Saan Nagmumula ang Kidlat ng Silanganan?
Karamihan sa mga tagasunod ng Panginoong Jesucristo ay naririnig ang tungkol sa Kidlat ng Silanganan at mula sa kanilang mga pastor, mga elder, o mga mangangaral, ngunit sa katunayan walang nakakaalam kung saan nagmumula ang Kidlat ng Silanganan. Kapag pinag-uusapan ang pinagmulan ng Kidlat ng Silanganan, bawat isa ay may sariling opinyon: Naniniwala ang ilang tao na ito ay walang iba kundi isang bagong denominasyon sa Kristiyanismo, pinipintasan naman ito ng iba bilang “maling pananampalataya” o isang “masamang kulto.” Ang mga tao ay may ganitong kakatwang mga ideya dahil hindi nila alam ang gawain ng Diyos.
Ang gawain ng Diyos ay magpakailanmang susulong. Hindi kinikilala ng tao ang prinsipyo na ang gawain ng Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma o na ang layon ng gawain ng Diyos ay upang iligtas ang tao, at dagdag pa, ang tao ay may arogante at matigas ang ulo na may malasatanas na disposisyon. Kaya nga sa tuwing sinisimulan ng Diyos ang bagong gawain Siya ay palaging nahaharap sa paglapastangan, pag-uusig, at mga paratang mula sa relihiyosong daigdig na buong katigasan ng ulo na nakakapit sa lumang paraan. Para sa mga taong tumatanggap sa bagong gawain ng Diyos at ipinalalaganap ang tunay na daan, sila ay natatambakan ng lahat ng uri ng walang batayang mga paratang at masasamang pangalan. Itinala ng Bagong Tipan ng Biblia ang katotohanang ito: Upang mailigtas ang tao mula sa panganib na maparusahan sa hindi pagsunod sa batas, ang Diyos ay nagkatawang-tao at sinimulan ang gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Noong panahong iyon, nang ginagawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain sa Judea na nagsasagawa ng maraming himala—pinagagaling ang maysakit at nagpapalayas ng mga demonyo—ipinagkaloob Niya sa mga tao ang saganang mga biyaya at ipinahayag Niya ang maraming katotohanan, gumagawa nang sapat upang patunayan na tunay at lubusan na Siya ang Diyos Mismo, na Siya ang Mesiyas tulad ng iprinopesiya noon. Ngunit ang mga punong saserdoteng Judio at mga eskriba at mga Fariseo ay hindi maniwala na Siya ang matagal na nilang hinihintay na Mesiyas, at sa halip ay siniraan Siya, hinusgahan Siya, at hinatulan ang gawain ng Panginoong Jesus bilang “maling pananampalataya” at isang “kulto.” Sa Nazaret pinalaki ang Panginoong Jesus at pinasimulan ang Kanyang gawain, at ito ang dahilan kung bakit nila binansagan Siya at ang lahat ng Kanyang mga tagasunod na “sekta ng mga Nazareno,” at pinaratangan ang apostol na si Pablo bilang isang pinuno ng paghihimagsik (rep. Gawa 24:5). Ano ang sinasabi nito sa atin? Alam ng mga kapatid natin na sumasampalataya sa Panginoon na ang gawain ng Panginoong Jesus sa Judea ay lubusang isinagawa nang ayon sa plano ng pamamahala ng Diyos Mismo para simulan ang Kapanahunan ng Biyaya at simulan ang bagong gawain ng pagtubos sa tao. Kahit Judio o Gentil, Zealot o Saduceo, ang sinuman na tunay na nauuhaw sa at naghahanap ng tunay na daan ay maaaring matamo ang kapatawaran sa pamamagitan ng pagsunod sa Panginoong Jesus, ang isang tunay na Diyos. Ang Diyos ay hindi kailanman kinailangan ni hindi Siya kailanman nagtatag ng anumang denominasyon, organisasyon, o sekta, lalo na itong “sekta ng mga Nazareno.” Kaya nga, ang maling pananampalataya na itong “sekta ng mga Nazareno,” ay sa katunayan isang tsismis na gawa-gawa lang upang salakayin at maparatangan nang walang katotohanan ang Panginoong Jesus at kondenahin ang Kanyang gawain—isang tsismis na gawa-gawa ng mga punong saserdote at mga eskriba at mga Fariseo na “naglilingkod” sa Diyos na Jehova sa loob ng templo. Sa huli, dahil sa panlilinlang at pagkontrol dito sa “mga taong naglilingkod sa Diyos” kung kaya’t sumunod sa kanila ang mga mamamayang Judio na ipako ang Panginoong Jesus sa krus, sinasaktan ang disposisyon ng Diyos at napapala ang pagpaparusa ng Diyos, na nagdadala humigit-kumulang ng 2000 taon ng pagkawasak sa Israel.
Sa kaparehong paraan, upang mabigyan ang tao ng kakayahan na makatakas mula sa paulit-ulit na paggawa ng mga kasalanan para lamang ikumpisal ang mga ito at pagkatapos ay muling magpatuloy sa kasalanan, upang lubusang itakwil ang tiwaling disposisyon ni Satanas, upang itapon ang kanyang makasalanang kalikasan at maabot ang kabanalan, upang tunay na makamit ang pagliligtas ng Diyos, sa mga huling araw ang Diyos ay muling nagkatawang-tao at ipinahayag ang katotohanan upang hatulan at kastiguhin ang tiwaling sangkatauhan. Sa Kanyang bagong gawain, lubusan Niyang dinadalisay at inililigtas ang tao. Sa pamamagitan ng paghuhukom, pagkastigo, mga pagsubok, at pagpipino ng mga salita ng Diyos, ang mga kapatid na tumatanggap sa ebanghelyo ng Diyos ng mga huling araw at nananatili sa Kanyang bagong gawain ay malinaw na nakikita na ang Makapangyarihang Diyos na nagbibigay ng mga katotohanang ito sa mga huling araw ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus at mula sa kaibuturan ng kanilang mga puso sila ay nagagalak at nagpupuri, nadaramang malalim ang kagila-gilalas na kadakilaan na maitaas at ng Kanyang pagliligtas. Kaya’t, upang maibalik ang pagmamahal ng Diyos, upang matulutan ang mas marami pang tao na makasunod sa mga yapak ng Diyos at bumalik sa bahay ng Diyos, sila ay lumalabas at ikinukuwento ang mabuting balita sa lahat ng taong sabik na naghihintay sa pagbabalik ng Panginoong Jesus. Sinasabi nila sa kanila na ang Panginoong Jesus ay muling nagkatawang-tao at nagbalik sa daigdig, sa Tsina sa Silangan, tinatapos ang Kapanahunan ng Biyaya at isinasakatuparan ang Kapanahunan ng Kaharian. Pinasimulan Niya ang isang bago, mas mataas na gawain ng paghatol at paglilinis sa tao. Sinasabi nila sa kanila na naisakatuparan na ngayon ng Diyos ang kabanata 24 talata 27 ng Ebanghelyo ni Mateo: “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.” Ang katotohanang dala ng Diyos sa panahong ito ay mas mataas kaysa noon, inilalantad ang mga hiwaga ng Kanyang gawain mula sa paglikha hanggang sa mga huling araw, dala ang lahat ng katotohanan ng paglilinis at kaligtasan ng sangkatauhan at ipinagkakaloob ito sa tao, at sa mga kapatid na tunay na sumasampalataya sa Diyos, sama-samang lumalapit sa liwanag. At sa mga huling araw ang panahon ng gawain ng pag-ani ng Diyos ay maikli, napakabilis ng tulin, at,gaya ng pagtama ng kidlat, sa loob lamang ng sampung taon ang kaharian ng ebanghelyo ng Diyos ay malawak na ang paglaganap sa iba’t ibang dako ng lupain ng Tsina at lumalawak sa lahat ng mga bansa at rehiyon ng daigdig. At gayunman, nahaharap sa bagong gawain ng Diyos na hindi tumutugma sa mga paniwala ng tao, ang mga taong mapagmataas at mapagmalinis mula sa iba’t ibang sekta ng relihiyon ay buong katigasan ng ulong nakakapit sa mga dating kaugalian. Sila na hindi makapanatili sa bagong gawain ng Diyos ay hindi lamang hindi naghahanap o nagsisiyasat sa totoong daan, kundi sa halip ay gumagawa ng kaguluhan tungkol sa propesiya ng Biblia gaya ng sinabi ng mga kapatid na nakakasaksi sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Gumagawa sila ng mga walang taros na paratang, hinahatulan at sinisiraan ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos bilang ang “Sekta ng Kidlat ng Silanganan.” At sa bawat paraan ay ginagawa nila mismo ang ginawa noon ng mga samahan ng relihiyong Judaismo, binabatikos, sinisiraan, at kinokondena ang mga alagad at mga apostol ng Panginoong Jesus bilang “ang sekta ng mga Nazareno.” Na nagagawa nilang kalabanin at tuligsain ang gawain ng Diyos ng mga huling araw tulad nito, na nagagawa nilang pigilan ang mga tao sa pagsunod sa mga yapak ng Diyos at sundin ang Kanyang gawain, hindi ba’t ganoon mismo kinalaban at kinondena ng mga Fariseo si Cristo noon? Hindi ba’t ang kakanyahan ng ganitong mga gawa ay upang kapootan lamang ang katotohanan at lapastanganin ang Banal na Espiritu?
Kung ang Makapangyarihan Diyos ay hindi binigkas ang Kanyang salita at inalis ang belo ng mga hiwaga, kung gayon hindi natin kailanman tunay na mauunawaan kung ano ang ibig sabihin ng propesiya na “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran.” Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kapag nakikinig ang lahat ng mga tao, kapag napapanibago at napapanumbalik ang lahat ng mga bagay, kapag nagpapasakop sa Diyos nang walang kundisyon ang bawa’t tao, at handang balikatin ang mabigat na pananagutan ng pasanin ng Diyos—ito ang kung kailan lumalabas ang kidlat-silanganan, tinatanglawan lahat mula Silangan hanggang Kanluran, sinisindak ang buong lupa sa pagdating nitong liwanag; at sa sandaling ito, muling sinisimulan ng Diyos ang Kanyang bagong buhay. … Na ibig sabihin, sa Silangan ng daigdig, na pinagsisimulan ng patotoo sa Diyos Mismo, kung kailan Siya nagsisimulang gumawa, kung kailan nagsisimulang ilapat ng pagka-Diyos ang soberanong kapangyarihan sa buong lupa—ito ang kumikinang na silahis ng kidlat-silanganan, na sumisinag kailanman sa buong sansinukob. Kapag naging kaharian ni Kristo ang mga bansa sa lupa iyon ang kung kailan paliliwanagin ang buong sansinukob. Ngayon ang panahon kung kailan lumalabas ang kidlat-silanganan: Nagsisimulang gumawa ang Diyos na nagkatawang-tao, at, higit pa rito, nagsasalita nang direkta sa pagka-Diyos. Masasabing kapag lumalabas ang kidlat-silanganan ang kung kailan nagsisimulang magsalita ang Diyos sa lupa. Mas tiyak, kapag dumadaloy mula sa trono ang buháy na tubig—kapag nagsisimula ang mga pagbigkas mula sa trono—ay eksaktong kung kailan tiyak na nagsisimula nang pormal ang mga pagbigkas ng Espiritung maka-pitong-ulit” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 12). “Ginagawa Ko sa buong sansinukob ang Aking gawain, at sa Silangan, walang-katapusan ang paglabas ng dumadagundong na mga kalabog, yumayanig sa lahat ng mga taguri at mga sekta. Ang Aking tinig ang siyang nag-akay sa lahat ng tao tungo sa kasalukuyan. Sasanhiin Ko ang lahat ng tao na malupig ng Aking tinig, upang mangahulog sa batis na ito, at magpasakop sa Aking harapan, dahil matagal Ko nang binawi ang Aking kaluwalhatian mula sa buong daigdig at inilabas ito nang panibago sa Silangan. Sino ang hindi nananabik na makita ang Aking kaluwalhatian? Sino ang hindi balisang naghihintay sa Aking pagbabalik? Sino ang hindi nauuhaw para sa Aking muling pagpapakita? Sino ang hindi nagmimithi para sa Aking kariktan? Sino ang hindi lalapit sa liwanag? Sino ang hindi titingin sa kayamanan ng Canaan? Sino ang hindi nananabik sa pagbabalik ng Tagapagligtas? Sino ang hindi sumasamba sa Dakilang Makapangyarihan sa lahat? Ang Aking tinig ay lalaganap sa buong daigdig; nais Ko, kaharap ang mga taong Aking pinili, na magsalita pa ng higit na maraming salita sa kanila. Kagaya ng makapangyarihang mga kulog na yumayanig sa mga bundok at mga ilog, Aking winiwika ang Aking mga salita sa buong sansinukob at sa sangkatauhan. Kaya naman ang mga salita sa Aking bibig ay nagiging yaman ng tao, at minamahal ng lahat ng tao ang Aking mga salita. Kumikislap ang kidlat mula Silangan nang tuluy-tuloy hanggang Kanluran. Ang Aking mga salita ay gayon na umaayaw ang tao na isuko ang mga ito at kasabay nito ay nasusumpungang hindi maarok ang mga iyon, nguni’t nagbubunyi sa mga iyon, nang lalong higit pa. Gaya ng isang bagong-silang na sanggol, masaya at nagagalak ang lahat ng tao, ipinagdiriwang ang Aking pagdating. Sa pamamagitan ng Aking tinig, dadalhin Ko ang lahat ng tao sa Aking harapan. Mula roon, pormal Akong papasok sa sangkatauhan nang sa gayon ay lalapit sila para sambahin Ako. Sa pamamagitan ng kaluwalhatian na Aking pinasisinag at ng mga salita sa Aking bibig, Aking gagawin ito na anupa’t ang lahat ng mga tao ay lumalapit sa harapan Ko at makikita na kumikislap ang kidlat mula sa Silangan, at na nakábábâ na rin Ako sa “Bundok ng mga Olivo” ng Silangan. … Dahil matagal na Akong nabuhay muli, at lumisan mula sa kalagitnaan ng sangkatauhan, at nagpakitang muli sa gitna ng mga tao nang may luwalhati. Ako ay Siyang sinamba nang di-mabilang na mga kapanahunan noon, at Ako rin ang “sanggol” na tinalikdan ng mga Israelita nang di-mabilang na mga kapanahunan noon. Higit pa rito, Ako ang lubos-na-maluwalhating Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat ng kasalukuyang kapanahunan!” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nagpopropesiya na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob). Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos nakikita natin na ang gawain at salita ng Diyos ng mga huling araw ay ang kidlat na nagliliwanag mula sa Silangan. Ang “kidlat” ay ang malaking liwanag, ibig sabihin ang salita ng Diyos, ang paraan ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw. Ang ibig sabihin ng pariralang “kumikidlat sa silanganan” ay nagmumula sa Tsina, at ang ibig sabihin ng “nakikita hanggang sa kalunuran” ay dumarating sa Kanluran. Sa huli, ang “gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” ay tumutukoy sa pagkakatawang-tao ng Diyos at unang inihahayag ang Kanyang sarili at sinisimulan ang Kanyang gawain sa Tsina sa Silangan. Doon ay gumagawa Siya ng isang grupo ng mga tao na tunay na nakakakilala sa Diyos, at sila ang mga mananagumpay gaya ng nakapropesiya sa Aklat ng Pahayag. At sa pamamagitan ng mga taong ito, ang ebanghelyo ng mga huling araw ay lalaganap sa Kanluran, upang matanggap ng lahat ang pagliligtas ng Diyos ng mga huling araw. Nakamtan na ito ngayon at isang katunayan na maaaring makita ng bawat isa! Ang kidlat ng Silangan (ibig sabihin, ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw sa Tsina) ay maaaring magtulot sa atin upang matanggap ang lahat ng pagmamahal at kaligtasan na ipinagkakaloob ng Diyos sa tao, ay maaaring magtulot sa atin na malaman ang tunay na mukha ng Diyos, at pinupukaw sa ating kalooban ang tunay na pagpipitagan at pagsamba ng Diyos. Tulad ng isang kidlat, ang salita ng Diyos ay nagbibigay sa tao ng liwanag at pag-asa. Ang lahat ng mga taong tumatanggap sa kidlat ng Silangan—gawain ng Diyos ng mga huling araw—silang lahat ay maaaring magpatotoo dito.
Ngayon, sa pagbabasa nito, naniniwala akong kayong lahat ay may malinaw na sagot sa tanong sa kung ano ang pinagmulan ng Kidlat ng Silanganan. Ang Diyos ang Lumikha ng kalangitan at ng lahat ng bagay. Dahil ang tao ay ginawang tiwali ni Satanas, sinimulan ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagliligtas sa tao. Nais ng Diyos na makita ng lahat ng tao sa sansinukob ang Kanyang mga gawa, upang ang lahat ng mga pananampalataya ay maging isa, na sinasamba ang Manlilikha. Pagkatapos ay hahayaan Niya ang lahat ng mga tunay na naghahangad sa pagpapakita ng Diyos at sumusunod sa Kanyang mga yapak na makamit ng kadalisayan at makamit ng kaligtasan. Dadalhin Niya ang mga taong ito na naghahangad sa puso ng Diyos tungo sa kaharian upang magpahingang kasama Niya. Kaya’t ang bawat isa sa ating mga kapatid na tunay na naniniwala sa Diyos at sabik na naghihintay sa pagbabalik ng Panginoong Jesus ay dapat isantabi ang kanilang mga paniniwala sa relihiyon at pag-aralan ang tunay na daan. Huwag pakinggan ang mga tsismisan, walang taros na kinakalaban ang tunay na daan, dahil magwawakas ito sa pagkawala ng pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw. Kailangan tayong makasabay sa mga hakbang ng gawain ng Diyos, na sinusundang mabuti ang mga yapak ng Diyos. Ito lamang ang paraan na makakamit natin ang Kanyang pagliligtas sa huli at madadala ng Diyos sa Kanyang kaharian.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.