Paano Makakamit ang Buhay na Walang Hanggan sa Pamamagitan ng Pananampalataya sa Anak

Agosto 5, 2020

Ang pinakadakilang hangarin ng bawat isa sa atin na naniniwala sa Panginoon ay ang makapasok sa kaharian ng langit at makamit ang buhay na walang hanggan. Sinasabi ng Bibliya, “Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; nguni’t ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Dios ay sumasa kaniya(Juan 3:36). Maraming mga tao ang nag-iisip na ang pananampalataya sa Anak ay nangangahulugang pananampalataya sa Panginoong Jesucristo, at ang daan ni Jesus ay ang daan ng buhay na walang hanggan. Kaya, kapag may nagpapatotoo sa kanila na ang Cristo lamang ng mga huling araw ang maaaring magbigay ng buhay na walang hanggan sa tao, hindi nila ito matanggap. Iniisip nila na makakamit nila ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng paniniwala sa Panginoong Jesus, kaya ano ang pangangailangan upang tanggapin ang mga salita at gawain ng Cristo ng mga huling araw? Upang maunawaan ang isyung ito, dapat muna nating maunawaan kung ano ang eksaktong kahulugan ng “Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan” at kung paano tayo makakakamit ng buhay na walang hanggan. Ang mga bagay na ito ay mahalaga dahil mayroon silang direktang kaugnayan sa ating mga kapalaran at katapusan, kaya’t tayo ay magfellowship at siyasatin ang mga ito nang magkasama.

Ano ang Tunay na Pananampalataya sa Anak? Makakamit ba Natin ang Buhay na Walang Hanggan sa Pamamagitan ng Pananampalataya sa Panginoong Jesus?

Alam nating lahat na ang paniniwala sa Anak ay nangangahulugang paniniwala kay Cristo sa katawang-tao, at iniisip natin na ang pananampalataya sa Anak ay nangangahulugang pananampalataya sa Panginoong Jesus. Ngunit ito ay kalahating tama lamang, at hindi ito ang tunay na ibig sabihin ng paniniwala sa Anak. Malinaw na iprinopesiya ng Bibliya na sa pagbabalik ng Panginoon, babalik Siya sa katawang-tao bilang ang Anak ng tao: “Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating(Lucas 12:40). “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito(Lucas 17:24–25). “At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao(Mateo 24:37). Ang mga salitang “Ang anak ng tao ay darating” at “ang pagparito ng Anak ng tao” ay tumutukoy sa isang taong ipinanganak ng tao na nagtataglay ng normal na katauhan. Ang espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang pagkabuhay na muli ay hindi matatawag na Anak ng tao, at kaya sa pagbabalik ng Panginoon, Siya ay muling magkakatawang-tao bilang ang Anak ng tao. Ang mga salitang sinalita ng Panginoong Jesus, “Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan” ay hindi lamang tumutukoy sa pananampalataya sa Panginoong Jesus, ngunit nangangahulugan din ito ng pananampalataya sa Cristo na nagkatawang-tao sa mga huling araw. Ito lamang ang tunay na pananampalataya sa Anak.

Ang ilang mga tao ay hindi nauunawaan ito, at naniniwala na noong sinabi ng Panginoong Jesus, “Datapuwa’t ang sinomang umiinom ng tubig na sa kaniya’y Aking ibibigay ay hindi mauuhaw magpakailan man; nguni’t ang tubig na sa kaniya’y Aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan(Juan 4:14), ipinakita nito na ang Panginoong Jesus ay nagtataglay ng daan ng buhay na walang hanggan. Itinatanong nila: “Bakit hindi tayo makakakamit ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan lamang ng pananamplataya sa Panginoong Jesus? Kailangan ba talaga nating sumampalataya sa Anak ng tao sa mga huling araw? Maaari bang hindi tayo kayang bigyan ng Panginoong Jesus ng buhay na walang hanggan?” Hindi natin dapat sabihin ang mga bagay na ito, ngunit sa halip ay dapat magkaroon tayo ng kalinawan sa bagay na ito: Ang Panginoong Jesus ay Diyos na nagkatawang-tao; Siya ay nagtataglay ng pagkakakilanlan at kakanyahan ng Diyos; Siya ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at likas Niyang taglay ang daan ng buhay na walang hanggan. Kaya bakit hindi tayo makakakamit ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan lamang ng paniniwala sa Panginoong Jesus, ngunit dapat din na maniwala sa Cristo ng mga huling araw bago natin makamit ang daan ng buhay na walang hanggan? Ito ay direktang konektado sa gawain ng Diyos at bunga ng bawat hakbang ng gawain ng Diyos. Alam ng lahat na sa pagtatapos ng Kapanahunan ng Kautusan, ang lahat ng sangkatauhan ay nasa panganib na malagay sa kamatayan dahil sa paglabag sa mga batas, at kailangan nila ng walang hanggang handog sa kasalanan. Iyon ang dahilan kung bakit ang Panginoong Jesus ay nagkatawang-tao at dumating sa lupa, at personal na ipinako sa krus para sa sangkatauhan, na nagiging handog para sa kasalanan ng tao. Pagkatapos nito, ang mga tao ay kailangang lamang magsisi at manalangin sa Diyos, at mapapatawad na ang kanilang mga kasalanan. Ang hindi maikakaila, gayunpaman, ay nabubuhay pa rin tayo sa kasalanan at hindi natin kayang sundin ang mga turo ng Panginoon; hindi natin maiwasan ang laging magkasala at pagkatapos ay magkumpisal, nabubuhay sa paulit-ulit na paggawa ng kasalanan. Ang ating mga kasalanan ay hindi pa ganap na nalilinis at ang ugat na sanhi ng ating kasalanan ay hindi pa nalulutas. Hanggang sa mangyari iyon, hindi tayo karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit at makakamit ng buhay na walang hanggan.

Tulad ng sinasabi ng salita ng DiyosKahit na ang tao ay natubos at napatawad sa kanyang mga kasalanan, ito ay maaaring ituring lamang bilang hindi pag-alala ng Diyos sa mga paglabag ng tao at hindi pagtrato sa tao alinsunod sa mga paglabag ng tao. Subali’t, kapag ang tao na namumuhay sa laman, at siya ay hindi pa napapalaya mula sa kasalanan, siya ay maaaring magpatuloy lamang sa pagkakasala, walang-katapusang paghahayag ang kanyang maka-satanas na disposisyon. Ito ang pamumuhay ng tao, isang walang-katapusang pag-ikot ng kasalanan at kapatawaran. Ang karamihan ng mga tao ay nagkakasala sa araw upang magtapat ng kasalanan sa gabi. Dahil dito, kahit na ang handog para sa kasalanan ay magpakailanmang mabisa para sa tao, hindi nito magagawang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ang nakumpleto, sapagka’t ang tao ay mayroon pa ring tiwaling disposisyon(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4). “Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad dahil sa gawain ng pagpapapako sa krus ng Diyos, nguni’t ang tao ay patuloy na namuhay sa dating tiwaling maka-satanas na disposisyon. Dahil dito, ang tao ay dapat na ganap na mailigtas mula sa tiwaling maka-satanas na disposisyon upang ang makasalanang kalikasan ng tao ay maaaring ganap na maiwaksi at hindi na kailanman muling mabubuo, at sa gayon ay tinutulutang mabago ang disposisyon ng tao. Kakailanganin nito na maunawaan ng tao ang landas ng paglago sa buhay, ang landas ng buhay, at ang paraan upang baguhin ang kanyang disposisyon. Kakailanganin din na ang tao ay kumilos alinsunod sa landas na ito, nang sa gayon ang disposisyon ng tao ay unti-unting mababago at makakapamuhay siya sa ilalim ng pagsikat ng liwanag, at upang maaaring magawa niya ang lahat ng bagay ayon sa kalooban ng Diyos, iwaksi ang tiwaling maka-satanas na disposisyon, at lumaya mula sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas, at dahil dito ganap na makakalaya mula sa kasalanan. Doon lamang matatanggap ng tao ang ganap na kaligtasan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4).

Lubhang napatiwali tayo ni Satanas at ang ating satanikong kalikasan ay malalim na nakaugat sa loob natin. Pinangungunahan tayo ng satanikong disposisyon na ito gaya ng pagkamakasarili, pagmamataas, at panlilinlang. Patuloy tayong nagkakasala at nagkukumpisal nang walang katapusan, hindi kayang palayain ang ating sarili sa mga gapos ng kasalanan. Upang masiyahan ang ating sariling mga personal na interes sa iba’t ibang mga sitwasyon, palagi tayong nagsasabi ng kasinungalingan at nililinlang ang iba; kapag gumagawa tayo para sa Panginoon at nangangaral, lagi tayong nagpapasikat at ipinagmamalaki ang ating sarili, inaasahan na ang iba ay titingalain at igagalang tayo; tungkol sa kung paano natin pakikitunguhan ang Diyos, nagpapasalamat tayo sa Kanya kapag pinagpapala Niya tayo, gayunpaman hindi maunawaan at sinisisi ang Diyos kapag dumarating ang mga pagsubok sa atin. Ilan lamang ito sa mga halimbawa. At kaya kung tayo, na madalas na nagkakasala, na lumalaban sa Diyos at nagkakanulo sa Diyos, ay tinatanggap lamang ang kaligtasan ng Panginoong Jesus at napatawad ang ating mga kasalanan, ngunit ang ating tiwaling disposisyon ay nananatiling hindi pa nalilinis, paano natin makakamit ang buhay na walang hanggan? Makikita natin mula sa mga resulta na nakamit ng gawain ng Diyos na ang gawain na ginawa ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ay nagpahintulot lamang sa mga tao na mapatawad ang kanilang mga kasalanan, at ginawa silang hindi na makasalanan, ngunit hindi sila makakakamit ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan lamang ng pananampalataya sa Panginoong Jesus. Nang sinabi ng Panginoon, “Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan,” Siya ay tunay na nagpapatotoo sa katotohanan na ang Panginoong Jesus ay ang Diyos Mismo na nagpapakita sa katawang-tao. Pinatotohanan Niya ang awtoridad ng Diyos, na Diyos lamang ang nagbibigay ng buhay na walang hanggan sa tao. Gayunman, hindi sinabi ng Panginoon na ibibigay Niya ang daan ng buhay na walang hanggan sa tao sa Kapanahunan ng Biyaya, at na sa pamamagitan ng pagtanggap ng Kanyang kaligtasan, ang mga tao ay makakakuha ng buhay na walang hanggan. Kung nais nating makamit ang daan ng buhay na walang hanggan at madalisay ang tiwaling disposisyon, kung gayon ay dapat nating tanggapin ang mga salita at gawain ng nagkatawang-taong Anak ng tao sa huling araw. Kung nananampalataya lamang tayo sa Panginoong Jesus at hindi tinatanggap ang Anak ng tao na bumalik sa mga huling araw, kung gayon ang ating “pananampalataya sa Anak” ay kalahating pananampalataya lamang at hindi matatawag na tunay na pananampalataya sa Anak, mas lalo na ang makapasok sa kaharian ng langit at makakamit ng buhay na walang hanggan.

Tanging ang Cristo lamang ng mga Huling Araw ang Makakapagbigay ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan Sa Tao

Ang ilan ay maaaring magtanong ngayon, “Yamang hindi tayo makakamit ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan lamang ng pananampalataya sa Panginoong Jesus, at makakamit lamang natin ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pagtanggap sa Cristo ng mga huling araw, kung gayon paano ibibigay sa atin ng Cristo ng mga huling araw ang daan ng buhay na walang hanggan?” Iprinopesiya ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi Siya magsasalita ng mula sa Kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na Kaniyang marinig, ang mga ito ang Kaniyang sasalitain: at Kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12–13). “At binigyan Niya Siya ng kapamahalaang makahatol, sapagka’t Siya’y anak ng tao(Juan 5:27). “At kung ang sinomang tao’y nakikinig sa Aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi Ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi Ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:47–48). Makikita natin mula sa mga propesiya ng Panginoong Jesus na sa pagkakatawang-tao ng Diyos sa mga huling araw, bibigkas Siya ng mas maraming mga salita, isasagawa ang gawain ng paghatol at paglilinis ng tao, ganap na iligtas ang tao mula sa impluwensya ni Satanas at magagawa tayong makakamit ng buhay na walang hanggan. Nang dumating ang Panginoong Jesus upang isagawa ang Kanyang gawain, ang tao ay may maliit na tayog at hindi makayanan ang gawain ng paghatol at pagkastigo ng Diyos. Iyon ang dahilan kung bakit ipinahayag ng Diyos ang katotohanan upang maisagawa ang yugtong ito ng gawain sa mga huling araw, sapagkat ang Diyos ay laging gumagawa sa mga yugto ayon sa tayog ng tao. Ngayon, ang Panginoong Jesus na sabik nating hinihintay ay bumalik na sa katawang-tao—Siya ay ang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw. Sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, ang Makapangyarihang Diyos ay nagpapahayag ng lahat ng mga katotohanan na maaaring magdalisay at magligtas sa sangkatauhan; Isinasagawa Niya ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos, dinadala sa atin ang daan ng buhay na walang hanggan. Ganap nitong tinutupad ang mga propesiya ng Panginoong Jesus.

Basahin natin ang mga salita ng Diyos: “Ang Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng walang maliw at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ay ang landas kung saan makakamit ng tao ang buhay, at ang tanging landas kung saan makikilala ng tao ang Diyos at masasang-ayunan ng Diyos. Kung hindi mo hahanapin ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, sa gayon, hindi mo kailanman makukuha ang pagsang-ayon ni Jesus, at hindi kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagka’t ikaw ay kapwa sunud-sunuran at bilanggo ng kasaysayan. Silang mga kontrolado ng mga tuntunin, ng mga titik, at nakagapos sa kasaysayan ay hindi kailanman makakamtan ang buhay, at hindi kailanman makakamtan ang walang hanggang daan ng buhay. Iyan ay dahil ang mayroon lang sila ay malabong tubig kung saan kumapit nang libu-libong taon, sa halip na ang tubig ng buhay na dumadaloy mula sa luklukan. Silang mga hindi nabigyan ng tubig ng buhay ay mananatiling mga bangkay magpakailanman, mga laruan ni Satanas, at mga anak ng impiyerno(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan).

Sa mga huling araw, si Cristo ay gumagamit ng sari-saring katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat mabuhay nang normal ang tao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan).

Sabi ng Diyos, “Ang Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng walang maliw at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ay ang landas kung saan makakamit ng tao ang buhay, at ang tanging landas kung saan makikilala ng tao ang Diyos at masasang-ayunan ng Diyos.” Ang mga salita ng Diyos ay napakalinaw: Ang landas ng buhay na walang hanggan ay nagmumula sa Cristo ng mga huling araw, at sa pamamagitan lamang ng pagtanggap sa paghatol at pagdadalisay ng Cristo ng mga huling araw na makakamit natin ang buhay na walang hanggan. Sa pamamagitan ng pagpapasailalim sa paghatol ng Diyos ng mga huling araw, ang ating pag-uugali at pakikitungo sa iba ay maaaring umayon sa mga salita ng Diyos, at tayo ay may kakayahang pangasiwaan ang mga bagay nang may prinsipyo, kaya hindi na tayo nagkakasala o lumalaban sa Diyos, at magagawang sumunod sa Diyos. Iyon ay, ang lahat ng mga katotohanan na ipinahayag ng Diyos sa mga huling araw na nagdadalisay at nagliligtas sa atin ay nagiging ating buhay, at sa gayon lamang tayo maaaring maging angkop na makapasok sa kaharian ng langit at maging mga tao na nakatamo ng buhay na walang hanggan. Ngunit tayo ay malalim na natiwali ni Satanas ngayon, alinsunod sa ating mga pangangailangan, ipinahayag ng Diyos ang lahat ng mga katotohanan na makapagpapahintulot sa atin na lubos na makalaya mula sa impluwensya ni Satanas at makamit ang buong kaligtasan, at ang mga katotohanang ito ang daan ng walang hanggang buhay na ibinibigay ng Diyos sa tao. Ipinapahayag ng Diyos ang mga salita na naglalantad ng kalikasan at kakanyahan ng tao, mga salita na nagtuturo sa tao kung paano sumunod at mahalin ang Diyos, mga salitang nagpapatotoo sa kung ano ang mayroon ang Diyos at kung ano Siya, at marami pa. Kapag binabasa natin ang mga salita ng Diyos at naranasan ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, nagkakaroon tayo ng totoong pag-unawa sa ating sariling satanikong kalikasan. Makikita natin na kahit na maaari nating ipakita ang maraming mababaw na mabubuting pag-uugali, sa loob ay puno tayo ng mga satanikong tiwaling disposisyon tulad ng kayabangan at pagmamalaki, kung saan hindi tayo nakikinig kanino man, na nais nating mangibabaw mula sa karamihan, hindi mahalaga kung sino ang mga kasama natin, kung saan lagi nating nais na maging numero uno, at ginagawang tingalain tayo ng iba at sambahin tayo; pagiging labis na buktot at mapanlinlang, makasarili at kasuklam-suklam, sakim at masama, isinasaalang-alang lamang natin ang ating sariling mga interes, tayo ay gumagawa at ginugugol ang ating sarili para sa Diyos para makipagpalitan sa Kanya upang makapasok tayo sa kaharian ng langit at makamit ang buhay na walang hanggan. Ang mga bagay na ito ay hindi kayang mapalugod ang Diyos. Kung ang gawain ng Diyos ay salungat sa ating sariling mga paniwala, maaari pa rin nating tanggihan ang Diyos, husgahan ang Diyos, at labanan ang Diyos. Kapag ang mga sakunang likas o gawa ng tao ay dumating sa atin, kapag nakakaranas tayo ng mga pagsubok at pagdurusa, sinisisi natin ang Diyos at ipinagkakanulo ang Diyos. Sa mga oras na tulad nito ay nakikita natin nang malinaw ang pangit na mukha ng ating katiwalian dahil kay Satanas. Pagkatapos ay kinikilala natin na ang ating sariling kalikasan ay talagang kay Satanas, at nagsisimula tayong kamuhian at kasuklaman ang ating mga sarili mula sa kaibuturan ng ating mga puso. Nagsisisi tayo sa Diyos, nagtutuon tayo sa paghahabol at pagsasanay ng katotohanan, nabubuhay tayo ng may pagkakatulad sa wangis ng tao, at ang ating tiwaling disposisyon ay dahan-dahang nalilinis at nababago. Kung wala ang mga katotohanang ito na ipinahayag ng Cristo ng mga huling araw, hindi magkakaroon ng tunay na pagsisisi o pagbabago sa atin. Sa pamamagitan ng pagdanas sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw at madalisay, kung gayon ay magagawa nating mabuhay sa mga salita ng Diyos. Kung sasailalim tayo nang higit pang paghatol at pagkastigo ng Diyos at ang ating mga disposisyon ay lubusang mabago, kung gayon magagawa nating sumunod sa Diyos at bigyang pansin ang Kanyang mga salita—sa gayon ay nakamit na tayo ng Diyos, tulad ng dalisay at matapat na “maliit na mga bata.” Ang mga nadalisay sa pamamagitan ng paghatol, yaong mga dalisay at matapat, ay papasok sa kaharian ng langit at matatamo ang buhay na walang hanggan. Ito ang pangako ng Diyos, tulad ng naipropesiya sa Aklat ng Pahayag: “Mapapalad ang nangaghuhugas ng kanilang damit, upang sila’y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay, at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan(Pahayag 22:14). Sa kabaligtaran, kung hindi natin tatanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw, imposible na malinis ang ating mga kasalanan o para sa atin na makapasok sa kaharian ng Diyos. Ito ay tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus: “Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; nguni’t ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Dios ay sumasa kaniya(Juan 3:36).

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Nakamit mo Ba ang Daan Patungo sa Buhay na Walang Hanggan?

Ang Diyos ang bukal kung saan dadaloy ang tubig ng buhay, at nasa Kanya ang buhay na walang hanggan. Nguni’t bilang mga mananampalataya sa Panginoon, nasa atin ba ang daan patungo buhay na walang hanggan? Magpatuloy sa pagbasa upang mas matuto…

Kontakin Kami Gamit ang Messenger