ano ang nagiging sanhi para ipakita ito? Ang likas nila ang nagiging sanhi nito. Mga masasamang espiritu sila. Hindi ito pareho sa ordinaryong katiwalian; may pinagkaiba. Hinding-hindi titigil ang mga anticristo sa kanilang paghahangad ng katayuan at kapangyarihan; wiling-wili sila dito. Ito ang kanilang diwang kalikasan; ito ang kanilang orihinal na anyo, at ang kanilang totoong mukha. Hindi lamang sila nakikipagkumpitensya sa Diyos para sa katayuan, nakikipagkumpitensya din sila sa mga tao para sa katayuan. Payag man, o kasundo man o hindi ang iba, aktibong sinusubukan ng mga anticristo na kontrolin sila at maging kanilang mga pinuno, nang walang pagsaalang-alang sa kanilang mga kagustuhan. Saan man sila magpunta, nais ng mga anticristo na sila ang namumuno at may huling salita. Ito ba ang kanilang likas? Nais bang makinig ng mga tao sa iyo? Pinili ka ba nila? Inihalal ka ba nila? Sang-ayon ba sila na ikaw ang may huling salita? Walang sinuman ang may nais na magkaroon ng huling salita ang mga taong ito, at walang nakikinig sa kanila, ngunit sinusubukan pa rin nila itong makuha. Problema ba ito? Labis ang kawalang-kahihiyan nila at kawalan ng pagsisisi. Kapag ang mga gayong tao ay mga pinuno, sila ay mga anticristo; kapag hindi sila mga pinuno, mga anticristo din sila.

Hinango mula sa “Nililito, Inaakit, Tinatakot, at Kinokontrol Nila ang mga Tao” sa Paglalantad sa mga Anticristo

Ang pagmamahal ng mga anticristo sa kanilang katayuan at reputasyon ay higit pa sa mga normal na tao, at nasa loob ng kanilang disposisyon at kakanyahan; hindi ito isang pansamantalang interes, o lumilipas na epekto ng kanilang paligid—ito ay isang bagay na nasa kanilang buhay, nasa kanilang mga buto, kaya ito ay kanilang kakanyahan. Masasabing sa lahat ng ginagawa ng isang anticristo, ang una nilang isinasaalang-alang ay ang kanilang sariling katayuan at reputasyon, at wala nang iba. Para sa isang anticristo, ang katayuan at reputasyon ang kanilang buhay, at ang kanilang panghabambuhay na layunin. Sa lahat ng kanilang ginagawa, ang una nilang isinasaalang-alang ay: “Ano ang mangyayari sa aking katayuan? At sa aking reputasyon? Ang paggawa ba nito ay magbibigay sa akin ng reputasyon? Itataas ba nito ang aking katayuan sa isipan ng mga tao?” Iyon ang unang bagay na kanilang iniisip, na sapat na patunay na mayroon silang disposisyon at kakanyahan ng mga anticristo; kung hindi, hindi sila magsusumikap nang ganoon. Maaaring sabihin na para sa isang anticristo, ang katayuan at reputasyon ay hindi ilang karagdagang pangangailangan, at hindi rin isang bagay na kayang-kaya nila kahit wala ang mga ito. Bahagi ang mga iyon ng kalikasan ng mga anticristo, iyon ay nasa kanilang mga buto, sa kanilang dugo, ang mga iyon ay likas sa kanila. Hindi masasabing ang mga anticristo ay walang pakialam kung sila ba ay nagtataglay ng katayuan o reputasyon; hindi ganito ang kanilang pag-uugali. Kung gayon, ano ang kanilang pag-uugali? Ang katayuan at reputasyon ay malapit na konektado sa kanilang pang-araw-araw na buhay, sa kanilang pang-araw-araw na kalagayan, sa kung ano ang kanilang pinagsisikapan sa araw-araw. At kaya para sa mga anticristo, ang katayuan at reputasyon ay ang buhay nila. Paano man sila mabuhay, ano man ang kapaligiran na tinitirhan nila, ano man ang gawain na kanilang ginagawa, ano man ang kanilang pinagsisikapan, ano man ang kanilang mga layunin, ano man ang direksyon ng kanilang buhay, ang katayuan at reputasyon ang dahilan ng kanilang pagsisikap, ang mithiin na kanilang pinagsisikapan na hindi nila mabitawan sa kanilang mga puso. Ito ang totoong mukha ng mga anticristo, at ang kanilang kakanyahan. Maaari mo silang ilagay sa isang sinaunang gubat sa pusod ng kabundukan, at hindi pa rin nila tatalikdan ang katayuan at reputasyon; maaari mo silang ilagay sa gitna ng isang grupo ng mga karaniwang tao, at ang lahat ng iniisip nila ay katayuan at reputasyon pa rin. Kaya, kapag nagtamo sila ng pananalig, nakikita nila ang sarili nilang katayuan at reputasyon na katumbas ng paghahanap ng pananampalataya sa Diyos; na ibig sabihin, habang tinatahak nila ang landas ng pananampalataya sa Diyos, pinagsisikapan din nila ang kanilang sariling katayuan at reputasyon. Masasabi na sa kanilang mga puso, naniniwala sila na ang pananalig sa Diyos at ang paghahanap ng katotohanan ay ang pagsisikap para sa katayuan at reputasyon; ang pagsisikap para sa katayuan at reputasyon ay ang paghahanap din ng katotohanan, at ang pagkakamit ng katayuan at reputasyon ay ang pagkakamit ng katotohanan at buhay. Sa landas ng pananalig sa Diyos, kapag nararamdaman nilang hindi sila nagkamit ng mataas na katayua—kung walang gumagalang o tumitingala sa kanila, kung hindi sila dinadakila sa gitna ng iba, at walang tunay na kapangyarihan—kung gayon sila ay labis na pinanghihinaan ng loob, at naniniwala na walang kabuluhan o halaga ang pananalig sa Diyos. “Ang daan ba na aking pinaniniwalaan ay hindi sinasang-ayunan ng Diyos? Hindi ba ako nagkamit ng buhay?” Sa kanilang mga isip, malimit nilang kinakalkula ang tungkol sa mga bagay na ito; pinaplano nila kung paano magkakamit ng posisyon sa bahay ng Diyos o sa kapaligirang kanilang kinalalagyan, paano sila magkakamit ng isang mataas na reputasyon at isang partikular na antas ng awtoridad, kung paano nila makukumbinsi ang mga tao na makinig sa kanila at bolahin sila kapag sila ay nagsasalita, kung paano nila sila mapapasunod na gawin ang kanilang sinasabi, kung paano sila magkakaroon ng nagkakaisang pasya sa mga bagay-bagay at igiit ang kanilang presensya bilang isang grupo. Ito ang malimit nilang iniisip sa kanilang mga isipan. Ito ang pinagsisikapan ng ganoong mga tao. Bakit palagi silang nag-iisip ng ganoong mga bagay? Matapos marinig ang katotohanan, matapos makinig sa mga sermon, matapos basahin ang mga salita ng Diyos, hindi ba talaga nila nauunawaan ang lahat ng ito? Talaga bang hindi nabago ng mga salita ng Diyos at ng katotohanan ang kanilang mga kuru-kuro, ideya, at opinyon? Isa itong problema ng kalikasan at kakanyahan ng mga tao.

Hinango mula sa “Ginagawa Lamang Nila ang Kanilang Tungkulin upang Maitangi ang Kanilang mga Sarili at Magatungan ang Kanilang Sariling Mga Kapakanan at Ambisyon; Hindi Nila Kailanman Isinasaalang-alang ang mga Kapakanan ng Bahay ng Diyos, at Ipinagkakanulo Pa ang mga Kapakanang Iyon Kapalit ng Personal na Kaluwalhatian (III)” sa Paglalantad sa mga Anticristo

Ano ang kasabihan ng mga anticristo, kahit nasaang grupo man sila? “Dapat akong makipagkompitensya! Makipagkompitensya! Makipagkompitensya! Dapat akong makipagkompitensya upang maging pinakamataas at pinakamalakas!” Ito ang disposisyon ng mga anticristo; kahit saan sila pumunta, sila ay nakikipagkompitensya at sumusubok na kamtin ang kanilang mga layunin. Sila ang mga tagasunod ni Satanas, at ginagambala nila ang gawain ng bahay ng Diyos. Ang dispposisyon ng mga anticristo ay gaya nito: Nakikipagkompitensya sila laban sa sino mang nagpapakita ng kahusayan sa kanilang propesyonal na gawain, sino man ang naniwala sa Diyos sa loob ng mahabang panahon, sino man ang may ilang espesyal na kasanayan, sino man ang naging kapaki-pakinabang sa mga kapatid sa kanilang pagpasok sa buhay, sino man ang itinuturing na mabuti, sino man ang pinupuri ng mga kapatid, sino man ang may mas maraming positibong bagay. Sa kabuuan, tuwing nasa isang grupo ng mga tao ang mga anticristo, ito ang palagi nilang ginagawa. Sila ay nakikipagkompitensya para sa katayuan, nakikipagkompitensya para sa mas mataas na reputasyon, nakikipagkompitensya para sa huling salita sa mga bagay-bagay at pinakamataas na kapangyarihan upang gumawa ng mga desisyon sa grupo, na, kapag nakamit na nila ito, ay nagpapasaya sa kanila. Ngunit gumagawa ba sila ng kahit anong tunay na gawain matapos makuha ang mga bagay na ito? (Hindi.) Hindi sila nakikipagkompitensya para sa mga bagay na ito upang gumawa ng tunay na gawain. Ang kanilang layunin ay itulak pababa ang lahat: “Sino ang may pakialam kung ikaw man ay kumbinsido? Sa usapin ng kapital, ako ang may pinakamarami; sa usapin ng pananalita, ako ang pinakamahusay; sa usapin ng kasanayan sa propesyonal na gawain na mayroon dito, ako ang pinakamagaling.” Nakikipagkompitensya sila sa lahat ng bagay. Kapag pinipili sila ng mga kapatid upang maging tagapangasiwa, nakikipagkompitensya sila sa kanilang mga kasama para sa huling salita, para sa awtoridad na gumawa ng mga desisyon; kapag inatasan sila ng iglesia na pamunuan ang ilang gawain, nais nilang magkaroon ng huling salita sa kung paano iyon isinasagawa, at nakikipaglaban sila para sa kanilang sinasabi, para sa kanilang mga ideya, at para gamitin ang kanilang mga desisyon at maging realidad. Kapag ginamit ng mga kapatid ang mungkahi ng iba, hindi nila iyon mapapalagpas. Kung hindi mo ginagawa ang sinasabi nila, ipapakita nila sa iyo ang kanilang awtoridad, upang maramdaman mo na wala kang magagawa kung wala sila, at upang maiwanan ka na nararamdaman ang mga maaaring kalalabasan kung hindi mo susundin ang sinasabi nila. Ganito kayabang, kamuhi-muhi, at hindi makatwiran ang disposisyon ng mga anticristo. Ang nabubunyag sa kanila ay ang lubos na kawalan ng katauhan at, bukod pa roon, ng katinuan. Ang lahat sa kanilang asal ay nagpapakita ng lubos na kawalan ng katwiran sa kanilang mga kilos. Hindi nila tatanggapin ang iyong sinasabi; gaano man katama ang iyong mga salita, hindi nila pakikinggan ang mga iyon, at wala ka nang magagawa. Ang tanging prinsipyo na matatanggap nila ay, ano man ang grupong kanilang kinalalagyan, kung magagawa nilang makamit ang katayuan at reputasyon na naaangkop sa kanila, panatag ang kanilang mga puso: Pinaniniwalaan nilang ito ang kahalagahan ng kanilang pag-iral. Anumang grupo ng mga tao ang kanilang kinabibilangan, kailangan nilang ipakita sa mga tao ang “liwanag” at “init” na ibinibigay nila, ang kanilang mga espesyal na talento, ang kanilang pagiging natatangi. At ito ay dahil naniniwala silang espesyal sila kaya likas sa kanilang isipin na dapat silang tratuhin nang mas mabuti kaysa sa iba, na dapat silang tumanggap ng suporta at paghanga ng mga tao, na dapat silang tingalain ng mga tao, sambahin sila—iniisip nilang ang lahat ng ito ay naaangkop sa kanila. Hindi ba malaking problema ang gayong mga tao? Idinidikta ng sentido komun na kapag nangyari ang isang bagay, dapat makinig ang mga tao sa kung sino man ang tama, na kung kanino mang mga salita ang kapaki-pakinabang sa bahay ng Diyos ay dapat sundin, na dapat gamitin ng mga tao ang mga ideya ng kung sino man na naaayon sa mga katotohanang prinsipyo—ngunit kung nangibabaw ang sentido komun, maaaring hindi gamitin ng mga tao ang kanilang mga ideya, kaya ano ang gagawin nila? Natataranta sila, at patuloy na sinusubukang ipagtanggol at mapanindigan ang kanilang mga ideya at mungkahi, ginagawa ang anumang kanilang magagawa upang kumbinsihin ang iba, upang pakinggan sila ng mga kapatid at gamitin ang kanilang mungkahi. Hindi nila isinasaalang-alang kung paano makakaapekto ang kanilang mungkahi sa gawain ng bahay ng Diyos kung ito ay gagamitin; hindi iyon bahagi ng kanilang isinasaalang-alang. Iniisip lang nilang, “Paano ko maipapakita ang aking mukha kapag hindi ginamit ang aking mga mungkahi sa pagkakataong ito? Kaya, dapat akong makipagkompitensya—makipagkompitensya upang magamit ang aking mungkahi.” Iyon ang kanilang iniisip at ginagawa sa lahat ng oras—at ito mismo ang disposisyon ng isang anticristo.

Hinango mula sa “Ginagawa Lamang Nila ang Kanilang Tungkulin upang Maitangi ang Kanilang mga Sarili at Magatungan ang Kanilang Sariling Mga Kapakanan at Ambisyon; Hindi Nila Kailanman Isinasaalang-alang ang mga Kapakanan ng Bahay ng Diyos, at Ipinagkakanulo Pa ang mga Kapakanang Iyon Kapalit ng Personal na Kaluwalhatian (III)” sa Paglalantad sa mga Anticristo

Isa sa mga pinakahalatang katangian ng diwa ng isang anticristo ay para silang mga malulupit na pinunong nagpapatakbo ng sarili nilang diktadurya: Wala silang pinakikinggan, mababa ang tingin nila sa lahat, at sa anumang sinasabi at ginagawa ng iba, ang kabatirang mayroon sila, ang kanilang pananaw, ang kanilang mga kalakasan—sa paningin nila, mahihinang klase lamang ang mga ito sa kanila. Para sa kanila ay tila walang marapat upang makibahagi sa nais nilang gawin, ni hindi sila kwalipikadong sangguniin, o magbigay ng mungkahi—ganyan ang uri ng disposisyon ng isang anticristo. Sinasabi ng iba na mababang uri ito ng pagkatao—paanong ito ay pangkaraniwang mababang uri ng pagkatao? Ito ay lubos na isang disposisyong sataniko; ang ganitong uri ng disposisyon ay lubhang mabangis. Bakit Ko sinasabing ang kanilang disposisyon ay lubhang mabangis? Iniisip ng mga anticristo na ang gawain ng bahay ng Diyos at ang mga interes ng iglesia ay pagmamay-ari, na ang mga ito ay personal na pag-aaring dapat ay lubusan nilang pamahalaan nang hindi pinakikialaman ng iba. At kaya ang mga iniisip lamang nila kapag ginagawa ang gawain ng bahay ng Diyos ay ang kanilang sariling mga interes, kanilang sariling katayuan at reputasyon. Tinatanggihan nila ang sinumang sa paningin nila ay banta sa kanilang katayuan at reputasyon; sinusupil nila at itinatakwil sila. Ibinubukod pa nga nila at sinusupil ang mga taong kapaki-pakinabang at angkop para sa pagtupad ng ilang mga natatanging tungkulin. Hindi nila binibigyan ng kahit bahagyang pagsasaalang-alang ang gawain ng bahay ng Diyos, ni ang mga interes ng bahay ng Diyos. Kung may sinumang banta sa kanilang katayuan, hindi nagpapasakop sa kanila, hindi sila pinapansin, kung gayon, ibinubukod nila sila at dumidistansya sila sa kanila. Hindi sila pumapayag na makipagtulungan ang mga ito sa kanila, at partikular na hindi nila hinahayaan ang mga ito na gampanan ang anumang mahalagang papel o maging kapaki-pakinabang sa anumang bagay na saklaw ng kanilang kapangyarihan. Kahit gaano pa karapat-dapat na bigyang-puri ang nagawa ng mga taong ito o gaano pa kadakila ang nagawa nila para sa bahay ng Diyos, pinagtatakpan ito ng mga anticristo, hindi binibigyang-halaga ito, hindi ito pinahihintulutang maipakita sa harap ng mga kapatid at pinananatiling walang alam ang mga kapatid tungkol dito. Bukod pa rito, madalas na banggitin ng mga anticristo ang mga kapalpakan at katiwalian ng mga taong ito sa mga kapatid, sinasabi nilang mapagmataas ang mga taong ito, na binubusisi nila kahit ang kaliit-liitang bagay, may panganib na ilaglag nila ang mga interes ng bahay ng Diyos, na nakakiling sila na tulungan ang mga nasa labas sa halip na ang bahay ng Diyos, na mayayabang sila, at marami pang iba. Nakikita nila ang lahat ng uri ng dahilan upang maibukod at masupil ang mga taong ito. Sa katunayan, ang ilan sa mga taong ito ay may mga natatanging kasanayan, at ang ilan ay may bahagyang kapintasan. Sa kabuuan, naaangkop sila para tumupad ng tungkulin, naaayon sila sa mga prinsipyo para sa mga tumutupad ng tungkulin. Subalit sa paningin ng mga anticristo, iniisip nila, “Hindi ko talaga matitiis ang ganito. Nais mong magkaroon ng gampanin sa aking nasasakupan, upang makipagpaligsahan sa akin. Imposible iyon, ni huwag mong isipin ito. Mas may kakayahan ka kaysa sa akin, mas matatas kang magsalita kaysa sa akin, mas may pinag-aralan kaysa sa akin, at mas sikat kaysa sa akin. Anong gagawin ko kung nakawin mo ang mga pinaghirapan ko? Nais mong gumawa akong kasama mo? Ni huwag mong isipin ito!” Isinasaalang-alang ba nila ang interes ng bahay ng Diyos? Hindi. Ang iniisip lamang nila ay kung paano maiingatan ang kanilang sariling katayuan, kaya mas nanaisin pa nilang pinsalain ang mga interes ng bahay ng Diyos kaysa gamitin ang mga taong ito. Ito ay pagbubukod. Dagdag pa rito, nililinang nila ang mahihina ang ulo na walang anumang abilidad, mga taong walang kakayahan, madaling utus-utusan, madaling pasunurin, at mangmang, mga taong kapos sa kabatiran, mga hindi nag-iisip sa kanilang sarili, mga hindi nauunawaan ang katotohanan—sila lamang ang nililinang nila. May kasabihan ang mga hindi mananampalataya: “Mas gugustuhin ko pang akayin ang kabayo ng isang tunay na tao, at hawakan ang kanyang mga estribo para sa kanya, kaysa maging ninuno ng isang taong batugan.” Subalit eksaktong kabaligtaran nito ang mga anticristo: Sila ang magiging ninuno ng mga batugan na ito. Hindi ba ito pagpapamalas ng kawalang-kakayahan? Halimbawa, nagbabanggit sila ng isang taong hindi mapagmataas, at nakapag-aambag. Kapag tinatanong mo sila kung kumusta naman ang pag-unawa ng taong ito sa katotohanan, sinasabi nila, “Katanggap-tanggap naman nilang nauunawaan ito, may kaunti silang kakayahan.” Sa katunayan, ang taong ito na nabanggit nila ay nagtatago kapag nahaharap sila ng isang maliit na usapin, wala silang pananampalataya. Sa mga taong tulad nito, mayroong mga hindi nauunawaan ang katotohanan, mga hindi nakakaunawa ng mga bagay na espirituwal, mga laging nagrereklamo nang sarilinan, at mga laging nagkakamali. Sila’y isang kumpol ng mga mahihina ang ulo, ang mga anticristo ang kanilang mga ninuno, at sila ang mga nililinang nila. Ang mga taong ito ang siyang malamang na linangin ng mga anticristo kapag naging “mga lider” sila sa bahay ng Diyos, at bunga nito, hindi ba naaantala ang gawain ng bahay ng Diyos? Wala silang pagtingin sa mga taong may kaunting kakayahan, mga taong bahagya ang nauunawaan sa katotohanan, mga taong hinahanap ang katotohanan, mga taong nagsasagawa ng ilang katotohanan, at makagagawa ng gawain ng bahay ng Diyos. Bakit ganoon? Hindi nila kailanman magiging mga alipin at tagasunod ang gayong mga tao, hindi sila kailanman susunod sa kanila, kaya lumilinang sila ng isang kumpol ng mga taong hangal, mahiyain, mangmang, tanga, mabagal, at mga walang sariling pag-iisip—ganito ang uri ng basura na nililinang nila. Kapaki-pakinabang ba ang ganitong paraan ng pagkilos para sa gawain ng bahay ng Diyos? Hindi. At pinag-iisipan ba nila ito? Tungkol saan ang iniisip nila? “Naghahanap ako ng kahit sinong makakatrabaho ko at makakasundo ko, sinumang maipararamdam sa akin na may-kabuluhan ako, at mapapalutang ang halaga ko.” Ang kapanalig nila ay isang kumpol ng mga mahihina ang ulo na hindi nakakaunawa ng mga bagay na espirituwal. Walang sinuman sa kanila ang naghahanap sa katotohanan kapag nahaharap sila sa suliranin, walang sinuman sa kanila ang nakakaunawa sa katotohanan, walang sinuman sa kanila ang humaharap sa mga bagay nang ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Gayunman, may isang bagay na nagugustuhan ang mga anticristo sa kanila: Kapag nahaharap ang gayong mga tao sa suliranin, hinahagilap nila ang mga anticristo at ginagawa ang kanilang mga sinasabi. Ito ang prinsipyong pinagbabatayan ng mga anticristo sa paghahanap ng mga taong gagawang kasama nila. Humahanap sila ng isang kumpol ng mga mahihina ang ulo, isang tambak ng basura, upang gumawa at hagkan ang kanilang mga paa—at sa huli, nagkakaaberya ang ilan sa mga gawain ng bahay ng Diyos. Naaapektuhan ang mga interes ng iglesia at ang bilis ng gawain, subalit walang pakiramdam doon ang mga taong ito, at sinasabi pa nga nila, “Hindi lang naman ako ang may responsibilidad diyan.” Kung sinasabi ng lahat na hindi nila ito sariling responsibilidad, kung gayon kanino nga ba ito? Kung walang umaako ng responsibilidad kapag may nagaganap nang problema, ano pa ang punto ng pakikinig nila sa mga pangaral sa mga nagdaang taong iyon? Ang katunayan ay nasa harapan na mismo ng kanilang mga mata, subalit hindi pa rin nila nakikilala ang mga ito. Anong uri ng mga tao ang mga ito? Pinapatunayan nito na walang kuwenta ang mga taong pinipili ng mga anticristo; hindi nila tinatanggap ang katotohanan. Sinasadya ng mga anticristo na makipagsanib-puwersa sa mga mahihina ang ulo, kahabag-habag, at walang-silbi na hindi tinatanggap at minamahal ang katotohanan. Inuudyukan nila silang gawin ang isang bagay, unti-unti nilang hinuhuli ang kanilang kalooban hanggang sa sila’y maging magkakasundo, sa matalik na paraan, at nagkakamabutihan sila sa isa’t isa. Ano ba ito? Hindi ba ito isang grupo ng mga anticristo? Kapag pinapalitan mo ang kanilang “mga ninuno,” tumututol ang kanilang mga tapat na supling, nanghuhusga sila, at sinasabing hindi nagiging patas ang Itaas, at nagtitipun-tipon upang ipagtanggol sila. Sadyang masasamang tao lamang ba ang mga anticristo? Ang ilang mga anticristo ay mapag-aksaya na walang anumang makabuluhang talento, ngunit may isang bagay tungkol sa kanila: ang kanilang natatanging pagkahilig para sa katayuan. Huwag mong isipin na dahil sa kawalan ng talento at kawalan ng pinag-aralan ay wala silang pagmamahal sa katayuan; mali iyon, at ipinapakita nito na hindi mo lubos na naunawaan ang kakanyahan ng mga anticristo. Sinuman na isang anticristo ay nagmamahal sa katayuan. Sapagkat walang kakayahan ang mga anticristo na gumawang kasama ng sinuman, paano nila nagagawang luminang ng isang kumpol ng mga taong masasama at sipsip? Nais ba nilang gumawang kasama ng gayong mga tao? Kung tunay nga silang nakagawang kasama ng mga taong ito, lalabas na hindi totoo ang mga salitang iyon. Wala silang kakayahang gumawang kasama ng sinuman—at kabilang din sa “sinumang” iyon ang mga taong nililinang nila. Kaya ano ang ginagawa nilang paglinang sa kanila? Naglilinang sila ng isang grupo na madaling utus-utusan at manipulahin, na hindi makapag-iisip sa kanilang sarili, na ginagawa ang anumang sabihin sa kanila, na gumagawang kasama nila upang protektahan ang kanilang katayuan. Magiging medyo mahirap, medyo mabusisi ang protektahan ang kanilang katayuan nang walang tulong, kaya naglilinang sila ng gayong grupo ng mga tao—isang grupo na sa paningin nila ay ipinapalagay na mga “espirituwal” daw—na masayang nagtitiis ng paghihirap at nagagawang protektahan ang “mga interes ng bahay ng Diyos.” Bawat isa sa kanila ay gumagawa ng maraming iba’t ibang gawain, at nagpupunta sila sa mga anticristo upang magtanong o sumangguni sa tuwing nahaharap sila sa suliranin. Iniisip nila na ito ang ibig sabihin ng gumawang kasama ng mga tao. Subalit ganoon nga ba? Naghahanap sila ng isang kumpol ng mga tao upang utusan, upang ipagawa ang kanilang gawain, at upang patatagin ang kanilang katayuan. Hindi ito pakikipagtulungan—ito ay pagpapatakbo ng sarili nilang personal na operasyon.

Hinango mula sa “Sa Kanila Lamang Nila Pasusunurin ang Iba, Hindi sa Katotohanan o sa Diyos (I)” sa Paglalantad sa mga Anticristo

Ang mga anticristo ay umaasal na para sa sarili at sa paraang diktatoryal, hindi kailanman nagbabahagi sa iba, at pinipilit ang mga tao na sumunod sa kanila. Ang mga ito ay isang uri ng pag-uugali, isang grupo ng mga pag-uugali na iisa ang katangian. Masasabi na anuman ang gawin ng mga anticristo, anumang mga desisyon o pagsasaayos ang kanilang gawin, hindi nila kailanman ibinabahagi ang mga ito sa iba, hindi sila kailanman nakikipagkasundo sa iba, at hindi sila kailanman naghahanap ng mga prinsipyo para sa gawain at pagsasagawa. Bukod pa riyan, hindi nila nililiwanag sa mga tao kung bakit sila kumikilos nang ganito; nalilito ang mga tao, ngunit kailangan nilang gawin ang sinasabi ng mga anticristo. Kung mayroong nagtatanong, ayaw magbahagi o magpaliwanag ng mga anticristo, kundi lubos nilang pinananatiling kontrolado ang mga bagay-bagay na ito sa isang partikular na kalagayan—at ano ang kalagayang ito? Sa kalagayang ito, walang sinumang may karapatan sa kaalaman; ginagawa ng mga anticristo ang gusto nila, at kailangang lubos na maisagawa ang pinaniniwalaan nilang tama, at walang karapatan ang sinupaman na magtanong, o makaalam, lalo nang wala silang karapatang makipagtuwang sa kanila sa gawain. Ang maaari lamang gawin ng mga tao ay kung ano ang ipinagagawa sa kanila. Ano ang pananaw ng mga anticristo tungkol dito? “Pinili ninyo ako bilang lider, kaya ako ang namamahala sa inyo, at kailangan ninyong sundin ang sinasabi ko. Kung hindi ninyo susundin ang sinasabi ko, huwag ninyo akong piliin—kung pipiliin ninyo ako, kailangan ninyong sundin ang sinasabi ko! Ako lamang ang magpapasya kung ano ang gagawin natin.” Kaya, sa kanilang mga mata, ano ang kaugnayan nila sa mga tagasunod na sakop nila? Sila ang nag-uutos, at hindi maaaring suriin ng mga sakop nila kung sila ay tama o mali, ni hindi nila maaaring sisihin, ibukod, tanungin o pagdudahan sila, ni hindi sila maaaring magtanong tungkol sa anumang bagay—wala sa mga bagay na ito ang pinahihintulutan. Tuwing nagsusulong ng bagong plano, pahayag, o paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay ang isang anticristo, kailangang pumalakpak ang lahat bilang pagsang-ayon; walang maaaring magtanong. Hindi ba pamimilit ito? Anong uri ng pamamaraan ito? Pag-asal na para sa sarili at sa paraang diktatoryal. Anong klaseng disposisyon ito? (Kabagsikan.) Mula sa pananaw ng mababaw na kahulugan ng pariralang “pag-asal na para sa sarili at sa paraang diktatoryal,” ang ibig sabihin ng “pagkilos na para sa sarili” ay nasusunod ang kanilang sinasabi, at ang ibig sabihin ng “sa paraang diktatoryal” ay pagkatapos na mag-isa silang gumawa ng mga paghatol at desisyon, kailangang isagawa ng lahat ang mga iyon, at walang iba pang pinapayagang magkaroon ng ibang mga opinyon o ideya, o magtanong man lamang. Ang ibig sabihin ng pag-asal nila na para sa sarili at sa paraang diktatoryal ay na kapag naharap sila sa isang isyu, sila mismo ang nag-iisip nang kaunti tungkol dito at nagpapasya kung ano ang gagawin; mag-isa silang gumagawa ng gayong mga desisyon, nang pribado, nang hindi iniisip ang sinupaman. Wala nang iba, kahit ang kanilang mga partner o ang mga lider na nakatataas sa kanila, ang maaaring magpasya sa kung ano ang gagawin. Iyan ang ibig sabihin ng “pag-asal na para sa sarili at sa paraang diktatoryal.” At ano ang palagiang prinsipyo at pamamaraan ng pagkilos ng gayong mga tao? Kapag naharap sila sa isang isyu, sinisimulan nilang pagnilayan ito sa kanilang isipan, pinag-iisipan nila ito sa ganito at ganoong paraan—ngunit walang nakaaalam kung ano ang iniisip nila. At bakit walang nakaaalam? Dahil wala silang sinasabi. Sinasabi ng ilang tao na ito ay dahil hindi sila mahilig magsalita. Ganoon nga ba ang sitwasyon? Hindi ito isang problema sa ugali; wala silang sinasabi dahil sadyang hindi nila sasabihin sa iyo. Gusto nilang kumilos nang mag-isa; kinakalkula nila sa kanilang sarili kung ano ang dapat nilang gawin. Ano ang kinakalkula nila? Kabilang dito ang kanilang mga interes, katayuan, karangalan, at reputasyon; kinakalkula nila ang lahat ng bagay na ito, at sinasabi sa kanilang sarili, “Paano ako makakahanap ng paraan para manatili sa aking katayuan, para pigilin ang mga sakop ko na mahalata ako, at higit sa lahat, para maitago ito sa nasa Itaas? Hindi ito madaling gawin. Kung maharap ako sa isang isyu at maibahagi ko ito sa mga kapatid na sakop ko nang hindi nagdadalawang-isip, mahahalata ako ng lahat, at pagkatapos niyon, maaari akong ibuking nang hayagan at isumbong sa Itaas ng sinuman, na maaaring magtiwalag sa akin, kapag nagkagayon ay hindi ko mapapanatili ang katayuan ko. Bukod pa riyan, kung palagi akong magbabahagi sa iba, hindi ba malalantad sa lahat ang maliit na talento kong ito? Kung gayon, hindi ba ako hahamakin ng mga tao?” Sasabihin ba ninyo na mabuti o masamang bagay kung talagang mahahalata sila ng mga tao? Sa katunayan, para sa mga naghahanap sa katotohanan, sa matatapat, ang kaunting pagkapahiya o pagkawala ng reputasyon, ang mahalata ng mga tao, ay hindi mahalaga; tila hindi nila nadarama ang mga bagay na ito, ni wala silang anumang makabuluhang kamalayan tungkol sa mga ito; hindi nila itinuturing na partikular na mahalaga ang mga ito. Sa kabilang banda, ang mga anticristo naman ang mismong kabaligtaran: Hindi nila hinahanap ang katotohanan, at itinuturing nila na mas mahalaga kaysa sa sariling buhay nila ang kanilang sariling katayuan at ang mga pananaw at saloobin ng ibang mga tao tungkol sa kanila. Kung inalok sila ng ginto, at ang kapalit nito ay kailangan nilang sabihin ang katotohanan, na magsalita tungkol sa aktuwal na sitwasyon, sa kuwentong nakapaloob dito, tatanggapin ba nila ang alok? Kung kaunting ginto lamang ang inialok, iisipin nila na hindi ito sulit; hindi nila tatanggapin ang alok kundi sa halip ay patuloy silang magkukunwari, na magsasabing “Kaming mga nananampalataya sa Diyos, hindi namin mahal ang pera, mahal namin ang katotohanan.” Kung maraming ginto ang inialok, maaaring sabihin nila nang pahapyaw ang ilang bagay na tunay upang mapanlinlang na makuha ang pera, pagkatapos ay magpapatuloy sila tulad ng dati, nang wala ni katiting na pagbabago. Ito ang ibig sabihin ng “Hindi mababago ng leopardo ang mga batik nito.”

Hinango mula sa “Kumikilos Sila Nang Patago, Umaasal na para sa Sarili at sa Paraang Diktatoryal, Hindi Nagbabahagi sa mga Tao Kailanman, at Pinipilit ang mga Tao na Sumunod” sa Paglalantad sa mga Anticristo

Pareho ang disposisyon ng mga anticristo at ng arkanghel. Sabi ng arkanghel, “Ang kalangitan at lupa at lahat ng bagay ay nilikha ko, at ang sangkatauhan ay nasa ilalim ng pamamahala ko,” at samakatuwid ay pininsala at ginawa nitong tiwali ang sangkatauhan ayon sa kagustuhan nito. Sa sandaling maluklok sa kapangyarihan ang mga anticristo, sinasabi nila, “Dapat ay maniwala at sumunod kayong lahat sa akin. May kapangyarihan ako, ako ang may huling salita, kaya lumapit kayo sa akin kapag may anumang nangyari, at dalhin ninyo sa akin ang pera ng iglesia.” Sinasabi ng iba, “Bakit kailangan naming ibigay iyon sa iyo?” “Dahil ako ang lider—may kapangyarihan akong harapin ang mga bagay na ito, at responsibilidad kong asikasuhin ang lahat!” Kaya inaasikaso nila ang lahat. Wala silang pakialam kung walang mga salita ng Diyos na makakain at maiinom ang mga kapatid, o kung kulang sila sa mga sermon o mga aklat. Subalit may pakialam sila kung sino ang humahawak ng pera, kung magkano ang naroroon, at kung paano iyon gagamitin. Kung kukuwestyunin ng Itaas ang pinansyal na kalagayan ng iglesia, hindi lang nila hindi ibibigay ang pera ng iglesia, hindi rin nila ipaaalam sa Itaas ang totoo. Bakit nila itatago ang totoo sa Itaas? Gusto nilang magnakaw, mangibabaw—iyon ba ang dahilan? Ang mga anticristo ay lubhang interesado sa mga materyal na pag-aari, pera at katayuan, at talagang hindi sila tulad ng ipinakikita nila kapag sinasabi nilang “Naniniwala na ako sa Diyos ngayon, at tumigil na ako sa paghahangad sa mga makamundong bagay at tumigil na sa pagnanasa sa pera.” Talagang hindi sila kasing simple ng ipinakikita nila. Bakit ginagawa nila ang lahat ng makakaya nila para pagsikapan at mapanitili ang katayuan? Dahil gusto nilang makuha o pamahalaan at pangibabawan ang lahat ng bagay na dulot ng katayuan. Sila ang mga tunay na inapo ng arkanghel, at karapat-dapat sila sa kanilang pangalan bilang ang kalikasan at diwa ng arkanghel. Ang sinumang naghahangad sa katayuan at tumutuon sa kayamanan at pera ay talagang may problema sa kanilang disposisyon. Hindi ito simpleng kaso ng pagkakaroon ng disposisyon ng isang anticristo, kung ganoon ay ano ito? Una sa lahat, kapag pinahintulutan silang umako ng responsibilidad sa isang gawain, hindi nila hahayaang makialam ang iba; isa pa, sa sandaling sila na ang tagapangasiwa ng anumang gawain, maghahanap sila ng mga paraan para itampok, ipagtanggol, at itaas ang kanilang mga sarili, para mamukod-tangi sila sa mga tao at maging pinakamataas, kumakapit at nakikipaglaban para sa katayuan; bukod diyan, kapag nakakita ng pagmamay-ari, nagiging sakim ang paningin nila, at palaging abala sa pag-andar ang isip nila, nag-iisip at iginugugol ang mga sarili nila para sa pera. Ang lahat ng ito ay mga palatandaan ng isang anticristo. Hindi sila interesado sa anumang pagbabanggit sa paghahatid ng katotohanan, o sa pangungumusta sa mga kalagayan ng mga kapatid, o kung ilan sa kanila ang nakakaramdam ng panghihina o pagiging negatibo, o sa kung gaano kabuti nagagawa ng lahat ang kanilang mga tungkulin; pero pagdating sa pera, kung sino ang maaaring magbigay ng donasyon, sa mga halaga, kung saan ito nakatago, ito ang mga bagay na pinakainaalala nila. Ito ay marka at palatandaan ng isang anticristo.

Hinango mula sa “Sa Kanila Lamang Nila Pasusunurin ang Iba, Hindi sa Katotohanan o sa Diyos (II)” sa Paglalantad sa mga Anticristo

Ang kasamaan ng mga anticristo ay mayroong isang pangunahing katangian—ibabahagi Ko sa inyo ang sikreto kung paano ito makikilala. Ito ang sikreto—una, sa kanila mang salita o sa kanilang mga gawa, sila ay hindi mo maarok; hindi mo sila mabasa. Kapag kinakausap ka nila, malikot ang kanilang mga mata, at hindi mo masabi kung anong klaseng pakana ang binubuo nila. Kahit na mukha talaga silang “taimtim” at “matapat,” hindi mo pa rin sila maunawaan. Mayroon kang partikular na pakiramdam sa iyong puso, isang pakiramdam na mayroong malalim na katusuhan sa kanilang mga saloobin, isang di-maarok na kalaliman. Mukha silang malihim at kakaiba. Ito ang unang katangian, at ito pa lamang ay isa nang katangian ng kasamaan. Ang pangalawang katangian ng kasamaan ng mga anticristo ay nagsasalita at kumikilos sila sa masyadong mapanlinlang na mga paraan. Saan ba makikita ang pagiging mapanlinlang na ito? Makikita ito sa katotohanan na partikular silang bihasa sa pag-intindi sa sikolohiya ng iba, masarap pakinggan at tama ang kanilang mga salita; nagpapaliwanag sila ng malalalim na teorya at sinasabi ang tamang mga bagay, mga bagay na para sa iba ay katanggap-tanggap mula sa pananaw ng mga emosyon, konsensya at katwiran, at ideolohiya. Ngunit mayroong isang bagay na dapat mong makilala: Lahat ng sinasabi nila na masarap pakinggan ay hindi nila kailanman personal na tinutupad. Halimbawa, ipagpalagay na sinabi nila sa iyo kung paano maging isang matapat na tao, kung paano manalangin kapag nahaharap ka sa isang problema, o kung paano hayaan ang Diyos na mangasiwa sa iyong buhay—tingnan mo lang kung ano ang gagawin nila kapag sila ang naharap sa mga problema. Umaasa sila sa sarili nilang mga ideya, sa sarili nilang pag-iisip, at umaasa sila sa sarili nilang mga kakayahan, nag-iisip nang mabuti, gumagawa ng kung anu-ano. Ginagawa nila ang lahat ng maaaring gawin para pagsilbihan sila ng ibang tao, para asikasuhin ang sarili nilang mga gawain. Ang hindi nila ginagawa ay manalangin sa Diyos. Isa pa, nagsasalita sila nang hindi isinasagawa kung paano dapat tumanggap at magpasakop ang mga tao sa mga pangangasiwa at mga pagsasaayos ng Diyos, ngunit kapag naharap sa sarili nilang mga problema, ang unang-unang ginagawa nila ay maghanap ng paraan para makatakas. Hindi nila tinatanggap ang mga pangangasiwa at pagsasaayos ng Diyos—ang nakikita ng mga tao ay hindi sila nagpapasakop sa kanilang mga gawa kundi sinusubukan lang maghanap ng paraan para sila ay makatakas. Ito ang masamang aspeto ng mga anticristo, na nasa likod ng mapanlinlang nilang aspeto. Sa kanilang gawain, minsan ay nagtatrabaho sila hanggang sa dis-oras ng gabi o nang hindi pa nga kumakain at natutulog, ngunit kapag nahaharap sila sa isang pagsasaayos na ginawa ng bahay ng Diyos, hindi nila iyon tinutupad o isinasagawa, at hindi nila tinatanggap ang katotohanan. Isa pang ugali na inihahayag nila ay kapag nagpapahayag ang mga kapatid ng opinyon na hindi nila sinasang-ayunan, tinatanggihan nila iyon sa paraan na masyadong paliguy-ligoy, nagsasalita nang paikut-ikot. Pinararamdam nito sa iyo na labis nilang siniseryoso ang ideya mo; ibinabahagi at tinatalakay nila iyon sa lahat, pero pagkatapos ng lahat, kailangan mo pa ring gawin ang sinasabi nila. Gagawin nila ang lahat ng kinakailangan para pabulaanan ang mga ideya ng ibang tao, para pasunurin ang iba sa kanila at sundin ng mga ito ang sinasabi nila. Ito ba ay paghahanap sa mga katotohanang prinsipyo? Anong prinsipyo ang isinasagawa nila? Ito ay para pakinggan sila at magpasakop sa kanila ang lahat, at na ang pakikinig sa ibang tao ay hindi magiging kasing buti ng pakikinig sa kanila, na ang mga ideya nila ang pinakamaganda, ang pinakamataas, at sila mismo ang katotohanan at ang sinasabi nila ay talagang tama. Hindi ba’t masama ito? Ang pangatlong katangian ng kasamaan ng isang anticristo ay sa tuwing magpapatotoo sila sa kanilang mga sarili—nagpapatotoo sila sa sarili nilang kabutihan, sa halagang pinagbayaran nila, at ilang mga bagay na nagawa nila nang mabuti sa panlabas na nakikita ng lahat, o ilang bagay na makapagbibigay ng ilang pakinabang sa iba—sa tuwing natatapos nilang sabihin ang lahat ng bagay na ito, nagtatapos sila sa pamamagitan ng pagsasabi ng isang bagay na partikular na espirituwal, tulad ng “Salamat sa Diyos; ang lahat ng ito ay gawa Niya,” ipinapakita sa iyo na talagang magaling sila, pero kaya pa rin na magpatotoo sa Diyos, gayong ang totoo, nagpapatotoo lamang sila sa kanilang mga sarili at ginagawang talababa ang Diyos. Hindi sila nakapagpatotoo nang kahit kaunti sa Diyos, ngunit ginagamit ito bilang isang pagkakataon para magpatotoo lamang sa kanilang mga sarili. Hindi ba’t isa itong tusong panlilinlang sa panig ng isang anticristo? Hindi ba’t masama ito? Kung pagbabatayan ang tatlong bagay na ito, ang mga anticristo ay madaling makikilala.

Mayroon pang isang pangunahing katangian ang mga anticristo, na isa rin sa mga pangunahing pagpapahayag ng kanilang masamang disposisyon at diwa. Nakikinig man sila ng mga sermon at pagbabahagi, o nakikibahagi sa isang pagtitipon—hindi mahalaga kung paano nagbabahagi ang mga kapatid ukol sa kaalaman nila sa kanilang mga sarili, ukol sa pagtanggap sa paghatol, pagkastigo, pagwawasto, at pagtatabas, ukol sa pagganap nang wasto sa mga tungkulin, ukol sa pagtayo sa isang posisyong nababagay sa isang nilikha, at ukol sa pagbitiw sa kanilang pananabik sa mga pagpapala, ano ang saloobin dito ng mga anticristo? Paano man magbahagi ang iba o gaano man karaming tao ang magbigay ng kanilang pagbabahagi, hindi binabago ng mga anticristo ang kanilang motibong maghangad ng katayuan at mga pagpapala. Ito ang dahilan kung bakit, sa tuwing nakapagtrabaho sila sa isang partikular na haba ng panahon, kinukuwenta nila ang mga bagay na nagawa nila, kung anong kontribusyon ang nagawa nila sa bahay ng Diyos, at kung anong mga bagay ang hinarap nila para sa mga kapatid. Palagi silang palihim na nagkakalkula, kinukuwenta ang mga bagay sa kanilang mga puso, at nakikipagtawaran sa Diyos. Bakit sila makikipagtawaran para sa mga bagay na ito? Ito ay dahil, sa kaibuturan ng kanilang puso, ang layunin nila sa kanilang paghahangad at sa kanilang pananampalataya mula pa noong umpisa ay ang maghabol sa mga pagpapala. Gaano man karaming taon silang makinig sa mga sermon o gaano man karaming mga salita ng Diyos ang kainin at inumin nila, hindi nila kailanman bibitiwan ang kanilang pagnanasa at motibo na makatanggap ng mga pagpapala. Kung hihilingin mo sa kanilang maging isang masunuring nilikha at tanggapin ang pamamahala at mga pagsasaayos ng Diyos, sinasabi nila, “Hindi iyon ang tamang landas, hindi iyon ang dapat kong hangarin. Ang hinahangad ko, kapag naipaglaban ko na ang pakikipaglaban, kapag nagawa ko na ang kinakailangang pagsisikap at dinanas ang kinakailangang paghihirap, sa sandaling magawa ko na ang lahat alinsunod sa mga pamantayan ng Diyos, anong uri ng gantimpala ang ibibigay sa akin ng Diyos, magiging isa ba ako sa mga taong pananatilihin, anong klase ng posisyon ang matatamo ko sa kaharian ng Diyos, at ano ang aking magiging huling hantungan.” Paano ka man magbahagi, hindi mo kailanman maiwawaksi ang motibo at pananabik na ito na kanilang itinatago. Pareho ang uri nila kay Pablo. Wala bang partikular na uri ng mabangis na disposisyong nakatago sa loob ng ganitong uri ng kasamaan?

Hinango mula sa “Sila ay Masasama, Mapanganib, at Mapanlinlang (II)” sa Paglalantad sa mga Anticristo

Ang karaniwang pag-uugali ng mga anticristo sa pagwawasto at pagtatabas ay masidhing tanggihan o tanggapin o aminin iyon; gaano man karaming pinsala ang nagawa nila sa mga kapatid at sa bahay ng Diyos, hindi sila nakakaramdam ni katiting na pagsisisi o na may pagkakautang silang ano man. Mula sa pananaw na ito, mayroon bang pagkatao ang mga anticristo? (Wala.) Nagdulot sila ng ganoong pinsala sa buhay ng mga kapatid at sa lahat ng aspeto ng mga interes ng bahay ng Diyos—makikita iyon ng sinuman, at lahat ng nakakakita niyon ay sasabihing ganoon nga iyon—gayon pa man hindi tinatanggap o kinikilala ng mga anticristo ang katotohanang ito, patuloy nilang ipinipilit ang kanilang opinyon at hindi inaamin na sila ay nagkakamali sa bagay na ito, na sila ay may pananagutan. Hindi ba ito isang indikasyon na sila ay napopoot sa katotohanan? Ganoon ang pagkapoot ng mga anticristo sa katotohanan, ganoon ang paraan nila ng pagharap sa ganitong mga bagay. Hindi ba’t ito ay hindi pagseseryoso sa mga interes ng bahay ng Diyos, ng iglesia, ng mga kapatid? Kung kinikilala nila na pininsala nila ang mga interes ng mga kapatid at ng bahay ng Diyos, kung gayon ay kailangan nilang tanggapin ang responsibilidad, at kasabay noon, ang kanilang katayuan at reputasyon ay lubhang makokompromiso—kaya matibay nila itong tinatanggihang kilalanin; ganap itong hindi magagawang kilalanin, at kahit pa aminin nila ito sa kanilang mga puso, hindi pa rin nila ito gagawin sa paraang malalaman ng iba. Kung sinasadya man o hindi ang kanilang pagtanggi, sa madaling salita, sa isang banda, malinaw na ipinahihiwatig ng ganoong mga bagay ang diwa ng pagkapoot ng mga anticristo, at paglaban sa katotohanan; sa isa pang banda, ipinapakita ng mga iyon kung gaano pinahahalagahan ng mga anticristo ang kanilang mga sariling interes, habang mayroong saloobin ng pagkutya at pagtanggi sa responsibilidad sa mga interes ng bahay ng Diyos, at ng iglesia. Wala silang pagkatao. Ipinapakita ba ng pag-iwas ng mga anticristo sa responsibilidad ang mga problemang ito? (Oo.) Sa isang banda, ang pag-iwas sa responsibilidad ay kumakatawan sa kanilang pag-uugali ng paglaban sa katotohanan; sa isa pang banda, ipinapakita nito ang kawalan nila ng pagkatao. Gaano man napinsala ang mga interes ng ibang tao dahil sa kanila, hindi sila nakadarama ng ganting-paratang sa sarili at hindi kailanman naliligalig nito. Anong uri ng nilalang ito? Kahit pa umamin sila nang kaunti, sinasabing “May kinalaman nga ako rito, ngunit hindi ko kasalanan ang lahat ng ito,” maaari pa rin itong maituring na pagkakaroon ng kaunting pagkatao, kaunting konsiyensiya, isang moral na batayan—ngunit wala ni katiting na ganoong pagkatao ang mga anticristo. Kaya ano sila sa palagay ninyo? (Ang diablo.) Ang kakanyahan ng ganoong mga tao ay ang diablo. Hindi nila nakikita ang napakalaking pinsala na kanilang nagawa sa mga interes ng bahay ng Diyos, ni hindi sila nababahala kahit kaunti sa kanilang mga puso, at hindi nila sinisisi ang kanilang mga sarili, at lalong hindi nakakaramdaman ng pagkakautang. Mga tao ba talaga sila? Hinding-hindi ito ang dapat na makita sa mga normal na tao. Ito ang diablo. Kahit hindi mo hiniling na tanggapin nila ang responsibilidad para sa kanilang ginawa ngunit hiniling lamang na aminin nila ang kanilang pagkakamali, hindi pa rin nila ito magagawa, hindi pa rin nila ito magagawang kilalanin. Iniisip nila, “Kapag inamin ko ito, hindi ba’t katulad ito ng pagsasabi na mali ako? Maaari ba akong maging isang taong nagkakamali? Palagi akong magiging tama, at dakila; ang paghiling na kilalanin ko ang isang pagkakamali, hindi ba iyon panghihiya sa aking pagkatao? Hindi ako kailanman makakagawa ng anumang mali. Kahit pa maaaring may kinalaman sa akin ang bagay na ito, hindi ako ang nagdulot nito, ni hindi ako ang pinakaresponsible rito; hanapin mo kung sino man ang gusto mo, ngunit huwag mo akong puntahan. Hindi ko mapananagutan ito ano man ang mangyari, hindi ko maaaring aminin ang pagkakamaling ito.” Hindi nila iyon magagawa kung hihilingin mo sa kanila na kilalanin ang kanilang pagkakamali sa salita lamang; para iyong paghiling ng kanilang kamatayan—para bang, kung aaminin nila ang kanilang pagkakamali, sila ay parurusahan at pupunta sa impiyerno, at tatalon sa lawa ng apoy at asupre. Sa kabuuan, ano man ang sabihin o ibahagi ng ibang tao, kahit pa pilitin ng mga anticristo ang sarili nila na manahimik at huwag makipagtalo sa panlabas, sa loob nila sila ay nakikipagpaligsahan, hindi sumasang-ayon, lumalaban. Hanggang saan sila lumalaban? May ilang mga anticristo na iwinasto noong nakaraang sampung taon dahil may ginawa silang mali; nang ito ay banggitin matapos ang isang dekada, hindi pa rin nila inamin na kasalanan nilang ito o pinasan ang kanilang sariling responsibilidad; matapos ang dalawampung taon, nang ito ay muling banggitin, sinubukan pa rin nilang ipagtanggol ang kanilang mga sarili; matapos ang tatlumpung taon, nang ito ay muling banggitin, hindi pa rin nila tinalikuran ang kanilang daan: Patuloy nilang sinusubukan na bigyan ng katwiran at mapanindigan ang kanilang mga sarili, na depensahan ang kanilang mga sarili. Matapos ang tatlumpung taon, hindi pa rin sila pumupunta sa harap ng Diyos upang manalangin tungkol sa bagay na ito, upang tanggapin ang katotohanang ito, upang kilalanin ang kanilang pagkakamali; hindi pa rin nila hinahanap ang katotohanan na isasagawa at ang mga prinsipyo na dapat sundin sa bagay na ito; puno pa rin ng sama ng loob ang kanilang mga puso: Pakiramdam nila ay nagkamali sa kanila ang mga kapatid at hindi sila nauunawaan ng Diyos; iniisip nila na dapat silang kaawaan ng bahay ng Diyos, na ginawa nitong mahirap ang mga bagay-bagay para sa kanila, sinadyang lumikha ng mga problema para sa kanila, ginawa silang isang kasangkapan. Maaari bang magbago ang gayong mga tao? Ang kanilang mga puso ay puno ng poot, paglaban, at pagkasuklam para sa mga positibong bagay; pinaniniwalaan nila na ang pagwawasto at pagtabas sa kanila ng iba dahil dito ay isang pag-atake sa kanilang pagkatao, na hinihiya nito ang kanilang reputasyon, at gumagawa ng pinakamalaking pinsala sa kanilang katayuan; hindi sila kailanman lumalapit sa Diyos nang dahil sa bagay na ito upang manalangin at maghanap o kilalanin ang kanilang mga pagkakamali, ni hindi sila kailanman nagkaroon ng saloobin ng pagsisisi at pagkilala sa kanilang mga pagkakamali, o lumapit sa Diyos upang tanggapin ang katotohanang ito—at kung lalapit man sila sa Diyos upang manalangin tungkol sa bagay na ito, gagawin nila iyon nang labag sa kanilang loob at may mga hinaing, na ipapahayag nila sa Diyos upang sila ay malunasan Niya. Nais nilang liwanagin ng Diyos ang nangyari, upang mahusgahan kung sino ba ang tama at sino ang mali. Bukod pa rito, dahil sa bagay na ito, pinagdududahan o itinatanggi pa nila ang pagiging matuwid ng Diyos; pinagdududahan at itinatanggi nila ang katotohanan na ang katotohanan at ang Diyos ang kataas-taasang naghahari sa bahay ng Diyos at sa iglesia. Ito ang panghuling resulta kapag iwinawasto at tinatabas ang mga anticristo; hindi talaga nila tinatanggap ang katotohanan.

Hinango mula sa “Ginagawa Lamang Nila ang Kanilang Tungkulin upang Maitangi ang Kanilang mga Sarili at Magatungan ang Kanilang Sariling Mga Kapakanan at Ambisyon; Hindi Nila Kailanman Isinasaalang-alang ang mga Kapakanan ng Bahay ng Diyos, at Ipinagkakanulo Pa ang mga Kapakanang Iyon Kapalit ng Personal na Kaluwalhatian (III)” sa Paglalantad sa mga Anticristo

Anuman ang kanilang kalagayan, laging nadarama ng mga anticristo na ang ordinaryong taong ito na laman ng Diyos na nagkatawang-tao ay hindi nila kailangan, isang balakid sa kanilang pagkilala sa Diyos. Iniisip nila sa kanilang sarili, “Sa sandaling makaugnayan ng mga tao si Cristo, ipinapakita Niya na tayo ay napakawalang-halaga at napakatiwali kung ikukumpara sa Kanya. Basta’t hindi natin nakakaugnayan si Cristo, napakabanal natin, ngunit sa sandaling makaugnayan natin si Cristo, ang pakiramdam natin sa ating sarili ay napakalaki ng ating pagkukulang. Bago natin nakilala si Cristo, marami tayong nauunawaang mabubuting bagay, at napakaganda ng ating reputasyon. Napakalaking problema talaga ng Cristong ito.” Kaya naniniwala sila na mas makabubuting basahin ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao hangga’t maaari kapag may oras sila. Anumang paraan ang gamitin nila, o anuman ang kanilang sitwasyon, ang pangunahing ipinapakita ng mga anticristo ay na sinisikap nilang tanggihan ang katotohanan ng pagkakatawang-tao ng Diyos at ang katotohanan na ang mga salitang nagmumula sa bibig ni Cristo ay ang katotohanan. Para itong pagtanggi sa kakanyahan ng Diyos na nagkatawang-tao at sa katotohanan na ang mga salitang nagmumula sa bibig ni Cristo ay ang katotohanan ay nagbibigay sa kanila ng pag-asang maligtas. Sa kanilang likas na pagkatao, ang mga anticristo at ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao ay hindi magkasundo sa panimula bilang apoy at tubig at hinding-hindi maaaring magkasundo. Ang pinaniniwalaan ng mga anticristong ito ay, “Basta’t patuloy na nabubuhay si Cristo, walang pag-asa na darating ang aking araw, at manganganib akong mahatulan at maalis, mapuksa at maparusahan. Ngunit hangga’t hindi bumibigkas ang Cristong ito o gumagawa ng Kanyang gawain at hindi Siya tinitingala ng mga tao, maging hanggang sa malimutan Siya at hindi na Siya maisip, magkakaroon ako ng pagkakataon.” Ang likas na pagkatao at kakanyahan ng mga anticristo ay na hindi nila mapigilang kamuhian at kasuklaman si Cristo; ikinukumpara nila ang kanilang sarili kay Cristo sa laki ng kanilang talento at antas ng kanilang kasanayan, at nakikipagpaligsahan sa Kanya para makita kung kaninong mga salita ang mas makapangyarihan at sino ang may higit na kakayahan. Sa paggawa ng mga bagay na tulad ni Cristo, sinisikap nilang ipakita sa mga tao na si Cristo, bagama’t isa ring tao, ay wala man lang talento o pinag-aralan ng isang ordinaryong tao. Sa lahat ng aspeto, inilalaban ng mga anticristo ang kanilang sarili kay Cristo at nakikipagpaligsahan sa Kanya. Sa lahat ng aspeto, sinisikap nilang tanggihan ang katotohanan na si Cristo ay Diyos, ang pagsasakatawan ng Espiritu ng Diyos, at ang pagkakatawang-tao ng katotohanan. Sa lahat ng aspeto, nag-iisip sila nang husto upang makahanap ng mga paraan para pigilin si Cristo na maimpluwensyahan ang mga kapatid, hadlangan na magkaroon ng epekto sa kanila ang Kanyang mga salita, at, bukod pa riyan, hadlangan ang mga bagay na ginagawa ni Cristo, mga salitang Kanyang sinasambit, at mga kahilingang Kanyang ginagawa sa mga tao at mga inaasahan Niya sa kanila na magkatotoo sa kanila. Para bang, sa presensya ni Cristo, iwawaksi ang mga anticristong ito at magiging grupo ng mga tao sa loob ng iglesia na hinatulan, pinabayaan, at inilagay sa isang madilim na sulok. Mula sa lahat ng klase ng pagpapakita, makikita na ang mga anticristo ay likas na lubhang hindi makatwiran kay Cristo kaya hindi sila magkakasundo. Ang mga anticristo ay isinilang na may hangaring ihiwalay ang kanilang sarili kay Cristo at labanan Siya, talunin si Cristo at pabagsakin Siya, patigilin sa pag-iral ang gawaing ginawa ni Cristo, na maging walang silbi, at mawalan ng kabuluhan sa mga hinirang ng Diyos; anumang gawain ang ginagawa ng Diyos, at saan man Siya gumagawa, nais nilang makita na lubos itong masira at mawalan ng katuturan. Ngunit kapag hindi nangyari ang anuman sa mga ito ayon sa kanilang nais, may kadiliman at kalungkutan sa kanilang puso; nadarama nila na madidilim na panahon ito at ang araw nila ay hindi kailanman darating. Nadarama nila na naiwaksi na sila. Ipinapakita ba ng mga pagpapakitang ito ng mga anticristo na ang kanilang diwa ng oposisyon at poot sa Diyos ay isang bagay na natatamo? (Hindi.) Kung gayon, likas ito. Samakatwid, imposible para sa mga taong anticristo na tanggapin ang katotohanan, na magparaya kay Cristo. Sa tingin, tila wala silang nasabi o nagawa, at kaya rin nilang gawin ang gusto nila at magsakripisyo sa isang makatotohanang paraan. Ngunit sa sandaling magkaroon sila ng pagkakataon, sa sandaling dumating ang panahon, ang mga tagpo ng pangunahing di-pagkakasundo ng mga anticristo kay Cristo ay magsisimulang lumitaw, at ang katotohanan ng pakikidigma ng mga anticristo laban sa Diyos at ang kanilang pakikipag-alitan sa Diyos ay malinaw na makikita. Lahat ng bagay na ito ay nangyari na dati sa mga lugar kung saan may mga anticristo, at lalong dumami sa mga taon na ito ng gawain ng Diyos sa mga huling araw. Marami nang tao ang personal na nakaranas ng mga ito.

Hinango mula sa “Kinamumuhian Nila ang Katotohanan, Garapal na Nilalabag ang mga Prinsipyo, at Binabalewala ang mga Pagsasaayos ng Bahay ng Diyos (IV)” sa Paglalantad sa mga Anticristo

Itinatatwa ng mga anticristo ang pagiging natatangi ng Diyos dahil gusto rin nilang maging Diyos. Ang mga salita ni Pablo ang kanilang partikular na paborito: “Sapagkat para sa akin ang mabuhay ay si Cristo, para sa akin ang mabuhay ay Diyos, sa buhay ng Diyos ako ay Diyos.” Naniniwala sila na, kung totoo ang pananaw na ito, may pag-asa silang maging Diyos, mamuno bilang hari, at makontrol ang mga tao; kung hindi, maglalaho ang pag-asa nilang mamuno bilang hari at maging Diyos. Sa madaling salita, laging gusto ni Satanas na maging kapantay ng Diyos—at gayon din ang mga anticristo: Taglay rin nila ang kakanyahang ito. Halimbawa, sa mga taong sumusunod sa Diyos, may mga taong palaging pumupuri sa Diyos at nagpapatotoo sa Kanya, nagpapatotoo sa Kanyang gawain at sa epekto ng paghatol at pagkastigo ng Kanyang mga salita sa tao. Pinupuri nila ang lahat ng gawaing ginagawa ng Diyos para iligtas ang tao, at pinupuri din nila ang sakripisyong ginawa ng Diyos. Nais din bang matamasa ng mga anticristo ang lahat ng ito, o hindi? Nais nilang magtamasa ng suporta, pambobola, pagdakila—maging ng papuri ng mga tao. At anong iba pang nakahihiyang mga ideya ang naiisip nila? Nais nila na maniwala sa kanila ang mga tao, na umasa sa kanila sa lahat ng bagay; ayos lang na umasa rin ang mga tao sa Diyos—ngunit kung, kasabay ng pag-asa nila sa Diyos, mas makatotohanan at mas tunay pa ang pag-asa nila sa mga anticristo, masisiyahan nang husto ang mga anticristo. Kung, kasabay ng pagpuri mo sa Diyos at pagbibilang ng mga biyayang naibigay ng Diyos sa iyo, sinuma mo rin ang lahat ng karampatang tagumpay ng mga anticristo, at kinantahan ninyo sila ng iyong mga kapatid ng mga papuri, ibinabalita sa buong paligid ang lahat ng ginagawa nila, malulugod sila nang husto sa kanilang puso at makukuntento. Kaya mula sa pananaw ng likas na pagkatao at kakanyahan ng anticristo, kapag sinabi mo na ang Diyos ay nagtataglay ng awtoridad, na Siya ay matuwid, at na kaya Niyang iligtas ang mga tao, kapag sinabi mo na ang Diyos lamang ang may gayong kakanyahan, na ang Diyos lamang ang makakagawa ng ganitong klaseng gawain, at walang maaaring humalili sa Kanya o kumatawan sa Kanya sa paggawa ng mga bagay na ito, ni walang maaaring magtaglay ng kakanyahang ito at gumawa ng mga bagay na ito: kapag sinabi mo ito, hindi tinatanggap ng mga anticristo, sa puso nila, ang mga salitang ito, at ayaw nilang kilalanin ang mga ito. Bakit ayaw nilang tanggapin ang mga ito? Dahil mayroon silang mga ambisyon—isang panig iyan ng isyu. Ang kabilang panig ay na hindi sila naniniwala, ni hindi nila kinikilalang Diyos, ang laman na nagkatawang-tao. Tuwing may nagsasabi na ang Diyos ay natatangi, na Diyos lamang ang matuwid, gumagawa sila ng eksepsyon sa puso nila at lihim na tinututulan ito, na sinasabing: “Mali—matuwid din ako!” Kapag sinabi mo na ang Diyos lamang ang banal, sasabihin nilang: “Mali—banal din ako!” Isang halimbawa nito si Pablo: Nang ipalaganap ng mga tao ang salita ng Panginoong Jesucristo, sinasabi na ibinigay ng Panginoong Jesucristo ang Kanyang mahalagang dugo para sa sangkatauhan, na nagsilbi Siyang isang handog para sa kasalanan, at iniligtas Niya ang buong sangkatauhan, at tinubos Niya ang buong sangkatauhan mula sa kasalanan—ano ang nadama ni Pablo nang marinig niya ito? Kinilala ba niya na lahat ng ito ay gawain ng Diyos? Kinilala ba niya na Siya na nakayang gawin ang lahat ng ito ay si Cristo, at na si Cristo lamang ang maaaring gumawa ng lahat ng ito? At kinilala ba niya na tanging Siya na nakayang gawin ang lahat ng ito ang maaaring kumatawan sa Diyos? Hindi. Sabi niya: “Kung maaaring ipako sa krus si Jesus, maaari ding ipako sa krus ang mga tao! Kung kaya Niyang ibigay ang Kanyang mahalagang dugo, kaya rin iyon ng mga tao! Dagdag pa ito sa, kaya ko ring ipangaral ang daan, at mas matalino ako kaysa sa Kanya, at kaya kong magtiis ng pagdurusa! Kung sinasabi mo na Siya ang Cristo, hindi ba’t dapat din akong tawaging Cristo? Kung pinupuri mo ang Kanyang banal na pangalan, hindi ba’t dapat din akong purihin? Kung akma Siyang tawaging Cristo, kung maaari Siyang kumatawan sa Diyos, at kung Siya ang Anak ng Diyos, hindi ba’t tayo rin? Tayo na nagagawang magdusa at magsakripisyo, at nakakayang magpakahirap at gumawa para sa Diyos—hindi ba maaari na maging Cristo rin tayo? Hindi ba maaari na purihin din tayo ng Diyos at tawaging Cristo? Paano ito naiba kay Cristo?” Sa madaling salita, nabigo silang maintindihan ang pagiging natatangi ng Diyos, at hindi nila nauunawaan kung ano, sa huling pagsusuri, ang kahulugan ng pagiging natatangi ng Diyos. Naniniwala sila na ang pagiging Cristo o pagiging Diyos ay isang bagay na pinaghihirapan ng isang tao ayon sa husay ng talento at kakayahan, tulad ng isang tao na nagtamo ng puwesto sa ilalim ng araw sa pamamagitan ng pawis at pagpapagod. Hindi ka matatawag na Cristo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kakanyahan ni Cristo; dumarating ito sa isang tao mula sa sarili niyang pawis at pagpapagod, at mula sa sarili niyang kakayahan: Sinuman ang may higit na talento at higit na kakayahan ang nagiging pinakamataas na opisyal at nasa kanya ang huling pasiya. Ito ang katwiran nila. Hindi kinikilala ng mga anticristo ang salita ng Diyos bilang katotohanan. Hindi nila maintindihan ang kakanyahan at disposisyon ng Diyos na binabanggit sa mga salita ng Diyos; sila ay mga karaniwang tao, baguhan, walang kaalam-alam, kaya ang kanilang pananalita ay binubuo lamang ng mga salita ng mga baguhan, mga salitang walang espirituwal na pagkaunawa. Kung nakagawa na sila nang ilang taon, iniisip nila na kaya na nilang magdusa at magsakripisyo, na kaya nilang pahangain ang iba habang nangangaral, na natuto na silang maging ipokrito, at kaya nilang lokohin ang iba, at natamo na nila ang papuri ng ilan—kaya nga naniniwala sila, tulad ng inaasahan, na kaya nila na maging Cristo, na maging Diyos.

Hinango mula sa “Kinamumuhian Nila ang Katotohanan, Garapal na Nilalabag ang mga Prinsipyo, at Binabalewala ang mga Pagsasaayos ng Bahay ng Diyos (I)” sa Paglalantad sa mga Anticristo

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman