658 Nais ng Diyos na Iligtas ang Tao mula sa Buhay sa Impiyerno

1 Sa loob ng libu-libong taon, namuhay ang mga Tsino bilang mga alipin, at lubhang nasikil nito ang kanilang mga kaisipan, mga konsepto, buhay, wika, pag-uugali, at mga pagkilos na hindi nag-iwan kahit kaunting kalayaan sa kanila. Nanlupaypay sa loob ng ilang libong taon ng kasaysayan ang mahahalagang tao na nagtataglay ng espiritu at sila’y naging parang mga bangkay na walang espiritu. Marami yaong mga namumuhay sa ilalim ng kutsilyong pangkatay ni Satanas, marami yaong mga nakatira sa mga tahanan na parang mga lungga ng mga hayop, marami yaong mga kumakain ng kagaya ng pagkain ng mga baka o kabayo, at marami yaong mga hindi nagsasabi ng totoo, manhid at magulo sa “daigdig ng mga patay”. Sa hitsura, hindi naiiba ang mga tao sa sinaunang tao, ang kanilang lugar na pahingahan ay tulad ng isang impiyerno, at bilang mga kasama ay nakapaligid sa kanila ang lahat ng uri ng maruruming demonyo at masasamang espiritu.

2 Sa panlabas, ang mga tao ay mukhang nakatataas na mga “hayop”; sa katunayan, namumuhay at naninirahan sila kasama ng maruruming demonyo. Walang sinumang nag-aalaga sa kanila, namumuhay ang mga tao sa loob ng pananambang ni Satanas, nahuli sa mga pagpapagal dito na walang daan ng pagtakas. Sa halip na sabihing nagsasama-sama sila ng kanilang mga minamahal sa maginhawang mga tahanan, namumuhay nang masaya at matagumpay na mga buhay, dapat na sabihin ng isa na ang mga tao ay nakatira sa Hades, nakikitungo sa mga demonyo at nakikisama sa mga diyablo. Sa katunayan, nakagapos pa rin ang mga tao kay Satanas, nakatira sila kung saan nagtitipon ang maruruming demonyo, minamanipula sila ng maruruming demonyong ito, Ang tao’y ilang dekada nang naninirahan dito sa daigdig ng mga patay, o ilang siglo, o maging ilang milenyo, lumalabas nang maaga at umuuwing gabing-gabi na. Ninanasa ng Diyos na baguhin ang mga tao, iligtas sila, sagipin sila mula sa puntod ng kamatayan, upang maaaring makatakas sila mula sa pamumuhay nila sa Hades at sa impiyerno.

Hango sa “Gawain at Pagpasok (5)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan: 657 Yaong mga Tunay na Sumusunod sa Gawain ng Diyos ay Maaari Niyang Matamo

Sumunod: 659 Mababago Mo Lamang ang Iyong Disposisyon sa Pagsunod sa Gawain ng Diyos

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.
Makipag-ugnayan sa Amin
Kontakin Kami Gamit ang Messenger

Kaugnay na Nilalaman

66 Panahon

IIsang malungkot na kaluluwa ang naglakbay mula sa malayo,sinusuri ang bukas, hinahanap ang lumipas,masipag na gumagawa, at naghahangad ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito