24. Paano lutasin ang problema ng paghahangad ng kasikatan, pakinabang, at katayuan
Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga Huling Araw
Sa inyong paghahangad, napakarami ninyong indibidwal na mga kuru-kuro, pag-asam, at hinaharap. Ang kasalukuyang gawain ay para pungusan ang inyong pagnanais na magkaroon ng katayuan at ang inyong maluluhong pagnanasa. Ang mga pag-asam, katayuan, at mga kuru-kuro ay pawang mga halimbawang kumakatawan ng satanikong disposisyon. Umiiral ang mga ito sa puso ng mga tao dahil palaging sinisira ng lason ni Satanas ang isipan ng mga tao, at palaging hindi maiwaksi ng mga tao ang mga tuksong ito ni Satanas. Nakasadlak sila sa kasalanan subalit hindi sila naniniwala na kasalanan iyon, at iniisip pa rin nila: “Naniniwala kami sa Diyos, kaya kailangan Niya kaming pagkalooban ng mga pagpapala at angkop na isaayos ang lahat para sa amin. Naniniwala kami sa Diyos, kaya kailangan makalamang kami sa iba, at kailangan magkaroon kami ng mas magandang katayuan at kinabukasan kaysa sa iba. Dahil naniniwala kami sa Diyos, kailangan Niya kaming bigyan ng walang-hanggang mga pagpapala. Kung hindi, hindi iyon matatawag na paniniwala sa Diyos.” Sa loob ng maraming taon, ang mga kaisipang naging sandigan ng mga tao para manatiling buhay ay sumisira na sa kanilang puso hanggang sa sila ay maging taksil, duwag, at kasuklam-suklam. Hindi lamang sila walang malakas at matibay na pagpapasya, kundi sila rin ay naging ganid, mapagmataas at sutil. Walang-wala silang anumang paninindigan na dumaraig sa sarili, at higit pa riyan, wala silang katiting na tapang na iwaksi ang mga paghihigpit ng mga impluwensiyang ito ng kadiliman. Ang saloobin at buhay ng mga tao ay bulok na bulok kaya ang kanilang mga pananaw tungkol sa paniniwala sa Diyos ay napakapangit pa rin, at kahit kapag nagsasalita ang mga tao tungkol sa kanilang mga pananaw sa paniniwala sa Diyos, talagang hindi iyon matitiis pakinggan. Ang lahat ng tao ay duwag, walang kakayahan, kasuklam-suklam, at marupok. Wala silang nadaramang pagkasuklam para sa mga puwersa ng kadiliman, at wala silang nadaramang pagmamahal para sa liwanag at katotohanan; sa halip, ginagawa nila ang lahat upang maalis ang mga ito. Hindi ba ganito rin ang inyong kasalukuyang mga iniisip at pananaw? “Dahil naniniwala ako sa Diyos dapat akong buhusan ng mga pagpapala at dapat matiyak na ang aking katayuan ay hindi bababa kailanman at na mananatili itong mas mataas kaysa sa mga walang pananampalataya.” Hindi ka nagkikimkim ng ganyang klaseng pananaw sa iyong kalooban sa loob ng isa o dalawang taon lamang, kundi sa loob ng maraming taon. Sobra-sobra ang pag-iisip mong makipagkasundo. Bagama’t nakarating ka na sa hakbang na ito ngayon, hindi ka pa rin bumibitiw sa katayuan kundi palagi mong pinipilit na alamin ang tungkol dito, at inoobserbahan ito araw-araw, nang may malaking takot na balang araw ay mawala ang iyong katayuan at masira ang iyong pangalan. Hindi pa isinasantabi ng mga tao ang pagnanais nilang guminhawa. … Habang mas naghahanap ka sa ganitong paraan, mas kakaunti ang napapala mo. Kapag mas matindi ang paghahangad ng isang tao sa katayuan, kailangan ay mas mahigpit siyang pungusan at mas nararapat siyang sumailalim sa matinding pagpipino. Ang gayong klaseng mga tao ay walang kuwenta! Kailangan silang pungusan at hatulan nang sapat upang lubusan nilang talikuran ang mga bagay na ito. Kung magpapatuloy kayo sa ganitong paraan hanggang sa huli, wala kayong mapapala. Yaong mga hindi naghahangad na matamo ang buhay ay hindi maaaring mabago, at yaong mga hindi nauuhaw sa katotohanan ay hindi matatamo ang katotohanan. Hindi ka nagtutuon sa paghahangad na matamo ang personal na pagbabago at pagpasok, kundi sa halip ay sa maluluhong pagnanasa at mga bagay na pumipigil sa iyong pagmamahal sa Diyos at humahadlang sa iyo na mapalapit sa Kanya. Mababago ka ba ng mga bagay na yaon? Madadala ka ba ng mga iyon papasok sa kaharian?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Bakit Ayaw Mong Maging Panghambing?
Bawat isa sa inyo ay nakaakyat na sa tugatog ng maraming tao; nakaakyat na kayo upang maging mga ninuno ng masa. Masyado kayong padalus-dalos, at naghuhuramentado kayo sa gitna ng lahat ng uod, na naghahanap ng isang maginhawang lugar at nagtatangkang lamunin ang mga uod na mas maliliit kaysa sa inyo. Malisyoso kayo at masama sa inyong puso, na higit pa maging sa mga multo na lumubog na sa pusod ng dagat. Naninirahan kayo sa ilalim ng dumi, ginagambala ang mga uod mula ibabaw hanggang ilalim hanggang sa mawalan na ng kapayapaan ang mga ito, nag-aaway sandali at pagkatapos ay kumakalma. Hindi ninyo alam ang inyong lugar, subalit nilalabanan pa rin ninyo ang isa’t isa sa dumi. Ano ang mapapala ninyo sa ganyang sagupaan? Kung totoong mayroon kayong pusong may takot sa Akin, paano ninyo naaatim na mag-away-away sa Aking likuran? Gaano man kataas ang iyong katungkulan, hindi ba mabaho ka pa ring maliit na uod sa dumi? Magagawa mo bang magpatubo ng mga pakpak at maging isang kalapati sa himpapawid?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag ang mga Dahong Nalalaglag ay Bumalik sa mga Ugat Nito, Pagsisisihan Mo ang Lahat ng Kasamaang Nagawa Mo
Hindi Ako tapat na minahal ng tao kailanman. Kapag itinataas Ko siya, pakiramdam niya ay hindi siya karapat-dapat, ngunit hindi niya sinusubukang palugurin Ako dahil dito. Hawak lamang niya ang “katayuan” na naibigay Ko sa kanyang mga kamay at sinusuri ito; hindi nadarama ang Aking pagiging kaibig-ibig, sa halip ay patuloy siyang nagpapakasasa sa mga pakinabang ng kanyang katayuan. Hindi ba ito ang kakulangan ng tao? Kapag gumagalaw ang mga bundok, maaari ba silang lumihis ng daan para sa kapakanan ng iyong katayuan? Kapag dumadaloy ang mga tubig, maaari bang huminto ang mga ito sa harap ng katayuan ng tao? Mababaligtad ba ng katayuan ng tao ang kalangitan at ang lupa? Minsan Akong naging maawain sa tao, nang paulit-ulit—subalit walang sinumang nagmamahal o nagpapahalaga rito. Pinakinggan lamang nila ito bilang isang kuwento, o binasa ito bilang isang nobela. Hindi ba talaga naaantig ng Aking mga salita ang puso ng tao? Talaga bang walang bisa ang Aking mga pagbigkas? Maaari kayang walang sinumang naniniwala sa Aking pag-iral? Hindi mahal ng tao ang kanyang sarili; sa halip, nakikiisa siya kay Satanas para lusubin Ako, at ginagamit si Satanas bilang isang “pag-aari” upang paglingkuran Ako. Papasukin Ko ang lahat ng mapanlinlang na mga pakana ni Satanas, at pipigilan ang mga tao sa lupa na iligaw ni Satanas, upang hindi sila kumalaban sa Akin dahil sa pag-iral nito.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 22
Gaano man katayog ang mga mithiin ng tao, gaano man kamakatotohanan ang mga pagnanais ng tao o gaano man maaaring kaangkop ang mga ito, ang lahat ng ninanais matamo ng tao, ang lahat ng hinahanap ng tao, ay pawang nauugnay sa dalawang salita. Ang dalawang salitang ito ay lubhang mahalaga sa buhay ng bawa’t tao, at ang mga ito ay mga bagay na binabalak na ikintal ni Satanas sa tao. Ano ang dalawang salitang ito? Ang mga ito ay “katanyagan” at “pakinabang.” Si Satanas ay gumagamit ng isang napakatusong uri ng paraan, isang paraang lubos na kaayon ng mga kuru-kuro ng mga tao, na hindi naman radikal, kung saan ay nagiging sanhi na walang kamalayang tanggapin ng mga tao ang uri ng pamumuhay nito, ang mga patakaran nito upang mabuhay, at magtatatag ng mga layunin sa buhay at kanilang direksyon sa buhay, at nagkakaroon din sila ng mga ambisyon sa buhay nang hindi namamalayan. Gaano man katayog magmistula ang mga mithiing ito sa buhay, ang mga ito ay pawang nauugnay sa “katanyagan” at “pakinabang.” Sinumang dakila o tanyag na tao—lahat ng tao, sa katunayan—anumang bagay na sinusunod nila sa buhay ay nauugnay lamang sa dalawang salitang ito: “katanyagan” at “pakinabang.” Iniisip ng mga tao na sa sandaling magkaroon sila ng katanyagan at pakinabang, maaari na nila kung gayong samantalahin ang mga ito upang tamasahin ang mataas na katayuan at malaking kayamanan, at upang masiyahan sa buhay. Iniisip nila na ang katanyagan at pakinabang ay mga uri ng puhunan na maaari nilang gamitin upang magkamit ng isang buhay na mapaghanap-ng-kaluguran at walang-pakundangan sa pagtatamasa ng laman. Alang-alang sa katanyagan at pakinabang na ito na iniimbot ng sangkatauhan, ang mga tao ay kusang-loob, hindi man namamalayan, na ibinibigay ang kanilang mga katawan, mga isip, at lahat ng mayroon sila, ang kanilang kinabukasan at kanilang mga tadhana, kay Satanas. Ginagawa nila ito nang taos-puso at ng wala ni isang sandali ng pag-aatubili, kailanman ay mangmang sa pangangailangan na mabawi ang lahat ng naibigay na nila. Mapapanatili ba ng mga tao ang anumang kontrol sa kanilang mga sarili sa sandaling manganlong sila kay Satanas sa ganitong paraan at maging tapat dito? Tiyak na hindi. Sila ay ganap at lubos na kontrolado ni Satanas. Sila rin ay ganap at lubos na nalublob sa isang putikan, at hindi magawang mapalaya ang kanilang mga sarili. Kapag ang isang tao ay nasadlak sa katanyagan at pakinabang, hindi na nila hinahanap ang maliwanag, ang makatarungan, o ang mga bagay na maganda at mabuti. Ito ay dahil sa ang nakatutuksong kapangyarihan na mayroon ang katanyagan at pakinabang sa mga tao ay napakalaki; at ang mga ito ay nagiging mga bagay para hangarin ng mga tao sa buong buhay nila at maging sa walang hanggan nang walang katapusan. Hindi ba ito totoo? …
… Inagamit ni Satanas ang kasikatan at pakinabang upang kontrolin ang mga iniisip ng tao, hanggang sa ang tanging maisip ng mga tao ay katanyagan at pakinabang. Nagsusumikap sila para sa katanyagan at pakinabang, nagdaranas ng mga paghihirap para sa katanyagan at pakinabang, nagtitiis ng kahihiyan para sa katanyagan at pakinabang, nagsasakripisyo ng lahat ng mayroon sila para sa katanyagan at pakinabang, at maghuhusga o magpapasya para sa katanyagan at pakinabang. Sa ganitong paraan, iginagapos ni Satanas ang mga tao gamit ang kadenang hindi nakikita, at wala silang lakas ni tapang na iwaksi ang mga ito. Dala nila ang mga kadenang ito nang hindi nila nalalaman at hirap na hirap silang sumulong. Alang-alang sa katanyagan at pakinabang na ito, lumalayo ang sangkatauhan sa Diyos at nagtataksil sa Kanya at lalo silang nagiging masama. Sa ganitong paraan, samakatuwid, sunud-sunod na nawawasak ang mga henerasyon sa gitna ng katanyagan at pakinabang ni Satanas. Kung titingnan ngayon ang mga kilos ni Satanas, hindi ba lubos na kasuklam-suklam ang masasamang motibo nito? Marahil ay hindi pa rin ninyo malinaw na nakikita ngayon ang masasamang motibo ni Satanas dahil iniisip ninyo na hindi mabubuhay ang tao kung walang katanyagan at pakinabang. Iniisip ninyo na kung tatalikuran ng mga tao ang katanyagan at pakinabang, hindi na nila makikita ang daan sa kanilang harapan, hindi na nila makikita ang kanilang mga layunin, na magiging madilim, malabo at mapanglaw ang kanilang hinaharap. Ngunit, unti-unti, balang araw ay mapapansin ninyong lahat na ang katanyagan at pakinabang ay malalaking kadenang ginagamit ni Satanas upang igapos ang tao. Pagdating ng araw na iyon, lubusan mong lalabanan ang pagkontrol ni Satanas at ang mga kadenang ginagamit ni Satanas upang igapos ka. Pagdating ng oras na nais mong iwaksi ang lahat ng bagay na naikintal sa iyo ni Satanas, ganap kang hihiwalay kay Satanas at talagang kamumuhian mo ang lahat ng naidulot ni Satanas sa iyo. Saka lamang magkakaroon ng tunay na pagmamahal at pananabik sa Diyos ang sangkatauhan.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI
Pagdating sa anumang may kinalaman sa reputasyon, katayuan, o pagkakataong mamukod-tangi—halimbawa, kapag naririnig ninyo na ang sambahayan ng Diyos ay nagpaplanong maglinang ng sari-saring uri ng mga taong may talento—lumulukso sa pag-asam ang puso ng bawat isa sa inyo, gusto palagi ng bawat isa sa inyo na maging tanyag at makakuha ng pansin. Lahat kayo ay nais na makipaglaban para sa katayuan at reputasyon. Ikinahihiya ninyo ito, pero hindi magiging maganda ang pakiramdam ninyo kung hindi ninyo ito gagawin. Nakararamdam kayo ng inggit, pagkamuhi, at nagrereklamo sa tuwing may nakikita kayong taong namumukod-tangi, at iniisip ninyo na hindi ito patas: “Bakit hindi ako makapamukod-tangi? Bakit palagi na lang ibang tao ang napapansin? Bakit hindi ako kahit kailan?” At pagkatapos ninyong makaramdam ng sama ng loob, sinusubukan ninyo itong pigilin, ngunit hindi ninyo magawa. Nagdarasal kayo sa Diyos at gumaganda ang pakiramdam sandali, ngunit kapag naharap kayong muli sa ganitong sitwasyon, hindi pa rin ninyo ito madaig. Hindi ba ito nagpapakita ng isang tayog na kulang pa sa gulang? Kapag naiipit sa gayong mga kalagayan ang mga tao, hindi ba’t nahulog na sila sa patibong ni Satanas? Ito ang mga kadena ng tiwaling kalikasan ni Satanas na gumagapos sa mga tao. Kung iwawaksi ng mga tao ang mga tiwaling disposisyong ito, hindi ba nila mararamdaman noon na malaya at napakawalan na sila? Pag-isipan mo: Kung nais mong maiwasang malagay sa mga kalagayang ito ng pakikipaglaban para sa katanyagan at pakinabang—na mapalaya mo ang iyong sarili mula sa mga tiwaling kalagayang ito, at na makawala ka mula sa pagkabagabag at pagkagapos sa katanyagan, pakinabang, at katayuan—aling mga katotohanan ang kailangan mong maunawaan? Aling mga katotohanang realidad ang kailangan mong taglayin para matamo mo ang kalayaan at pagpapalaya? Una, kailangan mong makita na ginagamit ni Satanas ang katanyagan, pakinabang, at katayuan para gawing tiwali ang mga tao, bitagin sila, abusuhin sila, hamakin sila at ilublob sila sa kasalanan. Bukod pa riyan, sa pagtanggap lamang sa katotohanan magagawang talikdan at isantabi ng mga tao ang katanyagan, pakinabang, at katayuan. Napakahirap para sa kaninuman na isantabi ang mga bagay na ito, siya man ay bata o matanda, o bago o matagal nang mananampalataya. Bagamat hindi palakibo ang ilang tao, at mukhang hindi sila gaanong nagsasalita, ang totoo ay nagkikimkim sila ng mas maraming paghihirap sa puso nila kaysa sa iba. Mahirap para sa lahat na isuko ang katanyagan, pakinabang, at katayuan; hindi kayang madaig ninuman ang panunukso ng mga bagay na iyon—pare-pareho lahat ang panloob na kalagayan ng mga tao. Ginawang tiwali ni Satanas ang tao nang walang ibang ginagamit maliban sa katanyagan at pakinabang; sadyang naikintal na sa mga tao ang mga bagay na ito ng ilang libong taon ng tradisyonal na kultura. Samakatuwid, mahal at hangad ng tiwaling kalikasan ng tao ang katanyagan, pakinabang, at katayuan, magkakaiba nga lang ang mga paraan ng paghahangad at pagpapahayag dito ng iba’t ibang tao. May ilan na hindi kailanman nagsasalita tungkol dito, at itinatago ito sa puso nila, samantalang may iba na inihahayag ito sa kanilang mga salita. May ilan na nakikipaglaban para sa mga bagay na ito, nang walang anumang pag-aalinlangan, samantalang may iba naman na hindi nakikipaglaban para sa mga ito, pero lihim silang nagrereklamo, nagmamaktol, at naninira ng mga bagay-bagay. Bagamat iba-iba ang pagpapamalas nito sa iba’t ibang tao, parehong-pareho ang mga kalikasan nila. Lahat sila ay mga tiwaling taong lumalaban sa Diyos. Kung palagi kang nakatuon sa katanyagan, pakinabang, at katayuan, kung masyado mong pinahahalagahan ang mga bagay na ito, kung nilalaman ng puso mo ang mga ito, at kung ayaw mong bitiwan ang mga ito, kokontrolin at gagapusin ka ng mga ito. Magiging alipin ka ng mga ito, at sa huli, lubos kang sisirain ng mga ito. Kailangan mong matutunang bitiwan at isantabi ang mga bagay na ito, na irekomenda ang iba, at tulutan silang mamukod-tangi. Huwag kang magpumilit o magmadaling samantalahin ang mga pagkakataong mamukod-tangi at mapansin. Kailangan mong maisantabi ang mga bagay na ito, ngunit kailangan mo ring hindi maantala ang pagganap ng iyong tungkulin. Maging isa kang taong gumagawa nang hindi napapansin, at hindi nagpapasikat sa iba habang may pagkamatapat mong mong ginagampanan ang iyong tungkulin. Habang lalo mong binibitiwan ang iyong pagpapahalaga sa sarili at katayuan, at habang lalo mong binibitiwan ang sarili mong mga interes, lalo kang makadarama ng kapayapaan, lalong magkakaroon ng liwanag sa puso mo, at lalong bubuti ang kalagayan mo. Kapag lalo kang nagpupumilit at nakikipagkumpitensya, lalong didilim ang kalagayan mo. Kung hindi ka naniniwala sa Akin, subukan mo nang makita mo! Kung gusto mong mabago ang ganitong klase ng tiwaling kalagayan, at hindi ka makontrol ng mga bagay na ito, kailangan mong hanapin ang katotohanan, at malinaw na maunawaan ang diwa ng mga bagay na ito, at pagkatapos ay isantabi ang mga ito at isuko ang mga ito. Kung hindi, habang mas nagpupumilit ka, lalong magdidilim ang puso mo, at lalo kang makadarama ng inggit at pagkamuhi, at lalo lang titindi ang hangarin mong makamit ang mga bagay na ito. Habang lalong tumitindi ang hangarin mong makamit ang mga ito, lalo mo itong hindi magagawang matamo, at habang nangyayari ito, mas nadaragdagan ang pagkamuhi mo. Habang mas namumuhi ka, lalong nagdidilim ang kalooban mo. Habang lalong nagdidilim ang iyong kalooban, lalong pumapangit ang pagganap mo sa iyong tungkulin, at habang lalong pumapangit ang pagganap mo sa iyong tungkulin, lalo kang nawawalan ng silbi sa sambahayan ng Diyos. Ito ay magkakaugnay at masamang bagay na paulit-ulit na nangyayari. Kung hindi mo magagampanan nang maayos ang iyong tungkulin kailanman, unti-unti kang ititiwalag.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon
Sa halip na hanapin ang katotohanan, karamihan sa mga tao ay may kani-kanilang sariling mga adyenda. Napakahalaga para sa kanila ng sarili nilang mga interes, reputasyon, at ang posisyon o katayuang pinanghahawakan nila sa isip ng ibang tao. Ang mga bagay na ito lamang ang pinakaiingat-ingatan nila. Napakahigpit ng pagkapit nila sa mga bagay na ito at itinuturing ang mga ito bilang kanilang sariling buhay. At hindi gaanong mahalaga sa kanila kung paano sila ituring o itrato ng Diyos; sa ngayon, binabalewala nila iyon; sa ngayon, isinasaalang-alang lamang nila kung sila ang namumuno sa grupo, kung mataas ba ang tingin sa kanila ng ibang tao, at kung matimbang ba ang kanilang mga salita. Ang una nilang inaalala ay ang pag-okupa sa posisyong iyon. Kapag sila ay nasa isang grupo, ang ganitong uri ng katayuan, at ganitong mga uri ng oportunidad ang hanap ng halos lahat ng tao. Kapag masyado silang talentado, siyempre gusto nilang maging pinakamataas sa grupo; kung medyo may abilidad naman sila, gugustuhin pa rin nilang humawak ng mas mataas na posisyon sa grupo; at kung mababa ang hawak nilang posisyon sa grupo, pangkaraniwan lamang ang kakayahan at mga abilidad, gugustuhin din nilang maging mataas ang tingin sa kanila ng iba, hindi nila gugustuhing maging mababa ang tingin sa kanila ng iba. Sa reputasyon at dignidad nagtatakda ng limitasyon ang mga taong ito: Kailangan nilang panghawakan ang mga bagay na ito. Maaaring wala silang integridad, at hindi nila taglay ang pagsang-ayon ni pagtanggap ng Diyos, pero hinding-hindi maaaring mawala sa kanila ang respeto, katayuan, o paggalang na hinahangad nila mula sa iba—na siyang disposisyon ni Satanas. Pero walang kamalayan ang mga tao tungkol dito. Ang paniniwala nila ay dapat silang kumapit sa kapirasong reputasyong ito hanggang sa pinakahuli. Wala silang kamalay-malay na kapag ganap na tinalikdan at isinantabi ang mga walang kabuluhan at mabababaw na bagay na ito saka lamang sila magiging totoong tao. Kung iniingatan ng isang tao ang mga bagay na ito na dapat iwaksi bilang buhay, mawawala ang kanyang buhay. Hindi nila alam kung ano ang nakataya. Kaya, kapag kumikilos sila, lagi silang may reserbasyon, lagi nilang sinusubukang protektahan ang sarili nilang reputasyon at katayuan, inuuna nila ang mga ito, nagsasalita lamang para sa kanilang sariling kapakinabangan, upang huwad na ipagtanggol ang kanilang sarili. Lahat ng ginagawa nila ay para sa kanilang sarili. Sumusugod sila agad sa anumang bagay na nagniningning, ipinapaalam sa lahat na naging kabahagi sila nito. Ang totoo, wala naman itong kinalaman sa kanila, subalit ayaw na ayaw nilang mapag-iwanan, lagi silang natatakot na hamakin ng ibang tao, lagi silang nangangamba na sabihin ng ibang tao na wala silang kuwenta, na wala silang anumang kayang gawin, na wala silang kasanayan. Hindi ba’t ang lahat ng ito ay kontrolado ng kanilang mga satanikong disposisyon? Kapag nagagawa mong bitiwan ang mga bagay na gaya ng reputasyon at katayuan, higit na mas magiging panatag at malaya ka; matatahak mo ang landas ng pagiging tapat. Ngunit para sa marami, hindi ito madaling makamit. Kapag lumitaw ang kamera, halimbawa, hindi magkamayaw sa pagpunta sa harapan ang mga tao; gusto nilang nakikita ang kanilang mukha sa kamera, mas matagal na makuhanan, mas mabuti; takot silang hindi makuhanang mabuti, at magsasakripisyo nang husto para sa pagkakataong makuha ito. At hindi ba ito kontrolado lahat ng kanilang mga satanikong disposisyon? Ito ang mga sataniko nilang disposisyon. Nakuhanan ka na—ano na ngayon? Mataas na ang tingin sa iyo ng mga tao—ano naman ngayon? Iniidolo ka nila—ano naman ngayon? Pinatutunayan ba ng anuman dito na mayroon kang katotohanang realidad? Walang anumang halaga ang mga ito. Kapag kaya mong mapagtagumpayan ang mga bagay na ito—kapag wala ka nang pakialam sa mga ito, at hindi mo na nararamdamang mahalaga ang mga ito, kapag hindi na nakokontrol ng reputasyon, banidad, katayuan, at paghanga ng mga tao ang iyong mga saloobin at pag-uugali, lalong-lalo na kung paano mo gampanan ang iyong tungkulin—kung gayon, lalong magiging epektibo, at mas dalisay ang pagganap mo sa iyong tungkulin.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi
Gustung-gusto ng tiwaling sangkatauhan ang reputasyon at katayuan. Lahat sila ay naghahangad ng kapangyarihan. Kayong mga lider at manggagawa na ngayon, hindi ba ninyo nararamdaman na dinadala ninyo ang inyong titulo o ranggo sa inyong mga ikinikilos? Gayon din ang mga anticristo at huwad na lider, nararamdaman nilang lahat na sila ay mga opisyal sa sambahayan ng Diyos, na mas mahusay sila kaysa sa iba, na nakahihigit sila sa iba. Kung wala silang opisyal na mga titulo at ranggo, wala silang pasanin sa pagganap ng kanilang mga tungkulin, at hindi sila masigasig na gagawa. Itinuturing ng lahat ang pagiging lider o manggagawa bilang katumbas ng pagiging opisyal, at lahat ay handang kumilos bilang isang opisyal. Kung titingnan sa positibong anggulo, tinatawag natin itong paghahangad ng isang propesyon—ngunit kung sa negatibong anggulo, ito ay tinatawag na pag-aasikaso ng mga pansariling usapin. Ito ay pagtatayo ng isang independiyenteng kaharian upang matugunan ang sariling mga ambisyon at hangarin. Sa huli, mabuti ba o masama ang magkaroon ng katayuan? Sa mga mata ng tao, isa itong magandang bagay. Kapag mayroon kang opisyal na titulo, nagiging iba ang pagsasalita at pagkilos. Ang iyong mga salita ay may kapangyarihan, at susunod ang mga tao sa mga ito. Bobolahin ka nila nang husto, magmamartsa sila sa harap mo habang sumisigaw at aalalayan ka nila mula sa likuran. Ngunit kung wala ang iyong katayuan at mga titulo, magbibingi-bingihan sila sa iyong mga salita. Bagamat maaaring totoo ang iyong mga salita, puno ng mabuting katuturan, at kapaki-pakinabang sa mga tao, walang sinuman ang susunod sa iyo. Ano ang ipinapakita nito? Lahat ng tao ay iginagalang ang katayuan. Lahat sila ay may mga ambisyon at hangarin. Lahat sila ay naghahangad sa pagsamba ng iba at mahilig pangasiwaan ang mga bagay mula sa posisyon ng katayuan. Maisasakatuparan ba ng isang tao ang mabubuting gawa mula sa isang posisyon ng katayuan? Makagagawa ba siya ng mga bagay na kapaki-pakinabang sa mga tao? Hindi iyon tiyak. Depende ito sa landas na iyong tinatahak at kung paano mo itinuturing ang katayuan. Kung hindi mo hinahangad ang katotohanan, ngunit gusto mo palagi na paboran ka ng ibang tao, ninanais na tugunan ang sarili mong mga ambisyon at hangarin, at tuparin ang pananabik mo sa katayuan, kung gayon ay tumatahak ka sa landas ng mga anticristo. Ang isang taong tumatahak sa landas ng mga anticristo ay makakaayon ba sa katotohanan sa kanyang paghahangad at pagganap sa kanyang tungkulin? Talagang hindi. Ito ay dahil ang landas na pipiliin ng isang tao ang magpapasya sa lahat. Kung pipiliin ng isang tao ang maling landas, ang lahat ng kanyang mga pagsisikap, kanyang pagganap sa tungkulin, at kanyang paghahangad ay hinding-hindi aayon sa katotohanan. Ano sa mga ito ang salungat sa katotohanan? Ano ang hinahangad niya sa kanyang mga ikinikilos? (Katayuan.) Ano ang ipinapakita ng lahat ng tao na gumagawa ng mga bagay-bagay alang-alang sa katayuan? Sabi ng ilan, “Palagi silang sumasambit ng mga salita at doktrina, hindi sila kailanman nagbabahagi ng katotohanang realidad, lagi silang nagpapakitang gilas, lagi silang nagsasalita para sa sarili nilang kapakanan, hindi nila pinupuri o pinatototohanan ang Diyos kailanman. Ang mga taong nagpapakita ng gayong mga bagay ay kumikilos para lamang sa katayuan.” Tama ba ito? (Oo.) Bakit sila sumasambit ng mga salita at doktrina at nagpapakitang gilas? Bakit hindi nila pinupuri at pinatototohanan ang Diyos? Dahil sa kanilang puso, naroon lamang ang katayuan, at ang kanilang katanyagan at pakinabang—lubusang wala ang Diyos sa kanilang mga puso. Partikular na iniidolo ng gayong mga tao ang katayuan at awtoridad. Napakahalaga sa kanila ng kanilang katanyagan at pakinabang; naging buhay na nila ang kanilang katanyagan, pakinabang, at katayuan. Wala ang Diyos sa kanilang mga puso, hindi nila kinatatakutan ang Diyos, at lalo namang hindi sila nagpapasakop sa Kanya; pinupuri lamang nila ang kanilang sarili, pinatototohanan ang kanilang sarili, at nagpapakitang-gilas upang makuha ang paghanga ng iba. Kaya, madalas nilang ipinagmamayabang ang kanilang sarili, kung ano ang kanilang nagawa, kung gaano sila nagdusa, kung paano nila binigyang-lugod ang Diyos, kung gaano sila naging mapagpasensya noon nang pinupungusan sila, lahat ng ito upang makuha ang simpatiya at paghanga ng mga tao. Ang mga taong ito ang kauri ng mga anticristo, tinatahak nila ang landas ni Pablo.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Lutasin ang mga Tukso at Gapos ng Katayuan
Kung kayo ay isang lider o manggagawa, natatakot ba kayong tanungin at pangasiwaan ng sambahayan ng Diyos ang inyong gawain? Natatakot ba kayong matuklasan ng sambahayan ng Diyos ang mga kapabayaan at kamalian sa inyong gawain at pungusan kayo? Natatakot ba kayo na kapag nalaman na ng Itaas ang inyong tunay na kakayahan at tayog, maiiba ang tingin nila sa inyo at hindi kayo ikokonsidera na taasan ng ranggo? Kung may ganito kang mga kinatatakutan, pinatutunayan nito na hindi para sa kapakanan ng gawain ng iglesia ang mga motibasyon mo, nagtatrabaho ka alang-alang sa reputasyon at katayuan, na nagpapatunay na may disposisyon ka ng isang anticristo. Kung may disposisyon ka ng isang anticristo, malamang na tahakin mo ang landas ng mga anticristo, at gawin ang lahat ng kasamaang inihasik ng mga anticristo. Kung, sa iyong puso, hindi ka natatakot na pangasiwaan ng sambahayan ng Diyos ang iyong gawain, at nagagawa mong magbigay ng mga totoong sagot sa mga katanungan at pag-uusisa ng Itaas, nang walang itinatagong anuman, at sinasabi kung ano ang nalalaman mo, kung gayon tama man o mali ang sinasabi mo, kahit ano pang katiwalian ang naibunyag mo—kahit naibunyag mo pa ang disposisyon ng isang anticristo—siguradong hindi ka tutukuyin na isang anticristo. Ang susi ay kung nagagawa mo bang alamin ang sarili mong disposisyon ng isang anticristo, at kung nagagawa mo bang hanapin ang katotohanan upang malutas ang problemang ito. Kung isa kang taong tinatanggap ang katotohanan, maaayos ang iyong anticristong disposisyon. Kung alam na alam mo na mayroon kang disposisyon ng isang anticristo pero hindi mo hinahanap ang katotohanan para lutasin ito, kung sinusubukan mo pang pagtakpan o pagsinungalingan ang mga problemang nagaganap at iwasan ang responsabilidad, at kung hindi mo tinatanggap ang katotohanan kapag isinasailalim ka sa pagpupungos, kung gayon ay isa itong seryosong problema, at wala kang ipinagkaiba sa isang anticristo. Nababatid mong may disposisyon ka ng isang anticristo, bakit hindi ka nangangahas na harapin ito? Bakit hindi mo ito maharap nang tapatan at sabihing, “Kung magtatanong ang Itaas tungkol sa aking gawain, sasabihin ko ang lahat ng alam ko, at kahit malantad pa ang masasamang bagay na nagawa ko, at hindi na ako gamitin ng Itaas sa sandaling malaman nila, at mawalan ako ng katayuan, sasabihin ko pa rin nang malinaw ang kailangan kong sabihin”? Ang takot mong pangasiwaan at kuwestiyunin ang gawain mo ng sambahayan ng Diyos ay nagpapatunay na mas pinahahalagahan mo ang iyong katayuan kaysa sa katotohanan. Hindi ba ito ang disposisyon ng isang anticristo? Ang pagpapahalaga sa katayuan nang higit sa lahat ay disposisyon ng isang anticristo. Bakit mo pinakakaingatan nang husto ang katayuan? Ano ang mga kapakinabangang makukuha mo mula sa katayuan? Kung naghatid sa iyo ng kapahamakan, mga paghihirap, kahihiyan, at pasakit ang katayuan, pakakaingatan mo pa rin ba ito? (Hindi.) Napakaraming kapakinabangang nagmumula sa pagkakaroon ng katayuan, mga bagay na tulad ng inggit, paggalang, pagpapahalaga, at matatamis na salita mula sa ibang mga tao, pati na ang kanilang paghanga at pagpipitagan. Nariyan din ang pakiramdam na angat ka at may pribilehiyo na dulot ng iyong katayuan, na nagbibigay sa iyo ng karangalan at diwa ng pagpapahalaga sa sarili. Dagdag pa rito, matatamasa mo rin ang mga bagay-bagay na hindi natatamasa ng iba, tulad ng mga benepisyo ng katayuan at espesyal na pagtrato. Ito ang mga bagay na ni hindi ka nangangahas na isipin, at ang mga inaasam-asam mo sa iyong mga panaginip. Pinahahalagahan mo ba ang mga bagay na ito? Kung hungkag lamang ang katayuan, walang tunay na kabuluhan, at walang layunin ang pagtatanggol dito, hindi ba kahangalang pahalagahan ito? Kung kaya mong bumitaw sa mga bagay na tulad ng mga interes at tinatamasa ng laman, hindi ka na matatali sa katanyagan at pakinabang. Kaya, ano muna ang kailangang malutas para maresolba ang mga isyung nauugnay sa pagpapahalaga at paghahangad sa katayuan? Una, kilatisin ang kalikasan ng problema ng paggawa ng masama at panlilinlang, pagtatago, at pagtatakip, maging pagtanggi sa pangangasiwa, pagtatanong, at pagsusuri ng sambahayan ng Diyos, upang matamasa ang mga benepisyo ng katayuan. Hindi ba’t ito ay lantarang paglaban at pagsalungat sa Diyos? Kung mahahalata mo ang kalikasan at mga kahihinatnan ng pagnanasa sa mga benepisyo ng katayuan, malulutas ang problema ng paghahangad ng katayuan. Kung hind imo kayang makilatis ang diwa ng pagnanasa sa mga benepisyo ng katayuan, hindi malulutas ang problemang ito kailanman.
—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Ikalawang Bahagi)
Ang ganitong uri ng tao, na gumagawa ng mga bagay alang-alang sa kasikatan, pakinabang, at katayuan, ay pinakabihasa sa panlilihis ng iba. Kapag una mo siyang nakilala, hindi mo makikita ang tunay niyang kulay. Makikita mo na tila maganda ang doktrinang kanyang tinatalakay, tila praktikal ang kanyang sinasabi, talagang akma ang gawaing kanyang isinasaayos, at tila may kakayahan siya, at medyo hinahangaan mo siya. Ang ganitong uri ng tao ay handa ring magbayad ng halaga kapag ginagampanan ang kanyang tungkulin. Araw-araw siyang nagtatrabaho nang husto ngunit hindi kailanman nagreklamo na napapagod na siya. Wala siyang kahit kaunting karupukan. Kapag nanghihina ang ibang tao, siya ay hindi. Hindi rin siya nagnanasa sa mga kaginhawahan ng laman, at hindi siya mapili sa pagkain. Kapag may espesyal na inihanda para sa kanya ang pamilyang nagpapatira sa kanya, tinatanggihan niya ito at hindi kinakain. Kumakain lang siya ng mga ordinaryong pagkain. Ang sinumang nakakakita ng mga ganitong tao ay humahanga sa kanila. Kaya, paano makikilatis kung ginagawa niya ang mga bagay alang-alang sa katayuan? Una, dapat tingnan kung isa siyang taong naghahangad sa katotohanan. Saan ito mahahalata? (Sa kanyang layunin at pinagsisimulan kapag gumagawa ng mga bagay.) Isang bahagi ito. Pangunahin itong mahahalata sa layon na kanyang hinahangad. Kung ito ay alang-alang sa pagtamo sa katotohanan, pahahalagahan niya ang madalas na pagbabasa ng mga salita ng Diyos, pag-unawa sa katotohanan at pagkilala sa kanyang sarili sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Kung madalas siyang nagbabahagi tungkol sa pagkilala sa kanyang sarili, makikita niyang masyadong maraming bagay ang wala sa kanya, na hindi niya tinataglay ang katotohanan, at likas niyang pagsisikapang hangarin ang katotohanan. Habang mas nakikilala ng mga tao ang kanilang sarili, lalo nilang nagagawang hangarin ang katotohanan. Ang mga taong palaging nagsasabi at gumagawa ng mga bagay alang-alang sa katayuan ay malinaw na hindi mga taong naghahangad sa katotohanan. Kapag sila ay pinupungusan, hindi nila ito tinatanggap—takot na takot silang masira ang kanilang reputasyon. Kaya, nagagawa ba nilang tanggapin ang mga salita ng paghatol at pagkastigo ng Diyos at pagnilayan ang kanilang sarili? Kaya ba nilang tunay na unawain ang mga paglihis sa sarili nilang karanasan? Kung wala sila ng alinman sa mga pagpapamalas na ito, makakatiyak na hindi sila mga taong naghahangad sa katotohanan. Sabihin ninyo sa Akin, ano pa ang ibang pagpapamalas ng mga tao na hindi nagmamahal sa katotohanan at na naghahangad sa katayuan? (Kapag pinupuna sila ng ibang tao, hindi nila ito tinatanggap, at sa halip ay nagiging depensibo sila, pinangangatwiranan nila ang kanilang sarili, at nagdadahilan sila. Nagsasalita sila upang mapanatili ang kanilang pride at maingatan ang kanilang katayuan. Kung may taong hindi sumusuporta sa kanila, inaatake at hinuhusgahan nila ito.) Kapag inaatake at hinuhusgahan ng mga tao ang iba, at nagsasalita sila at ipinagtatanggol ang kanilang sarili alang-alang sa sarili nilang pride at katayuan, ang hangarin at layon sa likod ng kanilang mga kilos ay malinaw na mali, at ganap silang nabubuhay para sa katayuan. Ang uri ba ng mga tao na nagsasabi at gumagawa ng lahat ng bagay alang-alang sa katayuan ay may pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos? Kaya ba nilang tanggapin ang katotohanan? Talagang hindi. Iniisip nilang kung isinasaalang-alang nila ang mga layunin ng Diyos ay dapat nilang isagawa ang katotohanan, at kung isinasagawa nila ang katotohanan ay dapat silang magdusa at magbayad ng halaga. Pagkatapos, mawawala na sa kanila ang kasiyahang kaakibat ng katayuan, at hindi na nila matatamasa ang mga pakinabang ng katayuan. Samakatwid, pinipili na lang nilang hangarin ang kasikatan, pakinabang, at katayuan, at hangaring makakuha ng mga gantimpala. Sa ano pang mga paraan nagpapamalas ang mga taong naghahangad ng katayuan? Ano pang mga bagay ang ginagawa nila? (Kung makakakita sila ng ilang talentadong indibidwal sa paligid nila na mas regular na naghahangad sa katotohanan, at na karapat-dapat sa paglilinang, at na mas may tendensiyang suportahan ng mga kapatid, dala ng takot na lalabanan at papalitan sila ng mga taong ito, at magiging banta sa kanilang katayuan, nag-iisip sila ng mga paraan upang supilin ang mga talentadong indibidwal na ito, at naghahanap ng lahat ng uri ng dahilan at palusot upang ipahiya ang mga ito. Ang pinakakaraniwang paraan ay ang bansagan ang mga ito na masyadong mapagmataas, nag-aakalang mas matuwid kaysa sa iba, at palaging pumipigil sa iba, at papaniwalain ang mga tao na totoo ang mga bagay na ito, at hindi hayaan ang sambahayan ng Diyos na itaas ang posisyon o linangin ang mga indibidwal na ito.) Ito ang pinakakaraniwang pagpapamalas. May iba pa ba kayong gustong idagdag? (Palagi nilang gustong magpatotoo para sa sarili nila at magpasikat. Palagi silang nagkukuwento ng kung anong kamangha-manghang bagay tungkol sa sarili nila; kailanman ay hindi sila nagkuwento ng hindi magandang aspekto nila, at kung may gawin silang masama, hindi nila pinagninilayan o hinihimay ang kanilang mga kilos.) Palagi nilang ikinukuwento kung paano sila nagdurusa at nagbabayad ng halaga, kung paano sila pinapatnubayan ng Diyos, at ipinakikita ang gawaing natapos nila. Bahagi rin ito ng paraan ng pagpapamalas sa pagprotekta at pagpapatibay ng katayuan. Ang mga taong naghahangad ng katayuan at gumagawa ng mga bagay alang-alang sa katayuan ay may isa pang—mas kapansin-pansing—katangian, ito ay na anuman ang mangyari, sila dapat ang may huling salita. Naghahangad sila ng katayuan dahil gusto nilang sila ang may huling pasya. Gusto nilang sila ang nasusunod, at ang tanging taong may awtoridad. Anuman ang sitwasyon, dapat silang pakinggan ng lahat, at kahit na sino pa ang may isyu, dapat silang lumapit sa kanya at maghanap at humingi ng gabay. Ang mga pakinabang na ito ng katayuan ang nais nilang matamasa. Anuman ang sitwasyon, dapat ay sila ang may huling pasya. Kahit pa tama o mali ang sinasabi nila, kahit na mali ito, kailangan ay sila pa rin ang may huling pasya, at dapat nilang magawa na makinig at sundin sila ng iba. Isa itong malubhang problema. Anuman ang sitwasyon, dapat ay sila ang may huling pasya; nauunawaan man nila ang sitwasyong ito o hindi, kailangan silang manghimasok dito at magkaroon ng huling pasya. Anuman ang usaping pinagbabahaginan ng mga lider at manggagawa, sila dapat ang magdesisyon, at walang pagkakataon ang iba para magsalita. Anuman ang solusyong imumungkahi nila, dapat nilang magawang tanggapin ito ng lahat, at kung hindi ito tatanggapin ng iba, magagalit sila at pupungusan nila ang mga ito. Kung may mga puna o opinyon ang sinuman, kahit na tama ito at naaayon sa katotohanan, kailangan nilang isipin ang lahat ng uri ng paraan upang tutulan ito. Masyado silang magaling sa tusong pangangatwiran, hihimukin nila ang taong ito gamit ang matatamis na pananalita, at sa huli ay mapapasunod nila ito na gawin ang mga bagay-bagay sa paraang gusto nila. Dapat ay sila ang may huling pasya sa lahat ng bagay. Hindi sila kailanman nakikipagnegosasyon sa mga katrabaho o kapareha nila; hindi sila demokratiko. Sapat na ito upang mapatunayang masyado silang mapagmataas at nag-aakalang mas matuwid sila kaysa sa iba, hindi talaga nila kayang tanggapin ang katotohanan, at hindi talaga sila nagpapasakop sa katotohanan. Kung may mangyayaring isang malaking bagay, o isang bagay na napakahalaga, at magagawa nilang hayaan ang lahat na gumawa ng pagsusuri at magpahayag ng kanilang opinyon, at sa huli ay makapili ng isang paraan ng pagsasagawa ayon sa opinyon ng nakararami, at tiyaking hindi nito mapipinsala ang gawain ng sambahayan ng Diyos, at na magiging kapaki-pakinabang ito sa kabuuan ng gawain—kung ito ang kanilang saloobin, sila ay taong nagpoprotekta sa gawain ng sambahayan ng Diyos, at taong kayang tumanggap sa katotohanan, dahil may mga prinsipyo sa likod ng paggawa ng mga bagay sa ganitong paraan. Gayumpaman, ang mga tao bang naghahangad ng katayuan ay gagawa ng mga bagay sa ganitong paraan? (Hindi.) Paano nila gagawin ang mga bagay? Kung may mangyayari, wala silang pakialam kung ano ang payo ng ibang tao. May solusyon o desisyon na siya bago pa man magbigay ng payo ang mga tao. Sa kanilang puso, nakapagpasya na sila na iyon ang gagawin nila. Sa puntong ito, anuman ang sabihin ng mga tao, hindi nila ito papansinin. Kahit na pagsabihan sila ng isang tao, wala talaga silang pakialam. Hindi nila isinasaalang-alang ang mga katotohanang prinsipyo, kapaki-pakinabang man ito sa gawain ng iglesia, o kaya man itong tanggapin ng mga kapatid. Wala ang mga bagay na ito sa saklaw ng kanilang pagsasaalang-alang. Ano ba ang isinasaalang-alang nila? Kailangan ay sila ang may huling pasya; gusto nilang sila ang maging tagapasya sa bagay na ito; dapat ay magawa ang bagay na ito sa paraang gusto nila; dapat nilang tingnan kung kapaki-pakinabang ba ang bagay na ito sa kanilang katayuan o hindi. Ito ang perspektibang ginagamit nila sa pagtingin sa mga bagay. Isa ba itong taong naghahangad sa katotohanan? (Hindi.) Kapag ang mga taong hindi naghahangad sa katotohanan ay gumagawa ng mga bagay, palagi nilang isinasaalang-alang ang sarili nilang katayuan, kasikatan, at pakinabang; palagi nilang isinasaalang-alang kung paano ito nagiging kapaki-pakinabang sa kanila. Ito ang kanilang pinagsisimulan sa paggawa ng mga bagay.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagsasagawa Lamang ng Katotohanan Mayroong Buhay Pagpasok
Kumpara sa mga normal na tao, mas matindi ang pagmamahal ng mga anticristo sa kanilang reputasyon at katayuan, at isa itong bagay na nasa loob ng kanilang disposisyong diwa; hindi ito isang pansamantalang interes, o lumilipas na epekto ng kanilang paligid—ito ay isang bagay na nasa kanilang buhay, nasa kanilang mga buto, kaya ito ay kanilang diwa. Masasabing sa lahat ng ginagawa ng mga anticristo, ang una nilang isinasaalang-alang ay ang kanilang sariling reputasyon at katayuan, wala nang iba pa. Para sa mga anticristo, ang reputasyon at katayuan ang kanilang buhay, at ang kanilang panghabambuhay na mithiin. Sa lahat ng kanilang ginagawa, ang una nilang isinasaalang-alang ay: “Ano ang mangyayari sa aking katayuan? At sa aking reputasyon? Ang paggawa ba nito ay magbibigay sa akin ng magandang reputasyon? Itataas ba nito ang aking katayuan sa isipan ng mga tao?” Iyon ang unang bagay na kanilang iniisip, na sapat na patunay na mayroon silang disposisyon at diwa ng mga anticristo; iyon ang dahilan kaya isinasaalang-alang nila ang mga bagay sa ganitong paraan. Maaaring sabihin na para sa mga anticristo, ang reputasyon at katayuan ay hindi kung anong karagdagang hinihingi lamang, at hindi rin isang bagay na kayang-kaya nila kahit wala ang mga ito. Bahagi ang mga iyon ng kalikasan ng mga anticristo, iyon ay nasa kanilang mga buto, sa kanilang dugo, ang mga iyon ay likas sa kanila. Hindi masasabing ang mga anticristo ay walang pakialam kung sila ba ay nagtataglay ng reputasyon at katayuan; hindi ganito ang kanilang pag-uugali. Kung gayon, ano ang kanilang pag-uugali? Ang reputasyon at katayuan ay malapit na nauugnay sa kanilang pang-araw-araw na buhay, sa kanilang pang-araw-araw na kalagayan, sa kung ano ang kanilang hinahangad sa araw-araw. At kaya para sa mga anticristo, ang katayuan at reputasyon ang buhay nila. Paano man sila mabuhay, ano man ang kapaligiran na tinitirhan nila, ano man ang gawain na kanilang ginagawa, ano man ang kanilang hinahangad, ano man ang kanilang mga mithiin, ano man ang direksyon ng kanilang buhay, umiikot ang lahat ng ito sa pagkakaroon ng magandang reputasyon at mataas na katayuan. At hindi nagbabago ang pakay na ito; hinding-hindi nila kayang isantabi ang gayong mga bagay. Ito ang totoong mukha ng mga anticristo, at ang kanilang diwa. Maaari mo silang ilagay sa isang sinaunang gubat sa pusod ng kabundukan, at hindi pa rin nila isasantabi ang paghahangad nila sa reputasyon at katayuan. Maaari mo silang ilagay sa gitna ng anumang grupo ng mga tao, at ang pawang maiisip nila ay reputasyon at katayuan pa rin. Kahit na naniniwala rin sa Diyos ang mga anticristo, itinuturing nila ang paghahangad sa reputasyon at katayuan bilang katumbas ng pananalig sa Diyos at binibigyan ang mga ito ng pantay na pagpapahalaga. Ibig sabihin, habang tinatahak nila ang landas ng pananalig sa Diyos, hinahangad din nila ang kanilang sariling reputasyon at katayuan. Masasabi na sa puso ng mga anticristo, naniniwala sila na ang paghahangad ng katotohanan sa kanilang pananalig sa Diyos ay ang paghahangad ng reputasyon at katayuan; ang paghahangad sa reputasyon at katayuan ay ang paghahangad din sa katotohanan, at ang magkamit ng reputasyon at katayuan ay ang magkamit ng katotohanan at buhay. Kung nararamdaman nila na wala silang reputasyon, pakinabang o katayuan, na walang humahanga sa kanila, o nagpapahalaga sa kanila, o sumusunod sa kanila, sobrang bigong-bigo sila, naniniwala silang wala nang saysay pang maniwala sa Diyos, wala na itong kabuluhan, at sinasabi nila sa kanilang sarili na, “Bigo ba ang gayong pananalig sa diyos? Wala na ba itong pag-asa?” Madalas na tinitimbang nila ang gayong mga bagay sa kanilang puso, pinag-iisipan nila kung paano sila magkakapuwesto sa sambahayan ng Diyos, kung paano sila maaaring magkaroon ng mataas na reputasyon sa iglesia, nang sa gayon ay makinig ang mga tao kapag nagsasalita sila, at suportahan sila kapag kumikilos sila, at sumunod sa kanila saanman sila magpunta; nang sa gayon ay sila ang may huling salita sa iglesia, at ang may kasikatan, pakinabang, at katayuan—talagang pinagtutuunan nila ang gayong mga bagay sa puso nila. Ang mga ito ang hinahangad ng gayong mga tao. Bakit palagi silang nag-iisip ng ganoong mga bagay? Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, matapos marinig ang mga sermon, hindi ba talaga nila nauunawaan ang lahat ng ito, hindi ba talaga nila nagagawang makilala ang lahat ng ito? Talaga bang hindi nabago ng mga salita ng Diyos at ng katotohanan ang kanilang mga kuru-kuro, ideya, at opinyon? Hindi talaga iyon ang kaso. Ang problema ay nasa kanila, ito ay lubos na dahil hindi nila minamahal ang katotohanan, dahil sa puso nila, tutol sila sa katotohanan, at bilang resulta, lubos nilang hindi tinatanggap ang katotohanan—na natutukoy ng kanilang kalikasang diwa.
—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikatlong Bahagi)
Ano ang kasabihan ng mga anticristo, kahit nasaang grupo man sila? “Kailangan kong makipagkompetensiya! Makipagkompetensiya! Makipagkompetensiya! Dapat akong makipagkompetensiya upang maging pinakamataas at pinakadakila!” Ito ang disposisyon ng mga anticristo; kahit saan sila pumunta, sila ay nakikipagkompetensiya at sumusubok na kamtin ang kanilang mga pakay. Sila ang mga tagasunod ni Satanas, at ginagambala nila ang gawain ng iglesia. Ang disposisyon ng mga anticristo ay ganito: Nagsisimula sila sa pagtingin-tingin sa iglesia para makita kung sino ang maraming taon nang nananalig sa Diyos at mayroong kapital, sino ang may ilang kaloob o talento, sino ang naging kapaki-pakinabang sa mga kapatid sa buhay pagpasok nila, sino ang may higit na katanyagan, sino ang may mataas na ranggo, sino ang pinupuri ng mga kapatid, sino ang may mas maraming positibong bagay. Ang mga taong iyon ang magiging kakompetensiya nila. Sa kabuuan, tuwing nasa isang grupo ng mga tao ang mga anticristo, ito ang palagi nilang ginagawa: Sila ay nakikipagkompetensiya para sa katayuan, nakikipagkompetensiya para sa magandang reputasyon, nakikipagkompetensiya para sila ang may huling salita sa mga bagay-bagay at ang may karapatan na gumawa ng mga desisyon sa grupo, na, kapag nakamit na nila ito, ay nagpapasaya sa kanila. Nakakagawa ba sila ng aktuwal na gawain matapos nilang makamit ang mga bagay na ito? Tiyak na hindi, hindi sila nakikipagkompetensiya at nakikipaglaban para gumawa ng aktuwal na gawain; ang layon nila ay ang madaig ang lahat. “Wala akong pakialam kung handa kang magpaubaya sa akin o hindi; kung kapital ang pag-uusapan, ako ang pinakamagaling, pagdating sa mga kasanayan sa pagsasalita, ako ang pinakamahusay, at pagdating sa mga kaloob at talento, ako ang may pinakamarami.” Anuman ang larangan, palagi nilang gustong makipagkompetensiya para sa nangungunang puwesto. Kung nagpapasya ang mga kapatid na maging superbisor ang mga anticristo, makikipagkompetensiya ang mga anticristo sa kanilang mga katuwang para magkaroon ng huling salita at karapatan na gumawa ng mga desisyon. Kung ipinapangasiwa sa kanila ng iglesia ang isang partikular na gawain, igigiit nila na sila ang masusunod sa kung paano ito isasakatuparan. Gugustuhin nila na magsikap para magtagumpay at maging realidad ang lahat ng kanilang sinasabi at ang lahat ng bagay na kanilang pinagpapasyahan. Kung panghahawakan ng mga kapatid ang ideya ng ibang tao, papalampasin ba nila ito? (Hindi.) Magkakaroon ng gulo. Kung hindi ka makikinig sa kanila, tuturuan ka nila ng leksyon, ipaparamdam nila sa iyo na hindi mo kaya nang wala sila, at ipapakita sa iyo kung ano ang magiging mga kahihinatnan kung hindi mo sila susundin. Ganito kapalalo, kakasuklam-suklam, at ka-di-makatwiran ang disposisyon ng mga anticristo. Wala silang konsensiya ni katwiran, ni wala sila kahit kaunting bahid ng katotohanan. Nakikita ng isang tao sa mga kilos at gawa ng isang anticristo na ang ginagawa niya ay wala sa katwiran ng isang normal na tao, at bagama’t maaaring magbahagi sa kanya ang isang tao tungkol sa katotohanan, hindi niya iyon tinatanggap. Gaano man katama ang sinasabi mo, hindi iyon katanggap-tanggap sa kanya. Ang tanging gusto niyang hangarin ay reputasyon at katayuan, na kanyang pinagpipitaganan. Basta’t natatamasa niya ang mga pakinabang ng katayuan, kontento na siya. Pinaniniwalaan niyang ito ang kahalagahan ng kanyang pag-iral. Anumang grupo ng mga tao ang kanyang kinabibilangan, kailangan niyang ipakita sa mga tao ang “liwanag” at “init” na ibinibigay niya, ang kanyang mga talento, ang kanyang pagiging natatangi. At ito ay dahil naniniwala siyang espesyal siya kaya likas sa kanyang isipin na dapat siyang tratuhin nang mas mabuti kaysa sa mga ordinaryong tao, na dapat siyang tumanggap ng suporta at paghanga ng mga tao, na dapat siyang tingalain ng mga tao, sambahin siya—iniisip niyang ang lahat ng ito ay naaangkop sa kanya. Hindi ba garapal at walang kahihiyan ang gayong mga tao? Hindi ba problema ang magkaroon ng gayong mga tao sa iglesia? Kapag may nangyayari, natural lang na dapat makinig ang mga tao sa sinumang nagsasalita nang tama, magpasakop sa sinumang nagbibigay ng isang mungkahi na kapaki-pakinabang sa gawain ng sambahayan ng Diyos, at tanggapin ang mungkahi ng sinuman na siyang naaayon sa mga katotohanang prinsipyo. Kung may sasabihin ang mga anticristo na hindi naaayon sa mga prinsipyo, maaaring hindi sila pakikinggan ng lahat o tatanggapin ang kanilang mungkahi. Sa ganoong sitwasyon, ano ang gagawin ng mga anticristo? Patuloy nilang sisikapin na ipagtanggol at pangatwiranan ang kanilang sarili, at mag-iisip ng mga paraan upang makumbinsi ang iba, at mahikayat ang mga kapatid na pakinggan sila at tanggapin ang kanilang mungkahi. Hindi nila isinasaalang-alang kung ano ang maaaring maging epekto nito sa gawain ng iglesia kung tinanggap ang kanilang mungkahi. Wala ito sa loob ng saklaw ng mga bagay na kanilang isinasaalang-alang. Ano ang tanging bagay na kanilang isasaalang-alang? “Kung hindi tatanggapin ang aking mungkahi, saan ko maipapakita ang aking mukha? Kaya, kailangan kong makipagkompetensiya, at magsikap para matanggap ang aking mungkahi.” Sa tuwing may nangyayari, ganito sila mag-isip at kumilos. Hindi sila kailanman nagninilay-nilay kung naaayon ba ito sa mga prinsipyo o hindi, at hindi nila kailanman tinatanggap ang katotohanan. Ito ang disposisyon ng mga anticristo.
—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikatlong Bahagi)
Kung sabihin ng isang tao na mahal niya ang katotohanan at hinahanap niya ang katotohanan, subalit sa diwa, ang mithiing hinahangad niya ay gawing tanyag ang sarili, magpakitang-gilas, gawing mataas ang tingin ng mga tao sa kanya, makamit ang kanyang sariling mga interes, at ang pagganap ng kanyang tungkulin ay hindi upang magpasakop o bigyang-kaluguran ang Diyos, at sa halip ay upang magtamo ng kasikatan, pakinabang, at katayuan, kung gayon ay hindi lehitimo ang kanyang paghahangad. At kung ganoon ang kaso, pagdating sa gawain ng iglesia, balakid ba ang kanilang mga kilos, o nakakatulong ba ang mga ito upang maisulong iyon? Malinaw na balakid ang mga ito; hindi napapasulong ng mga ito ang gawain ng iglesia. Ang ilang tao ay nagkukunwaring gumagawa ng gawain ng iglesia subalit naghahangad naman ng sarili nilang kasikatan, pakinabang, at katayuan, nagpapatakbo ng sarili nilang operasyon, bumubuo ng sarili nilang maliit na grupo, ng sarili nilang munting kaharian—ginagawa ba ng ganitong uri ng tao ang kanyang tungkulin? Lahat ng gawaing ginagawa nila, sa esensya, ay nakakagambala, nakakagulo, at nakakapinsala sa gawain ng iglesia. Ano ang kahihinatnan ng paghahangad nila ng kasikatan, pakinabang, at katayuan? Una, naaapektuhan nito kung paano kinakain at iniinom ng mga taong hinirang ng Diyos ang salita ng Diyos nang normal at paano nila nauunawaan ang katotohanan, hinahadlangan nito ang pagpasok nila sa buhay, pinipigilan silang pumasok sa tamang landas ng pananampalataya sa Diyos, at inaakay sila patungo sa maling landas—na nakakapinsala sa mga taong hinirang, at dinadala sila sa kapahamakan. At ano ang ginagawa nito sa gawain ng iglesia sa huli? Ito ay panggugulo, pamiminsala, at pagbuwag. Ito ang kahihinatnang idinudulot ng paghahangad ng mga tao sa kasikatan, pakinabang, at katayuan. Kapag ginagawa nila ang kanilang tungkulin sa ganitong paraan, hindi ba ito masasabing pagtahak sa landas ng isang anticristo? Kapag hinihingi ng Diyos na isantabi ng mga tao ang kasikatan, pakinabang, at katayuan, hindi naman sa pinagkakaitan Niya ang mga tao ng karapatang mamili; bagkus, ito ay dahil habang hinahangad ang kasikatan, pakinabang, at katayuan, nagagambala at nagugulo ng mga tao ang gawain ng iglesia at ang pagpasok sa buhay ng mga taong hinirang ng Diyos, at maaari pa ngang makaimpluwensiya sa pagkain at pag-inom ng maraming tao ng mga salita ng Diyos, sa pag-unawa nila sa katotohanan, at sa pagkamit nila ng kaligtasan ng Diyos. Ito ay isang katunayang hindi mapag-aalinlanganan. Kapag hinahangad ng mga tao ang sarili nilang kasikatan, pakinabang, at katayuan, siguradong hindi nila hahangarin ang katotohanan at hindi nila matapat na tutuparin ang kanilang tungkulin. Magsasalita at kikilos lamang sila alang-alang sa kasikatan, pakinabang, at katayuan, at lahat ng gawaing ginagawa nila, nang wala ni katiting na eksepsyon, ay alang-alang sa mga bagay na iyon. Ang umasal at kumilos sa gayong paraan ay walang pagdududang pagtahak sa landas ng mga anticristo; ito ay isang paggambala at panggugulo sa gawain ng Diyos, at lahat ng iba’t ibang kahihinatnan nito ay nakakahadlang sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian at sa pagsasakatuparan sa kalooban ng Diyos sa loob ng iglesia. Kaya, maaaring sabihin ng isang tao nang may katiyakan na ang landas na tinatahak ng mga naghahangad ng kasikatan, pakinabang, at katayuan ay ang landas ng paglaban sa Diyos. Ito ay sadyang paglaban sa Kanya, pagkontra sa Kanya—ito ay ang makipagtulungan kay Satanas sa paglaban sa Diyos at pagsalungat sa Kanya. Ito ang kalikasan ng paghahangad ng mga tao sa kasikatan, pakinabang, at katayuan. Ang problema sa mga taong naghahangad ng pansarili nilang mga interes ay ang hinahangad nila ang mga mithiin ni Satanas—ang mga ito ay mga mithiin na masasama at hindi makatarungan. Kapag hinahangad ng mga tao ang mga personal na interes gaya ng kasikatan, pakinabang, at katayuan, hindi nila namamalayang nagiging kasangkapan na pala sila ni Satanas, nagiging kasangkapan na sila ni Satanas, at, higit pa rito, nagiging kinatawan sila ni Satanas. Isang negatibong papel ang ginagampanan nila sa iglesia; sa gawain ng iglesia, at sa normal na buhay-iglesia at normal na paghahangad ng mga taong hinirang ng Diyos, ang epekto nila ay mang-abala at maminsala; mayroon silang masama at negatibong epekto. Kapag hinahangad ng isang tao ang katotohanan, nagagawa niyang isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos at ang pasanin ng Diyos. Kapag ginagawa niya ang kanyang tungkulin, itinataguyod niya ang gawain ng iglesia sa lahat ng aspekto. Nagagawa niyang dakilain ang Diyos at magpatotoo sa Diyos, pakinabang ang dulot niya sa mga kapatid, at sinusuportahan at tinutustusan niya ang mga ito, at nakakamit ng Diyos ang kaluwalhatian at patotoo, na nagdadala ng kahihiyan kay Satanas. Bilang resulta ng kanyang paghahangad, nagkakamit ang Diyos ng isang nilikha na tunay ngang may kakayahang matakot sa Diyos at tumalikod sa kasamaan, na nagagawang sambahin ang Diyos. Bilang resulta rin ng kanyang paghahangad, naisasakatuparan ang kalooban ng Diyos, at ang gawain ng Diyos ay umuunlad. Sa mga mata ng Diyos, positibo ang gayong paghahangad, ito ay matapat. Ang gayong paghahangad ay napakalaking pakinabang para sa mga hinirang ng Diyos, at lubos ding kapaki-pakinabang sa gawain ng iglesia, nakakatulong ito upang mapausad ang mga bagay-bagay, at sinasang-ayunan ito ng Diyos.
—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Unang Bahagi)
Ang paghahangad ng reputasyon at katayuan ay hindi tamang landas—kabaligtaran mismo ng paghahangad ng katotohanan ang direksyong iyon. Sa kabuuan, anuman ang direksyon o puntirya ng iyong hangarin, kung hindi ka nagninilay tungkol sa paghahangad sa katayuan at reputasyon, at kung nahihirapan kang isantabi ang mga bagay na ito, maaapektuhan nito ang iyong buhay pagpasok. Hangga’t may puwang ang katayuan sa puso mo, lubos nitong makokontrol at maiimpluwensiyahan ang direksyon ng buhay mo at ang mga mithiing pinagsusumikapan mo, kaya nga magiging napakahirap sa iyo na pumasok sa katotohanang realidad, maliban pa sa mahihirapan kang baguhin ang iyong disposisyon; makamit mo man sa bandang huli ang pagsang-ayon ng Diyos, siyempre pa, ay hindi na kailangang sabihin pa. Bukod pa riyan, kung hindi mo kailanman naisasantabi ang paghahangad mo sa katayuan, maaapektuhan nito ang kakayahan mong gawin ang iyong tungkulin sa paraan na pasok sa pamantayan, kaya mahihirapan kang maging isang nilikha na pasok sa pamantayan. Bakit Ko sinasabi ito? Wala nang higit pang kinapopootan ang Diyos kundi kapag naghahangad ang mga tao ng katayuan, dahil ang paghahangad ng katayuan ay isang satanikong disposisyon, isa itong maling landas, bunga ito ng pagtitiwali ni Satanas, isa itong bagay na kinokondena ng Diyos, at ito mismo ang bagay na hinahatulan at dinadalisay ng Diyos. Wala nang higit pang kinapopootan ang Diyos kundi kapag naghahangad ang mga tao ng katayuan, pero nagmamatigas ka pa ring nakikipagkompetensiya para sa katayuan, walang-sawa mo itong iniingatan at pinoprotektahan, at laging sinusubukang makuha ito para sa iyong sarili. At sa kalikasan, hindi ba’t ang lahat ng ito ay pagkontra sa Diyos? Hindi niloob ng Diyos ang katayuan para sa mga tao; ipinagkakaloob ng Diyos sa mga tao ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, para sa huli ay maging isang nilikha sila na pasok sa pamantayan, isang maliit at hamak na nilikha—hindi isang tao na may katayuan at katanyagan at iginagalang ng libu-libong tao. Kaya, saanmang perspektiba ito tingnan, walang kahahantungan ang paghahangad ng katayuan. Gaano man kamakatwiran ang iyong pagdadahilan para hangarin ang katayuan, mali pa rin ang landas na ito, at hindi sinasang-ayunan ng Diyos. Gaano ka man magpakahirap o gaano ka man magsakripisyo, kung naghahangad ka ng katayuan, hindi ito ibibigay sa iyo ng Diyos; kung hindi ito ibinibigay ng Diyos, mabibigo ka sa pakikipaglaban para matamo ito, at kung patuloy kang makikipaglaban, isa lamang ang kahihinatnan nito: Mabubunyag at matitiwalag ka, at mauuwi sa walang kahahantungan. Nauunawaan mo ito, hindi ba?
—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikatlong Bahagi)
Ang pagsusumikap ng tao sa katayuan ay isa lamang pagpapamalas nito. Ang pagpapamalas na ito, tulad ng mayabang na disposisyon ng tao, tulad ng kanyang paghihimagsik at paglaban sa Diyos, ay nagmumula sa kanyang satanikong kalikasan. Anong pamamaraan ang maaaring gamitin para malutas ito? Dapat mo pa ring gamitin ang pinakapangunahing pamamaraan. Hangga’t sinusunod mo ang daan ng Diyos at tinatahak ang landas ng paghahangad sa katotohanan, lahat ng problemang ito ay malulutas. Kapag wala kang katayuan, maaari mong himayin ang sarili mo nang madalas at kilalanin ang iyong sarili. Maaaring makinabang ang iba rito. Kapag mayroon kang katayuan at nahihimay at nauunawaan mo pa rin ang iyong sarili nang madalas, tinutulutan ang mga tao na makita ang iyong mga kalakasan, na nauunawaan mo ang katotohanan, na mayroon kang praktikal na karanasan, at na tunay kang nagbabago, hindi pa ba makikinabang dito ang iba? Mayroon ka mang katayuan o wala, basta’t naisasagawa mo ang katotohanan at mayroon kang tunay na patotoong batay sa karanasan, na nagtutulot sa mga tao na maunawaan ang mga layunin ng Diyos at ang katotohanan mula sa iyong karanasan, hindi ba nakikinabang dito ang mga tao? Ano, kung gayon, ang kahulugan ng katayuan sa iyo? Sa katunayan, ang katayuan ay isa lamang pasobra, isang karagdagang bagay, tulad ng isang piraso ng damit o sumbrero. Isang palamuti lamang ito. Wala itong totoong silbi, at hindi naaapektuhan ng presensya nito ang anumang bagay. Mayroon ka mang katayuan o wala, ikaw pa rin ang taong iyan. Nauunawaan man ng mga tao ang katotohanan at nakakamit ang katotohanan at buhay ay walang kinalaman sa katayuan. Basta’t hindi mo ginagawang napakalaking bagay ang katayuan, hindi ka nito mapipigilan. Kung mahal mo ang katayuan at binibigyan ito ng natatanging pagpapahalaga, lagi itong itinuturing bilang mahalagang bagay, mapapasailalim ka ng kontrol nito; hindi ka na magiging handang magtapat, maglantad ng iyong sarili, kilalanin ang iyong sarili, o isantabi ang iyong tungkulin sa pamumuno upang kumilos, magsalita at makipag-ugnayan sa iba at gampanan ang iyong tungkulin. Anong uri ng suliranin ito? Hindi ba’t isa itong usapin ng pagiging napipigilan ng katayuan? Nangyayari ito dahil nagsasalita at kumikilos ka mula sa isang mataas na katayuan at hindi maitigil ang pagmamataas. Hindi ba’t pinahihirapan mo lamang ang sarili mo sa paggawa nito? Kung talagang nauunawaan mo ang katotohanan, at kung maaari kang magkaroon ng katayuan nang hindi umaasta na gaya ng ginagawa mo, kundi sa halip ay matututukan mo kung paano gampanan nang maayos ang iyong mga tungkulin, gawin ang lahat ng dapat mong gawin at tuparin ang nararapat mong tungkulin, at kung nakikita mo ang sarili bilang karaniwang kapatid, hindi ka ba mapipigilan ng katayuan? Kapag hindi ka napipigilan ng katayuan at may normal kang buhay pagpasok, ikukumpara mo pa rin ba ang sarili mo sa iba? Kapag mas mataas ang katayuan ng iba, hind ka pa rin ba magiging komportable? Dapat mong hanapin ang katotohanan at palayain ang iyong sarili sa mga pagpipigil ng katayuan at lahat ng iba pang tao, pangyayari, at bagay. Wala nang mas mabuti pa kaysa sa paggawa nang maayos sa iyong tungkulin. Saka ka lamang magiging isang taong nagtataglay ng katotohanang realidad.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Lutasin ang mga Tukso at Gapos ng Katayuan
Paano malulutas ang problema ng kanilang pagtahak sa landas ng mga anticristo? (Sa isang aspekto, dapat nilang maunawaan ang usaping ito, at dapat silang lumapit sa Diyos para manalangin kapag naiisip nila na magsumikap para sa katayuan. Dagdag pa rito, dapat nilang ilantad ang kanilang sarili sa mga kapatid, at pagkatapos ay sadyang maghimagsik laban sa mga hindi wastong kaisipang ito. Dapat din nilang hilingin sa Diyos na hatulan, kastiguhin, pungusan, at disiplinahin sila. Pagkatapos, magagawa na nilang tumahak sa tamang landas.) Napakagandang sagot niyan. Gayumpaman, hindi ito madaling makamit, at mas lalong mahirap ito para sa mga taong mahal na mahal ang reputasyon at katayuan. Hindi madaling talikuran ang reputasyon at katayuan—depende ito sa mga taong naghahangad sa katotohanan. Sa pag-unawa lamang sa katotohanan makikilala ng isang tao ang kanyang sarili, makikita nang malinaw ang kahungkagan ng paghahangad ng kasikatan, pakinabang, at katayuan, at makikita nang malinaw ang katotohanan ng katiwalian ng sangkatauhan. Saka lamang matatalikuran ng isang tao ang katayuan at reputasyon kapag tunay na niyang nakilala ang kanyang sarili. Hindi madaling iwaksi ang sariling tiwaling disposisyon. Kung napansin mo na wala sa iyo ang katotohanan, na marami kang kakulangan, at nagpapakita ng masyadong maraming katiwalian, subalit hindi mo sinisikap na hangarin ang katotohanan, at nagpapanggap at nagpapaimbabaw ka, na pinaniniwala mo ang mga tao na kaya mong gawin ang anumang bagay, ilalagay ka nito sa panganib—sa malao’t madali, darating ang panahon na makakasalubong ka ng mga balakid at ikaw ay babagsak. Kailangan mong aminin na wala sa iyo ang katotohanan, at buong tapang mong harapin ang realidad. Mayroon kang mga kahinaan, nagpapakita ng katiwalian, at lahat ng uri ng kakulangan ay nasa iyo. Normal lang ito, dahil isa kang karaniwang tao, hindi ka superhuman o makapangyarihan, at kailangan mong kilalanin iyan. Kapag hinahamak o tinutuya ka ng ibang mga tao, huwag kaagad tumugon nang may pagkasuklam dahil lamang sa hindi kaaya-aya ang sinasabi nila, o tanggihan ito dahil naniniwala kang mayroon kang kakayahan at perpekto ka—hindi dapat ganito ang iyong saloobin sa gayong mga salita. Ano ang dapat na maging saloobin mo? Dapat mong sabihin sa iyong sarili, “May mga pagkakamali ako, tiwali at may kapintasan ang lahat ng bagay tungkol sa akin, at isang ordinaryong tao lamang ako. Anuman ang kanilang paghamak at panunuya sa akin, may katotohanan ba rito? Kung parte ng sinasabi nila ay totoo, dapat ko itong tanggapin mula sa Diyos.” Kung may ganito kang saloobin, katunayan ito na kaya mong pangasiwaan nang tama ang katayuan, reputasyon, at mga sinasabi ng ibang tao patungkol sa iyo. Hindi madaling isantabi ang katayuan at reputasyon. Para sa mga taong medyo may kaloob, medyo mahusay ang kakayahan, o nagtataglay ng kaunting karanasan sa gawain, mas mahirap isantabi ang mga bagay na ito. Bagamat minsan ay sinasabi nila na isinantabi na nila ang mga ito, hindi nila magawa ang mga ito sa kaibuturan ng puso nila. Sa sandaling pinahihintulutan ng sitwasyon at mayroon silang pagkakataon, magpapatuloy silang magsumikap para sa kasikatan, pakinabang, at katayuan gaya ng dati, dahil mahal ng lahat ng tiwaling tao ang mga bagay na ito, sadyang medyo mas mahina lang ang pagnanais ng mga walang kaloob o talento na maghangad ng katayuan. Ang mga may kaalaman, talento, magandang hitsura, at espesyal na kapital, ay talagang may matinding pagnanais para sa reputasyon at katayuan, hanggang sa puntong puno na sila ng ambisyon at pagnanais na ito. Ito ang pinakamahirap para sa kanila na isantabi. Kapag wala silang katayuan, ang pagnanais nila ay nasa yugtong nag-uumpisa pa lamang. Kapag nagkaroon na sila ng katayuan, kapag pinagkakatiwalaan na sila ng sambahayan ng Diyos ng ilang mahahalagang gampanin, at lalo na kung nakapagtrabaho na sila nang maraming taon at malawak na ang kanilang karanasan at malaki na ang puhunan, ang pagnanais ay hindi na bago, kundi nag-ugat na ito, namukadkad, at malapit nang magbunga. Kung ang isang tao ay palaging may pagnanais at ambisyon na gumawa ng mga dakilang bagay, maging sikat, maging isang dakilang tao, kung gayon, sa sandaling gumawa siya ng malaking kasamaan, at magkaroon ng epekto ang mga kahihinatnan nito, ganap na magiging katapusan na niya, at siya ay matitiwalag. Kaya, bago pa ito humantong sa malaking kalamidad, dapat niyang baguhin kaagad ang sitwasyon, habang may oras pa. Sa tuwing ginagawa mo ang anumang bagay, at sa anumang konteksto, dapat mong hanapin ang katotohanan, isagawa ang pagiging isang taong matapat at masunurin sa Diyos, at isantabi ang paghahangad sa katayuan at reputasyon. Kapag palagi kang nag-iisip at nagnanais na makipagkompetensiya para sa katayuan, kailangan mong matanto kung anong masasamang bagay ang kahahantungan ng ganitong uri ng kalagayan kung hindi ito malutas. Kaya huwag magsayang ng oras sa paghahanap sa katotohanan, sugpuin ang pagnanais mo na makipagkompetensiya para sa katayuan habang nag-uumpisa pa lang ito, at palitan ito ng pagsasagawa ng katotohanan. Kapag isinasagawa mo ang katotohanan, mababawasan ang iyong pagnanais at ambisyon na makipagkompetensiya para sa katayuan, at hindi ka manggugulo sa gawain ng iglesia. Sa ganitong paraan, maaalala at sasang-ayunan ng Diyos ang iyong mga ginawa. Kaya ano ang sinusubukan Kong bigyang-diin? Ito iyon: Dapat alisin mo sa iyo ang mga hangarin at ambisyon mo bago mamulaklak at magbunga ang mga ito at mauwi sa matinding kalamidad. Kung hindi mo lulutasin ang mga ito habang maaga pa, mapapalampas mo ang isang magandang oportunidad; at sa sandaling nauwi na ang mga ito sa matinding kalamidad, huli na ang lahat para lutasin ang mga ito. Kung wala ka man lang tibay ng loob para maghimagsik laban sa laman, magiging napakahirap para sa iyo na makatungtong sa landas ng paghahanap sa katotohanan; kung may nasasagupa kang mga dagok at kabiguan sa paghahangad mo ng kasikatan, pakinabang, at katayuan, at hindi ka natatauhan, mapanganib ito: May posibilidad na matitiwalag ka. Kapag naharap ang mga nagmamahal sa katotohanan sa isa o dalawang kabiguan at dagok pagdating sa kanilang reputasyon at katayuan, malinaw nilang nakikita na wala talagang anumang halaga ang reputasyon at katayuan. Nagagawa nilang lubos na talikuran ang katayuan at reputasyon, at pagpasyahan na, kahit hindi sila kailanman nagtataglay ng katayuan, patuloy pa rin nilang hahangarin ang katotohanan at gagampanan nang maaayos ang kanilang tungkulin, at ibabahagi ang kanilang patotoong batay sa karanasan, sa gayon ay matamo ang resulta ng pagpapatotoo sa Diyos. Kahit mga ordinaryong tagasunod sila, may kakayahan pa rin silang sumunod hanggang wakas, at ang tanging gusto nila ay ang pagsang-ayon ng Diyos. Ang mga taong ito lamang ang tunay na nagmamahal sa katotohanan at may determinasyon. Maraming anticristo at masasamang tao ang naitiwalag ng sambahayan ng Diyos, at ang ilang naghahangad sa katotohanan, matapos makita ang kabiguan ng mga anticristo, ay nagninilay-nilay sa landas na tinahak ng mga taong iyon, at pinagninilay-nilayan din nila at kinikilala ang kanilang sarili. Mula rito, nagkakaroon sila ng pagkaunawa tungkol sa layunin ng Diyos, nagpapasya na maging mga ordinaryong tagasunod, at nagtutuon sa paghahangad na matamo ang katotohanan at gampanan nang maayos ang kanilang tungkulin. Kahit pa sinasabi ng Diyos na sila ay mga tagapagserbisyo o mga mabababang tao na walang kabuluhan, ayos lang sa kanila. Susubukan lang nilang maging mababang tao, maliit at hamak na tagasunod sa mga mata ng Diyos, na sa huli ay tatawagin ng Diyos na mga katanggap-tanggap na nilikha. Ang mga taong tulad nito ang mabubuti at sila ang mga sinasang-ayunan ng Diyos.
—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikatlong Bahagi)
Kapag hinihingi ng Diyos na tuparin ng mga tao ang kanilang tungkulin nang maayos, hindi Niya hinihingi sa kanila na tapusin ang ilang partikular na gawain o isakatuparan ang anumang matinding pagsusumikap, ni ang gampanan ang anumang dakilang pagsasagawa. Ang nais ng Diyos ay magawa ng mga tao ang lahat ng makakaya nila sa isang praktikal na paraan, at mamuhay alinsunod sa Kanyang mga salita. Hindi kailangan ng Diyos na maging dakila o marangal ka, o na maghimala ka, at hindi rin Niya nais na makakita ng anumang kaaya-ayang mga sorpresa sa iyo. Hindi Niya kailangan ang ganoong mga bagay. Ang tanging kailangan ng Diyos ay ang matimtiman kang magsagawa ayon sa Kanyang mga salita. Kapag nakikinig ka sa mga salita ng Diyos, gawin mo ang naunawaan mo, isakatuparan mo ang naintindihan mo, tandaan mo nang maigi ang narinig mo, at pagkatapos, kapag dumating na ang oras para magsagawa, magsagawa ka ayon sa mga salita ng Diyos. Hayaan mong ang mga ito ang maging buhay mo, ang mga realidad mo, at ang isinasabuhay mo. Sa gayon, masisiyahan ang Diyos. Palagi kang naghahangad ng kadakilaan, karangalan, at katayuan; palagi kang naghahangad ng pagpaparangal. Anong nararamdaman ng Diyos kapag nakikita Niya ito? Kinamumuhian Niya ito, at lalayo Siya sa iyo. Habang lalo kang naghahangad ng mga bagay gaya ng kadakilaan, karangalan, at pagiging mas mataas kaysa iba, kilala, katangi-tangi, at kapansin-pansin, lalo kang kasuklam-suklam para sa Diyos. Kung hindi mo pagninilayan ang iyong sarili at magsisisi, itataboy ka at tatalikdan ka ng Diyos. Iwasan mong maging isang taong kasuklam-suklam para sa Diyos; maging isang taong minamahal ng Diyos. Kaya, paano makakamit ng isang tao ang pagmamahal ng Diyos? Sa pamamagitan ng masunuring pagtanggap sa katotohanan, pagtayo sa posisyon ng isang nilalang, pagkilos ayon sa mga salita ng Diyos nang nakatapak ang mga paa sa lupa, pagganap sa mga tungkulin nang maayos, pagiging isang matapat na tao, at pagsasabuhay ng isang wangis ng tao. Sapat na ito, masisiyahan na ang Diyos. Dapat siguruhin ng mga tao na huwag mag-ambisyon o mag-isip ng mga walang-saysay na pangarap, huwag maghangad ng katanyagan, pakinabang, at katayuan o mamukod-tangi sa karamihan. Bukod pa roon, hindi nila dapat subukang maging isang dakilang tao o superman, na nakalalamang sa mga tao at nagpapasamba sa mga tao. Iyan ang hangarin ng tiwaling sangkatauhan, at ito ang landas ni Satanas; hindi nililigtas ng Diyos ang ganoong mga tao. Kung ang mga tao ay patuloy na naghahangad ng katanyagan, mga pakinabang, at katayuan nang hindi nagsisisi, wala nang lunas para sa kanila, at iisa lang ang kalalabasan nila: ang itiwalag. Ngayon, kung mabilis kayong magsisisi, may panahon pa; subalit kapag dumating na ang araw na natapos na ng Diyos ang Kanyang gawain, at lalo pang lumaki ang mga sakuna, hindi ka na magkakaroon ng pagkakataong magsisi. Kapag dumating ang oras na iyon, ang mga naghahangad ng kasikatan, pakinabang, at katayuan, subalit matigas na tumatangging magsisi, sila ay ititiwalag. Kailangang maging malinaw sa inyong lahat kung anong uri ng mga tao ang inililigtas ng gawain ng Diyos, at kung ano ang kahulugan ng Kanyang pagliligtas. Hinihingi ng Diyos sa mga tao na lumapit sa harapan Niya, makinig sa mga salita Niya, tanggapin ang katotohanan, iwaksi ang kanilang tiwaling disposisyon, at magsagawa ayon sa sinasabi at inaatas ng Diyos. Ang ibig sabihin nito ay ang mamuhay ayon sa Kanyang mga salita, sa halip na sa mga kuru-kuro at imahinasyon nila, at mga satanikong pilosopiya, o ang maghangad ng “kaligayahan” ng tao. Sinomang hindi nakikinig sa mga salita ng Diyos o hindi tumatanggap sa katotohanan, subalit namumuhay pa rin, nang walang pagsisisi, ayon sa mga pilosopiya ni Satanas, at nang may satanikong disposisyon, at tumatangging magsisi, kung gayon ang ganitong uri ng tao ay hindi maliligtas ng Diyos. Sumusunod ka sa Diyos, pero siyempre, ito ay dahil hinirang ka rin ng Diyos—pero ano ang kahulugan ng pagkakahirang sa iyo ng Diyos? Ito ay upang baguhin ka at gawin kang isang tao na nagtitiwala sa Diyos, na tunay na sumusunod sa Diyos, na kayang talikdan ang lahat para sa Diyos, at nagagawang sundan ang daan ng Diyos; isang taong iwinaksi ang kanyang satanikong disposisyon, hindi na sumusunod kay Satanas o namumuhay sa ilalim ng kapangyarihan nito. Kung sumusunod ka sa Diyos at gumaganap ka ng tungkulin sa Kanyang sambahayan, subalit nilalabag mo ang katotohanan sa lahat ng aspekto, at hindi ka nagsasagawa o dumaranas ayon sa Kanyang mga salita, at marahil ay nilalabanan mo pa Siya, matatanggap ka kaya ng Diyos? Siguradong hindi. Ano ba ang ibig Kong sabihin sa bagay na ito? Hindi talaga mahirap ang gampanan ang iyong tungkulin, ni hindi ito mahirap gawin nang tapat, at sa isang katanggap-tanggap na pamantayan. Hindi mo kailangang isakripisyo ang iyong buhay o gumawa ng anumang natatangi o mahirap, kailangan mo lamang sundin ang mga salita at tagubilin ng Diyos nang matapat at matatag, nang hindi idinaragdag ang sarili mong mga ideya o pinatatakbo ang sarili mong operasyon, kundi tumatahak sa landas ng paghahangad sa katotohanan. Kung magagawa ito ng mga tao, magkakaroon talaga sila ng wangis ng tao. Kapag mayroon silang tunay na pagpapasakop sa Diyos, at naging matapat na tao, tataglayin nila ang wangis ng isang tunay na tao.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Tamang Pagtupad ng Tungkulin ay Nangangailangan ng Maayos na Pagtutulungan
Habang hinahatulan Ko kayo nang ganito ngayon, anong antas ng pagkaunawa ang tataglayin ninyo sa huli? Sasabihin ninyo na bagama’t hindi mataas ang inyong katayuan, nasiyahan pa rin kayo sa pagtataas ng Diyos. Dahil hamak ang inyong pagsilang ay wala kayong magandang katayuan, ngunit nagtatamo kayo ng magandang katayuan dahil itinataas kayo ng Diyos—ito ay isang bagay na ipinagkaloob Niya sa inyo. Ngayon ay personal ninyong nagagawang tumanggap ng pagsasanay ng Diyos, ng Kanyang pagkastigo, at ng Kanyang paghatol. Ito, higit pa, ay Kanyang pagtataas. Nagagawa ninyong personal na tumanggap ng Kanyang pagdadalisay at pagsunog. Ito ay dakilang pagmamahal ng Diyos. Sa nagdaang mga kapanahunan wala ni isang tao ang nakatanggap ng Kanyang pagdadalisay at pagsunog, at wala ni isang tao ang nagawang perpekto ng Kanyang mga salita. Ang Diyos ay nakikipag-usap sa inyo ngayon nang harapan, dinadalisay kayo, ibinubunyag ang pagkasuwail ng inyong kalooban—tunay na ito ay Kanyang pagtataas. Anong mga kakayahan ang taglay ng mga tao? Mga anak man sila ni David o mga inapo ni Moab, sa kabuuan, ang mga tao ay mga nilalang na walang nararapat na ipagmayabang. Dahil kayo ay mga nilikha, kailangan ninyong gampanan ang tungkulin ng isang nilikha. Wala nang iba pang mga hinihiling sa inyo. Ganito kayo dapat manalangin: “Diyos ko! May katayuan man ako o wala, nauunawaan ko na ngayon ang aking sarili. Kung mataas ang katayuan ko iyon ay dahil sa Iyong pagtataas, at kung ito ay mababa iyon ay dahil sa Iyong pagtatalaga. Lahat ay nasa Iyong mga kamay. Wala akong anumang mga pagpipilian, ni anumang mga reklamo. Itinalaga Mo na maisilang ako sa bansang ito at sa piling ng mga taong ito, at ang dapat ko lamang gawin ay maging ganap na mapagpasakop sa ilalim ng Iyong kapamahalaan dahil lahat ay nakapaloob sa Iyong naitalaga. Hindi ko iniisip ang katayuan; matapos ang lahat, isa lamang akong nilikha. Kung ilalagay Mo ako sa walang-hanggang kalaliman, sa lawa ng apoy at asupre, isa lamang akong nilikha. Kung kakasangkapanin Mo ako, isa lamang akong nilikha. Kung gagawin Mo akong perpekto, isa pa rin akong nilikha. Kung hindi Mo ako gagawing perpekto, mamahalin pa rin Kita dahil isa lamang akong nilikha. Isa lamang akong napakaliit na nilikha ng Panginoon ng paglikha, isa lamang sa lahat ng taong nilikha. Ikaw ang lumikha sa akin, at muli Mo ako ngayong inilagay sa Iyong mga kamay upang gawin sa akin ang gusto Mo. Handa akong maging Iyong kasangkapan at Iyong panghambing dahil lahat ay kung ano ang Iyong naitalaga. Walang sinuman na maaaring baguhin ito. Lahat ng bagay at lahat ng pangyayari ay nasa Iyong mga kamay.” Kapag dumating ang panahon na hindi mo na iniisip ang katayuan, makakalaya ka na roon. Saka mo lamang magagawang maghanap nang may tiwala at tapang, at saka lamang magiging malaya ang puso mo sa anumang mga paghihigpit. Kapag napalaya na ang mga tao mula sa mga bagay na ito, mawawalan na sila ng mga alalahanin.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Bakit Ayaw Mong Maging Panghambing?
Bilang isang bahagi ng nilikhang sangkatauhan, kailangang panatilihin ng isang tao ang kanyang sariling posisyon, at umasal nang maingat. Matapat na bantayan kung ano ang ipinagkatiwala sa iyo ng Lumikha. Huwag kumilos nang wala sa lugar, o gawin ang mga bagay-bagay na labas sa saklaw ng iyong kakayahan o na kasuklam-suklam sa Diyos. Huwag subukang maging isang dakilang tao, isang superman, o isang engrandeng indibidwal, at huwag hangarin na maging Diyos. Ito ang hindi dapat nasain ng tao. Katawa-tawa ang paghahangad na maging dakila o superman. Ang paghahangad na maging Diyos ay lalo pang mas kahiya-hiya; ito ay karima-rimarim, at kasuklam-suklam. Ang kapuri-puri, at ang dapat na panghawakan ng mga nilikha nang higit pa sa anumang mga bagay, ay ang maging tunay na nilikha; ito lamang ang tanging mithiin na dapat hangarin ng lahat ng tao.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I
Kaugnay na mga Extract ng Pelikula
Ang Pagbitiw sa Kasikatan at Katayuan sa Pamamagitan ng Paghatol at Pagkastigo ng Diyos
Bago Mag-eleksyon
Kaugnay na mga Patotoong Batay sa Karanasan
Nahanap Ko ang Lugar Ko
Ang Paghatol at Pagkastigo ay Pagmamahal ng Diyos
Ang Aking Kaunting Kaalaman sa mga Anticristong Disposisyon
Ano ang Dapat Nating Hangarin sa Buhay?
Kaugnay na mga Himno
Kinokontrol ni Satanas ang Kaisipan ng mga Tao Gamit ang Kasikatan at Kapakinabangan
Ano ang Halaga sa Pagpapahalaga sa Katayuan?
Dapat Mong Tanggapin ang Pagsisiyasat ng Diyos sa Lahat ng Bagay
Isa Lamang Akong Napakaliit na Nilikha