Bakit Hindi Ako Naglakas-loob na Manindigan sa mga Prinsipyo

Hulyo 27, 2026

Ni Li Ming, Tsina

Noong Setyembre 2021, sumulat ako sa mga lider ng Iglesia ng Wenzhuang, dahil gusto kong makipagpulong kay Sister Li Jing para magrebisa ng isang sermon. Sa hindi inaasahan, makalipas ang ilang araw, sumagot ang mga lider na sinasabing kakatawa-tawa raw ang pag-arok ni Li Jing. Kumukuha at nag-iipon ang iglesia ng mga materyales laban sa kanya bilang paghahanda sa pagpapaalis sa kanya, at sinabihan nila akong huwag makipagpulong sa kanya. Nabigla ako sa sagot ng mga lider. Naisip ko, “Dati kaming magkasama ni Li Jing sa iisang iglesia. Noon, nakita kong mahilig siyang magbasa ng mga salita ng Diyos. Masigasig siya at handang magbayad ng halaga sa tungkulin niya, at medyo mabuti ang pagkatao niya. Isa siyang sinserong mananampalataya. Sadya lang hindi ganoon kagaling ang kakayahan niya, at wala siyang pagkilatis. Maaari kayang nagkamali ang mga lider sa pagtukoy na katawa-tawa ang pag-arok niya sa mga bagay-bagay?” Sabi sa sulat ng mga lider, masyadong mapagmataas at mapagmagaling si Li Jing, na kumikilos siya ayon sa sarili niyang mga ideya at ginagawa ang gusto niya, at palagi siyang nabibigong kumilos ayon sa mga prinsipyo sa mga bagay na isinasaayos ng mga lider. Inilista rin doon ang ilang halimbawa kung paano siya nilimitahan ng iba sa pang-araw-araw niyang buhay. Karamihan sa mga pagpapamalas na ito na binanggit ng mga lider ay tila mga pagbubunyag ng katiwalian at mga pagkukulang sa kanyang pagkatao. Hindi nagpapakita ang mga ito na katawa-tawa ang pag-arok ni Li Jing. Mali ba ang pagtukoy sa kanya ng mga lider? Kung magkakamali sila sa pagpapaalis sa kanya, masisira nito ang buhay niya! Noong panahong iyon, naisip kong sumulat sa mga lider ng iglesia para ibahagi ang perspektiba ko. Pero naisip ko na bagama’t kilala ko si Li Jing noon, maraming taon na ang nakalipas. Hindi ko alam ang sitwasyon niya sa mga nakalipas na kamakailang taon. Nag-alala akong baka isang panig lang ang nakikita ko, kaya hindi ko isinulat ang liham. Nakasalamuha kamakailan ng katuwang ko na si Sister Yang Yi si Li Jing, kaya tinanong ko ang opinyon niya. Sinabi ni Yang Yi na nang marinig niyang nag-iipon ng mga materyales ang mga lider tungkol kay Li Jing dahil sa “katawa-tawang pag-arok,” nabigla din siya, at sa palagay niya ay hindi natutugunan ni Li Jing ang mga kondisyon para mapaalis. Nang marinig kong pareho kami ng pananaw ni Yang Yi, pakiramdam ko ay malaki ang posibilidad na mali ang pagtukoy ng mga lider. Kaya, batay sa mga prinsipyo ng sambahayan ng Diyos sa pagpapaalis at pagpapatalsik ng mga tao, isinulat ko ang tungkol sa paglihis ng mga lider sa paghawak sa kaso ni Li Jing at isinaad ko ang sarili kong pananaw. Pero nang matapos ko ang liham at ipapadala na sana ito, nag-alinlangan ako, “Ang tungkulin ko ay gawaing nakabatay sa teksto. Ang pagpapaalis at pagpapatalsik ng mga tao ay hindi ko responsabilidad. Trabaho iyon ng mga lider ng iglesia. Isa pa, hindi ako miyembro ng iglesia nila. Kung susulatan ko sila para tukuyin ang isyung ito, iisipin ba nilang nanghihimasok ako at nakikialam? Masyado nang mapagmataas ang disposisyon ko, tulad ng pagkakaalam ng lahat ng kapatid. Kung sasabihin ko sa mga lider ang opinyon ko, hindi ba’t mas lalo silang makukumbinsi na mapagmataas ako?” Tapos naisip ko, “Kasalukuyang ginagawa ng sambahayan ng Diyos ang gawain ng pag-aalis mula sa iglesia. Kung sasabihin ko ngayon na hindi natutugunan ni Li Jing ang mga kondisyon para mapaalis, iisipin ba nilang pinoprotektahan ko siya at hinahadlangan ang gawain ng pag-aalis mula sa iglesia? Isang seryosong akusasyon iyon! Baka maibukod pa ako at mapaalis, at hindi iyon sulit! Mas mabuti pang pabayaan ko na lang ito. Kahit pa magkamali sila, responsabilidad nila iyon, at hindi akin. Sabi nga sa kasabihan, ‘Ang ibong nag-uunat ng kanyang leeg ang unang nababaril,’ kaya mas mabuti pang huwag na akong makialam. Isa pa, ang mga nakatataas na lider naman ang huling magsisiyasat kapag nagpapaalis at nagpapatalsik ng mga tao ang iglesia. Hindi ko na ito dapat pinoproblema.” Sa pag-iisip nito, binura ko ang isinulat kong liham.

Pagkatapos niyon, nakaramdam ako ng paninisi sa sarili tuwing naiisip ko ang bagay na ito, at palagi akong hindi mapalagay. Malinaw kong nakikita na ang mga pagpapamalas ni Li Jing ay ilang pagbubunyag lang ng katiwalian at hindi niya natutugunan ang mga kondisyon para mapaalis, pero ni hindi ko magawang iulat ito sa mga lider. Kung talagang mapaalis si Li Jing, masisira ang buhay niya! Hindi ba’t may pananagutan din ako roon? Pero natakot ako na baka makasama sa akin ang pagbanggit sa isyung ito. Pakiramdam ko ay naiipit ako sa sitwasyon, at hindi ko alam ang gagawin. Kaya nanalangin ako sa Diyos, hiniling sa Kanya na bigyang-liwanag ako para maunawaan ko ang katotohanan, makilala ang aking sarili, at hindi mamuhay sa aking tiwaling disposisyon. Pagkatapos magdasal, naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Karamihan sa mga tao ay handang hangarin ang katotohanan at nais na isagawa ang katotohanan, ngunit sa maraming pagkakataon, mayroon lang silang determinasyon at pagnanais na gawin ito; gayumpaman, sa loob-loob nila, hindi pa nagiging buhay nila ang katotohanan. Kaya, kapag nakakaharap ka ng masasamang puwersa na gumugulo at sumasabotahe sa gawain ng iglesia—halimbawa, kapag nahaharap ka sa mga huwad na lider na nangangasiwa sa mga bagay-bagay nang lumalabag sa mga prinsipyo at hindi gumagawa ng tunay na gawain, o sa masasamang tao at mga anticristo na gumagawa ng masama at gumugulo sa gawain ng iglesia at sa gayon ay nagdudulot ng pinsala sa hinirang na mga tao ng Diyos—wala kang lakas ng loob na tumayo at magsalita. Bakit wala kang ganitong lakas ng loob? Dahil ba matakutin ka o hindi mahusay magsalita, o hindi ka ba nangangahas na magsalita dahil hindi mo nakikita nang malinaw ang mga bagay-bagay? Hindi ito dahil sa alinman sa mga bagay na ito; pangunahin itong bunga ng pagkakalimita sa iyo ng iyong mga tiwaling disposisyon. Ang isa sa mga tiwaling disposisyon na iyong ibinubunyag ay isang mapanlinlang na disposisyon: Kapag may nangyayari, ang una mong isinasaalang-alang ay ang sarili mong mga interes, ang mga kahihinatnan ng iyong mga kilos, at kung magiging kapaki-pakinabang ba ang mga ito sa iyo. Isa itong mapanlinlang na disposisyon, hindi ba? Ang isa pa ay isang makasarili at napakababang disposisyon. Iniisip mo, ‘Ano ang kinalaman sa akin ng pamiminsala nila sa mga interes ng sambahayan ng Diyos? Hindi ako lider, kaya bakit ako makikialam? Walang kinalaman ito sa akin, at hindi ko ito responsabilidad.’ Ang gayong mga kaisipan at salita ay hindi isang bagay na sinasadya mong isipin, kundi nabubuo nang hindi mo namamalayan—ito ang mga tiwaling disposisyon na ibinubunyag ng mga tao kapag nahaharap sila sa isang isyu(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Habang pinagninilayan ko ang mga salita ng Diyos, pakiramdam ko ay inilalantad at hinahatulan Niya ako nang harapan. Alam na alam kong hindi natutugunan ni Li Jing ang mga kondisyon para mapaalis at may mga paglihis sa pagtukoy sa kanya ng mga lider. Alam ko rin ang mga kahihinatnan ng maling pagpapaalis sa isang tao. Ganap mang tumpak ang mga nakita ko o hindi, dapat ay binanggit ko iyon para mapag-isipan nila, upang hindi sila magkamali sa pagpapaalis sa kanya, na maglalagay sa panganib sa pagkakataon niyang magtamo ng kaligtasan. Pero ang isinaalang-alang ko lang ay ang sarili kong mga interes. Natakot ako na kung sasabihin ko ang opinyon ko sa mga lider, iisipin ng mga kapatid na mapagmataas ako at nanghihimasok. Natakot din ako na baka isipin nilang pinoprotektahan ko si Li Jing. Kung matukoy ako na humahadlang sa gawain ng pag-aalis mula sa iglesia, magiging isang kapahamakan iyon sa sarili kong kalalabasan at hantungan. Para protektahan ang sarili ko, hindi na lang ako sumulat sa mga lider. Namumuhay ako ayon sa mga satanikong panuntunan ng pananatiling buhay na tulad ng “Hayaan lang ang mga bagay-bagay kung hindi naman personal na nakakaapekto ang mga ito sa iyo,” “Mas kakaunti ang problema, mas mainam,” at “Ang matitinong tao ay mahusay sa pag-iingat sa sarili, tanging hangad nila ay hindi magkamali.” Sa lahat ng ginawa ko, ang naging gabay kong prinsipyo ay ang pag-iingat sa sarili. Ang palagi ko lang iniisip ay ang sarili kong kinabukasan at mga interes, hindi man lang ako nagpapakita ng pagmamalasakit sa gawain ng iglesia o sa mga buhay ng mga kapatid ko. Napakamakasarili at napakakasuklam-suklam ko, ganap na walang pagkatao! Nang mapagtanto ito, nakaramdam ako ng pagkamuhi sa sarili ko, at ayaw ko nang magpatuloy sa pamumuhay ayon sa aking tiwaling disposisyon.

Kalaunan, nakabasa ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos na talagang nakaantig sa akin. Sabi ng Diyos: “Kung hindi ka talaga nagsisikap sa paggampan ng tungkulin mo bilang isang mananampalataya sa Diyos; kung palagi mong gusto na iraos lang ang mga bagay-bagay at pabasta-basta sa iyong mga kilos, tulad sa isang walang pananampalataya na gumagawa para sa kanyang amo; kung nagtatrabaho ka lang pero hindi mo isinasapuso ang ginagawa mo, iniraraos mo lang ang bawat araw na dumarating, hindi iniuulat ang mga problema kapag nakikita mo ang mga ito, hindi nag-aabalang kumilos kahit kapag nagkakaaberya ang maliliit na bagay, at walang patumanggang iwinawaksi ang lahat-lahat ng hindi mo mapakikinabangan—hindi ba ito problema? Paanong magiging kasapi ng sambahayan ng Diyos ang ganitong tao? Mga walang pananampalataya ang gayong mga tao; hindi sila nabibilang sa sambahayan ng Diyos. Wala ni isa sa kanila ang kinikilala ng Diyos. Kung ikaw ba ay gumagampan ng tungkulin mo nang may sinserong puso at nagsusumikap dito, itinatala iyon ng Diyos, at alam na alam mo rin ito. Kaya, nagsikap na ba talaga kayo sa paggampan ng inyong tungkulin? Sineryoso na ba ninyo ito? Itinuring na ba ninyo ito bilang inyong pananagutan, inyong obligasyon? Inangkin na ba ninyo ang pananagutan dito? Dapat wasto ninyong pagnilay-nilayan at alamin ang mga bagay na ito, na magpapadaling lutasin ang mga problemang umiiral sa paggampan ninyo sa inyong tungkulin, at magiging kapaki-pakinabang ito sa inyong buhay pagpasok. Kung palagi kayong iresponsable kapag ginagampanan ninyo ang inyong tungkulin, at hindi ninyo iniuulat ang mga problema sa mga lider at manggagawa kapag nadidiskubre ninyo ang mga ito, ni hindi hinahanap ang katotohanan para lutasin ang mga ito nang mag-isa, laging iniisip na ‘mas kakaunti ang problema, mas mainam,’ laging namumuhay ayon sa mga pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo, at kung palagi kayong pabasta-basta kapag ginagampanan ninyo ang inyong tungkulin, walang anumang debosyon kailanman, at kung hindi ninyo tinatanggap ang katotohanan kahit kaunti kapag pinupungusan—kung ganito ang paggampan ninyo sa inyong tungkulin, nasa panganib kayo; mga trabahador kayo. Hindi mga miyembro ng sambahayan ng Diyos ang mga trabahador, kundi mga empleyado, mga pansamantalang manggagawa. Kapag tapos na ang gawain, ititiwalag sila, at natural na masasadlak sa mga sakuna. Iba ang mga tao ng sambahayan ng Diyos; kapag gumaganap sila sa kanilang tungkulin, hindi iyon para sa pera, o para magsikap o para magkamit ng mga pagpapala. Iniisip nila, ‘Isa akong miyembro ng sambahayan ng Diyos. Ang mga usapin ng sambahayan ng Diyos ay mga usapin ko. Ang mga gampanin ng sambahayan ng Diyos ay mga gampanin ko. Dapat akong magmalasakit sa mga bagay na ito alang-alang sa sambahayan ng Diyos.’ Dahil dito, nagiging responsable sila sa bawat isa sa mga usapin ng sambahayan ng Diyos, at umaako ng responsabilidad para dito. Tinatanggap nila ang responsabilidad para sa lahat ng bagay na maiisip o makikita nila. Binabantayan nila kung may mga bagay ba na kailangang asikasuhin, at isinasapuso nila ang mga bagay-bagay. Ito ang mga tao ng sambahayan ng Diyos. Ganito rin ba kayo? (Hindi.) Kung nagpapakasasa lang kayo sa mga kaginhawahan ng laman, kung binabalewala ninyo kapag nakikita ninyo na may mga bagay na kailangang asikasuhin sa sambahayan ng Diyos, kung hindi kayo nag-aabalang kumilos kahit magkaaberya ang maliliit na bagay, at alam ng puso ninyo na may problema ngunit ayaw ninyong lutasin iyon, hindi ninyo tinatratong inyo ang sambahayan ng Diyos. Ganito ba kayo? Kung oo, napakalayo ninyo sa pamantayan, at wala kayong ipinagkaiba sa mga walang pananampalataya. Kung hindi kayo magsisisi, kailangan kayong ituring na hindi kabilang sa sambahayan ng Diyos; kailangan kayong isantabi at itiwalag(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Para Magampanan Nang Maayos ng Isang Tao ang Kanyang Tungkulin, Dapat Magtaglay man Lang Siya ng Konsensiya at Katwiran). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang saloobin ng isang tao sa Diyos ay kritikal sa pananampalataya sa Kanya at sa paggawa ng kanilang tungkulin. Tanging kung may tapat silang puso para sa Kanya, kung ang puso nila ay nakabaling sa Kanya sa lahat ng bagay, at kung pinoprotektahan nila ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, saka lamang sila titingnan ng Diyos bilang bahagi ng Kanyang sambahayan. Kung hindi, itataboy at ititiwalag sila ng Diyos. Pinagnilayan ko kung paano ko pinangasiwaan ang insidente ng pag-iipon ng mga materyales para mapaalis si Li Jing. Ibinunyag nito na hindi talaga nakabaling sa Diyos ang puso ko. Kahit na nakita kong may mga paglihis sa pagtukoy ng mga lider kay Li Jing at alam kong ang maling pagpapaalis sa kanya ay makakapinsala at makakasira sa buhay niya, nagbulag-bulagan ako, lahat iyon ay para protektahan ang sarili ko. Ginawa ko pang palusot na may mga lider naman sa bawat antas na sumisiyasat sa gawain ng iglesia para takasan ang responsabilidad ko at tumangging isagawa ang katotohanan. Paano naiba ang saloobin ko sa mga nangyayari sa iglesia mula sa isang walang pananampalataya na nagtatrabaho sa mundo? Pinrotektahan ko lang ang sarili kong mga interes at binalewala ang lahat ng iba pa. Tinatrato ko ang sarili ko na parang isang tagalabas sa sambahayan ng Diyos. Wala akong tapat na puso para sa Diyos, at tunay na umani ng Kanyang pagkasuklam at pagkamuhi. Miyembro ako ng sambahayan ng Diyos, pero nang makita ko ang isang sister na malapit nang maling mapaalis, hindi ko man lang ito naiulat sa mga lider. Wala akong anumang pagpapahalaga sa katarungan. Napakaduwag ko! Kung tunay na mayroon akong tapat na puso para sa Diyos, tinupad ko sana ang aking mga responsabilidad sa gawain ng iglesia. Tulad iyon ng mga anak kapag nakikita nilang may problema ang kanilang mga magulang o nahaharap sa mga paghihirap ang kanilang pamilya. Nagkukusa silang tumulong, nang hindi na kailangang pangasiwaan o himukin. Iyon ay dahil itinuturing nila ang kanilang sarili bilang bahagi ng pamilya at nararamdamang responsable silang tumulong sa anumang usapin ng pamilya. Pero bilang isang miyembro ng sambahayan ng Diyos, nang makita ko ang mga paglihis sa kung paano pinangasiwaan ng mga lider ang isang isyu, hindi ito dapat naging mahalaga kung kabilang ako sa iglesiang iyon o kung sakop iyon ng aking responsabilidad. Dahil nakita ko ito, responsabilidad kong ituro ito sa mga lider. Tumpak man o hindi ang pagsusuri ko sa isyu, pagkatapos ko itong banggitin, beberipikahin, iimbestigahan, at susuriin ito ng mga lider, na makakabuti sa gawain ng iglesia. Ang pagsasagawa sa ganitong paraan ay hindi pakikialam o panghihimasok, ni hindi ito pagbubunyag ng mapagmataas na disposisyon. Ito ay pagtupad sa aking responsabilidad at tungkulin, at pagprotekta sa mga interes ng iglesia at ng aking mga kapatid. Nang mapagtanto ito, medyo naliwanagan ang aking puso.

Pagkatapos, naisip ko kung paanong ang pag-uulat ng isyu sa mga lider ay malinaw na pagsasagawa ng katotohanan at pagprotekta sa mga interes ng iglesia. Pero palagi akong natatakot na makondena at mapungusan dahil dito. Ito ay pagiging mapagbantay laban sa Diyos, at hindi paniniwala na ang katotohanan ang naghahari sa sambahayan ng Diyos. Naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Ang Diyos ay may diwa ng katapatan, kaya naman palaging mapagkakatiwalaan ang mga salita Niya; higit pa rito, walang kapintasan at hindi mapag-aalinlanganan ang mga kilos Niya. Kung kaya’t gusto ng Diyos ang mga lubos na matapat sa Kanya(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tatlong Paalaala). “Kung masyado kang mapanlinlang, magiging mapagbantay at mapaghinala ka sa lahat ng tao at bagay, kaya ang pananalig mo sa Akin ay maitatayo sa isang pundasyon ng paghihinala. Hindi Ko kailanman maaaring kilalanin ang ganitong pananalig. Sa kakulangan ng tunay na pananalig, mas lalo kang salat sa tunay na pagmamahal. At kung kaya mo pa ngang pagdudahan ang Diyos at maghaka-haka tungkol sa Kanya nang basta-basta, walang kaduda-dudang ikaw ang pinakamapanlinlang sa lahat ng tao. Naghahaka-haka ka kung maaari bang maging katulad ng tao ang Diyos: makasalanang di-mapapatawad, makitid ang pag-iisip, salat sa pagiging makatarungan at pagiging makatwiran, walang pagpapahalaga sa katarungan, gumagamit ng malulupit na kaparaanan, lihim na mapanira at tuso, nalulugod sa kasamaan at kadiliman, at iba pa. Hindi ba’t ang dahilan kaya may ganitong mga kaisipan ang mga tao ay sapagkat wala sila ni katiting na pagkakilala sa Diyos? Kasalanan talaga ang ganitong uri ng pananalig! Mayroon pa ngang ibang naniniwala na ang mga nagugustuhan Ko ay iyon lamang marurunong mambola at sumipsip, at na iyong hindi marurunong gumawa niyon ay hindi tatanggapin sa sambahayan ng Diyos at mawawalan ng lugar doon. Ito lamang ba ang tanging kaalamang nakuha ninyo pagkatapos ng maraming taon? Ito ba ang nakamit ninyo? At hindi tumitigil sa mga maling pagkaunawang ito ang pagkakilala ninyo sa Akin; ang mas malala pa ay ang kalapastanganan ninyo sa Espiritu ng Diyos at paninirang-puri ninyo sa Langit. Ito ang dahilan kaya sinasabi Kong magdudulot lamang ng lalong paglayo ninyo sa Akin at higit pang pakikipag-alitan sa Akin ang pananalig na tulad ng sa inyo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Talaga Makikilala ang Diyos na Nasa Lupa). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan kong tapat at banal ang diwa ng Diyos. Matuwid Siya sa lahat; hindi Niya aagrabyaduhin ang isang mabuting tao, ni palalampasin ang isang masamang tao. Pinangangasiwaan ng sambahayan ng Diyos ang bawat tao ayon sa mga prinsipyo. Ang gawain ng pag-aalis mula sa iglesia ay naglalayong alisin ang lahat ng anticristo, masasamang tao, at mga hindi mananampalataya na nakatago sa loob nito upang dalisayin ang iglesia. Ganap itong tinutukoy ng matuwid na disposisyon ng Diyos. Pero mapagbantay ako laban sa Diyos, at inisip ko na ang gawain ng pag-aalis mula sa iglesia ng sambahayan ng Diyos ay parang isa sa mga politikal na kampanya ng malaking pulang dragon, na pakiramdam ko ay nasa gitna ako ng bagyo at hindi ako maaaring magsalita nang basta-basta—kung hindi ay pahihirapan ako. Kasalukuyang ginagawa ang gawain ng pag-aalis mula sa iglesia sa sambahayan ng Diyos. Nag-alala ako na kung sasabihin ko sa mga lider na hindi natutugunan ni Li Jing ang mga kondisyon para mapaalis, malamang na makondena ako sa paghadlang sa gawain ng pag-aalis mula sa iglesia. Napakakatawa-tawa ng pananaw ko. Hindi ako naniwala na ang katotohanan ang naghahari sa sambahayan ng Diyos—ginagawa ako nitong isang hindi mananampalataya! Sa realidad, ang paghadlang sa gawain ng pag-aalis mula sa iglesia ay nangangahulugan ng pagkampi sa mga anticristo at masasamang tao kapag pinangangasiwaan ng iglesia ang mga anticristo, masasamang tao, at mga hindi mananampalataya, at paghahanap ng lahat ng uri ng dahilan at palusot para paboran at protektahan sila sa pagtatangkang panatilihin sila sa iglesia. Iyon ay panggugulo sa gawain ng iglesia at paggawa ng masama. Pero sa kasong ito, hindi natutugunan ni Li Jing ang mga kondisyon para mapaalis. Ang pag-uulat nito sa mga lider ng iglesia ay para lang maberipika at makita nila nang malinaw ang sitwasyon, at maiwasang masira ang pagkakataon ni Li Jing na maligtas sa pamamagitan ng maling pagpapaalis sa kanya. Ang pagsasagawa sa ganitong paraan ay nagpoprotekta sa mga kapatid ko at isa ring pagpapamalas ng pagtataguyod sa mga interes ng iglesia. Hindi ito sadyang paghadlang sa gawain ng pag-aalis. Isa pa, kahit na nagkamali ako, dahil ang intensyon ko ay para protektahan ang mga interes ng iglesia, hindi ako kokondenahin ng iglesia dahil dito. Papangasiwaan ng iglesia ang bagay na ito nang patas ayon sa mga prinsipyo. Kaya bakit pa ako labis na nag-aalala at nababalisa? Nang mapagtanto ito, nakaramdam ako ng paglaya at nagkaroon ako ng determinasyon na isagawa ang katotohanan.

Naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Ang pagkakaroon ng normal na kaugnayan sa Diyos ay nangangahulugan ng kakayahang hindi pagdudahan at itatwa ang anuman sa Kanyang gawain at magpasakop sa Kanyang gawain. Nangangahulugan ito ng pagkakaroon ng mga tamang intensiyon sa presensiya ng Diyos at hindi paggawa ng mga plano para sa sarili mo, at nangangahulugan din ito ng pag-una sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, pagtanggap sa pagsisiyasat ng Diyos, at pagpapasakop sa Kanyang mga pagsasaayos kahit ano pa ang ginagawa mo. Kailangan mong magawang patahimikin ang iyong puso sa presensiya ng Diyos sa lahat ng iyong ginagawa. Kahit hindi mo nauunawaan ang mga layunin ng Diyos, kailangan mo pa ring tuparin nang maayos ang iyong mga tungkulin at responsabilidad sa abot ng iyong makakaya. Kapag nabunyag na sa iyo ang mga layunin ng Diyos, magsagawa ka ayon sa mga ito, at hindi pa magiging huli ang lahat. Kapag naging normal ang iyong kaugnayan sa Diyos, magkakaroon ka rin ng normal na mga kaugnayan sa mga tao. Para magkaroon ng isang normal na kaugnayan sa Diyos, dapat maitatag ang lahat sa pundasyon ng mga salita ng Diyos, dapat magawa mo ang iyong tungkulin alinsunod sa mga salita ng Diyos at sa kung ano ang hinihingi ng Diyos, dapat mong ituwid ang mga pananaw mo, dapat mong hanapin ang katotohanan sa lahat ng bagay, at dapat mong isagawa ang katotohanan kapag nauunawaan mo ito. Kahit ano pa ang mangyari sa iyo, dapat kang magdasal sa Diyos at maghanap nang may pusong nagpapasakop sa Diyos. Sa pagsasagawa nang ganito, mapapanatili mo ang isang normal na kaugnayan sa Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kumusta ang Kaugnayan Mo sa Diyos?). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na para manampalataya sa Diyos, dapat tayong magtatag ng normal na relasyon sa Kanya at ibigay ang ating mga puso sa Kanya. Dapat nating isaalang-alang ang buhay pagpasok ng ating mga kapatid at ang gawain ng iglesia sa lahat ng ating sinasabi at ginagawa, at magawang tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos sa lahat ng bagay. Saka lamang tayo makapagsasagawa ng katotohanan. Dahil nakita kong may hindi tumpak na pagtukoy ang mga lider sa kaso ni Li Jing, dapat ay ibinahagi ko ang pananaw ko. Kahit na hindi ganap na tama ang pananaw ko, ang pagbanggit nito ay magbibigay-daan sa mga lider para muling maberipika ang sitwasyon niya at maiwasang masira ang pagkakataon niyang maligtas sa pamamagitan ng maling pagpapaalis sa kanya. Ang pagsasagawa sa ganitong paraan ay magiging kapaki-pakinabang kapwa sa buhay pagpasok ng mga kapatid ko at sa gawain ng iglesia. Kahit na kilala ko si Li Jing, ang hindi ko pag-uulat sa isyu ay hindi para protektahan siya o para magpasikat. Batay ito sa pagkaunawa ko sa kanya, at sa katunayang hindi tumutugma ang mga pagpapamalas niyang inilista ng mga lider sa mga prinsipyo ng iglesia sa pagpapaalis ng mga tao. Hindi ito tungkol sa pagpapanatili ng personal na relasyon sa kanya. Bagama’t mukhang maliit na bagay lang ito sa panlabas, may kinalaman ito sa kung magagawa ko bang isagawa ang katotohanan at protektahan ang mga interes ng iglesia. Isa rin itong pagsubok mula sa Diyos. Kaya lumuhod ako at nanalangin sa Diyos, at inihayag ang kahandaan kong magsagawa ayon sa Kanyang mga hinihingi. Pagkatapos magdasal, sinuri kong muli ang mga pagpapamalas ni Li Jing. Pagkatapos, batay sa mga problema sa pagtukoy sa kanya ng mga lider, ibinahagi ko ang sarili kong pagkaarok at pananaw kasama ang mga nauugnay na prinsipyo. Pagkasulat ng liham, ipinadala ko ito sa mga lider. Sa pagsasagawa nang ganito, naging napakaluwag at napakapanatag ng pakiramdam ko.

Kalaunan, sumagot sa akin ang mga lider. Sinabi nilang nag-imbestiga silang muli at, pagkatapos hanapin ang mga nauugnay na prinsipyo tungkol sa mga pagpapamalas ni Li Jing, nakumpirma nila na hindi niya natutugunan ang mga kondisyon para mapaalis, na nagkaroon ng mga paglihis sa nauna nilang pagtukoy sa kanya, at ngayon ay ginagawa pa rin niya ang tungkulin niya sa iglesia. Napakasaya kong makita ang resultang ito. Naramdaman kong napakaganda ng pagsasagawa ng katotohanan! Mula ngayon, lalo ko pa itong dapat isagawa.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Leave a Reply