Ang mga Kahihinatnan ng Pagbabantay ng isang Pastor
Noong 2006, nilisan ko ang sinilangang bayan ko at pumunta sa Taipei para magtrabaho, kung saan nakilala ko si Pastor Huang. Nakita ni Pastor Huang na sabik ako sa aking paghahangad at sinabing gusto niyang tutukan ang paglilinang sa akin. Madalas niya akong inaanyayahan para talakayin naming magkasama ang Bibliya at makilahok sa mga sesyon ng pagsasanay sa simbahan. Sobra akong nagpapasalamat sa Panginoon at nadama kong nakakilala ako ng isang mabuting pastor. Kapag nangangaral ang pastor, madalas niyang sinasabi, ‘Ang bawat kaluluwa ay dapat magpasakop sa mas nakatataas na kapangyarihan. Sapagkat walang kapangyarihan na hindi mula sa Diyos: ang mga kapangyarihang iyon ay inorden ng Diyos’ (Roma 13:1). ‘Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila’y ginawa kayo ng Banal na Espiritu na mga tagapangasiwa, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Diyos’ (Mga Gawa 20:28). Nilikha ng Diyos ang sansinukob at ang lahat ng bagay, at itinalaga din ng Diyos ang lahat ng may katungkulan, kaya kailangan nating magpasakop sa kanila. Itinalaga ng Diyos ang mga pastor at elder para magpastol ng kawan, kaya dapat tayong magpasakop sa kanila. Ang pagpapasakop sa kanila ay pagpapasakop sa Diyos….” Pagkatapos kong marinig ang mga salita ng pastor, naisip ko, “Itinalaga ng Diyos ang mga pastor at elder para magpastol ng kawan, Kaya, sa pananampalataya sa Panginoon, dapat tayong makinig sa pastor. Ang pakikinig sa mga pastor at elder ay pagpapasakop sa Diyos. Basta’t sumusunod ako sa pastor sa pananampalataya sa Panginoon, siguradong makapapasok ako sa kaharian ng langit.” Kaya, sa malalaki o maliliit na bagay, gaya ng paghahanap ng trabaho, ng bahay, o kabiyak, hinahanap ko ang gabay ng pastor sa lahat ng uri ng bagay. Unti-unti, inidolo ko sa puso ko ang pastor.
Noong Oktubre ng 2018, nakaugnayan ko ang ilang kapatid sa Facebook. Nakita ko na may ilan silang mga natatanging kabatiran sa Bibliya, bago at nagbibigay-liwanag ang pangangaral nila, at talagang kinainggitan ko sila. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng Bibliya kasama sila, napagtanto ko na ang pagbabalik ng Panginoon ay hindi lamang sa anyo na bumababa sa mga ulap, at na maraming kasulatan ang nagpopropesiya sa lihim na pagdating ng Diyos tulad ng isang “magnanakaw” sa mga huling araw. Kaya, sa pagsalubong sa Panginoon, hindi tayo puwedeng basta na lang maghintay sa Kanya na bumaba sa mga ulap. Ang mahalaga ay ang tumuon sa pakikinig sa tinig ng Diyos at sa paghahanap sa Kanyang gawain sa panahon ng Kanyang lihim na pagdating. Nalaman ko rin kung paanong ang gawain ng Diyos, na naitala sa Lumang Tipan, sa Bagong Tipan at sa Aklat ng Pahayag, ay sumusulong nang paunti-unti, tumataas at lumalalim. Itinatala ng Lumang Tipan ang gawain ng Diyos na si Jehova sa Kapanahunan ng Kautusan, at dahil hindi alam ng mga sinaunang tao kung paano mamuhay sa lupa, ni kung paano sumamba sa Diyos, naglabas ng kautusan ang Diyos sa pamamagitan ni Moises para gabayan ang sangkatauhan kung paano mamuhay sa lupa. Itinatala ng Bagong Tipan ang nagtutubos na gawain ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya. Sa mga huling yugto ng Kapanahunan ng Kautusan, dahil hindi na kayang sundin ng mga tao ang kautusan, patuloy na dumarami ang mga kasalanang nagagawa nila, at nanganganib silang lahat na makondena ng kautusan tungo sa kamatayan. Pero ayaw ng Diyos na mamatay ang sangkatauhan sa ilalim ng kautusan, kaya ayon sa kanilang mga pangangailangan sa panahong iyon, nagkatawang-tao ang Diyos sa gitna ng mga tao para ipangaral ang daan ng pagsisisi. Nagkaloob Siya ng masaganang biyaya sa sangkatauhan, at sa huli, ipinako Siya sa krus, naging handog para sa kasalanan, at tinubos mula sa kasalanan ang sangkatauhan. Hangga’t taos-puso nating tinatanggap ang Panginoong Jesus at umaamin at nagsisisi sa Panginoon, patatawarin ang ating mga kasalanan. Ipinropesiya ng Aklat ng Pahayag na sa mga huling araw, ipahahayag ng Diyos ang katotohanan at gagawin ang gawain ng paghatol, at ganap na lilinisin at babaguhin ang tiwaling disposisyon ng sangkatauhan, tinutupad ang propesiya ng Panginoong Jesus: “At kung ang sinumang tao’y nakikinig sa Aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi Ko siya hinahatulan: sapagkat hindi Ako naparito upang humatol sa sanlibutan, kundi upang iligtas ang sanlibutan. Siya na tumatanggap sa Akin, ngunit hindi tinatanggap ang Aking mga salita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12: 47-48). Ang ibinahagi nila ay mga bagay na hindi ko pa kailanman narinig noon, at naaayon ang lahat ng ito sa Bibliya, at may espesyal na diwa ng kaliwanagan, kaya nagpatuloy akong makipagbahaginan sa kanila. Noong sinabi nila sa akin na bumalik na ang Panginoon Jesus, at Siya ay ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos, naalala ko kaagad ang madalas na sinasabi ng pastor na iyon, “Nagpapatotoo ang Kidlat ng Silanganan na bumalik na ang Panginoon. Hindi ka dapat makinig sa mga pagtuturo nila.” Napagtanto ko na mga mananampalataya sila mula sa Kidlat ng Silanganan, at hindi na ako puwedeng makinig pa sa pagbabahagi nila pagkatapos niyon. Pagkatapos na pagkatapos ng pagbabahaginan, tinawagan ko kaagad ang pastor, at sinabi ko sa kanya na nakausap ko ang mga tao mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Paulit-ulit akong binalaan ng pastor na huwag nang makipag-ugnayan muli sa kanila at sinabing i-block ko sila. Ganoon-ganoon lang, isinuko ko ang aking unang pagkakataon para siyasatin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw.
Pero hindi inaasahan, ilang araw na lang bago ang Pasko, nakaharap ko na naman ang ilang sister mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Naalala ko na talagang nakapagbibigay-liwanag ang pagbabahaginan nila, pero pinagbawalan ako ng pastor na makinig sa kanila, kaya naisip ko na manonood na lang ako nang kaunti at makikinig muna. Pero habang lalo akong nakikinig, lalo kong nadama na ganap na naaayon sa Bibliya ang ibinabahagi nila, at wala akong makitang anumang kapintasan. Hindi ko sila magawang tuligsain dahil dito, lalo na noong sinabi nilang, “Pinaniniwalaan ng maraming tao ang ideya na ‘dahil natanggap na natin ang kapatawaran ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pananampalataya sa Panginoon, puwede na tayong dumiretso sa kaharian ng langit kapag pumarito na ang Panginoon.’ Pero tama ba ang pananaw na ito? Bakit nagkakasala at umaamin pa rin tayo araw-araw, at madalas na nagsisinungaling at nanlilinlang ng iba? Bagama’t minsan ay kaya nating magbayad ng halaga at gumugol ng sarili natin para sa Panginoon, kapag may hindi kanais-nais na nangyayari o nahaharap tayo sa sakuna, nagrereklamo tayo sa Diyos at nilalabanan pa Siya. Bukod pa roon, kapag may kaunti tayong kaloob o talento, mataas ang tingin natin sa ating sarili, nagiging mayabang at palalo tayo, hinahamak ang iba, at hindi pa nga matanggap ang payo ng sinuman. Minsan ay pinagsasabihan at minamaliit pa natin ang iba. Ipinapakita nito na habang napatawad na ang ating mga kasalanan, hindi pa nalulutas ang ating makasalanang kalikasan, at hindi pa natin natatakasan ang gapos ng kasalanan. Sabi sa Biblia: ‘Kayo nga’y magpakabanal, sapagkat Ako’y banal’ (Levitico 11:45). ‘Kung walang kabanalan, walang taong makakakita sa Panginoon’ (Mga Hebreo 12:14). Matuwid at banal ang Diyos. Kung hindi maaalis ang ating makasalanang kalikasan, hindi tayo kailanman magiging karapat-dapat na makita ang mukha ng Diyos o makapasok sa kaharian ng Diyos. Para ganap tayong mailigtas sa ating kasalanan, bumalik ang Diyos sa katawang-tao sa mga huling araw. Sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, ipinahayag Niya ang katotohanan at sinimulan ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos. Sa pagdanas lamang sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, maiwawaksi natin ang ating tiwaling disposisyon, ganap na makalalaya mula sa kasalanan, at malilinis, magkagayon ay nagiging mga tao na tunay na nagpapasakop at natatakot sa Diyos.” Sa puntong ito, binasahan nila ako ng ilang sipi mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Bagama’t pumarito si Jesus kasama ng tao at gumawa ng maraming gawain, kinumpleto lamang Niya ang gawain ng pagtubos sa buong sangkatauhan at nagsilbi bilang handog para sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensiya ni Satanas ay hindi lang nangailangan na si Jesus ay maging handog para sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang satanikong tiwaling disposisyon nito. Kaya, pagkatapos mapatawad ang tao sa mga kasalanan nito, nagbalik ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan Niya ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). “Kung mananatiling nakagapos ang mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya, hindi nila maaalis kailanman ang kanilang tiwaling disposisyon, lalong hindi nila malalaman ang likas na disposisyon ng Diyos. Kung palaging mabubuhay ang mga tao sa gitna ng kasaganaan ng biyaya, ngunit wala sa kanila ang daan ng buhay na nagtutulot sa kanila na makilala ang Diyos at mapalugod Siya, hindi nila Siya tunay na matatamo kailanman sa kanilang paniniwala sa Kanya. Kaawa-awa talaga ang ganitong uri ng paniniwala” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). “Ang gawain ng Diyos sa kasalukuyang pagkakatawang-tao ay upang ipahayag ang Kanyang disposisyon una sa lahat sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol. Batay sa pundasyong ito, naghahatid Siya ng dagdag na katotohanan sa tao at nagtuturo sa kanya ng iba pang mga paraan ng pagsasagawa, sa gayon ay nakakamit ang Kanyang layuning lupigin ang tao at iligtas siya mula sa kanyang sariling tiwaling disposisyon. Ito ang nasa likod ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Pagkatapos kong marinig ang mga salitang ito, ganap akong nakumbinsi. Pinagnilayan ko kung paanong bagama’t nagsikap akong isagawa ang mga pagtuturo ng Panginoon, madalas, kapag may ginawang hindi ko nagustuhan ang aking pamilya o katrabaho, hindi ko maiwasang ibunyag ang pagkamainitin ng ulo ko. Minsan, para maprotektahan ang mga interes at pagpapahalaga ko sa sarili, magsisinungaling ako at manlilinlang ng mga tao…. Tunay na namumuhay pa rin ako sa kasalanan, at hindi ko magawang palayain ang sarili ko. Kailangan ko ang Diyos na pumaritong muli para gampanan ang Kanyang gawain ng paghatol at linisin ang aking mga kasalanan. Pero noong maisip ko kung paanong palaging sinasabi sa amin ng pastor na huwag makipag-ugnayan sa mga taong mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, medyo nag-atubili ako, iniisip na, “Maraming taon nang nananampalataya sa Panginoon ang mga pastor at elder, alam na alam nila ang Bibliya, at nag-aral sila ng teolohiya. Itinuturo pa nga nila ang Bibliya sa mga seminaryo. Dapat bang tanungin ko silang muli tungkol dito?” Kaya nagpasya akong lumapit sa pastor para magbantay siyang muli para sa akin. Pero sa gulat ko, mariing sinabi sa akin ng pastor, “Ilang beses ko bang sinabi sa iyo na huwag kang makipag-ugnayan sa mga tao mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? Bakit ayaw mong makinig sa akin? Maraming pastor at elder sa relihiyosong komunidad ang lumalaban sa Kidlat ng Silanganan. Bakit sinisiyasat mo pa rin ito? Huwag ka nang makipag-ugnayan pa sa kanila! Kung may mga tanong ka, sasagutin ko ang mga iyon para sa iyo. Hindi ka ba naniniwala sa sinasabi ko?” Pagkatapos kong marinig na sinabi ito ng pastor, hindi ko maiwasang isipin na, “Ayon sa pastor, hindi na ako dapat makinig sa pangangaral ng Kidlat ng Silanganan. Pero ipinapatotoo nila na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, at na ipinahayag na Niya ang katotohanan at sinimulan ang gawain ng paghatol umpisa sa sambahayan ng Diyos para masinsinang linisin at iligtas ang sangkatauhan, tinutupad ang propesiya ng Panginoong Jesus: ‘Siya na tumatanggap sa Akin, ngunit hindi tinatanggap ang Aking mga salita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw’ (Juan 12:48). Gayundin, naaayon talaga sa Bibliya ang ibinahagi nila, na para bang mula ito sa Diyos Mismo. Ganap itong naiiba sa sinabi ng pastor. Nakalilito ito. Bakit hindi siyasatin ng pastor kung ang Kidlat ng Silanganan ba ay ang tunay na pagbabalik ng Panginoon? Bakit pikit-mata na lang niya itong kinokondena, pinagbabawalan kaming makinig? Dapat ba talaga akong tumangging makinig nang ganun-ganun na lang? Sobra akong naguguluhan. Pero naisip ko ang sinasabi ng Bibliya: “Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila’y ginawa kayo ng Banal na Espiritu na mga tagapangasiwa, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Diyos” (Mga Gawa 20:28). Hinirang at itinalaga ng Diyos ang mga pastor at elder, mga lingkod sila ng Diyos, at kung hindi natin sinusunod ang mga pastor at elder, nilalabanan natin ang Diyos. Pagkatapos ng maraming pagsasaalang-alang, nagpasya akong makinig sa pastor.
Kalaunan, sinabi ko sa sister na taga-Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na titigil na ako sa pagsisiyasat. Sinabi ng sister sa akin, “Kung hindi ka magsisiyasat, mapapalampas mo ang pagkakataon mong salubungin ang Panginoon. Sinabi ng Panginoong Jesus: ‘And at midnight there was a cry made, Behold, the bridegroom comes; go you out to meet him’ (Matthew 25:6). Para malaman kung ang Makapangyarihang Diyos ay talagang ang Panginoon na bumalik, ang susi ay ang makinig sa tinig ng Diyos. Kung hindi ka magsisiyasat at basta na lang itong tatanggihan, talaga bang masasalubong mo ang Panginoon?” Pagkatapos kong marinig ang mga salita ng sister, naantig ako, iniisip na, “Tama siya, minsan ko nang sinukuan ang pagkakataong magsiyasat, at ngayon ay narinig kong muli ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos. Tunay nga kayang pagsasaayos ito ng Diyos? Kung ang Makapangyarihang Diyos ay talagang ang nagbalik na Panginoong Jesus, kung hindi ko ito tatanggapin, hindi ba’t mapapalampas ko ang tsansang salubungin ang Panginoon at madala sa kaharian ng langit? Bukod dito, ipinapatotoo nila ang tungkol sa mga salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos na tumutupad sa propesiya ng Panginoong Jesus. Sobrang nakapagbibigay-aral din sa akin ang pagbabahagi ng mga kapatid na iyon. Dapat kong ituloy ang pagsisiyasat. Pero itinalaga ng Diyos ang mga pastor at elder, hindi ba’t lalabanan ko ang Diyos kapag hindi ko sila sinunod?” Naguguluhan ako, hindi ko alam kung kanino makikinig. Nang sandaling iyon, nagpadala sa akin ng pelikula ang sister na pinamagatang Nakamamatay Na Kamangmangan, at inudyukan akong panoorin ito bago ako magpasya kung magpapatuloy ba ako sa pagsisiyasat. Sa kalituhan ko, nanalangin ako sa Panginoon, “Panginoon, talaga bang bumalik Ka na? Kung ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik Mong talaga, pakiusap gabayan Mo akong makilala Ka.” Pagkatapos kong manalangin, taglay ang saloobin ng paghahanap, pinanood ko nang buo ang pelikulang Nakamamatay Na Kamangmangan. Nagdala ng mahalagang mensahe sa akin ang pelikula, na tungkol sa usapin ng pagsalubong sa Panginoon, kung hindi natin hahanapin ang katotohanan o susundin ang mga salita ng Panginoon, kundi makikinig lamang sa mga salita ng tao, mangmang nating mapapalampas ang dakilang pagkakataon na salubungin ang Panginoon. Gayundin, ang pinakapumukaw sa akin ay iyong ang mga mangmang na birhen ay palaging nakikinig sa mga salita ng tao, at napipigilan sila ng mga nakalilinlang at maladiyablong salita ni Satanas, samantalang ang mga matalinong birhen ay nakikinig lamang sa tinig ng Diyos, kaya sinalubong nila ang Panginoon. Gaya ng sinabi ng Panginoong Jesus: “Sapagkat ang bawat humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay pinagbubuksan” (Mateo 7:8). Basta’t mapagkumbaba nating hinahanap at pinakikinggan ang tinig ng Diyos, tiyak na gagabayan tayo ng Diyos. Kung pikit-mata tayong makikinig sa mga salita ng mga pastor at elder, at hindi naghahanap o nagsisiyasat kapag may nagpapatotoo na bumalik na ang Panginoon, hindi natin kailanman maririnig ang tinig ng Diyos, ni hindi natin magagawang salubungin ang Panginoon. Kahangalan at kamangmangan ito na nagdadala ng pinsala sa atin mismo. Kailangan kong maingat na siyasatin kung tinig ba ng Diyos ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Hindi na ako puwedeng pikit-matang makinig sa mga salita ng mga pastor o elder.
Pagkatapos niyon, nagpatuloy ako sa pakikipagbahaginan sa mga pagtitipon kasama ng mga sister mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at nanood ng mga dula at pagtatanghal na ginawa ng Iglesia. Habang lalo akong nanonood, mas nagiging malinaw ang nadarama ko sa kaibuturan ko, at nadama kong tunay na ginabayan ng Diyos ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Isang araw, binuksan ko ang YouTube, at nakita ko ang isang pagtatanghal na tinatawag na Sinabi ng Aming Pastor… naakit ako kaagad nito at mabilis na pinindot ito para panoorin.
Yu Shunfu: Sa Biblia, sinasabi ba nito o hindi…? “Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, sa kanila’y ginawa kayo ng Espiritu Santo .. na mga obispo, upang pakanin ninyo .. ang iglesia ng Panginoon” (Mga Gawa 20:28). Itinalaga ng Diyos .. ang mga pastor at elder, kung tungkol sa pagbabalik ng Panginoon, .. tingin ko kailangan nating silang pakinggan.
Zheng Yang: Hindi ba’t ‘yun ang mga salita ng Alagad na si Pablo?
Yu Shunfu: Tama, ang Alagad na si Pablo!
Zheng Yang: Hm. ... Batay sa mga salita ni Pablo, .. palagay mo ba ginawa sila ng Diyos na mga pastor at elder? Para sa lahat, kinakatawan ba ng mga salita ni Pablo ang Panginoon? (Hindi.) Kinikilala ba iyon ng Panginoong Jesus? (Hindi.) Pinatotohanan ba ng Banal na Espiritu? (Hindi.)
Liu Xin: Tama. ... Kaya walang batayan ang kaisipang iyan.
…………
Zheng Yang: Hindi simple ang.. magtakda ang Diyos ng isang tao. Dapat ito ay taong sinasang-ayunan ng Diyos, .. ang pinapatotoo Mismo ng Diyos, may katibayan ng gawain ng Banal na Espiritu. /Hm.
Liu Xin: Ah! Tulad ni Moises. Pinili ng Diyos si Moises, .. meron ‘yang patunay.
Yu Shunfu: Sabihin mo sakin.
Liu Xin: Nagpakita si Jehovah kay Moises sa nasusunog na kahoy at sinabi, “Ikaw ay aking susuguin.. kay Faraonm upang iyong ilabas sa Egipto.. ang aking bayan.. na mga anak ni Israel” (Exodo 3:10). Kaya talagang .. itinalaga ng Diyos si Moises.
Zheng Yang: Tama. ... At sa kapanahunan ng Biyaya, ..itinalaga naman ng Diyos si Pedro. Patunay ang salita ng Panginoong Jesus. Sinabi ni Jesus, .. “At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; (UNAHAN KONTI) ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya” (Mateo 16:18).
Liu Xin: Ang mga salita ng Panginoong Jesus ang katibayan!
Yu Shunfu: Pero... may “katibayan” din ...ang aming pastor!
Zheng Yang and Liu Xin: Ano’ng katibayan?
Yu Shunfu: Isang diploma sa seminaryo, .. para sa mga pastor.
Zheng Yang: Hay! ... Walang diploma na.. kumakatawan sa pag-ayon ng Diyos, ... o patunay na taglay ang gawain ng Banal na Espiritu.
Liu Xin: Oo.
Yu Shunfu: Totoo nga siguro.
Zheng Yang: Lahat ng gawain ng mga pastor at elder ngayon, ay umaasa lamang sa kakayahan at talento. Ipinangangaral ang teolohikal na teorya at kaalaman sa biblia. Itinataas nila ang kanilang mga sarili at nagyayabang. Hindi pinag-uusapan kung anong kalooban ng Panginoon, o mga hinihingi ng Diyos. Tsk. Kung may problema ang nananalig.. hindi niya hinahanap.. ang patnubay ng Panginoon. Hulaan niyo ang mangyayari.
Liu Xin: (EHEM) ... “Pero ang sabi ng aming pastor...”
Zheng Yang: Nakita niyo na? ...Hindi ba ito ay.. pagtatangkang palitan ang Diyos sa puso.. ng mga tao?
Liu Xin: Totoo ang sinabi mo. Sinisira nila ang paniniwala sa Diyos. Namumuno sa mga taong pinili ng Diyos na sila ang sambahin. Nililinlang nila ang tao, dinadaya at sinasaktan. Tingin mo, gagamitin ng Diyos ang tulad nila?
Zheng Yang: Itinatalaga at ginagamit ng Diyos ang mga tao.. para gawin ang Kanyang kalooban, at ipatupad ang Kanyang gawain. Dapat silang..may takot sa Diyos, sumusunod sa Diyos,.. pinapatupad ang kalooban ng Diyos, .. at matapat sa Kanya. Hm. Tama naman, mga kaibigan, di ba? (Tama. / Oo!)
Yu Shunfu: Tsk. ... Teka. ... Bakit pakiramadam ko.. dinadaya ako ng aking pastor?
Liu Xin: Hindi lang iyan pakiramdam. ... Totoong ginagawa niya.
Pagkatapos kong mapanood ang video na ito, nakadama ako ng magkakahalong mga emosyon. Hindi ko mailarawan ang nadarama ko. Nadama kong naging napakahangal ko sa pagiging masunurin. Napakalinaw na ibinahagi ng dalawang sister, na ang mga itinalaga ng Diyos ay may mga salita ng Diyos bilang kanilang patotoo at ang pagpapatunay ng Banal na Espiritu. Bagama’t nag-aral ng teolohiya ang mga pastor at elder at may mga diploma mula sa mga seminaryo, wala silang mga salita ng Diyos bilang ebidensiya, at hindi nagpapatotoo tungkol sa kanila ang Banal na Espiritu o ginagamit sila, kaya paano sila maituturing na itinalaga ng Diyos? Dagdag pa rito, palaging itinataas ng mga sermon ng mga pastor ang mga salita ng tao sa Bibliya, bihirang ibinabahagi ang mga salita ng Diyos sa Bibliya, at halos hindi kailanman tinatalakay ang tungkol sa mga layunin o mga hinihingi ng Diyos. Gayundin, mga paulit-ulit na pahayag at walang liwanag ang nilalaman ng kanilang mga sermon, kaya hindi magawa ng mga mananampalataya na magkamit ng panustos sa kanilang mga buhay, marami sa kanila ang mahina sa espiritu at kumakapit sa mundo, na nagpapakita na malinaw na walang gawain ng Banal na Espiritu ang mga pastor, at hindi sila posibleng magkaroon ng pagpapatunay ng Banal na Espiritu. Kahit sa ganitong kaso, ginagamit pa rin ng mga pastor ang talata sa Bibliya na “Ginawa kayo ng Banal na Espiritu na mga tagapamahala ng kawan” para bigyang-katwiran ang awtoridad nila, ipinahahayag ang kanilang mga sarili bilang itinalaga ng Diyos upang sundin sila ng mga tao. Hindi ba’t maling interpretasyon ito ng Bibliya para iligaw ang mga tao?
Pagkatapos nito, nakita ko ang pagbabahagi mula sa mga kapatid sa website ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, na nagsabing: “Maraming tao, na nananampalataya sa Panginoon, ang hindi Siya pinararangalan bilang dakila, at sa halip, pikit-mata nilang sinasamba ang mga kaloob, katayuan, at awtoridad, at sinasamba rin nila ang mga pastor at elder at pikit-matang nananampalataya sa kanila. Hindi nila makilatis kung may gawain ba ng Banal na Espiritu ang mga tao o nagtataglay ng katotohanang realidad. Naniniwala sila na basta may sertipiko bilang isang pastor ang isang tao, nagtataglay ng mga kaloob, at kayang ipaliwanag ang Bibliya, itinalaga siya ng Diyos at dapat sundin. Mas katawa-tawa pa nga ang ilang tao, na naniniwalang ang pagpapasakop sa mga pastor at elder ay kagaya ng pagpapasakop sa Diyos, at nangangahulugang paglaban sa Diyos ang pagsalungat sa mga pastor at elder. Kung susundin natin ang ganitong mga uri ng kuru-kuro ng tao, paano naman ang mga punong paring Hudyo, eskriba, at Pariseo noong sinauna? Alam na alam nila ang Bibliya at madalas itong ipinapaliwanag sa iba, pero noong nagpakita at gumawa ang Panginoong Jesus, Siya ay kanilang sinalungat at kinondena, at ipinako pa Siya sa krus. Maaari kayang itinalaga at ginamit sila ng Diyos? Ang mga sumunod sa kanila sa pagsalungat sa Panginoong Jesus, puwede kayang masabing sumusunod at nagpapasakop sa Diyos? Kaya, ang pananaw na ‘ang pagpapasakop sa mga pastor at elder ay pagpapasakop sa Diyos’ ay tunay na katawa-tawa at maling akala!” Binanggit din ng pagbabahaginan, “Kung ang mga pastor at elder ay mga taong naghahangad at nagmamahal sa katotohanan, at mayroong gawain ng Banal na Espiritu, kaya nilang akayin tayong gawin at danasin ang mga salita ng Diyos, matakot sa Diyos, at umiwas sa kasamaan, at dapat nating irespeto ang gayong mga tao. Naaayon ito sa layunin ng Diyos. Pero kung ang mga pastor at elder ay hindi itinataas ang Diyos o pinatototohanan Siya, at hindi tayo inaakay na gawin at danasin ang mga salita ng Diyos, kundi ipinaliliwanag lamang ang biblikal na kaalaman at ang mga teolohikal na teorya para magpakitang-gilas at itatag ang sarili nila, pinasasamba at pinasusunod pa ang mga tao sa kanila, kung gayon paanong mayroong gawain ng Banal na Espiritu ang gayong mga pastor at elder? Lumilihis sila mula sa daan ng Panginoon at mga kaaway sila ng Diyos. Puwede bang italaga ng Diyos at gamitin ang gayong mga huwad na pastol? Kung sinasamba, ginagaya, at sinusunod pa rin natin ang gayong mga tao, nangangahulugan ito ng pagiging isang kaaway ng Diyos at ganap na pagkontra sa Kanyang layunin.” Pagkatapos ko itong mabasa, naunawaan ko na hindi itinalaga ng Diyos ang mga pastor at elder, at na ang pagpapasakop sa kanila ay hindi katumbas ng pagpapasakop sa Diyos. Bagama’t nanampalataya na ako sa Panginoon, hindi pa ako tumuon sa mga salita ng Panginoon ni hinanap ang gawain ng Banal na Espiritu, at pikit-mata lamang akong nagtiwala sa mga salita ng mga pastor at elder, sinamba ang kanilang mga kaloob at kaalaman sa Bibliya, at walang tanong na sumunod sa mga sinasabi nila. Bagama’t pinagtibay ko sa puso ko na may awtoridad at makapangyarihan, at mula sa Diyos ang mga salita at ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, at na nagbibigay-liwanag at may gawain ng Banal na Espiritu ang pagbabahaginan ng mga mula sa Iglesia, hindi ako naghanap o nagsiyasat, at palaging lumalapit sa pastor para sa pagbabantay. Anong klaseng pananampalataya ito? Sa diwa ay nanampalataya ako sa pastor na parang siya ay Diyos. Napakahangal ko! Naalala ko na sinasabi ng Bibliya: “Sumpain ang tao na tumitiwala sa tao, at ginagawang laman ang kaniyang bisig, at ang puso ay humihiwalay kay Jehova” (Jeremias 17:5). Hindi pinapayagan ng disposisyon ng Diyos ang pagkakasala. Pakunwari akong nanampalataya sa Diyos, pero sa puso ko, sinamba at sinunod ko ang tao. Pagsamba ito sa diyus-diyosan, at tunay itong kinamumuhian at kinapopootan ng Diyos, at kinokondena Niya. Nang napagtanto ko ito, medyo natakot ako at lubos na nagsisisi at nakokonsensiya, kaya nag-search ako ng mga salitang “pagsunod sa Diyos” sa website ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at nakita ko ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang pinakamahalaga sa pagsunod sa Diyos ay na dapat alinsunod ang lahat sa mga salita ng Diyos ngayon: Maging ikaw man ay naghahangad ng buhay pagpasok o na tugunan ang mga layunin ng Diyos, ang lahat ay dapat nakasentro sa mga salita ng Diyos ngayon. Kung ang iyong ibinabahagi at hinahangad na pasukin ay hindi nakasentro sa mga salita ng Diyos ngayon, isa kang estranghero sa mga salita ng Diyos, at ganap na nawalan ng gawain ng Banal na Espiritu. Ang gusto ng Diyos ay ang mga taong sumusunod sa Kanyang mga yapak. Gaano man kahanga-hanga at kadalisay ang naunawaan mo noon, hindi ito gusto ng Diyos, at kung hindi mo magagawang isantabi ang gayong mga bagay, ang mga ito ay magiging napakalaking hadlang sa iyong pagpasok sa hinaharap. Lahat niyaong nagagawang sumunod sa kasalukuyang liwanag ng Banal na Espiritu ay mga pinagpala. Sinundan din ng mga tao sa mga kapanahunang lumipas ang mga yapak ng Diyos, ngunit hindi sila nakasunod hanggang sa kasalukuyan; ito ang pagpapala ng mga tao sa mga huling araw. Yaong mga nagagawang sumunod sa kasalukuyang gawain ng Banal na Espiritu, at nagagawang sumunod sa mga yapak ng Diyos, na sumusunod sa Diyos saanman Niya sila akayin—ito ang mga tao na pinagpala ng Diyos. Yaong mga hindi sumusunod sa kasalukuyang gawain ng Banal na Espiritu ay hindi pa nakapasok sa gawain ng mga salita ng Diyos, at gaano man sila gumawa, o gaano man katindi ang kanilang pagdurusa, o gaano man sila magparoo’t parito, walang anuman dito ang may kabuluhan sa Diyos, at hindi Niya sila sasang-ayunan. … Ang ‘pagsunod sa gawain ng Banal na Espiritu’ ay nangangahulugan ng pagkaunawa sa mga layunin ng Diyos sa kasalukuyan, ang magawang kumilos alinsunod sa kasalukuyang mga hinihingi ng Diyos, ang magawang magpasakop at sundan ang Diyos sa kasalukuyan, at pagpasok alinsunod sa pinakabagong mga pagpapahayag ng Diyos. Tanging ito ang isang tao na sumusunod sa gawain ng Banal na Espiritu at nasa daloy ng Banal na Espiritu. Ang gayong mga tao ay hindi lamang may kakayahan na matanggap ang papuri ng Diyos at makita ang Diyos, kundi malalaman din nila ang disposisyon ng Diyos mula sa pinakabagong gawain ng Diyos, at malalaman din ang mga kuru-kuro at pagrerebelde ng tao, at kalikasan at diwa ng tao, mula sa Kanyang pinakabagong gawain; bukod dito, nagagawa nilang unti-unting matamo ang mga pagbabago sa kanilang disposisyon sa panahon ng kanilang paglilingkod. Ang mga tao lamang na kagaya nito ang nagagawang kamtin ang Diyos, at tunay na nakasumpong na sa tunay na daan” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Kanyang mga Yapak). Pagkatapos, nabasa ko ang isang sipi ng pagbabahaginan ng mga kapatid na nagsabing, “Ang pagsunod sa Diyos ay pangunahing tumutukoy sa pagsunod sa kasalukuyang gawain ng Diyos, sa pagpapasakop at pagsasagawa sa mga kasalukuyang salita ng Diyos, nagagawang sundin ang mga utos ng Diyos, hinahanap ang mga layunin ng Diyos sa lahat ng bagay, nagsasagawa ayon sa mga salita ng Diyos, ganap na nagpapasakop sa gawain at gabay ng Banal na Espiritu, at sa huli ay nagiging isang taong nagsasagawa ng katotohanan at sumusunod sa kalooban ng Diyos. Ito ang ibig sabihin ng maging isang tao na sumusunod sa Diyos at nagkakamit ng pagliligtas Niya. Kung nagsasagawa lamang tayo ayon sa mga salita ng tao sa Bibliya pero hindi nagpapasakop at nagsasagawa ng mga salita ng Diyos o naaarok ang mga layunin ng Diyos, at sumusunod lamang sa mga relihiyosong ritwal at patakaran, ito ay pagsunod sa tao. Kung itinuturing natin ang mga salita ng mga tao sa Bibliya bilang mga salita ng Diyos para sundin at isagawa, binabalewala at isinasantabi ang mga salita ng Panginoong Jesus, at hindi talaga sinusunod ang mga utos ng Panginoon, magiging gaya tayo ng mga mapagpaimbabaw na Pariseo, at itataboy at isusumpa ng Panginoong Jesus. Gaya ngayon, nananampalataya ang mga tao sa Panginoon pero sinasamba at iniidolo ang mga pastor at elder, hinahanap ang payo at kumukonsulta sa mga pastor at elder sa bawat problema, hinahanap pa nga ang mga pastor at elder sa pagsisiyasat sa tunay na daan. Bilang resulta, nalilinlang at naililigaw sila ng mga mapagpaimbabaw na Pariseo at relihiyosong lider, at nauuwi ito sa landas ng paglaban sa Diyos. Ito ang kahihinatnan at kalalabasan ng pagsunod sa tao. Gaya noong gumagawa ang Panginoong Jesus, maraming mga mananampalatayang Hudyo na sumunod lamang sa mga pagtuturo ng mga punong pari at Pariseo, at hindi tinanggap ang mga salita at gawain ng Panginoong Jesus, at dahil doon, naiwala nila ang pagliligtas ng Panginoon. Pakunwari silang nanampalataya sa Diyos, pero sa realidad, sumunod sila sa mga punong pari, eskriba, at Pariseo. Pero nakita nina Pedro at Juan na ang mga salita at gawain ng Panginoong Jesus ay may awtoridad at kapangyarihan, at galing ito sa Diyos, at sumunod sila kaagad sa Panginoong Jesus, nang hindi napipigilan ng mga Pariseo. Sila ay mga tunay na sumunod at nagpasakop sa Diyos.” Binanggit din ng pagbabahaginan: “Tunay na sumusunod lamang ang isang tao sa Diyos sa kanyang pananalig kung nagpapasakop siya sa gawain ng Banal na Espiritu, tinatanggap ang mga kasalukuyang salita ng Diyos, at sumusunod sa mga yapak ng Diyos. Lalo na sa mga huling araw, nang isagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol, naiwala ng buong relihiyosong mundo ang gawain ng Banal na Espiritu at naging mapanglaw, at napipilitan ang mga tao na hanapin ang tunay na daan. Sa pagkakataong ito, dapat tayong magbigay ng higit na pansin sa paghahanap sa gawain ng Banal na Espiritu, na hinahanap ang mga salitang sinasabi ng Banal na Espiritu sa mga iglesia at nakasusunod sa bagong gawain ng Diyos. Gaya ng sinabi sa Aklat ng Pahayag: ‘At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Kordero saan man Siya pumaroon’ (Pahayag 14:4). Kung nakikinig lamang ang isang tao sa mga salita ng mga pastor at elder, nang hindi hinahanap ang gawain at mga salita ng Banal na Espiritu, at hindi nakikinig sa tinig ng Diyos, aabandonahin at ititiwalag sila ng gawain ng Diyos, at sa huli ay mahuhulog sila sa malalaking sakuna, habang tumatangis sila at nagngangalit ng kanilang mga ngipin. Kapag ang mga tao ay naliligaw at sumusunod sa tao sa kanilang pananampalataya sa Diyos, lumihis na sila sa daan ng Panginoon. Seryosong pagsalungat at pagkakanulo ito sa Diyos, at kung hindi sila magsisisi, siguradong aabandonahin at ititiwalag sila ng Diyos.” Pagkatapos ko itong mabasa, bigla kong naunawaan, na ang tunay na pagsunod sa Diyos ay nangangahulugang pakikinig sa mga salita ng Diyos sa lahat ng bagay at pagsasagawa ayon sa mga hinihingi ng Diyos, at ang pinakamahalaga, ay ang pagsunod sa kasalukuyang gawain ng Diyos, magpasakop sa mga kasalukuyang salita ng Diyos, at mahigpit na sumunod sa mga yapak ng Kordero. Pinagnilayan ko kung paano nagawang sumunod nina Pedro at Juan sa Panginoong Jesus. Nagawa nila ito dahil nakita nilang galing sa Diyos ang mga salita at gawain ng Panginoong Jesus, nakilala nila ang tinig ng Diyos at iniwan ang lahat para sundan ang Panginoon, at sila ang mga tunay na sumunod sa Diyos at nakinig sa Kanyang mga salita. Nang sandaling iyon, nagpasya akong hindi na ako puwedeng pikit-matang makinig sa mga pastor, at na kailangan kong hanapin ang gawain ng Banal na Espiritu, makinig sa tinig ng Diyos, at maging isang taong sumusunod sa Diyos. Noong panahon ng bakasyon ng Spring Festival, kasing sabik na sabik ng isang taong uhaw na uhaw kong pinanood ang maraming ebanghelyong pelikula na ginawa ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, gaya ng Paghihintay, Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia, Ang Misteryo ng Kabanalan, at Ang Aking Pinapangarap na Kaharian sa Langit. Nakita ko na nagbunyag ng maraming misteryo ng katotohanan ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, gaya ng misteryo ng pagkakatawang-tao, ang misteryo ng pangalan ng Diyos, kung paano hinahatulan at dinadalisay ng Diyos ang mga tao sa mga huling araw, at kung paano itinatakda ng Diyos ang kalalabasan at hantungan ng iba’t ibang uri ng mga tao…. Sino pa kundi ang Diyos Mismo ang makakapagbunyag sa mga misteryong ito? Sino pa ang makapagpapahayag ng katotohanan para dalisayin at baguhin ang mga tao? Sa puso ko, unti-unti akong naging sigurado na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, at masaya kong tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw.
Sa aking pagbabalik-tanaw, sinasabi kong nananampalataya at nagpapasakop ako sa Diyos, pero palagi akong kumukonsulta sa mga pastor at nakikinig sa kanila, tinatahak ang landas ng pagsunod sa tao at paglaban sa Diyos, at halos napalampas ko ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw. Tunay na hangal at mangmang ako! Dahil sa awa ng Diyos sa akin, unti-unti Niya akong ginabayan para maunawaan ang katotohanan, at pinahintulutan akong makasunod sa mga yapak ng Kordero. Salamat sa Makapangyarihang Diyos!