Tanong 8: Kahit pinamamahalaan ng mga pastor at elder ang mga relihiyon, at mga ipokrito sila na tumatahak sa landas ng mga Fariseo, ano ang kinalaman natin sa mga kasalanan nila? Kahit sinusunod natin sila at pinakikinggan, ang pinaniniwalaan natin ay ang Panginoong Jesus at hindi ang mga pastor. Pakiramdam ko, ’di pa tayo nakatapak sa landas ng mga Fariseo. Bakit naging mga Fariseo rin tayo?

Sagot: Maraming tao sa relihiyon na pikit-matang naniniwala, sumasamba at sumusunod sa mga Fariseo. Kaya landas man ng mga Fariseo ang tinatahak nila, malinaw ’yan kung iisipin mo. Ang sabi mo, pinoprotektahan mo’ng mga Fariseo sa puso mo pero wala kang kinalaman sa kasalanan nila? Ang sabi mo, sinusunod mo ang mga ipokritong Fariseo, pero hindi ka katulad nila na kumakalaban sa Diyos? Hindi pa rin ba natin nauunawaan ang simpleng tanong na ’yan? Ang taong sinusunod mo, ay ang landas na tinatahak mo. Kung sinusunod mo ang mga Fariseo, nasa landas ka nila. Kung tinatahak mo ang landas nila, natural lang na katulad ka rin nila. Sinuman ang sinusunod ng isang tao at alinmang landas ang pinipili nila, may kaugnayan ’yan sa pagkatao nila. Sinumang sumusunod sa mga Fariseo ay may ugali at diwang katulad ng mga Fariseo. Hindi maikakaila ang katotohanang ’yan. Pagkaipokrito ang tunay na diwa ng mga Fariseo. Nananalig sila sa Diyos pero hindi nila mahal ang katotohanan. Nananalig lang sila sa isang malabong Diyos, at sa sarili nilang mga pag-aakala, pero hindi nila tinatanggap ang Cristo na nagkatawang-tao. Sa madaling salita, lahat sila’y hindi mananampalataya. Ang pananalig nila’y pagsasaliksik ng teolohiya at pag-iisip na’ng pananampalataya’y kaalaman sa pagsaliksik. Nakadepende ang kabuhayan nila sa pagsasaliksik ng Biblia. Sa mga puso nila, ang Biblia ang kanilang kabuhayan. Iniisip nilang pag magaling sila sa pagpapaliwanag ng Biblia’t teolohiya, mas maraming tao ang sasamba sa kanila at mas mataas at mas matatag silang makakatayo sa pulpito, at mas matatag ang katayuan nila. Kasi, nabubuhay lang ang mga Fariseo para sa kanilang katayuan at kabuhayan, at sawa na sila at nasusuklam sa katotohanan, kaya nang magkatawang-tao ang Panginoong Jesus at pumarito para gumawa, pinanghawakan pa rin nila ang mga pag-aakala nila, imahinasyon at kaalaman sa Biblia para protektahan ang sarili nilang katayuan at kabuhayan, at ’di napigil sa pagkalaban at pagtuligsa sa Panginoong Jesus at pagkontra sa Diyos. Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos lubos nating makikita ang pagkamuhi ng mga Fariseo sa katotohanan at kung bakit nila kinalaban ang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Nais ba ninyong malaman ang pinag-ugatan ng pagkontra ng mga Fariseo kay Jesus? Nais ba ninyong malaman ang diwa ng mga Fariseo? Puno sila ng mga pantasya tungkol sa Mesiyas. Bukod pa riyan, naniwala lamang sila na darating ang Mesiyas, subalit hindi nila hinahangad ang katotohanan ng buhay. … nagawa nila ang pagkakamali na kumapit lamang sa pangalan ng Mesiyas habang kinakalaban ang diwa ng Mesiyas sa lahat ng posibleng paraan. Ang diwa ng mga Fariseong ito ay mga sutil, mayabang, at hindi sumunod sa katotohanan. Ang prinsipyo ng kanilang paniniwala sa Diyos ay: Gaano man kalalim ang pangangaral Mo, gaano man kataas ang Iyong awtoridad, hindi Ikaw si Cristo maliban kung Ikaw ang tinatawag na Mesiyas. Hindi ba katawa-tawa at kakatwa ang paniniwalang ito?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa). “Marami sa mga hindi naghahangad sa realidad ay nagiging mga kaaway ng Diyos na nagkatawang-tao, nagiging mga anticristo. Hindi ba’t ito ay isang malinaw na katunayan? Sa nakalipas, noong hindi pa nagkakatawang-tao ang Diyos, ikaw marahil ay naging isang relihiyosong tao o isang debotong mananampalataya. Pagkaraang magkatawang-tao ang Diyos, marami sa mga gayong debotong mananampalataya ang naging mga anticristo nang hindi nila namamalayan. Alam mo ba kung ano ang nangyayari dito? Sa iyong paniniwala sa Diyos, hindi ka nagtutuon ng pansin sa realidad o naghahangad sa katotohanan, bagkus ay nahuhumaling sa mga kabulaanan—hindi ba’t ito ang pinakamalinaw na pinagmumulan ng iyong pakikipag-alitan sa Diyos na nagkatawang-tao? Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, kaya hindi ba’t anticristo ang lahat ng hindi naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging ang mga Nakakikilala sa Diyos at Nakaaalam sa Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-lugod sa Diyos). Ipinapakita niyan na talagang sawa na at kinamumuhian ng mga relihiyosong Fariseo ang katotohanan. Naniniwala lang sila sa sarili nilang mga pag-aakala, sa teoryang teolohikal na sinaliksik at binuo nila, pero hindi kay Cristo na nagkatawang-tao, o sa mga katotohanang ipinahayag Niya. Lahat sila’y kaaway ng Diyos na nagkatawang-tao. Lahat sila ay mga anticristong nalantad ng gawain ng nagkatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw. Ang mga sumusunod sa kanila ay katulad nila, na pinanghahawakan pa rin ang mga pag-aakala nila at kaalaman sa Biblia at teoryang teolohikal. Tinatanggihan, kinakalaban, at tinutuligsa rin nila si Cristo, ayaw nilang tanggapin ang katotohanan at itinuturing na kaaway si Cristo! Sapat na ’yan para patunayan na ang totoo ay sinumang sumusunod sa mga Fariseo ay sawa na rin at namumuhi sa katotohanan. Tinatahak nila ang mismong landas ng mga Fariseo. Katulad lang sila ng mga Fariseo at kinokontra nila si Cristo! Nakikita ng lahat na totoo ito. Lubos na ’tong nailantad ng gawain ng Diyos sa mga huling araw!

Sa relihiyon, lahat ng nananalig sa Diyos na kontrolado ng mga Fariseo, ay ganap na sumusunod sa kanila ang mga tao. Gaya nila, Biblia at teolohiya lang ang pinag-aaralan nila, nakatuon lang sila sa kaalaman sa Biblia at teoryang teolohikal, at ’di sila nakatuon sa pagsasabuhay ng mga salita ng Panginoon. Gaya ng mga Fariseo, nananalig lang sila sa malabong Diyos sa langit, hindi sa Cristong nagkatawang-tao sa mga huling araw---ang Makapangyaring Diyos. Gaano man kamakapangyarihan ang mga katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, pilit pa rin nilang pinanghahawakan ang mga imahinasyon nila, at sumusunod sa mga pastor sa pagkalaban at pagtuligsa sa Makapangyarihang Diyos. Di na kailangang sabihin na ang gayong mga tao ay katulad ng mga Fariseo, at tumatahak sa landas ng mga Fariseo na kumakalaban sa Diyos! Kahit hindi sila sumusunod sa mga Fariseo, kapareho pa rin sila ng mga Fariseo at mga inapo din sila ng mga ’yon dahil pareho ang likas na pagkatao at diwa nila. Sarili lang nila’ng pinaniniwalaan nila pero ’di nila mahal ang katotohanan. Mga anticristo sila’ng nasusuklam sa katotohanan at kontra kay Cristo! Tulad ng inihayag ng Makapangyarihang Diyos: “Marami sa iglesia ang hindi makaintindi. Kapag may nangyaring isang bagay na mapanlinlang, bigla silang pumapanig kay Satanas; nasasaktan pa sila kapag tinawag silang mga utusan ni Satanas. Bagama’t maaaring sabihin ng mga tao na hindi sila makaintindi, lagi silang nasa panig na walang katotohanan, hindi sila pumapanig sa katotohanan kailanman sa kritikal na panahon, hindi sila tumatayo at nakikipagtalo kailanman para sa katotohanan. Hindi ba talaga sila makaintindi? Bakit bigla silang pumapanig kay Satanas? Bakit hindi sila nagsasabi kailanman ng isang salitang makatarungan o makatwiran para suportahan ang katotohanan? Talaga bang nangyari ang sitwasyong ito dahil sa panandalian nilang kalituhan? Kapag mas bahagyang makaintindi ang mga tao, mas hindi nila nagagawang pumanig sa katotohanan. Ano ang ipinapakita nito? Hindi ba nito ipinapakita na gustung-gusto ng mga taong hindi makaintindi ang kasamaan? Hindi ba nito ipinapakita na sila ay matatapat na supling ni Satanas? Bakit ba palagi nilang nagagawang pumanig kay Satanas at magsalitang kagaya nito? Bawat salita at gawa nila, na nakapahayag sa kanilang mukha, ay sapat na lahat upang patunayan na hindi sila mga taong nagmamahal sa katotohanan; sa halip, sila ay mga taong namumuhi sa katotohanan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan). Hindi ba ’yan ang katotohanan? Pag sinusunod ng mga tao sa relihiyon ang mga pastor, di lang sila nakikinig sa mga ’to kundi pinoprotektahan pa nila; pag may naririnig silang naglalantad sa mga pastor, hindi sila napapanatag at ipinagtatanggol nila ang mga pastor at elder. Ano’ng problema rito? Di pa ba ’to sapat para patunayang mga pastor at elder lang ang nasa puso nila at hindi ang Diyos? Sa puso ng mga taong ito, tinuturing nilang mas mataas ang mga pastor at elder kaysa sa Diyos. Ano’ng problema diyan? Pag kinakalaban ng tao ang Diyos, kaunti lang ang nagtatanggol sa Diyos. Kaunti lang ang taong nagpapatotoo sa Diyos. Pero pag nalantad na ang diwa ng mga Fariseo sa mga pastor at elder, ba’t napakaraming taong humihingi ng katarungan para sa kanila, at nagtatanggol sa kanila? Sapat na ’yan para patunayan na mga masunuring inapo sila ng mga Fariseo. Mga kasabwat at utusan sila ng mga anticristo! Hindi ’yan maitatatwa ng sinuman.

mula sa iskrip ng pelikulang Kumawala sa Bitag

Sinundan: Tanong 7: Karamihan sa mga mananampalataya ngayon ay iniisip pa rin na sa paniniwala sa Diyos sa relihiyon ay naniniwala sila sa Panginoong Jesus at hindi sa mga pastor at elder, kaya papaanong sila’y hindi maililigtas?

Sumunod: Tanong 9: Gusto kong malaman kung pa’no ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang paghatol Niya para iligtas ang sangkatauhan kay Satanas. Maaari niyo bang ibahagi sa ’min ang karanasa’t patotoo niyo?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 17: Pinatotohanan n’yo na ang Makapangyarihang Diyos ang Diyos ng mga huling araw na nagpapakita at gumagawa, at sinabi n’yo ring naghahanap ng katotohanan ang paniniwala n’yo sa Kanya, at tinatahak n’yo ang tamang daan ng buhay. Pero sa pagkakaalam ko, marami sa mga naniniwala sa Kanya sa Makapangyarihang Diyos ay katulad ng mga misyonaryo ni Jesus, na sa layunin ng pagpapakalat ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos, ay hindi nag-alinlangang iwan ang pamilya at propesyon, at ibinigay ang katawan at kaluluwa sa Diyos. Sa kanilang lahat marami sa mga kabataan ang hindi nagpapakasal, ginagawa nila ang tungkulin nila sa pagsunod kay Cristo ng mga huling araw. Hindi n’yo yata alam na, dahil iniiwan n’yo ang pamilya n’yo at kumikilos para ikalat ang ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos, lalong dumarami ang mga taong naniniwala sa Diyos. Kapag ang lahat ng tao ay napalapit na sa Diyos, sino pang maniniwala sa Partido Komunista, at susunod sa kanila? Malinaw na dahil dito, pinipigilan kayo at inaaresto ng gobyerno. May nakikita ba kayong mali rito? Dahil naniniwala kayo sa Diyos sa ganitong paraan kaya maraming tao ang inaresto at sinintesyahang makulong, at marami ang umalis ng bahay at lumikas. Maraming mag-asawa ang nagdiborsyo, at maraming bata ang walang mga magulang na, magmamahal sa kanila. Maraming matatanda ang walang karamay para mag-alaga sa kanila. Sa paniniwala sa Diyos sa ganitong paraan, dinanas ng mga pamilya ninyo ang matinding paghihirap. Ano ba talagang gusto ninyong makamit? Hindi kaya ito ang tamang daan para sa buhay ng tao na sinasabi n’yo? Ang tradisyunal na kultura ng Tsina ay nagbibigay ng higit na pagpapahalaga sa kabanalan ng pamilya. Ayon sa kasabihan: “Sa lahat ng kabutihan, ang paggalang ng anak sa magulang ang pinakamahalaga.” Sabi ni Confucius: “Habang buhay pa ang mga magulang n’yo, huwag kayong maglalakbay nang malayo.” Ang pagrespeto sa mga magulang ang pundasyon ng pag-uugali ng tao. Sa paniniwala at pagsunod sa Diyos sa paraang ginagawa n’yo, hindi nyo magawang alagaan kahit na ang mga magulang n’yong nagbigay-buhay at nag-aruga sa inyo, pa’no ito naituring na tamang daan para sa buhay ng tao? Madalas kong marinig sa mga tao na, mabubuti ang lahat ng sumasampalataya. Hindi mali yon. Pero naniniwala kayong lahat sa Diyos, sumasamba at nagtatanghal sa Kanya bilang dakila. Ito ang dahilan para magpuyos sa galit ang Partido Komunista, at mapuno ng pagkamuhi. Ginagawa n’yo ang tungkulin n’yo para maikalat ang ebanghelyo, pero ni hindi n’yo maalagaan ang mga sarili n’yong pamilya. Paano ito maituturing na kagandahang asal? Anong masasabi n’yo? Posible kaya na kahit hindi nakikita ay nagkamali kayo ng tinahak na daan sa paniniwala sa Diyos? Sa pagpapakalat ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos sa ganitong paraan, hindi ba’t sinisira n’yo ang pagkakaisa at katatagan ng lipunan? Nakikiusap ako sa inyo na itigil n’yo na ang paggawa ng mali. Bumalik na kayo sa lipunan sa lalong madaling panahon, samahan n’yo na ang pamilya n’yo, magkaro’n ng normal na buhay, at alagaang mabuti ang inyong pamilya. Dapat n’yong gawin ang tungkulin n’yo bilang mga anak at magulang. Ito lang ang pundasyon sa pag-uugali ng tao, at ito lang ang pinakapraktikal.

Sagot: Paulit-ulit mong sinasabi na maling daan ang tinahak namin sa paglisan sa mga pamilya at propisyon namin para maniwala sa Diyos at...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito