Hawak ng mga relihiyosong pastor at elder ang kapangyarihan sa relihiyosong mundo at karamihan sa mga tao ay sinusunod at sinusundan sila—ito ay totoo. Sinasabi mo na hindi kinikilala ng mga relihiyosong pastor at elder ang katotohanan ng pagkakatawang-tao ng Diyos, na hindi sila naniniwala sa katotohanang ipinahayag ng Diyos na nagkatawang-tao at na sinusundan nila ang yapak ng mga Fariseo; sang-ayon kami sa puntong ito. Pero bakit mo sinasabi na ang mga relihiyosong pastor at elder ay lahat mapagpaimbabaw na mga Fariseo, lahat anticristo na inilantad ng gawain ng Diyos sa mga huling araw, at na ang kanilang panghuling kalalabasan ay ang lumubog sa pagkawasak at kapahamakan? Hindi namin matatanggap ang puntong ito sa ngayon. Pakibahagi ang batayan ng sinabi mong ito, na ang mga taong ito ay hindi maliligtas at lahat sila ay lulubog sa pagkawasak at kapahamakan.

Abril 19, 2018

Sagot:

Ang tunay na diwa kung paano sinusuway ng mga tao sa mga relihiyosong grupo ang Diyos ay maaari lamang maibunyag at mahimay-himay matapos ang pagdating ng nagkatawang-taong Cristo. Walang tiwaling mga tao ang maaaring makaunawa sa katotohanan at diwa ng mga relihiyosong mundo na sumusuway sa Diyos, dahil ang mga tiwaling tao ay walang pinanghahawakang katotohanan. Maaari lamang silang malinlang, magamit, at mapaikot ng mga bulaang pastol at mga demonyong anticristo sa pagsama sa kanila sa paggawa ng masama, at maging mga lingkod at kasabwat ni Satanas sa pagsuway sa Diyos. Ito’y natural. … Tingnan natin kung paano, noong Kapanahunan ng Biyaya, ibinunyag ng Panginoong Jesus ang katotohanan at diwa ng kung paano laging sumuway sa Diyos ang mga pwersa ng masasamang anticristo sa mga relihiyosong grupo:

Datapuwa’t sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagka’t kayo’y hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok. Sa aba ninyo, mga eskriba’t mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t sinasakmal ninyo ang mga bahay ng mga babaing bao, at inyong dinadahilan ang mahahabang panalangin: kaya’t magsisitanggap kayo ng lalong mabigat na parusa.

Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong makakampi; at kung siya’y magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impierno kay sa inyong sarili.

Sa aba ninyo, kayong mga tagaakay na bulag, na inyong sinasabi, Kung ipanumpa ninoman ang templo, ay walang anoman; datapuwa’t kung ipanumpa ninoman ang ginto ng templo, ay nagkakautang nga siya. Kayong mga mangmang at mga bulag: sapagka’t alin baga ang lalong dakila, ang ginto, o ang templong bumabanal sa ginto? At, kung ipanumpa ninoman ang dambana, ay walang anoman; datapuwa’t kung ipanumpa ninoman ang handog na nasa ibabaw nito, ay nagkakautang nga siya. Kayong mga bulag: sapagka’t alin baga ang lalong dakila, ang handog, o ang dambana na bumabanal sa handog? Kaya’t ang nanunumpa sa pamamagitan ng dambana, ay ipinanunumpa ito, at ang lahat ng mga bagay na nangasa ibabaw nito. At ang nanunumpa sa pamamagitan ng templo, ay ipinanumpa ito, at yaong tumatahan sa loob nito. Ang nanunumpa sa pamamagitan ng langit, ay ipinanumpa ang luklukan ng Dios, at yaong nakaluklok doon.

Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t nangagbibigay kayo ng sa ikapu ng yerbabuena, at ng anis at ng komino, at inyong pinababayaang di ginagawa ang lalong mahahalagang bagay ng kautusan, na dili iba’t ang katarungan, at ang pagkahabag, at ang pananampalataya: datapuwa’t dapat sana ninyong gawin ang mga ito, at huwag pabayaang di gawin yaong iba. Kayong mga tagaakay na bulag na inyong sinasala ang lamok, at nilulunok ninyo ang kamelyo!

Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpapaimbabaw! Sapagka’t inyong nililinis ang labas ng saro at ng pinggan, datapuwa’t sa loob ay puno sila ng panglulupig at katakawan. Ikaw bulag na Fariseo, linisin mo muna ang loob ng saro at ng pinggan, upang luminis naman ang kaniyang labas.

Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t tulad kayo sa mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwa’t sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumaldumal. Gayon din naman kayo, sa labas ay nangagaanyong matuwid sa mga tao, datapuwa’t sa loob ay puno kayo ng pagpapaimbabaw at ng katampalasanan.

Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t itinatayo ninyo ang mga libingan ng mga propeta, at inyong ginayakan ang mga libingan ng mga matuwid, At sinasabi ninyo, Kung kami sana ang nangabubuhay nang mga kaarawan ng aming mga magulang disi’y hindi kami nangakaramay nila sa dugo ng mga propeta. Kaya’t kayo’y nangagpapatotoo sa inyong sarili, na kayo’y mga anak niyaong mga nagsipatay ng mga propeta. Punuin nga ninyo ang takalan ng inyong mga magulang. Kayong mga ahas, kayong mga lahi ng mga ulupong, paanong mangakawawala kayo sa kahatulan sa impierno? Kaya’t, narito, sinusugo ko sa inyo ang mga propeta, at mga pantas na lalake, at mga eskriba: ang mga iba sa kanila’y inyong papatayin at ipapako sa krus; at ang mga iba sa kanila’y inyong hahampasin sa inyong mga sinagoga, at sila’y inyong paguusigin sa bayan-bayan: Upang mabubo sa inyo ang lahat na matuwid na dugo na nabuhos sa ibabaw ng lupa, buhat sa dugo ng matuwid na si Abel hanggang sa dugo ni Zacarias na anak ni Baraquias na pinatay ninyo sa pagitan ng santuario at ng dambana. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang lahat ng mga bagay na ito ay darating sa lahing ito(Mateo 23:13–36).

Ito ang pinaka-kilalang mga salita ng Panginoong Jesus noong Kapanahunan ng Biyaya na nagbubunyag at humahatol sa mga punong saserdote, eskriba, at mga Fariseo ng mga Judiong relihiyosong grupo.

Mula sa katotohanang ibinunyag at hinimay-himay ng Panginoong Jesus itong “pitong aba” ng mga punong saserdote, eskriba, at mga Fariseo mula sa mga relihiyosong grupo noong Kapanahunan ng Kautusan, makikita natin na karamihan sa mga relihiyosong lider ay mga mapagpaimbabaw na Fariseo at simula pa nang matagal na panahon, ay naging malasatanas na masasamang pwersa nang sumasalungat sa Diyos. Ito’y isang katotohanang hindi na maitatanggi. …

…………

Inilantad na ng “pitong aba” ng mga Fariseo na ibinunyag ng Panginoong Jesus na ang kadiliman at kasamaan ng mga relihiyosong grupo ay hindi naiiba mula sa sekular na mundo. Kaya lubos na makikita ng mga tao na ang mga pagkilos ng mga punong saserdote, eskriba at mga Fariseo ng relihiyosong grupo ay hindi talaga paglilingkod sa Diyos, ngunit sa halip ay sumusuway at sumasalungat sa Diyos. Tumayo sila bilang mga saserdote at lider sa mga posisyon ng paglilingkod sa Diyos, subalit hindi nila isinasagawa ang katotohanan at pagkamakatuwiran. Sa halip, ginawa nila ang lahat ng uri ng mga nakapangingilabot na gawa, at itinuring pa nila ang nagkatawang-taong Cristo bilang isang kalaban, kinokondena at inaapi Siya at ipinapako Siya sa krus. Sa malalaking kasalanang nagawa nila, paanong hindi magagalit ang Diyos sa kanila? Ito ang dahilan kung bakit kinapootan sila ng Diyos at nagalit sa kanila, at kung bakit Niya sila ibinunyag, hinatulan, at kinondena. Lubos na natural ito. Ipinapakita nito sa atin na hindi hinahayaan ng Diyos ang sinuman na magkasala sa Kanyang matuwid na disposisyon. Noong Kapanahunan ng Biyaya, kinamuhian at kinapootan na ng Diyos ang iba’t ibang masasamang gawain laban sa katotohanan at sa Kanya Mismo na ginawa nitong mga punong saserdote, eskriba, at mga Fariseo ng mga relihiyosong grupo. Ipinapakita ng mga walang-awang pahayag at paghatol na Kanyang ginamit laban sa kanila na ang Diyos ay matuwid at banal. Hindi Niya kailanman pinuri ang mga nasa relihiyosong grupo na naglilingkod sa Diyos subalit sumusuway sa Kanya. Nagkatawang-tao ang Diyos mismo para sa layunin na bumalik sa mundo ng mga tao para personal na hanapin ang Kanyang tupa, para iligtas ang lahat ng nagmamahal sa katotohanan at nakakarinig ng tinig ng Diyos. Pinipili ng Diyos ang lahat ng buong-pusong gumugusto sa Diyos at kayang tumanggap sa katotohanan. Noong mga panahon ng pangangaral ng Panginoong Jesus, ang mga punong saserdote, eskriba, at mga Fariseo ng mga relihiyosong grupo ay naging puntirya lahat ng pagkokondena at pag-aalis ng Diyos. Ibinubunyag nito ang pagkamakatuwiran at kabanalan ng Diyos. Ang Diyos lang ang kaibig-ibig, kasinta-sinta, kagalang-galang at mapagkakatiwalaan, at ang mga lider, eskriba, at mga Fariseo ng mga relihiyosong grupo ay mga mapagpaimbabaw lahat, puno ng kasinungalingan, panlilinlang, pagbabanta, at kasamaan. Lahat sila’y mga anak ng ulupong na nanlito at kumontrol sa mga tao at sumuway sa Diyos. Sila mismo ang mga uri ng tao na dapat itakwil. Sa Kapanahunan ng Biyaya, noong isinasagawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawaing mapantubos, walang mga Judiong punong saserdote, eskriba, o mga Fariseo ang humarap kailanman sa Panginoong Jesus nang may pagsisisi. Ni walang maraming Fariseo ang tunay na nagnilay-nilay at nagsisi sa kanilang sariling masasamang gawa matapos maipako ang Panginoong Jesus sa krus at kumpletuhin ang Kanyang gawaing mapantubos. Kung mayroon man, iilang indibidwal lamang sila. Ang mga katunayang ito ay sapat na para patunayan na ang mga punong saserdote, eskriba, at mga Fariseo ay mga demonyo lahat na napoot sa katotohanan at sumuway sa Diyos. Kahit gaano pa karaming kasamaan ang kanilang ginawa, maging ang pagpapako sa Panginoong Jesus sa krus, hindi nila kailanman pinagsisihan ang kanilang mga makasalanang kilos. Nakakapukaw talaga ng pag-iisip ang isyung ito. Hindi mahirap makita rito na karamihan sa mga lider sa mga relihiyosong grupo ay mga bulaang pastol na naglilingkod sa Diyos subalit sumusuway sa Diyos. Sila ang tunay na kumakatawan ng demonyong anticristo—si Satanas. Subalit, maraming tao na naniniwala sa Diyos ang sumasamba pa rin at sumusunod sa kanila. Sapat na ito para ipakita na ang mga tao ay lubos na tiwali, at sila’y nalinlang na ng mga kasinungalingan at kasalanan. Binulag ni Satanas ang kanilang mga mata. Kahit sinira na sila ng mga demonyo, matigas pa rin silang tumatanggi na magbago, na para bang sila’y patay na. Kaya, makikita natin kung gaano kahirap ang gawain ng Diyos sa pagliligtas sa mga taong ito na nagawang tiwali nang husto! Ito ang pangunahing katanungan na dapat pagnilayan at kilalanin ng lahat ng tiwaling tao.

…………

Itinala ng Biblia ang maraming pagkakataon na sinusuway at kinokondena ng mga Judiong punong saserdote, eskriba, at mga Fariseo ang Panginoong Jesus. Dito makikita ng mga tao na itong mga Judiong punong saserdote, eskriba, at mga Fariseo ay nakatuon lang sa pagsasagawa ng mga relihiyosong rituwal at pagtuturo sa mga tao na sumunod sa mga patakaran at mga kautusan. Sapat na ito para ipakita na hindi isinagawa nitong mga punong saserdote, eskriba, at mga Fariseo ang anumang katotohanan at wala silang anumang realidad. Alam na alam nila ang tungkol sa Biblia at pinag-aralan ang kautusan, ngunit talagang hindi nila kilala ang Diyos. Ang pinakakasuklam-suklam na bagay ay makakaya pa nilang patayin ang mga propeta at matutuwid na tao. Hindi lang sila sa hindi nagpasakop kay Cristo, na nagkatawang-tao at nagpahayag ng mga katotohanan, makakaya pa nilang kondenahin, hulihin, bitagin, at patayin Siya, na ginagawa ang kanilang mga sarili na mga kalaban ng Diyos. Kaya lumalim nang lumalim ang pagkapoot ng Diyos sa kanila, at Kanyang ibinunyag, hinimay-himay, at kinondena sila. Higit pa rito, ibinubunyag nito na ang Diyos ay isang matuwid at banal na Diyos. Gusto Niya ang mga makatwiran, at kinapopootan ang mga gumagawa ng kasamaan. Hindi kailanman pinuri ng Diyos ang mga punong saserdote, eskriba, at mga Fariseo ng Judiong relihiyosong grupo. Ibinunyag, hinatulan, at isinumpa lang sila ng Diyos. Ito ay isang totoong katunayan na alam ng lahat ng naniniwala sa Panginoong Jesus. Kung talagang naiintindihan ng mga tao ang Biblia, bakit hindi nila gamitin ang mga salita ng Panginoong Jesus para makilala ang tunay na mapagpaimbabaw, tumututol sa Diyos na mga mukha ng mga makabagong pastor at elder sa mga relihiyosong grupo? Bakit hindi kaya ng mga tao na kumampi sa Panginoong Jesus para makita ang kaibahan at iwan ang mga walang utang na loob na anak ng ulupong na naglilingkod sa Diyos subalit sumusuway sa Kanya? Kung talagang naiintindihan ng mga tao ang Biblia, dapat nilang makita ang higit na mas nakakatakot na katotohanan: Na ang karamihan sa mga lider at pastor sa relihiyosong grupo ngayon ay kumikilos nang may parehong papel bilang mga punong saserdote, eskriba, at mga Fariseo na sumuway sa ating Panginoong Jesus noong Kapanahunan ng Biyaya. Sinusuway pa rin nila ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, at mas malaki ang kanilang mga kasalanan kaysa sa mga punong saserdote, eskriba, at mga Fariseo na sumuway sa Panginoong Jesus. Matindi ang galit nila sa katotohanan, at lubos silang natatakot na sila’y mailalayo kapag tinanggap ng mga piniling tao ng Diyos ang tunay na daan, nagpasakop sa gawain ng Diyos, at natamo ng Diyos. Samakatuwid, hindi sila nag-aatubiling mag-imbento ng mga kasinungalingan at tsismis para manlinlang ng mga tao, at binabaluktot pa ang katotohanan, binabago ang mga katunayan, nangpapahamak at nambibitag, naninira ng puri at kumokondena, at walang-kahihiyan at sinasadyang binibigyan nila ng maling kahulugan ang Biblia para kondenahin si Cristo at manlapastangan laban sa gawain ng Banal na Espiritu at mga pagbigkas ng Diyos. Para mailigtas ang kanilang sariling mga posisyon at kabuhayan, gumagamit sila ng lahat ng uri ng panloloko para hatulan ang Diyos, manlapastangan laban sa Diyos, at suwayin ang Diyos. Parehong-pareho ang kanilang mga pagkilos tulad ng mga iba’t ibang malasatanas na panloloko na ginamit ng mga Judiong punong saserdote, eskriba, at mga Fariseo sa pagsuway sa Panginoong Jesus. Lahat sila ay naglalakad sa landas ng anticristo na pagsasalungat sa Diyos. Sa pamamagitan ng paggawa sa mga iba’t ibang anyo ng panlabas na paglilingkod sa Diyos—subalit tinututulan Siya sa loob—na ginagawa ng karamihan ng mga lider at pastor ng mga relihiyosong grupo, makikita natin na may pitong pangunahing masasamang kilos na nakasakit na sa Diyos. Tiyak na maparurusahan sila. Ang pitong masasamang kilos na ginawa ng karamihan sa mga pastor at lider sa mga relihiyosong grupo ay nakalista dito:

1. Ginagawa lang nila ang mga relihiyosong rituwal na nagpapanatili at nagpapahayag ng pamana at mga doktrina ng sangkatauhan, ngunit iniiwan nila ang mga utos ng Diyos. Hindi nila kailanman tinuturuan ang mga tao na magpasakop sa Diyos, unawain Siya, o makinig sa Kanyang mga salita. Hindi nila sinasabi ang realidad ng katotohanan, at hindi kailanman ginagamit ang mga salita ng Diyos para ibunyag ang kadiliman sa mga relihiyosong grupo para ipaalam sa mga tao ang tungkol sa kapanahunan ng kasamaan.

2. Hindi nila iginagalang ang Diyos. Walang puwang ang Diyos sa kanilang mga puso, subalit sila’y ganid at patagong kumakain mula sa mga alay sa Diyos. Hindi nila kayang maglingkod nang tunay sa Diyos, ngunit ginagamit nila ang mga alay sa Diyos bilang kanilang mga kabuhayan, at madalas nilang hinihingan at pinipilit ang mga tao na magbigay para mas lalo silang mabuhay nang marangya, ginagawa ang kanilang mga sarili na tunay na mga bampira at mga parasito.

3. Nililibot nila ang lupa at dagat para makaakit ng mga tao papunta sa kanilang iglesia, at sa sandaling ginawa nila, nalilito at nakokontrol ang mga tao sa pagiging mga alipin. Hindi nila binibigyan ang mga tao ng karapatang piliin ang tunay na daan nang malaya, at hindi hinahayaan ang mga tao na siyasatin ang tunay na daan o para hanapin ang pagpapakita at gawain ng Diyos, na dahilan upang sila’y maging mga anak ng impiyerno. Ito ay pag-akay ng bulag sa bulag, at babagsak ang lahat sa hukay.

4. Sa kanilang pangangaral, madalas nilang ninanakaw ang kaluwalhatian ng Diyos para ipagyabang ang kanilang mga sarili at sumaksi sa kanilang mga sarili para gayahin, hangaan, at sundin ng mga tao, na dahilan upang ginagawa silang idolo ng mga tao para sila’y mabitag at makontrol. Hindi sila kailanman tapat at tunay na mga sumasaksi sa Diyos at nagpaparangal sa Diyos bilang dakila, para magpapasakop at sasamba sa Diyos ang mga tao.

5. Kinapopootan nila ang katotohanan, at nagseselos sila lalo sa mga taong naghahanap at nakakaintindi sa katotohanan: Pinipigilan, tinatanggihan, at hinahatulan nila sila. Pinapayagan lang nila ang mga tao na sambahin at sundin sila, subalit hinahadlangan at pinipigilan nila ang mga tao sa pagtanggap kay Cristo, at sinasaraduhan nila ang mga iglesia dahil takot sila na sumaksi ang mga tao sa gawain ng Diyos sa mga huling araw.

6. Para mailigtas ang kanilang mga sariling posisyon at kabuhayan, nag-iimbento pa sila ng iba’t ibang uri ng mga sabi-sabi at kasinungalingan para sirain, kondenahin, at lapastanganin si Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos. Pinupuno nila ang lahat ng bagay ng kanilang kadiliman, at mas gugustuhin pa nila ng pakikipagbuno sa buhay at kamatayan laban sa Diyos hanggang sa katapusan. Halata na hindi nila pinaglilingkuran ang Diyos kundi ang kanilang sariling mga posisyon at kabuhayan.

7. Hindi nila inaamin ang katunayan ng pagkakatawang-tao ng Diyos, ni hindi sila naniniwala sa salita at gawain ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw. Sapat na ito para patunayan na lahat sila ay may kalikasan at diwa ng mga anticristo sa pagkapoot sa katotohanan. Naglalakad sila sa landas ng mga anticristo sa paglilingkod sa Diyos ngunit sinusuway at sinasalungat ang Diyos.

Itong pitong masasamang kilos ng mga pwersa ng anticristo sa mga relihiyosong grupo na sumusuway sa Diyos ay mga katunayang hayagang tanggap ng lahat ng mananampalataya sa Diyos. Itong pitong masasamang kilos na ginagawa ngayon sa mga relihiyosong grupo ay may mga katangiang halos kapareho ng mga “pitong aba” na batayan ng pagbunyag at paghatol ng ating Panginoong Jesus sa mga Fariseo. Sapat na ito para patunayan na ang mga relihiyosong lider ay, sa mahabang panahon, palaging mukhang naglilingkod sa Diyos ngunit sa katunayan ay sinuway ang Diyos at naglakad sa landas ng anticristo. Inilantad din ng mga katunayang ito na silang lahat ay may malasatanas na kalikasan at diwa ng pagkapoot sa katotohanan at pagsuway sa Diyos. Ito ang dahilan kung bakit sila nagiging mga pwersang lumalaban kay Cristo ng mga huling araw, at inaakay nila ang mga relihiyosong grupo sa kadiliman at kasamaan. Ganap na tinutupad nito ang propesiya sa Aklat ng Pahayag sa Biblia na ang mga relihiyosong grupo ay ang mga “dakilang babaeng bayaran” at ang “dakilang Babilonia.” Ngayon, nakita na ng ilang tao na nagmamahal sa Diyos at nasasabik sa pagpapakita ng Diyos ang anticristong kalikasan at diwa nitong mga modernong Fariseo, at nagsimula nang iwan ang mga relihiyosong grupo para hanapin ang mga yapak ng gawain ng Diyos. Kahit na malinaw na batid nitong mga “Fariseo” ng mga relihiyosong grupo na ang lahat ng salita na ipinahayag ni Cristo ng mga huling araw ay mga katotohanan, paghatol at pagkastigo na nakatuon sa mga tiwaling tao, pinili pa rin nila na magkaroon ng isang pag-uugali na sumusuway, humahatol, kumokondena, at sumasalungat sa Diyos dahil sa kanilang pagkapoot sa katotohanan. Pinakamahalaga, sila’y nakagawa rin ng karumal-dumal na kasalanan sa paglalapastangan sa Banal na Espiritu at gawain ng Diyos. Ang tatlong pangunahing palatandaan ng kasalanang ito ay nakalista sa sumusunod:

1. Nag-iimbento sila ng mga kasinungalingan para sirain ang nagkatawang-taong Diyos. Seryosong panlalapastangan ito laban sa Diyos.

2. Itinuturing nila ang mga salita ng Diyos bilang mga salita ng tao, at sinasabi nila na may masasamang espiritu sa mga salita ng Diyos na nanggagayuma ng mga tao kapag binabasa nila ang mga ito. Seryosong panlalapastangan ito laban sa Diyos.

3. Inilalarawan nila ang gawain ng Diyos sa mga huling araw bilang gawain ng masasamang espiritu, na para na ring sinasabi na ang gawain ng Banal na Espiritu ay gawain ng masasamang espiritu. Panlalapastangan ito laban sa Diyos.

Ang mga tao sa lahat ng relihiyosong grupo ay nagkakalat ng mga seryosong panlalapastangan laban sa Diyos sa tatlong paraang ito. Kung sila ay mga tunay na tao na gumagalang sa Diyos, tiyak na hindi sila mangangahas na sabihin ang mga naturang bagay. Sa pagbabalik-tanaw sa panahon ng pangangaral ng ating Panginoong Jesus, noong mga panahong iyon may mga relihiyosong tao na nagsabi na ginagamit ni Jesus si Beelzebub, ang hari ng mga demonyo, para magpaalis ng mga demonyo. Tunay na paggawa ito ng kasalanan ng panlalapastangan laban sa Banal na Espiritu. Sabi ng Panginoong Jesus, “Ang bawa’t kasalanan at kapusungan ay ipatatawad sa mga tao; datapuwa’t ang kapusungang laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad(Mateo 12:31). Sa mga relihiyosong grupo ngayon, karamihan sa mga lider at pastor ay humahayo at nagkakalat ng mga sabi-sabi at paninira na lumalapastangan laban sa Banal na Espiritu. Kahit ano pa man ang kanilang mga hangarin at layunin, nakagawa na sila ng kasalanan ng panlalapastangan sa Banal na Espiritu. Ang mga tunay na gumagalang sa Diyos ay hindi kailanman mangangahas na magsalita nang walang habas nang hindi nagsasagawa ng masusing pagsisiyasat sa tunay na daan, subalit sila’y walang pakundangang nagpapasya na ang Kidlat ng Silanganan ay gawain ng masasamang espiritu, at nalilinlang ang mga tao kapag naririnig ang mensahe nito. Ito ay tunay na katawa-tawa! … Karamihan sa mga pastor at lider sa mga relihiyosong grupo ay nabunyag na bilang ang mga tiyak na naglalakad sa landas ng anticristo. Para mapanatili ang kanilang katayuan at kabuhayan, desperado silang nagpupumilit laban sa Diyos hanggang sa katapusan. Matigas ang kanilang mga puso, wala silang pagsisisi, at sa tingin nila sa bandang huli ay makikipagkasundo ang Diyos sa kanila, sa paraan kung paano itinuring ng Panginoong Jesus si Pablo noong Kapanahunan ng Biyaya. Akala nila ibubunyag ng Diyos ang Kanyang sarili at tatawagin sila mula sa langit. Ang ipako ang Diyos sa krus at naising matanggap ang awa ng Diyos pagkatapos ay kawalang-hiyaan na nang sagad-sagaran. Hangal sila at matigas hanggang kamatayan, nagpapakita ng “magiting, walang-kupas” na mga pag-uugali na tipikal sa “diwa ng kagitingan” ng mga relihiyosong dinastiya. Tinutupad nito ang propesiya sa Aklat ng Hebreo sa Biblia: “Sapagka’t kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan, Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway(Mga Hebreo 10:26–27).

… Ngayon ang pangunahing sandali para sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian. Kapag sinusuri nila ang tunay na daan, maraming tao ang nasisilaw at nalilito sa mga kasinungalingan at sabi-sabi ng mga demonyong anticristo sa mga relihiyosong grupo. Nalilito sila sa mga kasinungalingan at erehiya ng malaking pulang dragon kaya hindi sila nangangahas na tanggapin ang tunay na daan. Kapag sinusuri nila ang tunay na daan, maraming tao ang pinipigil at nililito ng mga lider at pastor sa mga relihiyosong grupo, kaya hindi sila makakalapit sa Diyos. Ang kanilang mga buhay ay sinisira at sinasakal ng mga relihiyosong lider, pastor, at ng malaking pulang dragon. Ang makipaglaban sa Diyos ang mga pastor at lider sa mga relihiyosong grupo para sa Kanyang mga pinili ay kabuktutan sa punto ng pagiging mga kalaban ng Diyos. Hindi nila binibigyan ng karapatan ang mga pinili ng Diyos na siyasatin ang tunay na daan o mamili nang malaya. Sapat na ang masamang katunayang ito para ipaliwanag na sila, tulad ng malaking pulang dragon, ay mga demonyo na pumapatay ng mga buhay at lumalamon ng mga kaluluwa ng tao. Nagawa na nila itong karumal-dumal na kasalanan na pananakit sa Diyos. Hindi ba’t ang katunayan na kaya nilang pigilan nang todo ang mga tao mula sa pagtanggap sa tunay na daan at pagbabalik sa Diyos ay naglalantad sa kanila bilang mga kasabwat at kakampi ni Satanas? Ang dugo na kanilang inutang sa mga tao ay kailangang mabayaran nang buo. Ibabalik ng Diyos ang kabayaran sa kanila batay sa kanilang sariling indibidwal na kilos, at ito ang pangunahing dahilan kung bakit hindi ibinubunyag ng Diyos ang Kanyang sarili at nagtatrabaho sa mga relihiyosong grupo sa Kanyang pagkakatawang tao sa mga huling araw. Kung paano kinapootan, ibinunyag, at hinatulan ng Panginoong Jesus ang mga punong saserdote, eskriba, at mga Fariseo ng mga relihiyosong grupo ay ganoon din na kinapopootan, ibinubunyag, hinahatulan, at kinokondena ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ang mga pastor at elder ng mga modernong relihiyosong grupo na naglalakad sa landas ng anticristo. Makikita ninyo na noong nagpakita ang Diyos sa katawang-tao para muling gumawa, kahit na nagbago ang Kanyang pangalan, hindi nagbago ang Kanyang disposisyon at diwa. Ang Diyos ay laging Diyos, ang mga tao ay laging mga tao, at si Satanas ay laging kalaban ng Diyos. Ito ang mga hindi nagbabagong katotohanan. Kailangang makita nang malinaw ng mga tao ang diwa at katotohanan ng mga relihiyosong grupo na naglilingkod sa Diyos subalit sumusuway sa Diyos, para matanggap nila ang tunay na daan, sumunod sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at makamtan ang pagliligtas ng Diyos. Ito ay napakahalagang bagay at hindi maaaring maantala, dahil ang araw ng Diyos ay paparating na. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang dapat ninyong maunawaan ay ito: Ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman naghihintay sa sinuman na hindi nakakasabay sa bilis ng Kanyang paghakbang, at ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi nagpapakita ng awa sa sinumang tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan).

Maaari nating makita ang katotohanan mula sa Biblia: Noong Kapanahunan ng Biyaya, hindi lang sa hindi tinawag ng Panginoong Jesus ang mga punong saserdote, eskriba, at mga Fariseo ng mga relihiyosong grupo, sila’y ibinunyag at hinatulan Niya. Lalo na, ang lahat ng kasangkot sa pagpapapako sa Panginoong Jesus sa krus ay naparusahan nang matindi, at lahat sila ay nagdusa ng teribleng kapalaran. Ito ay katunayan na alam ng lahat. Iniisip ba ng sinuman na ang Makapangyarihang Diyos na dumating sa Kapanahunan ng Kaharian ay maaaring maging maawain at mapagpatawad sa mga pwersa ng anticristo sa mga relihiyosong grupo? Talagang hindi-dahil matuwid at banal ang Diyos, at hindi hinahayaan ng Diyos na saktan ng sinuman ang Kanyang disposisyon. Napagpasyahan na ng Makapangyarihang Diyos ang kanilang mga katapusan, at malinaw na ibinunyag ang makasalanang katunayan na karamihan sa mga pastor at lider sa mga relihiyosong grupo ngayon ay tumututol sa Diyos. Tingnan natin kung ano ang sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Gusto ba ninyong malaman ang ugat kung bakit kinalaban ng mga Fariseo si Jesus? Gusto ba ninyong malaman ang diwa ng mga Fariseo? Puno sila ng mga pantasya tungkol sa Mesiyas. Bukod pa riyan, naniwala lamang sila na darating ang Mesiyas, subalit hindi nila hinanap ang katotohanan ng buhay. Kaya nga, kahit ngayon ay hinihintay pa rin nila ang Mesiyas, sapagkat wala silang kaalaman tungkol sa landas ng buhay, at hindi nila alam kung ano ang landas ng katotohanan. Paano ninyo nasasabi na matatamo ng gayon kahangal, katigas ang ulo at kamangmang na mga tao ang pagpapala ng Diyos? Paano nila mamamasdan ang Mesiyas? Kinalaban nila si Jesus dahil hindi nila alam ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu, dahil hindi nila alam ang landas ng katotohanang binanggit ni Jesus, at, bukod pa riyan, dahil hindi nila naunawaan ang Mesiyas. At dahil hindi pa nila nakita ang Mesiyas kailanman, at hindi pa nila nakasama ang Mesiyas kailanman, nagkamali silang magbigay ng walang-saysay na parangal sa pangalan ng Mesiyas habang kinakalaban ang diwa ng Mesiyas sa anumang paraan. Ang diwa ng mga Fariseong ito ay mga sutil, mapagmataas, at hindi sumunod sa katotohanan. Ang prinsipyo ng pananalig nila sa Diyos ay: Gaano man kalalim ang pangangaral Mo, gaano man kataas ang Iyong awtoridad, hindi Ikaw si Cristo maliban kung Ikaw ang tinatawag na Mesiyas. Hindi ba katawa-tawa at kakatwa ang mga pananaw na ito? Tatanungin Ko kayong muli: Hindi ba napakadali ninyong magawa ang mga pagkakamali ng mga sinaunang Fariseo, yamang wala kayong kahit katiting na pagkaunawa kay Jesus? Kaya mo bang makilala ang daan ng katotohanan? Talaga bang magagarantiyahan mo na hindi mo kakalabanin si Cristo? Kaya mo bang sumunod sa gawain ng Banal na Espiritu? Kung hindi mo alam kung kakalabanin mo si Cristo, sinasabi Ko na nasa bingit na ng kamatayan ang buhay mo. Yaong lahat na hindi nakakilala sa Mesiyas ay kayang kalabanin si Jesus, tanggihan si Jesus, siraan Siya ng puri. Ang mga taong hindi nakakaunawa kay Jesus ay kayang lahat na itatwa Siya, at laitin Siya. Bukod pa riyan, kaya nilang ituring na panlilinlang ni Satanas ang pagbalik ni Jesus, at maraming tao ang huhusga kay Jesus na nagbalik sa katawang-tao. Hindi ba kayo natatakot sa lahat ng ito? Ang kinakaharap ninyo ay magiging kalapastanganan sa Banal na Espiritu, pagkawasak sa mga salita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia, at paghamak sa lahat ng ipinapahayag ni Jesus. Ano ang mapapala ninyo kay Jesus kung litung-lito kayo? Paano ninyo mauunawaan ang gawain ni Jesus kapag bumabalik Siya sa katawang-tao sa ibabaw ng puting ulap, kung nagmamatigas kayong huwag kilalanin ang inyong mga pagkakamali? Sinasabi Ko ito sa inyo: Ang mga taong hindi tumatanggap ng katotohanan, subalit pikit-matang naghihintay sa pagdating ni Jesus sa ibabaw ng puting mga ulap, ay tiyak na lalapastangan sa Banal na Espiritu, at sila ang kategoryang wawasakin. Hinahangad lamang ninyo ang biyaya ni Jesus, at gusto lamang ninyong tamasahin ang napakaligayang dako ng langit, subalit hindi pa naman ninyo nasunod kailanman ang mga salitang sinambit ni Jesus, at hindi pa ninyo natanggap kailanman ang katotohanang ipinahayag ni Jesus kapag bumabalik Siya sa katawang-tao. Ano ang panghahawakan ninyo bilang kapalit ng katunayan ng pagbabalik ni Jesus na nasa ibabaw ng puting ulap? Ang kataimtiman ba ninyo sa paulit-ulit na paggawa ng mga kasalanan, at pagkatapos ay pangungumpisal ng mga iyon, nang paulit-ulit? Ano ang iaalay ninyong sakripisyo kay Jesus na nagbabalik sa ibabaw ng puting ulap? Ang mga taon ba ng paggawa na nagpapadakila sa inyong sarili? Ano ang panghahawakan ninyo para pagkatiwalaan kayo ng nagbalik na si Jesus? Ang inyo bang likas na kayabangan, na hindi sumusunod sa anumang katotohanan?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa).

Ilan ang naghahanap sa katotohanan at sumusunod sa katuwiran? Silang lahat ay mga hayop na tulad ng mga baboy at aso, namumuno sa isang pangkat ng mababahong langaw sa isang tumpok ng dumi para iwagwag ang kanilang ulo at mag-udyok ng kaguluhan.[1] Naniniwala sila na ang kanilang hari ng impiyerno ang pinakamataas sa mga hari, nang hindi natatanto na sila ay walang-iba kundi mga langaw sa bulok. Hindi lamang iyon, gumagawa sila ng mga mapanirang puna laban sa pag-iral ng Diyos sa pamamagitan ng pag-asa sa kanilang mga baboy at asong magulang. Ang tingin ng mga maliit na langaw sa kanilang mga magulang ay kasinlaki ng balyenang may-ngipin.[2] Hindi ba nila napapagtanto na sila ay maliit, gayunman ang kanilang mga magulang ay di-malinis na mga baboy at mga aso na isang bilyong beses na mas malaki kaysa kanilang mga sarili? Walang kamalayan sa kanilang sariling kababaan, sumusulong silang naghuhuramentado batay sa bulok na amoy niyaong mga baboy at mga aso at mayroong guniguning ideya na magpakarami para sa hinaharap na mga henerasyon. Iyan ay ganap na kakapalan ng mukha! May berdeng mga pakpak sa kanilang mga likuran (tumutukoy ito sa pahayag nila na naniniwala sila sa Diyos), nagsisimula silang maging mayabang at ipinagmamalaki sa lahat ng dako ang kanilang sariling kagandahan at pagiging kaakit-akit, lihim na itinatapon ang kanilang mga karumihan sa tao. At hambog pa sila, na para bang maitatago ng isang pares ng mga pakpak na kulay-bahaghari ang kanilang sariling mga karumihan, at sa gayo’y inuusig nila ang pag-iral ng tunay na Diyos (tumutukoy ito sa kuwentong nakapaloob sa relihiyosong daigdig). Hindi alam ng tao na, kahit maganda at nakabibighan ang mga pakpak ng langaw, isa pa rin itong maliit na langaw na puno ng dumi at nababalot ng mga mikrobyo. Sa lakas ng kanilang mga baboy at aso ng mga magulang, naghuhuramentado sila sa buong lupain (tumutukoy ito sa mga relihiyosong opisyal na umuusig sa Diyos batay sa malakas na suporta mula sa bansang nagtataksil sa tunay na Diyos at sa katotohanan) na may napakalaking kasamaan. Parang nagbalik ang mga multo ng mga Judiong Fariseo na kasama ng Diyos sa bansa ng malaking pulang dragon, pabalik sa dati nilang pugad. Nasimulan na nilang muli ang kanilang gawain ng pag-uusig, itinutuloy ang kanilang gawain na ilang libong taon ang saklaw. Ang pangkat na ito ng masasamang tao ay tiyak na mawawala sa lupa sa huli! Lumalabas na, pagkatapos ng ilang libong taon, ang mga karumal-dumal na espiritu ay naging mas tuso pa at mandaraya. Patuloy silang nag-iisip ng mga paraan upang lihim na pahinain ang gawain ng Diyos. Sila ay matalino at tuso at nais ulitin sa kanilang lupang-tinubuan ang trahedya ng ilang libong taong nakaraan. Halos mapasigaw dito ang Diyos, at bahagya na Niyang mapipigil ang Sarili Niya sa pagbabalik sa ikatlong langit upang lipulin sila(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 7).

—mula sa Ang Pagbabahagi mula sa Itaas

Isipin ang tungkol sa Kapanahunan ng Biyaya, nang ang lubusang natiwaling sangkatauhan ay ipinako ang Panginoong Jesus sa krus. Ano ba talaga ang kalikasan ng kanilang pagkilos? Upang ibigay ang Panginoong Jesus, na nagpapalaganap ng daan ng kaharian ng langit, sa hari ng mga demonyo, at dagdag pa rito para sabihin din na kailangang ipako ang Panginoong Jesus sa krus, na mas gugustuhin pa nilang pakawalan ang isang magnanakaw at ipako sa krus ang Panginoong Jesus: Hindi ba ang naturang tiwaling sangkatauhan ay malademonyo? Tanging mga demonyo ang maaaring mapoot nang husto sa Diyos na sila ay nasa nakamamatay na labanan sa Diyos. Ang mga punong saserdote, eskriba, at napakaraming mga tagasunod—na siyang sumigaw nang sabay-sabay sa mga panahong iyon na kailangang ipako sa krus ang Panginoong Jesus—maaaring isang grupo ng mga demonyo lamang ang napoot sa Diyos, hindi nga ba ganoon? Hindi ba karamihan ngayon ng mga pastor at lider sa relihiyosong komunidad, kasama ang karamihan sa mga mananampalataya, ay kinokondena rin ang Makapangyarihang Diyos nang may iisang tinig? Mga demonyo ba ito na sumasalungat sa Diyos? Lalo na ngayon, kapag ang malaking pulang dragon ay galit na galit na lumalaban at kumokondena sa gawain ng Diyos, ang relihiyosong komunidad ay kumakampi rin sa malaking pulang dragon, at magkakasama pang nagtutulungan para labanan ang Diyos, kondenahin ang Diyos, at lapastanganin ang Diyos. Kaya naman nasasaksihan ng sangkatauhan ang relihiyosong komunidad at ang malaking pulang dragon na magkakasama sa kampo ni Satanas. Ang relihiyosong komunidad ay matagal nang naging kasabwat ni Satanas, kung saan ganap na ibinubunyag na ang masama at tiwaling diwa ng paglilingkod sa Diyos ng relihiyosong komunidad ay, sa katunayan, lumalaban sa Diyos, kung saan lubos na nagpapatunay sa mga salita ng Panginoong Jesus na nagbunyag at naghatol sa mga Judiong Fariseo. Ito mismo ang diwa ng katiwalian at kasamaan ng relihiyosong komunidad ngayon. Ang paglaban sa Diyos ng relihiyosong komunidad ngayon ay pumapantay o lumalampas sa relihiyosong komunidad noong Kapanahunan ng Biyaya. Malademonyong grupo sila na sumasalungat kay Cristo kaya itinakwil at kinondena ng Diyos, at lubusan silang kabilang sa masasamang puwersa ni Satanas. Mula rito, malinaw na ang katiwalian ng sangkatauhan ay umabot na sa sukdulan kung saan sa totoo lang maaaring muli nitong ipako sa krus si Cristo, na Siyang sa mga huling araw ay naghahatid ng katotohanan at nagbibigay ng paghatol. Sapat na ito para ipakita na ang sangkatauhan ay masyado nang natiwali ni Satanas na ito’y naging mga demonyo. … Ang paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw ay ang gawain ng pagdadala sa katapusan ng tadhana ni Satanas. Maaari kaya na ang Diyos ay magpakita ng kaluwagan dito sa mga malademonyong anticristo ng relihiyosong komunidad na nasa nakamamatay na laban sa tunay na nagkatawang-taong Diyos ng mga huling araw? Maaaring maghintay at makita ng lahat kung anong mangyayari kapag ang mga bansa at mga tao ng mundo ay masaksihan ang pagpapakita ng Diyos sa publiko. Bakit mananaghoy ang mga tao? Pagkatapos, ang katotohanan ay dadalhin sa liwanag!

—mula sa Ang Pagbabahagi mula sa Itaas

Mga Talababa:

1. Ang “mag-udyok ng kaguluhan” ay tumutukoy sa kung paano ginugulo, hinahadlangan at kinokontra ng demonyong mga tao ang gawain ng Diyos.

2. Ang “isang balyenang may-ngipin” ay ginagamit nang patuya. Ito’y metapora kung paanong para sa napakaliliit na langaw, ang mga baboy at mga aso ay mukhang kasinlaki ng mga balyena.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman