Hinadlangan sa Aking Pananampalataya

Enero 25, 2023

Ni Pinbo, Tsina

Naging Katoliko ako noong 1988. Makalipas ang ilang taon, hinirang ako bilang diyakono. Gaano man ako kaabala, aktibo akong dumalo sa mga samba, at nakiisa ako sa Araw ng Panginoon at iba pang mga banal na araw. Pero kalaunan, unti-unting pumanglaw ang simbahan. Lumamig ang pananalig ng mga mananampalataya at tumigil sila sa pagdiriwang ng Araw ng Panginoon. Naghihilik pa nga ang mga tao habang nagrorosaryo kami sa mga samba, at maraming mananampalataya ang humayo para magtrabaho at kumita ng pera. Hindi ko rin maramdaman ang presensya ng Banal na Espiritu, pero pinilit ko ang sarili ko na dumalo sa mga samba.

Tapos, noong taglagas ng 2002, nagpatotoo sa akin ang isang kapitbahay tungkol sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, natutuhan ko ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos, ang mga misteryo ng katotohanan sa Kanyang mga pagkakatawang-tao, at na pumanglaw ang simbahan dahil lumipat na ang gawain ng Banal na Espiritu at gumagawa ang Diyos ng bagong gawain. Kailangan nating makasabay sa mga yapak ng Diyos at tanggapin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw para makalaya sa mga gapos ng kasalanan at makapasok sa kaharian ng Diyos. Sa pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nakatiyak kami ng asawa ko na Siya ang nagbalik na Panginoon at masayang tinanggap ang Kanyang gawain sa mga huling araw. Ang hindi ko inaasahan ay na pagkalipas ng isang buwan, nagsimula kaming guluhin at hadlangan ng mga diyakono at ng pari.

Isang araw, ilang diyakono ang pumunta sa bahay namin kasama ang tatay ko. Medyo kinabahan ako nang makita ang agresibong tindig nila. Sigurado akong alam nila na tinanggap ko ang bagong gawain ng Diyos at nagpunta sila para pigilan ako. Matagal na silang nananalig sa Panginoon at ang ilan ay nag-aral sa divinity school, kaya hindi ako kasingbihasa nila sa biblikal na kaalaman. Katatanggap ko lang sa gawain ng Diyos sa mga huling araw at wala pa akong alam na maraming katotohanan, kaya hindi ko alam kung paano harapin ‘pag talagang ginipit nila ako. Tahimik akong nagdasal sa Diyos: “O Diyos, hindi ko alam kung paano ko sila haharapin. Gabayan Mo po ako, bigyan ako ng pananalig, at protektahan ako para manatili akong matatag.” Mas kumalma ako pagkatapos magdasal. Tapos, isang matandang diyakono ang nagsabi sa akin, “Mahigit sampung taon ka nang Katoliko at isa kang diyakono. Hindi ko akalain na tatanggapin mo ang Kidlat ng Silanganan. Nadismaya talaga ako. Sinasabi ng mga taga-Kidlat ng Silanganan na nagbalik na ang Panginoon—nakita mo ba Siya? Kung talagang nagbalik na Siya, paanong hindi malalaman ng mga pari? Alam na alam nila ang Bibliya—inilaan nila ang kanilang buhay sa Diyos at labis na nagdusa. Kung nagbalik na ang Panginoon, tama lang na sa kanila Niya ito ihahayag.” Naalala ko ang isang bagay na sinabi sa akin ng mga kapatid sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos: Maraming tao ang nag-iisip na unang ihahayag ng Panginoong Jesus sa mga pari ang Kanyang pagbabalik, pero totoo ba ‘yon? Meron ba ‘yong anumang batayan sa mga salita ng Diyos? Sinabi ba ‘yon ng Panginoong Jesus? Sa katunayan, hindi kailanman sinabi ng Panginoong Jesus na ihahayag muna Niya ito sa mga pari pagbalik Niya, o sinabi sa atin na maghintay para sa isang paghahayag. At sinabi Niya sa atin: “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin(Juan 10:27). “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig sa Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko(Pahayag 3:20). Napakalinaw ng Panginoon. Kung gusto nating salubungin ang Panginoon, ang mahalaga ay ang masusing makinig sa tinig ng Diyos at maghanap ng mga pagpapahayag ng katotohanan. Tulad ng sa Kapanahunan ng Biyaya, hindi sinunod ng mga disipulo ang Panginoong Jesus dahil nakatanggap sila ng paghahayag, kundi dahil narinig nila ang mga katotohanang ipinahayag ng Panginoong Jesus, at nakita na Siya ang Mesiyas na darating, at nakamit nila ang pagliligtas ng Diyos. Pero tumanggi ang mga pinunong Hudyo na tanggapin ang mga katotohanang ipinahayag ng Panginoong Jesus. Kinondena, nilapastangan, at hinusgahan nila ang Kanyang gawain, at sa huli ay ipinako Siya sa krus. Nilabag nito ang disposisyon ng Diyos at isinumpa sila ng Panginoong Jesus. Ngayon ay nagbalik na ang Panginoong Jesus bilang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw, nagpapahayag ng napakaraming katotohanan, na mga salita ng Banal na Espiritu. Tinutupad nito ang propesiya na “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia(Pahayag 3:6). Maraming kapatid na tunay na mananampalataya ang nakabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nakilala ang mga salitang ito bilang ang katotohanan, bilang tinig ng Diyos, at sinalubong ang Panginoon. Ilang pari ba ang piniling suriin ang gawain at mga salita ng Diyos? Hindi lang sila hindi naghanap at nagsiyasat, kinondena at hinusgahan pa nila ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at pinigilan ang mga mananampalataya na tanggapin ang tunay na daan. Wala silang pagnanais na hanapin ang katotohanan. Hindi nila narinig ang tinig ng Diyos at hindi sinalubong ang Panginoon batay sa Kanyang mga salita, bagkus sinabing sa kanila unang ihahayag ng Diyos ang Kanyang pagbabalik. Paano kaya iyon? Ibinahagi ko ang pagkaunawang ito sa mga diyakono, pero magsasalita pa lang ako nang biglang tumayo ang isa sa kanila, itinuro ako at sinabing, “Maaaring medyo may alam ka na ngayon, pero ‘wag mong kalimutan ang sinasabi sa Ebanghelyo ni Mateo, kabanata 24, mga talata 23–24: ‘Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinumang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagkat may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati na’ng mga hirang.’ Napakalinaw ng Kasulatan. Ang lahat ng pahayag na pumarito na ang Panginoon, na Siya ay nagkatawang-tao ay hindi totoo. Nalinlang ka na nang husto—mas mabuting magtapat ka at magsisi kaagad! Kung hindi ka magbabago, nanganganib kang matiwalag, at magiging huli na para magsisi.”

Nainis ako sa sinabi niya. Naisip ko: “Buong araw na binibigyang-pakahulugan ng mga diyakonong ito ang Kasulatan para sa iba, pero ayaw nilang suriin ang isang bagay na kasinghalaga ng pagparito ng Panginoon, at pikit-mata pa nga akong kinokondena, hinuhusgahan, at pinipigilan sa pagsisiyasat sa tunay na daan. Hindi ba’t katulad lang ‘to ng mga Pariseo?” Sinabi ko sa kanya, “Totoo na sinasabi ng Bibliya na lilitaw ang mga huwad na Cristo sa mga huling araw, pero matagal nang ipinropesiya ng Panginoon na Siya ay tiyak na babalik—totoo ito. Ayon sa sinasabi mo, lahat ng balita tungkol sa pagparito ng Panginoon ay hindi totoo, kaya hindi ba’t pagkondena ‘to sa pagbabalik ng Panginoon? Kung gayon, paano natin Siya masasalubong? Sa katunayan, sinasabi sa atin ng Panginoong Jesus ang mga prinsipyo sa pagtukoy sa mga huwad na Cristo. Ang mga huwad na Cristo ay masasamang espiritu na nagbabalatkayo at hindi nila taglay ang diwa ng Diyos, kaya hindi nila maipapahayag ang katotohanan at hindi nila magagawa ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ang magagawa lang nila ay gayahin ang nakaraang gawain ng Panginoong Jesus, nagpapakita ng ilang maliliit na palatandaan at kababalaghan para iligaw ang mga tao.” Naisip ko ang ilan sa mga salita ng Diyos na binasa sa akin noon ng mga kapatid. “Kung, sa panahon ngayon, may lumitaw na isang tao na kayang magpakita ng mga tanda at kababalaghan, magpalayas ng mga demonyo, magpagaling ng mga maysakit, at magsagawa ng maraming himala, at kung sinasabi ng taong ito na siya si Jesus na naparito, isang huwad ito na gawa ng masasamang espiritung gumagaya kay Jesus. Tandaan ito! Hindi inuulit ng Diyos ang parehong gawain. Nakumpleto na ang yugto ng gawain ni Jesus, at hindi na muling isasagawa ng Diyos ang yugtong iyon ng gawain(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Gawain ng Diyos Ngayon). “Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at kaya ang Cristo na kayang magbigay ng katotohanan sa tao ay tinatawag na Diyos. Walang pagmamalabis rito, sapagkat taglay Niya ang diwa ng Diyos, at taglay Niya ang disposisyon ng Diyos, at karunungan sa Kanyang gawain, na hindi kayang abutin ng tao. Ang mga tumatawag sa sarili nila na Cristo, subalit hindi naman kayang gawin ang gawain ng Diyos, ay mga manlilinlang. Hindi lamang pagpapakita ng Diyos sa lupa si Cristo, kundi partikular din na katawang-taong tinaglay ng Diyos habang ginagawa at tinatapos Niya ang Kanyang gawain sa tao. Hindi maaaring palitan ang katawang-taong ito ng kahit na sinumang tao, kundi isang katawang-taong sapat na makakayanan ang gawain ng Diyos sa lupa, at maipapahayag ang disposisyon ng Diyos, at kakatawan nang mahusay sa Diyos, at makapagbigay ng buhay sa tao. Sa malao’t madali, babagsak lahat ng nagpapanggap na Cristo, sapagkat bagama’t inaangkin nilang sila si Cristo, hindi nila taglay ang diwa ni Cristo. Kaya naman sinasabi Ko na hindi kayang tukuyin ng tao ang pagiging-tunay ni Cristo, ngunit sinasagot at pinagpapasyahan ito ng Diyos Mismo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan). Nililinaw ng mga salita ng Diyos kung paano makilala ang mga huwad na Cristo sa tunay na Cristo. Kaya, sinabi ko sa kanila, “Si Cristo ay Espiritu ng Diyos na nakadamit sa katawang-tao. Sa panlabas, si Cristo ay mukhang ordinaryong tao, pero nananahan sa loob ang Espiritu ng Diyos—Siya ang pagsasakatawan ng Espiritu ng Diyos, kaya Siya ay may banal na diwa at nakakapagpahayag ng katotohanan kahit saan, anumang oras, na nagpapakita ng disposisyon ng Diyos, at ng lahat ng mayroon at kung ano Siya. Kaya Niyang gawin ang gawain ng pagtubos at pagliligtas sa sangkatauhan. Maliban kay Cristo, wala nang makapagpapahayag ng katotohanan, lalo na ang iligtas ang sangkatauhan. Walang duda tungkol dito. Kaya ang susi para matukoy ang tunay na Cristo sa mga huwad ay ang tingnan kung kaya nilang ipahayag ang katotohanan, at kung kaya nilang gampanan ang gawain ng pagliligtas. Ito ang pinakamahalaga at pangunahing prinsipyo. Katulad na lang noong pumarito ang Panginoong Jesus para gumawa sa Kapanahunan ng Biyaya. Nagpahayag Siya ng mga katotohanan at ipinakita sa mga tao ang daan ng pagsisisi, gumawa ng maraming himala at gawain ng pagtubos sa buong sangkatauhan. Sa pagtanggap sa gawain ng Panginoong Jesus, at pagtatapat at pagsisisi sa Kanya, pinatawad ang kanilang mga kasalanan at nakaramdam sila ng kapayapaan at kagalakan. Puno ng kapangyarihan at awtoridad ang gawain at mga salita ng Panginoong Jesus. Ipinakita Niya ang disposisyon ng Diyos, at lahat ng mayroon at kung ano Siya. Alam nating lahat mula sa ating puso na Siya si Cristo na nagkatawang-tao, na Siya ang pagpapakita ng Diyos. Ngayon ang Makapangyarihang Diyos, si Cristo ng mga huling araw ay pumarito, gumagawa ng gawain ng paghatol, nagpapahayag ng lahat ng katotohanan na naglilinis at nagliligtas sa sangkatauhan. Hindi lang Siya naghayag ng napakaraming misteryo ng katotohanan, tulad ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos at Kanyang mga pagkakatawang-tao, kundi inilantad din Niya ang ugat ng pagtitiwali ni Satanas sa sangkatauhan. Sa pamamagitan ng paghatol at paghahayag ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, mauunawaan natin ang ugat ng ating mga kasalanan at makikita ang sarili nating satanikong kalikasan, taos-puso tayong mamumuhi sa ating sarili at magsisisi sa Diyos, tapos sa huli ay iwawaksi ang kasalanan, lubusang maliligtas, at makapapasok sa kaharian ng Diyos. Bukod sa Diyos Mismo, sino pa ang makakagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw? Sino ang makapagpapahayag ng lahat ng katotohanan na naglilinis at nagliligtas sa sangkatauhan? Walang tao ang makakagawa nun. Pinapatunayan ng mga ‘to na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, ang pagpapakita ni Cristo ng mga huling araw. Akala ninyong lahat nailigaw ako, pero bakit hindi ninyo tingnan kung ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan? Bakit hindi ninyo suriin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos na iligtas ang sangkatauhan?”

Sa puntong iyon, sinabi ng isa pang diyakono, “Paulit-ulit na binibigyang-diin ng pari na huwag basahin ang aklat ng Kidlat ng Silanganan dahil napakatayog ng mga itinuturo nito, at maraming mabubuting tupa, nangungunang tupa mula sa lahat ng denominasyon ang lumipat sa Kidlat ng Silanganan pagkatapos basahin ang aklat na iyon. Kaya naman hindi natin pwedeng basahin ang aklat ng Kidlat ng Silanganan o pakinggan ang kanilang pangangaral. Para hindi tayo maligaw.” Kaya ang sinabi ko sa kanila ay, “Ganyan din ako mag-isip noon. Sa takot na mailigaw, hindi ako nakikinig, nagbabasa, o nakikipag-ugnayan sa anumang tungkol sa pagparito ng Panginoon, pero may nagbahagi ng ebanghelyo sa akin. Nabasa ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nakita ko na mali ang ginawa ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, ‘Ang pagbabalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga may kakayahang tanggapin ang katotohanan, ngunit para sa mga hindi nagagawang tanggapin ang katotohanan ito ay isang tanda ng pagsumpa. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at tanggihan ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging mangmang at mapagmataas, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang. Pinapayuhan Ko kayo na tahakin nang maingat ang landas ng paniniwala sa Diyos. Huwag kayong magsalita nang patapos; bukod pa riyan, huwag kayong maging kaswal at walang-ingat sa inyong paniniwala sa Diyos. Dapat ninyong malaman na, kahit paano, yaong mga naniniwala sa Diyos ay dapat maging mapagpakumbaba at mapitagan. Yaong mga nakarinig sa katotohanan subalit minamaliit ito ay mga hangal at mangmang. Yaong mga nakarinig sa katotohanan subalit walang-ingat na nagsasalita nang patapos o hinuhusgahan ito ay puno ng kayabangan. Walang sinumang naniniwala kay Jesus ang may karapatang sumpain o husgahan ang iba. Lahat kayo ay dapat magkaroon ng katinuan at maging mga taong tumatanggap sa katotohanan. … Marahil, dahil iilang pangungusap lamang ang nabasa, pikit-matang huhusgahan ng ilang tao ang mga salitang ito, na sinasabing, “Kaunting kaliwanagan lamang ito mula sa Banal na Espiritu,” o, “Huwad na Cristo ito na naparito upang linlangin ang mga tao.” Yaong mga nagsasabi ng gayong mga bagay ay nabubulagan ng kamangmangan! Kakaunti ang nauunawaan mo tungkol sa gawain at karunungan ng Diyos, at pinapayuhan kita na magsimulang muli sa wala! Huwag ninyong pikit-matang husgahan ang mga salitang ipinahayag ng Diyos dahil sa paglitaw ng mga huwad na Cristo sa mga huling araw, at huwag kayong maging isang taong lumalapastangan sa Banal na Espiritu dahil natatakot kayong malinlang. Hindi ba kaawa-awa naman iyon?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa). Natutuhan ko sa mga salita ng Diyos na hindi tayo pwedeng basta-bastang mag-akala tungkol sa isang bagay na kasinghalaga ng pagbabalik ng Panginoon. Noon, nang pumarito ang Panginoong Jesus para gumawa, nagpahayag Siya ng napakaraming katotohanan, at gumawa ng maraming tanda at kababalaghan, pero hindi ito hinanap o siniyasat ng mga Pariseo, o pinakinggan ang Kanyang mga turo. Matindi nila Siyang nilabanan at kinondena. Bilang resulta, nilabag nila ang disposisyon ng Diyos at isinumpa at pinarusahan ng Diyos sa huli. Sa mga huling araw, kung wala tayong pusong naghahanap tungkol sa pagsalubong sa Panginoon, bagkus pikit-mata lang na nanghuhusga at kumokondena, malamang na mapupunta tayo sa landas ng mga Pariseo na laban sa Diyos. Sinasabi sa atin ng Diyos na maging mababang-loob at makatwirang tao tayo na nananabik na hanapin ang katotohanan. Kung hindi tayo naghahanap, bagkus ay hindi nag-iisip na nakikinig sa mga pari, at hindi sinasalubong ang Panginoon batay sa Kanyang sariling mga salita, malamang na hahantong tayong lumalaban sa Diyos at mapaparusahan tayo.” Galit na sumagot ang isang diyakono, “Katolisismo ang tanging tunay na daan. Ang Bibliya lang ang kailangan natin para sa ating pananampalataya sa Panginoon.” Masama ang tingin na sumabad ang aking ama, “Nag-aalala ang lahat na baka mailigaw ka. ‘Tsaka, Katolikong pamilya tayo sa loob ng maraming henerasyon. Paano ito mali? Bakit ba napakamasuwayin mo?” Sinabi ko sa kanya, “Walang masama sa pananalig sa Panginoon, pero gumagawa Siya ngayon ng bagong gawain. Maisasantabi tayo kung hindi natin ito sasabayan. Ang pagsabay sa bagong gawain ng Diyos ang tanging pagkakataon natin na makapasok sa kaharian ng langit.” Pero kahit ano pa ang sabihin ko, walang nakinig. Napagtanto ko na kahit na meron silang katayuan at kaalaman sa Bibliya, wala silang pagkaunawa sa tinig ng Diyos, at walang hangaring maghanap. Hindi na ako nagsalita pa. Nang makita kung gaano ako katatag sa pananampalataya ko sa Makapangyarihang Diyos, lumabas na lang sila ng bahay.

Akala ko’y tapos na silang guluhin ako, pero sa gulat ko, isang matandang diyakono ng aming nayon ang nangbuyo sa mga magulang ko, sinasabing nasa maling landas kami ng asawa ko, at sinabihan silang mag-isip ng paraan para maibalik kami. Nakinig ang nanay ko sa kanya, tapos ay pinayuhan ako, “Nananalig kayo ng asawa mo sa Makapangyarihang Diyos ngayon. Mas bihasa ang mga pari sa Bibliya kaysa sa inyong dalawa, kaya bakit hindi sila nakumbinsi? Isuko na ninyo ang pananampalatayang ‘yan.” Nagsalita siya nang nagsalita at pagkatapos ay nagsimulang umiyak. Kahit anong pagbabahagi ko, hindi nakinig ang nanay ko. Pagkatapos nun, paulit-ulit siyang pumupunta sa bahay namin na umiiyak. Isang beses bandang hatinggabi, nagising ako ng katok sa pinto. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko ang nanay ko, umiiyak at sumisigaw, “Mula nang manalig kayo sa Makapangyarihang Diyos, hindi na ako makatulog. Pinalaki kita sa lahat ng taong ‘yon—bakit ayaw mong makinig sa’kin? Makinig ka sa’kin at bumalik ka sa simbahan….” Sabi ko sa kanya, “Sa Simbahang Katoliko, naniniwala kami sa Panginoong Jesus, at ngayon ay naniniwala kami sa pagbabalik ng Panginoong Jesus. Iisang Diyos lang ito. Ang gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus ay para lang patawarin tayo sa ating mga kasalanan, hindi para alisin ang ating makasalanang kalikasan. Hindi tayo lubusang iniligtas ng gawain Niya mula sa ating kasalanan. Nagbalik ang Panginoong Jesus sa mga huling araw bilang Makapangyarihang Diyos. Nagpapahayag Siya ng mga katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoon para lubusang linisin at iligtas ang tao. Ang pagtanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw ang tanging pagkakataon natin na madalisay, ganap na mailigtas, at makapasok sa kaharian ng Diyos. Nakasabay ako sa mga yapak ng Kordero at natagpuan ko ang landas patungo sa kaharian ng langit. Hindi na ako babalik sa simbahan.” Pero ayaw makinig ng nanay ko. Nang mapagtanto niya na anuman ang sabihin niya, matatag ako sa pananampalataya ko sa Makapangyarihang Diyos, nagsimula siyang humagulgol. Nalulungkot ako na makita siyang labis na nasasaktan. Noon pa man ay malapit na ako sa mga magulang ko, pero ngayon ay hindi nila ako maintindihan, at inaapi at ginugulo ako ng mga diyakono. Sa ganito kahirap na landas ng pananampalataya, pa’no ko ito dapat tahakin? Naalala ko ang isang bagay na sinabi ng Makapangyarihang Diyos: “Huwag kang masiraan ng loob, huwag manghina, at gagawin Kong malinaw ang mga bagay-bagay para sa iyo. Ang daan tungo sa kaharian ay hindi masyadong patag; walang ganyan kasimple! Nais ninyo na madaling magkamit ng mga pagpapala, hindi ba? Ngayon, ang bawat tao ay magkakaroon ng mapapait na pagsubok na haharapin. Kung wala ang mga ganitong pagsubok, ang mapagmahal na pusong taglay ninyo para sa Akin ay hindi titibay at hindi kayo magkakaroon ng tunay na pag-ibig para sa Akin. Kahit na binubuo lamang ang mga pagsubok na ito ng maliliit na bagay, dapat dumaan ang lahat ng tao sa mga iyon; magkakaiba lamang ang antas ng kahirapan ng mga pagsubok sa bawat tao. … Ang mga nakikibahagi sa Aking kapaitan ay tiyak na makikibahagi sa Aking katamisan. Iyan ang Aking pangako at Aking pagpapala sa inyo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 41). Ipinahiya ako ng mga salita ng Diyos. Umasa ako na magiging madali ang pananalig sa Diyos, na maliligtas ako nang walang anumang pagdurusa, pero hindi ‘yon ang realidad. Ang landas patungo sa kaharian ng langit ay hindi madali, nararanasan natin ang lahat ng uri ng pang-aapi, pagsubok, paghihirap, at pagdurusa. Pero gagamitin ng Diyos ang mga mapanghamong sitwasyong ito para gawing perpekto ang ating pananampalataya at pagmamahal sa Diyos. Naisip ko ang mga disipulo na sumunod sa Panginoong Jesus noong unang panahon. Wala silang narinig na maraming katotohanan, pero nang maharap sila sa pang-aapi at paghihirap, napanatili nila ang kanilang pananampalataya sa Panginoon. Naging mapalad ako na masalubong ang nagbalik na Panginoon, na mabasa ang mga katotohanang ipinahayag ng Diyos sa mga huling araw, at mahanap ang landas tungo sa ganap na kaligtasan. Hindi ko pwedeng isuko ang tunay na daan dahil lang sa nanay ko, at mawala ang pagkakataon kong makamit ang katotohanan at buhay.

Pagkatapos nun, patuloy ang palaging pag-iyak ng nanay ko sa harap ko, at sinabing itatakwil niya ako kung mananatili akong nananalig sa Makapangyarihang Diyos, at maghihiwalay kami ng landas. Sa totoo lang, masakit para sa akin na makita siyang ganito. Hindi naging madali para sa kanya ang pagpapalaki sa akin. Napakamapagmahal niya sa akin, palaging nagmamalasakit at nag-aalala sa akin. 66 taong gulang na siya at ‘di gaanong mabuti ang kalusugan. Bukod sa ‘di ko siya iginalang, palagi rin akong nagdudulot ng labis na pagkabalisa sa kanya. Kung magkakasakit siya, hindi kakayanin ng konsensya ko. Medyo nanghina ako, at pakiramdam ko’y may utang ako sa kanya. Nagtapat ako sa mga kapatid tungkol sa kalagayan ko, at binasahan nila ako ng isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Dapat kang magdusa ng paghihirap alang-alang sa katotohanan, dapat mong ibigay ang iyong sarili sa katotohanan, dapat kang magtiis ng kahihiyan para sa katotohanan, at upang higit pang makamit ang katotohanan, dapat kang sumailalim sa higit pang pagdurusa. Ito ang dapat mong gawin. Hindi mo dapat itapon ang katotohanan alang-alang sa isang mapayapang buhay-pamilya, at hindi mo dapat iwala ang dangal at integridad ng iyong buhay para sa pansamantalang kasiyahan. Dapat mong hangarin ang lahat ng mainam at mabuti, at dapat mong hangarin ang isang landas sa buhay na higit na makahulugan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol). Alam ko na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, at na dapat kong isuko ang lahat para sa aking hangarin, pero pinigilan ako ng emosyon. Nang makita ang mga luha at kalungkutan ng nanay ko, naisip ko na bilang anak niya, ang hayaan siyang maging malungkot ay pagiging walang galang. Pero sa katunayan, kahit pinalaki ako ng nanay ko hanggang sa pagtanda, minahal at inalagaan ako, at dapat ko siyang igalang at alagaan sa aming buhay-tahanan, ang mismong buhay ko ay ibinigay sa akin ng Diyos, at ang Diyos lang ang makapagliligtas sa akin. Naging mapalad ako na marinig ang tinig ng Diyos ngayon, na mabiyayaan ng Diyos sa mga huling araw at magkaroon ng pagkakataong ito sa kaligtasan. Hindi ko pwedeng isuko ang tunay na daan at ipagkanulo ang Diyos dahil sa alitan ng pamilya. Sinabi rin ng Panginoong Jesus, “Kung ang sinumang tao’y pumaparito sa Akin, at hindi napopoot sa kanyang sariling ama, at ina, at asawang babae, at mga anak, at mga kapatid na lalaki, at mga kapatid na babae, oo, at pati sa kanyang sariling buhay man, ay hindi siya maaaring maging disipulo Ko(Lucas 14:26).

Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. “Sa bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa kalooban ng mga tao, sa panlabas ay mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na para bang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panghihimasok ng tao. Ngunit sa likod ng mga eksena, ang bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at hinihingi sa mga tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubukan, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay mga gawa ng tao, at panghihimasok ng mga tao. Sa likod ng bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa inyo ay ang pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Matapos basahin ang siping ito, napagtanto ko na kung titingnan, mukha itong paghadlang ng nanay ko sa akin, pero sa likod nito ay ang mga paggambala at manipulasyon ni Satanas. Inaatake ako ni Satanas sa pamamagitan ng pagmamahal at paggalang ko sa nanay ko, para ipagkanulo ko ang Diyos at mawala ang pagkakataon ko na mailigtas. Maraming beses akong nagbahagi sa kanya sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, pero hindi niya ito kailanman hinanap o siniyasat. Sinamba lang niya ang katayuan at kapangyarihan, at nakinig sa pari at mga diyakono. Napakamiserable niya ngayon dahil wala siyang pagkakilala, at pikit-matang naniniwala sa sinasabi ng iba. Hindi ‘yon dahil sa pananampalataya ko. Nakaramdam ako ng labis na paglaya sa napagtanto kong ito at malinaw kong nakita kung gaano kasama si Satanas. Ang gawain ng Diyos ay nagliligtas sa mga tao, pero ginagawa ni Satanas ang lahat para akitin ang mga tao na lumayo sa Diyos, na ipagkanulo Siya. Hindi ako pwedeng mahulog sa mga panlilinlang nito; kailangan kong manindigan sa pagpapatotoo.

Kalaunan, pumunta ako sa bahay ng isang kaibigan para ibahagi ang ebanghelyo, pero naroon ang pari. Nang makita niya ako, hinawakan niya ang magkabilang braso ko at seryosong sinabi sa’kin, “Nangangaral ka pa rin ng Kidlat ng Silanganan. Kung hindi ka magsisisi, dadalhin kita sa pulis.” Hindi pa rin ako bumigay. Tapos, nambobola niyang sinabi, “Pinaplano kong sanayin ka para sa isang mahalagang posisyon. Gusto kong pamahalaan mo ang lahat ng simbahan sa hilagang rehiyon natin. Hindi ko akalain na pupunta ka sa Kidlat ng Silanganan. Nakakadismaya! Kung babalik ka ngayon, pwede pa rin kitang gawing pinunong diyakono. Kung hindi ka na matatauhan, patatalsikin na kita agad sa simbahan at sasabihin sa iba pang mga taga-parokya na putulin ang ugnayan sa’yo. Mauuwi sa wala ang lahat ng pagsisikap mo noon at lahat ng nagawa mo.” Nang sabihin niya ‘yon, naisip ko, hindi niya kailanman binanggit ang tungkol sa paglinang sa akin noon, kaya bakit niya gagawin ‘yon ngayong tinanggap ko na ang gawain ng Diyos sa mga huling araw? Hindi ba’t ginagamit ni Satanas ang pari para tuksuhin ako? Gusto ng pari na suhulan ako ng katayuan para ipagkanulo ko ang Diyos. Panlilinlang ‘yon ni Satanas. Kung isusuko ko ang tunay na daan at ipagkakanulo ang Diyos para sa isang posisyon, mawawalan ako ng pagkakataong mailigtas at makapasok sa kaharian ng langit. Mawawalan ng kabuluhan ang pagkakaroon ng ranggo, at sa huli ay palalayasin at parurusahan ako. Sinabi ko ang lahat ng ‘yon sa pari, na talagang ikinagalit niya. Nang hindi mapabulaanan ang sinabi ko, sinimulan niya akong ipagtabuyan: “Umalis ka na rito at huwag ka nang mangaral dito, kung hindi, isusumbong kita sa pulis.” Tinutulak niya ako palabas habang nagsasalita. Habang pauwi, naisip ko: Bilang pari, ang hindi pagsuri sa isang bagay na kasinghalaga ng pagbabalik ng Panginoon, at pangunguna sa pagkondena, paglaban, at pagpigil sa mga mananampalataya na magsiyasat, pagbabanta pa na ipaaresto ako, hindi maaaring isa siyang tunay na mananampalataya. Kalaunan, nang makita ng nanay ko kung gaano kami katatag sa aming pananampalataya, huminto na siya sa paghadlang sa amin, at sinabi sa amin na nagawa niya ang lahat ng ‘yon noon dahil inutusan siya ng isang nakatatandang diyakono. Galit na galit ako. Naalala ko ang pagkondena ng Panginoon sa mga Pariseo: “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagkat sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagkat kayo ay hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok. … Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagkat inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong mapagbabalik-loob; at kung siya ay magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impiyerno kaysa sa inyong sarili(Mateo 23:13, 15). Meron ding sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. “Mayroong mga nagbabasa ng Bibliya sa mga malalaking iglesia at nagsasalaysay nito nang buong araw, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakauunawa sa layon ng gawain ng Diyos. Wala ni isa sa kanila ang nakakilala sa Diyos, lalong wala ni isa sa kanila ang nakaayon sa kalooban ng Diyos. Lahat sila ay walang halaga, masasamang tao, bawat isa ay nagpapakataas upang pangaralan ang Diyos. Sadya nilang sinasalungat ang Diyos kahit na dala-dala nila ang Kanyang bandila. Sinasabi nilang sila ay nananampalataya sa Diyos, subalit kumakain pa rin sila ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng ganitong tao ay mga diyablong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong demonyo na sadyang humahadlang sa mga sumusubok na tumapak sa tamang landas, at mga balakid na nakasasagabal sa mga naghahanap sa Diyos. Sila ay tila may ‘magagandang konstitusyon,’ ngunit paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay walang iba kundi mga anticristo na umaakay sa mga tao na manindigan laban sa Diyos? Paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay mga nabubuhay na diyablo na nakatuon sa paglamon ng mga kaluluwa ng tao?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Lahat ng Taong Hindi Nakakakilala sa Diyos ay mga Taong Sumasalungat sa Diyos). Nakita ko mula sa mga paghahayag ng mga salita ng Diyos na ang mga lider ngayon sa mundo ng relihiyon ay katulad ng mga Pariseo. Sila ay mga anticristo na napopoot sa katotohanan at ginagawang kaaway ang Diyos. Noon, nag-imbento ang mga Pariseo ng lahat ng uri ng tsismis, nilabanan at kinondena ang Panginoong Jesus, at iniligaw at pinigilan ang mga mananampalataya sa pagsunod sa Kanya. Iyon ay para mapanatili nila ang kanilang katayuan at pinagkakakitaan. Ngayon, nakikita ng mga pinuno sa mundo ng relihiyon na ang lahat ng ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, at sa sandaling nababasa ito ng mga tunay na mananampalataya, nakikilala ng mga ito ang tinig ng Diyos. Natatakot sila na susunod ang lahat sa Diyos at titigil sa pag-idolo at pagsuporta sa kanila. Hindi sila magdadalawang-isip na bigyan ng maling pakahulugan ang Kasulatan para lang protektahan ang kanilang katayuan at mga kabuhayan, at nagpapakalat sila ng mga maling paniniwala, sinasabing ang lahat ng balita ng pagparito ng Panginoon ay hindi totoo, na ang anumang pangangaral ng pagparito ng Diyos sa katawang-tao ay hindi totoo, para hindi makinig, maniwala, o makipag-ugnayan ang mga mananampalataya sa mga nangangaral ng pagparito ng Panginoon. Sa sandaling may tumanggap sa bagong gawain ng Diyos, ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para pigilan ang mga ito, isinusuplong pa nga ang mga nag-eebanghelyo sa satanikong rehimen. Bukod sa hindi nila mismo sasalubungin ang Panginoon, mahigpit din nilang kinokontrol ang mga mananampalataya kaya sumusunod ang lahat sa kanila sa paglaban sa Diyos, nasasadlak sa sakuna, at napaparusahan. Sobra silang masama at mapaminsala. Sila ang mga anticristo sa mga huling araw na inilantad ng Diyos, at nararapat sa kanila ang sumpa ng Diyos! Pagkatapos nun, gaano man nila ako guluhin o hadlangan, nanatili akong matatag sa aking pananampalataya at patuloy na nagbahagi ng ebanghelyo.

Sa buong panahong ‘yon na hinahadlangan ang pananampalataya ko, naramdaman ko ang pagmamahal ng Diyos. Ginabayan ako ng mga salita ng Diyos, at dahil do’n, muli’t muli kong nadaig ang mga tukso at paggambala ni Satanas. Malinaw ko ring nakita kung paanong ang mga pari at diyakono, ang mga pinunong ito ng relihiyon, ay mga anticristo na laban sa Diyos, kung paanong sila’y mga balakid na pumipigil sa mga tao sa pagpasok sa kaharian. Taos-puso ko silang tinanggihan, matatag sa aking pananalig na sundin ang Makapangyarihang Diyos. Salamat sa Diyos!

Ngayon nagsimula na ang malalaking sakuna. Paano natin masasalubong ang pagbabalik ng Panginoon at magkaroon ng pagkakataong matamo ang proteksyon ng Diyos? Makipag-ugnayan sa amin ngayon upang mahanap ang paraan.

Kaugnay na Nilalaman

Bilanggo ng Sarili Kong Pamilya

Ni Jingxun, Thailand Tinanggap ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw noong 2019. Sa pagbabasa ng salita ng Diyos, nakita ko kung paano...

Nawala at Natagpuang Muli

Ni Xieli, Estados Unidos Nagpunta ako sa U.S.A. upang magtrabaho nang husto hanggang sa abot ng makakaya ko sa paghahangad ng isang...

Kontakin Kami Gamit ang Messenger