Ang Tanging Paraan Para Mamuhay Nang Tulad ng Isang Tunay na Tao
Ni Xincheng, TsinaMay nabasa ako noon na isang nobela ng isang Hapones na manunulat tungkol sa isang tindero na nakapagbenta ng isang serum...
Tinatanggap namin ang lahat ng naghahanap na nasasabik sa pagpapakita ng Diyos!
Noong Disyembre 2023, responsable ako para sa gawain ng pagdidilig ng ilang iglesia. Noong panahong iyon, napakasigasig ko sa tungkulin ko at may panimula akong pagkaarok sa mga sitwasyon ng mga baguhan. Pagsapit ng Marso 2024, unti-unting dumami ang mga baguhan sa Iglesia ng Jianglin, at isinaayos ng superbisor na ako ang maging responsable sa gawain ng pagdidilig sa iglesiang ito. Dahil medyo malayo ang iglesiang ito mula sa ibang mga iglesiang responsabilidad ko, at masahol ang kapaligiran, nang may mga pulis na nagsasagawa ng mga madalas na pag-aresto, pinaalalahanan ako ng superbisor na kung hindi ko mapupuntahan sa tamang oras ang mga baguhan, kailangan kong mas madalas sumulat sa mga tagadilig para maunawaan kung kumusta na ang mga baguhan. Walang alinlangan akong pumayag noon.
Pagkalipas ng ilang panahon, sumulat ang superbisor para magtanong tungkol sa mga bagay-bagay tulad ng mga kasalukuyang kalagayan at paghihirap ng mga baguhan, at kung anong mga tungkulin ang angkop para sa mga baguhang ito. Nang makita ko ang mga tanong na iyon, naisip ko, “Kakakuha ko pa lang ng responsabilidad para sa gawain ng pagdidilig sa Iglesia ng Jianglin, at pangkalahatan pa lang ang naaarok ko sa mga sitwasyon ng mga baguhan, wala pang masyadong detalye. Nangako ako sa superbisor na tututukan ko ang pagsubaybay sa kalagayan ng mga baguhan, pero hanggang ngayon, hindi ko pa talaga sila nasusubaybayan nang maayos. Kung sasagot ako nang totoo, ano na lang ang iisipin ng superbisor sa akin? Iisipin kaya niyang pabasta-basta lang ako at hindi gumagawa ng tunay na gawain? Iisipin kaya niyang kahit matagal-tagal na akong nagdidilig, hindi pa rin ako pamilyar sa mga gampaning ito, at na mahina ang kapabilidad ko sa gawain? Dahil doon, mamaliitin kaya niya ako?” Nang maisip ko ito, ayoko na sanang sumagot sa kanya. Pero hindi rin naman puwedeng hindi talaga ako sasagot. Nalagay talaga ako sa alanganin. Mapapahamak ako kung magsasalita ako, mapapahamak pa rin kung hindi. Noong sandaling iyon, bigla akong nakaisip ng paraan, “Kung susulatan ko ang mga tagadilig ng Iglesia ng Jianglin ngayon at lilinawin ko muna ang mga bagay-bagay bago ako sumagot sa superbisor, hindi niya iisipin na mahina ang kapabilidad ko sa gawain at na nagiging pabasta-basta lang ako at hindi gumagawa ng tunay na gawain.” Kaya, mabilis kong sinimulang sulatan ng isang liham ang mga tagadilig ng Iglesia ng Jianglin. Pagkatapos maisulat ang liham, hindi pa rin ako mapakali. Naisip ko, “Kung matagal sumagot ang mga tagadilig, at hindi ako agad makatugon sa superbisor dahil naghihintay pa rin ako, magkakaroon kaya ng masamang impresyon sa akin ang superbisor? Kung ganoon, baka malantad na hindi ko nasubaybayan nang maayos ang gawain. Sa ganitong paraan, hindi lang ako mabibigong mapanatili ang dangal at katayuan ko, kundi malalagay rin ako sa alanganin, at kung magtatanong ang superbisor tungkol sa dahilan nito, mahihirapan akong magpaliwanag. Kailangan kong sagutin muna ang superbisor. Pero ano ang puwede kong sabihin para isipin ng superbisor na may lihitimong mga dahilan kung bakit nahuli ako sa pagsagot? Napakaraming itinanong ng superbisor, kaya, kung sasabihin kong nasubaybayan ko na ang lahat ng isyung ito, hindi iyon magiging makatotohanan. Sasabihin ko na lang na may isang isyu akong nakaligtaan at sumusulat ako ng liham para kumustahin iyon at bibigyan ko siya ng isahan at lahatang komento kapag nakatanggap na ako ng sagot. Sa ganitong paraan, walang anumang masasabi tungkol sa akin ang superbisor. Tutal, hindi naman ganoon kalawak mag-isip ang mga tao tungkol sa bawat isyu—normal lang na may makaligtaang isa o dalawang isyu.” Kaya, ganoon nga ang isinagot ko sa superbisor. Pagkalipas ng dalawang araw, sumagot nang may kasamang detalye ang mga tagadilig ng Iglesia ng Jianglin tungkol sa sitwasyon ng mga baguhan, at iniulat ko ang mga ito sa superbisor nang isa-isa. Walang sinabi ang superbisor, at nakahinga ako nang maluwag, iniisip na, “Mabuti na lang, hindi ko makatotohanang iniulat ang sitwasyon; kung hindi, siguradong kukuwestiyunin ng superbisor ang mga kapabilidad ko sa gawain, o iisipin niyang nagiging pabasta-basta lang ako at hindi gumagawa ng tunay na gawain. Kung mangyayari iyon, hindi ko na mapapanatili ang magandang imahe ko sa paningin niya.”
Isang araw, sa isang pagtitipon, nabasa ko sa mga pinakabagong salita ng Diyos na ang mga taong kabilang sa kategorya ng mga diyablo ay mga palasinungaling. Naalala ko kung paano ako sumagot sa liham ng superbisor. Malinaw na hindi ko nasubaybayan ang sitwasyon ng mga baguhan, pero sinabi kong isang isyu lang ang nakaligtaan ko. Nagsisinungaling at nanlilinlang ako! Gusto kong magbukas-loob at pag-usapan ang tungkol sa mapanlinlang kong kalagayan, pero napag-isip-isip ko uli, “Nagpakahirap akong magsinungaling dati. Hindi ba’t iyon mismo ay para mapanatili ang magandang imahe ko sa paningin ng superbisor? Kung magbubukas-loob ako ngayon, hindi ba’t masasayang lang ang lahat ng ‘pagsisikap’ ko noon? Bukod sa mawawalan ako ng dangal at katayuan, iisipin din ng superbisor na talagang mapagpakana at mapanlinlang ako. Hayaan na lang. Kung hindi ako magsasalita, walang makakaalam.” Kaya, hindi ako nagtapat. Pero pagkatapos ng pagtitipon, naisip ko kung paano sinabi ng Diyos na ang mga taong palasinungaling ay labis na pinahahalagahan ang sarili nilang mga interes, at kapag nasangkot na ang kanilang dangal at katayuan, gagawin nila ang lahat para magsinungaling at manlinlang. Nagsinungaling ako para mapanatili ang pride at katayuan ko. Hindi ba’t pareho lang ito sa pag-uugali ng isang diyablo? Lubha akong hindi mapakali at natakot. Kaya nagbukas-loob ako sa superbisor tungkol sa bagay na ito.
Pagkatapos, naghanap ako ng mga salita ng Diyos tungkol sa kalagayan ko para makapasok. Nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Ang mga intensyon ng mga mapanlinlang na tao ay higit na mas komplikado kaysa sa mga intensyon ng matatapat na tao. Labis-labis ang pagsasaalang-alang sa kanilang sinasabi at ginagawa. Kailangan nilang isaalang-alang ang kasikatan, pakinabang, at katayuan, pati na rin ang kanilang reputasyon at katanyagan, at pangalagaan ang kanilang mga interes, at hindi rin sila maaaring magpahalata at hayaang makilatis sila ng iba, kaya kailangang pigain nila ang kanilang utak para makaisip ng mga kasinungalingan. Dumarami ang kanilang mga kasinungalingan, lahat ng kanilang sinasabi ay kasinungalingan, at hindi sila nagsasalita ng kahit isang matapat na salita. Bukod dito, ang mga taong mapanlinlang ay may labis-labis na maluluhong pagnanais at maraming hindi makatwirang kahilingan. Kapag nagsasalita sila, palagi silang may sariling mga intensyon at pakay. Upang makamit ang kanilang mga pakay, kailangan nilang isipin ang lahat ng posibleng paraan upang magsinungaling at linlangin ang ibang tao, at habang mas maraming kasinungalingan ang kanilang sinasabi, mas maraming kasinungalingan ang kailangan nilang pagtakpan, kaya’t walang katapusan ang kanilang pagsisinungaling. Kaya, kumpara sa isang matapat na tao, ang buhay ng isang taong mapanlinlang ay parehong nakakapagod at miserable. May ilang tao na medyo matapat. Kung kaya nilang hangarin ang katotohanan, pagnilayan ang kanilang sarili anuman ang mga kasinungalingan na kanilang nasabi, himayin at unawain ang kanilang sarili sa pamamagitan ng paghahambing ng sarili sa mga salita ng Diyos anuman ang panlilinlang na kanilang ginawa, at subukang magbago, magagawa nilang alisin ang karamihan sa kanilang pagsisinungaling at panlilinlang sa loob ng ilang taon ng karanasan. Sa gayon, sila ay magiging isang taong halos matapat na. Kung mamumuhay ang isang tao nang ganito, hindi lamang lubhang nababawasan ang kanilang pagdurusa at hindi sila nakakaramdam ng labis na pagkapagod; nagdudulot din ito sa kanila ng kapayapaan at kaligayahan. Sa maraming usapin, magiging malaya sila mula sa mga limitasyon ng kasikatan, pakinabang, at katayuan, at ng banidad at pride, at natural na mamumuhay ng malaya at pinalayang buhay. Gayumpaman, ang mga taong mapanlinlang ay palaging may mga nakatagong layunin sa likod ng kanilang pananalita at mga kilos. Gumagawa sila ng lahat ng uri ng kasinungalingan upang ilihis at linlangin ang iba, at sa sandaling sila ay malantad, pinipiga nila ang kanilang utak para makaisip ng mga paraan upang pagtakpan ang kanilang mga kasinungalingan. Palagi silang nasa kalagayan ng pagkabalisa, at ang pagpapabalik-balik nang ganito ay nagpapadama sa kanila na ang kanilang buhay ay lubhang nakakapagod. Sapat nang nakakapagod para sa kanila na magsabi ng napakaraming kasinungalingan sa bawat sitwasyong kanilang nararanasan, at ang pangangailangan pang pagtakpan ang mga kasinungalingang iyon ay mas lalong nakakapagod. Lahat ng kanilang sinasabi ay naglalayong makamit ang isang layunin, kaya mabusisi sila sa pagpaplano ng lahat ng kanilang sinasabi. At dahil natatakot silang makilatis mo sila, kailangan din nilang pigain ang kanilang utak para pagtakpan ang kanilang mga kasinungalingan, at patuloy na magpaliwanag sa iyo, sinusubukang kumbinsihin ka na hindi sila nagsisinungaling o nanlilinlang sa iyo, na sila ay isang mabuting tao. Malamang na gawin ito ng mga mapanlinlang na tao” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pinakasaligang Pagsasagawa ng Pagiging Isang Taong Matapat). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang mga taong mapanlinlang ay nagsasaalang-alang ng mga isyu sa isang napakakomplikadong paraan. Sinusubukan nilang protektahan ang kanilang pride at katayuan, at ayaw nilang makita ng iba ang alinmang kapintasan nila. Kung may isang bagay na nagbabanta sa kanilang dangal at katayuan, pipigain nila ang kanilang utak para magsinungaling at pagtakpan ang kanilang mga kasinungalingan. Nang sumulat ang superbisor para alamin ang tungkol sa sitwasyon ng mga baguhan, kailangan ko lang sagutin kung aling mga aspekto ang nasubaybayan na at alin ang hindi pa. Para sa mga bagay na hindi ko nagawa nang sapat, puwede ko naman iyong itama kaagad pagkatapos at magiging maayos na ito. Napakasimpleng bagay lang nito. Pero ginawa ko itong napakakomplikado. Nag-alala ako na kung sasagot ako nang totoo, malalantad ang mga kakulangan ko sa aking tungkulin, at baka pagdudahan ng superbisor ang kapabilidad ko sa gawain at maliitin ako. Kaya naisip kong maging malinaw muna sa sitwasyon ng mga baguhan bago sumagot. Sa ganitong paraan, mapagtatakpan ko ang katunayang hindi sapat ang pagsubaybay na ginagawa ko. Pero nag-alala rin ako na kung hihintayin kong malinaw munang maunawaan ang sitwasyon bago sumagot, iisipin ng superbisor na nagpapatumpik-tumpik ako sa pagsagot, at kung ganoon, baka malantad ang mga problema ko, at masisira ang imahe ko bilang isang masipag at responsableng tao. Kaya nagsinungaling ako sa superbisor, sinabing may isang isyu lang akong hindi nasubaybayan. Kasabay nito, mabilis akong sumulat sa mga tagadilig para kumuha ng impormasyon tungkol sa mga baguhan, at pagkatapos ay iniulat ko sa superbisor ang impormasyong nakuha ko, nagpapanggap para isipin niya na talagang gumagawa ako ng tunay na gawain. Talagang nagpakahirap ako para protektahan ang aking dangal at katayuan, gumagamit ng mga panlilinlang at pagpapakana. Lubos akong mapanlinlang! Sinisiyasat ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng tao. Alam Niya ang lahat ng ginawa ko. Puwede kong linlangin ang mga tao, pero hindi ko malilinlang ang Diyos, dahil nakikita Niya ang lahat. Kung hindi ako magsisisi at magbabago ngayon, tiyak na ititiwalag ako ng Diyos. Kailangan kong agarang hangarin ang katotohanan at baguhin ang mapanlinlang kong disposisyon.
Kalaunan, napanood ko ang isang video ng patotoong batay sa karanasan na pinamagatang Naranasan Ko ang Kagalakan ng Pagiging Matapat. Ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na binanggit dito ay nagbigay sa akin ng kaunting pagkaunawa sa landas na tinatahak ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kung kayo ay isang lider o manggagawa, natatakot ba kayong tanungin at pangasiwaan ng sambahayan ng Diyos ang inyong gawain? Natatakot ba kayong matuklasan ng sambahayan ng Diyos ang mga kapintasan at paglihis sa inyong gawain at pungusan kayo? Natatakot ba kayo na kapag nalaman na ng ang Itaas ang inyong tunay na kakayahan at tayog, maiiba ang tingin nila sa inyo at hindi kayo isasaalang-alang na iangat? Kung may ganito kang mga kinatatakutan, pinatutunayan nito na hindi para sa kapakanan ng gawain ng iglesia ang mga motibasyon mo, gumagawa ka alang-alang sa reputasyon at katayuan, na nagpapatunay na may disposisyon ka ng isang anticristo. Kung may disposisyon ka ng isang anticristo, malamang na tahakin mo ang landas ng mga anticristo, at gawin ang lahat ng kasamaang inihasik ng mga anticristo. Kung, sa iyong puso, hindi ka natatakot na pangasiwaan ng sambahayan ng Diyos ang iyong gawain, at nagagawa mong magbigay ng mga tunay na sagot sa mga katanungan at pag-uusisa ng ang Itaas, nang walang itinatagong anuman, at sinasabi kung ano ang nalalaman mo, kung gayon tama man o mali ang sinasabi mo, kahit ano pang katiwalian ang naibunyag mo—kahit naibunyag mo pa ang disposisyon ng isang anticristo—siguradong hindi ka ilalarawan bilang isang anticristo. Ang susi ay kung nagagawa mo bang kilalanin ang sarili mong disposisyon ng isang anticristo, at kung nagagawa mo bang hanapin ang katotohanan upang malutas ang problemang ito. Kung isa kang taong tinatanggap ang katotohanan, maaayos ang iyong anticristong disposisyon. Kung alam na alam mo na mayroon kang disposisyon ng isang anticristo pero hindi mo hinahanap ang katotohanan para lutasin ito, kung sinusubukan mo pang pagtakpan o pagsinungalingan ang mga problemang nagaganap at iniiwasan ang responsabilidad, at kung hindi mo tinatanggap ang katotohanan kapag isinasailalim ka sa pagpupungos, kung gayon ay isa itong seryosong problema, at wala kang ipinagkaiba sa isang anticristo. Nababatid na may disposisyon ka ng isang anticristo, bakit hindi ka nangangahas na harapin ito? Bakit hindi mo ito maharap nang tapatan at sabihing, ‘Kung magtatanong ang ang Itaas tungkol sa aking gawain, sasabihin ko ang lahat ng alam ko, at kahit malantad pa ang masasamang bagay na nagawa ko, at hindi na ako gamitin ng ang Itaas sa sandaling malaman nila, at mawalan ako ng katayuan, sasabihin ko pa rin nang malinaw ang kailangan kong sabihin’? Ang takot mong pangasiwaan at kuwestiyunin ang gawain mo ng sambahayan ng Diyos ay nagpapatunay na mas pinahahalagahan mo ang iyong katayuan kaysa sa katotohanan. Hindi ba’t ito ang disposisyon ng isang anticristo? Ang pagpapahalaga sa katayuan nang higit sa lahat ay disposisyon ng isang anticristo” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Ikalawang Bahagi)). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang hindi pangangahas na makatotohanang mag-ulat ng mga bagay-bagay kapag nagtatanong at nangangasiwa sa gawain ang mga lider at manggagawa, at pagtatakip pa nga sa totoo para sa kapakanan ng reputasyon at katayuan, ay nangangahulugang isa kang taong may disposisyon ng mga anticristo, at tumatahak sa landas ng mga anticristo. Kung ikukumpara ito sa sarili kong kalagayan, noong nagtanong ang superbisor tungkol sa mga baguhang nasa responsabilidad ko, maraming isyu ang hindi ko malinaw na nauunawaan, pero natakot ako na kung mag-uulat ako nang totoo at makikita ng superbisor na hindi ko nasubaybayan nang maayos ang mga bagay-bagay, iisipin niyang pabasta-basta lang ako, o kukuwestiyunin pa ang kapabilidad ko sa gawain, na makakaapekto sa magandang imahe ko sa isipan niya. Kaya nagsinungaling ako at gumamit ng panlilinlang. Hindi ba’t pareho lang ng sa isang anticristo ang aking buktot at mapanlinlang na disposisyon? Sa katunayan, ang pagsubaybay ng superbisor sa gawain, sa isang banda ay para ipaalala sa akin kung maayos bang nasubaybayan at naipatupad ang gawain, para kung hindi pa ito wastong naipatupad, magagawa ko ito kaagad, at maiiwasan ang mga pagkaantala sa pag-usad ng gawain ng pagdidilig dahil sa panandaliang kapabayaan. Ito ay nagsilbing pagpapaalala at pagtulong sa akin. Isa pa, sa pagtatanong ng superbisor sa sitwasyon ng mga baguhan, kung may mga natuklasan siyang paglihis o mga problema sa gawain ng pagdidilig, maaaring agad na mapagbahaginan at matugunan ang mga ito. Pinangangalagaan ng superbisor ang mga interes ng iglesia sa paggawa nito. Dapat sana ay nag-ulat ako nang matapat, sinasabi kung ano ang mga nalalaman ko, at para naman sa hindi ko pa maayos na nasusubaybayan, sapat na sanang nagmadali na lang akong ipatupad at subaybayan iyon. Pero sa halip, labis kong pinahalagahan ang aking reputasyon at katayuan, at nang maharap sa pangangasiwa ng superbisor, hindi ako nangahas na amining hindi ko nagawa nang maayos ang gawain ko. Nagsinungaling pa nga ako at nilinlang ko ang superbisor. Maaari itong maging sanhi ng mga paglihis na hindi naitutuwid sa tamang oras, na makakaantala sa buhay pagpasok ng mga baguhan. Inuna ko ang reputasyon at katayuan higit sa lahat. Sa tungkulin ko, palagi kong sinusubukang protektahan ang aking reputasyon at katayuan, nagpapakana at nagmamaniobra. Masyado akong kapoot-poot para sa Diyos!
Isang araw, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos, at nagkaroon ako ng mas malinaw na pagkaunawa sa kung anong uri ng mga tao ang sinasang-ayunan ng Diyos, at kung anong uri ng mga tao ang kinapopootan Niya. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Na hinihingi ng Diyos sa mga tao na maging matapat ay nagpapatunay na talagang kinasusuklaman Niya ang mga taong mapanlinlang at hindi Niya gusto ang mga ito. Ang pag-ayaw ng Diyos sa mga taong mapanlinlang ay pag-ayaw sa kanilang paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay, sa kanilang mga disposisyon, at pati sa kanilang mga intensyon, at kanilang mga pamamaraan ng panlilinlang; ayaw ng Diyos ang lahat ng bagay na ito. Kung ang mga taong mapanlinlang ay nagagawang tanggapin ang katotohanan, aminin ang kanilang mapanlinlang na disposisyon, at handa silang tanggapin ang pagliligtas ng Diyos at isagawa ang katotohanan para maging matatapat na tao, sila man ay may pag-asang maligtas, sapagkat hindi nagpapakita ang Diyos ng pagkiling sa sinuman, at gayundin ang katotohanan. Kaya nga, kung nais nating maging mga taong kalugod-lugod sa Diyos, una ay dapat nating baguhin ang ating mga prinsipyo ng sariling asal, tumigil sa pamumuhay nang ayon sa mga satanikong pilosopiya, tumigil sa pag-asa sa pagsisinungaling at panlilinlang para maipamuhay ang ating buhay, at iwaksi ang lahat ng ating kasinungalingan at subukang maging matatapat na tao. Sa gayon ay magbabago ang pagtingin sa atin ng Diyos. Dati-rati, laging umaasa ang mga tao sa pagsisinungaling, panlilinlang, at pagkukunwari habang namumuhay kasama ang iba, at umaasal sila sa pamamagitan ng paggamit ng mga satanikong pilosopiya bilang batayan ng kanilang pag-iral, bilang kanilang buhay, at bilang saligan. Isang bagay ito na kinasusuklaman ng Diyos. Sa gitna ng mga walang pananampalataya, kung sinusubukan mong maging isang matapat na tao at sabihin ang totoo, sisiraan ka, huhusgahan, at itatakwil. Kaya sumusunod ka sa mga makamundong kalakaran at namumuhay ayon sa mga satanikong pilosopiya; lalo ka pang humuhusay sa pagsisinungaling, at mas lalong nagiging mapanlinlang. Gumagamit ka rin ng mga lihim na mapanirang kaparaanan para makamtan ang iyong mga layon at sa gayon ay protektahan ang iyong sarili. Mas lalo kang nagiging maunlad sa mundo ni Satanas, at dahil dito, palalim nang palalim ang pagkahulog mo sa kasalanan at hindi mo na mapalaya ang iyong sarili. Sa sambahayan ng Diyos, eksaktong kabaligtaran niyon ang mga bagay-bagay. Kapag mas may kasanayan ka sa pagsisinungaling at pagiging mapanlinlang, mas magiging tutol sa iyo ang mga taong hinirang ng Diyos at itatakwil ka. Kung ayaw mong magsisi at nakakapit ka pa rin sa mga satanikong pilosopiya at lohika, at gumagamit ka rin ng mga pakana at pandaraya at mga sopistikadong taktika para magbalatkayo at magpanggap, malamang na mabubunyag at matitiwalag ka. Ito ay dahil kinasusuklaman ng Diyos ang mga taong mapanlinlang. Tanging matatapat na tao ang maaaring umunlad sa sambahayan ng Diyos, at lahat ng mga taong mapanlinlang ay itatakwil at ititiwalag sa huli. Matagal na itong paunang inorden ng Diyos. Matatapat na tao lang ang maaaring magkaroon ng bahagi sa kaharian ng langit. Kung hindi ka magsisikap na maging matapat na tao, at kung hindi ka dumaranas at nagsasagawa sa direksyon ng paghahangad sa katotohanan, kung hindi mo ilalantad ang sarili mong kapangitan, at kung hindi mo ilalantad ang iyong sarili, hinding-hindi mo matatanggap ang gawain ng Banal na Espiritu at matatamo ang pagsang-ayon ng Diyos” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pinakasaligang Pagsasagawa ng Pagiging Isang Taong Matapat). Gusto ng Diyos ang mga taong matapat at kinasusuklaman ang mga taong mapanlinlang, dahil ang mga taong mapanlinlang ay laging nagsisinungaling at nanlilinlang anuman ang sitwasyong kaharapin nila, at ginagawang pundasyon ng kanilang pamumuhay ang mga satanikong pilosopiya at hindi isinasagawa ang katotohanan kahit kaunti. Sa pagninilay sa ugat ng aking pagkamapanlinlang, nakita kong namuhay ako ayon sa mga kasabihang, “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba,” “Kailangan ng mga tao ang kanilang pride, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito,” at “Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan saanman siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad.” Namuhay ako ayon sa mga satanikong lason na ito, binibigyan ng malaking kahalagahan ang aking dangal, katayuan, at mga personal na interes. Anuman ang makaharap ko, kapag nasangkot na ang aking dangal at katayuan, pipigain ko ang aking utak at gagawin ang lahat para pagtakpan ang totoo. Pagkatapos gawin iyon, iisipin ko pa ngang ganito kumilos ang matatalinong tao, na ang mga hangal at mga mangmang lang ang nagsasabi ng totoo. Naaalala ko noong nag-aaral pa ako, isang beses, nagkamali ako ng pagkaalala sa takdang-aralin at may isang bahagi akong hindi natapos. Nag-alala akong masira sa paningin ng guro ang reputasyon ko bilang isang mabuting estudyante, kaya nagsinungaling ako sa guro, sinabi kong naiwan ko ang takdang-aralin ko sa bahay, at pagkatapos ay umuwi ako sa tanghalian para madaliang tapusin iyon at ipinasa ko ito noong hapong iyon. Para hindi mapahiya at maprotektahan ang katayuan ko, mas lalo pa akong nagsinungaling at nanlansi, at lalong naging likas na ugali ko na ito. Kahit matapos kong makilala ang Diyos, namumuhay pa rin ako ayon sa mga satanikong kaisipan at pananaw. Para mapanatili ang imahe ko sa paningin ng superbisor at maitago ang mga problema at kakulangan ko, gumamit ako ng mga panlilinlang at pandaraya para pagtakpan ang totoo. Kahit nang napagtanto ko kalaunan na dapat akong maging isang taong matapat at hayagang makipagbahaginan, nag-alala ako na kung magtatapat ako, masasayang lang ang lahat ng pagsisikap ko noon, at iisipin pa ng superbisor na lubos akong mapagpakana at mapanlinlang. Kaya ayaw kong magsalita nang matapat. Gusto ng Diyos ang mga taong matapat, dahil may lakas ng loob sila na umako ng responsabilidad kapag nahaharap sa mga problema, at may lakas ng loob na harapin ang kanilang mga kakulangan kapag nabubunyag ang mga ito, at pagkatapos, makapaghahanap sila ng katotohanan at malulutas ang mga bagay na ito. Kapag ginagawa ng gayong mga tao ang kanilang mga tungkulin, lalong humuhusay ang pagkaarok nila sa mga prinsipyo, at lalong gumaganda rin ang kanilang mga resulta. Pero wala akong ipinakitang alinman sa mga pag-uugaling ito. Palagi kong sinusubukang magbalatkayo at mapagtakpan ang aking mga kapintasan, at sinubukan ko pa ngang linlangin ang mga kapatid. Sa anong paraan mayroong anumang wangis ng isang taong matapat ang isinabuhay ko? Ito ay isang baliko at mapanlinlang na imahe ni Satanas. Kung mananatili akong hindi nagsisisi, tiyak na itataboy ako ng Diyos at mawawala ang pagkakataon kong maligtas.
Kalaunan, nabasa ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos at nakahanap ako ng isang landas ng pagsasagawa. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Iniisip ng mga tao na kung wala silang sariling mga interes o kung mawawala ang mga ito, hindi sila mananatiling buhay, na para bang ang kanilang pananatiling buhay ay nakasalalay sa kanilang sariling mga interes. Kaya karamihan sa mga tao ay bulag sa lahat maliban sa kanilang sariling mga interes. Nakikita nila ang kanilang mga interes bilang nakahihigit sa lahat ng iba pa, at nabubuhay sila para lamang sa kanilang sariling mga interes. Hindi sila kikilos maliban sa kung may mapapala sila sa isang bagay, at ang paghiling sa kanila na isuko ang kanilang sariling mga interes ay parang paghiling sa kanila na isuko ang sarili nilang buhay. Kaya, paano nga ba magagawang bitiwan ng mga tao ang kanilang mga interes? Dapat nilang tanggapin ang katotohanan. Tanging kapag nauunawaan nila ang katotohanan nila makikilatis ang diwa ng pansariling interes at malinaw na makikilala na ang paghahangad sa sariling interes ay salungat sa paghahangad sa katotohanan, at hindi kailanman magbibigay-daan sa isang tao na magkamit ng katotohanan at buhay o magtamo ng kaligtasan; saka lamang sila matututong tumalikod at maghimagsik laban sa pansariling interes, at magagawang isuko ang kanilang minamahal. At kapag isinuko mo nga ang iyong minamahal at tinalikuran ang iyong sariling mga interes, makakaramdam ka ng higit na kapanatagan at kapayapaan sa iyong puso, at sa paggawa nito ay napagtagumpayan mo ang laman” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pag-unawa sa Disposisyon ng Isang Tao ang Pundasyon ng Pagbabago Nito). “Upang maging isang matapat na tao, dapat mo munang ilantad ang iyong puso upang matingnan ito ng lahat, makita ang lahat ng iniisip mo, at masilayan ang iyong tunay na mukha. Kailangan ay hindi mo subukang magpanggap, o pagtakpan ang iyong sarili. Saka lamang magtitiwala ang iba sa iyo at ituturing kang isang matapat na tao. Ito ay ang pinakasaligang pagsasagawa, at isang pang-unang kailangan sa pagiging isang matapat na tao. … Ang pagiging isang matapat na tao ay nangangahulugang, nasa harap ka man ng Diyos o ng ibang tao, kaya mong magbukas sa dalisay at simpleng paraan tungkol sa iyong panloob na kalagayan at sa mga salita sa iyong puso. Madali ba itong gawin? Nangangailangan ito ng isang panahon ng pagsasanay, pati na rin ng madalas na pananalangin at pagsalig sa Diyos. Dapat mong sanayin ang iyong sarili na sabihin ang mga salita sa iyong puso nang simple at hayagan sa lahat ng bagay. Sa ganitong uri ng pagsasanay, magkakaroon ka ng pag-usad” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pinakasaligang Pagsasagawa ng Pagiging Isang Taong Matapat). Nilinaw ng mga salita ng Diyos ang landas ng pagsasagawa. Para malutas ang isang mapanlinlang na kalagayan, dapat isuko ng isang tao ang mga personal na interes, hindi isaalang-alang ang kanyang pride o katayuan, at magtapat sa Diyos sa lahat ng bagay. Sa mga tungkulin ko, dapat kong iulat kaagad ang anumang isyu o personal na kakulangan, at dapat kong unahin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Kahit na kung sa pagsasabi ng totoo ay makikita ng mga kapatid ang mga isyu at kakulangan ko sa aking mga tungkulin at pagkatapos ay mamaliitin ako, dapat ko pa rin itong harapin nang tama. Kaya, matatag akong nagpasya na anuman ang tingin sa akin ng mga kapatid ko, kailangan kong magbukas-loob at ilantad ang sarili ko sa kanila, at maging isang matapat na tao.
Sa isang pagtitipon, isang baguhan na nasa responsabilidad ko, si Xiao Ya, ang nagtanong sa akin tungkol sa pangangaral ng ebanghelyo, at noong oras na iyon, sandali akong nakipagbahaginan nang kaunti. Pero kalaunan, natuklasan ko na may mga paglihis ang pagbabahagi ko, at hindi talaga nito kayang lutasin ang isyu ni Xiao Ya. Kalaunan, sumulat ng isang liham ang superbisor para tanungin ako tungkol sa kung paano ko nilutas ang mga problema at suliranin ni Xiao Ya, at napag-isip-isip ko, “Kung isusulat ko ang totoo, siguradong iisipin ng superbisor na bilang isang tagadilig, hindi ko man lang kayang malinaw na magbahagi tungkol sa isang napakaliit na isyu, at na hindi ako makagawa ng tunay na gawain. Baka dapat ipagwalang-bahala ko na lang ito at huwag nang isulat ang totoong nangyari.” Habang pinag-iisipan ko ito, napagtanto ko na nagiging mapanlinlang pa rin ako. Minamahal ng Diyos ang mga taong matapat, kaya dapat akong maging isang taong matapat at magsalita ng totoo. Sa huli, makatotohanan ko itong isinulat. At nang gawin ko ito, sa wakas ay nabunot ang tinik sa dibdib ko, at nakaramdam ako ng malaking ginhawa. Pagkatapos, nakipagbahaginan ako kay Xiao Ya sa tamang oras at itinama ko ang aking mga paglihis. Kalaunan, habang nakikisalamuha ako sa mga kapatid at ginagawa ang aking mga tungkulin, isinagawa ko ang pagiging isang taong matapat, at kahit na minsan, kapag nasasangkot ang mga interes ko, natutukso akong kumilos nang may panlilinlang, pinili kong magsalita ng totoo sa aking mga kapatid sa ilalim ng gabay ng mga salita ng Diyos. Sa tuwing makatotohanan akong nag-uulat sa mga kapatid na nakatuwang ko o sa superbisor, hinding-hindi nila ako pinupuna dahil sa hindi magandang paggawa. Sa halip, pinaaalalahanan at tinutulungan nila ako, at nakikipagbahaginan sila sa akin ng mga katotohanang prinsipyo. Sa puso ko, nakaramdam ako ng kapanatagan at kalayaan, at hindi na ako kasinghapo tulad ng dati. Ang mga salita ng Diyos ang tumulong sa aking makilala ang mapanlinlang kong disposisyon at matantong ang pagsasagawa ayon sa mga salita ng Diyos at ang pangangahas na magsalita ng totoo at magtapat ay hindi isang kahiya-hiyang bagay. Naranasan ko na kapag mas nagbubukas-loob ako, mas nakakaramdam ako ng kapanatagan at kalayaan. Salamat sa Diyos sa Kanyang pamumuno at gabay, na nagbigay-daan sa akin na magkaroon ng mga pakinabang na ito.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Ni Xincheng, TsinaMay nabasa ako noon na isang nobela ng isang Hapones na manunulat tungkol sa isang tindero na nakapagbenta ng isang serum...
Ni Zhang Di, TsinaSa pagtatapos ng Nobyembre 2023, nakipagtulungan ako sa dalawang sister para pangasiwaan ang gawain ng pagdidilig sa...
Ni Ronald, MyanmarNoong Oktubre 2019, tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Sa mga pagtitipon, nakita kong...
Ni Marion, USAAko ang namamahala sa pagdidilig ng mga bagong mananampalataya sa iglesia. Ang ilang bagong mananampalataya ay medyo...