Tanong 4: Nagpapatotoo kayo na, sa panlabas na anyo, ang Diyos na nagkatawang-tao ay kamukha ng isang karaniwang tao, tulad ng Panginoong Jesus Mismo, hindi lamang Siya nagtataglay ng normal na pagkatao, kundi mayroon ding pagka-Diyos. Ito ang tiyak. Ano ang pagkakaiba ng normal na pagkatao ng pagkakatawang-tao ng Diyos at ng tiwaling tao?

Sagot: Napaka-kritikal ng tanong na ito. Isang tanong na napakahalaga sa ating pang-unawa sa pagkakatawang-tao ng Diyos! Kapag nagkatawang-tao ang Diyos upang maging si Cristo, makikita ng tao ang normal na pagkatao kay Cristo. Ipinapahayag ni Cristo ang katotohanan at ginagawa ang Kanyang gawain sa Kanyang normal na pagkatao. Maging kapag nagsasagawa Siya ng mga palatandaan at kababalaghan, ginagawa Niya ito sa normal na pagkatao, walang pambihira tungkol sa Kanya. Tinutulutan tayo nitong makita ang kalikasan ng pagkatao ni Cristo, dahil dito, mahirap para sa marami ang maniwala na si Cristo ang Diyos na nagkatawang-tao. Kaya’t, sa Kapanahunan ng Biyaya, ang mga sumusunod sa Panginoong Jesus ay tinawag Siyang Cristo, ang Anak ng Diyos, ngunit halos walang sumunod at sumamba sa Panginoong Jesus bilang Diyos Mismo. Bakit ganito? Naniniwala ako na dahil ito sa napaka-normal na pagkatao ni Cristo, talagang walang anumang pambihira. Sa mga mata ng tao, si Cristo ay isang karaniwang tao lamang. Kaya kahit gaano man magpatotoo ang Banal na Espiritu, nahihirapan pa rin ang tao na isipin ang Panginoong Jesus bilang Diyos. Ang isa pang isyu noon ay masyadong kakaunti ang karanasan ng mga tao noong panahong iyon tungkol sa salita ng Panginoong Jesus, kaya napakahirap para sa kanila na maunawaan ang katotohanan at malaman ang pagka-Diyos ni Cristo. Si Cristo ay may normal na pagkatao, ngunit kakaunti lamang ang may lubos na pagkaunawa sa normal na pagkatao ni Cristo. Si Cristo ay walang kasalanan. Ang Kanyang normal na pagkatao ay banal. Siya ay walang karumihan at katiwalian, pagmamataas, rebeldeng disposisyon, at talagang walang kababaan ng pagkatao at pagkamakasarili. Napakalaki ng pagkakaiba nito sa pagkatao ng tao, hindi maaaring paghambingin ang dalawa. Basahin natin ang dalawang talata ng salita ng Makapangyarihang Diyos upang mas malinawan.

Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang katawang-taong ibinihis ng Espiritu ng Diyos ay ang sariling katawang-tao ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ang pinakamataas; Siya ay makapangyarihan sa lahat, banal, at matuwid. Gayon din, ang Kanyang katawang-tao ay pinakamataas, makapangyarihan sa lahat, banal, at matuwid. Ang magagawa lamang ng katawang-taong ito ay yaong matuwid at makakabuti sa sangkatauhan, yaong banal, maluwalhati, at makapangyarihan; wala Siyang kakayahang gumawa ng anumang bagay na labag sa katotohanan, na labag sa moralidad at katarungan, at lalong wala Siyang kakayahang gumawa ng anuman na magkakanulo sa Espiritu ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ay banal, at sa gayon ay hindi magagawang tiwali ni Satanas ang Kanyang katawang-tao; ang Kanyang katawang-tao ay naiiba ang diwa kaysa laman ng tao. Sapagkat ang tao, hindi ang Diyos, ang siyang ginawang tiwali ni Satanas; hindi posibleng magawang tiwali ni Satanas ang katawang-tao ng Diyos. Kaya, sa kabila ng katunayan na iisa ang espasyong tinitirhan ng tao at ni Cristo, ang tao lamang ang sinasapian, kinakasangkapan, at binibitag ni Satanas. Sa kabaligtaran, si Cristo ay hindi tinatablan ng katiwalian ni Satanas magpakailanman, dahil hindi magkakaroon ng kakayahan si Satanas kailanman na umakyat sa kataas-taasang lugar, at hindi magagawang lumapit sa Diyos kailanman(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Napakaseryosong Problema: Pagtataksil 2).

Pinamamahalaan ng Kanyang pagka-Diyos ang pagkatao ni Cristo. Bagama’t nasa katawang-tao Siya, hindi lubusang katulad ng isang tao ng laman ang Kanyang pagkatao. May sarili Siyang namumukod-tanging katangian, at pinamamahalaan din ito ng pagka-Diyos Niya. … Ang pagkatao ni Cristo ay ganap na pinangangasiwaan ng Kanyang pagka-Diyos. Bukod sa normal na buhay ng pagkatao Niya, ang lahat ng iba pang mga kilos ng Kanyang pagkatao ay naiimpluwensyahan, naaapektuhan, at napapatnubayan ng pagka-Diyos Niya. Bagama’t may pagkatao si Cristo, hindi ito nakagagambala sa gawain ng pagka-Diyos Niya, at ito ay tiyak na tiyak na dahil pinangangasiwaan ng pagka-Diyos ni Cristo ang Kanyang pagkatao; bagama’t hindi nagkagulang ang pagkatao Niya sa kung paano ito umaasal sa iba, hindi ito nakaaapekto sa normal na gawain ng pagka-Diyos Niya. Kapag sinasabi Kong hindi pa nagawang tiwali ang Kanyang pagkatao, ang ibig Kong sabihin ay maaaring tuwirang atasan ng pagka-Diyos ni Cristo ang Kanyang pagkatao, na Siya ay nagtataglay ng mas higit na katuturan kaysa sa taglay ng karaniwang tao. Nababagay nang higit sa lahat ang pagkatao Niya na mapangasiwaan ng pagka-Diyos sa Kanyang gawain; ang pagkatao Niya ay magagawa nang higit sa lahat na magpahayag ng gawain ng pagka-Diyos, at magagawa nang higit sa lahat na magpasakop sa ganoong gawain. Habang gumagawa ang Diyos sa katawang-tao, hindi Niya nakakaligtaan ang tungkuling dapat tuparin ng tao sa laman; nagagawa Niyang sambahin ang Diyos sa langit nang may tunay na puso. May diwa Siya ng Diyos, at ang pagkakakilanlan Niya ay ang sa Diyos Mismo. Nangyari lamang na dumating Siya sa lupa at naging isang nilikhang katauhan na may panlabas na balat ng isang nilikhang katauhan, at nagtataglay ngayon ng pagkataong hindi Niya dating taglay. Nagagawa Niyang sambahin ang Diyos sa langit; ito ang katauhan ng Diyos Mismo at walang katulad sa tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay ang Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Langit).

Mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos, nakikita natin na dahil ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay may pagka-Diyos at ang Banal na Espiritu ay nagkatotoo at naninirahan sa Kanya, hindi kaya ni Satanas na gawin Siyang tiwali. Ito ay dahil sa si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Hindi Siya tinatablan ng katiwalian ni Satanas. Tulad sa atin, kung isang araw ay makamit natin ang buong katotohanan, hindi na magagawa ni Satanas na linlangin tayo at gawing tiwali. Sa gayon tayo ay tunay na magiging sa Diyos. Malinaw na nating nakikita ngayon na ang sarili nating tiwaling pagkatao ay talagang napakalayo sa normal na pagkatao ni Cristo! Sa loob ng normal na pagkatao ni Cristo, naroon ang konsensya at rasyonalidad ng normal na tao, may tunay na pagmamahal sa Kanyang puso para sa Diyos, at may tunay na pagsunod sa Diyos. Kapag si Cristo ay gumagawa at nagsasalita sa Kanyang normal na pagkatao, kahit gaano pa ang gawing paninira, pagkondena o paglapastangan sa Kanya ng masasamang puwersa ni Satanas, ano man ang mga kahirapang makaharap Niya sa Kanyang gawain, palagi Niyang sinusunod nang lubusan ang Diyos, at upang isakatuparan ang kalooban ng Diyos, handa Siyang pagbayaran ang anumang halaga. Tulad nang magpunta ang Panginoong Jesus sa ilang sa loob ng apatnapung araw para tuksuhin ni Satanas, nilabanan Niya ang tukso ng makamundong mga yaman at kapangyarihan at lubusang nilupig si Satanas. At lalo na nang ipapako na sa krus ang Panginoong Jesus, sa kabila ng likas na kahinaan ng Kanyang pagkatao, sa kabila ng napakatinding pahirap sa Kanyang puso, inuna ng Panginoong Jesus ang pagsasakatuparan ng kalooban ng Diyos, mas ginustong isakripisyo ang Kanyang sariling buhay at mabaon ang mga pako sa Kanyang buhay na katawan sa halip na talikuran ang kalooban ng Diyos. Hindi maisasagawa ng tiwaling tao ang adhikaing ito. Wala ni katiting ng pagkaarogante at pagpapahalaga sa sarili ang Panginoong Jesus. Bagamat Siya ang Diyos Mismo, namumuhay na kasama ng mga tao, gayunman hindi kailanman inilagay ng Panginoong Jesus ang Kanyang sarili sa katayuan ng Diyos. Buong pagpapakumbaba Siyang nagtago sa kalipunan ng mga tao, nagsasalita at gumagawa, naglilingkod at nagsusuplay sa tao; Pinagaling Niya ang karamdaman ng tao at itinaboy ang mga diyablo na nasa kalooban nila, inibsan Niya ang kanilang mga pag-aalala at nilutas ang mga kahirapan nila, na umupo pang kasama ng mga makasalanan, atbp. Mula sa Panginoong Jesus na nagkatawang-tao nakikita natin kung paanong banal at mabuti ang pagkatao ni Cristo. Ipinakikita ni Cristo ang lahat ng aspeto ng normal na pagkatao. Tunay na sinusunod at minamahal ni Cristo ang Diyos, at mahal Niya ang iba gaya ng pagmamahal Niya sa Kanyang sarili. Sa gayon, nagagawa ni Cristo na sundin ang komisyon ng Diyos, ginagawa ang gawain ng Diyos, at isinasakatuparan ang kalooban ng Diyos.

Sa pagbabahaginang ito, nakita natin kung paanong ang pagkatao ni Cristo ang talagang mahalaga bilang normal na pagkatao. Kaya ni Cristo na tuparin ang komisyon ng Diyos, ginagawa ang Kanyang gawain, at isinasagawa ang Kanyang kalooban. Kung ang ating pagkatao ay magiging kasing-normal na tulad ng kay Cristo, hindi kaya natin makakayang isagawa ang kalooban ng Ama sa langit? Sa kasamaang-palad, tayong lahat ay ginawang tiwali ni Satanas. Ang ating pagkatao ay puno ng makademonyong disposisyon, ang ating mga salita at gawa ay minamanipula ng ating kalikasan na maka-demonyo, arogante, taksil, sakim, makasarili, galit sa katotohanan, sumasamba sa masama… Nabubuhay tayong tulad ng mga demonyo, walang normal tungkol sa gayong pagkatao! Kahit naniniwala tayo sa Panginoon, hindi tayo tunay na sumusunod sa Kanya. Kapag ang gawain ng Diyos ay hindi naaayon sa ating mga pagkaintindi at ilusyon, tayo’y nagrerebelde, lumalaban, at nagtataksil pa sa Diyos. Kahit ang mga gumagawa ng malaking paggugol para sa Panginoon, na walang-sawang gumagawa sa paglilingkod sa Kanya, ginagawa nila ito para lamang magantimpalaan at pumasok sa kaharian ng langit. Ginagawa nila ito para sa sarili nilang pakinabang, hindi bilang konsiderasyon sa kalooban ng Diyos, o para gawin ang kalooban ng Diyos. Hindi ba’t ito ang katayuan ng tiwaling sangkatauhan? Malinaw na, ang tunay na diwa ng tiwaling tao ay makademonyo, lumalaban ito at traydor sa Diyos, ang ipinapakita ng tao ay puro makademonyong disposisyon, wala ni kaunting pagkatao na makikita. Ngunit ang Cristong nagkatawang-tao ay kaiba. Dahil si Cristo ay may pagka-Diyos at hindi natiwali ni Satanas, Siya ay walang kasalanan. Sa kalooban ni Cristo ay walang pagrerebelde o paglaban, walang pagka-arogante, pagkamakasarili o pagtataksil. Kaya ni Cristo na sundin ang Diyos at lubusang isakatuparan ang kalooban ng Diyos. Tanging ang pagkatao ni Cristo ang normal na pagkatao. Ito ang malaking kaibahan sa pagitan ng normal na pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao at ng pagkatao ng tiwaling tao. Marami ang hindi nakaaalam sa normal na pagkatao ni Cristo at bumubuo pa ng mga pagkaintindi at paghatol laban kay Cristo. Ano ang isyu dito? Ang tiwaling tao ay masyadong arogante at laging iniisip ang kasamaan! Sinasamba nila si Satanas sa kanilang puso, at sinusunod si Satanas nang hindi nila alam; kinakalaban at kinokondena pa nila si Cristo nang matindi, talagang napakasama! Talagang mababa ang kanilang pagkatao! Ang Diyos ay nagpakita sa laman, at ginagawa ang Kanyang gawain sa loob ng normal na pagkatao, gayunman ang mga tao, sa kanilang kabulagan, ay hindi nakikita, hindi nila Siya makilala. Paano nila aasahang kamtin ang papuri ng Diyos? Paano nila aasahang dadalhin sila sa kaharian ng langit?

mula sa iskrip ng pelikulang Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong

Sinundan: Tanong 3: Ang Panginoong Jesus na aming pinaniniwalaan ay pagkakatawang-tao ng Diyos. Ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos ng Diyos, walang mangangahas na itatwa ito, pero itong Makapangyarihang Diyos na pinaniniwalaan ninyo ay hindi kailangang ang pagkakatawang-tao ng Diyos, dahil walang nakatalang Makapangyarihang Diyos sa Biblia. Kaya nga, sinasabi ng mga pastor at mga elder ng relihiyosong daigdig na Siya na pinaniniwalaan ninyo ay tao lamang, na kayo ay naloko. Tanging ang Panginoong Jesus, na aming pinaniniwalaan, ang Cristo, ang Anak ng Diyos! Ang Makapangyarihang Diyos na inyong pinaniniwalaan ay isang tao lamang, paano nangyari ito?

Sumunod: Tanong 5: Noong Kapanahunan ng Biyaya ang Diyos ay nagkatawang-tao para maging alay sa pagtubos ng kasalanan at pasanin ang kasalanan ng tao. May katwiran ang lahat ng ito. Ang Panginoong Jesus ay ipinaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at naging Anak ng tao upang tubusin ang sangkatauhan sa Kanyang katawan na walang kasalanan. Sa paggawa niyon lamang napahiya si Satanas. Sa mga huling araw, ang Diyos ay muling nagkatawang-tao bilang Anak ng tao para gawin ang gawain ng paghatol. Nakita nating tunay na nangyari ito. Ito ang gusto kong itanong. Ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay medyo magkaiba, ang una ay sa Judea, at ang pangalawa ay sa Tsina. Ngayon, bakit kailangang dalawang beses na magkatawang-tao ang Diyos para gawin ang pagliligtas sa sangkatauhan? Ano ang tunay na kahalagahan ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 11: Pinatototohanan mo na si Jesus at ang Makapangyarihang Diyos ang parehong si Cristo, ang una at ang huling Cristo. Hindi ’yan tinatanggap ng ating CCP. Sa The Internationale, malinaw na sinabi “Walang sinumang naging tagapagligtas ng mundo kailanman.” Pilit n’yong pinatototohanan na dumating na si Cristong Tagapagligtas. Paanong hindi kayo tutuligsain ng CCP? Sa palagay namin, ang Jesus na pinananaligan ng mga Kristiyano ay isang karaniwang tao. Ipinako pa nga siya sa krus. Kahit ang Judaismo ay hindi kinilala na Siya si Cristo. Ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw na pinatototohanan n’yo ay isa lamang palang karaniwang tao. Malinaw na inilalarawan sa mga dokumento ng CCP na may apelyido at pangalan Siya. Totoo rin ’yan. Bakit n’yo pinatototohanan na ang gayong karaniwang tao ay si Cristo, ang pagpapakita ng Diyos? Mahirap paniwalaan ’yan! Gaano man n’yo patotohanan ang katotohanang naipahayag at kung paano nagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, hindi kikilalanin ng ating CCP na ang taong ito ay ang Diyos. Palagay ko katulad lang kayo ng mga tao ng Kristiyanismo, Katolisismo, at Eastern Orthodoxy na nananalig kay Jesus, na nananalig na Diyos ang isang tao. Hindi ba kamangmangan ’yan? Ano ba talaga ang Diyos at ang pagpapakita at gawain ng Diyos? Ibig sabihin ba nito ay ang pagpapahayag lang ng katotohanan at paggawa ng gawain ng Diyos ay pagpapakita ng tunay na Diyos? Yan ang hinding-hindi namin tatanggapin. Kung makakagawa ang Diyos ng mga himala at hiwaga, mapupuksa ang CCP at lahat ng kumakalaban sa Kanya, kikilalanin namin na Siya ang tunay na Diyos. Kung magpapakita ang Diyos sa kalangitan, gagawa ng madagundong na kulog na tatakot sa buong sanglibutan, yan ang pagpapakita ng Diyos. Sa gayo’y kikilalanin Siya ng ating CCP. Kung hindi, hinding-hindi tatanggapin ng CCP na may Diyos.

Sagot: Hindi ko lang maunawaan, bakit palaging galit ang CCP sa Diyos? Bakit nito palaging tinatanggihan ang Diyos? Bakit ito galit lalo na...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito