Paano makilala ang trigo mula sa mapanirang damo
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“Sa panahon ng pag-aani ay sasabihin Ko sa mga mang-aani, Tipunin muna ninyo ang mga pangsirang damo, at inyong pagbibigkisin upang sunugin; datapuwa’t tipunin ninyo ang trigo sa Aking bangan” (Mateo 13:30).
“Ang pag-aani ay ang katapusan ng sanlibutan; at ang mga mang-aani ay ang mga anghel. Kung paano ang pagtipon sa mga pangsirang damo at pagsunog sa apoy; gayon din ang mangyayari sa katapusan ng sanlibutan. Susuguin ng Anak ng tao ang Kaniyang mga anghel, at kanilang titipunin sa labas ng Kaniyang kaharian ang lahat ng mga bagay na nangakapagpapatisod, at ang nagsisigawa ng katampalasanan, at sila’y igagatong sa kalan ng apoy: diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin. Kung magkagayo’y mangagliliwanag ang mga matuwid na katulad ng araw sa kaharian ng kanilang Ama. Ang may mga pakinig, ay makinig” (Mateo 13:39–43).
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Batid mo na ba talaga ngayon kung bakit ka naniniwala sa Akin? Alam mo na ba talaga ang layunin at kabuluhan ng Aking gawain? Batid mo na ba talaga ang iyong tungkulin? Batid mo na ba talaga ang Aking patotoo? Kung naniniwala ka lamang sa Akin, ngunit walang bakas ng Aking kaluwalhatian o patotoo sa iyo, matagal na kitang itinakwil kung gayon. Para sa mga nakakaalam ng lahat ng bagay, sila’y lalo pang mga tinik sa Aking mata, at sa Aking tahanan, mga hadlang lamang sila sa Aking daan, sila ay mga panirang damo na dapat ay ganap na matahip palayo sa Aking gawain, wala silang silbi, wala silang halaga, at matagal Ko na silang kinasusuklaman. Madalas bumabagsak ang Aking poot sa lahat ng walang patotoo, at hindi kailanman lumilihis sa kanila ang Aking pamalo. Matagal Ko na silang ibinigay sa mga kamay ng masama; at wala na sa kanila ang Aking mga pagpapala. Kapag dumating ang araw, ang kanilang pagkastigo ay magiging mas mabigat pa kaysa sa pagkastigo sa mga hangal na babae. Ngayon, ginagampanan Ko lang ang gawaing tungkulin Kong gampanan; pagbubungkus-bungkusin ko ang mga trigo, kasama ng mga panirang damo. Ito ang Aking gawain ngayon. Itatahip ang mga panirang damo sa panahon ng Aking pagtatahip, pagkatapos ang mga butil ng trigo ay iipunin sa kamalig, at ang mga panirang damo na natahip na ay itatapon sa apoy upang sunugin hanggang maging alabok. Ang Aking gawain ngayon ay igapos lang ang lahat ng tao sa mga bigkis, iyon ay, upang ganap na lupigin sila. Saka Ko sisimulan ang magtahip upang ibunyag ang katapusan ng lahat ng tao. Kung kaya’t dapat mo nang malaman kung paano mo Ako dapat bigyang-kaluguran ngayon, at kung paano mo dapat itakda sa tamang landas ang iyong pananampalataya sa Akin.
— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?
Yamang tinatawag kayo na Aking mga tao, dapat ninyong makayang luwalhatiin ang Aking pangalan; ibig sabihin, magpatotoo sa gitna ng pagsubok. Kung tangkain ng sinuman na utuin Ako at itago ang totoo sa Akin, o sumali sa nakahihiyang mga gawain habang nakatalikod Ako, palalayasin ang gayong mga tao, lahat sila, at aalisin mula sa Aking bahay upang maghintay na harapin Ko sila. Yaong mga naging taksil at masuwayin sa Akin noong araw, at ngayon ay muling nagbabangon upang hatulan Ako nang lantaran—sila man ay palalayasin sa Aking bahay. Yaong Aking mga tao ay kailangang palaging magpakita ng konsiderasyon sa Aking mga pasanin at hangarin ding maunawaan ang Aking mga salita. Ang mga tao lamang na katulad nito ang Aking liliwanagan, at siguradong mabubuhay sila sa ilalim ng Aking patnubay at kaliwanagan, nang hindi kailanman humaharap sa pagkastigo. Yaong mga tao, na bigong magpakita ng konsiderasyon sa Aking mga pasanin, na nagtutuon sa pagpaplano para sa sarili nilang hinaharap—ibig sabihin, yaong mga walang layuning kumilos upang palugurin ang puso Ko, kundi sa halip ay naghahanap ng mga bigay-bigay—ang mga tila-pulubing nilalang na ito ang ayaw Ko talagang kasangkapanin, dahil mula nang ipanganak sila, wala silang anumang alam kung ano ang kahulugan ng magpakita ng konsiderasyon sa Aking mga pasanin. Sila ay mga taong walang normal na katinuan; ang gayong mga tao ay maysakit na “malnutrisyon” sa utak, at kailangang umuwi para sa kaunting “pangangalaga.” Walang silbi sa Akin ang gayong mga tao. Sa Aking mga tao, lahat ay kailangang maobligang ituring na tungkulin nilang makilala Ako na dapat makita hanggang sa huli, tulad ng pagkain, pagbibihis, at pagtulog, isang bagay na hindi kailanman nalilimutan ng isang tao sa isang saglit, upang sa bandang huli, ang pagkilala sa Akin ay maging kasing-pamilyar ng pagkain—isang bagay na ginagawa mo nang walang kahirap-hirap, na praktisado ang kamay. Tungkol naman sa mga salitang Aking sinasambit, bawat isa nito ay kailangang tanggapin nang may sukdulang pananampalataya at lubos na maunawaan; hindi maaaring magkaroon ng mga pagkilos na walang interes at hindi lubus-lubusan. Sinumang hindi pumapansin sa Aking mga salita ay ituturing na tuwirang lumalaban sa Akin; sinumang hindi kumakain ng Aking mga salita, o hindi naghahangad na malaman ang mga iyon, ay ituturing na hindi nakikinig na mabuti sa Akin, at tuwirang palalabasin sa pintuan ng Aking bahay. Ito ay dahil, tulad ng sinabi Ko na noong araw, ang nais Ko ay hindi ang maraming tao, kundi ang kahusayan. Sa isandaang tao, kung iisa lamang ang nakakakilala sa Akin sa pamamagitan ng Aking mga salita, handa Akong itapon ang lahat ng iba pa upang liwanagan at paliwanagin ang iisang ito. Mula rito ay makikita ninyo na hindi palaging totoo na sa mas malaking bilang ng mga tao lamang Ako maaaring makita at maisabuhay. Ang nais Ko ay trigo (kahit maaaring hindi puno ang mga butil) at hindi mga mapanirang damo (kahit puno ang mga butil para hangaan). Tungkol naman sa mga walang pakialam sa paghahangad, kundi sa halip ay pabaya kung kumilos, dapat silang kusang umalis; ayaw Ko na silang makita, kung hindi ay patuloy silang magbibigay ng kahihiyan sa Aking pangalan.
— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 5
Tulad ng nasabi Ko, ipinadala ni Satanas ang mga nagsisilbi para sa Akin upang gambalain ang Aking pamamahala. Mapanirang mga damo ang mga tagapagsilbing ito, pero hindi tumutukoy sa mga panganay na anak ang salitang “trigo,” kundi sa lahat ng anak at mga tao na hindi mga panganay na anak. “Palaging magiging trigo ang trigo, palaging magiging mapanirang damo ang mapanirang damo”; ibig sabihin ay hindi kailanman maaaring magbago ng kalikasan ng mga kay Satanas. Kaya, sa madaling salita, nananatili sila bilang Satanas. Ang “trigo” ay tumutukoy sa mga anak at sa mga tao, dahil bago ang paglikha ng mundo ay ikinintal Ko sa mga taong ito ang Aking katangian. Nauna Ko nang nasabi na hindi nagbabago ang kalikasan ng tao kaya palaging magiging trigo ang trigo.
— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 113
Ang tao ay lubusang gagawing ganap sa Kapanahunan ng Kaharian. Pagkatapos ng gawain ng panlulupig, ang tao ay isasailalim sa pagpipino at kapighatian. Yaong mga makakapagtagumpay at makakatayong saksi sa panahon nitong kapighatian ay yaong mga gagawing ganap sa kahuli-hulihan; sila ang mga mananagumpay. Sa panahon nitong kapighatian, kinakailangan sa tao na tanggapin ang pagpipinong ito, at ang pagpipinong ito ang huling pagkakataon sa gawain ng Diyos. Ito ang huling panahon na pipinuhin ang tao bago ang pagtatapos ng lahat ng gawain ng pamamahala ng Diyos, at ang lahat ng sumusunod sa Diyos ay kailangang tanggapin itong huling pagsubok, kailangan nilang tanggapin itong huling pagpipino. Yaong mga lugmok sa kapighatian ay walang gawain ng Banal na Espiritu at paggabay ng Diyos, ngunit yaong mga tunay na nalupig na at tunay na naghahangad sa Diyos ay makakatayong matatag sa kahuli-hulihan; sila yaong mga may angking pagkatao, at siyang mga tunay na nagmamahal sa Diyos. Kahit na ano ang ginagawa ng Diyos, ang mga matagumpay na ito ay hindi mawawalan ng mga pangitain at patuloy pa ring magsasagawa ng katotohanan nang hindi nabibigo sa kanilang patotoo. Sila yaong mga makalalampas sa matinding kapighatian sa wakas. Bagaman yaong mga naglalagay ng kanilang mga sarili sa mapanganib na sitwasyon para mabuhay ay maaari pa ring magpatuloy ngayon, walang makatatakas sa pangwakas na kapighatian, at walang makatatakas mula sa pangwakas na pagsubok. Para sa mga nagtatagumpay, ang ganoong kapighatian ay isang matinding pagpipino; ngunit para sa mga nangingisda sa maligalig na tubig, ito ang gawain ng ganap na pag-aalis. Kahit paano man sila sinusubukan, ang katapatan ng mga taong nasa puso nila ang Diyos ay nananatiling hindi nagbabago; ngunit para sa mga taong walang Diyos sa kanilang puso, sa sandaling ang gawain ng Diyos ay hindi kapaki-pakinabang sa kanilang laman, binabago nila ang kanilang pananaw tungkol sa Diyos, at nililisan pa ang Diyos. Ganoon ang mga hindi maninindigan sa katapusan, na naghahanap lamang ng mga pagpapala ng Diyos at walang pagnanais na gumugol ng kanilang mga sarili para sa Diyos at ialay ang kanilang mga sarili sa Kanya. Ang uring ito ng mga hamak na tao ay patatalsikin lahat kapag natapos na ang gawain ng Diyos, at hindi sila karapat-dapat sa kahit na anong awa. Yaong mga walang pagkatao ay walang kakayahang mahalin ang Diyos nang tunay. Kapag ang paligid ay tiwasay at ligtas, o may pakinabang na matatamo, sila ay lubusang masunurin sa Diyos, ngunit sa sandaling ang kanilang ninanais ay nalagay sa alanganin o hindi nila nakuha, ay agad silang naghihimagsik. Kahit na pagkatapos lamang ng isang gabi, maaari silang magbago mula sa isang nakangiti at “mabait” na tao tungo sa isang pangit at mabangis na mamamatay-tao, biglang itinuturing na mortal na kaaway ang kanilang tagapagpala kahapon nang walang pagkatugma o kadahilanan. Kung ang mga demonyong ito ay hindi napalayas, ang mga demonyong ito na papatay nang walang kurap, hindi ba sila magiging isang tagong panganib? Ang gawain ng pagliligtas sa tao ay hindi nakakamit pagkatapos ng kaganapan ng gawaing panlulupig. Kahit natapos na ang gawain ng panlulupig, ang gawain ng pagdadalisay sa tao ay hindi pa natapos; ang gayong gawain ay matatapos lamang sa sandaling ang tao ay lubusang nagawa nang dalisay, sa sandaling yaong mga tunay na nagpapasakop sa Diyos ay nagawa nang ganap, at sa sandaling yaong mga mapagpanggap na walang Diyos sa kanilang mga puso ay naalis na. Yaong mga hindi nakalulugod sa Diyos sa huling yugto ng Kanyang gawain ay lubusang aalisin, at yaong mga naaalis ay pag-aari ng diyablo. Dahil hindi nila kayang paluguran ang Diyos, sila ay suwail sa Diyos, at kahit na sumusunod ang mga taong ito sa Diyos ngayon, ito ay hindi nagpapatunay na sila ang mga mananatili sa wakas. Sa mga salitang “yaong mga sumunod sa Diyos hanggang sa katapusan ay tatanggap ng kaligtasan,” ang kahulugan ng “sumunod” ay tumayo nang matatag sa kabila ng kapighatian. Ngayon, marami ang naniniwala na madali ang sumunod sa Diyos, ngunit kapag ang gawain ng Diyos ay malapit nang matapos, malalaman mo ang tunay na kahulugan ng “sumunod.” Hindi dahil kaya mo pang sumunod sa Diyos ngayon matapos lupigin, ito ay hindi nagpapatunay na isa ka sa mga gagawing perpekto. Yaong mga hindi kinakayang pagtiisan ang mga pagsubok, silang mga hindi kayang maging matagumpay sa gitna ng kapighatian ay hindi makakayang tumayo nang matatag sa kahuli-hulihan, kaya’t hindi makakayang sumunod sa Diyos hanggang sa katapus-katapusan. Ang mga tunay na sumusunod sa Diyos ay kayang matagalan ang pagsubok ng kanilang gawain, samantalang yaong mga hindi talaga sumusunod sa Diyos ay hindi kayang matagalan ang anumang mga pagsubok ng Diyos. Hindi magtatagal, sila ay mapatatalsik, habang ang mga mananagumpay ay mananatili sa kaharian. Kung ang tao ay tunay na naghahanap sa Diyos o hindi ay nalalaman sa pamamagitan ng pagsubok sa kanyang gawain, iyon ay, sa pamamagitan ng mga pagsubok ng Diyos, at walang kaugnayan sa pagpapasya ng tao mismo. Hindi tinatanggihan ng Diyos ang sinumang tao kung kailan Niya gusto; lahat ng ginagawa Niya ay lubusang makakahikayat sa tao. Hindi Siya gumagawa ng anumang bagay na hindi nakikita ng tao, o anumang gawain na hindi makahihikayat sa tao. Kung ang paniniwala ng tao ay tunay o hindi, ay napapatotohanan ng mga katunayan at hindi mapagpapasyahan ng tao. Walang duda na ang “trigo ay hindi magagawang mapanirang damo, at ang mapanirang damo ay hindi magagawang trigo.” Ang lahat ng tunay na nagmamahal sa Diyos ay mananatili sa kaharian sa kahuli-hulihan, at hindi pagmamalabisan ng Diyos ang sinumang tunay na nagmamahal sa Kanya.
— Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.