Isang Huling Pagkamulat

Agosto 3, 2022

Ni Lin Min, Tsina

Noong 2013, tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Napakasigasig ko noong panahong ‘yon. Madalas akong nagbabasa ng salita ng Diyos, dumadalo sa mga pulong, at aktibong nakikipagbahaginan. ‘Di nagtagal, itinalaga ako ng aking lider bilang tagapamahala ng ilang grupo ng pagpupulong, at madalas din niya akong hikayatin na hanapin ang katotohanan, at inihanda akong sanayin bilang isang diyakono ng pagdidilig. Nung panahong ‘yon, nasiyahan ako sa pakiramdam ng pinahahalagahan, kaya nagsikap ako sa pagbabahagi ng katotohanan at paglulutas ng mga problema ng mga kapatid. Ninais kong tumingala sa akin ang lahat at sabihing meron akong mahusay na kakayahan, na sa kabila ng paniniwala sa maikling panahon, kaya kong magbahagi ng katotohanan at lumutas ng mga problema, at na ako’y isang taong naghahanap sa katotohanan.

‘Di nagtagal, lumipat si Sister Xiaozhen sa aming iglesia. Noong una, ako ang namahala sa pagdidilig sa kanya at nakipagkita sa kanya. Pagkaraan ng ilang panahon, nagdaos ng halalan ang iglesia, at nakita ng iba na maayos siyang aghanap, may mahusay na kakayahan, at dalisay na tinanggap ang katotohanan, kaya inihalal nila siya bilang diyakono ng pagdidilig. Nung panahong ‘yon, nakita kong tinitingala siya ng mga kapatid, at pinahahalagahan siya ng lider, at pakiramdam ko’y kinalimutan na ako. Nagselos ako at sobrang nalungkot. Naisip ko, “Kung wala dito si Xiaozhen, ako sana ang lilinangin ng lider, pero ngayon ay dumating siya at sinapawan ako. Kung magsasanay pa siya nang kaunti, malalampasan niya ako, at mas titingalain siya ng mga kapatid kaysa sa akin.” Habang iniisip ko ‘yon, mas lalo akong nainis, hanggang sa puntong ‘di na ako makatulog. Upang mapigilan ang lider sa paglilinang kay Xiaozhen, ilang beses kong sinabi sa harap ng lider na, “Hindi pa naniniwala si Xiaozhen nang matagal, kaya hindi niya naiintindihan ang katotohanan, at hindi niya kayang lutasin ang mga problema gamit ang katotohanan. Hindi siya angkop para sa gawain ng pagdidilig.” Napansin ng lider na nagseselos ako, kaya nagbahagi siya sa’kin at tinukoy ang aking mga problema. Sabi niya’y naghahangad ako ng katayuan, nagseselos ako sa iba, at hindi ko kayang makitang nahihigitan ako ng iba, at na ang mga ito ay pagpapahayag ng masamang pagkatao. Alam kong mali ang pagselosan si Xiaozhen, na kinasusuklaman ito ng Diyos, at hindi ako pwedeng magpatuloy nang ganito. Pagkatapos nun, panlabas kong kinontrol ang sarili ko at itinigil ang pag-uusap tungkol kay Xiaozhen, pero hindi ko maalis ang inggit na nadarama ko sa kanya. Minsan, hindi niya alam ang tungkol sa mga bagay-bagay sa trabaho at tinatanong niya ako, at isinaayos niyang suportahan ko ang mga baguhan. Labis akong nadismaya nito. Naisip ko, “Dati akong nagdidilig sa iyo, pero ngayong may posisyon ka na, inuutusan mo ako. Kailangan ko bang sundin ang mga utos mo? Maaaring hindi ako isang lider o manggagawa, pero hindi ako mas mababa kaysa sa’yo.” Naisip ko, “Kailangan kong mas magbahagi pa ng katotohanan para lutasin ang mga problema ng mga kapatid. Sa ganung paraan, iisipin nilang mas magaling ako kay ni Xiaozhen. Tapos, mas igagalang na nila ako.” Pagkatapos nun, sa tuwing nakikita kong may mga suliranin ang mga kapatid o nagdurusa, aktibo akong nagsasaliksik ng salita ng Diyos para magbahagi at lutasin ang mga ‘yon. Sinabi nilang lahat na magaling akong magbahagi, at talagang nagpasaya ‘to sa akin.

Isang beses, tinukoy ni Xiaozhen ang mga problema ni Liang Jing, hindi ito tinanggap ni Liang Jing, at nagbahagi siya ng mga masamang palagay at opinyon tungkol kay Xiaozhen sa pulong, at natuwa ako nang marinig ito: “Nakakatuwang makita na may mga opinyon ang lahat tungkol sa kanya. Sa ganitong paraan, hindi siya magkakaroon ng puwang sa puso ng mga kapatid.” Mabilis akong pumasok sa usapan pagkatapos ni Liang Jing at sinabing, “Hindi rin maganda ang impresyon kay Xiaozhen. Ngayong siya’y isang diyakono ng pagdidilig, sa tingin ko’y umaasta siyang parang isang opisyal. Lagi niya akong inuutusan.” Nang matapos ako, sumang-ayon si Liang Jing at ang isa pang sister. Sinabi kong mababaw ang mga karanasan ni Xiaozhen, na hindi niya naiintindihan ang mga bagay-bagay, at masyado siyang prangka magsalita. Matapos marinig ang sinabi ko, lalo pang lumaki ang masamang palagay ni Liang Jing laban kay Xiaozhen. Kalaunan, sa mga pagpupulong, kapag nagbabahagi si Xiaozhen, nakikinig si Liang Jing nang nakaismid ang mukha, at kung minsan, palagi siyang nakikipagtalo kay Xiaozhen tungkol sa maliliit na bagay, na dahilan para maramdaman ni Xiaozhen na siya ay napipigilan, at nagagambala at nagugulo rin ang buhay-iglesia. Nung panahong ‘yon, kaswal akong nakipagbahaginan kay Liang Jin na dapat niyang tratuhin nang tama si Xiaozhen, pero sa totoo lang, napakasaya ko. Palaging nakikipagtalo si Liang Jing kay Xiaozhen, na talagang nakaapekto sa kalagayan ni Xiaozhen. Kung naging siya negatibo at nabigong gampanan nang maayos ang kanyang tungkulin, siya ay papalitan, at pagkatapos ay hindi na siya titingalain ng mga kapatid. Nagulat ako nang mabilis na nakabawi si Xiaozhen sa kanyang kalagayan. Pinasan pa rin niya ang kanyang tungkulin, pinrotektahan ang gawain ng iglesia, at may pag-unawa siya sa katarungan. Pagkalipas ng ilang buwan, napili si Xiaozhen na mamuno sa iglesia. Pinupuntahan siya ng mga kapatid para sa lahat ng bagay, at sobrang sumama ang loob ko. Naisip ko, “Kaya ko ring lumutas ng ilang problema. Hindi siya mas magaling sa akin. Pero ngayon siya ang lider, at simula ngayon, siya lang ang nasa puso ng mga kapatid, hindi ako.” Habang iniisip ko ‘to, nakaramdam ako ng selos at pagtutol. Kalaunan, sa mga pagpupulong, ayaw ko siyang kausapin. Kapag nakikita kong hindi malinaw ang kanyang pagbabahagi o ang ilang gawain ay hindi nagawa nang maayos, hindi ko sinusubukang lutasin o ayusin ito. Sinasadya ko pang ungkatin ang mga problema niya at puntiryahin siya para magmukha siyang masama.

Isang beses sa isang pulong, dalawang sister ang nagtalo dahil sa kanilang magkaibang pananaw, at ginambala nun ang buhay-iglesia. Iniulat ko ito kay Xiaozhen, ngunit abala siya sa iba pang mga bagay at hindi makapagbahagi upang malutas ito kaagad, kaya sinunggaban ko ang problemang ito at sinabi sa harap ng lahat na hindi siya gumagawa ng praktikal na gawain, umaasang hindi na siya titingalain ng mga kapatid. Matapos itong marinig ng ilan, sinisi nila siya sa hindi paglutas ng mga problema, na nagparamdam kay Xiaozhen ng kaunting pagkanegatibo at pagkapahiya. Kalaunan, sa mga pagpupulong, kapag naroroon si Xiaozhen, palagi akong nakikipagkumpitensya sa kanya. Para magmukha siyang mas masama at tingalain ako ng iba, ‘pag sinuman ang may problema, mabilis kong inaalam kung aling mga bahagi ng salita ng Diyos ang makakalutas nito at ako ang unang nagbabahagi. Natakot akong maunahan ni Xiaozhen, at mawalan ng pagkakataon na magpakitang-gilas. Nang makita ni Xiaozhen na nalutas ko ang problema, hindi na siya nagbahagi pa. Dahil madalas akong magpakitang-gilas, hinangaan ako ng lahat. Sa mga pagpupulong, nakatuon sa akin ang atensyon ng lahat, at inaasahan akong magbahagi at lumutas ng anumang kalagayan o suliraning meron sila. Pinaalalahanan ako ng isa sa mga lider ng grupo na naghahabol ako sa reputasyon at katayuan, and tumatahak sa landas ng anticristo, pero hindi ko ito sineryoso. Kalaunan, lalong nahirapan si Xiaozhen sa kanyang tungkulin, hindi na siya gaanong nagbahagi sa mga pulong, at nasa negatibo nang kalagayan. Sinabi niyang mas makakabuting ako ang pumalit sa kanyang tungkulin. Tinangka pa nga niyang magbitiw nang ilang beses. Sa huli, tinanggal siya dahil sa kanyang masamang kalagayan at hindi pagganap sa tungkulin nang maayos. Natuwa ako nang malaman ko ito. Naisip ko, “Natanggal na si Xiaozhen sa wakas. Ngayon, hindi na siya magmumukhang mas magaling kaysa sa akin, at hindi iisipin ng mga kapatid na mas mababa ako sa kanya.”

‘Di nagtagal, nalaman ng aking lider ang tungkol sa aking pag-uugali at nilapitan ako para magbahagi. Inilantad niya ako sa hindi pagkakaroon ng positibong impluwensya sa iglesia, sa paglaban kay Xiaozhen para sa katayuan at sa madalas na pagmamaliit, paghuhusga, at pagbubukod sa kanya, na nagdulot sa kanyang makadama ng pagkanegatibo at napipigilan, ginawang imposible na magampanan ang kanyang tungkulin, at sa huli’y nagtulak sa kanyang magbitiw. Ito’y pag-aatake sa kanya, at nakakagambala ito sa gawain ng iglesia. Ipinakita rin sa’kin ng lider na ang paglutas sa mga problema ng mga kapatid sa panlabas ay ginawa akong tila responsableng tao, pero sa totoo’y nagpapakitang-gilas ako at dinadala sa harapan ko ang iba. Sa huli, tinanggal ako ng lider ko at inihiwalay ako mula sa iba, at sinabihan akong magnilay sa aking sarili. Tumanggap at sumunod ako sa panlabas, pero sa loob-loob ko, pakiramdam ko’y hindi ito makatarungan. Inisip kong hinuhuli niya ang katiwalian ko at ginagawa itong isyu para parusahan ako. Inilabas ko ang aking sama ng loob sa mga pulong, at sinabi kong hindi sumunod sa prinsipyo ang aking lider, na wala sa katwiran ang pagparusa sa akin, at iba pa, na naging sanhi para pumanig sa’kin ang lahat at husgahan ang lider ko. Dahil nakipaglaban ako para sa katayuan, bumuo ng grupo, at seryosong ginambala ang gawain ng iglesia, at ni katiting ay hindi ako nagnilay-nilay o nagsisi pagkatapos mailantad at maiwasto nang ilang beses ng mga lider, manggagawa, at mga kapatid, sa katapusan ay itiniwalag ako sa iglesia.

Natigilan ako nang marinig ang pagsasaayos na ‘to. Labis akong nasaktan at umiyak nang todo. Naisip ko, “Ganap na katapusan ko na. Hindi na ako makakapamuhay ng buhay-iglesia at makakatupad sa aking tungkulin, at hindi ako maliligtas.” Pakiramdam ko’y hindi ako kasali sa sambahayan ng Diyos, kaya ako inilantad at inalis. Kapag nananalangin ako sa Diyos, hindi ko madama ang Kanyang presensya, at para itong pagiging patay na. Nahaharap sa katotohanang inilantad ako ng mga kapatid, sa kabila ng pasakit at desperasyon, marami akong hinanaing at pagtutol. Naisip ko, “Talaga bang nakagawa ako ng labis na kasamaan? Ganun ba ito kaseryoso? Paano ako nagpapakitang-gilas? Hindi ba’t ang lahat ng pagbabahagi ko ay batay sa salita ng Diyos? At saka, apat na taon pa lang akong naniniwala sa Diyos, at hindi ko pa rin naiintindihan ang katotohanan, kaya kahit na nagpakita ako ng ilang katiwalian at gumawa ng ilang kasamaan, iyon ay mapapatawad, at hindi katumbas ng pagpapaalis sa’kin, tama? Hindi ba masyadong malupit ang pagtrato sa akin nang ganito?” Sa kaiisip, mas lalong naging negatibo ang pakiramdam ko. Naisip kong wala nang pag-asa ang paniniwala ko sa Diyos, at na wala na akong patutunguhan o hantungan. Walang tigil sa pag-agos ang mga luha ko. Hindi ako makakain o makatulog nang ilang araw, at masakit ang ulo ko na parang nabiyak ito. Pakiramdam ko’y miserable ako at walang pag-asa. Naisip ko, “Dahil napakasakit ng buhay, mas mabuting mamatay na lang at tapusin na ang lahat.”

Paglipas ng ilang araw, isang sister ang nakipagkita sa’kin. Nakita niyang maputla ang mukha ko, narinig ang mahina kong boses, at napagtantong nasa negatibong kalagayan pa rin ako, kaya nakipagbahaginan siya sa’kin. Sabi niya, “Kapag dumating ang mga ganitong sitwasyon, nais ng Diyos na pagnilayan natin ang ating sarili, malaman ang pinagmulan ng ating kasamaan, magsisi, at magbago. Ngunit kung hindi natin nauunawaan ang kalooban ng Diyos, hindi nagninilay nang maayos sa ating sarili, isinasaalang-alang pa rin ang kahihinatnan ng ating sarili, at pasibong sumasalungat, kung magpapatuloy tayo nang ganito, talagang kamumuhian at aalisin tayo ng Diyos.” Sinabi rin niya, “Ang masasamang gawa ng mga tao ng Nineveh ay pagkakasala sa Diyos, pero nung tunay silang nangumpisal ng kanilang mga kasalanan at nagsisi sa Diyos, inalis ng Diyos ang Kanyang poot at nagpakita sa kanila ng awa.” Matapos marinig ang pagbabahagi ng sister, medyo gumaan ang pakiramdam ko.

Pagkaalis niya, binuksan ko ang aklat ng mga salita ng Diyos at binasa ang siping ito. “Kahit gaano man kagalit ang Diyos sa mga taga-Ninive, sa sandaling nagpahayag sila ng pag-aayuno at nagsuot ng magaspang na damit at naupo sa mga abo, unti-unting lumambot ang Kanyang puso, at nagsimulang magbago ang Kanyang isip. Nang sabihin Niyang wawasakin Niya ang kanilang lungsod—ang panahon bago ang kanilang pangungumpisal at pagsisisi sa kanilang mga kasalanan—galit pa rin sa kanila ang Diyos. Sa sandaling nagsagawa sila ng serye ng mga gawain ng pagsisisi, unti-unting nagbago at napalitan ng awa at pagpaparaya ang galit ng Diyos sa mga taga-Ninive. … Ginamit ng Diyos ang Kanyang saloobin upang sabihin sa mga tao ang mga sumusunod: Ito ay hindi dahil kinukunsinti ng Diyos ang mga tao, o hindi Niya nais na maawa sa kanila; sa halip, ito ay dahil sa bihira silang magsisi nang tapat sa Diyos, at bihirang tunay na talikdan ang kanilang masasamang gawi at iwanan ang karahasan sa kanilang mga kamay. Sa madaling sabi, kapag nagagalit ang Diyos sa tao, umaasa Siya na makakaya ng tao na magsisi nang tapat, at umaasa Siya na makikita ang tunay na pagsisisi ng tao. Sa kasong ito, maluwag Niyang ipagpapatuloy na ipagkaloob ang Kanyang awa at pagpaparaya sa tao. Ibig sabihin nito na ang masamang ugali ng tao ang nagdudulot ng poot ng Diyos, samantalang ang awa at pagpaparaya ng Diyos ay ipagkakaloob sa mga nakikinig sa Diyos at tunay na nagsisisi sa harap Niya, sa mga makatatalikod sa kanilang masasamang gawi at maiiwan ang karahasan sa kanilang mga kamay. Ang saloobin ng Diyos ay napakalinaw na ipinahayag sa Kanyang pakikitungo sa mga taga-Ninive: Ang awa at pagpaparaya ng Diyos ay hindi lubhang mahirap na makamit at ang hinihingi Niya sa isang tao ay tunay na pagsisisi nito. Hangga’t ang mga tao ay tatalikod sa kanilang masasamang gawi at iiwan ang karahasan sa kanilang mga kamay, babaguhin ng Diyos ang Kanyang isip at ang Kanyang saloobin ukol sa kanila(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, labis akong naantig. Ang mga tao ng Nineve ay gumawa ng labis na kasamaan at lumabag sa Diyos, at ang Diyos ay nagpapadala ng mga sakuna upang lipulin sila. Ngunit nang marinig nila ang pahayag ni Jonah, nagawa nilang taimtim na magtapat ng kanilang mga kasalanan, magsisi, tumigil sa kanilang karahasan, at huminto sa paggawa ng kasamaan, at sa puntong iyon ay nagbago ang isip ng Diyos at nagpakita sa kanila ng pagpaparaya at awa. Nagbigay sa’kin ng pag-asa ang mga salita ng Diyos. Ang aking mga gawa ay nakagambala sa gawain ng iglesia, na lumabag sa disposisyon ng Diyos, kaya ako napaalis sa iglesia. Ito ang poot ng Diyos sa akin, at pati na ang matuwid na pagkastigo ng Diyos. Ngunit hindi ako sinusubukang alisin ng Diyos, nais ng Diyos na makilala ko ang aking tiwaling disposisyon at tunay na magsisi. Pero ano ang ginawa ko? Hindi ako nagnilay sa aking sarili at nagtapat ng aking mga kasalanan sa Diyos, ni nagsisi. Naging negatibo pa rin ako at tutol, at ginusto ko pang labanan ang Diyos ng sarili kong kamatayan. Hindi ko alam kung ano ang mabuti para sa akin. Lubha akong di-makatwiran! Bagama’t inalis ako ng simbahan, ang gawain ng pagliligtas ng Diyos ay hindi pa tapos, kaya hindi ako pwedeng sumuko sa sarili ko. Kailangan kong pagnilayan ang sarili ko, hanapin ang katotohanan upang malutas ang aking tiwaling disposisyon, at magsisi sa Diyos.

Kaya nanalangin ako sa Diyos at nagbasa ng mga salita ng Diyos upang pagnilayan ang aking sarili. Minsan, nakita ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos, “Partikular na iniidolo ng ilang tao si Pablo. Gusto nilang lumabas at magbigay ng mga talumpati at gumawa, gusto nilang dumadalo sa mga pagtitipon at mangaral, at gusto nila na pinakikinggan sila ng mga tao, sinasamba sila, at umiikot sa kanila. Gusto nilang magkaroon ng katayuan sa isipan ng iba, at natutuwa sila kapag pinahahalagahan ng iba ang larawang ipinakikita nila. Suriin natin ang kanilang kalikasan mula sa mga pag-uugaling ito: Ano ang kanilang likas na pagkatao? Kung ganito talaga silang kumilos, sapat na iyan upang ipakita na sila ay mayabang at hambog. Hindi talaga nila sinasamba ang Diyos; naghahangad sila ng mas mataas na katayuan at nangangarap na magkaroon ng awtoridad sa iba, na ariin sila, at magkaroon ng katayuan sa kanilang isipan. Ito ang klasikong larawan ni Satanas. Ang namumukod na mga aspeto ng kanilang kalikasan ay kayabangan at kahambugan, ayaw nilang sambahin ang Diyos, at nais nilang sambahin sila ng iba. Ang gayong mga pag-uugali ay maaaring magbigay sa iyo ng napakalinaw na pagtingin sa kanilang likas na pagkatao(“Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao” sa Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw). “Halimbawa, kung mayroon kang mapagmataas at palalo na disposisyon, walang kaibahan kung sabihan kang huwag kalabanin ang Diyos, hindi mo mapigilan ang sarili mo, hindi ito sakop ng kontrol mo. Hindi mo gagawin ito nang sadya; gagawin mo ito dahil nangingibabaw ang iyong likas na pagmamataas at kapalaluan. Dahil sa iyong pagmamataas at kapalaluan, hahamakin mo ang Diyos at hindi mo Siya bibigyan ng halaga; magiging dahilan ang mga ito para dakilain mo ang iyong sarili, palaging ibandera ang iyong sarili; magiging dahilan ang mga ito para hamakin mo ang iba, para wala nang matira sa puso mo kundi ang sarili mo; nanakawan ka ng mga ito ng puwang ng Diyos sa puso mo, at sa huli ay magiging sanhi ang mga ito para ilagay mo ang iyong sarili sa puwesto ng Diyos at hingin sa mga tao na magpasakop sila sa iyo, at magiging dahilan para igalang mo ang sarili mong mga kaisipan, ideya at kuru-kuro bilang katotohanan. Napakaraming kasamaan ang ginagawa ng mga tao dahil nangingibabaw ang kanilang mapagmamataas at palalong kalikasan!(“Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahanap sa Katotohanan Makakagawa ng Pagbabago sa Disposisyon ang Isang Tao” sa Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw). Inihayag ng mga salita ng Diyos ang aking mga ipinamamalas. Mayroon akong mapagmataas at mapagmatuwid na disposisyon. Gusto kong magpakitang-gilas sa pakikipagbahaginan at sa akin lang umikot ang mundo, at gusto kong magkapuwang sa puso ng mga tao para tingalain at hangaan nila ako. Isinabuhay ko ang isang malademonyong kalikasan, tulad ni Satanas. Noong una, nakatuon ang lider sa paglilinang sa’kin, at labis akong nasiyahan dito. Kalaunan, nakita kong pinahalagahan at nilinang ng lider si Xiaozhen. Nakaramdam ako ng krisis at nag-alala na papalitan niya ako, kaya nainggit ako sa kanya, at nakipagkumpitensya ako sa kanya sa lahat ng bagay, umaasang masupil siya. Sa mga pagtitipon, sa tuwing naroroon si Xiaozhen, sinubukan kong makapagbahagi bago niya magawa dahil sa takot na agawin niya sa’kin ang atensyon nila. Para tingalain ako ng mga kapatid, aktibo kong ginagamit ang salita ng Diyos sa pagbabahagi at nilulutas ang anumang mga problema o kalagayang meron ang mga kapatid para ipagyabang na naiintindihan ko ang katotohanan at na bumabalikat ako ng pasanin para sa kanilang pagpasok sa buhay. Nagpapakitang-gilas din ako kahit saan, na nakalinlang sa lahat ng mga kapatid na tingalain at hangaan ako, at para lumapit sila sa’kin kapag may mga suliranin at kalagayan. Hindi ba’t dinadala ko ang mga tao sa harapan ko? Nakita kong naging mayabang ako hanggang sa puntong wala na akong iginalang at wala ang Diyos sa puso ko. Hindi ako nakikipaglaban para sa katayuan sa sinumang tao, nakikipaglaban ako sa Diyos para sa mga tao, na lumabag sa disposisyon ng Diyos.

Pagkatapos nun, nabasa kong muli ang mga salita ng Diyos. “Anumang tungkulin ang ginagampanan ng mga anticristo, sisikapin nilang ilagay ang sarili nila sa nakatataas na posisyon at mamahala. Hindi nila kayang maging kalmadong ordinaryong tagasunod kailanman. At ano ang pinakakinahuhumalingan nila? Iyon ay ang tumayo sa harap ng mga tao na inuutusan at pinagagalitan ang mga tao, ipinagagawa sa mga tao ang kanilang sinasabi. Hindi nila iniisip kailanman kung paano gampanan nang maayos ang kanilang tungkulin—lalo nang hindi nila hinahanap ang mga prinsipyo ng katotohanan, habang ginagampanan ang kanilang tungkulin, upang isagawa ang katotohanan at bigyang-kasiyahan ang Diyos. Sa halip, nag-iisip sila nang husto ng mga paraan para mapatanyag ang sarili, para tumaas ang tingin sa kanila ng mga lider at itaas sila ng ranggo, upang sila mismo ay maging lider o manggagawa, at mamuno sa ibang mga tao. Ito ang pinag-iisipan at inaasam nila buong araw. Hindi pumapayag ang mga anticristo na pamunuan ng iba, ni hindi sila pumapayag na maging ordinaryong tagasunod, lalo nang manahimik na lamang habang tinutupad nila ang kanilang mga tungkulin nang walang nakukuhang atensyon. Anuman ang kanilang tungkulin, kung hindi sila maaaring maging bida, kung hindi sila maaaring maging mataas sa iba at maging lider, walang saysay para sa kanila na tuparin ang kanilang mga tungkulin, at nagiging negatibo at nagsisimulang tamarin. Kung walang papuri o paghanga ng iba, lalong hindi ito interesante sa kanila, at lalong wala silang pagnanais na tuparin ang kanilang mga tungkulin. Ngunit kung maaari silang maging bida habang tinutupad nila ang kanilang mga tungkulin at sila ang may huling salita, lumalakas sila, at dadanasin ang anumang paghihirap. Palagi silang may personal na mga motibo sa pagganap sa kanilang tungkulin, at gusto nila na palagi silang mas angat sa iba bilang paraan upang mabigyang-kasiyahan ang pangangailangan nilang mahigitan ang iba, at matupad ang kanilang mga hangarin at ambisyon. Habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin, dagdag pa sa pagiging masyadong mapagkumpitensya—nakikipagkumpitensya, sa lahat ng bagay, para mamukod-tangi, manguna, mangibabaw sa iba—iniisip din nila kung paano patibayin ang kanilang katayuan, reputasyon at katanyagan. Kung may sinumang nagbabanta sa kanilang katayuan o reputasyon, walang nakakapigil sa kanila, at walang awa, sa pagpapabagsak at pagbubukod sa kanya. Gumagamit pa sila ng kasuklam-suklam na mga kaparaanan para atakihin iyong mga nagagawang hangarin ang katotohanan, na ginagampanan ang kanilang tungkulin nang may katapatan at pagpapahalaga sa responsibilidad. Puno rin sila ng inggit at pagkamuhi sa mga kapatid na gumaganap nang mahusay sa kanilang tungkulin. Namumuhi sila lalo na sa mga ineendorso at inaaprubahan ng iba pang mga kapatid; naniniwala sila na malaking banta ang gayong mga tao sa pinagsisikapan nilang matamo, sa kanilang katayuan at katanyagan, at isinusumpa nila sa kanilang puso na ‘Ikaw o ako, ako o ikaw, walang puwang para sa ating dalawa, at kung hindi kita ibabagsak at tatanggalin, hindi ko matatanggap iyon!’ Sa mga kapatid na may ibang opinyon, na naglalantad sa ilan sa kanilang mga pagkukulang, o nagbabanta sa kanilang katayuan, wala silang habag: Iniisip nila ang anumang maiisip nila para may makalap na hindi maganda tungkol sa kanila, para siraan at isabotahe sila, at hindi sila titigil hangga’t hindi nila nagagawa iyon(“Ginagawa Nila ang Kanilang Tungkulin para Lamang Maging Tanyag Sila at Maisakatuparan ang Kanilang Sariling mga Interes at Ambisyon; Hindi Nila Iniisip Kailanman ang mga Interes ng Sambahayan ng Diyos, at Ipinagpapalit pa ang mga Interes na Iyon para sa Kanilang Personal na Kaluwalhatian (Ikapitong Bahagi)” sa Paglalantad sa mga Anticristo). “Anuman ang paraan ng panlilinlang ng mga anticristo sa mga tao at ng pagtatangka nilang siluin sila, isang bagay ang sigurado: Alang-alang sa sarili nilang kapangyarihan at katayuan, mag-iisip sila nang husto at gagamitin ang bawat pamamaraang mayroon sila para makamit ang kanilang mga pakay. Isang bagay pa ang sigurado rin: Anuman ang ginagawa nila, hindi nila ginagampanan ang kanilang tungkulin, lalong hindi ito para magampanan nila nang mabuti ang kanilang tungkulin, kundi para makamit ang kanilang layunin na magkaroon ng kapangyarihan sa loob ng iglesia. Higit pa rito, anuman ang ginagawa nila, hindi nila isinasaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, lalong hindi nila isinasaalang-alang ang mga interes ng mga hinirang ng Diyos. Hinding-hindi mo makikita ang alinman sa mga bagay na ito sa diksyunaryo ng anticristo; parehong likas na wala ang mga ito sa kanila. Anuman ang antas nila bilang lider, lubos na wala silang pakialam sa mga interes ng sambahayan ng Diyos at ng mga taong hinirang. Sa isip-isip nila, walang kinalaman sa kanila ang mga interes at gawain ng sambahayan ng Diyos. Pareho nila itong winawalang-halaga; isinasaalang-alang lamang nila ang sarili nilang katayuan at mga interes. Mula rito, makikita natin na ang likas na pagkatao at diwa ng mga anticristo ay hindi lamang masama, kundi labis ding makasarili at kasuklam-suklam. Kumikilos lamang sila para pagsilbihan ang sarili nilang katanyagan, pakinabang at posisyon, wala silang pakialam kung mabuhay o mamatay ang iba, at gagamit sila ng anumang imoral na pamamaraan para pigilin, ibukod at malupit na atakihin ang sinumang magiging banta sa kanilang katayuan(“Nililito, Inaakit, Tinatakot, at Kinokontrol Nila ang mga Tao” sa Paglalantad sa mga Anticristo). Talagang tumatatak sa puso ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Nakita ko na ang aking ipinamamalas at disposisyon ay kapareho ng sa mga anticristo na ibunubunyag ng Diyos. Ang mga anticristo ay makasarili, kasuklam-suklam, at isinasaalang-alang lamang ang kanilang sariling reputasyon at katayuan. Hindi nila kailanman isinasaalang-alang ang damdamin ng ibang tao o pinoprotektahan ang gawain ng pamilya ng Diyos. Kung sinuman ang nagbabanta sa kanilang posisyon, naiinggit sila, napopoot, at walang prinsipyo pa ngang inaatake at ibinubukod ang gayong mga tao, at hindi kuntento hangga’t hindi nagiging negatibo at nalulugmok ang gayong mga tao. Napagtanto kong ganoon din ako. Nang mapili si Xiaozhen bilang diyakono ng pagdidilig, pinahahalagahan ng lider, at hinahangaan ng mga kapatid, itinuring ko si Xiaozhen bilang isang tinik sa aking mata, at ginusto ko palagi na itulak siya pababa. Paulit-ulit ko ring inilalantad ang kanyang mga pagkukulang sa harap ng lider, sabik na umaasang papalitan siya ng lider, para pagtuunan ako ng mga kapatid. Bilang diyakono ng pagdidilig, saklaw ng karapatan ni Xiaozhen na isaayos akong gumawa ng mga bagay-bagay, pero hindi ko kayang magpasakop. Lagi ko siyang pinapakitaan ng masamang ugali at tumatangging makipagtulungan sa kanyang gawain, dahilan para mapigilan siya sa kanyang tungkulin. Kakasimula pa lang niya bilang lider, kaya normal lang na may mga trabahong hindi nagagawa nang maayos. Subalit para maimpluwensyahan ang mga kapatid na tanggihan siya at hindi pakinggan,, pinuna at hinuli ko ang kanyang mga paglihis at pagkalingat sa kanyang tungkulin, inilantad ang kanyang mga pagkukulang, minaliit siya, at hinusgahan sa harap ng aming mga kapatid, at naghasik ako ng hidwaan sa likuran niya, nagdudulot sa mga tao na kumiling laban sa kanya, hindi suportahan ang kanyang gawain, at ihiwalay at ibukod siya. Hindi lamang nito ginambala ang buhay-iglesia, napahiya siya nito at ginawang negatibo, at sa huli ay gusto na niyang magbitiw. Nang makitang negatibo si Xiaozhen at nahihirapan, hindi ko lang hindi sinisi ang sarili ko, natuwa pa ako sa kanyang kasawian, nararamdamang pwede na akong mamukod-tangi ‘pag natanggal siya. Napakasama ko at kasuklam-suklam! Kahit si Xiaozhen ay maikling panahon pa lang na naniniwala, may ilang mga pagkukulang at kamalian, meron siyang mahusay na kakayahan, tapat siya at may pag-unawa sa katarungan. ‘Pag nakikita niyang may problema at paglihis ang iba, nakakapagbigay siya ng patnubay at tulong, at napangangalagaan din niya ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Ang pagkakaroon ng lider na gaya niya ay kapaki-pakinabang sa gawain sambahayan ng Diyos at sa pagpasok sa buhay ng mga kapatid, at dapat ko siyang suportahan at makipagtulungan. Pero para protektahan ang sarili kong reputasyon at katayuan, nang hindi isinasaalang-alang ang gawain ng sambahayan ng Diyos, gumamit ako ng walang prinsipyong paraan para labanan siya at pigilan siya dahil sa inggit, at hindi ako tumigil hanggang hindi na niya magampanan ang kanyang tungkulin. Ang ginawa ko’y hindi lang nagdulot ng pasakit at kapahamakan kay Xiaozhen, ginulo at ginambala nito ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Nakita kong ako’y may napakasamang pagkatao at isang malisyosong disposisyon. Para makamit ang katayuan, nakahanda akong parusahan ang iba. Naisip ko kung paano sinusubukan ng malaking pulang dragon ang lahat ng paraan para talunin at pintasan, at ipapatay pa nga ang mga tao para mapatatag ang pamumuno nito, kapag inilalagay sa panganib ng sinumang tao o puwersa ang katayuan nito. Nakita kong ang aking kalikasan ay kasing ubod ng sama tulad ng malaking pulang dragon! Sa sandaling napagtanto ko ito, nakaramdam ako ng pagsisisi at pagkamuhi sa aking sarili. Binigyan ako ng Diyos ng pagkakataong gampanan ang isang tungkulin para mahanap ko ang katotohanan, alisin ang katiwalian sa aking sarili, makipagtulungan sa mga kapatid, matuto mula sa kanilang mga kalakasan, at protektahan ang gawain ng iglesia. Sa halip, sinira ko ito at paulit-ulit kong ginawa ang kasamaan na nakagambala sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Wala talaga akong konsensya o pagkatao, at hindi ako karapat-dapat na tawaging tao. Ilang beses akong pinaalalahanan ng mga kapatid para tulungan ako, pero nakatuon ako sa reputasyon at katayuan at hindi ko ito sineryoso, at lumaban pa nga at ayaw magsisi. Matapos matanggal, hindi ako nagnilay-nilay sa aking sarili, nagreklamo tungkol sa aking mga hinaing, nagpakalat ng aking pagkayamot sa lider, naging dahilan para husgahan ng mga kapatid ang lider, at patuloy na ginulo ang buhay-iglesia. Pinilit kong tahakin ang walang-kalalabasang landas, at nagsimula lang akong magnilay at kilalanin ang sarili nang napaalis na ako sa iglesia. Masyadong sutil ang aking disposisyon, at kinamuhian ko ang katotohanan. Kahit iwinasto at dinisiplina nang maraming beses, hindi ako nagsisi, sutil pa rin akong lumaban sa Diyos, at ginamit ko ang mga kasuklam-suklam na paraan para pabagsakin at daigin ang isang mabuting taong naghahanap sa katotohanan, humadlang at nakipagbangayan sa lugar ng gawain ng Diyos, ginagambala ang gawain ng sambahayan ng Diyos, at sinira ang pagkakataong ibinigay sa akin ng Diyos na matamo ang katotohanan at maligtas. Ang pagpapaalis sa akin ng iglesia ay ang pagiging matuwid ng Diyos. Sarili kong kasalanan ito. Hindi talaga ako ginawan ng masama.

Kalaunan, nabasa ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos. “Napakarami Kong nagawang gawain at napakarami Kong nasambit na salita sa gitna ninyo—gaano karami nito ang tunay na nakapasok sa inyong mga tainga? Gaano karami nito ang nasunod ninyo kahit kailan? Kapag natapos ang Aking gawain, iyon ang magiging oras na titigil kang kontrahin Ako, na titigil kang kalabanin Ako. Habang Ako’y gumagawa, patuloy kayong kumikilos laban sa Akin; hindi kayo sumusunod sa Aking mga salita kahit kailan. Ginagawa Ko ang Aking gawain, at ginagawa mo ang iyong sariling ‘gawain,’ gumagawa ng sarili mong munting kaharian. Kayo’y walang iba kundi mga soro at mga aso, ginagawa ang lahat para kontrahin Ako! … Ang inyong larawan ay higit pa kaysa sa Diyos, ang inyong katayuan ay mas mataas pa kaysa sa Diyos, maliban pa sa inyong kabantugan sa mga tao—naging idolo na kayo na sinasamba ng mga tao. Hindi ba kayo naging ang arkanghel? Kapag inihahayag na ang mga kalalabasan ng mga tao, na kung kailan rin malapit nang matapos ang gawain ng pagliligtas, marami sa inyo ang magiging mga bangkay na wala nang pag-asang maligtas at kailangang alisin(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 7). “Isasailalim Ko sa Aking kaparusahan ang lahat ng pumukaw ng Aking galit, ibubuhos Ko ang kabuuan ng Aking galit sa mga hayop na iyon na minsang nagnais na tumayo sa Aking tabi bilang mga kapantay Ko subali’t ay hindi sumamba o sumunod sa Akin; ang tungkod na Aking hinahataw sa tao ay lalapat sa mga hayop na minsang nagtamasa ng Aking kalinga at minsang nasiyahan sa mga hiwagang Aking sinabi, at minsang nagtangkang kumuha ng mga kasiyahang materyal mula sa Akin. Hindi Ako magiging mapagpatawad sa sinumang nagtatangkang kunin ang Aking posisyon; wala Akong palalampasin sa mga nagtatangka na mang-agaw ng pagkain at mga damit sa Akin. Sa ngayon, nananatili kayong malaya mula sa kapahamakan at patuloy na umaabuso sa mga kahilingang inilalatag ninyo sa Akin. Pagdating ng araw ng poot, hindi na kayo hihiling pa sa Akin; sa oras na iyon, hahayaan Ko kayong ‘magpakasaya’ hanggang sa gusto ninyo, isusubsob Ko ang inyong mukha sa lupa, at hindi na kayo muling makababangon!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos). Ang maharlika at galit na mga salita ng Diyos ay pumukaw sa puso ko. Naramdaman ko ang poot ng Diyos, at nakita ko na ang disposisyon ng Diyos ay pagiging matuwid at hindi pwedeng labagin. Kinamumuhian ng Diyos ang lahat ng nakikipaglaban sa Kanya para sa posisyon. Ang gayong mga tao ay isusumpa at parurusahan ng Diyos, at walang makakatakas. Para magkamit ng katayuan, nakipaglaban ako sa iba para sa katanyagan at tagumpay, at inatake at tinanggihan ang mga naghahanap ng katotohanan, nagpakitang gilas rin ako kahit saan at dinala ang mga tao sa harapan ko. Nakikipaglaban ako sa Diyos para sa posisyon at para sa mga tao, at seryoso nitong nilabag sa disposisyon ng Diyos. Pakiramdam ko, nakagawa ako ng malaking kasamaan at di-mapapatawad na kasalanan. Parang kinatok ko ang mga pintuan ng impiyerno. Sa sobrang takot ay nahirapan akong huminga. Hindi ko alam kung makakatanggap pa ba ako ng awa ng Diyos. Baka hindi ako patawarin ng Diyos. Papatayin at lilipulin ba Niya ako anumang oras? Nasasaktan, paulit-ulit akong humarap sa Diyos, para manalangin, magtapat ng aking mga kasalanan, at magsisi. Sabi ko, “Diyos ko, nakagawa po ako ng kasamaan, nilabanan Kita, at nilabag ang Iyong disposisyon. Nabubuhay ako sa pagkabalisa araw-araw, natatakot na ang kaparusahan at sumpa ay dumating sa akin anumang oras. Diyos ko, nais ko pong magsisi. Pakiusap iligtas Mo po ako.” Matapos magdasal, medyo kumalma ako.

Sa aking mga espirituwal na debosyonal, nakita ko itong mga salita ng Diyos, “Ngayo’y hinahatulan kayo ng Diyos, kinakastigo kayo, at kinokondena kayo, ngunit kailangan mong malaman na ang punto ng pagkondena sa iyo ay upang makilala mo ang iyong sarili. Siya ay nagkokondena, nagsusumpa, humahatol, at kumakastigo para makilala mo ang iyong sarili, para magbago ang iyong disposisyon, at, bukod pa rito, para malaman mo ang iyong halaga, at makita na lahat ng kilos ng Diyos ay matuwid at alinsunod sa Kanyang disposisyon at mga kinakailangan sa Kanyang gawain, na Siya ay gumagawa alinsunod sa Kanyang plano para sa kaligtasan ng tao, at na Siya ang matuwid na Diyos na nagmamahal, nagliligtas, humahatol, at kumakastigo sa tao. Kung alam mo lamang na mababa ang iyong katayuan, na ikaw ay tiwali at masuwayin, ngunit hindi mo alam na ninanais ng Diyos na gawing malinaw ang Kanyang pagliligtas sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo na Kanyang ginagawa sa iyo ngayon, wala kang paraan para magtamo ng karanasan, lalong wala kang kakayahang patuloy na sumulong. Ang Diyos ay hindi naparito upang pumatay o manira, kundi upang humatol, sumumpa, kumastigo, at magligtas. Hanggang sa matapos ang Kanyang 6,000 taong plano ng pamamahala—bago Niya ihayag ang kalalabasan ng bawat kategorya ng tao—ang gawain ng Diyos sa lupa ay para sa pagliligtas, ang layunin nito ay para lamang gawing ganap—nang lubusan—yaong mga nagmamahal sa Kanya at mapasakop sila sa Kanyang kapamahalaan. … Pag-isipan ninyo ito: Kung ang Aking layon sa pagparito ay upang kondenahin at parusahan kayo sa halip na iligtas kayo, nagtagal kaya ang buhay ninyo? Buhay pa kaya hanggang ngayon kayong mga makasalanang nilalang na laman at dugo? Kung ang Aking mithiin ay para lamang parusahan kayo, bakit pa Ako nagkatawang-tao at nagsimula ng gayon kalaking proyekto? Hindi ba kayong mga hamak na mortal ay maaaring parusahan sa pagbigkas lamang ng iisang salita? Kakailanganin Ko pa ba kayong puksain matapos Ko kayong sadyang kondenahin? Hindi pa rin ba kayo naniniwala sa mga salita Kong ito? Maaari Ko bang iligtas ang tao sa pamamagitan lamang ng pag-ibig at habag? O maaari Ko bang gamitin na lamang ang pagkakapako sa krus upang iligtas ang tao? Hindi ba mas kaaya-aya ang Aking matuwid na disposisyon para magawang lubos na masunurin ang tao? Hindi ba mas may kakayahan ito na lubusang iligtas ang tao?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Isantabi ang mga Pagpapala ng Katayuan at Unawain ang Kalooban ng Diyos na Maghatid ng Kaligtasan sa Tao). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, labis akong naantig. Naunawaan ko rin na gumagamit ang Diyos ng mga mahigpit na salita upang ilantad at hatulan ako, kondenahin at sumpain pa ako, pero hindi Niya ito ginagawa para ipahamak ako. Sa halip, ito ay upang makilala ko ang aking sarili at malinaw na makita ang aking satanikong kalikasan na lumalaban sa Diyos, at nang makapagsisi at makapagbago. Pinahintulutan din ako nitong malaman ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Kapag ang mga tao ay nakikipaglaban para sa katayuan o ginagambala at sinisira ang gawain ng sambahayan ng Diyos, kinamumuhian ito ng Diyos at hindi ito matitiis. Ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng positibong bagay, at hindi kinukunsinti ng Diyos ang pagkakaroon ng mga negatibo at masasamang bagay. Ang iglesia ay kung saan sumasamba sa Diyos at naghahanap sa katotohanan ang hinirang na mga tao ng Diyos. Ito rin ang lugar kung saan hindi nahahadlangan ang kalooban ng Diyos. Pero ako? Hindi ko ginampanan ang isang positibong papel sa iglesia. Ang ginawa ko lang ay guluhin at wasakin ang mga bagay-bagay, kaya dumating sa’kin ang poot ng Diyos at itiniwalag ako sa iglesia, na siyang pagiging matuwid ng Diyos. Sa lahat ng mga taong ito, hindi ko hinahanap ang katotohanan, hinahabol ko lang ang kasikatan at katayuan. Kapag may isang tao na naglagay sa posisyon ko sa alanganin, naiinggit ako at ‘di nasisiyahan, at ginagambala ang gawain ng sambahayan ng Diyos, na siyang landas ng anticristo. Napakaraming kasamaan ang ginawa ko, at nararapat akong maparusahan ng Diyos, pero hindi ako tinrato ng Diyos ayon sa kasamaan na ginawa ko. Nung ako’y nasasaktan at nawawalan ng pag-asa at iniisip ang kamatayan, natakot ang Diyos na mahuhulog ako sa mga panlalansi ni Satanas, kaya ginamit Niya ang pakikipagbahaginan ng sister sa’kin at ang Kanyang mga salita para maliwanagan ako, gabayan ako, at ialis ako sa aking pagkanegatibo. Nadama ko sa kaibuturan ng aking puso na ang lahat ng ito ay pag-ibig at kaligtasan ng Diyos.

Nang maunawaan ko na ang kalooban ng Diyos, ayaw ko nang malumbay pa. Tapos, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos, “Bilang isa sa mga nilalang, kailangang panatilihin ng tao ang kanyang sariling posisyon, at kumilos nang maingat. Matapat na bantayan kung ano ang ipinagkatiwala sa iyo ng Lumikha. Huwag kumilos nang wala sa lugar, o gawin ang mga bagay-bagay na labas sa saklaw ng iyong kakayahan o na kasuklam-suklam sa Diyos. Huwag subukang maging dakila, o maging superman, o mataas sa lahat, o maghangad na maging Diyos. Ito ang hindi dapat nasain ng tao. Katawa-tawa ang paghahangad na maging dakila o superman. Ang paghahangad na maging Diyos ay lalo pang mas kahiya-hiya; ito ay karima-rimarim, at kasuklam-suklam. Ang kapuri-puri, at ang dapat na panghawakan ng mga nilalang nang higit pa sa anumang mga bagay, ay ang maging tunay na nilalang; ito lamang ang tanging mithiin na dapat hangarin ng lahat ng tao(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I). Napahiya ako dahil sa mga salita ng Diyos. Isa lang akong maliit na nilalang, isang marumi, at tiwaling tao, pero gusto kong tingalain at hangaan ng iba. Nagpakitang gilas ako kahit saan, sinubukang agawin ang atensyon kahit sa’n man ako magpunta, at ginamit ang mga salita ng Diyos para makipagbahaginan sa iba. Talagang wala akong katuturan! Wala akong taglay na kahit anong realidad ng katotohanan, at walang tunay na kamalayan sa sarili. Lahat ng sinabi ko ay mga sulat at doktrina, ngunit patuloy akong nagsasalita. Ang diwa ng aking mga salita ay para manglito. Walang-wala akong kamalayan sa aking sarili, at inatake ko at ibinukod si Xiaozhen. Isa akong lubhang di-makatwirang mayabang. Napakasama ko, at napakakasuklam-suklam! Dapat kong bitawan ang aking mga ambisyon at hangarin, ayusin ang sarili, manatili sa tamang lugar, at praktikal na gampanan ang aking tungkulin. Ito ang katwiran na dapat taglayin ng isang nilikha. Anuman ang aking kahihinatnan, nanunumpa akong gagampanan ko nang maayos ang aking tungkulin. Habang ako’y nabubuhay, Alam kong kailangan kong hanapin ang katotohanan, iwasan aking katiwalian, at isabuhay ang wangis ng tao upang panatagin ang puso ng Diyos. Pagkatapos nun, nagdasal ako sa Diyos araw-araw para hilingin sa Kanya na gabayan ako sa pagninilay-nilay sa aking sarili para makapagsisi at makapagbago. Kapag binabasa ko ang salita ng Diyos, nakatuon ako sa pagkukumpara sa sarili ko rito, at nagninilay-nilay at sinusuri ang inilalantad ko bawat araw. Unti-unti akong nagkamit ng kamalayan sa aking mapagmataas na disposisyon, sa aking masasamang gawa, at aking identidad at katayuan. Ginawa ko rin ang aking makakaya upang maipalaganap ang ebanghelyo sa aking mga kamag-anak, kaibigan at kakilala, tulungan ang iglesia sa gawain nito sa mga lugar na magagawa ko ang aking bahagi, at madalas na nagho-host sa mga kapatid. Naging napakasaya ko, at nagpasya ako na paano man ako tratuhin ng Diyos o kung may maganda akong patutunguhan, hindi ako magtatangkang makipagtransakyon o humingi, at gagampanan ko nang maayos ang tungkulin ko.

Sa hindi inaasahan, isang araw noong Disyembre 2020, ipinaalam sa akin ng aking lider na tinanggap akong muli sa iglesia, at maaari akong mamuhay muli ng buhay-iglesia. Nang marinig ko ang balitang ito, tuwang-tuwa ako na tumulo ang luha sa mga mata ko. Naisip ko sa sarili ko, “Napakarami kong nagawang kasamaan, pero nang tunay akong magsisi, tinanggap ako pabalik sa iglesia. Ito ay tunay na pag-ibig at awa ng Diyos.” Sa pagbabalik-tanaw, palagi kong naramdaman na maayos akong naghanap, nagtiis ako ng pasanin sa aking tungkulin, at minahal ang mga kapatid. Sa pamamagitan lamang ng pagkalantad, pagkaalis, at paghatol at pagbubunyag ng salita ng Diyos ko nakita na nagawa akong tiwali ni Satanas hanggang sa maging hindi na ako tao at na lahat ng iniisip ko ay masama. Kung hindi dahil sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, magpapatuloy akong maghangad ng katayuan para tugunan ang aking mga ambisyon at hangarin, hindi kailaman magninilay sa sarili, at hindi kailanman magigising. Naranasan ko talaga ang sinasabi ng Diyos, “Kilalanin mo na ang pagkastigo at paghatol ng Diyos ay ang liwanag, at ang liwanag ng kaligtasan ng tao, at na walang higit na mabuting pagpapala, biyaya o pag-iingat para sa tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol). Matapos maranasan ang mga bagay na ito, nakita ko ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Nakita ko rin ang proteksyon at kaligtasan ng Diyos para sa akin. Kahit napakaseryoso pa rin ng aking tiwaling disposisyon, handa akong magsumikap para tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, tanggapin ang pagtatabas at pagwawasto ng mga kapatid, at hangaring baguhin ang aking disposisyon at isabuhay ang wangis ng tao.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Leave a Reply