Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

763 Yaong mga Sumusuway sa Diyos ay Ipinagkakanulo Siya

1 Ang pag-uugali na hindi maaaring lubusang sumunod sa Akin ay pagkakanulo. Ang pag-uugali na hindi maaaring maging tapat sa Akin ay pagkakanulo. Ang pandaraya sa Akin at paggamit ng mga kasinungalingan upang linlangin Ako ay pagkakanulo. Ang pagiging puno ng mga pagkaunawa at pagpapakalat sa kanila sa lahat ng dako ay pagkakanulo. Ang hindi pagpoprotekta sa Aking mga patotoo at mga interes ay pagkakanulo. Ang pagpeke ng isang ngiti kapag ang isa ay iniwan Ako sa kanilang puso ay pagkakanulo. Ang mga pag-uugaling ito ay lahat mga bagay na palaging may kakayahan kayo, at ang mga ito ay karaniwan din sa gitna ninyo. Wala ni isa sa inyo ang maaaring mag-isip na iyon ay isang problema, ngunit hindi iyon ang iniisip Ko. Hindi Ko maaaring tratuhin ang pagkakanulo sa Akin bilang isang bagay na walang kabuluhan, at saka hindi Ko maaaring di-pansinin ito. Ako ay gumagawa sa gitna ninyo ngayon ngunit kayo ay ganito pa rin. Kung isang araw ay walang sinuman ang naroon na mangangalaga at magbabantay sa inyo, hindi ba kayong lahat ay magiging mga hari ng burol? Sa oras na iyon, sino ang mag-aayos ng gusot pagkatapos kapag nakagawa kayo ng isang malaking sakuna?

2 Maaari ninyong isipin na ang ilang pagkilos ng pagkakanulo ay isa lang paminsan-minsang bagay sa halip na namimihasang pag-uugali, at hindi dapat palakihin sa ganitong seryosong paraan, na magdudulot sa inyo na mapahiya. Kung talagang naniniwala kayo doon, sa gayon ay kulang kayo sa katinuan. Habang mas madalas ang isang mag-isip nang ganito, mas higit silang isang ispesimen at halimbawa ng paghihimagsik. Ang kalikasan ng tao ay ang kanilang buhay, ito ay isang prinsipyo na inaasahan nila upang makaligtas, at hindi nila maaaring baguhin ito. Katulad ng kalikasan ng pagkakanulo-kung maaari kang gumawa ng isang bagay upang ipagkanulo ang isang kamag-anak o kaibigan, ito ay nagpapatunay na bahagi ito ng iyong buhay at ipinanganak kang may ganitong kalikasan. Ito ay isang bagay na hindi maitatanggi ninuman.

Hango sa “Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Ang Dahilan Kaya Likas sa Tao ang Pagkakanulo

Sumunod:Likas sa Tao ang Pagkakanulo sa Diyos

Baka Gusto Mo Rin