366 Hindi Pababayaan ng Diyos Yaong mga Tunay na Nananabik sa Kanya

1 Kasalukuyan mong nasasaksihan ang napakaraming kilos ng Diyos, subalit lumalaban ka pa rin, sumusuway ka, at hindi nagpapasakop; nagkikimkim ka ng maraming bagay sa iyong kalooban, at ginagawa mo kung ano ang gusto mo. Sinusunod mo ang sarili mong mga pagnanasa at kagustuhan; lahat ng ito ay pagkasuwail at paglaban. Anumang paniniwala sa Diyos alang-alang sa laman at mga pagnanasa ng isang tao, gayundin alang-alang sa sariling mga kagustuhan ng isang tao, ng mundo, at ni Satanas, ay marumi; ito ay likas na paglaban at pagsuway. Sa mga panahong ito, nariyan ang lahat ng iba’t ibang uri ng paniniwala: ngayon: Ang ilan ay naghahanap ng silungan mula sa kalamidad, at ang iba naman ay naghahangad na magtamo ng mga pagpapala; ang ilan ay nais maunawaan ang mga hiwaga, samantalang ang ilan naman ay naghahanap ng pera. Lahat ng ito ay mga anyo ng paglaban at lahat ay kalapastanganan! Ang sabihing lumalaban o sumusuway ang isang tao—hindi ba ito tumutukoy sa gayong mga pag-uugali?

2 Maraming tao sa mga panahong ito ang umaangal, nagrereklamo, o nanghuhusga. Lahat ng iyon ay ginagawa ng masasama; mga halimbawa iyon ng paglaban at pagkasuwail ng tao. Yaong mga natatamo ng Diyos ay yaong mga nagpapasakop sa Kanya nang lubusan; sila ay mga taong nagawang tiwali ni Satanas ngunit nailigtas at nalupig ng kasalukuyang gawain ng Diyos, na nagtiis ng mga pagdurusa, at, sa huli, lubusang nakamtan ng Diyos, na hindi na namumuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas, at nakalaya na sa pagiging masama, at handang mamuhay nang banal—sila ang pinakabanal sa lahat ng tao; talagang sila ang mga banal. Kung ang kasalukuyan mong mga kilos ay hindi nakaayon sa kahit isang bahagi ng mga kinakailangan ng Diyos, ikaw ay aalisin. Hindi ito matututulan. Lahat ay depende sa nangyayari ngayon; kahit ikaw ay nakatakda at nahirang, ang mga kilos mo pa rin ngayon ang magpapasiya sa iyong kahihinatnan. Kung hindi ka makakasunod ngayon, aalisin ka.

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Malaman Kung Paano Umunlad ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw

Sinundan: 365 Napakatiwali ng Iyong Likas na Pagkatao

Sumunod: 367 Inililigtas ng Diyos ang mga Tao mula sa Buhay ng Impiyerno sa Lupa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

610 Tularan ang Panginoong Jesus

ⅠTinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,ang pagtubos sa lahat ng taosa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N’ya,nang walang pansariling layunin...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito