14. Ang ugnayan sa pagitan ng paggampan ng tungkulin at pagpapatotoo para sa Diyos

Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga Huling Araw

Ang naranasan at nakita ninyo ay higit pa sa mga santo at propeta mula sa lahat ng kapanahunan, ngunit kaya ba ninyong magbigay ng patotoo na higit pa sa mga salita ng mga dating santo at propetang ito? Ang ipinagkaloob Ko sa inyo ngayon ay higit pa kay Moises at higit pa kay David, kung kaya’t hinihiling Ko na ang inyong patotoo ay malampasan ang kay Moises at ang inyong mga salita ay maging higit pa kay David. Sandaang beses ang Aking ibinibigay sa inyo—kaya’t hinihiling Ko rin sa inyo na katumbas noon ang ibalik sa Akin. Dapat ninyong malaman na Ako ang nagkakaloob ng buhay sa sangkatauhan, at kayo ang tumatanggap ng buhay mula sa Akin at dapat magpatotoo sa Akin. Ito ang inyong tungkulin na Aking ipinapadala sa inyo at nararapat ninyong gawin para sa Akin. Ipinagkaloob Ko na sa inyo ang lahat ng Aking kaluwalhatian, ipinagkaloob Ko sa inyo ang buhay na hindi kailanman natanggap ng hinirang na bayan, ang mga Israelita. Kung tutuusin, dapat kayong magpatotoo sa Akin at italaga ang inyong kabataan at ialay ang inyong buhay sa Akin. Ang sinumang pagkalooban Ko ng Aking kaluwalhatian ay dapat na magpatotoo sa Akin at mag-alay ng kanilang buhay para sa Akin. Matagal Ko na itong naitadhana. Mapalad kayo na ipinagkakaloob Ko ang Aking kaluwalhatian sa inyo, at ang inyong tungkulin ay magpatotoo sa Aking kaluwalhatian. Kung maniniwala kayo sa Akin upang magtamo lamang ng mga pagpapala, walang gaanong magiging kabuluhan ang Aking gawain, at hindi ninyo magagampanan ang inyong tungkulin. … Ang natanggap ninyo ay hindi lamang ang Aking katotohanan, ang Aking daan, at ang Aking buhay, kundi isang pangitain at pahayag na higit pa kaysa kay Juan. Naunawaan ninyo ang higit na maraming misteryo, at nasaksihan na rin ang Aking tunay na mukha; higit pa ang natanggap ninyo sa Aking paghatol at higit pa ang nalalaman ninyo tungkol sa Aking matuwid na disposisyon. Kung kaya, kahit na ipinanganak kayo sa mga huling araw, ang inyong pang-unawa ay sa nauna at nakalipas, at naranasan na rin ninyo ang mga bagay sa kasalukuyan, at ang lahat ng ito ay personal Kong ginawa. Hindi labis ang hinihingi Ko sa inyo, sapagkat napakarami Ko nang naibigay sa inyo, at marami na ang nakita ninyo sa Akin. Samakatuwid, hinihiling Ko sa inyong magpatotoo para sa Akin sa mga banal ng mga nagdaang kapanahunan, at ito lamang ang nais ng Aking puso.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?

Hinggil sa gawain, naniniwala ang tao na ang gawain ay pumaroo’t parito para sa Diyos, mangaral sa lahat ng dako, at gumugol para sa Kanyang kapakanan. Bagama’t ang paniniwalang ito ay tama, masyado itong may pinapanigan; ang hinihiling ng Diyos sa tao ay hindi lamang ang magparoo’t parito para sa Diyos; higit pa rito, ang gawaing ito ay may kinalaman sa ministeryo at pagtustos sa loob ng espiritu. Maraming kapatid, kahit pagkaraan nitong lahat ng taon ng karanasan, ang hindi nakaisip na gumawa para sa Diyos, dahil ang gawaing iniisip ng tao ay hindi tumutugma sa hinihiling ng Diyos. Samakatuwid, hindi interesado ang tao sa anupamang patungkol sa gawain, at ito mismo ang dahilan kaya medyo may pinapanigan din ang pagpasok ng tao. Dapat ninyong simulang lahat ang inyong pagpasok sa paggawa para sa Diyos, upang mas mainam ninyong maranasan ang lahat ng aspeto ng karanasan. Ito ang dapat ninyong pasukin. Ang gawain ay tumutukoy hindi sa pagparoo’t parito para sa Diyos, kundi sa kung ang buhay ng tao at ang isinasabuhay ng tao ay nagbibigay ng kasiyahan sa Diyos. Ang gawain ay tumutukoy sa paggamit ng tao ng kanilang katapatan sa Diyos at sa kanilang kaalaman sa Diyos upang magpatotoo tungkol sa Diyos, at magministeryo din sa tao. Ito ang responsibilidad ng tao at ito ang dapat maunawaan ng lahat ng tao. Maaaring sabihin ng isang tao na ang pagpasok ninyo ang inyong gawain, at na naghahangad kayong pumasok sa panahon ng inyong paggawa para sa Diyos. Ang pagdanas sa gawain ng Diyos ay hindi lamang nangangahulugan na marunong kayong kumain at uminom ng Kanyang salita; ang mas mahalaga, kailangan ninyong malaman kung paano magpatotoo tungkol sa Diyos at makapaglingkod sa Diyos at makapagministeryo at makapaglaan sa tao. Ito ang gawain, at ito rin ang inyong pagpasok; ito ang dapat isakatuparan ng bawat tao.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 2

Napakarami mo nang naranasan sa gawain ng Diyos, nakita na ito ng sarili mong mga mata at personal mo itong naranasan; kapag nakaabot ka na sa pinakadulo, kailangan ay magawa mong gampanan ang tungkuling nakaatas sa iyo. Sayang iyon! Sa hinaharap, kapag pinalalaganap ang ebanghelyo, dapat mong makayang magsalita tungkol sa sarili mong kaalaman, magpatotoo sa lahat ng iyong natamo sa puso mo, at gawin ang lahat. Ito ang dapat maabot ng isang nilikha. Ano ang aktuwal na kabuluhan ng yugtong ito ng gawain ng Diyos? Ano ang epekto nito? At gaano rito ang isinasakatuparan sa tao? Ano ang dapat gawin ng mga tao? Kapag nakakapagsalita ka nang malinaw tungkol sa lahat ng gawaing nagawa ng Diyos na nagkatawang-tao mula nang pumarito sa lupa, magiging husto ang iyong patotoo. Kapag nakakapagsalita ka nang malinaw tungkol sa limang bagay na ito: ang kabuluhan ng Kanyang gawain; ang mga nilalaman nito; ang diwa nito; ang disposisyon na kinakatawan nito; at ang mga prinsipyo nito, patutunayan nito na kaya mong magpatotoo sa Diyos, na tunay kang nagtataglay ng kaalaman. Ang Aking mga kinakailangan sa inyo ay hindi napakataas, at magagawa ng lahat ng nasa tunay na paghahabol. Kung nagpasya kang maging isa sa mga saksi ng Diyos, kailangan mong maunawaan kung ano ang kinapopootan ng Diyos at kung ano ang minamahal ng Diyos. Naranasan mo na ang marami sa Kanyang gawain; sa pamamagitan ng gawaing ito, kailangan mong malaman ang Kanyang disposisyon, maunawaan ang Kanyang mga layunin at Kanyang mga kinakailangan sa sangkatauhan, at gamitin ang kaalamang ito upang magpatotoo tungkol sa Kanya at tuparin ang iyong tungkulin.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 7

Ang unang prayoridad ng bawat nilikha ay ang ipalaganap ang ebanghelyo, ang magpatotoo sa gawain ng Diyos at ipalaganap ito sa buong mundo at hanggang sa kadulu-duluhan ng daigdig. Ito ang responsabilidad at obligasyon ng lahat ng tumatanggap sa ebanghelyo ng Diyos. Isa itong bagay na dapat nilang tuparin. Maaaring sa kasalukuyan ay hindi mo pa ginagampanan ang tungkuling ito, o na ang tungkuling ito ay isang bagay na malayong-malayo sa iyo, o na hindi mo kailanman naisip na isa itong tungkuling dapat mong gampanan. Gayunman, dapat maging malinaw ang puso mo tungkol dito: Konektado ang tungkuling ito sa iyo. Hindi lang ito isang responsabilidad para sa iba, responsabilidad at tungkulin mo rin ito. Hindi ibig sabihin na dahil lang sa hindi ka kasalukuyang nakatalaga para gumanap ng tungkuling ito ay wala nang kinalaman sa iyo ang tungkuling ito, na hindi ikaw ang dapat gumanap ng tungkuling ito, o na hindi ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos na gampanan ang tungkuling ito. Kung makakaabot sa ganitong antas ang pagkaunawa mo, hindi ba’t nangangahulugan ito na ang perspektiba tungkol sa tungkuling pagpapalaganap ng ebanghelyo na pinanghahawakan mo sa puso mo ay alinsunod sa katotohanan at sa layunin ng Diyos? Kapag umangat sa ganitong antas ang pagkaunawa mo, isang araw, kapag natapos na ninyong lahat ang lahat ng gawaing kasalukuyang tinatrabaho ninyo, ipag-uutos ng Diyos na ikalat at ipadala kayo sa iba’t ibang lugar, kahit sa ilang lugar na sa tingin ninyo ay lubhang kakaiba, lubhang hindi kaaya-aya, at napakahirap. Ano ang gagawin ninyo kung magkagayon? (Obligasyon namin na tanggapin ito.) Iyan ang sinasabi ninyo ngayon, pero pagdating ng araw, baka mapuno ng luha ang inyong mga mata. Ngayon, dapat maghanda kayo sa ganitong paraan: Dapat magkaroon ka ng ganitong kamalayan, “Ipinanganak ako sa kapanahunang ito. Mapalad ako na tinanggap ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at mapalad na magkaroon ng bahagi sa gawain ng plano ng pamamahala ng Diyos. Samakatuwid, ang halaga at kabuluhan ng buhay ko ay ang ilaan ang buong buhay ko sa pagpapalaganap ng gawaing ebanghelyo ng Diyos. Wala na akong iisipin pang iba.” May ganito ba kayong aspirasyon? (Mayroon.) Dapat kayong magkaroon ng ganitong aspirasyon at ginawa sana ninyo ang paghahanda at planong ito. Sa ganitong paraan lamang kayo maaaring maging isang tunay na nilikha, isang nilikhang minamahal ng Diyos at kasiya-siya sa Kanya.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpapalaganap sa Ebanghelyo ang Tungkuling Dapat Tuparin ng Lahat ng Mananampalataya

Kayong lahat ay abala ngayon sa pagganap ng inyong mga tungkulin, nagsasanay na mangaral at magpatotoo sa salita ng Diyos, at sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Maging paggawa man ito ng mga pelikula o pag-awit ng mga himno upang magpatotoo para sa Diyos, ang mga tungkulin bang ginagampanan ninyo ay may halaga sa tiwaling sangkatauhan? (Oo.) Nasaan ang halaga ng mga ito? Ang halaga ng mga ito ay nasa pagtulong sa mga taong makapagsimula sa tamang landas pagkatapos nilang makita ang mga salita at katotohanang ito na ipinahayag ng Diyos, at sa pagtulong sa mga tao na maunawaan na sila ay mga miyembro ng mga nilikha, at na dapat silang lumapit sa harapan ng Lumikha. Maraming tao ang hindi nakaiintindi o nakauunawa sa maraming bagay na kanilang hinaharap. Pakiramdam nila ay wala silang magawa at na ang buhay ay walang kabuluhan at hungkag, at na wala silang suportang espirituwal. Ano ang pinagmumulan ng lahat ng ito? Ang sagot sa lahat ng ito ay nasa salita ng Diyos. Sa paglipas ng mga taon ng pananampalataya ninyo sa Diyos, nabasa na ninyong lahat ang marami sa Kanyang salita at naunawaan na ninyo ang ilang katotohanan, kaya nga ang tungkuling dapat ninyong gampanan ay ang gamitin ang salita ng Diyos upang mabigyan sila ng kaliwanagan at maitama ang mga mali nilang kaisipan at pananaw, na magbibigay-kakayahan sa kanila na maunawaan ang katotohanang nasa salita ng Diyos at mahalata ang kadiliman at kasamaan ng mundo, at tutulong sa kanilang hanapin ang tunay na daan, mahanap ang Lumikha, marinig ang tinig ng Diyos, at mabasa ang Kanyang mga salita. Hahayaan sila nitong maunawaan ang ilang katotohanan at makita ang gawain ng pagliligtas na ginagawa ng Diyos, upang maaari silang bumaling sa Kanya at tanggapin ang Kanyang gawain. Iyon ang mismong tungkulin na dapat ninyong gampanan. Alam ninyong lahat sa inyong puso kung gaano karaming katotohanan ang naunawaan na ninyo at kung gaano karaming problema ang nalutas na ninyo mula ng manampalataya kayo sa Diyos. Sa kasalukuyan, maraming tao, kapwa mga relihiyosong tao at walang pananampalataya, ang naghahanap sa tunay na daan at naghahanap sa Tagapagligtas. Hindi nila alam ang mga sagot sa mga partikular na katanungan katulad ng kung bakit nabubuhay at namamatay ang mga tao, kung ano ang halaga ng buhay ng isang tao, o kung saan nanggaling ang mga tao at saan sila patungo. Hinihintay nila kayong mangaral ng ebanghelyo at magpatotoo para sa Diyos, at na dalhin sila sa harapan ng Lumikha—kaya nga ang mga tungkuling ginagampanan ninyo ngayon ay napakamakabuluhan! Sa isang banda, nararanasan ninyo mismo ang gawain ng Diyos, at sa kabilang banda naman, nagpapatotoo rin kayo sa iba tungkol sa gawain ng Diyos. Habang mas nararanasan ninyo ito, mas maraming katotohanan ang kailangan ninyong maunawaan at mataglay, at mas maraming gawain ang kailangan ninyong gawin. Ito ay isang napakagandang pagkakataon para maperpekto ng Diyos ang mga tao. Dapat kayong manalangin sa Diyos at bumaling sa Diyos anumang mga paghihirap ang makatagpo ninyo kapag ginagampanan ninyo ang inyong mga tungkulin; kapag lalo pang magkakasamang binabasa ng lahat ang salita ng Diyos at hinahanap ang katotohanan, walang suliraning hindi kayang malutas. Maraming katotohanan sa salita ng Diyos na kailangan ninyong maunawaan, kaya dapat ninyong mas madalas na pagnilayan at pagbahaginan ang mga ito, sa gayon, magkakaroon kayo ng kaliwanagan at pagtanglaw ng Banal na Espiritu. Walang suliranin ang hindi kayang lutasin sa pamamagitan ng pagsandig sa Diyos, dapat kayong magkaroon ng pananampalataya rito.

Pagkatapos likhain ng Diyos itong sangkatauhan, bumuo Siya ng isang plano ng pamamahala. Sa nakalipas na ilang libong taon, ang sangkatauhang ito ay hindi nagpasan ng anumang malaking responsabilidad o atas na magpatotoo para sa Lumikha, at ang gawaing ginawa ng Diyos kasama ang sangkatauhan ay medyo tago at simple. Gayunpaman, sa mga huling araw, ang mga bagay-bagay ay hindi na katulad ng dati. Nagsimula nang bumigkas ng mga salita ang Lumikha. Nagpahayag na Siya ng napakaraming katotohanan, at isiniwalat na Niya ang mga misteryo ng Kanyang plano ng pamamahala, ngunit ang tiwaling sangkatauhan ay mapurol ang utak at manhid: Nakakakita ang mga tao ngunit hindi nakakaalam, at nakakarinig ngunit hindi nakakaunawa, na para bang ang puso nila ay tumigas na. Kaya nga, kayong lahat ay may napakalaking responsabilidad! Ano ang napakalaki tungkol dito? Bukod sa pagpapalaganap ng mga salita at katotohanang ito na ipinahayag ng Diyos, mas mahalaga pa rin na magpatotoo kayo para sa Lumikha sa bawat nilikhang tao, at na dalhin din ninyo ang lahat ng nilikhang taong iyon na nakarinig na sa ebanghelyo ng Diyos sa harapan ng Lumikha, upang maunawaan nila ang kahalagahan ng paglikha ng Diyos sa sangkatauhan, at maintindihan na bilang mga nilikhang tao, dapat silang bumalik sa harapan ng Diyos, makinig sa Kanyang mga pahayag, at tanggapin ang lahat ng katotohanang ipinahayag Niya. Ganito magagawa ang lahat ng tao na magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Lumikha. Posible bang makamit ang mga resultang ito sa pamamagitan ng pagbabasa ng ilang sipi lamang mula sa salita ng Diyos? O sa pag-aaral na umawit ng iilang himno lamang? O sa paggawa ng isang aspekto lang ng gawain? Hindi. Kaya nga, kung gusto ninyong maayos na magampanan ang mga tungkulin ninyo, kailangan ninyong patotohanan ang mga pagkilos ng Lumikha at ang Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos gamit ang iba’t ibang pamamaraan at magkakaibang kaanyuan. Sa ganitong paraan, makakapagdala kayo ng mas maraming tao sa harapan ng Lumikha at matutulungan ninyo silang tumanggap at magpasakop sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos. Hindi ba’t isa itong napakalaking responsabilidad? (Oo.) Kung ganoon, ano dapat ang inyong maging saloobin sa inyong mga tungkulin? Ayos lang bang maging magulo ang isip? Ayos lang ba na ipagsawalang-bahala ang mga bagay-bagay? Ayos lang ba na gawin ang mga bagay-bagay nang walang kasigasigan at walang interes? Ang magpaliban at pabasta-basta lang gawin ang mga bagay-bagay? (Hindi.) Ano ang dapat ninyong gawin kung gayon? (Buong-pusong ilaan ang sarili.) Dapat ninyong buong-pusong ilaan ang inyong sarili gamit ang anumang kaliit-liitang enerhiya, karanasan, at kabatirang mayroon kayo. Hindi nauunawaan ng mga walang pananampalataya kung ano ang pinakamakabuluhang bagay na magagawa ng isang tao sa kanyang buhay, ngunit may naiintindihan kayo tungkol dito, hindi ba? (Oo.) Ang pagtanggap sa kung ano ang ipinagkatiwala sa inyo ng Diyos at ang pagtupad sa inyong sariling misyon—ito ang mga pinakaimportanteng bagay. Ang mga tungkuling ginagampanan ninyo ngayon ay mahalaga! Maaaring hindi mo nakikita ang mga epekto sa ngayon, at maaaring hindi ka nakakakuha ng magagandang resulta mula sa mga ito sa ngayon, ngunit hindi magtatagal ay magbubunga ang mga ito. Sa katagalan, kapag maayos na ginawa ang gawaing ito, ang kontribusyon na magagawa nito sa sangkatauhan ay imposibleng masukat gamit ang pera. Ang mga ganoong tunay na patotoo ay mas mamahalin at mahalaga pa kaysa anumang bagay, at ang mga ito ay mananatili magpasawalang-hanggan. Ito ang mabubuting gawa ng bawat taong sumusunod sa Diyos, at ang mga ito ay karapat-dapat na gunitain. Ang lahat ng bagay sa buhay ng tao ay walang saysay at hindi karapat-dapat gunitain, maliban na lang sa pananampalataya sa Diyos, paghahangad sa katotohanan, at pagtupad sa kanyang tungkulin bilang isang nilikha. Kahit pa nagawa mo na ang pinakakamangha-manghang tagumpay; kahit pa nakapunta at nakabalik ka na mula sa Buwan; kahit pa nakagawa ka na ng mga pagsulong sa siyensya na nakapagbigay ng ilang kapakinabangan o tulong sa sangkatauhan, ito ay walang saysay at ang lahat ng ito ay lilipas. Ano ang tanging bagay na hindi lilipas? (Ang salita ng Diyos.) Tanging ang salita ng Diyos, ang mga patotoo sa Diyos, ang lahat ng patotoo at gawaing nagpapatotoo para sa Lumikha, at ang mabubuting gawa ng mga tao ang hindi lilipas. Ang mga ito ay mananatili magpakailanman, at ang mga ito ay napakahalaga. Kaya nga, iwaksi ninyo ang lahat ng inyong limitasyon, isagawa ninyo ang matinding pagsusumikap na ito, at huwag ninyong hayaan ang inyong sarili na mahadlangan ng kung sinumang mga tao, at anumang mga pangyayari, at mga bagay; buong-puso ninyong igugol ang inyong sarili para sa Diyos, at ibuhos ang lahat ng inyong enerhiya at pagsisikap sa pagganap ng inyong mga tungkulin. Ito ang bagay na pinakapinagpapala ng Diyos sa lahat, at sulit ito gaano man karami ang paghihirap!

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagganap Lamang Nang Maayos sa Tungkulin ng Isang Nilikha Mayroong Halaga ang Buhay

Kung kinikilala mo na isa kang nilikha, dapat mong ihanda ang iyong sarili na magdusa at magbayad ng halaga alang-alang sa pagtupad ng iyong responsabilidad na ipalaganap ang ebanghelyo at alang-alang sa maayos na pagganap sa iyong tungkulin. Maaaring ang kabayaran ay ang pagdanas ng ilang pisikal na karamdaman o paghihirap, o pagdusahan ang mga pag-uusig ng malaking pulang dragon o ang mga maling pagkaunawa ng mga taong makamundo, gayundin ang mga paghihirap na pinagdaraanan ng isang tao kapag nagpapalaganap ng ebanghelyo: ang maipagkanulo, mabugbog at mabulyawan, makondena—ang dumugin pa nga at malagay sa panganib ang buhay. Posible, habang nagpapalaganap ng ebanghelyo, na mamamatay ka bago matapos ang gawain ng Diyos, at na hindi ka na mabubuhay upang masilayan ang araw ng kaluwalhatian ng Diyos. Dapat kang maging handa rito. Hindi ito para takutin kayo; ito ay katotohanan. Ngayong nalinaw Ko na ito, at naunawaan na ninyo ito, kung taglay pa rin ninyo ang paghahangad na ito, at nakasisigurong hindi ito magbabago, at mananatili kayong tapat hanggang sa kamatayan, nagpapatunay ito na taglay ninyo ang isang tiyak na tayog. Huwag ipagpalagay na magiging ligtas sa panganib ang pagpapalaganap ng ebanghelyo sa ibayong mga bansang ito na may mga kalayaan sa relihiyon at mga karapatang pantao at magiging maayos ang lahat ng gagawin mo, na lahat ito ay magkakaroon ng mga pagpapala ng Diyos at makakasama ng Kanyang dakilang kapangyarihan at awtoridad. Ito ay mga kuru-kuro at imahinasyon lamang ng tao. Naniwala rin sa Diyos ang mga Pariseo, ngunit dinakip nila ang Diyos na nagkatawang-tao at ipinako Siya sa krus. Kaya anong masasamang bagay laban sa Diyos na nagkatawang-tao ang kayang gawin ng mga kasalukuyang relihiyon sa mundo? Napakarami na nilang ginawang masamang bagay—hinahatulan ang Diyos, kinokondena ang Diyos, nilalapastangan ang Diyos—walang masamang bagay ang hindi nila kayang gawin. Huwag kalimutan na mga mananampalataya ang dumakip sa Panginoong Jesus at nagpako sa Kanya sa krus. Sila lang ang may pagkakataong gawin ang ganitong uri ng bagay. Walang pakialam sa gayong mga bagay ang mga walang pananampalataya. Ang mga mananampalatayang ito ang nakipagsabwatan sa pamahalaan upang dakpin ang Panginoong Jesus at ipako Siya sa krus. Bukod pa rito, paano namatay ang mga disipulo ng Panginoong Jesus? Sa mga disipulo, may mga pinukol ng bato, ipinakaladkad sa kabayo, ipinakong patiwarik, pinaghiwa-hiwalay ng limang kabayo ang katawan—sinapit nila ang lahat ng uri ng kamatayan. Ano ang dahilan ng kanilang kamatayan? Binitay ba sila nang naaayon sa batas para sa mga krimen nila? Hindi. Sila ay kinondena, binugbog, binulyawan, at pinatay dahil ipinalalaganap nila ang ebanghelyo ng Panginoon at tinanggihan ng mga tao ng mundo—ganyan kung paano sila minartir. Huwag nating pag-usapan ang pangwakas na kalalabasan ng mga martir na iyon, o ang pagpapakahulugan ng Diyos sa kanilang gawi, bagkus ay itanong ito: Nang sumapit sila sa kawakasan, umayon ba sa mga kuru-kuro ng tao ang mga paraan ng pagsapit nila sa kawakasan ng kanilang mga buhay? (Hindi.) Mula sa pananaw ng mga kuru-kuro ng tao, nagbayad sila ng gayon kalaking kabayaran upang ipalaganap ang gawain ng Diyos, pero sa huli ay napatay sila ni Satanas. Hindi ito umaayon sa mga kuru-kuro ng tao, ngunit ito mismo ang nangyari sa kanila. Ito ang tinulutan ng Diyos. Anong katotohanan ang mahahanap dito? Ang pagpapahintulot ba ng Diyos na mamatay sila sa ganitong paraan ay sumpa at pagkondena Niya, o ito ba ay Kanyang plano at pagpapala? Kapwa hindi. Ano ito? Pinagninilayan ng mga tao ngayon ang kanilang kamatayan nang may labis na dalamhati, ngunit ganoon ang mga bagay-bagay noon. Namatay sa ganoong paraan ang mga naniwala sa Diyos, paano ito maipaliliwanag? Kapag binabanggit natin ang paksang ito, inilalagay ninyo ang sarili ninyo sa kalagayan nila, kaya, malungkot ba ang inyong mga puso, at may nararamdaman ba kayong nakatagong kirot? Iniisip ninyo, “Tinupad ng mga taong ito ang kanilang tungkuling maipalaganap ang ebanghelyo ng Diyos at dapat ituring na mabubuting tao, kaya’t paano sila umabot sa gayong wakas at sa gayong kinalabasan?” Ang totoo, ganito namatay ang kanilang mga katawan at sumakabilang-buhay; ito ang paraan nila ng paglisan sa mundo ng tao, ngunit hindi iyon nangangahulugan na ganoon din ang kanilang kinahinatnan. Anuman ang paraan ng kanilang kamatayan at paglisan o kung paano man ito naganap, hindi ito ang paraan ng Diyos sa pagtukoy sa pangwakas na mga kalalabasan ng mga buhay na iyon, ng mga nilikhang iyon. Ito ay isang bagay na dapat mong malinaw na makita. Sa kabaligtaran, ginamit nila mismo ang mga kaparaanang iyon upang kondenahin ang mundong ito at upang magpatotoo sa mga gawa ng Diyos. Ginamit ng mga nilikhang ito ang kanilang napakahalagang buhay—ginamit nila ang huling sandali ng kanilang buhay upang magpatotoo sa mga gawa ng Diyos, upang magpatotoo sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, at upang ipahayag kay Satanas at sa mundo na tama ang mga gawa ng Diyos, na ang Panginoong Jesus ay Diyos, na Siya ang Panginoon, at ang nagkatawang-taong laman ng Diyos. Kahit hanggang sa huling sandali ng kanilang buhay, hindi nila kailanman itinatwa ang pangalan ng Panginoong Jesus. Hindi ba ito isang anyo ng paghatol sa mundong ito? Ginamit nila ang kanilang mga buhay upang ipahayag sa mundo, upang tiyakin sa mga tao na ang Panginoong Jesus ay ang Panginoon, na ang Panginoong Jesus ay Cristo, na Siya ang katawang-tao ng Diyos, na ang gawain ng pagtubos na ginawa Niya para sa buong sangkatauhan ay nagpapahintulot sa sangkatauhan na patuloy na mabuhay—hindi nagbabago ang katotohanang ito magpakailanman. Yaong mga naging martir dahil sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng Panginoong Jesus, hanggang sa anong punto nila tinupad ang kanilang tungkulin? Hanggang sa pinakahuling punto ba? Paano naipakita ang pinakahuling punto? (Inialay nila ang kanilang buhay.) Tama iyan, buhay nila ang kanilang naging kabayaran. Pawang panlabas na mga bagay ang pamilya, kayamanan, at ang materyal na mga bagay sa buhay na ito; ang tanging bagay na may kaugnayan sa sarili ay ang buhay. Sa bawat nabubuhay na tao, ang buhay ang bagay na pinaka-karapat-dapat na pakaingatan, ang pinakamahalagang bagay at, sa katunayan, nagawa ng mga taong ito na ialay ang pinakamahalagang pagmamay-ari nila—ang buhay—bilang patunay at patotoo sa pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan. Hanggang sa araw na sila ay mamatay, hindi nila itinatwa ang pangalan ng Diyos, at hindi rin nila itinatwa ang gawain ng Diyos, at ginamit nila ang kanilang mga huling sandali ng buhay upang magpatotoo sa pag-iral ng katunayang ito—hindi ba ito ang pinakamataas na anyo ng patotoo? Ito ang pinakamahusay na paraan ng pagganap ng isang tao sa kanyang tungkulin; ito ang pagtupad ng isang tao sa kanyang pananagutan. Nang pagbantaan at takutin sila ni Satanas, at, sa huli, kahit pa nang ipabayad sa kanila ang kanilang mga buhay, hindi nila tinalikdan ang kanilang responsabilidad. Ito ang kahulugan ng pagtupad ng isang tao sa tungkulin hanggang sa pinakasukdulang punto. Ano ang ibig Kong sabihin dito? Ibig Ko bang sabihin na gamitin ninyo ang ganoon ding paraan upang magpatotoo sa Diyos at upang maipalaganap ang Kanyang ebanghelyo? Sadyang hindi kinakailangang gawin mo ang ganoon, ngunit dapat mong maunawaan na ito ay iyong pananagutan, na kung kinakailangan ng Diyos na gawin mo ito, dapat mo itong tanggapin bilang iyong obligasyon. May takot at pag-aalala sa mga layunin ang mga tao ngayon, ngunit anong silbi ng mga damdaming iyon? Kung hindi kailangan ng Diyos na gawin mo ito, para saan ang pag-aalala tungkol dito? Kung kailangan ng Diyos na gawin mo ito, hindi ka dapat umiwas o tumanggi sa pananagutang ito. Dapat kang maagap na makipagtulungan at tanggapin ito nang walang pag-aalala. Paano man mamatay ang isang tao, hindi siya dapat mamatay sa harap ni Satanas, at hindi mamatay sa mga kamay ni Satanas. Kung mamamatay ang isang tao, dapat siyang mamatay sa mga kamay ng Diyos. Nagmula sa Diyos ang mga tao, at sa Diyos sila magbabalik—gayon ang katwiran at saloobing dapat taglayin ng isang nilikha. Ito ang panghuling katotohanang dapat unawain ng isang tao sa pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagganap sa kanyang tungkulin—dapat ibayad ng isang tao ang halaga ng kanyang buhay upang maipalaganap at magpatotoo sa ebanghelyo ng paggawa ng Diyos na nagkatawang-tao ng Kanyang gawain at pagliligtas sa sangkatauhan. Kung may ganito kang pagnanais, kung makakapagpatotoo ka sa ganitong paraan, kahanga-hanga iyon. Kung hindi ka pa rin nagtataglay ng ganitong uri ng pagnanais, kahit paano ay dapat mong maayos na tuparin ang pananagutan at tungkuling nasa harapan mo, ipinagkakatiwala na sa Diyos ang iba. Sa gayon marahil, habang lumilipas ang mga buwan at mga taon at dumarami ang iyong karanasan at ikaw ay tumatanda, at lumalalim ang iyong pagkaunawa sa katotohanan, matatanto mo na mayroon kang obligasyon at pananagutang ialay ang iyong buhay sa gawain ng ebanghelyo ng Diyos, maging hanggang sa huling sandali ng iyong buhay.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpapalaganap sa Ebanghelyo ang Tungkuling Dapat Tuparin ng Lahat ng Mananampalataya

Ang isang taong nananalig sa Diyos sa loob ng maraming taon nang walang anumang pagpasok sa buhay, hindi nakapagsasalita tungkol sa kanyang patotoo sa karanasan, lalong hindi nakapagpapatotoo sa Diyos, na hindi matagumpay na nakapagpapalaganap ng ebanghelyo sa sinuman—hindi siya karapat-dapat na tawaging saksi ng Diyos. Kaya, ang isang taong wala pang sapat na gulang ang tayog at walang pagpasok sa buhay ay hinding-hindi makapagpapatotoo sa Diyos. Ang hindi binabanggit na ipinapahiwatig dito ay na ang ganitong uri ng tao ay hindi namumuhay sa presensiya ng Diyos. Kung hindi ka namumuhay sa presensiya ng Diyos, wala kang pagpasok sa buhay, at hindi ka isang saksi ng Diyos, kung gayon, kikilalanin ka ba Niya bilang isa sa Kanyang mga tagasunod? Hindi ka Niya kikilalanin. Binigyan ka ng Diyos ng pagkakataong gawin ang iyong tungkulin, at handa kang gawin ito, pero sa pag-uugali mo ay nakita Niyang hindi mo kayang magpatotoo sa Kanya, kahit pagkatapos manalig sa Kanya nang mahabang panahon. Bukod sa wala kang tunay na kaalaman sa karanasan, namumuhay ka rin ayon sa iyong mga kuru-kuro at imahinasyon, wala kang katotohanang realidad, at hindi ka namumuhay sa presensiya ng Diyos. … Kung nais mong aprubahan ka ng Diyos bilang isa sa Kanyang mga tagasunod, kailangan mo munang tumuon sa pagpasok sa buhay. Dapat kang magsimula sa pag-unawa sa sarili mo, sa pagwaksi ng iyong tiwaling disposisyon, pagkamit ng abilidad na panghawakan ang iyong tungkulin, at isinasakatuparan iyong tungkulin ayon sa mga hinihingi ng Diyos—iyon ang una. Ang pagtuon sa pagpasok sa buhay ay alang-alang sa paggawa nang maayos ng iyong tungkulin, na siyang talagang pinapatungkulan ng lahat ng ito. Dapat simulan mong hangarin ang pagpasok sa buhay sa paggawa ng iyong tungkulin, at sa pagpasok sa buhay, dapat mong maunawaan at makamit ang katotohanan nang paisa-isa, hanggang sa maabot mo ang puntong mayroon ka nang tayog, kung saan unti-unting lumalago ang buhay mo at mayroon kang tunay na mga karanasan sa katotohanan. Pagkatapos ay kailangan mong maging dalubhasa sa lahat ng uri ng prinsipyo ng pagsasagawa, upang magawa mo ang tungkulin mo nang hindi napipigilan o nagugulo ng sinumang tao, pangyayari, o bagay. Sa ganitong paraan, unti-unti kang mamumuhay sa presensya ng Diyos. Hindi ka magugulo ng anumang uri ng tao, pangyayari, o bagay, at magkakaroon ka ng karanasan sa katotohanan. Habang mas dumarami ang karanasan mo, mas magagawa mong magpatotoo sa Diyos, at habang mas nakapagpapatotoo ka sa Diyos, unti-unti kang magiging isang kapaki-pakinabang na tao. Kapag naging isa kang kapaki-pakinabang na tao, magagawa mo ang iyong tungkulin nang pasok sa pamantayan ng sambahayan ng Diyos, makatatayo ka sa lugar ng isang nilikha at makakapagpasakop sa mga pagsasaayos at pangangasiwa ng Diyos, at magagawa mong manindigan. Tanging ang ganitong tao ang katanggap-tanggap na nilikha na taglay ang pagsang-ayon ng Diyos. Pagkatapos ay magiging karapat-dapat ka sa lahat ng ibinigay sa iyo ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpasok sa Buhay ay Nagsisimula sa Pagganap ng Tungkulin

Bagama’t ang inyong pananampalataya ay lubhang taos-puso, walang sinuman sa inyo ang may kakayahang ikuwento Ako nang buung-buo, walang sinumang makapagbigay ng buong patotoo sa lahat ng katotohanang nakikita ninyo. Pag-isipan ninyo ito: Ngayon, karamihan sa inyo ay pabaya sa inyong mga tungkulin, sa halip ay hinahangad ninyo ang laman, binibigyang-kasiyahan ang laman, at nagpapasasa sa pagpapakasaya sa laman. Kakaunti ang taglay ninyong katotohanan. Kung gayon, paano ninyo mapapatotohanan ang lahat ng nakita ninyo? Tiwala ba kayo talaga na maaari kayong maging mga saksi Ko? Kung dumating ang isang araw na hindi mo mapatotohanan ang lahat ng nakita mo ngayon, nawalan ka na ng silbi bilang isang nilalang, at mawawalan na ng anumang kahulugan ang iyong buhay. Hindi ka magiging karapat-dapat na maging tao. Masasabi pa na hindi ka magiging tao! Napakalaki ng nagawa Kong gawain sa inyo, ngunit dahil wala kang natututuhan sa kasalukuyan, wala kang kamalayan sa anuman, at hindi ka epektibo sa iyong mga pagsusumikap, kapag panahon na para palawakin Ko ang Aking gawain, tititig ka lamang sa kawalan, walang imik at lubos na walang-silbi. Kung gayon, hindi ba’t maaalala ka sa kasaysayan bilang isang makasalanan? Pagdating ng panahong iyon, hindi mo ba madarama ang pinakamatinding pagsisisi? Hindi ka ba malulungkot? Hindi Ko ginagawa ang lahat ng Aking gawain ngayon nang dahil sa katamaran at pagkainip, kundi upang maglatag ng isang pundasyon para sa Aking gawain sa hinaharap. Hindi naman sa wala na Akong patutunguhan at kailangan Kong makabuo ng isang bagay na bago. Dapat mong maunawaan ang gawaing ginagawa Ko; hindi ito isang bagay na ginagawa ng isang batang naglalaro sa kalye, kundi isang gawaing ginagawa bilang kinatawan ng Aking Ama. Dapat ninyong malaman na hindi Ako Mismo ang gumagawa ng lahat ng ito; sa halip, kinakatawan Ko ang Aking Ama. Samantala, ang inyong papel ay ang sumunod nang mahigpit, magpasakop, magbago, at magpatotoo. Ang dapat ninyong maunawaan ay kung bakit kayo dapat maniwala sa Akin; ito ang pinakamahalagang tanong na dapat maunawaan ng bawat isa sa inyo. Ang Aking Ama, alang-alang sa Kanyang kaluwalhatian, ay itinadhana kayong lahat para sa Akin mula sa sandaling nilikha Niya ang mundo. Para iyon sa kapakanan ng Aking gawain, at para sa kapakanan ng Kanyang kaluwalhatian, kaya Niya kayo itinadhana. Dahil sa Aking Ama kaya kayo naniniwala sa Akin; dahil sa pagtatadhana ng Aking Ama kaya ninyo Ako sinusunod. Wala sa mga ito ang nagmula sa sarili ninyong pagpapasiya. Ang mas mahalaga pa ay nauunawaan ninyo na kayo ang siyang ipinagkaloob sa Akin ng Aking Ama para magpatotoo sa Akin. Dahil ipinagkaloob Niya kayo sa Akin, dapat kayong sumunod sa mga daan na ipinagkakaloob Ko sa inyo, gayundin sa mga daan at sa mga salitang itinuturo Ko sa inyo, sapagkat tungkulin ninyong sumunod sa Aking daan. Ito ang orihinal na layunin ng inyong pananampalataya sa Akin. Samakatuwid, sinasabi Ko sa inyo ito: Kayo ay mga tao lamang na ipinagkaloob ng Aking Ama sa Akin upang sumunod sa Aking mga daan. Gayunman, naniniwala lamang kayo sa Akin; hindi kayo sa Akin sapagkat hindi kayo nanggaling sa pamilyang Israelita, at sa halip ay kauri kayo ng sinaunang ahas. Ang hinihiling Ko lamang na gawin ninyo ay magpatotoo para sa Akin, ngunit ngayon ay kailangan ninyong sumunod sa Aking daan. Lahat ng ito ay para sa kapakanan ng patotoo sa hinaharap. Kung magiging mga tao lamang kayo na nakikinig sa Aking mga daan, hindi kayo magkakaroon ng halaga, at ang kabuluhan ng pagkakaloob sa inyo ng Aking Ama sa Akin ay mawawala. Ang pilit Kong sinasabi sa inyo ay ito: Dapat ninyong sumunod sa Aking daan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Pagkaunawa Mo sa Diyos?

Batid mo na ba talaga ngayon kung bakit ka naniniwala sa Akin? Alam mo na ba talaga ang layunin at kabuluhan ng Aking gawain? Batid mo na ba talaga ang iyong tungkulin? Batid mo na ba talaga ang Aking patotoo? Kung naniniwala ka lamang sa Akin, ngunit walang bakas ng Aking kaluwalhatian o patotoo sa iyo, matagal na kitang itiniwalag kung gayon. Para sa mga nakakaalam ng lahat ng bagay, sila’y lalo pang mga tinik sa Aking mata, at sa Aking tahanan, mga hadlang lamang sila sa Aking daan, sila ay mga panirang damo na dapat ay ganap na matahip palayo sa Aking gawain, wala silang silbi, wala silang halaga, at matagal Ko na silang kinasusuklaman. Madalas bumabagsak ang Aking poot sa lahat ng walang patotoo, at hindi kailanman lumilihis sa kanila ang Aking pamalo. Matagal Ko na silang ibinigay sa mga kamay ng masama; at wala na sa kanila ang Aking mga pagpapala. Kapag dumating ang araw, ang kanilang pagkastigo ay magiging mas mabigat pa kaysa sa pagkastigo sa mga hangal na babae. Ngayon, ginagampanan Ko lang ang gawaing tungkulin Kong gampanan; pagbubungkus-bungkusin ko ang mga trigo, kasama ng mga panirang damo. Ito ang Aking gawain ngayon. Itatahip ang mga panirang damo sa panahon ng Aking pagtatahip, pagkatapos ang mga butil ng trigo ay iipunin sa kamalig, at ang mga panirang damo na natahip na ay itatapon sa apoy upang sunugin hanggang maging alabok. Ang Aking gawain ngayon ay igapos lang ang lahat ng tao sa mga bigkis, iyon ay, upang ganap na lupigin sila. Saka Ko sisimulan ang magtahip upang ibunyag ang katapusan ng lahat ng tao. Kung kaya’t dapat mo nang malaman kung paano mo Ako dapat bigyang-kaluguran ngayon, at kung paano mo dapat itakda sa tamang landas ang iyong pananampalataya sa Akin. Ang nais Ko ay ang iyong katapatan at pagpapasakop ngayon, ang iyong pag-ibig at patotoo ngayon. Kahit na hindi mo pa alam sa sandaling ito kung ano ang patotoo o kung ano ang pag-ibig, dapat mong ibigay sa Akin ang iyong lahat-lahat, at ibigay sa Akin ang tanging kayamanan na mayroon ka: ang iyong katapatan at pagpapasakop. Dapat mong malaman na ang patotoo ng Aking paggapi kay Satanas ay nasa katapatan at pagpapasakop ng tao, gayundin ang patotoo sa Aking ganap na paglupig sa tao. Ang tungkulin ng iyong pananampalataya sa Akin ay ang magpatotoo sa Akin, maging tapat sa Akin lamang, at maging mapagpasakop hanggang sa huli.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?

Kaugnay na mga Patotoong Batay sa Karanasan

Ang Pagpapatotoo sa Diyos ay Tunay na Paggawa ng Tungkulin

Kaugnay na mga Himno

Tungkulin ng Tao ang Sumaksi para sa Diyos

Ang Iyong Tungkulin Bilang Mananampalataya ay Magpatotoo para sa Diyos

Sinundan: 13. Ang ugnayan sa pagitan ng paggampan ng tungkulin at buhay pagpasok

Sumunod: 15. Ang paggampan nang maayos sa tungkulin ay tunay na patotoo

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 17: Pinatotohanan n’yo na ang Makapangyarihang Diyos ang Diyos ng mga huling araw na nagpapakita at gumagawa, at sinabi n’yo ring naghahanap ng katotohanan ang paniniwala n’yo sa Kanya, at tinatahak n’yo ang tamang daan ng buhay. Pero sa pagkakaalam ko, marami sa mga naniniwala sa Kanya sa Makapangyarihang Diyos ay katulad ng mga misyonaryo ni Jesus, na sa layunin ng pagpapakalat ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos, ay hindi nag-alinlangang iwan ang pamilya at propesyon, at ibinigay ang katawan at kaluluwa sa Diyos. Sa kanilang lahat marami sa mga kabataan ang hindi nagpapakasal, ginagawa nila ang tungkulin nila sa pagsunod kay Cristo ng mga huling araw. Hindi n’yo yata alam na, dahil iniiwan n’yo ang pamilya n’yo at kumikilos para ikalat ang ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos, lalong dumarami ang mga taong naniniwala sa Diyos. Kapag ang lahat ng tao ay napalapit na sa Diyos, sino pang maniniwala sa Partido Komunista, at susunod sa kanila? Malinaw na dahil dito, pinipigilan kayo at inaaresto ng gobyerno. May nakikita ba kayong mali rito? Dahil naniniwala kayo sa Diyos sa ganitong paraan kaya maraming tao ang inaresto at sinintesyahang makulong, at marami ang umalis ng bahay at lumikas. Maraming mag-asawa ang nagdiborsyo, at maraming bata ang walang mga magulang na, magmamahal sa kanila. Maraming matatanda ang walang karamay para mag-alaga sa kanila. Sa paniniwala sa Diyos sa ganitong paraan, dinanas ng mga pamilya ninyo ang matinding paghihirap. Ano ba talagang gusto ninyong makamit? Hindi kaya ito ang tamang daan para sa buhay ng tao na sinasabi n’yo? Ang tradisyunal na kultura ng Tsina ay nagbibigay ng higit na pagpapahalaga sa kabanalan ng pamilya. Ayon sa kasabihan: “Sa lahat ng kabutihan, ang paggalang ng anak sa magulang ang pinakamahalaga.” Sabi ni Confucius: “Habang buhay pa ang mga magulang n’yo, huwag kayong maglalakbay nang malayo.” Ang pagrespeto sa mga magulang ang pundasyon ng pag-uugali ng tao. Sa paniniwala at pagsunod sa Diyos sa paraang ginagawa n’yo, hindi nyo magawang alagaan kahit na ang mga magulang n’yong nagbigay-buhay at nag-aruga sa inyo, pa’no ito naituring na tamang daan para sa buhay ng tao? Madalas kong marinig sa mga tao na, mabubuti ang lahat ng sumasampalataya. Hindi mali yon. Pero naniniwala kayong lahat sa Diyos, sumasamba at nagtatanghal sa Kanya bilang dakila. Ito ang dahilan para magpuyos sa galit ang Partido Komunista, at mapuno ng pagkamuhi. Ginagawa n’yo ang tungkulin n’yo para maikalat ang ebanghelyo, pero ni hindi n’yo maalagaan ang mga sarili n’yong pamilya. Paano ito maituturing na kagandahang asal? Anong masasabi n’yo? Posible kaya na kahit hindi nakikita ay nagkamali kayo ng tinahak na daan sa paniniwala sa Diyos? Sa pagpapakalat ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos sa ganitong paraan, hindi ba’t sinisira n’yo ang pagkakaisa at katatagan ng lipunan? Nakikiusap ako sa inyo na itigil n’yo na ang paggawa ng mali. Bumalik na kayo sa lipunan sa lalong madaling panahon, samahan n’yo na ang pamilya n’yo, magkaro’n ng normal na buhay, at alagaang mabuti ang inyong pamilya. Dapat n’yong gawin ang tungkulin n’yo bilang mga anak at magulang. Ito lang ang pundasyon sa pag-uugali ng tao, at ito lang ang pinakapraktikal.

Sagot: Paulit-ulit mong sinasabi na maling daan ang tinahak namin sa paglisan sa mga pamilya at propisyon namin para maniwala sa Diyos at...

Tanong 8: Ang sinabi mo tungkol sa pagpunta sa impiyerno dahil sa pagkalaban sa Diyos, hindi ako naniniwala d’yan. Sino na ang nakakita sa impiyerno? Ano ang hitsura ng impiyerno? Ni hindi ko alam kung mayroon ngang Diyos. Hindi ko kinikilala na mayroong Diyos. Mayroon nga bang Diyos? Sino na ang nakakita sa Diyos? Kung ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kapag desperadong tinutuligsa at inaatake ng CCP ang Makapangyarihang Diyos, bakit hindi pa ito pinupuksa ng Diyos? Kung ibubunyag ng Diyos ang Kanyang walang-hanggang kapangyarihan at pupuksain ang Communist Party, Siya nga ang tunay na Diyos. Sa gayong paraan, kailangang kilalanin ng buong sangkatauhan na ang Makapangyarihang Diyos ang tunay na Diyos, kahit ang CCP ay kailangang manikluhod at sumamba sa tunay na Diyos. Sino ang mangangahas na kalabanin ang Diyos? Pero ano ang totoong nangyari? Ang nakita ko ay inaaresto ng mga pulis ng CCP ang mga nananalig sa Diyos sa lahat ng dako. Marami sa mga nananalig sa Diyos ang ibinilanggo, pinahirapan at nilumpo. Marami sa kanila ang pinatay. Gayunman, iniligtas ba sila ng Diyos n’yo? Paano nito mapapaniwala ang isang tao na totoo ang Diyos na pinananaligan n’yo? Hindi ko talaga kayo maunawaan. Tunay ba o huwad ang Diyos na pinananaligan n’yo? Nangangamba ako na ni hindi n’yo ito alam. Kung gayon, hindi ba kahangalan ’yan? Ano ang batayan n’yo sa pagsasabi na ang Diyos na pinananaligan n’yo ang tunay na Diyos? Malinaw ba n’yong maipapaliwanag ’yan?

Sagot: May karanasan na kayo. Tungkol sa pag-iral at pangingibabaw ng Diyos, talaga bang wala kayong alam? Mula nang likhain ang mundo,...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito