Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Klasikong Tanong at Sagot sa Ebanghelyo ng Kaharian

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

`

Tanong 5: Noong Kapanahunan ng Biyaya ang Diyos ay nagkatawang-tao para maging alay sa pagtubos ng kasalanan at pasanin ang kasalanan ng tao. May katwiran ang lahat ng ito. Ang Panginoong Jesus ay ipinaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at naging Anak ng tao upang tubusin ang sangkatauhan sa Kanyang katawan na walang kasalanan. Sa paggawa niyon lamang napahiya si Satanas. Sa mga huling araw, ang Diyos ay muling nagkatawang-tao bilang Anak ng tao para gawin ang gawain ng paghatol. Nakita nating tunay na nangyari ito. Ito ang gusto kong itanong. Ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay medyo magkaiba, ang una ay sa Judea, at ang pangalawa ay sa Tsina. Ngayon, bakit kailangang dalawang beses na magkatawang-tao ang Diyos para gawin ang pagliligtas sa sangkatauhan? Ano ang tunay na kahalagahan ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos?

Sagot: Bakit kailangang dalawang beses magkatawang-tao ang Diyos para gawin ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan? Linawin muna natin: Tungkol sa kaligtasan ng sangkatauhan, ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay may malalim at malawak na kahulugan. Dahil ang gawain ng kaligtasan, ito man ay tungkol sa pagtubos o sa paghatol at pagdadalisay sa mga huling araw, ay hindi maisasagawa ng tao. Kailangan na magkatawang-tao ang Diyos at Siya Mismo ang gumawa nito. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Diyos ay nagkatawang-tao bilang ang Panginoong Jesus, ibig sabihin, ang Espiritu ng Diyos ay Mismong nagkaroon ng banal at walang kasalanang katawan, at ipinako sa krus para magsilbing handog alang-alang sa kasalanan, tinutubos ang tao sa kanyang pagiging makasalanan. Nauunawaan nating lahat ito. Ngunit tungkol sa pagbabalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw, bakit Siya nagkatawang-tao bilang Anak ng tao upang magpakita at gumawa? Marami ang nahihirapang unawain ito. Kung hindi ipinaliwanag ng Makapangyarihang Diyos ang aspetong ito ng katotohanan at ibinunyag ang hiwagang ito, wala sanang nakaunawa sa katotohanang ito. Tingnan natin kung ano ang talagang sinabi ng Makapangyarihang Diyos.

Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos na, “Ang unang pagkakatawang-tao ay upang tubusin ang tao mula sa kasalanan sa pamamagitan ng laman ni Jesus, iyon ay, iniligtas Niya ang tao mula sa krus, nguni’t ang tiwaling maka-satanas na disposisyon ng tao ay nanatili pa rin sa loob ng tao. Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay hindi na upang magsilbing handog sa kasalanan kundi upang lubos na iligtas yaong mga taong tinubos mula sa kasalanan. Ito ay ginagawa upang ang mga pinatawad ay mapalaya mula sa kanilang mga kasalanan at magawang ganap na malinis, at magkamit ng pagbabago sa disposisyon, at sa gayon ay makakawala sa kapangyarihan ng kadiliman ni Satanas at makakabalik sa harap ng trono ng Diyos. Tanging sa paraang ito maaaring maging lubos na mapabanal ang tao. Sinimulan ng Diyos ang gawain ng pagliligtas sa Kapanahunan ng Biyaya nang matapos na ang Kapanahunan ng Kautusan. Nitong mga huling araw na lamang, nang ganap na nadalisay ng Diyos ang sangkatauhan sa pamamagitan ng paggawa ng gawain ng paghatol at pagkastigo sa tao para sa pagka-mapanghimagsik, saka tatapusin ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagliligtas at papasok sa kapahingahan. Samakatuwid, sa tatlong yugto ng gawain, dalawang beses lamang nagkatawang-tao ang Diyos upang isagawa Niya Mismo ang Kanyang gawain sa tao. Iyon ay dahil isa lamang sa tatlong yugto ng gawain ang pag-akay sa tao sa kanilang mga buhay, habang ang iba pang dalawa ay ang gawain ng pagliligtas. Tanging kung nagiging laman ang Diyos saka Siya maaaring mamuhay kasama ng tao, nararanasan ang paghihirap ng mundo, at mamuhay sa isang ordinaryong laman. Tanging sa ganitong paraan Niya maaaring matustusan ang taong Kanyang nilikha ng praktikal na salitang kailangan nila. Ang tao ay nakakatanggap ng lubos na kaligtasan mula sa Diyos dahil sa Diyos na nagkatawang-tao, hindi direkta mula sa kanilang mga panalangin sa langit. Sapagka’t ang tao ay makalaman; hindi kaya ng tao na makita ang Espiritu ng Diyos at lalong hindi niya kayang lapitan Siya. Ang kaya lamang na makasama ng tao ay ang laman ng nagkatawang-taong Diyos; sa pamamagitan lamang Niya mauunawaan ng tao ang lahat ng mga salita at ang lahat ng mga katotohanan, at makakatanggap ng buong kaligtasan.” “Nang ginagawa ni Jesus ang Kanyang gawain, ang pagkakilala ng tao sa Kanya ay malabo pa rin at hindi maliwanag. Ang tao ay laging naniniwala na Siya ay anak ni David at ipinahayag na Siya ay isang dakilang propeta at ang mabuting Panginoon na tumubos sa mga kasalanan ng tao. Ang ilan, batay sa pananampalataya, ay gumaling sa pamamagitan lamang ng paghipo sa laylayan ng Kanyang damit; ang bulag ay maaring makakita at kahit ang patay ay maaring maibalik ang buhay. Gayunman, hindi matuklasan ng tao ang tiwaling maka-satanas na disposisyon na malalim na nakatanim sa kalooban niya at hindi rin alam ng tao kung paano iwaksi ito. … Samakatuwid, matapos na makumpleto ang yugtong iyon, naroon pa rin ang gawain ng paghatol at pagkastigo. Ang yugtong ito ang nagpapalinis sa tao sa pamamagitan ng salita upang bigyan ang tao ng landas na susundan. Ang yugtong ito ay hindi magiging mabunga o makahulugan kung nagpatuloy ito sa pagpapalayas ng mga demonyo, sapagka’t ang makasalanang kalikasan ng tao ay hindi maiwawaksi at ang tao ay hihinto lamang sa pagpapatawad ng mga kasalanan. Sa pamamagitan ng handog sa kasalanan, ang tao ay napatawad sa kanyang mga kasalanan, sapagka’t ang gawain ng pagpapapako sa krus ay dumating na sa katapusan at ang Diyos ay nanaig laban kay Satanas. Nguni’t ang tiwaling disposisyon ng tao ay nananatili pa rin sa loob nila at ang tao ay maaari pa ring magkasala at labanan ang Diyos; hindi nakamit ng Diyos ang sangkatauhan. Kung kaya sa yugtong ito ng gawain ginagamit ng Diyos ang salita upang ibunyag ang tiwaling disposisyon ng tao at hinihingi sa tao na magsagawa alinsunod sa tamang landas. Ang yugtong ito ay mas makahulugan kaysa nauna at mas mabunga rin, dahil sa ngayon ang salita ang direktang nagbibigay-buhay sa tao at nagbibigay-daan upang ang disposisyon ng tao ay ganap na mapanibago; ito ay isang yugto ng gawain na mas masusi. Samakatuwid, ang pagkakatawang-tao sa mga huling araw ay nagpaging-ganap sa kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos at ganap na tumapos sa plano sa pamamahala ng Diyos para sa kaligtasan ng tao” (“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay nakikita natin na sa Kapanahunan ng Biyaya ang Diyos ay nagkatawang-tao sa unang pagkakataon para lamang gawin ang gawain ng pagtubos, gamit ang pagpapako sa krus bilang isang handog alang-alang sa kasalanan upang tubusin ang tao mula sa kanyang pagkamakasalanan, upang alisin ang tao sa mga sumpa at pagkondena ng batas. Kailangan lamang nating ipagtapat ang ating mga kasalanan at magsisi at ang ating mga kasalanan ay patatawarin. Pagkatapos ay matatamasa natin ang saganang biyaya at katotohanan. Ito ang pagtubos na ginawa ng Panginoong Jesus, at ito ang tunay na kahulugan ng pagiging ligtas sa pananampalataya sa Panginoon. Naliligtas tayo sa ating pananampalataya sa Panginoon at pinapatawad ang ating mga kasalanan, ngunit talaga bang naalis na ang ating pagkamakasalanan? Bagamat pinatawad na ng Panginoong Jesus ang ating mga kasalanan, kailangan pa nating makibaka sa mga tanikala ng pagkamakasalanan, dahil taglay pa rin ang ating likas na pagkamakasalanan at makademonyong disposisyon. Kahit inamin na natin ang ating mga kasalanan sa Panginoon at nakamit ang Kanyang kapatawaran, wala tayong alam sa ating likas na pagkamakasalanan, at mas kaunti ang alam tungkol sa ating tiwaling disposisyon, isang kondisyon na mas malala kaysa sa pagkamakasalanan. Kaya lang nating kilalanin ang sariling kasalanan na mga paglabag sa batas, at ang bunga ng pagkakonsensya. Ngunit di natin nakikilala ang mas malalalim na kasalanan, ang kasalanan ng pagkalaban sa Diyos. Halimbawa, wala tayong alam tungkol sa pinag-ugatan ng pagkalaban natin sa Diyos, o kung paano naipapakita ang ating makademonyong disposisyon, o paanong umiral ang ating kalikasan na makademonyo, anong mga lason ni Satanas ang umiiral sa ating likas na pagkatao, saan nagmumula ang makademonyong pilosopiya at makademonyong katwiran at mga patakaran. Bakit kaya walang alam ang tao tungkol sa mga makademonyong bagay na ito? Sabihin nang pinatawad ng Panginoong Jesus ang mga kasalanan ng tao, bakit hindi niya kayang agawin ang kanyang sarili mula sa mga tanikala ng pagkamakasalanan, at bakit patuloy niyang ginagawa ang mga kasalanan ding iyon? Talaga bang dalisay na ang tao kapag napatawad ang kanyang mga kasalanan? Talaga bang banal na siya? Ito ay talagang isang praktikal na isyu na tila hindi naunawaan ninuman sa Kapanahunan ng Biyaya. Bagamat sa paniniwala natin sa Panginoon, pinatatawad ang ating mga kasalanan, hindi pa rin natin batid na nagkakasala tayo, kinakalaban at pinagtataksilan ang Diyos. Alam nating mga mananampalataya ang tungkol dito. Halimbawa, kahit sumasampalataya na sa Panginoon, patuloy tayong nagsisinungaling, mapaghangad, naiinis sa katotohanan at tinatangkilik ang masama. Tayo’y arogante, taksil, makasarili at ganid pa rin; wala tayong magawa at bihag pa rin tayo ng tiwaling disposisyon ni Satanas. Maraming tao ang walang pagod na gumagawa para sa Panginoon, ngunit ginagawa nila ito sa pag-asang magagantimpalaan at makapapasok sa kaharian ng langit. Kapag tinatamasa nila ang biyaya ng Panginoon masaya sila at tapat sa kanilang pananampalataya sa Panginoon; ngunit kapag naharap sila sa kalamidad, o may trahedya sa pamilya, mali na ang kanilang pang-unawa, sinisisi at itinatatwa at pinagtataksilan ang Panginoon. Kapag ang gawain ng Diyos ay hindi naaayon sa kanilang mga pagkaintindi at ilusyon, tulad sila ng mga mapagpaimbabaw na Fariseo, kinakalaban at kinokondena ang Diyos. Ipinakikita nito na kahit tinanggap natin ang pagliligtas ng Panginoong Jesus at pinatawad ang ating mga kasalanan, hindi ito nangangahulugan na lubusan nating naalis ang kasalanan at banal na ngayon, lalong hindi ibig sabihin nito na naging sa Diyos tayo at nakamit ng Diyos. Kaya, sa muling pagdating ng Panginoong Jesus para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, marami sa mga relihiyosong mundo ang dumarating para hatulan, ikondena at lapastanganin ang Diyos, sinasabi sa mga tao na Siya ay kanilang kalaban at muli Siyang ipinapako sa krus. Ang mga tao bang hayagang nagkokondena at kumakalaban sa Diyos ay madadala sa kaharian ng langit dahil lamang sa pinatawad ang kanilang mga kasalanan? Papayagan ba ng Diyos ang masasamang puwersang ito na kumakalaban sa Diyos na makapasok sa kaharian ng langit? Dadalhin ba ng Diyos ang mga anticristong ito, na mga napopoot sa katotohanan, sa kaharian ng langit? Hindi! Dahil ang Diyos ay banal at matwid! Gaya ng nakikita ninyo, bagamat pinapatawad ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng ating pagsampalataya sa Panginoon, hindi natin lubusang naalis sa ating sarili ang pagkamakasalanan, ang makademonyong mga impluwensya, at lalong hindi nakamit ng Diyos at naging sa Diyos. Kaya nga, kung nais nating mga tao na alisin sa ating sarili ang kasalanan at makamit ang pagdadalisay, upang lubusang makamit ng Diyos, kailangang lubusan tayong madalisay at maligtas ng gawain ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos.

Masyadong simple ang pananaw natin sa gawain ng pagliligtas ng Diyos, na para bang sa sandaling patawarin ang mga kasalanan ng tao ay wala nang ibang isyu, at ang gagawin na lamang ay maghintay na dalhin ng Panginoon sa kaharian ng langit. Napakawalang muwang at parang bata ang tiwaling tao! Lubhang katawa-tawa ang mga pagkaintindi at ilusyon ng tiwaling sangkatauhan! Kasalanan ba ang tanging problema na nagpapahirap sa sangkatauhan matapos gawing tiwali ni Satanas? Ano ang ugat ng kasalanan ng tao? Ano ang kasalanan? Bakit kinamumuhian ito ng Diyos? Hanggang sa araw na ito, wala ni isang may wastong pang-unawa. Ang tao ay lubusang ginawang tiwali ni Satanas, gaano katindi ang kanilang katiwalian? Walang malinis. Ang katunayan ng lubusang katiwalian ng tao ay nakita noong ipinako sa krus ang Panginoong Jesus. Ang katotohanan na kayang ipako sa krus ng mga tao ang maawaing Panginoong Jesus, na nagpahayag ng napakaraming katotohanan, ay talagang nagpapakita na ang tao ay naging inapo ni Satanas, lahi ni Satanas, at lubusang nawala ang kanilang pagkatao, ni hindi nila tinaglay ang pinakamaliit na uri ng rasyonalidad o konsensya. Sino sa mga tao ang nagtataglay pa rin ng normal na pagkatao? Hindi ba’t ang paglaban at matinding pagkapoot sa Diyos ng tao ay tanda na dumating na ang tao sa punto kung saan sila ba o Siya, kung saan hindi na sila maaaring makipagkasundo sa Diyos? Malulutas ba talaga ang problemang ito sa pagpapatawad ng kanilang mga kasalanan? Sino ang makagagarantiya na sa pagkapatawad ng kanilang mga kasalanan, ang tao ay hindi lalaban sa Diyos o ituturing Siya na kaaway nila? Walang makakagarantiya! Mapapatawad ang mga kasalanan ng tao, ngunit mapapatawad ba ng Diyos ang kalikasan ng tao? Isang likas na katangian na kumakalaban sa Diyos? Mapapatawad ba ng Diyos ang makademonyong disposisyon ng tao na pumupuno sa kanya? Kung gayon, paano lulutasin ng Diyos ang mga bagay na ito na kay Satanas? Walang duda na ang Diyos ay gumagamit ng paghatol at pagkastigo. Ayos lang na sabihing, kung wala ang matwid na paghatol at pagkastigo ng Diyos, ang tiwaling tao ay hindi malulupig, lalo pa silang mababaon sa lupa sa matinding kahihiyan. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit kailangang magkatawang-tao ang Diyos para gawin ang gawain ng paghatol. Marami ang nagdududa at may mga pagkaintindi tungkol sa pagkakatawang-tao ng Diyos upang gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Bakit kaya ganito? Ito’y dahil sa hindi nila nakikita ang katunayan ng lubos na katiwalian ng tao. Kaya’t, ang resulta, wala silang pang-unawa sa kahulugan ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Pinanghahawakan nila ang kanilang mga paniwala, at hindi hinahanap at sinisiyasat ang tunay na daan. Sa ganitong paraan, paano nila tatanggapin at susundin ang gawain ng Diyos?

Hindi natin maunawaan na mga tao ang lalim at lawak ng kahalagahan ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos. Kaya, tungkol sa kung bakit dalawang beses nagkatawang-tao ang Diyos, at ano ang kahulugan ng dalawang pagkakatawang-tao, para sa aspetong ito ng katotohanan, tingnan natin ang dalawang talata mula sa Makapangyarihang Diyos. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ay na ang isang ordinaryo at normal na tao ay ginagawa ang gawain ng Diyos Mismo; iyon ay, na ang Diyos ay gumagawa ng Kanyang pagka-Diyos na gawain sa pagkatao at sa gayong paraan ay tinatalo si Satanas. Ang pagkakatawang-tao ay nangangahulugan na ang Espiritu ng Diyos ay nagiging isang laman, iyon ay, ang Diyos ay nagiging laman; ang gawain na ginagawa Niya sa laman ay ang gawain ng Espiritu, na naging tunay sa laman, ipinahayag sa pamamagitan ng laman. Walang sinuman maliban sa laman ng Diyos ang maaaring tumupad sa ministeryo ng nagkatawang-taong Diyos; iyon ay, katawang-tao ng Diyos lamang, itong karaniwang katauhan— at walang sinumang iba pa—ang makakapagpahayag ng banal na gawain. … Na Siya ay nagtataglay ng karaniwang pagkatao ay nagpapatunay na Siya ay Diyos na nagkatawang-tao sa laman; ang katunayan na Siya ay sumailalim sa normal na proseso ng pantaong paglaki ay higit pang nagpapakita na Siya ay isang normal na laman; at bukod doon, ang Kanyang gawa ay sapat na patunay na Siya ay salita ng Diyos, Espiritu ng Diyos, na nagiging laman. Ang Diyos ay nagkakatawang-tao dahil sa mga pangangailangan ng gawain; sa madaling salita, itong yugto ng gawain ay kailangang matupad sa laman, matupad sa karaniwang pagkatao. Ito ang unang kailangan para sa ‘ang Salita ay nagiging laman,’ para sa ‘ang Salitang nagpapakita sa laman,’ at ito ay ang tunay na kuwento sa likod ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos.” “Bakit sinasabi Ko na ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ay hindi natapos sa gawain ni Jesus? Sapagka’t ang Salita ay hindi ganap na naging laman. Ang ginawa ni Jesus ay isang parte lamang ng gawa ng Diyos sa laman; ginawa lamang Niya ang mapantubos na gawa at hindi ginawa ang ganap na pagkakamit sa tao. Sa kadahilanang ito ang Diyos ay naging laman muli sa mga huling araw. Ang yugtong ito ng gawain ay tinutupad rin sa isang ordinaryong laman, ginagawa ng isang lubos na karaniwang tao, isa na ang pagkatao nito ay hindi man lamang nakahihigit. Sa madaling salita, ang Diyos ay naging isang ganap na tao, at ito ay isang tao na ang pagkakakilanlan ay doon sa Diyos, isang ganap na tao, isang ganap na laman, na gumaganap ng gawain” (“Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ibinunyag ng salita ng Makapangyarihang Diyos ang kahalagahan at hiwaga ng pagkakatawang-tao. Sa pagbabasa ng salita ng Makapangyarihang Diyos nalaman natin na ang pagkakatawang-tao ay tumutukoy sa Espiritu ng Diyos na nagkaroon ng katawan at naging isang karaniwan at normal na tao para gawin ang gawain ng Diyos Mismo. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay dapat magkaroon ng normal na pagkatao, kailangang gumawa at magsalita ayon sa normal na pagkatao. Kahit kapag gumagawa Siya ng mga himala, dapat isagawa ang mga ito ayon sa normal na pagkatao. Sa panlabas na anyo, ang Diyos na nagkatawang-tao ay mukhang normal. Tila ginagawa Niya ang Kanyang gawain tulad ng isang normal, na katamtamang tao. Kung wala Siyang normal na pagkatao at gumawa sa Kanyang normal na pagkatao, hindi Siya magiging pagkakatawang-tao ng Diyos. Ang ibig sabihin ng pagkakatawang-tao ay naging tao ang Espiritu ng Diyos. Sa loob ng normal na pagkatao, ipinapahayag Niya ang katotohanan at ginagawa ang gawain ng Diyos Mismo, tinutubos at inililigtas ang sangkatauhan. Ito ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao. Ngayon, ano ang kahalagahan ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos? Ang ibig sabihin lamang nito ay na ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay nagkumpleto sa kahalagahan ng pagkakatawang-tao, nagsagawa sa gawain ng ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao at kinumpleto ang plano ng pamamahala ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan. Ito ang kahalagahan ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos. Dapat malinaw sa ating lahat na ang layunin ng unang pagkakatawang-tao ng Diyos ay para gawin ang gawain ng pagtubos at ihanda ang daan para sa gawain ng paghatol sa mga huling araw. Kaya’t, ang unang pagkakatawang-tao ng Diyos ay hindi kumumpleto sa kahalagahan ng pagkakatawang-tao. Ang layunin ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw at lubusang palayain ang tao mula sa pagsakmal ni Satanas, para maalis sa tao ang kanilang makademonyong disposisyon, palayain sila mula sa impluwensya ni Satanas upang makabalik sila sa Diyos at makamit Niya. Ang Makapangyarihang Diyos, si Cristo ng mga huling araw, ay ipinahayag ang kabuuan ng katotohanan upang dalisayin at iligtas ang sangkatauhan, kinumpleto ang lahat ng gawain ng Diyos sa katawang-tao, at ipinahayag ang lahat ng kailangang ipahayag ng Diyos sa Kanyang katawang-tao. Sa paggawa lamang nito Niya nakumpleto ang gawain ng ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao. Basahin natin ang dalawa pang talata mula sa Makapangyarihang Diyos. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Gagamitin ng Diyos ang mga salita na lulupig sa sansinukob. Gagawin Niya ito na hindi gamit ang Kanyang nagkatawang-taong, kundi sa pamamagitan ng mga pagbibigkas mula sa bibig ng Diyos na naging katawang-tao upang lupigin ang lahat ng tao sa buong sansinukob; tanging ito lamang ang Salita ng nagkatawang laman, at ito lamang ay hitsura ng Salita sa laman. Marahil, sa mga tao, mukhang hindi gumawa nang lubusan ang Diyos— ngunit kailangan munang bumigkas ang Diyos ng Kanyang mga salita upang lubusang paniwalaan ng mga tao, at para sila’y lubusang humanga. Sa walang katotohanan, sumisigaw at naghihiyawan ang mga tao; sa salita ng Diyos, sila ay nananahimik. Tiyak na makakamit ng Diyos ang katotohanang ito, sapagka’t ito ang pangmatagalang plano ng Diyos: pagtupad sa katotohanan ng pagdating ng Salita sa lupa” (“Dumating Na Ang Milenyong Kaharian” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Tinupad ng yugtong ito ng gawain ang panloob na kahulugan ng ‘ang Salita ay nagkatawang-tao,’ nagbigay ng mas malalim na kahulugan sa ‘ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos,’ at tutulutan ka na paniwalaan nang matibay na ‘Sa simula ay ang Salita.’ Na ang ibig sabihin, sa panahon ng paglikha ang Diyos ay nagtataglay ng mga salita, ang Kanyang mga salita ay kasama Niya at hindi maihihiwalay sa Kanya, at lalo pang ginawang mas malinaw ng panghuling kapanahunan ang kapangyarihan at awtoridad ng Kanyang mga salita, at tinutulutan ang tao na makita ang lahat ng Kanyang mga salita--na marinig ang lahat ng Kanyang mga salita. Ang gayon ay ang gawain ng panghuling kapanahunan. Dapat kang makarating sa pagkaalam sa mga bagay na ito nang lubusan. Hindi ito isang pagtatanong sa pagkilala sa laman, ngunit pagkilala sa laman at sa Salita. Ito ang kung saan dapat kang sumaksi, yaong dapat malaman ng bawat isa. Sapagkat ito ang gawain ng ikalawang pagkakatawang-tao--at ang huling pagkakataon na ang Diyos ay naging laman-- lubos nitong kinukumpleto ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao, ganap na ipinatutupad at pinabubukal ang lahat ng gawain ng Diyos sa laman, at tinutuldukan ang panahon ng pagiging laman ng Diyos” (“Pagsasagawa (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay kumumpleto sa lahat ng gawain ng Diyos sa katawang-tao, ibig sabihin, ang buong gawain ng Diyos sa pagliligtas sa tao. Kaya’t, sa hinaharap, ang Diyos ay hindi na muling magkakatawang-tao. Wala nang ikatlo o ikaapat na beses. Dahil ang gawain ng Diyos sa katawang-tao ay lubusan nang naisakatuparan. Iyan ang ibig sabihin ng pahayag na ang Diyos ay dalawang beses nagkatawang-tao para kumpletuhin ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao.

Ang Diyos ay dalawang beses nagkatawang-tao para kumpletuhin ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao. Para sa mga daranas pa lang sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, mahirap itong maunawaan. Iyon lamang mga taong nakaranas sa gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya ang nakaaalam na ang Panginoong Jesus ang Diyos na nagkatawang-tao. Ngunit kaunti lamang ang nakauunawa na ang gawain ng Panginoong Jesus ay limitado sa pagtubos lamang at hindi Niya isinakatuparan ang gawain ng ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao. hindi ipinahayag ng Panginoong Jesus ang kabuuan ng katotohanan ng kumpletong pagliligtas sa sangkatauhan ng Diyos na nagkatawang-tao. Kaya’t sinabi ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12-13). Ngayon ang Panginoong Jesus ay bumalik na sa laman bilang Anak ng tao. Siya ang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw. Narito Siya ginagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos, ipinapahayag dito ang kabuuan ng katotohanan na magdadalisay at magliligtas sa sangkatauhan, ang katotohanang nasa “Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao.” Ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagsasalita sa unang pagkakataon sa pagkakakilanlan ng Diyos sa buong sansinukob, ipinapahayag ang Kanyang salita. Ipinapahayag Niya ang mga detalye ng plano ng pamamahala ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan, ipinapahayag Niya ang kalooban ng Diyos, ang Kanyang ipinapagawa sa sangkatauhan at ang patutunguhan ng tao. Tingnan natin kung paano ito ipinapaliwanag ng Makapangyarihang Diyos. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Makatarungang sabihin na ito ang unang pagkakataon mula sa paglikha na kinausap ng Diyos ang buong sangkatauhan. Hindi kailanman nangusap ang Diyos sa nilikhang sangkatauhan na ganito kadetalyado at napakaayos. Syempre, ito rin ang unang pagkakataon na nangusap Siya nang napakarami, at ng napakahaba, sa buong sangkatauhan. Ito ay ganap na walang katulad. Ano pa, ang mga pagbigkas na ito ang unang teksto na ipinahayag ng Diyos sa sangkatauhan na kung saan ay inilantad Niya ang mga tao, ginabayan sila, hinatulan sila, at nagsalita ng puso-sa-puso sa kanila at kaya, ito rin ang unang mga pagbigkas na kung saan ay ipinaalam ng Diyos sa mga tao ang Kanyang mga yapak, ang lugar kung saan Siya ay namamalagi, ang disposisyon ng Diyos, kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, ang mga kaisipan ng Diyos, at ang pag-aalala Niya para sa sangkatauhan. Maaaring sabihin na ang mga ito ay ang mga unang pagbigkas na ipinahayag ng Diyos sa sangkatauhan na nagmula sa ikatlong langit mula noong paglikha, at ang unang pagkakataon na ginamit ng Diyos ang Kanyang likas na pagkakakilanlan upang magpakita at ipahayag ang Kanyang tinig sa sangkatauhan sa pamamagitan ng mga salita” (Pambungad sa Unang Bahagi sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Ito ay dahil sa dinadala ko ang wakas ng sangkatauhan sa mundo, at mula sa puntong ito, inilalantad Ko ang Aking buong disposisyon sa harap ng sangkatauhan, upang ang lahat ng nakakikilala sa Akin at ang lahat ng hindi ay magpiging sa kanilang mga mata at makita na talagang dumating ako sa daigdig ng tao, naparito sa mundo kung saan ang lahat ng bagay ay dumarami. Ito ang Aking plano, ito ang Aking nag-iisang ‘pagtatapat’ simula nang likhain Ko ang sangkatauhan. Sana ay maibigay ninyo ang inyong buong pansin sa bawat kilos Ko, sapagkat ang Aking tungkod ay minsan pang napapalapit sa sangkatauhan, sa lahat ng mga kumakalaban sa Akin” (“Dapat Gumawa Ka nang Sapat na Kabutihan upang Paghandaan ang Iyong Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Tungkol sa dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos para kumpletuhin ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao, may mga taong hindi makaunawa dito, dahil kulang sila sa karanasan. Kapag narinig nila ito, hindi nila ito nauunawaan. Talagang malalim ang katotohanan ng pagkakatawang-tao, kailangan ng ilang pagbabahagi para maunawaan ng mga tao. Ngayon alamin natin ang mga detalye ng gawaing isinagawa sa dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos. Sa unang pagkakatawang-tao ng Diyos, isinagawa Niya ang gawain ng pagtubos, nagpapakita ng maraming himala. Pinakain Niya ang limang libo sa limang tinapay at dalawang isda lamang. Pinayapa Niya ang hangin at mga alon sa isang salita lamang. Binuhay Niya si Lazaro. At, ang Panginoong Jesus ay nag-ayuno at tinukso sa ilang sa loob ng apatnapung araw. Lumakad Siya sa dagat, atbp. Dahil ang katawan ng Panginoong Jesus ay gumawa ng mga himala, at Siya ay nagbagong-anyo sa tuktok ng bundok, sa mga mata ng mga tao, bagamat ang Panginoong Jesus ay nagkatawang-tao, Siya ay nagtaglay pa rin ng pambihirang mga elemento. Kaiba Siya sa karaniwang tao, may mga himala saan man Siya magpakita. At, isang yugto lamang ng gawain ang ginawa ng Panginoong Jesus, ang gawain ng pagtubos. Ipinahayag lamang Niya ang katotohanan ng gawain ng pagtubos, ipinakikita lamang ang disposisyon ng habag at pag-ibig ng Diyos. Hindi Niya ipinahayag ang lahat ng katotohanan tungkol sa gawain ng paghatol at kaligtasan, at hindi Niya ipinahayag sa tao ang matwid, banal at di nasasaktang disposisyon ng Diyos. Kaya hindi masasabing nakumpleto ng unang pagkakatawang-tao ang kahulugan ng pagkakatawang-tao. Tulad ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Si Jesus ay gumawa ng isang yugto ng gawain na tinupad lamang ang diwa ng ‘ang Salita ay kasama ng Diyos’: Ang katotohanan ukol sa Diyos ay kasama ng Diyos, at ang Espiritu ng Diyos ay kasama ng laman at hindi maihihiwalay sa Kanya, iyon ay, ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao ay kasama ng Espiritu ng Diyos, na siyang lalong malaking katunayan na ang Jesus na nagkatawang-tao ay ang unang pagkakatawang-tao ng Diyos” (“Pagsasagawa (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang pagkakatawang-tao ng Diyos sa mga huling araw ay kaiba sa unang pagkakatawang-tao. Sa ikalawang pagkakatawang-tao, ang Diyos ay hindi nagsagawa ng mga himala, hindi Siya pambihira. Sa panlabas na anyo Siya’y mukhang isang normal at karaniwang tao, ginagawa ang Kanyang gawain at binibigkas ang Kanyang salita nang praktikal at makatotohanan sa mga tao. Naipahayag Niya ang katotohanan upang hatulan, dalisayin at gawing perpekto ang tao. Ibinunyag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng hiwaga ng plano ng pamamahala ng Diyos, at ipinakita ang matwid at banal na disposisyon ng Diyos, ang lahat ng kung ano ang Diyos at anong mayroon Siya, ang kalooban ng Diyos, at ang Kanyang ipinapagawa sa mga tao. At, hinatulan at inilantad rin Niya ang makademonyong kalikasan ng tao at ang tiwaling mga desisyon na kumakalaban sa Diyos, at sa paggawa nito, nilupig, ginawang perpekto, inilantad at inalis ang tao, bawat isa sa kanyang sariling uri. Lahat ng katotohanang ipinagkaloob ng Diyos sa tao sa mga huling araw ay ipinahayag sa loob ng normal na pagkatao ng Kanyang katawan, walang pambihira tungkol dito. Ang nakikita lamang natin ay isang normal na taong bumibigkas ng Kanyang salita at gumagawa ng Kanyang gawain, ngunit ang salitang binibigkas ni Cristo ay pawang katotohanan. Ito ay may awtoridad at kapangyarihan, kaya nitong dalisayin at iligtas ang tao. Mula sa salita ni Cristo, na humahatol at naglalantad sa katotohanan at diwa ng katiwalian ng tao, nakikita natin kung paano napapasok ng Diyos ang kaibuturan ng tao sa Kanyang pagmamasid sa kanya, kung paano lubos na nauunawaan ng Diyos ang tao. Nalalaman din ng tao ang matwid, banal, at di nasasaktang disposisyon ng Diyos. Mula sa panghihikayat at panghihimok ni Cristo, nauunawaan natin ang habag at malasakit ng Diyos sa tao. Mula sa maraming paraan kung saan nagsasalita at gumagawa si Cristo, napapahalagahan natin ang pagka-makapangyarihan at karunungan ng Diyos, ang marubdob na mga balakin kung saan gumagawa ang Diyos para iligtas ang sangkatauhan, at ang tunay na pagmamahal ng Diyos at kaligtasan ng tao. Batay sa paraan ng pagtrato ni Cristo sa lahat ng tao, mga isyu, at mga bagay, nauunawaan natin kung paanong ang kasiyahan, galit, lungkot, at kaligayahan ng Diyos ay katunayang lahat ng mga bagay na positibo, at kung paanong ang lahat ng ito ay pagpapahayag ng disposisyon ng Diyos at likas na pagpapakita ng diwa ng buhay ng Diyos. Batay sa salita at gawa ni Cristo, nakikita natin kung gaano kasukdulan at kadakila ang Diyos at kung paano Siya magpakumbaba at magkubli, nagkakaroon tayo ng tunay na kaunawaan at kaalaman sa orihinal na disposisyon at tunay na mukha ng Diyos, kaya nagkakaroon tayo ng pagkauhaw sa katotohanan at paggalang sa Diyos sa ating mga puso, upang tunay na mahalin at sundin ang Diyos. Ito ang epekto sa atin ng salita at gawain ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos. Hindi lamang itinutulot ng salita at gawa ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos na makita ng tao na nagkatawang-tao ang Diyos kundi tinutulutan din silang makita ang katunayan ng pagpapakita ng salita ng Diyos sa katawang-tao. Isinasagawa ng salita ng Diyos ang lahat ng bagay. Itong normal, karaniwang katawan ay ang sagisag ng Espiritu ng katotohanan. Ang Diyos na nagkatawang-tao ang katotohanan, ang daan, at ang buhay! Siya ang pagpapakita ng tanging tunay na Diyos! Tanging sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos nakumpleto ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao.

Basahin natin ang dalawa pang talata ng salita ng Makapangyarihang Diyos, upang maging mas malinaw pa ang ating pagkaunawa sa katotohanan at hiwagang ito. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos na, Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Tinupad ng yugtong ito ng gawain ang panloob na kahulugan ng ‘ang Salita ay nagkatawang-tao,’ nagbigay ng mas malalim na kahulugan sa ‘ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos….” (“Pagsasagawa (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Sa Kapanahunan ng Kaharian, ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagwika ng mga salita upang lupigin ang lahat ng naniniwala sa Kanya. Ito ‘ang Salita na napakita sa katawang-tao’; ang Diyos ay naparito sa panahon ng mga huling araw upang gawin ang ganito, na ibig sabihin, Siya ay naparito upang tuparin ang aktwal na kabuluhan ng Salita na napapakita sa katawang-tao. Tanging nagwiwika Siya ng mga salita, at bihirang mayroong pagdating ng mga katunayan. Ito ang pinakasubstansya ng Salita na napakita sa katawang-tao, at nang ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagwika ng Kanyang mga salita, ito ang pagpapakita ng Salita sa katawang-tao, at ang Salita na naging katawang-tao. Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. At nagkatawang-tao ang Verbo’. Ito (ang gawain ng pagpapakita ng Salita sa katawang-tao) ay ang gawain na tutuparin ng Diyos sa mga huling araw, at sa pangwakas na kabanata ng Kanyang buong plano sa pamamahala, at sa gayon ang Diyos ay naparito sa lupa at naghayag ng Kanyang mga salita sa katawang-tao. Yaong mga gagawin ngayon, yaong gagawin sa hinaharap, yaong tutuparin ng Diyos, ang huling hantungan ng tao, yaong maliligtas, yaong mga mawawasak, at iba pa— ang gawaing ito na dapat matamo sa pagtatapos ay maliwanag na nakasaad, at lahat ito ay upang tuparin ang aktwal na kabuluhan ng Salita na napakita sa katawang-tao. Ang atas ng pamamahala at saligang batas na dati nang nailathala, yaong mawawasak, yaong papasok sa pamamahinga—ang lahat ng mga salitang ito ay dapat matupad. Ito ang gawaing pangunahing natupad ng Diyos na nagkatawang-tao sa panahon ng mga huling araw. Pinaunawa Niya sa mga tao kung saan yaong mga itinadhana ng Diyos ay nabibilang at kung saan yaong mga hindi naitadhana ng Diyos ay nabibilang, kung paanong ang Kanyang mga tao at mga anak na lalaki ay dapat uriin, ano ang mangyayari sa Israel, ano ang mangyayari sa Egipto— sa hinaharap, bawat isa sa mga salitang ito ay matutupad. Ang mga hakbang ng mga gawain ng Diyos ay tumutulin. Ginagamit ng Diyos ang salita bilang mga paraan upang ibunyag sa tao kung ano ang gagawin sa bawat kapanahunan, kung ano ang gagawin ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, at Kanyang ministeryo na dapat isagawa, at ang mga salitang ito lahat ay nasa ayos upang tuparin ang aktwal na kabuluhan ng Salitang napakita sa katawang-tao” (“Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Matapos basahin ang mga talatang ito ng salita ng Makapangyarihang Diyos, tiwala ako na lahat ay may dagdag na kaalaman kung paano kinukumpleto ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao! Alam na natin ngayon ang katotohanan na ang gawain ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan ay isinasagawa sa pamamagitan ng gawain ng pagkakatawang-tao. Ang yugto ng gawain na isinagawa ng Panginoong Jesus ay ang gawain ng pagtubos. Ang ipinahayag Niyang mga katotohanan ay masyadong limitado, kaya’t, sa pagdanas sa gawain ng Panginoong Jesus, ang kaalaman natin tungkol sa Diyos ay limitado pa rin noon. Ang Makapangyarihang Diyos ay naparito para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, at ipinahayag ang buong katotohanan tungkol sa matwid na paghatol ng Diyos sa katiwalian ng tao. Itinutulot nito na makita ng tao ang likas na disposisyon ng Diyos at malaman ang Kanyang matwid at banal na diwa. Kaya’t, ang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ay lubusang kinumpleto ang gawain ng Diyos sa katawang-tao. Ipinahayag Niya ang kabuuan ng katotohanan na ipapahayag ng Diyos sa katawang-tao, sa gayon ay isinasakatuparan ang katotohanan na ang Salita ay nagpapakita sa katawang-tao. Ganitong kinukumpleto ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ang kahulugan ng pagkakatawang-tao. Ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay kailangang-kailangan, at suplemento at kapupunan ng isa’t isa. Kaya hindi maaaring sabihin ng isang tao na ang Diyos ay minsan lamang magkakatawang-tao, o na Siya ay magkakatawang-tao nang tatlo o apat na beses. Dahil nakumpleto na ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ang gawain ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan, at ipinahayag ang buong katotohanang nagliligtas sa sangkatauhan na dapat ipahayag ng mga pagkakatawang-tao ng Diyos. Sa gayon, nakumpleto ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ang kahulugan ng pagkakatawang-tao.

mula sa iskrip ng pelikulang Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong

Sinundan:Tanong 4: Nagpapatotoo kayo na, sa panlabas na anyo, ang Diyos na nagkatawang-tao ay kamukha ng isang karaniwang tao, tulad ng Panginoong Jesus Mismo, hindi lamang Siya nagtataglay ng normal na pagkatao, kundi mayroon ding pagka-Diyos. Ito ang tiyak. Ano ang pagkakaiba ng normal na pagkatao ng pagkakatawang-tao ng Diyos at ng tiwaling tao?

Sumunod:Tanong 6: Nakasaad sa Biblia na matapos bautismuhan ang Panginoong Jesus, ang langit ay nabuksan, at ang Banal na Espiritu ay bumaba sa Panginoong Jesus tulad ng isang kalapati, isang tinig ang nagsabing: “Ito ang sinisinta kong anak, na siya kong lubos na kinalulugdan” (Mateo 3:17). At kinikilala naming mga mananampalataya na ang Panginoong Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng Diyos. Gayunman nagpatotoo kayo na ang Cristong nagkatawang-tao ay ang pagpapakita ng Diyos, ay Diyos Mismo, na ang Panginoong Jesus ay Diyos Mismo at ang Makapangyarihang Diyos ay Diyos Mismo. Medyo mahiwaga ito para sa amin at naiiba sa dati naming paniniwala. Kung gayon, ang Cristong nagkatawang-tao ba ang Diyos Mismo o ang Anak ng Diyos? Ang parehong situwasyon ay tila makatwiran sa amin, at kapwa ayon sa Biblia. Kung gayon, aling pang-unawa ang tama?

Baka Gusto Mo Rin