4. Paano harapin ang mga huwad na lider

Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga Huling Araw

Ano ang saloobing dapat taglayin ng mga tao pagdating sa kung paano tratuhin ang isang pinuno o manggagawa? Kung tama at alinsunod sa katotohanan ang ginagawa ng isang pinuno o manggagawa, maaari mo siyang sundin; kung mali at hindi alinsunod sa katotohanan ang ginagawa niya, hindi mo siya dapat sundin at maaari mo siyang ibunyag, salungatin at maaari kang maghayag ng ibang opinyon. Kung hindi siya nakakagawa ng aktuwal na gawain o gumagawa siya ng masasamang gawa na nagsasanhi ng kaguluhan sa gawain ng iglesia, at nabunyag na isang huwad na lider, isang huwad na manggagawa o isang anticristo, maaari mo siyang kilatisin, ilantad at iulat. Gayunman, hindi nauunawaan ng ilang taong hinirang ng Diyos ang katotohanan at lalo nang napakaduwag; natatakot silang masupil at mapahirapan ng mga huwad na lider at anticristo, kaya hindi sila nangangahas na itaguyod ang mga prinsipyo. Sinasabi nila, “Kung patatalsikin ako ng lider, tapos na ako; kung hihikayatin niyang ibunyag o talikuran ako ng lahat, hindi ko na magagawang maniwala sa Diyos. Kung patatalsikin ako sa iglesia, hindi ako gugustuhin at hindi ako ililigtas ng Diyos. At hindi ba’t mawawalan ng saysay ang aking pananalig?” Hindi ba katawa-tawa ang gayong pag-iisip? May tunay bang pananalig sa Diyos ang gayong mga tao? Kakatawanin ba ng isang huwad na lider o anticristo ang Diyos kapag pinatalsik ka niya? Kapag pinahirapan at pinatalsik ka ng isang huwad na lider o anticristo, kagagawan ito ni Satanas, at wala itong kinalaman sa Diyos; kapag inaalis o pinatatalsik ang mga tao mula sa iglesia, nakaayon lamang ito sa mga layunin ng Diyos kapag magkasamang nagdesisyon ang iglesia at ang lahat ng taong hinirang ng Diyos, at kapag ang pag-aalis o pagpapatalsik ay lubos na nakaayon sa mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos at sa mga katotohanang prinsipyo ng mga salita ng Diyos. Paanong ang mapatalsik ng isang huwad na lider o anticristo ay mangangahulugan na hindi ka maliligtas? Pag-uusig ito ni Satanas at ng anticristo, at hindi nangangahulugan na hindi ka maililigtas ng Diyos. Maliligtas ka man o hindi ay depende na sa Diyos. Walang taong kwalipikadong magdesisyon kung maaari ka bang iligtas ng Diyos. Dapat malinaw ito sa iyo. At para tratuhin ang pagpapatalsik sa iyo ng isang huwad na lider o anticristo bilang pagpapatalsik ng Diyos—hindi ba ito maling pag-unawa sa Diyos? Maling pag-unawa ito. At hindi lamang ito maling pag-unawa sa Diyos, kundi paghihimagsik din laban sa Diyos. Medyo paglapastangan din ito sa Diyos. At hindi ba’t kamangmangan at kahangalan ang maling pagkaunawa sa Diyos sa ganitong paraan? Kapag pinatalsik ka ng isang huwad na lider o anticristo, bakit hindi mo hanapin ang katotohanan? Bakit hindi ka maghanap ng isang taong nakauunawa sa katotohanan upang magkamit ka ng kaunting pagkakilala? At bakit hindi mo ito ipinaaalam sa mga nakatataas? Pinatutunayan nito na hindi ka naniniwalang naghahari ang katotohanan sa sambahayan ng Diyos, ipinapakita nito na wala kang tunay na pananampalataya sa Diyos, na hindi ka isang taong tunay na naniniwala sa Diyos. Kung nagtitiwala ka sa pagkamakapangyarihan sa lahat ng Diyos, bakit ka natatakot sa pagganti ng isang huwad na lider o anticristo? Mapagpapasyahan ba niya ang iyong kapalaran? Kung may kakayahan kang makakilala, at natukoy mong salungat ang kanilang mga ikinikilos sa katotohanan, bakit hindi ka makipagbahaginan sa mga taong hinirang ng Diyos na nakauunawa sa katotohanan? May bibig ka naman, kaya bakit hindi ka naglalakas-loob na magsalita? Bakit takot na takot ka sa isang huwad na lider o anticristo? Pinatutunayan nitong duwag ka, walang silbi, isang kampon ni Satanas. Kung hindi ka maglalakas-loob na ipaalam sa mga nakatataas kapag ikaw ay pinagbantaan ng isang huwad na lider o anticristo, ipinapakita nito na naigapos ka na ni Satanas at kaisa ka na nila ng damdamin; hindi ba’t pagsunod ito kay Satanas? Paano nabibilang ang ganitong tao sa mga taong hinirang ng Diyos? Siya ay patapon, ganoon lang kasimple. Lahat ng taong kaisa ng damdamin ng mga huwad na lider at mga anticristo ay hindi maaaring maging mabuti kailanman; sila ay mga taong gumagawa ng masama. Ang mga ganoong tao ay ipinanganak upang maging tauhan ng diyablo—sila ay mga kampon ni Satanas, at hindi na sila matutubos pa. … Narinig Ko na sa nakaraang dalawang taon, ang mga taong hinirang ng Diyos sa ilang kanayunan sa kalupaang Tsina ay nagkaisa na tanggalin sa puwesto ang mga huwad na lider at mga anticristo; ang ilang huwad na lider at anticristo ay pinuno pa nga ng mga grupong gumagawa ng desisyon, pero sa kabila nito, nagawa pa rin silang tanggalin ng mga taong hinirang ng Diyos. Ang mga taong hinirang ng Diyos ay hindi kinailangang maghintay ng pagsang-ayon mula sa Itaas; batay sa mga katotohanang prinsipyo, natukoy nila ang mga huwad na lider at mga anticristong ito—na hindi gumagawa ng tunay na gawain, at laging pinapahirapan ang mga kapatid, na umaakto nang magulo, at inaabala ang gawain ng sambahayan ng Diyos—at maagap na hinarap nila ang mga ito. Ang iba ay tinanggal mula sa mga grupong gumagawa ng desisyon, at ang ilan ay pinaalis sa iglesia—na napakabuti! Ipinapakita nito na ang mga taong hinirang ng Diyos ay nasa tamang landas na ng pananampalataya sa Diyos. May mga taong hinirang ng Diyos na nakakaunawa na sa katotohanan at ngayon ay nagtataglay na ng kaunting tayog, hindi na sila kinokontrol at niloloko ni Satanas, naglalakas-loob na silang tumindig at lumaban sa masasamang puwersa ni Satanas. Ipinapakita rin nito na hindi na nakakalamang ang mga puwersa ng mga huwad na lider at mga anticristo sa iglesia. Kaya hindi na sila naglalakas-loob na maging garapal sa kanilang mga salita at kilos. Sa oras na magpahalata sila, may taong mangangasiwa, kikilatis, at magtatakwil sa kanila. Sa madaling salita, ang katayuan, reputasyon, at kapangyarihan ng tao ay walang dominanteng katayuan sa puso ng mga taong tunay na nakakaunawa sa katotohanan. Ang mga ganoong tao ay hindi naniniwala sa mga bagay na iyon. Kapag ang isang tao ay maagap na nakakapaghanap ng katotohanan at nakakapagbahaginan tungkol dito, at kapag nagsimula na siyang magtaya muli at magnilay sa landas na dapat lakaran ng mga taong nananampalataya sa Diyos at sa kung paano niya dapat tratuhin ang mga lider at manggagawa, at nagsimula na siyang mag-isip kung sino ang dapat sundin ng mga tao, kung aling mga pag-uugali ang taglay ng mga sumusunod sa tao at alin ang taglay ng mga sumusunod sa Diyos, at pagkatapos, sa pangangapa sa mga katotohanang ito at pagdanas ng mga ito sa loob ng ilang taon, kapag nagawa na niyang maunawaan ang ilang katotohanan at maging mapagkilatis, nang hindi niya ito namamalayan—nakapagkamit na siya ng kaunting tayog. Ang kakayahang mahanap ang katotohanan sa lahat ng bagay ay ang makapasok sa tamang landas ng pananampalataya sa Diyos.

—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikatlong Aytem: Inihihiwalay at Binabatikos Nila ang mga Naghahanap ng Katotohanan

Matatakaw at mga tamad ang ilang huwad na lider, mas gusto nila ng kaginhawahan kaysa sa mabigat na gawain. Ayaw nilang gumawa o mag-alala, iniiwasan nila ang pagsisikap at responsabilidad, at gusto lang nilang magpakasarap sa kaginhawahan. Mahilig silang kumain, maglaro, at lubha silang tamad. Sa umaga, bumabangon lang sila kapag nakakain na ang lahat, at sa gabi, nanonood pa rin sila ng mga teleserye sa telebisyon habang nagpapahinga na ang iba. Isang brother na responsable sa pagluluto ang hindi na nakatiis at pinuna sila. Sa palagay ba ninyo ay makikinig sila sa isang kusinero? (Hindi.) Ipagpalagay nating pinagsabihan sila ng isang lider o manggagawa, sinasabi, “Kailangan mong maging mas masipag; ang gawaing kailangang gawin ay dapat na gawin. Bilang lider, dapat mong tuparin ang mga responsabilidad mo anuman ang gawain; dapat mong tiyaking walang mga problema rito. Ngayong may nakita nang problema, at wala ka para lutasin ito, nakakaapekto ito sa gawain. Kung palagi kang gumagawa sa ganitong paraan, hindi ba’t naaantala nito ang gawain ng iglesia? Kaya mo bang pasanin ang responsabilidad na ito?” Makikinig ba sila rito? Hindi sigurado. Para sa mga gayong huwad na lider, ang grupo ng mga tagapagpasya ay dapat na agad silang palitan at magsaayos ng ibang gawain para sa kanila, na magtutulot sa kanilang gawin ang anumang kaya nilang gawin. Kung wala silang kwenta, gustong maging palamunin kahit saan sila magpunta, kung wala silang kayang gawin, paalisin na sila at huwag nang bigyan ng anumang tungkulin. Hindi sila karapat-dapat na gumawa ng tungkulin; hindi sila tao, wala silang konsensiya at katwiran ng normal na pagkatao, wala silang kahihiyan. Para sa mga gayong huwad na lider, na maituturing na mga sanggano, kapag nakilatis na sila, dapat palitan na sila agad; hindi na kailangan pang subukang himukin sila, at hindi na sila dapat bigyan ng anumang pagkakataon para sumailalim sa obserbasyon, ni hindi na kailangang makipagbahaginan sa kanila tungkol sa katotohanan. Hindi ba’t sapat na ang narinig nilang mga katotohanan? Kung pinungusan sila, magagawa ba nilang magbago? Hindi. Kung ang isang tao ay may mahinang kakayahan, may mga katawa-tawang pananaw minsan, o hindi nauunawaan ang buong sitwasyon dahil sa pagiging ignorante, pero siya ay masipag, nagdadala ng pasanin, at hindi tamad, ang gayong tao, sa kabila ng mga paglihis sa paggawa ng tungkulin niya, ay pwedeng magsisi kapag iniharap siya sa pagpupungos. Sa pinakamababa, alam niya ang mga responsabilidad ng pagiging isang lider at alam niya kung ano ang dapat niyang gawin, may konsensiya siya at pagpapahalaga sa responsabilidad, at may puso siya. Gayumpaman, iyong mga tamad, mas pinipili ang kaginhawahan kaysa sa mabigat na gawain, at walang pasanin, ay hindi kayang magbago; kung walang pasanin sa puso nila, sinuman ang pumungos sa kanila, wala itong silbi.

—Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 4

Kung tinutulutan ang mga anticristo na maging sutil at arbitraryo sa isang iglesia, na sumigaw ng anumang islogan at argumentong nais nila para kontrolin at pagbantaan, o ilihis at iligaw ang mga kapatid, at binabalewala ito ng mga lider at manggagawa at hindi sila kumikilos, at hindi sila naglalakas-loob na ilantad o pigilan ang mga anticristo sa takot na masalungat ang mga ito, at dahil dito, arbitraryong pinaglalaruan at ginugulo ng mga anticristo ang mga kapatid sa iglesiang iyon, kung gayon, mapagpalugod ng mga tao ang mga lider ng iglesiang iyon, mga basura sila na dapat itiwalag. Kung mayroong pagkilatis sa mga anticristo at masasamang tao ang mga lider ng isang iglesia, at binibigyang-kakayahan nila ang hinirang na mga tao ng Diyos na tumindig at ilantad ang mga ito, at alisin ang mga diyablo para maprotektahan ang gawain ng sambahayan ng Diyos, kung gayon, maipapahiya nito ang mga diyablo at si Satanas, at matutugunan din nito ang layunin ng Diyos. Ang mga lider ng iglesiang ito ay mga kuwalipikadong lider na nagtataglay ng katotohanang realidad. Kung nagdurusa ang isang iglesia dahil sa panggugulo ng isang anticristo, at pagkatapos na matukoy at maitakwil ng mga kapatid, galit na galit na ginagantihan, inaapi, at kinokondena ng anticristo ang mga kapatid, at kung walang ginagawa ang mga lider ng iglesia, kung nagbubulag-bulagan sila, at umiiwas silang masalungat ang sinuman, kung gayon, mga huwad na lider ang mga lider na iyon. Mga basura sila at dapat itiwalag. Bilang isang lider ng iglesia, kung hindi magagamit ng isang tao ang katotohanan para lutasin ang mga problema, kung hindi niya kayang tukuyin, limitahan, at ibukod ang mga anticristo, kung hahayaan niya ang mga anticristo na malayang gawin ang anumang nais ng mga ito sa loob ng iglesia, mag-amok, at kung hindi niya maprotektahan ang hinirang na mga tao ng Diyos mula sa pagkalihis, at hindi rin niya maprotektahan ang hinirang na mga tao ng Diyos para magawa nila nang normal ang tungkulin nila—at, dagdag pa rito, kung hindi niya kayang panatilihin ang normal na pag-usad ng gawain ng iglesia—kung gayon, basura ang lider na iyon at dapat na itiwalag. Kung ang mga lider ng iglesia ay takot na ilantad, pungusan, limitahan, at aksiyonan ang isang anticristo dahil mabagsik at malupit ang anticristo, at kaya tinutulutan nila itong magwala sa iglesia, maging tirano, gawin ang anumang nais nito, at iparalisa ang karamihan sa gawain ng iglesia, pinatitigil ang gawain, kung gayon, ang mga lider ng iglesiang ito ay mga basura din at dapat na itiwalag. Kung, dahil sa takot sa paghihiganti ay hindi kailanman nagkakaroon ng lakas ng loob ang mga lider ng iglesia na ilantad ang isang anticristo, at hindi nila kailanman sinubukang pigilan ang masasamang gawa ng anticristo, na humantong sa malaking hadlang, kaguluhan, at pinsala sa buhay-iglesia at sa buhay pagpasok ng mga kapatid, kung gayon, basura din ang mga lider ng iglesiang ito at dapat itiwalag. I-eendorso ba ninyo na patuloy na mamuno ang mga gayong tao? (Hindi.) Kung gayon, ano ang dapat ninyong gawin kapag nakatagpo kayo ng mga ganitong lider? Dapat mo silang tanungin, “Gumagawa ng napakalaking kasamaan ang mga anticristo, kumikilos sila nang walang pakundangan sa iglesia, sinusubukan nilang mangibabaw—nagagawa mo bang pigilan sila? May lakas ka ba ng loob na ilantad sila? Kung hindi ka maglalakas-loob na umaksiyon laban sa kanila, dapat kang magbitiw. Magbitiw ka na agad. Kung pinoprotektahan mo lang ang sariling mga interes ng laman mo at ibinibigay mo ang mga kapatid sa mga anticristo at masasamang tao dahil natatakot ka sa mga anticristo, kung gayon, dapat kang isumpa. Hindi ka angkop na maging lider—isa kang basura, isang patay na tao!” Dapat ilantad at tanggalin ang mga gayong huwad na lider. Hindi sila gumagawa ng totoong gawain; kapag nahaharap sa masasamang tao, hindi nila pinoprotektahan ang mga kapatid, bagkus ay lumuluhod sila sa harap ng masasamang tao, nagpapahinuhod sa mga ito, at nagmamakaawa, namumuhay ng isang walang dangal na pag-iral. Basura ang mga gayong lider. Mga taksil sila, at dapat silang itakwil.

—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikawalong Bahagi)

Sumulat ka ng isang liham para mag-ulat ng mga problema tungkol sa isang huwad na lider, at gusto kang apihin ng huwad na lider, sinasabing, “Kung ayaw mong umayos diyan, kung patuloy kang mag-uulat ng mga problema ko sa mga nakatataas, magsusumbong tungkol sa akin, o magsusulat ng negatibong bagay sa aking mga pagsusuri, papatayin kita! May kapangyarihan akong itiwalag ka. Hindi ka ba natatakot?” Paano mo pangangasiwaan ang sitwasyong ito? Pinagbabantaan ka niya; sa partikular na salita, inaapi ka niya. Nasa kanya ang kapangyarihan, at isa kang ordinaryong mananampalataya, kaya’t pabasta-basta ka niyang pinahihirapan nang walang anumang prinsipyo o batayan. Tinatrato ka niya sa paraan ng pagtrato ni Satanas sa mga tao. Sa mas kongkretong termino, hindi ba’t inaapi ka niya? Hindi ba’t sinsubukan ka niyang pahirapan? (Oo.) Kaya, paano mo ito pangangasiwaan? Makikipagkompromiso ka ba o maninindigan sa mga prinsipyo? (Maninindigan sa mga prinsipyo.) Sa teorya, ang mga tao ay dapat manindigan sa mga prinsipyo at hindi matakot sa huwad na lider na ito. Ano ang batayan nito? Bakit hindi ka dapat matakot sa kanya? Kung talagang ititiwalag ka niya, matatakot ka ba? Dahil kaya ka talaga niyang itiwalag, baka hindi ka maglakas-loob na manindigan sa mga prinsipyo, at baka matakot ka. Saan naiipit ang usaping ito? Bakit ka natatakot? (Dahil hindi ako naniniwala na ang sambahayan ng Diyos ay nasa ilalim ng pamumuno ng katotohanan.) Iyan ay isang aspekto nito. Kailangan mong magkaroon ng ganitong pananalig at sabihing, “Isa kang masamang tao. Huwag mong isipin na dahil lang sa isa kang lider ngayon ay may kapangyarihan kang itiwalag ako. Mali ang pagtitiwalag sa akin. Malalantad ang bagay na ito sa malao’t madali. Hindi ikaw ang may tanging awtoridad sa sambahayan ng Diyos. Kung ititiwalag mo ako ngayon, maparurusahan ka sa huli. Kung hindi ka naniniwala, maghintay ka lang at makikita mo. Ang sambahayan ng Diyos ay pinamumunuan ng katotohanan, ng Diyos. Hindi ka maaaring parusahan ng mga tao, ngunit maaari kang ibunyag at itiwalag ng Diyos. Kapag nalantad ang iyong mga maling gawain, iyon ang oras na haharapin mo ang iyong kaparusahan.” Mayroon ka bang ganitong pananalig? (Oo.) Mayroon ka? Kung gayon, bakit hindi ninyo masabi ito? Mukhang malalagay ka sa panganib kung mahaharap ka sa mga ganitong sitwasyon; wala kang lakas ng loob at tunay na pananalig. Kapag talagang nahaharap ka sa mga bagay na ito, kapag nakatatagpo ka ng masasamang tao at mga anticristo na ganito kabagsik, na ang mga paraan ng pagpapahirap sa mga tao ay katulad ng sa malaking pulang dragon, ano ang gagawin mo kung gayon? Magsisimula kang umiyak, sasabihing, “Naku, mababa ang tayog ko, matatakutin ako, noon pa man ay takot na ako sa gulo, natatakot na nga ako kahit sa maliliit na bagay lang. Sana lang talaga ay hindi ko kailangang harapin ang mga gayong tao. Ano ang gagawin ko kung apihin nila ako?” Inaapi ka ba nila? Hindi ka nila inaapi; iyan ay si Satanas na nagpapahirap sa iyo. Kung titingnan mo ito mula sa perspektiba ng tao, masasabi mong, “Nakakatakot ang taong ito, mayroon siyang katayuan, at inaapi niya ang mga inosenteng tao na walang katayuan.” Iyan ba ang nangyayari? Mula sa pananaw ng katotohanan, hindi iyan pang-aapi; ito ay si Satanas na nagpapahirap sa mga tao, pinagmamalupitan sila, niloloko sila, tinitiwali sila, at niyuyurakan sila. Paano mo dapat harapin at pangasiwaan ang mga kilos na ito mula kay Satanas? Dapat ka bang matakot? (Hindi ako dapat matakot; dapat kong iulat at ilantad ang mga ito.) Sa puso mo, hindi ka dapat matakot sa kanila. Kung ang pag-uulat ng kanilang mga isyu at pakikipaglaban sa kanila ay hindi angkop sa ngayon, dapat pansamantala mong tiisin ang mga ito at maghanap ka ng tamang oras para iulat ang mga ito sa ibang pagkakataon. Kung may mga nakakakilatis na indibidwal na katulad mo sa iyong mga kapatid, dapat kayong magkaisa para iulat at ilantad ang kanilang masasamang gawa. Kung walang ibang taong may pagkilatis, at kapag nag-inisyatiba kang iulat sila, tinatanggihan ka ng lahat, maging mapagpasensya ka muna. Kapag pumunta sa iglesia ninyo ang mga mas nakatataas na lider para suriin at subaybayan ang gawain, maghanap ka ng tamang oras para iulat ang kanilang mga isyu sa mga lider na iyon, malinaw na ipahayag ang kanilang masasamang gawa nang detalyado, at hayaan ang mga lider na alisin sila. Matalino ba ito? (Oo.) Sa isang aspekto, dapat kang magkaroon ng pananalig at hindi matakot sa masasamang tao, anticristo, o kay Satanas. Sa isa pang aspekto, hindi mo dapat tingnan ang kanilang mga kilos sa iyo bilang pang-aapi ng isang tao sa isa pang tao; dapat mong tingnan ang diwa nito bilang panloloko, pagpapahirap, at pagyuyurak ni Satanas sa mga tao. Pagkatapos, depende sa sitwasyon, dapat kang gumamit ng karunungan para harapin ang kanilang pagpapahirap, humanap ng tamang panahon para ilantad at iulat sila, at pangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos at ang gawain ng iglesia. Ito ang patotoo na dapat mong panindigan at ang tungkulin at obligasyon na dapat mong gampanan bilang isang tao.

—Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 14

Natanggal man ang mga taong ito dahil wala silang kakayahang gumawa ng tunay na gawain at ikinaklasipika sila bilang mga huwad na lider, o dahil sinusunod nila ang landas ng mga anticristo at ikinaklasipika sila bilang ang uri ng mga tao na mga anticristo, kinakailangang makatwirang italaga sa ibang gawain ang mga taong ito, at gumawa ng mga makatwirang pagsasaayos para sa kanila. Kung mga anticristo sila na nakagawa na ng maraming masamang bagay, siyempre ay dapat silang patalsikin; kung hindi naman sila nakagawa ng maraming masamang bagay, pero may diwa sila ng isang anticristo at natukoy nang anticristo sila, hangga’t nakakapagserbisyo sila sa ilang maliit na paraan nang hindi nagdudulot ng pagkagambala o kaguluhan, hindi sila kailangang patalsikin—hayaan silang patuloy na magserbisyo at bigyan sila ng pagkakataong magsisi. Sa kaso ng mga huwad na lider na natanggal, ilipat sila sa ibang gawain batay sa mga kalakasan nila at sa mga tungkuling angkop na gawin nila, pero hindi na sila pwedeng magserbisyo bilang mga lider ng iglesia; sa kaso ng mga lider at manggagawang natanggal dahil napakahina ng kakayahan nila at wala silang kakayahang gumawa ng anumang gawain, ilipat din sila sa ibang gawain batay sa mga kalakasan nila at sa mga tungkuling angkop na gawin nila, pero hindi na pwedeng itaas ang ranggo nila sa pagiging lider o manggagawa. Bakit hindi? Nasubukan na sila. Nabunyag na sila, at malinaw na hindi akma ang kakayahan at abilidad sa gawain ng mga gayong tao sa pagiging lider. Kung hindi sila akmang maging lider, hindi ba sila makakagawa ng ibang mga tungkulin? Hindi naman. Hindi sila akmang maging lider dahil mahina ang kakayahan nila, pero kaya nilang gawin ang ibang mga tungkulin. Pagkatapos matanggal ng mga gayong tao, pwede nilang gawin anuman ang angkop para sa kanila. Hindi sila dapat tanggalan ng karapatang gumawa ng tungkulin; pwede pa rin silang gamiting muli kapag lumago na ang tayog nila sa hinaharap. Ang ilan ay natanggal dahil bata pa sila at wala pang anumang karanasan sa buhay, at wala ring karanasan sa gawain, kaya hindi nila kayang gampanan ang gawain at sa huli ay natanggal sila. Sa pagtatanggal sa ganitong uri ng mga tao, may kaunting kaluwagan. Kung pasok sa pamantayan ang pagkatao nila at sapat ang kakayahan nila, pwede silang gamitin pagkatapos maibaba ang ranggo nila, o pwede silang italaga sa ibang gawain na angkop sa kanila. Kapag malinaw na ang pagkaunawa nila sa katotohanan, at mayroon na silang kaunting kaalaman at karanasan sa gawain ng iglesia, ang mga gayong tao ay pwede pa ring maitaas ang ranggo at muling linangin batay sa kakayahan nila. Kung pasok sa pamantayan ang pagkatao nila pero napakahina ng kakayahan nila, walang anumang halaga ang paglilinang sa kanila, at talagang hindi sila pwedeng linangin o panatilihin.

Sa mga natanggal na, may dalawang uri ng mga tao na talagang hindi pwedeng muling itaas ang ranggo at linangin. Ang isa ay ang mga anticristo, at ang isa pa ay ang mga may masyadong mahinang kakayahan. Mayroon ding ilang tao na hindi itinuturing na mga anticristo, pero mayroon lang silang mababang pagkatao, makasarili at mapanlinlang sila at ang ilan sa mga taong ito ay tamad, naghahangad ng kaginhawahan ng laman at hindi kayang magtiis ng hirap. Kahit na napakagaling ng kakayahan ng mga gayong tao, hindi pwedeng muling itaas ang ranggo nila. Kung may kaunti silang kakayahan, hayaan silang gawin ang anumang bagay na kaya nilang gawin, hangga’t nagagawa ang mga angkop na pagsasaayos para doon; sa madaling salita, huwag itaas ang ranggo nila sa pagiging lider o manggagawa. Bukod sa pagkakaroon ng kakayahan at abilidad sa gawain, ang mga lider at manggagawa ay kailangang maunawaan ang katotohanan, mayroong pasanin para sa iglesia, kayang magsikap nang husto at magtiis ng pagdurusa, at dapat silang maging masipag at hindi tamad. Bukod dito, dapat ay medyo matapat at matuwid sila. Hindi mo talaga pwedeng piliin ang mga taong mapanlinlang. Iyong mga masyadong baluktot at mapanlinlang ay palaging nagpapakana laban sa mga kapatid, sa mga nakakataas sa kanila, at sa sambahayan ng Diyos. Ginugugol nila ang mga araw nila sa pag-iisip lang ng mga tusong kaisipan. Kapag nakikitungo sa ganitong klase ng tao, palagi mong kailangang hulaan kung ano ang totoong iniisip nila, kailangang palagi mong tanungin kung ano mismo ang ginagawa nila kamakailan, at kailangan mo sila palaging bantayan. Ang paggamit sa kanila ay masyadong nakakapagod at nakakapag-alala. Kung itataas ang ranggo ng ganitong uri ng tao para gumawa ng mga tungkulin, kahit na nauunawaan nila ang kaunting doktrina, hindi nila ito isasagawa, at aasahan nilang may mga benepisyo at pakinabang ang bawat maliit na gawaing ginagawa nila. Ang paggamit sa mga gayong tao ay masyadong nakakapag-alala at masyadong nakakaabala, kaya hindi pwedeng itaas ang ranggo ng mga gayong tao. Samakatwid, pagdating sa mga anticristo, sa mga may napakahinang kakayahan, sa mga may masamang pagkatao, sa mga tamad, nagnanasa ng kaginhawahan ng laman at hindi kayang magtiis ng hirap, at sa mga sobrang baluktot at mapanlinlang—kapag ang ganitong mga uri ng mga tao ay nabunyag at natanggal matapos na gamitin, huwag nang itaas ang ranggo nila sa pangalawang pagkakataon; huwag na silang muling gamitin nang mali pagkatapos silang makilatis.

—Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 6

Kaugnay na mga Patotoong Batay sa Karanasan

Pag-uulat sa Isang Huwad na Lider: Isang Personal na Pakikibaka

Sinundan: 3. Paano makilatis ang mga huwad na lider

Sumunod: 5. Paano makilatis ang mga anticristo

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 7: Ang CCP ay isang rebolusyonaryong partido. Ang pinaniniwalaan nito ay kabastusan at karahasan, ibig sabihin, pag-agaw sa kapangyarihan nang may karahasan! Kung tatanggapin natin ang katwiran ng CCP, “Ang isang kasinungalingan ay nagiging katotohanan kung uulit-ulitin nang sampung libong beses.” Gaano man karaming tao ang nagdududa sa salita nito, tumatanggi at hindi naniniwala rito, walang pakialam ang CCP kahit bahagya, at patuloy pa rin itong nagsisinungaling at nanlilinlang. Basta’t makakamtan nito ang mga agarang epekto at minimithi nito, wala itong pakialam sa magiging kapalit! Kung magrebelde at magprotesta ang mga tao laban dito, gagamit ito ng mga tangke at machine gun para lutasin ang lahat. Kapag kailangan, gagamit ito ng mga bomba atomika at missile para labanan ang mga puwersa ng kalaban. Maaaring gawin ng CCP ang lahat para manatili ito sa paghahari. Nang ipahayag sa publiko ang kaso sa Zhaoyuan sa Shandong, ang CCP ay nagpasimula ng maramihang pagpapadala ng mga sandatahang pulis para supilin at arestuhin ang mga Kristiyano anuman ang mangyari. Sino ang makakapigil dito? Sino ang nangahas na lumaban? Kahit nang makita ng mga dayuhan ang panloloko ng CCP, ano ang magagawa nila? Maraming paraan ang CCP para labanan ang pagtuligsa ng mga demokratikong puwersa ng mga taga-Kanluran. Gumagamit ito ng pera para ayusin ang lahat. May kasabihan nga na, “Sinumang tumanggap ng regalo ay ibinebenta ang kanyang kalayaan.” Paunti nang paunti ang mga bansang tumutuligsa sa CCP ngayon. Takot ang puwersa ng mga kaaway ng CCP na iparinig ang kanilang opinyon. Paano man n’yo ito sabihin, naigigiit pa rin ng CCP ang paghahari nito. Hangga’t may kapangyarihan ang Communist Party, kayong mga nananalig sa Diyos ay hindi makakaasang maging malaya! Ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa China ay talagang kamumuhian at ipagbabawal ng CCP. Makamtan man ng CCP ang mithiin nitong magbuo ng ateismo sa China o hindi, hindi ito titigil kailanman sa pag-aresto at pagsupil sa inyo! Matagal na itong malinaw sa akin. Kaya nga tinututulan kong mabuti ang pananalig n’yo sa Makapangyarihang Diyos. Para sa kapakanan n’yo ’yan, hindi n’yo ba nauunawaan?

Sagot: Napakasama ng CCP, pero umuunlad pa rin ito sa mundo at walang nangangahas na hadlangan ito. Ibig kayang sabihin n’yan ay permanente...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito