Tanong 6: Nakasaad sa Biblia na matapos bautismuhan ang Panginoong Jesus, ang langit ay nabuksan, at ang Banal na Espiritu ay bumaba sa Panginoong Jesus tulad ng isang kalapati, isang tinig ang nagsabing: “Ito ang sinisinta kong anak, na siya kong lubos na kinalulugdan(Mateo 3:17). At kinikilala naming mga mananampalataya na ang Panginoong Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng Diyos. Gayunman nagpatotoo kayo na ang Cristong nagkatawang-tao ay ang pagpapakita ng Diyos, ay Diyos Mismo, na ang Panginoong Jesus ay Diyos Mismo at ang Makapangyarihang Diyos ay Diyos Mismo. Medyo mahiwaga ito para sa amin at naiiba sa dati naming paniniwala. Kung gayon, ang Cristong nagkatawang-tao ba ang Diyos Mismo o ang Anak ng Diyos? Ang parehong situwasyon ay tila makatwiran sa amin, at kapwa ayon sa Biblia. Kung gayon, aling pang-unawa ang tama?

Sagot: Ang binanggit mong tanong ay ang mismong tanong na nihihirapang maunawaan ng maraming mananampalataya. Nang dumating ang Panginoong Jesus na nagkatawang-tao para gawin ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan, ang Diyos ay naging ang Anak ng tao, nagpapakita at ginagawa ang gawain kasama ang mga tao. Hindi lamang Niya binuksan ang Kapanahunan ng Biyaya, kundi pinasimulan rin ang bagong kapanahunan kung saan personal na dumating ang Diyos sa daigdig ng mga tao upang mamuhay na kasama ng mga tao. Sa malaking paghanga, tinawag ng mga tao ang Panginoong Jesus bilang Cristo, ang Anak ng Diyos. Noong panahong iyon, ang Banal na Espiritu ay nagpatotoo din sa katotohanan na ang Panginoong Jesus ang pinakamamahal na Anak ng Diyos, at ang Panginoong Jesus ay tinawag ang Diyos ng langit na Ama. Dahil dito, naniwala ang tao na ang Panginoong Jesus ay ang Anak ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang paniwala sa ugnayang ito ng Ama-Anak ay nabuo. Ngayon isipin natin sandali. Sinasabi ba ng Diyos saan man sa Genesis na mayroon Siyang anak na lalaki? Hindi Niya sinabi! Patunay ito na isa lang ang Diyos, walang binabanggit na ugnayang Ama-Anak. Ngayon maaaring itanong ng ilang tao: Noong Kapanahunan ng Biyaya, bakit sinasabi ng Panginoong Jesus na Siya ang Anak ng Diyos? Ang Panginoong Jesucristo ba ang Anak ng Diyos o Diyos Mismo? Maaari ninyong sabihin, na ito ay isang tanong na pinagdedebatihan nating mga mananampalataya sa paglipas ng mga panahon. Nahihiwatigan ng mga tao ang kontradikyon na likas sa isyung ito, ngunit hindi nila ito alam ipaliwanag. Ang Panginoong Jesus ay Diyos, ngunit Anak din ng Diyos, kung gayon mayroon din bang Diyos Ama? Lalong hindi kayang ipaliwanag ng mga tao ang isyung ito. Sa nakaraang dalawang milenya, kakaunti lamang ang nakakilala na ang Panginoong Jesucristo ay Diyos Mismo, ang pagpapakita ng Diyos. Sa katunayan, may malinaw na tala tungkol dito sa Biblia. Sa Juan 14:8, hiniling ni Felipe sa Panginoong Jesus: “Panginoon, ipakita Mo sa amin ang Ama, at sapat na ito sa amin.” Ngayon, noong panahong iyon, paano tumugon ang Panginoong Jesus kay Felipe? Sinabi ng Panginoong Jesus kay Felipe: “Malaon nang panahong Ako’y inyong kasama, at hindi Mo ako nakikilala, Felipe? Ang nakakita sa Akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita Mo sa amin ang Ama? Hindi ka baga nananampalataya na Ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa Akin? Ang mga salitang Aking sinasabi sa inyo’y hindi Ko sinasalita sa Aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa Akin ay gumagawa ng Kanyang mga gawa. Magsisampalataya kayo sa Akin na Ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa Akin: o kundi kaya’y magsisampalataya kayo sa Akin dahil sa mga gawa rin(Juan 14:9–11). Dito, napakalinaw na sinabi ng Panginoong Jesus, “Ang nakakita sa Akin ay nakakita sa Ama.” Gaya ng nakikita ninyo, ang Panginoong Jesus ay ang pagpapakita ng Diyos Mismo. Hindi sinabi dito ng Panginoong Jesus na Siya at ang Diyos ay may ugnayang Ama-Anak. Sinabi lang Niya, “Ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa Akin.” “Ako at ang Ama ay iisa(Juan 10:30). Ngayon, ayon sa mga salita ng Panginoong Jesus, hindi ba natin mapagtitibay na ang Panginoong Jesus ay Diyos Mismo, isa lamang ang Diyos at walang binabanggit na “ugnayang Ama-Anak”?

mula sa iskrip ng pelikulang Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong

Sinundan: Tanong 5: Noong Kapanahunan ng Biyaya ang Diyos ay nagkatawang-tao para maging alay sa pagtubos ng kasalanan at pasanin ang kasalanan ng tao. May katwiran ang lahat ng ito. Ang Panginoong Jesus ay ipinaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at naging Anak ng tao upang tubusin ang sangkatauhan sa Kanyang katawan na walang kasalanan. Sa paggawa niyon lamang napahiya si Satanas. Sa mga huling araw, ang Diyos ay muling nagkatawang-tao bilang Anak ng tao para gawin ang gawain ng paghatol. Nakita nating tunay na nangyari ito. Ito ang gusto kong itanong. Ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay medyo magkaiba, ang una ay sa Judea, at ang pangalawa ay sa Tsina. Ngayon, bakit kailangang dalawang beses na magkatawang-tao ang Diyos para gawin ang pagliligtas sa sangkatauhan? Ano ang tunay na kahalagahan ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos?

Sumunod: Tanong 7: Kung ang Panginoong Jesus ay Diyos Mismo, bakit kapag nagdarasal ang Panginoong Jesus, nagdarasal pa rin Siya sa Diyos Ama? Mayroon talagang hiwaga dito na dapat maihayag. Magbahagi ka naman sa amin.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 2: Matagal na naming narinig na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagpatotoo na tungkol sa pagbabalik ng Panginoong Jesus. At Siya ang Makapangyarihang Diyos! Nagpapahayag Siya ng mga katotohanan at gumaganap sa Kanyang gawaing paghatol sa mga huling araw, ngunit karamihan sa mga tao ng mga relihiyosong lipunan ay naniniwala lahat na babalik ang Panginoon sa pamamagitan ng pagbaba nang nasa mga alapaap. Ito ay dahil malinaw na nagsabi ang Panginoong Jesus na: “At kung magkagayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” (Mateo 24:30). Ipinropesiya rin ng Libro ng Pahayag: “Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya” (Pahayag 1:7). Pinananatili ko rin ang paniniwalang babalik ang Panginoon sa pamamagitan ng pagbaba nang nasa mga alapaap upang direkta tayong dalhin sakaharian ng langit. Tinatanggihan namin ang Panginoong Jesus na hindi bumaba nang nasa mga alapaap. Sinasabi ninyo na ang pagbabalik ng Panginoon ay pagbabalik sa katawang-tao at pagbaba nang palihim. Ngunit walang nakakaalam tungkol dito. Gayunman, ang lantarang pagbaba ng Panginoonnang nasa mga alapaap ay ganap! Kaya hinihintay naming bumaba ang Panginoonnang nasa mga alapaap at lantarang magpakita upang dalhin tayo nang direkta sa kaharian ng langit. Tama ba ang aming pag-unawa o hindi?

Sagot: Pagdating sa paghihintay sa Panginoon na bumaba nang nasa mga alapaap, hindi tayo dapat umasa sa mga paniniwala at imahinasyon ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito