43. Bakit iyong mga tunay lang na nagmamahal sa Diyos ang magagawa Niyang perpekto
Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga Huling Araw
Ang mga nagmamahal sa Diyos ay ang mga nagmamahal sa katotohanan, at habang lalo itong isinasagawa ng mga nagmamahal sa katotohanan, mas nagkakaroon sila ng marami nito; habang mas isinasagawa nila ito, mas nagkakaroon sila ng higit pang pagmamahal ng Diyos; at habang mas isinasagawa nila ito, mas pinagpapala sila ng Diyos. Kung lagi kang nagsasagawa sa ganitong paraan, unti-unting magagawa ng pag-ibig ng Diyos na makakita ka, tulad nang makilala ni Pedro ang Diyos: Sinabi ni Pedro na ang Diyos ay hindi lamang nagtataglay ng karunungang lumikha ng mga kalangitan at kalupaan at ng lahat ng bagay, kundi higit pa rito’y may karunungan din Siya na gawin ang praktikal na gawain sa mga tao. Sinabi ni Pedro na hindi lamang Siya karapat-dapat sa pag-ibig ng mga tao dahil sa Kanyang paglikha ng mga kalangitan at kalupaan at ng lahat ng bagay, ngunit, higit pa rito, dahil sa Kanyang kakayahang lumikha ng tao, iligtas ang tao, gawing perpekto ang tao, at ibigay ang Kanyang pag-ibig sa tao. Kaya sinabi rin ni Pedro na maraming bagay na taglay Niya ang karapat-dapat sa pag-ibig ng tao. Sinabi ni Pedro kay Jesus: “Ang paglikha ba ng mga kalangitan at kalupaan at lahat ng bagay ang tanging dahilan upang maging karapat-dapat Ka sa pag-ibig ng mga tao? Marami Ka pang tinataglay na kaibig-ibig. Gumaganap at kumikilos Ka sa tunay na buhay, inaantig ng Iyong Espiritu ang kalooban ko, dinidisiplina Mo ako, sinasaway Mo ako—higit pang karapat-dapat ang mga bagay na ito sa pag-ibig ng mga tao.” Kung nais mong makita at maranasan ang pag-ibig ng Diyos, kung gayon ay dapat mong tuklasin at hanapin ang tunay na buhay at dapat maging handang isantabi ang iyong sariling laman. Dapat mong gawin ang kapasyahang ito. Dapat kang maging isang taong may paninindigan na magagawang magbigay-lugod sa Diyos sa lahat ng bagay, nang hindi nagiging tamad o nagnanasa sa mga kasiyahan ng laman, nang hindi nabubuhay para sa laman kundi nabubuhay para sa Diyos. Maaaring may mga pagkakataon na hindi mo nabibigyang-lugod ang Diyos. Iyon ay dahil sa hindi mo nauunawaan ang mga layunin ng Diyos; sa susunod, mangailangan man ito ng higit pang pagsisikap, dapat mo Siyang bigyang-kaluguran at hindi dapat bigyang-kasiyahan ang laman. Kapag naranasan mo ito sa ganitong paraan, makikilala mo na ang Diyos. Makikita mo na kayang likhain ng Diyos ang mga kalangitan at kalupaan at ang lahat ng bagay, na Siya ay nagkatawang-tao upang tunay Siyang makita ng mga tao at tunay na makisalamuha sa Kanya; makikita mo na nagagawa Niyang lumakad kasabay ng mga tao, na makakaya ng Kanyang Espiritu na gawing perpekto ang mga tao sa tunay na buhay, na nagtutulot sa kanila na makita ang Kanyang pagiging kaibig-ibig at danasin ang Kanyang pagdidisiplina, ang Kanyang pagpaparusa, at ang Kanyang mga biyaya. Kung lagi kang nakadaranas sa ganitong paraan, hindi ka mawawalay sa Diyos sa tunay na buhay, at kung isang araw ay naging hindi na normal ang ugnayan mo sa Diyos, magagawa mong tiisin ang paninisi at makaramdam ng pagsisisi. Kung may normal kang relasyon sa Diyos, hindi mo na nanaisin kailanman na iwan ang Diyos, at kung dumating ang araw na sabihin ng Diyos na iiwan ka Niya, matatakot ka, at sasabihin na nanaisin mo pang mamatay kaysa iwan ng Diyos. Sa sandaling may ganito ka nang mga damdamin, mararamdaman mo na wala kang kakayahang lisanin ang Diyos, at sa ganitong paraan, magkakaroon ka ng isang pundasyon, at tunay na matatamasa ang pag-ibig ng Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Mabubuhay Magpakailanman sa Kanyang Liwanag
Ang dahilan kung bakit ang mga umiibig lamang sa Diyos ang may pinakamataas na halaga at kahulugan sa kanilang mga buhay, at sila lamang ang tunay na naniniwala sa Diyos, ay dahil nagagawa ng mga taong ito na mamuhay sa liwanag ng Diyos at nagagawa nilang mamuhay para sa gawain at pamamahala ng Diyos. Ito ay dahil hindi sila namumuhay sa kadiliman, kundi namumuhay sila sa liwanag; hindi sila namumuhay nang walang-kahulugang mga buhay, bagkus ay mga buhay na pinagpala ng Diyos. Tanging ang mga taong nagmamahal sa Diyos ang nagagawang magpatotoo sa Diyos, sila lamang ang mga saksi ng Diyos, sila lamang ang pinagpala ng Diyos, at sila lamang ang nagagawang tumanggap ng mga pangako ng Diyos. Ang mga nagmamahal sa Diyos ay mga kapalagayang-loob ng Diyos; sila ang mga tao na minamahal ng Diyos, at matatamasa nila ang mga pagpapala kasama ng Diyos. Ang mga taong tulad lamang nito ang mabubuhay hanggang sa kawalang-hanggan, at sila lamang ang mabubuhay magpakailanman sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Diyos. Ang Diyos ay para mahalin ng tao, at karapat-dapat Siya sa pagmamahal ng lahat ng tao, ngunit hindi lahat ng tao ay may kakayahang mahalin ang Diyos, at hindi lahat ng tao ay makakayang magpatotoo sa Diyos at humawak ng kapangyarihan kasama ng Diyos. Dahil nagagawa nilang magpatotoo sa Diyos, at maglaan ng lahat ng kanilang mga pagsisikap sa gawain ng Diyos, ang mga taong tunay na umiibig sa Diyos ay maaaring maglakad saanman sa ilalim ng mga kalangitan nang walang sinumang mangangahas na labanan sila, at makakaya nilang gamitin ang kapangyarihan sa lupa at pamunuan ang lahat ng tao ng Diyos. Nagsasama-sama ang mga taong ito mula sa iba’t ibang dako ng mundo. Sila ay mga tao mula sa kung saan-saang sulok ng mundo na nagsasalita sila ng iba’t ibang wika at may iba’t ibang kulay ng balat, ngunit ang kanilang pag-iral ay may katulad na kahulugan; silang lahat ay may mapagmahal-sa-Diyos na puso, silang lahat ay nagtataglay ng magkakatulad na patotoo, at may magkakatulad na kapasyahan, at magkakatulad na minimithi. Makapaglalakad nang malaya sa buong mundo ang mga umiibig sa Diyos, at makapaglalakbay sa buong sansinukob ang mga taong nagpapatotoo sa Diyos. Minamahal ng Diyos ang mga taong ito, pinagpapala sila ng Diyos, at mabubuhay sila magpakailanman sa Kanyang liwanag.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Mabubuhay Magpakailanman sa Kanyang Liwanag
Gumagawa ang Diyos sa yaong mga naghahangad at nagpapahalaga sa Kanyang mga salita. Kapag mas pinahahalagahan mo ang mga salita ng Diyos, mas gagawa sa iyo ang Kanyang Espiritu. Kapag mas pinahahalagahan ng isang tao ang mga salita ng Diyos, mas malaki ang pag-asa niyang maperpekto ng Diyos. Pineperpekto ng Diyos yaong mga tunay na nagmamahal sa Kanya, at pineperpekto Niya yaong mga may puso na payapa sa Kanyang harapan. Ang pahalagahan ang lahat ng gawain ng Diyos, ang pahalagahan ang kaliwanagan ng Diyos, ang pahalagahan ang presensya ng Diyos, ang pahalagahan ang malasakit at pangangalaga ng Diyos, ang pahalagahan kung paano nagiging realidad mo ang mga salita ng Diyos at natutustusan ang iyong buhay—lahat ng ito ay pinakamainam na naaayon sa mga layunin ng Diyos. Kung pinahahalagahan mo ang gawain ng Diyos, ibig sabihin, kung pinahahalagahan mo ang lahat ng gawaing ginawa ng Diyos sa iyo, pagpapalain ka Niya at pararamihin ang lahat ng sa iyo. Kung hindi mo pahahalagahan ang mga salita ng Diyos, hindi Siya gagawa sa iyo, kundi pagkakalooban ka lamang Niya ng katiting na biyaya para sa iyong pananampalataya, o pagpapalain ka ng kaunting kayamanan at ng kaunting kaligtasan ang iyong pamilya. Dapat mong sikaping gawing iyong realidad ang mga salita ng Diyos, at mapalugod Siya at umaayon sa Kanyang mga layunin; hindi ka lamang dapat magsikap na tamasahin ang Kanyang biyaya. Wala nang iba pang mas mahalaga para sa mga mananampalataya kaysa matanggap ang gawain ng Diyos, matamo ang pagkaperpekto, at maging mga taong sumusunod sa kalooban ng Diyos. Ito ang mithiing dapat mong hangarin.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pineperpekto ng Diyos Yaong mga Kaayon ng Kanyang Puso
Kapag lalo mong pinalulugod ang Diyos, lalo kang pagpapalain ng Diyos, at lalong lalaki ang pagmamahal mo sa Diyos; kaya, gayundin, magkakaroon ka ng pananampalataya at paninindigan, at madarama mo na walang mas mahalaga o makabuluhan kaysa sa isang buhay na ginugol sa pagmamahal sa Diyos. Masasabi na kung mahal ng tao ang Diyos, hindi siya malulungkot. Bagama’t may mga pagkakataon na nanghihina ang iyong laman at naliligiran ka ng maraming totoong kaguluhan, kung sa mga panahong ito ay tunay kang aasa sa Diyos, kung gayon, sa kalooban ng iyong espiritu ikaw ay aaluin, makadarama ka ng kapanatagan, at magkakaroon ka ng isang bagay na maaasahan. Sa ganitong paraan, madaraig mo ang maraming sitwasyon, kaya nga hindi ka na magrereklamo tungkol sa Diyos dahil sa dalamhating dinaranas mo. Sa halip, nanaisin mong umawit, sumayaw, at manalangin, makipagtipon at makipagniig, isipin ang Diyos, at madarama mo na lahat ng tao, usapin, at bagay sa paligid mo na isinaayos ng Diyos ay angkop. Kung hindi mo mahal ang Diyos, lahat ng makikita mo ay makakayamot sa iyo at walang magiging kaaya-aya sa iyong mga mata; hindi ka magiging malaya sa iyong espiritu bagkus ay napipigilan, laging magrereklamo ang puso mo tungkol sa Diyos, at lagi mong madarama na napakarami mong pinagdurusahan, at na hindi iyon makatarungan. Kung hindi ka maghahangad alang-alang sa kaligayahan, kundi upang mapalugod ang Diyos at hindi maakusahan ni Satanas, ang gayong paghahangad ay magbibigay sa iyo ng matinding lakas na mahalin ang Diyos. Naisasagawa ng tao ang lahat ng sinasabi ng Diyos, at lahat ng ginagawa niya ay nagpapalugod sa Diyos—ito ang ibig sabihin ng magtaglay ng realidad. Ang paghahangad na mapalugod ang Diyos ay nangangahulugan ng paggamit ng iyong mapagmahal-sa-Diyos na puso upang maisagawa ang Kanyang mga salita; anumang oras—kahit walang lakas ang iba—sa loob mo ay mayroon pa ring isang mapagmahal-sa-Diyos na puso, at sa kaibuturan mo, nananabik at nangungulila ka sa Diyos. Ito ay tunay na tayog. Ang laki ng iyong tayog ay nakasalalay sa laki ng tinataglay mong mapagmahal-sa-Diyos na puso, kung nagagawa mong maging matatag sa oras ng pagsubok, kung nanghihina ka kapag sumasapit ka sa isang partikular na sitwasyon, at kung kaya mong manindigan kapag inayawan ka ng iyong mga kapatid; ang pagdating ng mga katunayan ay magpapakita kung ano ang iyong mapagmahal-sa-Diyos na puso. Makikita sa marami sa gawain ng Diyos na talagang mahal ng Diyos ang tao, bagama’t hindi pa ganap na mulat ang mga mata ng espiritu ng tao at hindi niya malinaw na nakikita ang marami sa gawain ng Diyos at ang Kanyang mga layunin, ni ang maraming bagay na kaibig-ibig tungkol sa Diyos; napakaliit ng tunay na pagmamahal ng tao sa Diyos. Naniwala ka na sa Diyos sa buong panahong ito, at sa ngayon ay pinutol na ng Diyos ang lahat ng paraan ng pagtakas. Sa totoo lang, wala kang pagpipilian kundi tahakin ang tamang landas, ang tamang landas na naakay kang tahakin ng mabagsik na paghatol at sukdulang pagliligtas ng Diyos. Pagkatapos lamang makaranas ng paghihirap at pagpipino nalalaman ng tao na ang Diyos ay kaibig-ibig. Sa pagdanas nito hanggang sa ngayon, masasabi na nalaman na ng tao ang isang bahagi ng pagiging kaibig-ibig ng Diyos, ngunit hindi pa rin ito sapat, dahil malaki ang kulang sa tao. Kailangang maranasan ng tao ang higit pa sa kamangha-manghang gawain ng Diyos, at ang higit pa sa buong pagpipino ng pagdurusang isinaayos ng Diyos. Saka lamang mababago ang disposisyon ng tao sa buhay.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos
Yamang naniniwala ka sa Diyos, dapat mong isuko ang iyong puso sa harap ng Diyos. Kung ihahandog at ilalatag mo ang iyong puso sa harap ng Diyos, sa panahon ng pagpipino ay magiging imposible para sa iyo na ikaila ang Diyos, o iwan ang Diyos. Sa ganitong paraan ang iyong relasyon sa Diyos ay magiging lalong mas malapit, at lalong mas normal, at ang iyong pakikipagniig sa Diyos ay magiging lalong mas madalas. Kung palagi kang nagsasagawa sa ganitong paraan, gugugol ka ng mas maraming panahon sa liwanag ng Diyos, at ng mas maraming panahon sa ilalim ng patnubay ng Kanyang mga salita. Magkakaroon din ng higit pang mas maraming pagbabago sa iyong disposisyon, at ang iyong kaalaman ay madaragdagan araw-araw. Kapag dumating ang araw na ang mga pagsubok ng Diyos ay biglang sumapit sa iyo, hindi ka lamang makapaninindigan sa panig ng Diyos, ngunit magagawa mo ring magpatotoo sa Diyos. Sa panahong iyon, ikaw ay magiging kagaya ni Job, at ni Pedro. Sa pagpapatotoo sa Diyos iibigin mo Siya nang tunay, at maiaalay mo nang may kagalakan ang iyong buhay para sa Kanya; ikaw ay magiging saksi ng Diyos, at magiging pinakaiibig ng Diyos. Ang pag-ibig na nakaranas na ng pagpipino ay matatag, hindi mahina. Kailan man o paano ka man isinasailalim ng Diyos sa Kanyang mga pagsubok, nagagawa mong ilatag ang iyong mga pag-aalala kung mabubuhay ka ba o mamamatay, isantabi ang lahat nang may kagalakan para sa Diyos, at masayang tiisin ang anuman para sa Diyos—samakatuwid ang iyong pag-ibig ay magiging dalisay, at ang iyong pananampalataya ay magkakaroon ng realidad. Sa gayon ka lamang magiging isang tunay na iniibig ng Diyos, at isang tunay na nagawang perpekto na ng Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Pagpipino Maaaring Magtaglay ang Tao ng Tunay na Pag-ibig
Ang mga taong inililigtas ng Diyos ay ang mga taong nagmamahal sa katotohanan, ang mga may kakayahan at kakayahang makaarok, silang lahat ay mga taong may konsensiya at katwiran, na kayang tuparin ang mga atas ng Diyos at gawin nang maayos ang kanilang tungkulin. Sila ay mga taong kayang tanggapin ang katotohanan at iwaksi ang mga tiwali nilang disposisyon, at sila ay mga taong tunay na nagmamahal sa Diyos, nagpapasakop sa Diyos, at sumasamba sa Diyos. Bagamat ang karamihan sa mga taong ito ay mula sa ibaba ng lipunan, mula sa mga pamilya ng mga manggagawa at magsasaka, tiyak na hindi sila mga taong magulo ang isip, hangal, o walang silbi. Sa kabaligtaran, matatalino silang tao na kayang tanggapin, isagawa ang katotohanan at magpasakop dito. Lahat sila ay mga taong makatarungan, na tatalikdan ang makamundong karangalan at mga kayamanan para masunod ang Diyos at matamo ang katotohanan at ang buhay—sila ang pinakamatatalinong tao sa lahat. Lahat sila ay matapat na taong tunay na nananalig sa Diyos at tunay na iginugugol ang kanilang sarili para sa Kanya. Matatamo nila ang pagsang-ayon at mga pagpapala ng Diyos, at magagawa silang perpekto upang maging mga tao Niya at mga haligi ng Kanyang templo. Sila ay mga taong gawa sa ginto, pilak, at mamahaling hiyas.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Kaalaman Lamang Tungkol sa Anim na Uri ng Tiwaling Disposisyon ang Tunay na Pagkakilala sa Sarili
Kung ang saloobin ng isang tao sa Diyos ay para lamang hangaan Siya o magpakita ng paggalang sa Kanya mula sa malayo, at hindi para mahalin Siya kahit katiting, ito ang resultang naabot ng isang taong walang mapagmahal-sa-Diyos na puso, at wala sa taong iyon ang mga kalagayan para magawang perpekto. Kung hindi natamo ng napakaraming gawain ang tunay na pagmamahal ng isang tao, hindi pa nakamit ng taong iyon ang Diyos at hindi niya tunay na hinahanap ang katotohanan. Ang isang taong hindi mahal ang Diyos ay hindi mahal ang katotohanan at sa gayon ay hindi makakamit ang Diyos, lalong hindi niya matatanggap ang pagsang-ayon ng Diyos. Ang gayong mga tao, paano man nila nararanasan ang gawain ng Banal na Espiritu, at paano man nila nararanasan ang paghatol, ay hindi magawang magkaroon ng may-takot-sa-Diyos na puso. Ito ay mga taong hindi mababago ang likas na pagkatao at may nakakasuklam na mga disposisyon. Lahat ng walang may-takot-sa-Diyos na puso ay ititiwalag, upang maging mga pakay ng kaparusahan, at maparusahan tulad ng mga gumagawa ng kasamaan, upang magdusa nang higit pa kaysa sa mga nakagawa ng masasamang bagay.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain ng Diyos at Gawain ng Tao
Ngayon, alam na ninyong lahat na ang paniniwala ng tao sa Diyos ay hindi lamang para sa kaligtasan ng kaluluwa at kapakanan ng laman, ni hindi ito upang pagyamanin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagmamahal sa Diyos, at iba pa. Sa ngayon, kung mahal mo ang Diyos alang-alang sa kapakanan ng laman o panandaliang kasiyahan, kahit sa bandang huli ay umabot sa sukdulan ang pagmamahal mo sa Diyos at wala ka nang hinihiling pa, hindi pa rin puro ang pagmamahal na ito na hinahangad mo at hindi kalugud-lugod sa Diyos. Ang mga gumagamit ng pagmamahal sa Diyos upang pagyamanin ang nakababagot nilang buhay at punan ang kahungkagan sa kanilang puso ay ang uri ng mga tao na nagnanasa sa madaling buhay, hindi sila tunay na naghahangad na mahalin ang Diyos. Ang ganitong uri ng pagmamahal ay sapilitan, ito ay paghahangad ng kasiyahang pangkaisipan, at hindi ito kailangan ng Diyos. Kung gayon, anong klase ang pagmamahal mo? Para saan ang pagmamahal mo sa Diyos? Gaano kalaki ang tunay na pagmamahal sa Diyos na nasa iyong kalooban ngayon? Ang pagmamahal ng karamihan sa inyo ay katulad ng nabanggit. Mapapanatili lamang ng gayong pagmamahal ang kasalukuyang estado ng mga bagay-bagay; hindi nito makakamit ang kawalan ng pagbabago, ni hindi ito mag-uugat sa tao. Ang ganitong klaseng pagmamahal ay katulad lamang ng isang bulaklak na namumukadkad at nalalanta nang hindi namumunga. Sa madaling salita, matapos mong mahaling minsan ang Diyos sa gayong paraan, kung walang sinumang aakay sa iyo sa landas sa unahan, malulugmok ka. Kung kaya mo lamang mahalin ang Diyos sa oras ng pagmamahal sa Diyos ngunit pagkatapos ay hindi pa rin nagbabago ang iyong disposisyon sa buhay, hindi ka pa rin makakatakas sa pagkabalot ng impluwensya ng kadiliman, hindi ka pa rin makakalaya mula sa mga gapos ni Satanas at sa pandaraya nito. Walang sinumang tulad nito ang ganap na makakamit ng Diyos; sa huli, pag-aari pa rin ni Satanas ang kanilang espiritu, kaluluwa, at katawan. Walang alinlangan iyan. Lahat ng hindi ganap na makakamit ng Diyos ay babalik sa kanilang orihinal na lugar, ibig sabihin, babalik sila kay Satanas, at bababa sa lawa ng apoy at asupre upang tanggapin ang susunod na hakbang ng kaparusahan mula sa Diyos. Yaong mga nakamit ng Diyos ay yaong mga naghihimagsik laban kay Satanas at tumatakas mula sa kapangyarihan nito. Sila ay opisyal na kabilang sa mga tao ng kaharian. Ganito ang kinahihinatnan ng mga tao ng kaharian. Handa ka bang maging ganitong klaseng tao? Handa ka bang makamit ng Diyos? Handa ka bang tumakas mula sa kapangyarihan ni Satanas at bumalik sa Diyos? Pag-aari ka na ba ngayon ni Satanas o kabilang ka sa mga tao ng kaharian? Dapat ay maliwanag na ang mga bagay na ito, at hindi na nangangailangan ng karagdagang paliwanag.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pananaw na Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya
Kung gusto mong magawang perpekto ng Diyos, hindi sapat ang magmadali lamang sa landas, ni sapat ang gugulin lamang ang iyong sarili para sa Diyos. Kailangan kang magtaglay ng maraming bagay upang maging isang tao na ginagawang perpekto ng Diyos. Kapag nagdurusa ka, kailangan mong magawang isantabi ang pag-aalala sa laman at huwag magreklamo laban sa Diyos. Kapag itinatago ng Diyos ang Kanyang Sarili mula sa iyo, kailangan mong magkaroon ng pananampalatayang sundan Siya, panatilihin mo ang iyong pagmamahal nang hindi hinahayaang manlamig o maglaho. Anuman ang gawin ng Diyos, kailangan kang magpasakop sa Kanyang plano at maging handang sumpain ang iyong sariling laman sa halip na magreklamo laban sa Kanya. Kapag nahaharap ka sa mga pagsubok, kailangan mong mapalugod ang Diyos, bagama’t ikaw ay tatangis nang labis o nag-aatubili kang mawalay sa ilang bagay na minamahal mo. Ito lamang ang tunay na pagmamahal at pananampalataya. Anuman ang aktuwal mong tayog, kailangan mo munang magkaroon kapwa ng kahandaang dumanas ng paghihirap at ng tunay na pananampalataya, at kailangan ka ring magkaroon ng kahandaang maghimagsik laban sa laman. Dapat ay handa kang personal na magtiis ng mga paghihirap at na magdusa ng mga kawalan sa iyong mga personal na interes upang matugunan ang mga layunin ng Diyos. Dapat ay may kakayahan ka ring makaramdam ng pagsisi sa puso mo: Noong araw, hindi mo nagawang mapalugod ang Diyos, at ngayon, maaari kang magsisi sa iyong sarili. Hindi ka dapat magkulang sa anuman sa mga bagay na ito—sa pamamagitan ng mga bagay na ito, gagawin kang perpekto ng Diyos. Kung hindi mo matutugunan ang mga kinakailangang ito, hindi ka magagawang perpekto.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino
Bilang isang taong naghahangad na mahalin ang Diyos, ang pagpasok sa kaharian upang maging isa sa mga tao ng Diyos ang inyong tunay na hinaharap, at isang buhay na siyang pinakamahalaga at pinakamakabuluhan; walang sinuman ang higit na pinagpala kaysa sa inyo. Bakit Ko sinasabi ito? Sapagkat yaong mga hindi naniniwala sa Diyos ay nabubuhay para sa laman, at sila ay nabubuhay para kay Satanas, ngunit sa kasalukuyan kayo ay nabubuhay para sa Diyos, at nabubuhay upang sumunod sa kalooban ng Diyos. Kaya sinasabi Ko na ang inyong mga buhay ang pinakamakabuluhan. Ang grupo lamang ng mga taong ito, na pinili ng Diyos, ang magagawang isabuhay ang isang buhay na pinakamakabuluhan: Walang sino pa man sa lupa ang magagawang isabuhay ang isang buhay na may gayong halaga at kahulugan. Sapagkat kayo ay napili na ng Diyos at itinataas ng Diyos, at, higit pa rito, dahil sa pag-ibig ng Diyos para sa inyo, naunawaan na ninyo ang tunay na buhay, at nalalaman kung paano mamuhay ng isang buhay na siyang pinakamahalaga. Hindi ito dahil sa ang inyong pagsisikap ay mahusay, ngunit dahil sa biyaya ng Diyos; ang Diyos ang nagbukas sa mga mata ng inyong espiritu, at ang Espiritu ng Diyos ang umantig sa inyong puso, binibigyan kayo ng mabuting kapalaran na lumapit sa harap Niya. Kung ang Espiritu ng Diyos ay hindi kayo niliwanagan, hindi ninyo makikita kung ano ang kaibig-ibig tungkol sa Diyos, ni magiging posible para sa inyo na ibigin ang Diyos. Dahil ganap na naantig na ng Diyos ang puso ng mga tao kung kaya ang kanilang mga puso ay nakabaling na sa Diyos. May mga pagkakataon, kapag tinatamasa mo ang mga salita ng Diyos, ang iyong espiritu ay inaantig, at nadarama mo na hindi mo mapigilang ibigin ang Diyos, na mayroong matinding lakas sa kalooban mo, at na walang anumang bagay ang hindi mo maisasantabi. Kung ganito ang nadarama mo, ikaw ay naantig na ng Espiritu ng Diyos, at ang iyong puso ay nakabaling na nang ganap sa Diyos, at mananalangin ka sa Diyos at sasabihing: “O Diyos! Kami ay tunay na itinalaga at pinili Mo. Ang Iyong kaluwalhatian ay nagbibigay sa akin ng karangalan, at nakaluluwalhati para sa akin na maging isa sa Iyong mga tao. Gugugulin ko ang anumang bagay at ibibigay ang anumang bagay upang sumunod sa Iyong kalooban, at ilalaan ko ang lahat ng aking mga taon, at ang habambuhay na pagsisikap, sa Iyo.” Kapag ikaw ay nananalangin sa ganitong paraan, magkakaroon ng walang-katapusang pag-ibig at tunay na pagpapasakop sa Diyos sa iyong puso. Nagkaroon ka na ba ng isang karanasang kagaya nito? Kung ang mga tao ay madalas antigin ng Espiritu ng Diyos, sila ay lalong nakahanda na ilaan ang kanilang mga sarili sa Diyos sa kanilang mga panalangin: “O Diyos! Nais kong makita ang Iyong araw ng kaluwalhatian, at nais kong mabuhay para sa Iyo—walang anuman ang higit na karapat-dapat o makahulugan kaysa sa mabuhay para sa Iyo, at wala akong taglay ni katiting na pagnanais na mabuhay para kay Satanas at sa laman. Itinataas Mo ako sa pamamagitan ng pagtutulot sa akin na mabuhay para sa Iyo sa kasalukuyan.” Kapag nanalangin ka na sa ganitong paraan, madarama mo na hindi mo mapigilang ibigay ang iyong puso sa Diyos, na dapat mong makamit ang Diyos, at kasusuklaman mong mamatay nang hindi nakakamit ang Diyos habang ikaw ay nabubuhay. Pagkasabi ng gayong panalangin, magkakaroon ng di-nauubos na lakas sa kalooban mo, at hindi mo malalaman kung saan ito nagmumula; sa iyong puso ay magkakaroon ng walang-hanggang kapangyarihan, at magkakaroon ng pakiramdam na ang Diyos ay labis na kaibig-ibig, at Siya ay nararapat ibigin. Ito ay kapag naantig ka na ng Diyos. Lahat niyaong nagkaroon na ng gayong karanasan ay naantig na ng Diyos. Para sa kanila na madalas antigin ng Diyos, ang mga pagbabago ay nangyayari sa kanilang mga buhay, nagagawa nilang gawin ang kanilang pagpapasya at nakahandang ganap na kamtin ang Diyos, ang kanilang mapagmahal-sa-Diyos na puso ay higit na malakas, at ang kanilang mga puso ay ganap nang bumaling sa Diyos. Wala silang pagpapahalaga sa pamilya, sa mundo, sa mga kaugnayan, o sa kanilang kinabukasan, at nakahanda silang maglaan ng habambuhay na pagsisikap sa Diyos. Lahat niyaong naantig na ng Espiritu ng Diyos ay mga taong naghahangad sa katotohanan, at mayroong taglay na pag-asa na gagawing perpekto ng Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Kanyang mga Yapak
Ang mga taong nagawang perpekto ay hindi lamang may normal na pagkatao, kundi nagtataglay ng mga katotohanang nakahihigit sa mga sukat ng konsensya, na mas mataas pa kaysa mga pamantayan ng konsensya. Hindi lamang nila ginagamit ang kanilang konsensya upang masuklian ang pag-ibig ng Diyos, ngunit, higit pa rito, nakilala nila ang Diyos, at nakita nila na ang Diyos ay kaibig-ibig, at karapat-dapat ibigin ng tao, at napakaraming bagay ang kaibig-ibig sa Diyos. Walang magagawa ang tao kundi ang ibigin Siya. Ang pag-ibig sa Diyos para sa mga nagawang perpekto ay upang matupad nila ang kanilang pansariling mga hangarin. Ang kanila ay pag-ibig na kusang-loob, isang pag-ibig na hindi humihiling ng kapalit, at hindi isang transaksyon. Iniibig nila ang Diyos dahil lamang sa kanilang pagkakilala sa Kanya at wala nang iba pa. Hindi iniisip ng mga taong ito kung pagkakalooban sila ng Diyos ng mga biyaya, dahil sapat na sa kanila ang mabigyang-kasiyahan ang Diyos. Hindi sila nakikipagtawaran sa Diyos, o kaya ay nagsusukat ng kanilang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng konsensya: “Nakapagbigay Ka sa akin, kaya iniibig din Kita. Kung hindi Ka nagbibigay sa akin, wala rin akong anumang maibibigay na kapalit sa Iyo.” Ang mga nagawang perpekto ay laging naniniwala na: “Ang Diyos ang Lumikha, at isinasakatuparan Niya ang Kanyang gawain sa atin. Dahil ako ay may ganitong pagkakataon, kalagayan, at katangian upang gawing perpekto, ang pagsusumikapan kong makamit ay ang magkaroon ng isang makabuluhang buhay, at dapat na Siya ay aking mapasaya.” Katulad lamang ito ng naranasan ni Pedro: Noong siya ay hinang-hina, nanalangin siya sa Diyos at sinabing, “O Diyos! Kahit anong panahon at saan mang dako, alam Mong lagi akong nangungulila sa Iyo. Kahit anong panahon at saan mang dako, batid Mong nais Kitang ibigin, ngunit ang aking tayog ay napakaliit, ako ay masyadong mahina at walang kapangyarihan, ang aking pag-ibig ay masyadong nalilimitahan, at ang aking katapatan sa Iyo ay masyadong maliit. Kung ihahambing sa Iyong pag-ibig, hindi ako nararapat para mabuhay. Nais ko lamang hilingin na ang aking buhay ay hindi mawalan ng kabuluhan, at hindi ko lamang masusuklian ang Iyong pag-ibig, kundi, higit pa rito, maaari kong ilaan sa Iyo ang lahat-lahat nang mayroon ako. Kung mapasasaya Kita, bilang isang nilikha, magkakaroon ako ng payapang isipan at hindi na hihiling nang higit pa. Bagama’t ako ay mahina at walang kapangyarihan ngayon, hindi ko malilimutan ang Iyong mga payo, at hindi ko malilimutan ang Iyong pag-ibig. Ngayon, wala akong ginagawa kundi ang suklian ko lamang ang Iyong pag-ibig. O Diyos, ang pakiramdam ko’y lubhang masama! Paano ko maibabalik sa Iyo ang pag-ibig sa aking puso, paano ko magagawa ang lahat ng aking makakaya, at makayanang tuparin ang Iyong mga ninanais, at maihandog ang lahat ng mayroon ako sa Iyo? Alam Mo ang kahinaan ng tao. Paano nga ba ako magiging karapat-dapat sa Iyong pag-ibig? O Diyos! Alam Mong ako ay mayroong mababang tayog, at babahagya lamang ang aking pag-ibig. Paano ko magagawa ang pinakamabuting makakaya ko sa ganitong uri ng kapaligiran? Alam kong dapat kong suklian ang Iyong pag-ibig, alam kong dapat kong ibigay ang lahat ng mayroon ako sa Iyo, ngunit ngayon ay lubhang mababa ang aking tayog. Aking hinihiling na bigyan Mo ako ng lakas at katatagan, upang higit ko pang mataglay ang isang dalisay na pag-ibig na maitatalaga ko sa Iyo, at higit kong maitalaga ang lahat ng mayroon ako sa Iyo. Hindi ko lamang masusuklian ang Iyong pag-ibig, kundi lalo kong maranasan ang Iyong pagkastigo, paghatol at mga pagsubok, at kahit ang mga mas matitinding sumpa. Pinayagan Mo akong mapagmasdan ang Iyong pag-ibig, at wala akong kakayahang hindi Ka ibigin at kahit na ako ay mahina at walang lakas ngayon, paano ba Kita malilimutan? Ang Iyong pag-ibig, pagkastigo, at paghatol ay naging dahilan upang makilala Kita, ngunit ramdam ko rin na wala akong kakayahang isakatuparan ang Iyong pag-ibig, dahil Ikaw ay napakadakila. Paano ko ba maitatalaga ang lahat ng mayroon ako sa aking Lumikha?” Iyon ang kahilingan ni Pedro, bagaman ang kanyang tayog ay lubhang hindi-sapat. Sa sandaling ito, naramdaman niya na para bang sinaksak ng isang kutsilyo ang kanyang puso at siya ay nasa matinding paghihirap. Hindi niya batid kung ano ang dapat gawin sa ilalim ng ganoong mga kalagayan. Gayunman ay nagpatuloy siya sa pananalangin: “O Diyos! Ang tao ay kasing-tayog lamang ng bata, ang kanyang konsensya ay mahina, at ang magagawa ko lamang ay suklian ang Iyong pag-ibig. Ngayon, hindi ko alam kung paano ko matutugunan ang Iyong mga layunin, at ang tanging nais ko ay magawa ang lahat ng aking makakaya, maibibigay ang lahat ng mayroon ako, at maitatalaga ang lahat ng mayroon ako sa Iyo. Anuman ang Iyong maging paghatol, anuman ang Iyong pagkastigo, anuman ang Iyong igagawad sa akin, anuman ang aalisin Mo sa akin, tulungan Mo akong huwag maghinaing ng kahit katiting sa Iyo. Maraming pagkakataon, noong ako’y kinastigo at hinatulan Mo, dumaing ako sa sarili ko, at hindi ko nakamit ang kadalisayan, o natupad ang Iyong mga nais. Napipilitan lamang ang aking naging tugon sa Iyong pag-ibig, at sa sandaling ito kinamumuhian ko nang higit pa ang sarili ko.” Ang paghahanap niya ng mas dalisay na pagmamahal sa Diyos ang dahilan kung bakit nanalangin si Pedro nang ganito. Siya ay naghahanap, at nakikiusap, at, higit pa, ay nagpaparatang sa kanyang sarili, at umaamin sa kanyang mga pagkakasala sa Diyos. Pakiramdam niya ay may pagkakautang siya sa Diyos, at nakaramdam siya ng pagkamuhi sa kanyang sarili, gayunman siya ay tila nalungkot din nang bahagya at negatibo. Laging gayon ang pakiramdam niya, na parang hindi siya makaabot sa mga layunin ng Diyos, at hindi niya naibigay ang lahat ng kanyang makakaya. Sa ilalim ng ganoong kalagayan, ipinagpatuloy ni Pedro ang pagsisikap na magkaroon ng pananampalatayang tulad ng kay Job. Nakita Niya kung gaano kadakila ang naging pananampalataya ni Job, sapagkat nakita ni Job na ang lahat ng pag-aari niya ay ipinagkaloob ng Diyos, at likas para sa Diyos na alisin ang lahat ng kanyang mga pag-aari, at ibigay ang mga ito ng Diyos sa kahit kanino man Niya naisin—gayon ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Walang mga reklamo si Job, at mapupuri pa rin ang Diyos. Kilala rin ni Pedro ang sarili niya, at sa kanyang puso siya ay nanalangin, “Ngayon, hindi sapat para sa akin na gantihan ang Iyong pag-ibig gamit ang aking konsensya at kahit gaano kasidhing pag-ibig ang ibigay ko pabalik sa Iyo, dahil ang aking mga kaisipan ay lubhang tiwali, at dahil wala akong kakayahang makita Ka bilang ang Lumikha. Dahil hindi pa rin ako karapat-dapat na umibig sa Iyo, dapat kong linangin ang kakayahan na ilaan ang lahat ng mayroon ako sa Iyo, at gawin ito nang maluwag sa kalooban, dapat kong malaman lahat ng Iyong mga nagawa, at hindi ko dapat gawin ang mga sarili kong pagpili, at dapat kong mamasdan ang Iyong pag-ibig, at makapagsalita ako ng mga papuri sa Iyo, at parangalan ang Iyong banal na pangalan, upang Ikaw ay maaaring magkamit ng dakilang kaluwalhatian sa pamamagitan ko. Ako ay handang manindigan nang matibay sa patotoong ito sa Iyo. O Diyos! Ang Iyong pag-ibig ay ubod nang inam at halaga; paano nga ba ako magnanais na mamuhay sa kasamaan? Hindi ba ako ay Iyong ginawa? Paanong mabubuhay ako sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas? Pipiliin ko na ang aking buong katauhan ay mamuhay sa gitna ng Iyong pagkastigo. Hindi ako payag na mamuhay sa ilalim ng kapangyarihan ng kasamaan. Kung ako ay madadalisay, at mailalaan ang aking lahat-lahat sa Iyo, kusa kong ilalaan ang aking katawan at pag-iisip sa Iyong paghatol at pagkastigo, sapagkat kinamumuhian ko si Satanas, at hindi ko gustong mamuhay sa ilalim ng kapangyarihan nito. Sa pamamagitan ng Iyong paghatol sa akin, ipinakikita Mo ang Iyong matuwid na disposisyon; ako ay natutuwa, at hindi dumaraing kahit katiting. Kung matutupad ko ang tungkulin ng isang nilikha, handa ako na ang aking buong buhay ay samahan ng Iyong paghatol, kung saan sa pamamagitan nito ay malalaman ko ang Iyong matuwid na disposisyon, at itatakwil sa sarili ko ang impluwensya ng kasamaan.” Lagi iyong ipinagdasal ni Pedro, laging iyon ang kanyang hinangad, at medyo naabot niya ang isang mataas na sakop. Hindi lamang niya naibalik ang pag-ibig ng Diyos, kundi, mas mahalaga, natupad rin niya ang kanyang tungkulin bilang isang nilikha. Hindi lamang sa hindi siya pinaratangan ng kanyang konsensya, kundi nalampasan din niya ang mga pamantayan ng konsensya. Patuloy na nakaabot sa harap ng Diyos ang kanyang mga dalangin, anupa’t ang kanyang mga hangarin ay mas tumaas, at mas mas lalo siyang nagtataglay ng may-takot-sa-Diyos na puso. Bagaman nagdurusa siya ng matinding sakit, hindi pa rin niya nilimot na ibigin ang Diyos, at patuloy pang hinanap na makamtan ang kaunawaan sa mga layunin ng Diyos. Sa kanyang mga panalangin ay binigkas niya ang sumusunod na mga salita: “Natupad ko ang hindi hihigit sa pagbabalik ng kabayaran ng Iyong pag-ibig. Hindi ako nagpatotoo sa Iyo sa harap ni Satanas, hindi napalaya ang sarili ko mula sa impluwensya ni Satanas, at nanatiling namumuhay sa gitna ng laman. Nais kong gamitin ang aking pag-ibig para madaig si Satanas, hiyain ito, at nang sa gayon ay matugunan ko ang Iyong mga layunin. Nais kong ibigay sa Iyo ang buong sarili ko, at hindi ibigay ni katiting man ng aking sarili kay Satanas, dahil si Satanas ay Iyong kaaway.” Kapag lalo siyang nagsisikap sa daang ito, lalo siyang naaantig, at lalong tumataas ang kanyang kaalaman sa mga bagay na ito. Lingid sa kanyang kamalayan, nabatid niyang kailangan niyang kumawala sa impluwensya ni Satanas, at dapat na lubusan siyang manumbalik sa Diyos. Iyon nga ang kinasasaklawang kanyang nakamit. Napapanaigan niya ang impluwensya ni Satanas, at inaalis sa kanyang sarili ang mga kasiyahan at mga pagtatamasa ng laman, at ginustong maranasan nang mas malalim kapwa ang pagkastigo at paghatol ng Diyos. Sinabi niya, “Kahit na ako ay nabubuhay sa gitna ng Iyong pagkastigo at sa gitna ng Iyong paghatol, gaano man ang kahirapang mararanasan, hindi pa rin ako mamumuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, hindi pa rin ako payag magdusa sa mga panlilinlang ni Satanas. Nalulugod ako sa pamumuhay sa gitna ng Iyong mga sumpa, at namimighati sa pamumuhay sa gitna ng mga pagpapala ni Satanas. Iniibig Kita sa pamamagitan ng pamumuhay sa gitna ng Iyong paghatol, at nagbibigay ito sa akin ng malaking kasiyahan. Ang Iyong pagkastigo at paghatol ay matuwid at banal; ito ay upang linisin ako, at higit pa ay upang iligtas ako. Mas gugustuhin kong gugulin ang aking buong buhay sa gitna ng Iyong paghatol upang mapasailalim ako sa Iyong pangangalaga. Hindi ako payag na mamuhay nang kahit isang saglit sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas; gusto kong malinis Mo ako; kahit na ako ay makaranas ng mga paghihirap, hindi ako payag na magamit at malinlang ni Satanas. Ako, ang nilikhang ito, ay dapat na magamit Mo, maangkin Mo, mahatulan Mo, at makastigo Mo. Dapat Mo nga rin akong sumpain. Ang aking puso ay nagsasaya kapag nalulugod Kang pagpalain ako, sapagkat nakita ko ang Iyong pag-ibig. Ikaw ay ang Lumikha, at ako ay isang nilikha: Hindi Kita dapat ipagkanulo at mamuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, ni dapat man akong magamit ni Satanas. Dapat akong maging kabayo Mo o baka, sa halip na mabuhay para kay Satanas. Mas mamarapatin kong mabuhay sa gitna ng Iyong pagkastigo, walang kaligayahang pisikal, at ito ay magbibigay-kasiyahan sa akin kahit na mawalan ako ng Iyong biyaya. Bagaman ang Iyong biyaya ay wala sa akin, nagsasaya ako na Iyong makastigo at mahatulan; ito ang Iyong pinakamainam na pagpapala, ang Iyong pinakadakilang biyaya. Bagaman Ikaw ay palaging maringal at puno ng poot sa akin, hindi pa rin Kita maitatakwil, at hindi pa rin Kita maiibig nang sapat. Pipiliin kong manirahan sa Iyong tahanan, pipiliin kong maisumpa, makastigo, at mapalo Mo, at hindi nais na mamuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, ni hindi ko rin gusto na magmadali at gawing abala ang aking sarili para lamang sa laman, at lalong hindi ko gustong mamuhay para sa laman.” Ang pag-ibig ni Pedro ay isang dalisay na pag-ibig. Ito ang karanasan ng ginagawang perpekto, at ang pinakamataas na kinasasaklawan ng pagiging ginawang perpekto; wala nang buhay na mas makahulugan diyan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol
Kaugnay na mga Himno
Pineperpekto ng Diyos Yaong Tunay na Nagmamahal sa Kanya
Ang mga Tao ay Magagawang Perpekto ng Diyos sa Pamamagitan Lang ng Paghahangad na Maunawaan ang Katotohanan sa Lahat ng Bagay