Tanong 5: Sabi mo kailangang tanggapin ng mga taong nananalig sa Diyos ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, at noon lang mababago ang kanilang masamang disposisyon. Pero, alinsunod sa mga ipinagagawa ng Panginoon, nagpapakumbaba at nagpapasensya tayo, minamahal natin ang ating mga kaaway, pinapasan ang ating krus, sinusupil ang ating katawan, tinatalikuran ang mga makamundong bagay, at nagsisikap at nangangaral para sa Panginoon at kung anu-ano pa. Kaya hindi ba mga pagbabago natin ang lahat ng ito? Hindi ba puwedeng maging mga kredensyal ang mga ito para sa pagpasok natin sa kaharian ng langit? Naniniwala ako na basta’t naghanap tayo sa ganitong paraan, mapapadalisay tayo, at makakapasok sa kaharian ng langit.

Sagot: Maaaring mahalin natin ang ating kaaway, magpasan tayo ng krus, labanan natin ang ating katawan, at ikalat natin ang ebanghelyo ng Panginoon. Mga positibong pag-uugali ito na nagmumula sa ating pananalig sa Panginoon. Ang ating pagpapakita ng magagandang pag-uugaling iyon ay nagpapahiwatig na tunay ang pananampalataya natin sa Panginoon. Ang magagandang pag-uugaling ito ay maaaring mukhang tama sa mga tao, na para bang alinsunod ito sa salita ng Diyos, pero hindi nito ibig sabihin na ipinamumuhay natin ang salita ng Diyos at sinusunod ang kalooban ng Ama sa langit, na hindi na tayo likas na makasalanan at napabanal na tayo. May dahilan kaya hindi natin puwedeng tingnan lang ang magagandang pag-uugali ng mga tao. Kailangan din nating tingnan ang kanilang mga intensyon at tunay na layunin. Kung ang intensyon natin ay sundin, mahalin, at bigyang-kasiyahan ang Diyos, ang ganitong klaseng pag-uugali ay pamumuhay sa katotohanan at pagsunod sa kalooban ng Ama sa langit. Sa kabilang dako, kung ang ating magandang pag-uugali ay para lamang mapagpala at magantimpalaan, para magantimpalaan ng putong, pero hindi dahil sa pagmamahal sa Diyos, ang ganitong klase ng magandang pag-uugali ay kaipokritohan ng mga Fariseo sa halip na pagsunod sa kalooban ng Ama sa langit. Kung ang pagpapakita natin ng magandang pag-uugali ay nagpapahiwatig na sinusunod natin ang kalooban ng Ama sa langit, na napabanal na tayo, bakit madalas pa tayong magkasala at lumaban sa Diyos? Bakit nagkakasala pa rin tayo sa maghapon at nagkukumpisal sa gabi? Sapat na iyan para ipakita na ang pagpapakita lang na hindi komo nagpapakita tayo ng magagandang pag-uugali ay namumuhay na tayo sa katotohanan at realidad ng salita ng Diyos. Ni hindi nito ibig sabihin na may pag-unawa o takot tayo sa Diyos, at kaya natin Siyang mahalin at sundin. Gaya ng sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang mga pagbabago lang sa ugali ay hindi napapanatili; kung walang pagbabago sa mga disposisyon sa buhay ng mga tao, sa malaon at madali ay magpapakita ang kanilang mapanirang bahagi. Sapagkat sigasig ang pinagmumulan ng mga pagbabago sa kanilang gawi, kakambal ng ilang gawain ng Banal na Espiritu sa panahong iyon, napakadali para sa kanila na maging maalab o magpakita ng pansamantalang kabaitan. Katulad ng sinasabi ng mga hindi naniniwala, ‘Madali ang paggawa ng isang mabuting gawa, ang mahirap ay ang habambuhay na paggawa ng mabubuting gawa.’ Walang kakayahan ang mga tao na gumawa ng mabubuting gawa nang buong buhay nila. Ang pag-uugali ng isang tao ay pinangangasiwaan ng buhay; anuman ang kanyang buhay, gayundin ang kanyang ugali, at yaon lamang likas na naihahayag ang kumakatawan sa buhay, gayundin sa kalikasan ng isang tao. Hindi magtatagal ang mga bagay na huwad. … Ang pagpapakabait ay hindi katulad ng pagpapasakop sa Diyos, lalong hindi ito katumbas ng pagiging kaayon kay Cristo. Ang mga pagbabago sa ugali ay batay sa doktrina at bunga ng sigasig; hindi batay ang mga ito sa tunay na kaalaman sa Diyos o sa katotohanan, lalong hindi batay sa paggabay ng Banal na Espiritu. Bagama’t may mga pagkakataon na ang ilan sa ginagawa ng mga tao ay pinapatnubayan ng Banal na Espiritu, hindi ito isang pagpapahayag ng buhay, lalong hindi ito katulad ng pagkakilala sa Diyos; gaano man kabuti ang ugali ng isang tao, hindi nito pinatutunayan na nagpasakop na siya sa Diyos o na isinasagawa niya ang katotohanan(“Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Panlabas na mga Pagbabago at mga Pagbabago sa Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Malinaw na ipinaliliwanag sa atin ng salita ng Makapangyarihang Diyos ang diwa at pinagmumulan ng magandang pag-uugali. Ang magandang pag-uugali ng tao ay nagmumula sa kasigasigan, na mga pamumuhay base sa kanyang mga haka-haka tungkol sa mga panuntuan at regulasyon, hindi mula sa pagkaunawa sa pamumuhay ng mga prinsipyo matapos maunawaan ang maraming katotohanan, o ang hangaring mahalin at bigyang-kasiyahan ang Diyos mula sa pag-unawa sa Kanyang intensyon. Ang magandang pag-uugali ay nagmumula sa mga pagkaunawa at imahinasyono ng tao. Ang mga pagkaunawa at imahinasyon ng tao ay nagmumula sa kanyang sariling opinyon at likas na kasamaan. Kung gayon anuman ang gawin natin, anumang pasakit ang nararanasan o pinagbabayaran natin, hindi iyon pamumuhay sa katotohanan. Hindi ito nagpapahiwatig ng pagsunod sa Diyos o resulta ng gawain ng Banal na Espiritu. Kahit magpakita tayo ng magandang pag-uugali at kakayahang sundin ang mga panuntunan habang mukha tayong napaka-madasalin at espirituwal, puwede pa rin tayong magkasala at lumaban sa Diyos dahil sa ating pusakal na masamang disposisyon ni Satanas, sa hindi nawawalang ating pagiging likas na makasalanan, at kawalan ng tunay na pagkaunawa sa Diyos. Tulad ng nakikita natin, marami pa ring tao na may magandang pag-uugali ang madalas magkasala at magkumpisal ng kanilang mga kasalanan matapos manalig sa Diyos. Hindi ito maikakaila. Kapag nagpapakita sila ng magandang pag-uugali habang nagkakasala at lumalaban sa Diyos, sapat na patunay iyan na hindi sila sumusunod sa kalooban ng Ama sa langit. Sadyang hindi sila nararapat sa papuri ng Diyos. Ang mga Fariseong Judio ay sumusunod sa batas at sa tingin ay mukhang perpekto ang pag-uugali. Pero nang dumating ang Panginoon para gumawa, bakit nila hibang na nilabanan, tinuligsa, pinagplanuhan, at ipinako ang Panginoong Jesus? Sapat na ito para ipaliwanag na ang paglaban nila sa Diyos ay likas sa kanila. Gaano man kaganda sa tingin ang kanilang pag-uugali, hindi niyan ibig sabihin na naunawaan, sinunod at kasundo nila ang Diyos, ni sinunod ang kalooban ng Diyos at napabanal sila. Kung gusto nating mawala ang ating pagiging likas na makasalanan at mapabanal, kailangan nating maranasan ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, maunawaan ang maraming katotohanang naroon at magtamo ng tunay na kaalaman tungkol sa Diyos, sa gayo’y tunay tayo susunod at matatakot sa Diyos. Kung hindi ay hindi malilinis at mababago kailanman ang masamang disposisyon ni Satanas na malalim na nakatanim sa atin, at hindi tayo makakasundo ng Diyos at makakapasok sa Kanyang kaharian kailanman.

Tinubos lang tayo ng Panginoong Jesus. Kung gayon, noong Kapanahunan ng Biyaya, hindi puwedeng makalaya ang tao sa kanyang mga kasalanan at maging banal, paano man sila nagsikap o nagbasa ng Biblia. Sa mga huling araw, sisimulan ng Diyos ang Kanyang paghatol mula sa Kanyang tahanan ayon sa mga hakbang ng Kanyang plano sa pamamahala para iligtas ang sangkatauhan; sa pamamagitan ng gawaing ito, lilinisin at babaguhin Niya ang sangkatauhan, para mapawalang-sala sila at maging banal. Basahin natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Bagama’t maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). “Sa pamamagitan ng handog para sa kasalanan, ang tao ay napatawad sa kanyang mga kasalanan, sapagkat ang gawain ng pagpapapako sa krus ay dumating na sa katapusan at ang Diyos ay nanaig laban kay Satanas. Ngunit ang tiwaling disposisyon ng tao ay nananatili pa rin sa loob niya at ang tao ay maaari pa ring magkasala at labanan ang Diyos, at hindi pa nakamit ng Diyos ang sangkatauhan. Kung kaya sa yugtong ito ng gawain ay ginagamit ng Diyos ang salita upang ibunyag ang tiwaling disposisyon ng tao, na nagsasanhi sa kanyang magsagawa alinsunod sa tamang landas. Ang yugtong ito ay mas makahulugan kaysa nauna at mas mabunga rin, dahil sa ngayon ang salita ang direktang nagtutustos sa buhay ng tao at nagbibigay-daan upang ang disposisyon ng tao ay ganap na mapanibago; ito ay isang yugto ng gawain na mas masusi. Samakatuwid, nakumpleto ng pagkakatawang-tao sa mga huling araw ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos at ganap na tumapos sa plano ng pamamahala ng Diyos para sa kaligtasan ng tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4). Mula riyan, nakikita natin na itinakda ng pagtubos ng Panginoong Jesus ang pundasyon ng gawain ng Diyos na magligtas sa mga huling araw at ang paghatol sa mga huling araw ang pinakamahalaga, ang sentro, ng gawain ng Diyos na magligtas. ’Yan ang susi, ang pinakamahalagang bahagi ng pagliligtas sa sangkatauhan. Sa pagdanas sa gawain ng Diyos noong Kapanahunan ng Biyaya, pinatatawad ang ating mga sala, pero hindi tayo mapapawalang-sala, ni hindi tayo magiging banal. Ang paghatol lang ng Diyos sa mga huling araw ang makapagpapaunawa ng katotohanan sa tao, magpapakilala sa kanila sa Diyos, magpapabago sa kanilang mga disposisyon sa buhay, susunod at sasamba sa Diyos, at makakaisa ng Diyos. Ganyan tatapusin ng Diyos ang Kanyang plano sa pamamahala na iligtas ang sangkatauhan.

mula sa iskrip ng pelikulang Masasakit na Alaala

Sinundan: Tanong 4: Ang mga tao ay makasalanan, pero ang handog ng Panginoong Jesus para sa kasalanan ay epektibo magpakailanman. Basta’t inamin natin ang ating mga sala sa Panginoon, patatawarin Niya tayo. Wala tayong kasalanan sa paningin ng Panginoon, kaya makakapasok tayo sa kaharian ng langit!

Sumunod: Tanong 6: Sabi n’yo pag gusto ng mga tao na mapawalang-sala at malinis, kailangan nilang tanggapin ang paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Pa’no naman hinahatulan at nililinis ng Diyos ang mga tao sa mga huling araw? Sa nakalipas na mga taon na nanalig ako sa Panginoon, akala ko maganda kung dumating ang oras na hindi na nagkakasala ang mga tao. Noon, akala ko, hindi na magiging masaklap ang buhay!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito