Tanong 3: Ng sabi sa Biblia: “Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo’y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit” (Mga Gawa 1:11). Pagkatapos mabuhay muli ng ang Panginoong Jesus, ang Kanyang espirituwal na katawan ang bumangon at umakyat sa langit. Sa pagbabalik ng Panginoon, dapat ang Kanyang espirituwal na katawan ang bababa sa ibabaw ng ulap. Gayunman, nagpapatotoo kayo na nagkatawang-tao ang Diyos—ang Anak ng tao—muli para gawin ang paghatol sa mga huling araw. Halatang hindi ito ayon sa Biblia. Madalas na sinasabi ng mga pastor at elder na anumang patotoo ukol sa pagdating ng Panginoon na pagkakatawang-tao ay mali. Kaya iniisip kong imposibleng bumalik ang Panginoon sa katawang-tao. Hindi ko matatanggap ang inyong patotoo. Hihintayin ko na lang na bumaba ang Panginoon sa ulap at dalhin kami sa kaharian ng langit. Tiyak na hindi ito isang pagkakamali!

Sagot: Sinasabi ninyong imposibleng bumalik ang Panginoon sa anyong-tao, tama ba? Nakasulat sa Biblia na babalik ang Panginoon sa anyong-tao. Ibig n’yo bang sabihin hindi ninyo ito matagpuan? Maraming propesiya ang nasusulat sa Biblia tungkol sa pagbabalik ng Panginoon, kung saan ang mga propesiya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon sa anyong-tao ay napakalinaw. Halimbawa, noong sinabi ng ang Panginoong Jesus na, “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao(Mateo 24:27). “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito(Lucas 17:24–25). Paulit-ulit na nagpropesiya ang Panginoong Jesus na Siya ay magbabalik bilang ang Anak ng tao. Ang Anak ng tao ay ang Diyos na nagkatawang-tao, tulad ng Panginoong Jesus sa katawang-tao na kamukha ng karaniwan, normal na tao sa labas, na kumakain, umiinom, natutulog at lumalakad gaya ng normal na tao. Ngunit iba ang espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus matapos Siyang mabuhay muli na kayang tumagos sa mga dingding, mabilis na magpakita at agad na maglaho. Iyon ay talagang mahiwaga. Kaya hindi Siya maaaring tawaging Anak ng tao. Noong nagpopropesiya tungkol sa pagbabalik ng Anak ng tao, ang Panginoong Jesus ay nagsabing, “Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito(Lucas 17:25). Pero ayon sa sinasabi n’yo, ang Panginoon ay magbabalik bilang espirituwal na katawan na bumababa sa ulap at nagpapakita sa madla sa dakilang kaluwalhatian, kung kailan ang lahat ng tao ay kailangang magpatirapa at sumamba, sinong mangangahas na kumalaban at magkondena sa Kanya? Sinabi ng Panginoong Jesus, “Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito(Lucas 17:25). Paano matutupad ang mga salitang ito? Kapag nagpakita lamang ang Diyos na nagkatawang-tao para gumawa bilang Anak ng tao, kapag hindi nakikilala ng mga tao na Siya ang Cristo na nagkatawang-tao, saka lang sila mangangahas na ikondena at tanggihan si Cristo ayon sa kanilang paniwala at imahinasyon. Ganyan ang nangyayari ngayon hindi ba? Bilang karagdagan, nagpropesiya din ang Panginoong Jesus, “Nguni’t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang(Mateo 24:36). “Kaya’t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan Akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan Ako sa iyo(Pahayag 3:3). Kung ang Panginoon ay bababa sa ibabaw ng ulap sa espirituwal na katawan, kung gayon malalaman ng lahat ang tungkol dito at makikita ito. Gayunman ang Panginoong Jesus ay nagpropesiya na kapag Siya ay babalik, yaon ay “walang nakakaalam,” “kahit ang Anak” at “gaya ng magnanakaw.” Paano matutupad ang mga salitang ito? Kung ang Panginoong Jesus ay magpapakita sa espirituwal na katawan, paano Niya Mismo malalaman ito? Tanging kapag ang Diyos ay nagkatawang-tao bilang Anak ng tao sa mga huling araw, naging isang karaniwan, normal na tao, matutupad ang mga salita na hindi malalaman ng Anak. Gaya ng Panginoong Jesus bago isagawa ang Kanyang ministeryo, maging Siya ay hindi alam ang tungkol sa Kanyang katauhan bilang Cristo na dumating para tuparin ang gawain ng pagtubos. Kaya’t, ang Panginoong Jesus ay nagdasal nang madalas sa Diyos Ama. Nang simulan ng Panginoong Jesus na gampanan ang Kanyang ministeryo, noon lang Niya natanto ang Kanyang katauhan. Sinasabi n’yo ba na mas praktikal itong tanggapin sa ganitong paraan? Ngayon, mangangahas pa rin ba kayong magsabi na walang propesiya sa Biblia na ang Panginoon ay magbabalik sa katawang-tao? Ito ang propesiya ng Panginoong Jesus. Hindi ba’t ang “Anak ng tao” ay tumutukoy sa Diyos na nagkatawang-tao? Nadarama ng ilang tao na, kung magbabalik ang Panginoon sa katawang-tao, bakit hindi Niya ito direktang sinabi? Bakit kinailangan Niyang sabihin ang pagpapakita ng “Anak ng tao?” Likas ito sa mga propesiya. Ang mga propesiya ay mga pahiwatig. Kung sinabi na pagpapakita ito sa katawang-tao, kung gayon payak na wika ito sa halip na propesiya. Kapag inalam na mabuti ng mga taong may pandama ang ibig sabihin ng “Anak ng tao,” sila ay maliliwanagan, at matatanto nila na ang ibig sabihin ng “Anak ng tao” ay pagkakatawang-tao. Natanto na lang natin ito noong dumating ang Makapangyarihang Diyos at ibinunyag ang hiwaga ng pagkakatawang-tao. Lumitaw na ang propesiya ng Biblia na “ang pagparito ng Anak ng tao” ay nangangahulugan talaga ng pagkakatawang-tao. Dahil natitiyak na natin ngayon na ang pagbabalik ng Panginoon ay sa katawang-tao, paano natin matitiyak na Siya ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao? Para dito, kailangang makilala natin ang tinig ng Diyos. Kung Siya nga talaga ang pagpapakita ng Anak ng tao sa katawang-tao, magpapahayag Siya ng maraming katotohanan at malinaw na maipapaliwanag ang pinagmulan at layunin ng pagpapakita at gawain ng Diyos gayundin para gawin ang isang yugto ng partikular na gawain sa pamamagitan ng paghahayag ng katotohanan. Kaya’t, ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ay ipinahayag ang lahat ng mga katotohanan para sa pagdadalisay at kaligtasan ng sangkatauhan at ginawa ang gawain ng paghatol simula sa bahay ng Diyos. Ang salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ay ang binigkas na salita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia. Ang Diyos ay nagsasalita sa pamamagitan ng katawang-tao para kumatok sa mga pinto ng lahat ng mga umaasam sa Kanyang pagpapakita. Ang mga nakadarama sa salita ng Makapangyarihang Diyos bilang katotohanan at tinig ng Diyos ay ang matatalinong dalaga na dinala sa harapan ng Diyos para dumalo sa piging ng kasal ng Cordero. Kinakain nila at iniinom ang pinakabagong salita ng Banal na Espiritu araw-araw, nararanasan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at talagang pinatutunayan na ito ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw. Kaya’t nagsisimula silang magpatotoo sa iba’t ibang denominasyon at mga sekta na ang Panginoong Jesus ay nagbalik bilang ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao at hinahayang lumapit ang mga tao para makinig sa tinig ng Diyos, ibig sabihin, ang pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos—Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Ito ang katuparan ng propesiya ng Panginoong Jesus: “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalaki! Magsilabas kayo upang salubungin Siya(Mateo 25:6). “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko(Pahayag 3:20). Ang mga hindi makakakilala sa tinig ng Diyos, na magkokondena at hahatol sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, ay ang mga mangmang na dalaga na ibinunyag at inalis. Ang mga taong ito ay mananangis na nagtatagis ang mga ngipin sa kalamidad.

Tungkol sa pagsalubong sa Panginoon, kung magtutuon lamang tayo sa pagmamasid sa langit para sa pagbaba ng Panginoon sa ibabaw ng ulap nang hindi talaga nakikinig sa tinig ng Diyos at hinahangad ang talumpati ng Banal na Espiritu sa mga iglesia, kundi pabulag na nakikinig sa salita ng mga pastor at mga elder, at magsasabi na ang lahat ng patotoo tungkol sa pagbabalik ng Panginoon sa katawang-tao ay hindi totoo, hindi ba natin sinasalungat ang Biblia? Ano ang sinasabi sa Biblia? Malinaw na sinabi ni apostol Juan: “Sapagka’t maraming mandaraya na nangagsilitaw sa sanlibutan, samakatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang mandaraya at ang anticristo” (2 Juan 1:7). “At ang bawa’t espiritung hindi ipinahahayag si Jesucristo, ay hindi sa Diyos: at ito ang sa anticristo, na inyong narinig na darating; at ngayo’y nasa sanlibutan na” (1 Juan 4:3). Naaayon ba sa Biblia ang pagkakaila at pagkondena ng mga pastor at elder ng relihiyon tungkol sa pagkakatawang-tao ng Diyos? Sinasabi nila na ang lahat ng mga patotoo tungkol sa pagbabalik ng Panginoon bilang pagkakatawang-tao ay mali. Di ba’t mapanlinlang ang mga salitang ito? Kung pagbabatayan natin ang mga salita ng apostol na si Juan, hindi ba’t ang mga pastor at mga elder ng relihiyon na nagtatatwa sa pagkakatawang-tao ay mga anticristo? Kung nakikinig ba kayong lahat sa mga walang-saysay na panlilinlang na ikinakalat ng mga pastor at elder, magagawa n’yo bang batiin ang Panginoon? Masasaksihan n’yo ba ang pagpapakita ng Diyos? Madadala ba kayo sa harapan ng Diyos tulad ng matatalinong dalaga?

Paano nga ba matatagpuan ang pagpapakita at gawain ng Diyos? Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng diwa ng Diyos, at Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng pahayag ng Diyos. Dahil ang Diyos ay naging tao, ilalahad Niya ang gawaing layon Niyang gawin, at dahil ang Diyos ay naging tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at magagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban siya ng buhay, at ituro ang daan para sa kanya. Ang katawang-tao na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. Kung layon ng tao na magsiyasat kung ito ang katawang-tao ng Diyos, kailangan niyang patunayan ito mula sa disposisyon na Kanyang ipinapahayag at sa mga salitang Kanyang sinasambit. Ibig sabihin, patunayan kung ito nga ang katawang-tao ng Diyos o hindi, at kung ito nga ang tunay na daan o hindi, kailangan itong matukoy batay sa Kanyang diwa. Kaya nga, sa pagtukoy kung ito ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, ang sagot ay nasa Kanyang diwa (Kanyang gawain, Kanyang mga pagbigkas, Kanyang disposisyon, at maraming iba pang aspeto), sa halip na sa panlabas na anyo. Kung ang susuriin lamang ng tao ay ang Kanyang panlabas na anyo, at dahil dito ay hindi napansin ang Kanyang diwa, ipinapakita niyan na ang tao ay mangmang at walang alam(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita).

Yamang hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagpapahayag ng Diyos—sapagka’t kung saanman naroon ang mga bagong salita na binibigkas ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saanman naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saanman naroon ang pagpapahayag ng Diyos, doon nagpapakita ang Diyos, at kung saanman nagpapakita ang Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Sa paghahanap sa mga yapak ng Diyos, nabalewala na ninyo ang mga salitang ‘Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.’ At kaya, maraming tao, kahit pa tumatanggap sila ng katotohanan, ang hindi naniniwala na nakita na nila ang mga yapak ng Diyos, at lalo nang hindi nila kinikilala ang pagpapakita ng Diyos. Napakatinding pagkakamali! Ang pagpapakita ng Diyos ay hindi maipagkakasundo sa mga kuru-kuro ng tao, at lalong hindi maaaring magpakita ang Diyos ayon sa utos ng tao. Ang Diyos ay gumagawa ng Kanyang sariling mga pagpapasya at Kanyang sariling mga plano kapag ginagawa Niya ang Kanyang gawain; bukod dito, Siya ay may sariling mga layunin, at sarili Niyang mga pamamaraan. Anupaman ang gawaing ginagawa Niya, hindi Niya kailangang talakayin ito sa tao o hingin ang payo nito, lalo na ang ipaalam sa bawat tao ang tungkol sa Kanyang gawain. Ito ang disposisyon ng Diyos, na dapat, higit pa rito, kilalanin ng lahat. Kung nais ninyong masaksihan ang pagpapakita ng Diyos, sundan ang mga yapak ng Diyos, kung gayon nararapat muna ninyong iwan ang inyong sariling mga kuru-kuro. Hindi mo dapat utusan ang Diyos na gawin ito o iyan, lalong hindi mo Siya dapat ikulong sa sarili mong mga hangganan at limitahan Siya sa sarili mong mga kuru-kuro. Sa halip, dapat ay inoobliga ninyo sa inyong mga sarili kung paano ninyo dapat hanapin ang mga yapak ng Diyos, kung paano ninyo dapat tanggapin ang pagpapakita ng Diyos, at kung paano kayo dapat magpasailalim sa bagong gawain ng Diyos: Ito ang dapat na gawin ng tao. Dahil ang tao ay hindi ang katotohanan, at hindi nagtataglay ng katotohanan, dapat siyang maghanap, tumanggap, at sumunod(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 1: Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan).

mula sa iskrip ng pelikulang Mapanganib ang Landas Papunta sa Kaharian sa Langit

Sinundan: Tanong 2: Matagal na naming narinig na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagpatotoo na tungkol sa pagbabalik ng Panginoong Jesus. At Siya ang Makapangyarihang Diyos! Nagpapahayag Siya ng mga katotohanan at gumaganap sa Kanyang gawaing paghatol sa mga huling araw, ngunit karamihan sa mga tao ng mga relihiyosong lipunan ay naniniwala lahat na babalik ang Panginoon sa pamamagitan ng pagbaba nang nasa mga alapaap. Ito ay dahil malinaw na nagsabi ang Panginoong Jesus na: “At kung magkagayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian(Mateo 24:30). Ipinropesiya rin ng Libro ng Pahayag: “Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya(Pahayag 1:7). Pinananatili ko rin ang paniniwalang babalik ang Panginoon sa pamamagitan ng pagbaba nang nasa mga alapaap upang direkta tayong dalhin sakaharian ng langit. Tinatanggihan namin ang Panginoong Jesus na hindi bumaba nang nasa mga alapaap. Sinasabi ninyo na ang pagbabalik ng Panginoon ay pagbabalik sa katawang-tao at pagbaba nang palihim. Ngunit walang nakakaalam tungkol dito. Gayunman, ang lantarang pagbaba ng Panginoonnang nasa mga alapaap ay ganap! Kaya hinihintay naming bumaba ang Panginoonnang nasa mga alapaap at lantarang magpakita upang dalhin tayo nang direkta sa kaharian ng langit. Tama ba ang aming pag-unawa o hindi?

Sumunod: Tanong 1: Pinatototohanan n’yo na nagbalik na ang Panginoong Jesus, at na Siya ay nagpakita at gumawa sa China, naniniwala ako na ito ay totoo dahil ito ang ipinropesiya ng Panginoong Jesus sa Biblia: “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kanluran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao(Mateo 24:27). Pero palagay namin babalik ang Panginoon sa mga huling araw para dalhin tayo sa kaharian ng langit, o dapat man lang Niya tayong iangat sa mga ulap para salubungin Siya sa hangin. Tulad nga ng sinabi ni Pablo sa Biblia, “Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay titipuning kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailanman” (1 Tesalonica 4:17). Pero bakit hindi pa dumarating ang Panginoon na tulad ng nakasaad sa Biblia? Ano ang kinalaman ng gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw sa pagdadala sa atin sa kaharian ng langit?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 14: Sa paniniwala n’yo sa Kanya, lahat kayo ay may mga sariling ideya at opinyon. Sa tingin ko ang mga ideya nyo at teyorya, ay pawang mga pakiramdam ng pansariling kamalayan, at puro ilusyon lamang ninyo sa mga bagay-bagay. Naniniwala kaming mga Komunista na ang materyalismo at teorya ng ebolusyon ang katotohanan, dahil naayon ang lahat ng yon sa syensya. Malinaw na nagbibigay ang ating bansa ng materyalista at ebolusyonistang edukasyon mula paaralang elementarya hanggang sa unibersidad. Sa tingin n’yo bakit? Yun ay para ipalaganap ang ateista at ebolusyonistang pag-iisip sa lahat ng kabataan sa murang edad, para lumayo sila sa relihiyon at ganun na rin sa pamahiin, at ng sa ganun siyentipiko at maayos nilang maipaliwanag ang lahat ng katanungan. Isang halimbawa ang, tanong tungkol sa pinagmulan ng buhay. Ignorante at makaluma ang mga tao sa nakaraan, at naniwala sa mga kwentong gaya ng paghihiwalay ni Pangu sa langit at lupa, at paglikha ni Nüwa sa mga tao. Ang mga taga-kanluran naman, ay naniwalang ang Diyos ang lumikha sa sangkatauhan. Ang totoo, mitolohiya lang at alamat ang lahat ng ito, at hindi naaayon sa syensya. Mula nang lumitaw ang teorya ng ebolusyon na nagpaliwanag sa pinagmulan ng sangkatauhan, kung paano nagmula ang tao sa mga unggoy, pinabulaanan ng teorya ng ebolusyon ang alamat ng paglikha ng Diyos sa tao. Nalikha ang lahat ng bagay sa natural na pamamaraan. Yun lamang ang katotohanan. Kaya nga Kailangan nating maniwala sa syensya, at sa teorya ng ebolusyon. Kayong lahat ay mga edukado at maraming nalalaman. Kaya bakit kayo naniniwala sa Diyos? Kaya n’yo bang sabihin sa’min ang inyong pananaw?

Sagot: Naniniwala kayong mga Komunista na ang materyalismo at teorya ng ebolusyon ang katotohanan, at kinikilala n’yo sina Marx at Darwin....

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito