290 Nalimutan na ba ang Pagkamuhi ng Lumipas na mga Kapanahunan?

1 Sa ganitong madilim na lipunan nagdurusa siya ng sunud-sunod na sakúnâ, datapwa’t hindi pa siya kailanman nagising na dito. Kailan niya aalisin sa kanyang sarili ang kanyang sariling-kabaitan at malaaliping disposisyon? Bakit sobra siyang walang malasakit sa puso ng Diyos? Tahimik ba niyang kinukunsinti ang pang-aaping ito at paghihirap? Hindi ba niya inaasam ang araw na maaari niyang palitan ng liwanag ang kadiliman? Hindi ba niya inaasam na minsan pang malunasan ang mga kawalang-hustisya tungo sa pagkamakatuwiran at katotohanan? Naaatim ba niyang manood at walang ginagawa habang tinatalikdan ng tao ang katotohanan at binabaluktot ang mga katunayan? Masaya ba siyang patuloy na tinitiis ang pagmamaltratong ito? Payag ba siyang maging alipin? Handa ba siyang mamatay sa mga kamay ng Diyos kasama ang mga alipin ng nabigong kalagayang ito? Nasaan ang iyong kapasiyahan? Nasaan ang iyong ambisyon? Nasaan ang iyong dignidad? Nasaan ang iyong integridad? Nasaan ang iyong kalayaan? Handa ka bang ibigay ang iyong buong buhay para sa malaking pulang dragon, ang hari ng mga diyablo? Masaya ka bang hayaan itong pahirapan ka hanggang kamatayan?

2 Ang mukha ng kalaliman ay magulo at madilim, ang mga karaniwang katutubo, nagdurusa nang gayong kalungkutan, umiiyak sa Langit at nagrereklamo sa lupa. Kailan maitataas ng tao ang kanyang ulo nang mataas? Payat at buto’t balat ang tao, paano niya malalabanan itong malupit at abusadong diyablo? Bakit hindi niya ibinibigay ang kanyang buhay sa Diyos sa lalong madaling panahong makakaya niya? Bakit nag-aalinlangan pa rin siya, kailan niya matatapos ang gawain ng Diyos? Kaya walang-katuturang binulyawán at inapi, ang kanyang buong buhay sa kahuli-hulihan ay magugugol sa walang-kabuluhan; bakit siya nagmamadaling dumating, at ganoong kabilis na umalis? Bakit hindi siya nagpapanatili ng isang bagay na mahalaga upang ibigay sa Diyos? Nakalimutan na ba niya ang libong taon ng poot? Nasaan ang iyong kapasiyahan? Nasaan ang iyong ambisyon? Nasaan ang iyong dignidad? Nasaan ang iyong integridad? Bakit hindi siya nagpapanatili ng isang bagay na mahalaga upang ibigay sa Diyos? Nakalimutan na ba niya ang libong taon ng poot?

Hango sa “Gawain at Pagpasok (8)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan: 289 Ang Kahihinatnan ng mga Naglilingkod sa Diyos ngunit Sinusuway Siya

Sumunod: 291 Pagtataas ng Diyos sa mga Inapo ni Moab

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.
Makipag-ugnayan sa Amin
Kontakin Kami Gamit ang Messenger

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito