Tanong 1: Ang pangako ng Panginoon ay darating Siyang muli upang dalhin tayo sa kaharian ng langit, pero nagpapatotoo ka na nagkatawang-tao na ang Panginoon para gawin ang paghatol sa mga huling araw. Malinaw ang mga propesiya ng Biblia na ang Panginoon ay bababa nang may kapangyarihan at malaking kaluwalhatian sa mga ulap. Medyo kaiba ito sa pinatotohanan mo, na ang Panginoon ay nagkatawang-tao na at lihim na bumaba sa mga tao.

Sagot: Sinasabi mo na nangako ang Panginoon sa tao na Siya ay muling darating upang dalhin ang tao sa kaharian ng langit, sigurado ito, dahil matapat ang Panginoon, tutuparin Niya ang Kanyang mga pangako. Pero kailangan muna nating linawin na ang muling pagdating ng Panginoon sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao sa mga huling araw para sa gawain ng paghatol ay may direktang kaugnayan sa kung paano tayo dadalhin sa kaharian ng langit. Kung pag-aaralan nating mabuti ang Biblia, hindi mahirap hanapin ang katibayan nito. Sa ilang talata mula sa Biblia, malinaw na nakapropesiya na ang ikalawang pagdating ng Diyos ay ang pagkakatawang-tao. Halimbawa: “Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating(Lucas 12:40). “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito(Lucas 17:24–25). Lahat ng mga propesiyang ito ay tungkol sa “Anak ng tao” o “dumarating ang Anak ng tao.” Ang katagang “ang Anak ng tao” ay tumutukoy sa Isang isinilang sa tao at may normal na pagkatao. Kaya’t ang Espiritu ay hindi maaaring tawaging Anak ng tao. Halimbawa, dahil ang Diyos na Jehova ay Espiritu, hindi Siya matatawag na “ang Anak ng tao.” Ang ilang tao ay nakakita ng mga anghel, ang mga anghel ay espirituwal na nilalang din, kaya hindi sila matatawag na Anak ng tao. Lahat ng may anyo ng tao ngunit binubuo ng mga espirituwal na katawan ay hindi matatawag na “ang Anak ng tao.” Ang nagkatawang-tao na Panginoong Jesus ay tinawag na “ang Anak ng tao” at “Cristo” dahil Siya ang nagkatawang-taong Espiritu ng Diyos at sa gayon ay naging karaniwan at normal na tao, nabubuhay na kapiling ang ibang mga tao. Kaya’t nang sinabi ng Panginoong Jesus na “ang Anak ng tao” at “dumarating ang Anak ng tao,” tinutukoy Niya ang pagdating ng Diyos na magkakatawang-tao sa mga huling araw. Lalo na nang sinabi Niyang, “kailangan muna Siyang magdusa ng maraming bagay, at tanggihan ng salinlahing ito.” patunay lamang ito na kapag muling dumating ang Panginoon, Siya ay darating sa pagkakatawang-tao. Kung hindi Siya dumating sa laman at sa halip ay bilang espirituwal na katawan, tiyak na wala Siyang daranasing anumang pagdurusa at tiyak na hindi tatanggihan ng henerasyong ito, walang duda iyan. Kaya, ang pagbabalik ng Panginoong Jesus ay tiyak na sa anyo ng pagkakatawang-tao at dumarating para gawin ang paghatol sa mga huling araw.

Nagtatanong ang maraming tao: ’Di ba nangako ang Panginoon na Siya ay muling darating upang dalhin tayo sa kaharian ng langit? Sa pagdating Niya, bakit kailangan pa rin Niyang gawin ang paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos? Katunayan, ginagawa ng Panginoon ang paghatol upang buuin ang mga mananagumpay, ibig sabihin, upang dalhin ang mga banal. Kung titingnan natin, maraming katibayan sa Biblia na magpapaliwanag kung bakit sa pagdating ng Panginoon sa mga huling araw ay kailangan Niyang gawin ang paghatol. Ang propesiyang ito na muling darating ang Diyos sa mga huling araw para gawin ang paghatol ay mas maraming beses lumitaw sa Biblia, mga mahigit 200 beses, at maraming banal na kasulatan na nagpopropesiya sa pagkakatawang-tao ng Diyos na ginagawa ang paghatol. Halimbawa, “At Siya’y hahatol sa gitna ng mga bansa, at sasaway sa maraming tao(Isaias 2:4). “Sa harap ng Panginoon, sapagka’t siya’y dumarating upang hatulan ang lupa: kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan, at ng karapatan ang mga bayan” (Awit 98:9). “Sinasabi niya nang may malakas na tinig, ‘Matakot kayo sa Diyos, at magbigay kaluwalhatian sa Kanya; sapagka’t dumarating ang panahon ng Kanyang paghatol’(Pahayag 14:7). “Sapagka’t siya’y nagtakda ng isang araw na kaniyang ipaghuhukom sa sanglibutan ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng lalaking kaniyang itinalaga” (Mga Gawa 17:31). “At binigyan Siya ng awtoridad na humatol, sapagka’t Siya’y Anak ng tao(Juan 5:27). “Sapagka’t ang Ama’y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob Niya sa Anak ang buong paghatol(Juan 5:22). “Ang nagtatakwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:48). “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos(1 Pedro 4:17). At marami pang iba. Malinaw na ipinapakita sa atin ng mga banal na kasulatan na ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay tiyak na darating sa mga huling araw para sa gawain ng paghatol.

Ang pagkakatawang-tao ng Diyos sa mga huling araw ay naisasagawa sa pagpapahayag ng Kanyang salita upang hatulan, dalisayin at iligtas ang sangkatauhan. Lahat ng makaririnig sa tinig ng nagbalik na Panginoong Jesus at hinahanap at tinatanggap Siya ay mga matalinong dalaga na makakasama Niya sa piging ng kasal. Katuparan ito ng propesiya ng Panginoong Jesus: “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalaki! Magsilabas kayo upang salubungin Siya(Mateo 25:6). Naririnig ng matatalinong dalaga ang tinig ng Panginoon at lumalapit para batiin Siya; ang susunod na alam nila, dinadala sila ng Panginoon sa harapan ng luklukan upang makita Siya nang harap-harapan. Tinatanggap nila ang paghatol, pagdadalisay, at pagperpekto ng Diyos sa mga huling araw at sa huli, sa paghatol gamit ang mga salita ng Diyos, ang kanilang tiwaling disposisyon ay dinadalisay at ginagawang perpekto upang maging mga mananagumpay. Gaya ng nakikita mo, kung nais nating makamit ang ipinangako ng Panginoon, kailangan muna tayong humarap kay Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos, tanggapin at danasin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw, upang magawang dalisay at perpekto ng Diyos. Kung hindi, tayo ay hindi kwalipikadong dalhin sa kaharian ng langit. Basahin natin ang ilang talata ng salita ng Makapangyarihang Diyos. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang alam mo lang ay bababa si Jesus sa mga huling araw, ngunit paano ba talaga Siya bababa? Ang isang makasalanang tulad mo, na katutubos pa lang, at hindi pa nabago, o nagawang perpekto ng Diyos, makakaayon ka ba ng puso ng Diyos? Para sa iyo, na ang dating ikaw pa rin, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at na ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa pagliligtas ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka magiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, puno ka ng karumihan, sakim ka at masama, ngunit ninanais mo pa ring bumaba na kasama ni Jesus—hindi ka ganoon kasuwerte! Nalaktawan mo ang isang hakbang sa iyong pananalig sa Diyos: Natubos ka pa lang, ngunit hindi pa nabago. Para maging kaayon ka ng puso ng Diyos, kailangang ang Diyos Mismo ang gumawa ng gawain ng pagbabago at paglilinis sa iyo; kung ikaw ay tinubos lamang, wala kang kakayahang magtamo ng kabanalan. Dahil dito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa magagandang biyaya ng Diyos, dahil nalaktawan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pagperpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang katutubos pa lang, ay walang kakayahang direktang manahin ang pamana ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa mga Pangalan at sa Pagkakakilanlan). “Naghahatid ng buhay si Cristo ng mga huling araw, at naghahatid ng walang maliw at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ang landas kung saan makakamit ng tao ang buhay, at ito lamang ang tanging landas kung saan makikilala ng tao ang Diyos at masasang-ayunan ng Diyos. Kung hindi mo hahanapin ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon hindi mo kailanman makakamit ang pagsang-ayon ni Jesus, at hindi kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagkat kapwa ka bulag na tagasunod at bilanggo ng kasaysayan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan). “Pinakakatawa-tawang mga tao sa mundo yaong mga nagnanais na makamit ang buhay nang hindi umaasa sa katotohanang sinabi ni Cristo, at mga ligaw sa guni-guni yaong mga hindi tinatanggap ang daan ng buhay na dinala ni Cristo. Kaya naman sinasabi Ko na magpakailanmang kamumuhian ng Diyos yaong mga taong hindi tinatanggap si Cristo ng mga huling araw. Si Cristo ang pasukan ng tao patungo sa kaharian sa mga huling araw, at walang sinuman ang makalalampas sa Kanya. Walang sinuman ang maaaring gawing perpekto ng Diyos kundi sa pamamagitan ni Cristo lamang(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan). Itinuturo na ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang daan papunta sa kaharian ng langit. Si Cristo ng mga huling araw ang pintuan para pumasok sa kaharian ng langit. Kung hindi nararanasan ng tao ang gawain ng paghatol ni Cristo sa mga huling araw, hindi siya magagawang dalisay at perpekto, at hindi kailanman makakapasok sa kaharian ng Diyos. Ito ang awtoridad na ipinakita ng Diyos na nagkatawang-tao. Pinatutunayan nito na sa ikalawang pagdating ng Panginoon, Siya ay tiyak na magkakatawang-tao upang gawin ang paghatol sa mga huling araw. Marami nang nagawa ang Diyos dito. Kung mayroon pang mga naniniwala na sila ay madadala sa kaharian ng langit nang hindi nararanasan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, ito ay sintomas ng kanilang mga paniwala at ilusyon, hindi ito kailanman mangyayari.

Kung talagang dumating ang Panginoon bilang pagkakatawang-tao, paanong maraming talata ng Biblia ang nagsasabing darating Siya sa mga ulap upang makita ng lahat? Paano ninyo ito ipapaliwanag? Sa Biblia ay may ilang propesiya na nagsasaad na ang Panginoon ay darating sa mga alapaap taglay ang Kanyang kapangyarihan at malaking kaluwalhatian. Totoo ito. Pero, mas marami pang mga talata sa Biblia na nagpopropesiya na ang Panginoon ay darating nang palihim. Halimbawa: “Ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw(Pahayag 16:15). “… sapagka’t paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip(Mateo 24:44). “Nguni’t tungkol sa araw o oras na iyon ay walang taong nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama(Marcos 13:32). Gaya ng nakikita mo, may dalawang paraan ng pagbabalik ng Panginoon: ang isa ay lantaran, ang isa naman ay sa lihim. Ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, na pinatotohanan natin ngayon, ay ang gawain lamang ng Panginoon na darating nang lihim. Dahil ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay dumating sa mga tao sa uri ng isang normal, karaniwang tao, sa tao, Siya ay dumarating nang lihim, walang makapagsasabi na Siya ang Diyos, walang nakakaalam sa Kanyang tunay na pagkakilanlan. Tanging kapag nagsimula ang Anak ng tao na gumawa at magsalita makikilala ng mga tao ang Kanyang tinig. Ang mga bigong makilala ang Kanyang tinig ay tiyak na tatratuhin Siya bilang karaniwang tao, ikinakaila at tinatanggihan Siya. Tulad nang nagkatawang-tao ang Panginoong Jesus upang gawin ang Kanyang gawain, Siya ay tila isang karaniwan at normal na tao sa panlabas na anyo, kaya karamihan sa mga tao ay itinatwa, kinalaban at kinondena Siya, samantalang ang ilan, sa pamamagitan ng salita at gawain ng Panginoong Jesus, ay nakilala Siya bilang ang nagkatawang-taong Cristo, ang pagpapakita ng Diyos. Ngayon ang yugto kung saan dumarating ang Makapangyarihang Diyos sa lihim para gawin ang Kanyang gawain at iligtas ang sangkatauhan. Kasalukuyan Niyang ipinapahayag ang Kanyang salita para hatulan, dalisayin, at gawing perpekto ang sangkatauhan. Sa puntong ito, tiyak na hindi makikita ng tao ang Panginoon na nagpapakita sa ibabaw ng mga ulap. Tanging pagkatapos mabuo ang isang grupo ng mga mananagumpay at ang gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos at lihim na pagbaba sa mga tao ay nakumpleto, kung kailan ang mga kalamidad ay dadalaw sa lupa at parurusahan ng Diyos ang masasama habang ginagantimpalaan ang mabuti, na hayagang nagpapakita sa lahat ng mga bansa ng daigdig. Sa panahong ito, ang mga propesiya ng hayagang pagbaba ng Panginoon sa lupa ay matutupad, tulad ng sinasabi sa Biblia: “At kung magkagayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian(Mateo 24:30). “Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya(Pahayag 1:7). Kapag nakikita ng tao ang pagpapakita ng Panginoon sa lahat ng sangkatauhan sa ibabaw ng mga ulap, sa teoriya sila ay labis na magagalak, pero sinasabi dito na “kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa.” Bakit ganito? Ito ay dahil sa kapag nagpakita na nang hayagan ang Diyos, ang gawain ng pagliligtas ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa Kanyang lihim na pagbaba sa mga tao ay magiging kumpleto na at nasimulan na ng Diyos ang Kanyang gawain ng paggantimpala sa mabuti at pagpaparusa sa masama. Sa panahong ito, lahat ng tumanggi sa lihim na gawain ng Diyos ay wala nang pagkakataong maligtas. Ang mga tumusok sa Kanya, ibig sabihin, ang mga kumalaban at nagkondena kay Cristo ng mga huling araw, na Makapangyarihang Diyos, paanong hindi nila babayuhin ang kanilang dibdib sa kalungkutan, pagtangis at pagtatagisin ang kanilang mga ngipin, nalalaman na ang Taong kinalaban at kinondena nila ay ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus? Kaya ganoong lilitaw ang eksena ng “magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa.” Basahin natin ang isa pang talata ng salita ng Makapangyarihang Diyos.

Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Maraming taong walang pakialam sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ng sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sakay ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyon ng matinding katuwaan sa iyo, subalit dapat mong malaman na ang sandali na nasasaksihan mong bumababa si Jesus mula sa langit ay ang sandali rin ng pagbaba mo sa impiyerno para maparusahan. Iyon ang magiging panahon ng pagwawakas ng plano ng pamamahala ng Diyos at gagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga tanda ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga tanda, at sa gayon ay napadalisay na, ay nakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at nakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na ‘Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo’ ang sasailalim sa walang-hanggang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga tanda, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng matinding paghatol at nagpapalabas ng tunay na daan at buhay. Kaya nga maaari lamang silang harapin ni Jesus kapag hayagan Siyang nagbabalik sakay ng puting ulap. … Ang pagbabalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga may kakayahang tanggapin ang katotohanan, ngunit para sa mga hindi nagagawang tanggapin ang katotohanan ito ay isang tanda ng paghatol. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at tanggihan ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging mangmang at mayabang, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa).

Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos natanto natin na ang gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa mga huling araw sa Kanyang lihim na pagbaba sa mga tao ay mahalagang yugto ng gawain ng pagperpekto ng Diyos sa tao. Sa anim na libong taon ng plano ng pamamahala ng Diyos, ang gawaing ito ay kumakatawan sa pambihirang pagkakataon para gawing perpekto ng Diyos ang tao. Lahat ng mga tumatanggap sa lihim na gawain ng Diyos at ginagawang perpekto ay tumanggap ng espesyal na biyaya ng Diyos at sila ang pinaka-pinagpala. Kung hindi natin pahahalagahan ang pambihirang pagkakataong ito at palalampasin ang gawain ng Diyos na paggawa ng mga mananagumpay, tayo ay mananaghoy lamang at pagtatagisin ang ating mga ngipin, labis na manghihinayang.

mula sa iskrip ng pelikulang Ang Hiwaga ng Kabanalan

Sinundan: Tanong 3: Sa ngayon, laganap ang mapapanglaw na simbahan sa lahat ng relihiyon, pero hindi pa namin lubos na nauunawaan ang pangunahing dahilan. Kaya nga masigasig naming binabasa ang Lumang Tipan at pinagtutuunan namin kung paano humantong sa kapanglawang iyon sa relihiyon ang mga ikinilos ng mga punong saserdote, eskriba at Fariseong Judio noong mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan. Bagama’t may natuklasan na ang ilang problema, hindi naging malinaw ang kabuuan nito. Nagpunta na rin kami sa mga simbahan sa maraming iba’t ibang lugar at mula sa iba’t ibang sekta, pero hindi pa namin nakikita ang gawain ng Banal na Espiritu. Hindi gaanong malinaw sa amin kung bakit napakapanglaw ng lahat ng relihiyon. Ano ang tunay na dahilan nito?

Sumunod: Tanong 2: Naniwala ako sa Panginoon nang mahigit kalahati na ng buhay ko. Walang pagod akong gumawa para sa Panginoon at inaabangan ang Kanyang ikalawang pagdating. Kung dumating ang Panginoon, bakit hindi ko natanggap ang Kanyang pagbubunyag? Isinantabi ba Niya ako? Litung-lito ako dito. Paano ninyo ito ipapaliwanag?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 13: Lahat kayo ay naniniwala sa Diyos; Ako naman ay kina Marx at Lenin. Dalubhasa ako sa pagsasaliksik ng iba’t ibang paniniwala sa relihiyon. Sa ilang taon ng pagsasaliksik ko, may nadiskubre akong isang problema. Ayon sa relihiyosong paniniwala ay mayroon talagang Diyos. Pero sa dami ng naniniwala sa Diyos, wala pa namang nakakakita sa Kanya. Ang paniniwala nila ay base sa sarili nilang nararamdaman. Kaya nga nakabuo ako ng konklusyon tungkol sa relihiyosong paniniwala: Purong imahinasyon lang ang relihiyosong paniniwala; yun ay isang pamahiin, at walang matibay na basehan sa syensya. Ang modernong lipunan, ay isang lipunan kung saan napakaunlad na ng syensya. Kailangang, nakabase ang lahat sa syensya, para hindi na magkaro’n ng kamalian. Kaming mga miyembro ng Partidong Komunista ay naniniwala sa Marxismo-Leninismo. Hindi kami naniniwalang may Diyos. Ano bang sabi sa The Internationale? “Kailanma’y di nagkaro’n ng Tagapagligtas ang mundo, o ng diyos at emperador na kailangang asahan. Upang magkaro’n ng kaligayahan ang tao, mga sarili lamang natin ang ating asahan!” Malinaw sa The Internationale na “Kailanma’y di nagkaro’n ng Tagapagligtas ang mundo.” Ang sangkatauhan ay naniwala noon sa Diyos at naging mapamahiin dahil ang sangkatauhan nung mga panahong iyon, ay humaharap sa kababalaghan ng natural na mundo na ang araw, buwan, mga bituin; hangin, ulan, kulog at kidlat, ay hindi makapagbibigay ng siyentipikong paliwanag. Samakatuwid, sumibol sa mga utak nila ang takot at pagtataka tungkol sa di-pangkaraniwang kapangyarihan. Kung kaya nabuo ang mga pinakaunang konsepto ng relihiyon. Bukod ditto, nung hindi malutas ng mga tao ang kahirapang dulot ng mga kalamidad at sakit, umasa silang makakuha ng ginhawang pangkaluluwa sa pamamagitan ng mataimtim na pagsunod sa Diyos. Ito ang dahilan kaya nabuhay ang relihiyon. Kitang-kita naman, Hindi ito makatwiran at hindi siyentipiko! Sa panahong ito, moderno na ang tao, at namamayagpag na ang siyensya. Sa mga larangang gaya ng aerospace industry, biotechnology, genetic engineering at medisina, mabilis na naging maunlad ang lahat ng tao. Noon hindi ito naintindihan ng sangkatauhan, at hindi nila kayang lutasin ang mga problema. Pero ngayon kaya ng ipaliwanag ng siyensya ang mga problemang ito, at pwede ng umasa sa siyensya para magbigay ng mga solusyon. Ngayong maunlad na ang agham at teknolohiya, kung naniniwala pa rin ang tao sa Diyos, at naging mapamahiin, hindi ba’t ito ay kabaliwan at kamangmangan? Hindi ba’t napag-iwanan na ang mga tao sa panahong ito? Ang pinakapraktikal na gawin ay ang maniwala tayo sa siyensya.

Sagot: Sabi n’yo ang relihiyosong paniniwala ay dahil sa napag-iwanan na ang tao sa siyentipikong kaalaman, at nabuo mula sa takot at...

Tanong 17: Pinatotohanan n’yo na ang Makapangyarihang Diyos ang Diyos ng mga huling araw na nagpapakita at gumagawa, at sinabi n’yo ring naghahanap ng katotohanan ang paniniwala n’yo sa Kanya, at tinatahak n’yo ang tamang daan ng buhay. Pero sa pagkakaalam ko, marami sa mga naniniwala sa Kanya sa Makapangyarihang Diyos ay katulad ng mga misyonaryo ni Jesus, na sa layunin ng pagpapakalat ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos, ay hindi nag-alinlangang iwan ang pamilya at propesyon, at ibinigay ang katawan at kaluluwa sa Diyos. Sa kanilang lahat marami sa mga kabataan ang hindi nagpapakasal, ginagawa nila ang tungkulin nila sa pagsunod kay Cristo ng mga huling araw. Hindi n’yo yata alam na, dahil iniiwan n’yo ang pamilya n’yo at kumikilos para ikalat ang ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos, lalong dumarami ang mga taong naniniwala sa Diyos. Kapag ang lahat ng tao ay napalapit na sa Diyos, sino pang maniniwala sa Partido Komunista, at susunod sa kanila? Malinaw na dahil dito, pinipigilan kayo at inaaresto ng gobyerno. May nakikita ba kayong mali rito? Dahil naniniwala kayo sa Diyos sa ganitong paraan kaya maraming tao ang inaresto at sinintesyahang makulong, at marami ang umalis ng bahay at lumikas. Maraming mag-asawa ang nagdiborsyo, at maraming bata ang walang mga magulang na, magmamahal sa kanila. Maraming matatanda ang walang karamay para mag-alaga sa kanila. Sa paniniwala sa Diyos sa ganitong paraan, dinanas ng mga pamilya ninyo ang matinding paghihirap. Ano ba talagang gusto ninyong makamit? Hindi kaya ito ang tamang daan para sa buhay ng tao na sinasabi n’yo? Ang tradisyunal na kultura ng Tsina ay nagbibigay ng higit na pagpapahalaga sa kabanalan ng pamilya. Ayon sa kasabihan: “Sa lahat ng kabutihan, ang paggalang ng anak sa magulang ang pinakamahalaga.” Sabi ni Confucius: “Habang buhay pa ang mga magulang n’yo, huwag kayong maglalakbay nang malayo.” Ang pagrespeto sa mga magulang ang pundasyon ng pag-uugali ng tao. Sa paniniwala at pagsunod sa Diyos sa paraang ginagawa n’yo, hindi nyo magawang alagaan kahit na ang mga magulang n’yong nagbigay-buhay at nag-aruga sa inyo, pa’no ito naituring na tamang daan para sa buhay ng tao? Madalas kong marinig sa mga tao na, mabubuti ang lahat ng sumasampalataya. Hindi mali yon. Pero naniniwala kayong lahat sa Diyos, sumasamba at nagtatanghal sa Kanya bilang dakila. Ito ang dahilan para magpuyos sa galit ang Partido Komunista, at mapuno ng pagkamuhi. Ginagawa n’yo ang tungkulin n’yo para maikalat ang ebanghelyo, pero ni hindi n’yo maalagaan ang mga sarili n’yong pamilya. Paano ito maituturing na kagandahang asal? Anong masasabi n’yo? Posible kaya na kahit hindi nakikita ay nagkamali kayo ng tinahak na daan sa paniniwala sa Diyos? Sa pagpapakalat ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos sa ganitong paraan, hindi ba’t sinisira n’yo ang pagkakaisa at katatagan ng lipunan? Nakikiusap ako sa inyo na itigil n’yo na ang paggawa ng mali. Bumalik na kayo sa lipunan sa lalong madaling panahon, samahan n’yo na ang pamilya n’yo, magkaro’n ng normal na buhay, at alagaang mabuti ang inyong pamilya. Dapat n’yong gawin ang tungkulin n’yo bilang mga anak at magulang. Ito lang ang pundasyon sa pag-uugali ng tao, at ito lang ang pinakapraktikal.

Sagot: Paulit-ulit mong sinasabi na maling daan ang tinahak namin sa paglisan sa mga pamilya at propisyon namin para maniwala sa Diyos at...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito