Pinahirapan din si Pastor Yuan ng CCP dahil sa kanyang pananampalataya noong nakaraan. Hindi ko kailanman inakala na makikipagsabwatan siya sa mala-demonyong CCP upang tutulan ang Makapangyarihang Diyos. Hindi ba ito garapalang pagsalungat sa Diyos? Paano naging napakataksil at napakamalisyoso ang mga pastor at mga namumuno na ito?
Sagot: Sa bawat oras na nagkatawang-tao ang Diyos, Kanyang inilantad ang ilang anticristo, mga demonyo, sa mga relihiyosong grupo. Noong dumating ang Panginoong Jesus sa mundo, Kanyang inilantad ang lahat ng mapagpaimbabaw na Fariseo at mga masasamang puwersa na anticristo. Ngayon ay dumating na ang Makapangyarihang Diyos, at Kanya ring inilantad ang masasamang puwersa ng mga anticristo sa mga relihiyosong grupo ng mga huling araw. Ang pagpapakita at gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay maraming ibinubunyag tungkol sa mga tao. Totoong maraming pinuno ng relihiyon ang pinahirapan ng masamang CCP. Ang ilan ay nabilanggo nang 10 o maging 20 taon. Ang ilan ay nahiwalay mula sa kanilang mga asawa at mga anak, nasira ang kanilang mga pamilya. Subalit hindi pa rin nila nakikita ang totoong mukha ng mga demonyo sa CCP. Kapag inihahayag ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan at ginagawa ang Kanyang gawain na paghatol sa mga huling araw, sila ay nakikipagsabwatan pa sa malademonyong CCP upang buong galit na kondenahin at tutulan ang Makapangyarihang Diyos, halos parang ipinapako na naman ang Diyos. Ito ay natitiyak sa pamamagitan ng kanilang pagkamuhi sa katotohanan at malasatanas na kalikasang tumututol sa Diyos. Ipinapakita nito na itong mga relihiyosong grupo ay parang mga mala-demonyong rehimen—silang lahat ay nabibilang sa kampo ni Satanas. Lahat sila ay malasatanas, masasamang puwersa na buong galit na nagkokondena at tumututol sa Diyos. Tingnan natin ang isa pang talata sa salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ilan sa kanila ang naghahanap sa katotohanan at sumusunod sa katuwiran? Silang lahat ay mga hayop, walang ipinagkaiba sa mga baboy at aso, namumuno sa isang pangkat ng mababahong langaw, iwinawagwag ang kanilang ulo nang buong kayabangan para batiin ang kanilang sarili at nagpapasimula ng lahat ng klase ng gulo,[1] sa gitna ng isang tumpok ng dumi ng hayop. Naniniwala sila na ang kanilang hari ng impiyerno ang pinakadakilang hari sa lahat, nang hindi natatanto na sila mismo ay katulad ng mababahong langaw. … May berdeng mga pakpak sa kanilang likod (tumutukoy ito sa pahayag nila na naniniwala sila sa Diyos), hambog sila at ipinagyayabang nila sa lahat ng dako ang sarili nilang kagandahan at pang-akit, samantalang lihim nilang inihahagis sa tao ang karumihan sa sarili nilang katawan. Bukod pa rito, labis silang nasisiyahan sa kanilang sarili, na para bang magagamit nila ang isang pares ng mga pakpak na kakulay ng bahaghari para itago ang sarili nilang karumihan, at sa pamamagitan nito ay isinisisi nila ang kanilang kaapihan sa pag-iral ng tunay na Diyos (tumutukoy ito sa nangyayari sa likod ng mga tagpo sa daigdig ng relihiyon). Paano malalaman ng tao na, nakabibighani man ang ganda ng mga pakpak ng isang langaw, ang langaw mismo ay isa ring maliit na nilikha, na puno ng dumi ang tiyan at balot ng mga mikrobyo ang katawan? Sa lakas ng mga baboy at aso na taglay nila para sa mga magulang, naghuhuramentado sila sa buong lupain (tumutukoy ito sa paraan kung saan umaasa ang mga opisyal ng relihiyon na umuusig sa Diyos sa malakas na suporta ng gobyerno ng bansa upang labanan ang tunay na Diyos at ang katotohanan), na walang pumipigil sa kanilang kalupitan. Parang nagbalik ang mga multo ng mga Judiong Fariseo na kasama ng Diyos sa bansa ng malaking pulang dragon, pabalik sa dati nilang pugad. Nagsimula na sila ng isa pang pag-uusig, na itinutuloy ang kanilang gawain ilang libong taon na ang nakararaan. Ang grupong ito ng masasamang tao ay tiyak na masasawi sa lupa sa huli! Lalabas na, pagkaraan ng ilang libong taon, naging mas tuso at mandaraya pa ang karumal-dumal na mga espiritu. Palagi silang nag-iisip ng mga paraan upang lihim na pahinain ang gawain ng Diyos. Sa marami nilang panloloko at panlilinlang, nais nilang ulitin sa kanilang lupang-tinubuan ang trahedya ng ilang libong taong nakaraan, hanggang sa halos mapasigaw ang Diyos. Halos hindi Niya mapigil ang Kanyang Sarili na magbalik sa ikatlong langit upang lipulin sila” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 7). Magmula noong inumpisahang ipahayag ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan upang gawin ang kanyang gawaing paghatol, nagkokondena at tumututol na ang mga pinuno ng relihiyon. Nakipagsabwatan sila sa mala-demonyo na CCP at umasa sa mga masamang puwersa ng rehimen ng CCP, sa isang banda ay isinasara at mahigpit na kinokontrol ang mga relihiyosong grupo upang hadlangan ang mga mananampalataya sa paghahanap at pagsisiyasat sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at sa kabilang banda ay handang maging mga espiya ng CCP upang masubaybayan ang bayan ng Diyos. Sila ang nagbibigay ng impormasyon sa CCP upang arestuhin ang bayan ng Diyos, at bumubuo ng nagkakaisang grupo kasama ang masamang CCP sa isang pagtatangka na sama-samang ipawalang-bisa ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Ang mga katotohanang ito ay sapat na nagpapatunay na karamihan sa mga pinuno ng relihiyon ay mayroon ding likas na pagkatao na namumuhi sa katotohanan, malasatanas kagaya ng mga demonyo sa CCP. Lahat sila ay larawan ng mga demonyong muling nagkatawang-tao at lahat ay mga kaaway ng Diyos. Ang ibinunyag ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay lubos na tama. Ang kasalukuyang mga pinuno ng relihiyon ay ang mga Fariseo ng modernong panahon. Ang kanilang mga gawain na tumututol sa Diyos at masama ay mas malala pa kaysa sa mga Fariseong Hudyo noong panahon na iyon. Ang kanilang pagtutol at pagkondena sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay paglapastangan sa Banal na Espiritu. Ito ay halos parang pagpako ulit kay Cristo sa krus sa mga huling araw. Ipinapakita nito na ang lahat ng pinuno ng relihiyon ay anticristo na inilantad ng gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Ito ay isang katotohanan na hindi maaaring itanggi ng sinuman!
mula sa iskrip ng pelikulang Awit ng Tagumpay
Talababa:
1. Ang “nagpapasimula ng lahat ng klase ng gulo” ay tumutukoy sa kung paano ginugulo, hinahadlangan at nilalabanan ng demonyong mga tao ang gawain ng Diyos.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.