Malinaw na sinabi ni Pablo sa Biblia: “Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila’y ginawa kayo ng Banal na Espiritu na mga tagapangasiwa, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Diyos …” (Mga Gawa 20:28). Pinatutunayan nito na ang mga pastor at elder ay hinirang lahat ng Banal na Espiritu. Hindi ba’t ang paghirang ng Banal na Espiritu ay kumakatawan sa paghirang ng Diyos? Hinirang ng Diyos ang mga pastor at elder bilang mga tagapangasiwa sa lahat ng kawan. Hindi maaaring maging mali iyon.

Agosto 30, 2018

Sagot: Ang ilang kakatuwang tao sa mga relihiyosong lupon ay kadalasang ginagamit nang mali ang mga salita mula sa Biblia upang gumawa ng mga panuntunan. Sinasabi nilang ang mga mapagkunwari Fariseo at ang mga relihiyosong pastor ay hinirang at ginamit lahat ng Diyos. Hindi ba nito labis na nilalabanan at nilalapastangan ang Diyos? Maraming tao ang hindi alam kung paano kumilala. Naniniwala sila sa Panginoon ngunit hindi Siya pinahahalagahan, sa halip ay nagtataguyod ng mga kaloob, katayuan at kapangyarihan, at bulag ding naniniwala at sumasamba sa mga pastor at elder. Hindi nila makilala kung ang isa ay gawa ng Banal na Espiritu at ang isa ay realidad ng katotohanan. Iniisip lamang nila na hangga’t mayroong isang sertipiko ng pastor at mga kaloob at kayang pag-aralan ang Biblia, nangangahulugan na sila ay inaprubahan at hinirang ng Diyos, at dapat silang sundin. Ang ilang mga tao ay higit pang kakatuwa at iniisip na ang pagsunod sa mga pastor at elder ay pagsunod sa Diyos, at ang paglaban sa mga pastor at elder ay paglaban sa Diyos. Kung susundin natin ang mga naturang paniniwala, ang mga punong saserdoteng Judio, mga eskriba, at mga Fariseo na pamilyar lahat sa Biblia at madalas na ipinaliwanag ang Biblia sa iba, ngunit nilabanan at binatikos ang Panginoong Jesus nang Siya ay nagpakita at gumawa, at ipinako pa Siya sa krus, mga taong hinirang at ginamit ba sila ng Diyos? Kung sinundan ng isa ang mga pinunong Judio sa paglaban at pagbatikos sa Panginoong Jesus, nangangahulugan ba iyon na sinusunod nila ang Diyos? Sasabihin mo bang ang mga tumanggi sa mga pinunong Judio at sumunod sa Panginoong Jesus ay nilalabanan ang Diyos? Ipinapakita nito na ang pananaw na “Ang pagsunod sa mga pastor at elder ay pagsunod sa Diyos, ang paglaban sa mga pastor at elder ay paglaban sa Diyos” ay talagang walang katotohanan at mali! Dapat malinaw sa ating mga mananampalataya ng Diyos na kung ang mga relihiyosong pastor at elder ay nanlalaban sa Diyos, at ang landas na kanilang tinatahak ay pinagkakanulo ang katotohanan at nilalabanan ang Diyos, dapat tayong tumayo sa panig ng Diyos, ilantad ang mga ito, at tanggihan ang mga ito. Iyon ang tunay na pagsunod sa Diyos. Iyon ay ang pagtalikod sa kadiliman para sa liwanag at pagpapasaya sa mga intensyon ng Diyos. Samakatuwid, pagdating sa kung paano pakikitunguhan ang mga pastor at elder, dapat nating hanapin ang katotohanan at unawain ang mga intensyon ng Diyos. Kung ang mga pastor at elder ay mga taong nagmamahal sa katotohanan at hinahanap ang katotohanan, kung gayon tiyak na magkakaroon sila ng gawain ng Banal na Espiritu at magagawang gabayan tayo sa pagsagawa at pagdanas ng mga salita ng Diyos, na matakot sa Diyos at lisanin ang kasamaan. Ang paggalang at pagsunod sa mga naturang tao ay naaayon sa mga intensyon ng Diyos! Kung hindi nila iniibig ang katotohanan at nagmamalasakit lamang sa pagpapaliwanag ng kanilang kaalaman sa Biblia at mga teolohikong teoriya upang magyabang at pabanguhin ang kanilang sarili, upang sambahin at sundin natin sila, at hindi itinataas ang Diyos, sumasaksi sa Diyos, at hindi tayo ginagabayan sa pagsagawa at pagdanas ng mga salita ng Diyos, Kung gayon sila ay mga taong nahatulan at sinumpa ng Diyos at sasalungatin natin ang Diyos kung tayo ay sumasamba at sumusunod pa rin sa kanila. Ito ay ganap na labag sa mga intensyon ng Diyos.

Karamihan sa mga taong kasalukuyang nasa mga relihiyosong lupon ay hindi kayang kilalanin ang kakanyahan ng pagsalungat sa Diyos ng mga pastor at elder. Naniniwala sila na hangga’t nauunawaan ng mga pastor at elder ang Biblia at naipapaliwanag ang Biblia, at hangga’t tumatalima sa Biblia at nakabatay sa Biblia ang sinasabi ng mga pastor at elder, dapat sumunod kung gayon ang mga tao. Ang gayong pananaw ay tama, ngunit kung iisipin natin ito, talaga bang nauunawaan ng mga pastor at elder ang Biblia? Alam ba nila talaga ang gawain ng Diyos? Ang pagkakaroon ba ng kaalaman sa Biblia ay kumakatawan sa pagkakakilala sa Diyos? Ang pakikinig ba sa pagpapaliwanag ng mga pastor at elder sa Biblia ay tunay na gumagabay sa mga tao upang maunawaan ang katotohanan at makilala at sundin ang Diyos? Sa tingin ko, walang sinuman sa mga relihiyosong lupon ang makakaunawa sa sa mga tanong na ito. Pag-isipan nating muli kung paano lumitaw ang mga Fariseong Judio sa iba na tila naunawaan nila ang Biblia at mahusay sa pagpapaliwanag sa Biblia, ngunit nang magtrabaho ang Panginoong Jesus, hindi nila Siya kinilala at sa halip ay umasa sa mga titik at mga alituntunin mula sa Biblia upang subukan at ibitag ang Panginoong Jesus anumang pagkakataong makuha nila. Nilabanan nila at binatikos ang Panginoong Jesus, at dahi lang Panginoong Jesus ay naghayag ng mga salita ng Diyos, binatikos at nilapastangan nila ang Panginoong Jesus, inaakusahan ang Kanyang mga salita ng kalapastangan sa Diyos. Sa huli ay ipinako nila sa krus angPanginoong Jesus. Ano ba talaga ang kanilang problema? Hindi ba sila arogante at walang alam sa Diyos? Ang mga katotohanang ito ay sapat upang patunayan na ang pagkakaroon ng kaalaman sa Biblia at pagiging magaling magpaliwanag sa Biblia ay hindi nangangahulugan na ang isang tao ay nauunawaan ang katotohanan at nakakaalam sa Diyos, at hindi ito nangangahulugan na alam nila ang gawain ng Diyos! Ang mga tunay na nakakaranas ng gawain ng Diyos ay lahat nagbibigay-pansin sa pagdanas at pagsagawa ng mga salita ng Diyos. Nakikita nila sa mga salita ng Diyos ang mga kamangha-manghang gawa ng Diyos, nauunawaan ang lahat ng pangangalaga at paglingap na ginugol ng Diyos ang pagligtas sa sangkatauhan, at malinaw na nakikita na ang lahat ng mga salitang inihayag ng Diyos sa panahon ng Kanyang gawain ay lahat realidad lahat ng katotohanan na dapat pasukin ng mga tao. Mayroon din silang tunay na pag-unawa kung bakit ipinahahayag ng Diyos ang mga katotohanang ito, kung ano ang Kanyang mga intensyon, at kung ano ang nais Niyang matamo sa pamamagitan ng Kanyang gawain sa mga tao. Tanging ang ganitong mga tao ang tunay na nakakaunawa sa gawain ng Diyos. Tanging ang ganitong mga tao ang tunay na nakakaunawa sa Biblia at sa katotohanan. Ang mga taong tunay na nauunawaan ang Biblia ay nakatuon lahat sa paghahatid ng mga salita ng Diyos sa Biblia at pagpapabatid ng mga intensyon ng Diyos, ang mga hinihingi ng Diyos sa tao, gawain ng Diyos at Kanyang disposisyon, at magagawa tayong gabayan sa realidad ng katotohanan at magagawa tayong may takot sa Diyos at sumusunod sa Diyos. Ano ang ipinangangaral ng mga relihiyosong pastor at elder? Kaalaman at teolohikong teorya lamang ng Biblia. Ano ang kalalabasan ng pakikipag-usap sa gayong mga bagay? Sa huli, maaari lamang nitong gawing higit na mas mayabang ang mga tao. Hindi sila nagpapatalo sa sinuman dahil lamang sa nauunawaan nila ang kaunting kaalaman sa Biblia. Bilang resulta, kapag nagkatawang-tao ang Diyos upang ihayag ang katotohanan, tinatanggihan nila ang Diyos, nilalabanan ang Diyos, at sinasalungat ang Diyos! Sa hitsura ng mga bagay-bagay, ang mga pastor at elder na nagpapaliwanag ng kaalaman sa Biblia at teolohikong teoriya ay lumalaban sa Diyos sa katunayan! Hindi ba sila katulad ng mga Fariseo mula pa noon? Bakit hindi kaya ng mga relihiyosong pastor at elder na ibahagi ang kanilang kaalaman at karanasan ng kanilang sariling pagsasagawa sa mga salita ng Diyos? Bakit hindi nila maipahayag ang kanilang tunay na pagkaunawa sa gawain ng Diyos at sa Kanyang disposisyon? Sapagkat wala silang tunay na karanasan sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan at ang kanilang pinagtutuunan ay ang pag-aaral lamang ng Biblia upang matamo nila ang kaalaman sa Biblia, na siyang dahilan kung bakit hindi nila kayang tanggapin ang gawain ng Banal na Espiritu. Kaya paanong nakatanggap ng pag-apruba ng Diyos ang kanilang serbisyo? Ang Diyos ay nagkatawang-tao bilang Anak ng tao at ipinahayag ang katotohanan upang isagawa ang Kanyang gawainng paghatolsa mga huling araw, ibinubunyag ang bawat tao. Yaong mga umiibig sa katotohanan, suklam sa katotohanan, mabubuting tagapaglingkod, masasamang tagapaglingkod, yaong mga naglilingkod sa Diyos, at yaong mga naglilingkod sa kayamanan ay ibubunyag lahat. Tungkol sa mga relihiyosong pastor at elder, inaalis nilang lahat sa konteksto ang mga bersikulo at umaasa sa kanilang mga paniniwala at imahinasyon upang magkamali sa Biblia, kahit na ang pagtukoy sa “Walang pagbigkas at gawain ang Diyos sa labas ng Biblia” at ang pagpapakalat din ng lahat ng uri ng kamalian upang labanan at batikusin ang gawain ng Diyos samga huling araw. Hindi ba ito nakakalito at nanlilinlang sa mga tao? Sino ang nakakaalam kung gaano karaming mga mananampalataya ang nasaktan at winasak ng kanilang pagpapakalat ng mga naturang kamalian? Gaano karaming mga tao ang nawalan ng pagkakataon na madala sa harap ng trono ng Diyos at dumalo sa piging ng kasalan kasama ang Diyos at ang pambihirang pagkakataon na gawing isangmananagumpayng Diyos? Hindi ba’t ang mga pastor at elder na ito ay mga balakid at hadlang sa mga taong tumatanggap sa tunay na daan?

Basahin natin ang ilan sa mga salita Makapangyarihang Diyos at mas mahusay nating makikilala ang mga relihiyosong pastor at elder! Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Masdan mo ang mga pinuno ng bawat denominasyon—lahat sila’y mapagmataas at nag-aakalang mas matuwid sila kaysa sa iba, at binibigyang-kahulugan nila ang Biblia nang wala sa konteksto at ginagabayan ng kanilang sariling imahinasyon. Lahat sila’y umaasa sa mga kaloob at pag-aaral sa paggawa ng kanilang gawain. Kung sila’y wala talagang kakayahang mangaral, susunod ba sa kanila ang mga tao? Sila, kung sa bagay, ay nagtataglay ng kaunting kaalaman at makakapangaral ng ilang doktrina, o alam nila kung paano makaakit ng iba at kung paano gumamit ng ilang pakana. Ginagamit nila ang mga ito para dalhin ang mga tao sa harapan nila at linlangin sila. Sa pangalan, ang mga taong iyon ay naniniwala sa Diyos, ngunit sa realidad, sinusunod nila ang kanilang mga pinuno. Kung nakakatagpo sila ng isang taong nangangaral ng tunay na daan, ang ilan sa kanila’y nagsasabing, ‘Kailangang konsultahin namin ang aming lider tungkol sa aming pananampalataya.’ Isang tao ang daanan ng kanilang pananampalataya sa Diyos; hindi ba problema iyan? Nagiging ano na kung gayon ang mga lider na iyon? Hindi ba sila nagiging mga Fariseo, huwad na mga pastol, mga anticristo, at mga katitisuran sa pagtanggap ng mga tao sa tunay na daan?(“Tanging ang Paghahabol sa Katotohanan ang Tunay na Paniniwala sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw).

Mayroong mga nagbabasa ng Biblia sa mga malalaking iglesia at nagsasalaysay nito nang buong araw, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakauunawa sa layunin ng gawain ng Diyos. Wala ni isa sa kanila ang nakakilala sa Diyos, lalong wala ni isa sa kanila ang nakaayon sa kalooban ng Diyos. Lahat sila ay walang halaga, masasamang tao, bawat isa ay nagpapakataas upang pangaralan ang Diyos. Sadya nilang sinasalungat ang Diyos kahit na dala-dala nila ang Kanyang bandila. Sinasabi nilang sila ay nananampalataya sa Diyos, subalit kumakain pa rin sila ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng ganitong tao ay mga diyablong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong demonyo na sadyang humahadlang sa mga sumusubok na tumapak sa tamang landas, at mga balakid na nakasasagabal sa mga naghahanap sa Diyos. Sila ay tila may ‘mahuhusay na konstitusyon,’ ngunit paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay walang iba kundi mga anticristo na umaakay sa mga tao na manindigan laban sa Diyos? Paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay mga nabubuhay na diyablo na nakatuon sa paglamon ng mga kaluluwa ng tao?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Lahat ng Taong Hindi Nakakakilala sa Diyos ay mga Taong Sumasalungat sa Diyos).

Inilantad ng Makapangyarihang Diyos ang tunay na kakanyahan ng mga pastor at elder na nanlalaban sa Diyos at nanlilinlang sa mga tao habang napakalinaw na pinaglilingkuran ang Diyos! Madalas na inaalis sa konteksto ng mga relihiyosong pastor at elder ang mga taludtod at nagkakamali ng pakahulugan ng Biblia kapag ipinapaliwanag ito. Umaasa sila sa mga paniniwala at imahinasyon upang ipaliwanag ang kaalaman sa Biblia at ang teolohikong teorya upang magyabang, pabanguhin ang kanilang sarili, at sambahin at sundin sila ng mga tao. Ngunit hindi nila kailanman ipinagbubunyi ang Panginoon, sinasaksihan ang Panginoon, at sa halip ay nagpaplanong ilagay ang lahat sa ilalim ng kanilang kontrol. Bakit may napakaraming relihiyosong tao na sumasamba sa mga pastor at elder pati na rin sa mga taong kayang ipaliwanag ang Biblia, ngunit hindi maraming tao ang kayang pahalagahan ang Panginoon? Ano ang problema rito? Lalo na sa panahon ng gawain ng paghatol ngMakapangyarihang Diyos samga huling araw, maraming tao ang hindi nag-iimbestiga at naghahanap sa katotohanan. Hindi sila nananalangin sa Diyos ngunit naghahanap ng mga pastor at sinusunod ang kanilang mga utos. Naniniwala ba ang mga taong ito sa Panginoon o sa mga pastor? Dapat tayong magnilay-nilay lahat sa mga problemang ito. Inilantad na ng Panginoong Jesus ang paglaban ng mga relihiyosong Fariseo sa Diyos matagal na ang nakalipas, kaya paanong hindi tayo nagkakaroon ng anumang pag-unawa pagdating sa mga relihiyosong pastor at eldersa mga huling araw? At marami pa ring mga taong sumasamba at sumusunod sa kanila. Wala silang kamalayan na sinimulan nila ang landas ng paglaban sa Diyos, at hinahamak at kinasusuklaman ng Diyos tulad ng mga Fariseo. Anong uri ng problema ito? Hindi ba ito ang resulta ng panlilinlang ng mga pastor at elder? Ngayon, marami sa mga nagmamahal sa katotohanan at nagugutom sa pagpapakita ng Diyos ay nakita ang likas na pagiging anti-cristo ng mga relihiyosong pastor at elder. Iniwan nilang lahat ang relihiyon at tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at dumadalo sa piging ng kasal ng Kordero. At yaong mga sumasamba at sumusunod sa mga relihiyosong pastor at elder, sila ay pababayaan ng gawain ng Diyos. Malapit nang dumating ang malaking kapahamakan. Kung hindi natin titingnan at tatanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, mahuhulog lamang tayo sa kapahamakan, iiyak at magngangalit ang ating mga ngipin!

mula sa iskrip ng pelikulang Basagin ang Sumpa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman