Tanong 9: Tinatanggap natin ang gawain ng Diyos ng mga huling araw, ngunit paano natin mararanasan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos upang matanggap natin ang katotohanan at buhay, tanggalin ang ating makasalanang kalikasan, at makamit ang kaligtasan upang pumasok sa kaharian ng langit?

Sagot: Paano mararanasan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos upang matanggap ang katotohanan at buhay at tanggalin ang ating makasalanang kalikasan upang makamit ang kaligtasan at pumasok sa kaharian ng langit, Ang tanong na inilabas ninyo ay napakahalaga, dahil nauugnay ito sa malalaking usapin ng ating katapusan at hantungan. Upang hanapin ang aspetong ito ng katotohanan, dapat muna nating basahin ang ilang sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos:

Ang ibig sabihin ng tunay na pananampalataya sa Diyos ay ang mga sumusunod: Batay sa paniniwala na ang Diyos ang may kapangyarihan sa lahat ng bagay, dinaranas ng isang tao ang Kanyang mga salita at Kanyang gawain, inaalis ang tiwaling disposisyon ng isang tao, pinalulugod ang kalooban ng Diyos, at nakikilala ang Diyos. Ganitong uri lamang ng paglalakbay sa buhay ang matatawag na ‘pananampalataya sa Diyos’(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita).

Ang proseso ng pagsasalita ngayon ay mismong ang proseso ng panlulupig. At paano ba dapat makipagtulungan ang mga tao? Sa pamamagitan ng pagkaalam kung paano kainin at inumin ang mga salitang ito, at pagkakamit ng pagkaunawa sa mga ito. Pagdating sa kung paano nilulupig ang mga tao, ito ay hindi isang bagay na magagawa nila nang mag-isa. Ang magagawa mo lamang ay, sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salitang ito, malaman ang iyong katiwalian at karumihan, ang iyong pagkasuwail at iyong pagiging di-matuwid, at magpatirapa sa harap ng Diyos. Kung, pagkatapos tarukin ang kalooban ng Diyos, naisasagawa mo ito, at kung mayroon kang mga pangitain at kaya mong lubos na magpasakop sa mga salitang ito, at hindi ka gumagawa ng anumang pagpili nang mag-isa, nalupig ka na—at ito ay siyang naging resulta ng mga salitang ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Paglupig 1).

Magtuon sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, tumutok sa paghahanap sa katotohanan at sa paghahanap sa mga hangarin ng Diyos sa Kanyang mga salita, at subukang maunawaan ang kalooban ng Diyos sa lahat ng bagay. Ito ang pinakapangunahin at ang pinakamahalagang paraan ng pagsasagawa. … Ang buong-pusong pagtatalaga sa mga salita ng Diyos ay pangunahing nangangahulugan ng paghahanap sa katotohanan, paghahanap sa hangarin ng Diyos sa loob ng Kanyang mga salita, pagtutuon ng pansin sa pag-unawa sa kalooban ng Diyos, at pag-unawa at pagkakamit ng mas maraming katotohanan mula sa mga salita ng Diyos. … pagtatamo ng pagkaunawa ng Kanyang disposisyon at ng Kanyang pagiging kaibig-ibig. Sinubukan din niyang unawain ang iba’t ibang tiwaling mga kalagayan ng tao mula sa mga salita ng Diyos, at unawain ang tiwaling kalikasan ng tao at ang tunay na mga pagkukulang ng tao, tinatamo ang lahat ng aspeto ng mga hinihiling ng Diyos sa tao upang mapalugod Siya. Nagkaroon siya ng napakaraming wastong mga pagsasagawa sa loob ng mga salita ng Diyos; ito ay halos naaayon sa kalooban ng Diyos, at ito ang pinakamahusay na pakikipagtulungan ng tao sa kanyang karanasan sa gawain ng Diyos(“Paano Lakaran Ang Landas ni Pedro” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw).

Bilang mga mananampalataya, kailangan muna nating maintindihan kung ano ang kahulugan ng paniniwala sa Diyos. Ang paniniwala sa Diyos ay nangangahulugang maranasan ang gawain ng Diyos at ang Kanyang salita, upang maintindihan ang katotohanan at isabuhay ang realidad ng katotohanan. Ito ang proseso ng paniniwala sa Diyos. Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay paghatol sa pamamagitan ng Kanyang salita. Pagkatapos, kung gusto nating malinis ang ating tiwaling disposisyon at makamit ang kaligtasan, kailangan muna nating pagsikapan ang salita ng Diyos at tunay na kainin at inumin ang mga salita ng Diyos, at tanggapin ang paghatol at mga pagbubunyag sa Kanyang salita. Kahit gaano pa tumatama ang salita ng Diyos sa puso, gaano pa ito kasakit, o gaano nito pinapagdusa tayo, siguraduhin muna na ang salita ng Diyos ay lahat katotohanan, at ang realidad ng buhay na dapat nating pasukin. Bawat pagbigkas sa salita ng Diyos ay upang linisin at baguhin tayo, upang ipatanggal sa atin ang ating tiwaling disposisyon at makamit ang kaligtasan, at higit pa upang ipaintindi sa atin ang katotohanan upang makamit ang kaalaman ng Diyos. Kaya kailangan nating tanggapin ang paghatol at pagkastigo, pagpupungos at pakikitungo ng salita ng Diyos. Kung gusto nating matanggap ang katotohanan sa salita ng Diyos, kailangan nating magawang magdusa dahil sa pagtanggap at pagsunod sa salita ng Diyos at sa katotohanan. Kailangan nating hanapin ang katotohanan sa salita ng Diyos, pakiramdaman ang kalooban ng Diyos, at magnilay-nilay at kilalanin ang ating mga sarili, Magnilay-nilay sa salita ng Diyos upang malaman ang ating sariling kayabangan, pandaraya, pagkamakasarili at pagiging kasuklam-suklam, paano natin pinakikitunguhan ang mga transaksiyon sa Diyos, sinasamantala ang Diyos, dinadaya ang Diyos, pinaglalaruan ang katotohanan, at iba pang mga mala-satanas na disposisyon, pati na ang iba’t ibang karumihan sa ating paniniwala sa Diyos at mga intensyon na tumanggap ng mga biyaya. Sa ganitong paraan, dahan-dahan nating malalaman ang katotohanan ng ating katiwalian at diwa ng ating kalikasan. Matapos nating maintindihan ang higit pang katotohanan, dahan-dahang lalalim ang ating kaalaman tungkol sa Diyos, at siyempre natural nating malalaman kung anong uri ng tao ang gusto at hindi gusto ng Diyos, anong uri ng tao ang kanyang ililigtas o aalisin, anong uri ng tao ang kanyang gagamitin, at anong uri ng tao ang kanyang bibiyayaan. Sa sandaling maunawaan natin ang mga bagay na ito, magsisimula nating maintindihan ang disposisyon ng Diyos. Lahat ng mga ito ay resulta ng pagkakaranas sa paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos. Binibigyang-pansin ng lahat ng naghahanap ng katotohanan ang pagkakaranas sa paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos, binibigyang-pansin ang paghahanap ng katotohanan sa lahat ng bagay, at binibigyang-pansin ang pagsasagawa sa salita ng Diyos at pagsunod sa Diyos. Magagawa ng ganoong mga tao na dahan-dahang maintindihan ang katotohanan at pumasok sa realidad sa pamamagitan ng pagdanas sa salita ng Diyos, at makamit ang kaligtasan at maging perpekto. Yaon namang hindi nagmamahal sa katotohanan, bagama’t nakikilala nila ang pagpapakita at gawain ng Diyos mula sa katotohanang ipinahayag ng Diyos, iniisip nila na kaya nilang makamit nang tiyak ang kaligtasan basta’t talikuran nila ang lahat ng bagay para sa Diyos at tuparin ang kanilang tungkulin. Sa bandang huli, hindi pa rin nila matatanggap ang katotohanan at buhay matapos maniwala sa Diyos nang maraming taon. Naiintindihan lamang nila ang ilang mga salita, sulat, at doktrina, ngunit iniisip nilang alam nila ang katotohanan at nakamit ang katunayan. Nagsisinungaling sila sa kanilang mga sarili at siguradong aalisin sila ng Diyos. Paano natin mararanasan ang gawain ng Diyos upang makamit ang kaligtasan? Basahin natin ang ilan pang mga sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Hindi makalalago ang buhay ng isang tao sa pagbabasa lamang ng salita ng Diyos, kundi kapag isinasagawa lamang niya ang salita ng Diyos. Kung ang paniniwala mo ay na ang pag-unawa lamang sa salita ng Diyos ang kailangan upang magkaroon ng buhay at tayog, baliko ang pang-unawa mo. Nangyayari ang tunay na pagkaunawa sa salita ng Diyos kapag isinasagawa mo ang katotohanan, at kailangan mong maunawaan na ‘sa pagsasagawa lamang ng katotohanan ito maaaring maunawaan’(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Sandaling Maunawaan Ninyo ang Katotohanan, Dapat Ninyo Itong Isagawa).

Sa kanyang paniniwala sa Diyos, hinangad ni Pedro na bigyang-kasiyahan ang Diyos sa lahat ng bagay, at hinangad na sundin ang lahat ng nagmula sa Diyos. Wala ni katiting na reklamo, nagawa niyang tanggapin ang pagkastigo at paghatol, gayundin ang pagpipino, kapighatian at kakulangan sa kanyang buhay, at walang isa man dito na maaaring magpabago sa kanyang pagmamahal sa Diyos. Hindi ba ito ang sukdulang pagmamahal sa Diyos? Hindi ba ito ang katuparan ng tungkulin ng isang nilalang ng Diyos? Sa pagkastigo man, paghatol, o kapighatian, lagi kang may kakayahang maging masunurin hanggang kamatayan, at ito ang dapat makamit ng isang nilalang ng Diyos, ito ang kadalisayan ng pagmamahal sa Diyos. Kung makakamtan ng tao ang ganito, siya ay isang angkop na nilalang ng Diyos, at wala nang ibang mas nagbibigay-kasiyahan sa naisin ng Lumikha(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao).

Kung hinahangad mo ang katotohanan, kung isinasagawa mo ang katotohanan, at kung nagtatamo ka ng pagbabago sa iyong disposisyon, tama ang landas na iyong tinatahak. Kung hinahangad mo ang mga pagpapala ng laman, at isinasagawa mo ang katotohanan ng sarili mong mga kuru-kuro, at kung walang pagbabago sa iyong disposisyon, at hindi ka masunurin kailanman sa Diyos na nasa katawang-tao, at nabubuhay ka pa rin sa kalabuan, siguradong dadalhin ka sa impiyerno ng iyong hinahangad, sapagkat ang landas na iyong tinatahak ay ang landas ng kabiguan. Kung gagawin kang perpekto o aalisin ay depende sa iyong sariling paghahangad, na ibig ding sabihin ay ang tagumpay o kabiguan ay depende sa landas na tinatahak ng tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao).

Kung ang isang tao ay kayang bigyang-kasiyahan ang Diyos habang tinutupad ang kanyang tungkulin, may prinsipyo sa mga salita at kilos niya, at kayang pumasok sa katotohanang realidad ng lahat ng aspeto ng katotohanan, siya ay isang taong gagawing perpekto ng Diyos. Masasabi na ang gawain at mga salita ng Diyos ay lubos na naging mabisa para sa gayong mga tao, na ang mga salita ng Diyos ay naging mga buhay nila, na nakamit na nila ang katotohanan, at na nagagawa nilang mabuhay alinsunod sa mga salita ng Diyos. Pagkatapos nito, ang kalikasan ng kanilang laman—iyon ay, ang pinakasaligan ng kanilang orihinal na pag-iral—ay mayayanig at mabubuwal. Pagkatapos taglayin ng mga tao ang mga salita ng Diyos bilang kanilang buhay, magiging mga bagong tao sila. Kung ang mga salita ng Diyos ay maging buhay nila, kung ang pangitain ng gawain ng Diyos, ang Kanyang mga kinakailangan mula sa sangkatauhan, ang Kanyang mga pahayag sa tao, at ang mga pamantayan para sa isang tunay na buhay na hinihingi ng Diyos na magawa nila ay maging buhay nila, kung nabubuhay sila alinsunod sa mga salita at katotohanang ito, sila ay pineperpekto sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Muling isinisilang ang gayong mga tao, at naging mga bagong tao na sila sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos(“Paano Lakaran Ang Landas ni Pedro” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw).

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang buhay ng isang tao ay lalago kapag angsalita ng Diyos ay isinasagawa.” Ang linyang ito ang katotohanan. Ito ay napaka-praktikal. Ang mga mananampalatayang hindi nagsasagawa at nakakaranas ng salita ng Diyos ay hindi makakatanggap ng katotohanan. Ang isang taong walang katotohanan ay isang taong walang buhay. Nagbigay ang Makapangyarihang Diyos ng patotoo kung paano hinanap ni Pedro ang katotohanan upang maging perpekto. Si Pedro ay isang taong naghanap sa katotohanan. Hindi lamang niya hinanap kung paano mahalin ang Diyos, ngunit binigyang-pansin din niya ang pagbabago ng kanyang disposisyon sa buhay. Ang pangunahing pagpapahayag ay upang masunod niya ang paghatol at pagkastigo ng Diyos at tanggapin ang mga pagsubok at pagdadalisay. Kahit na ibinigay siya ng Panginoon kay Satanas, maaari pa rin siyang maging masunurin hanggang kamatayan. Siya ay ipinako sa krus nang pabaliktad para sa Panginoon, na nagbibigay ng maganda at matibay na patotoo. Binigyan ni Pedro ng natatanging pansin at pangangalaga ang paniniwala sa Diyos, masigasig na sinusunod at minamahal ang Diyos. Binigyan niya ng pansin hindi lamang ang pangangaral at pagtatrabaho, ngunit lalo na ang pagsasagawa sa katotohanan at pagpasok sa realidad Ito ang dahilan kung bakit sa huli ay ginawa siyang perpekto ng Diyos at natanggap niya ang pag-apruba ng Diyos. Alinsunod sa patotoo ni Pedro, tayong mga mananampalataya ay kailangang maghanap sa katotohanan kung gusto nating makamit ang kaligtasan, at bigyang-pansin ang pagsisikap sa salita ng Diyos, paghahanap sa katotohanan, at pag-unawa sa mga intensyon ng Diyos, isinasagawa ang katotohanan at pumapasok sa realidad. Sa pamamagitan ng paghahanap sa ganitong paraan, tayo ay mas maliliwanagan tungkol sa katotohanan, at magkakaroon ng mas maraming daan upang isagawa ito. Bago pa man natin malaman, nakapasok na tayo sa realidad ng katotohanan. Kung nakukuntento lamang tayo sa pag-intindi sa mga doktrina, kung gayon, hindi natin maisasagawa ang katotohanan at mapapasok ang katunayan. Ang pagkaalam sa mga doktrina ay hindi nangangahulugan na naiintindihan natin ang katotohanan. Tanging ang pag-intindi sa katotohanan ang makakatulong sa atin na makilala ang Diyos, makilala ang ating mga sarili, at tunay na magsisi. Ngunit hindi ito ang kaso sa pagkaalam sa mga doktrina. Yaong mas maraming nalalaman sa mga doktrina ay magiging mas mayabang at makasarili. At hindi nila kailanman makikilala ang Diyos o ang kanilang mga sarili. Pagdating sa pagdanas sa gawain ng Diyos ng mga huling araw, yaong mga hindi nagmamahal sa katotohanan ay natural lamang na iiwas sa paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos, at lalo pang lalayo sa Diyos lalo na kapag makita nila ang pagtama ng salita ng Diyos sa puso o na ito ay kasakit. Paano matatanggap ng ganoong mga tao ang katotohanan? Ang mga taong tunay na nagmamahal sa katotohanan ay nakahandang tiisin ang anumang dami ng pagdurusa alang-alang sa pagtanggap sa katotohanan. Magagawa nilang sumunod kapag nagdurusa mula sa paghatol ng salita ng Diyos. Magagawa rin nilang tumayo nang matatag kapag nahaharap sa mga pagsubok at pagdadalisay. Kahit nagkakawatak-watak ang kanilang mga pamilya, kahit mabilanggo sila, o isuko nila ang kanilang mga buhay, magagawa pa rin nilang tumayo at maging saksi para sa Diyos. Siguradong matatamo ng ganoong mga tao ang katotohanan at matatanggap ang pag-apruba ng Diyos pagkatapos maranasan ang gawain ng Diyos!

mula sa iskrip ng pelikulang Awit ng Tagumpay

Sinundan: Tanong 8: Paano eksaktong ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawaing paghatol upang iligtas at linisin ang sangkatauhan sa mga huling araw?

Sumunod: Tanong 10: Maraming kapatid na nananalig sa Panginoon ang hindi pa nalilinawan at naniniwala rito: Tinubos tayo ng Panginoong Jesus mula sa ating mga kasalanan at itinuturing na Niya tayong natubos na mula sa kasalanan. Basta’t nagdurusa tayo at nagsasakripisyo para ikalat ang ebanghelyo ng Panginoon, at kumikilos tayo nang maayos at tumatayo ring mga saksi, pagdating ng Panginoon dapat tayong madala sa kaharian ng langit. Susundin natin ang Panginoon hanggang wakas, hindi natin Siya nilalabanan o tinatanggihan ang Kanyang pangalan, kaya bakit kailangan pa rin tayong sumailalim sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 17: Pinatotohanan n’yo na ang Makapangyarihang Diyos ang Diyos ng mga huling araw na nagpapakita at gumagawa, at sinabi n’yo ring naghahanap ng katotohanan ang paniniwala n’yo sa Kanya, at tinatahak n’yo ang tamang daan ng buhay. Pero sa pagkakaalam ko, marami sa mga naniniwala sa Kanya sa Makapangyarihang Diyos ay katulad ng mga misyonaryo ni Jesus, na sa layunin ng pagpapakalat ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos, ay hindi nag-alinlangang iwan ang pamilya at propesyon, at ibinigay ang katawan at kaluluwa sa Diyos. Sa kanilang lahat marami sa mga kabataan ang hindi nagpapakasal, ginagawa nila ang tungkulin nila sa pagsunod kay Cristo ng mga huling araw. Hindi n’yo yata alam na, dahil iniiwan n’yo ang pamilya n’yo at kumikilos para ikalat ang ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos, lalong dumarami ang mga taong naniniwala sa Diyos. Kapag ang lahat ng tao ay napalapit na sa Diyos, sino pang maniniwala sa Partido Komunista, at susunod sa kanila? Malinaw na dahil dito, pinipigilan kayo at inaaresto ng gobyerno. May nakikita ba kayong mali rito? Dahil naniniwala kayo sa Diyos sa ganitong paraan kaya maraming tao ang inaresto at sinintesyahang makulong, at marami ang umalis ng bahay at lumikas. Maraming mag-asawa ang nagdiborsyo, at maraming bata ang walang mga magulang na, magmamahal sa kanila. Maraming matatanda ang walang karamay para mag-alaga sa kanila. Sa paniniwala sa Diyos sa ganitong paraan, dinanas ng mga pamilya ninyo ang matinding paghihirap. Ano ba talagang gusto ninyong makamit? Hindi kaya ito ang tamang daan para sa buhay ng tao na sinasabi n’yo? Ang tradisyunal na kultura ng Tsina ay nagbibigay ng higit na pagpapahalaga sa kabanalan ng pamilya. Ayon sa kasabihan: “Sa lahat ng kabutihan, ang paggalang ng anak sa magulang ang pinakamahalaga.” Sabi ni Confucius: “Habang buhay pa ang mga magulang n’yo, huwag kayong maglalakbay nang malayo.” Ang pagrespeto sa mga magulang ang pundasyon ng pag-uugali ng tao. Sa paniniwala at pagsunod sa Diyos sa paraang ginagawa n’yo, hindi nyo magawang alagaan kahit na ang mga magulang n’yong nagbigay-buhay at nag-aruga sa inyo, pa’no ito naituring na tamang daan para sa buhay ng tao? Madalas kong marinig sa mga tao na, mabubuti ang lahat ng sumasampalataya. Hindi mali yon. Pero naniniwala kayong lahat sa Diyos, sumasamba at nagtatanghal sa Kanya bilang dakila. Ito ang dahilan para magpuyos sa galit ang Partido Komunista, at mapuno ng pagkamuhi. Ginagawa n’yo ang tungkulin n’yo para maikalat ang ebanghelyo, pero ni hindi n’yo maalagaan ang mga sarili n’yong pamilya. Paano ito maituturing na kagandahang asal? Anong masasabi n’yo? Posible kaya na kahit hindi nakikita ay nagkamali kayo ng tinahak na daan sa paniniwala sa Diyos? Sa pagpapakalat ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos sa ganitong paraan, hindi ba’t sinisira n’yo ang pagkakaisa at katatagan ng lipunan? Nakikiusap ako sa inyo na itigil n’yo na ang paggawa ng mali. Bumalik na kayo sa lipunan sa lalong madaling panahon, samahan n’yo na ang pamilya n’yo, magkaro’n ng normal na buhay, at alagaang mabuti ang inyong pamilya. Dapat n’yong gawin ang tungkulin n’yo bilang mga anak at magulang. Ito lang ang pundasyon sa pag-uugali ng tao, at ito lang ang pinakapraktikal.

Sagot: Paulit-ulit mong sinasabi na maling daan ang tinahak namin sa paglisan sa mga pamilya at propisyon namin para maniwala sa Diyos at...

Tanong 16: Sabi n’yo ang Makapangyarihang Diyos ang pagpapakita ng Diyos sa mga huling araw, at ang tunay na daan. Sinasabi n’yo rin na ang Diyos ang lumikha sa mundong ito, at naghahari sa kung anong nangyayari sa daigdig, na ang gawain ng Diyos ang gumabay at nagligtas sa sangkatauhan. Ano ang basehan n’yo para patotohanan ang mga sinasabi n’yo? Kaming mga taga-Partido Komunista ay pawang mga ateista, at hindi kumikilala sa pag-iral ng Diyos o sa paghahari Niya sa lahat. Lalong hindi namin kinikilala ang sinasabi n’yong pagpapakita at gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Ang Jesus na pinaniniwalaan ng Kristiyanismo ay malinaw na isang tao. May mga magulang Siya, at may mga kapatid. Ganunpaman, ang Kristiyanismo ay malinaw na nag-uutos na kilalanin Siyang Cristo, at sambahin bilang Diyos. Talagang hindi ito kapani-paniwala. Kagaya lang ni Jesus ang Makapangyarihang Diyos na pinaniniwalaan N’yo, malinaw na isa lang s’yang ordinaryong tao. Kaya bakit kailangan ninyong ipilit na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao? Bakit kailangan n’yong patotohanan na Siya ang Cristong Tagapagligtas ng mga huling araw na naging tao? Talagang kalokohan at kabaliwan ito hindi ba? Hindi totoo na mayroong Diyos sa mundong ito. Lalong hindi totoo na may umiiral na Diyos bilang Diyos na nagkatawang-tao. Buong tapang ninyong sinasabing ang isang ordinaryong tao ay ang Diyos na nagkatawang-tao. Ano ang basehan ng sinasabi n’yong ito? Maipahahayag n’yo ba ang mga saligan, at basehan ng inyong paniniwala?

Sagot: Espiritu ang Diyos. Hindi Siya nakikita o nahahawakan ng tao. Pero maraming ginagawa ang Espiritu ng Diyos, at nagsasabi ng mga...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito